You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino I

Pinagsanib na aralin sa Filipino at Araling Panlipunan


Ikatlong Markahan
Ika-apat na Linggo
(Unang Araw)
I. Layunin:
- natutukoy kung sino ang inilalarawan ng iba gamit ang mga pang-uri dito sa wikang Filipino

II. Paksa: Pang-uri


1. Wikang Binigkas at Pag-unawa sa Napakinggan: Nailalahad muli ang salaysay ng iba gamit ang mga payak
na salita.
2. Gramatika: Nagagamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan ng sarili at mga kaklase.
Sanggunian:
K-12 Filipino I Patnubay ng Guro (Q 3 & 4)
pah. 11-13
Bumasa at Sumulat pah. 91-99

Kagamitan: plaskard, tsart ng kuwento, mga larawan

III. Pamamaraan:
1.Paunang Pagtataya:
Ipakita ang mga larawan:
aso, manyika, damit, lapis, bola, puno, bata
Kumuha ng isang larawan at magsabi ng isang salitang maglalarawan sa ipinakita.
Hal. bilog na bola
magandang manyika
2. Tunguhin
Sabihin: Ngayong araw ay pag-uusapan natin ang mga kaibigan sa paaralan gamit ang mga pang-uri o
salitang naglalarawan.
Ipabasa ang kwento:
Mga Kaibigan Natin
Sa paaralan ay marami tayong mga kaibigan. Ang mabait na nars ay nagbibisita sa mga bata. Tinitingnan din
ng matalinong doctor at matiyagang dentista ang mga bata. Lahat sila ay nagiging gabay sa kalusugan.
Tumutulong naman sa pag-aayos ng paligid ng paaralan ang mahusay na karpintero. Nagpipinta ng paligid ang
mabilis na pintor. nag-aayos naman ng hardin ang masipag na dyanitor.
Lahat sila ay dapat igalang at pasalamatan sa kanilang kabutihan.

3. Tukoy-Alam:
A. Itanong: Sinu-sino ang mga kaibigan natin sa paaralan? Gamitin ang character map sa paglalarawan sa
bawat isa.
doktor

dentista nars

Paaral
pintor an dyanitor

karpintero

Batay sa paglalarawan sa kwento, hayaang itambal sa larawan ng mga bata ang salitang naglalarawan sa bawat
isa na nakasulat sa strip ng cartolina.
Ipabasa:
mabait na nars mahusay na karpintero
matalinong doctor mabilis na pintor
matiyagang dentista masipag na dyanitor

B. Paglalahat:
Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
Tandaan:
Ang mga salitang nagsasabi ng katangian, kulay, dami o bilang, hugis, laki, amoy at lasa ay mga salitang
naglalarawan o pang-uri.
Inilalarawan ng mga ito ang mga pangngalan at mga salitang pamalit sa pangngalan.
Hal.
katangian - masipag laki – maliit
kulay – asul amoy – mabango
dami o bilang – sampu lasa – maasim
hugis – bilog

4. Paglalahad:
May ilalarawan akong isang mag-aaral dito sa atin. Tingnan ko kung mahuhulaan ninyo kung sino ito.
Maputi, maganda, marunong mahusay sa Math._____
Maglarawan pa ng ilang bata.

5. Pagtuturo at Paglalarawan:
Laro: Magpahulaan ng paboritong kaibigan ng bata sa paaralan. Tumawag ng bata para ilarawan ang kaibigan
niya sa paaralan.
Hal. Matangkad, mataba at mahilig sa ice candy.

IV. Pagtataya:

Tukuyin kung sino ang inilalarawan.


Piliin sa kahon ang sagot at isulat sa patlang.
guro mag-aaral dyanitor nars kaibigan

1. Matiyaga siya sa pagtuturo sa maliliit na mga bata._______


2. Mahilig siya sa pagbabasa ng mga aklat._____
3. Masipag siya sa paglilinis ng paligid ng paaralan.________
4. Malambing siya sa mga batang may karamdaman.______________
5. Maunawain siya sa kapwa lalo na sa oras ng kagipitan_______________.

V. Kasunduan: Gumamit ng pang-uri at ilarawan ang iyong:

ina
ama
ate
kuya

Binigyan diin:

AGRIPINA DELA CRUZ

Binigyang pansin:

LILIA C. NGAYAN

You might also like