You are on page 1of 3

DULA DULAAN

PLOT
Tauhan : babae na anak – Lydia at Alison- tahimik lang dahil tinatakot sila ng nanay nila, Malia-
pinakamaganda at panganay
Kaibigan : Celina, Lucy at Leslie

Mayroong isang nanay meron siyang 3 anak na babae. Mahirap lang ang buhay nila kung kaya
naman yung nanay ay kumapit na sa patalim. Iyon ay ang gamitin ang kanyang anak upang kumita
sa paraan na ibenta ang mga katawan nito. Dahil sa mga makabagong mga teknolohiya isa sa mga
ginagamit ng mga tulad niya ay ang computer o internet. Dahil Mas madali dito makahanap ng
mga taong interesado rin sa cybersex. May mga kabigan sila malia , Lydia at Alison na matagal na
nilang kaibigan dahil simula palang pag kabata ay magkakasama na sila. Halos lahat ng mga
sikreto nila sa isat isa ay alam nila. Ngunit isang araw ay nakokonsensya na mga kabigan nila at
nagsumbong na ito sa mga kinauukulan at nireport ang mga maling Gawain na ginagawa ng nanay
nila Lydia, Alison at malia. Isang araw nagkaroon ng isang raid sa isang barangay at ang pamilya
niya ang isa sa mga nahuli.
PIIT
“Hawla ng hinagpis at galit”
Lahat ng tao ay may kanya-kanyang tadhana, minsan swerte kadalasan malas, pero alam
kong nasa kamay nating lahat ang mga tadhana na guguhit sa kapalaran ng ating buhay. Mahirap
dahil ang akala kong perpektong pamilya na bigay ng Diyos ay siya palang dala ng demonyo para
sirain ang buhay naming magkakapatid. Hindi madaling bumangon pero dahil ako ang gumagawa
ng aking tadhana pinipilit kong bumango kasama ng mga tunay na nagmamahal samin, ang aming
mga kaibigan. Malupit! Napakalupit nang buhay na dinanas naming magkakapatid sa kamay ng
aming ina. Ang akala kong maganda buhay ay nabalutan ng dilim at dahas na para bang hinubaran
kami ng sarili naming mga kamay. Ito ang buhay ko, buhay na sana’y hindi ko na natamasa dahil
para akong PIIT SA HAWLA NG HINAGPIS AT GALIT.
Ako si Malia, panganay sa magkakapatid, sinasabi ng nakararami na ako ang
pinakamaganda sa aming magkakapatid pero hindi ko sila pinapansin dahil para sa’kin pare-
parehas lang ang kagandahan naming magkakapatid. Ang inay kong si Ruby, maganda ang
pangalan pero ubod ng kasamaan ang ugali, hindi niya kami tinuring na mga anak simula nang
namatay ang aming itay na si Leandro na ubod ng sipag at mapagmahal na ama. Ang mga kapatid
ko na sina Lydia at Allison, magaganda pero masyadong tahimik at mahiyain. Masaya naman kami
sa simula pero panandalian lang dahil sa hirap ng buhay. Nagsimula ang kalbaryo ng buhay naming
magkakapatid sa kamay ng aming inay noong naubos namin ang ulam at walang natira para sa
aming inay.
Habang Kumakain….
Malia: Grabe! Gutom na gutom na talaga ako kanina pa sa eskwelahan para bang gusto ko nang
mamalimos sa mga kaklase ko kahit tira-tira nalang.
Allison: Hay naku!!! ‘Di ka pa ba sanay ate? Paanong di tayo magugutom eh maski sinkong duling
‘di nga tayo mabigyan ng inay nating sugalera.
Lydia: Sana suwertihin naman si inay sa pagsusugal niya para naman maiba naman ulam natin lagi
nalang kasing tuyo eh.
Malia: Pumirme ka nga!!! Buti nga at may ulam pa tayong nakakain kaysa naman sa iba na asin
nalang ang inuulam sa kanin.
Allison: Sang-ayon ako kay Lydia, ate. Sana buhay pa si itay para kahit sana hotdog o isaw man
lang makatikim tayo isang beses sa isang lingo.
Malia: Tama na ang drama, hayaan niyo kapag nakapagtapos na ako sa pag-aaral bibilhan ko kayo
ng iba’t- ibang ulam na gusto niyo.
Lydia at Allison: Pangako?
Malia: Pangako!!!
Hindi nila namalayang naubos na pala ang ulam kasabay ng pagdating ng kanilang inay…
Ruby: Anong pangako? Pangako niyo mga ulo niyo!!! Minamalas na nga ako sa sugal pati ba
naman sa inyo mamalasin din. Puro kayo pangako, lagi namang napapako.
*Sabay tingin sa ulam
Lydia: Hayaan mo inay, susuwertihin ka rin balang-araw. Try and try until you succeed!!!
Ruby: Ako ba pinagloloko mo Lydia??? Paanong susuwertihin ako eh ubos na yung ulam!!! Lintik
na yan! Minalas na nga ako, papatayin niyo pa ako sa gutom, bwesit!!!
Malia: Pasensya na inay, gutom lang talaga kaming magkakapatid kaya ‘di na namin namalayan
naubos na yung ulam. Akala rin namin kumain ka na kaya inubos na namin.
Ruby: Ay aba! Pinangungunahan mo na ako ngayon Malia? Gutom man kayo o hindi ako ang
magdedesisyon kung ano lang ang dapat niyo kainin, mga walang hiya!
Malia: Hindi naman po sa ganon….
Ruby: Ay aba!!! Sasagot ka pa ha! Tandaan ninyo ang araw na ito, ito ang araw ng huli niyong
kalayaan. Layas sa harap ko!!!
*Umalis ang magkakapatid

You might also like