You are on page 1of 2

Ang pagiging angkop sa lahat ng bagay ay napakabuti sa

tao. Ito ay nagbubunga ng kaayusan sa sarili, sa kapuwa at sa


kapaligiran. Magiging makatarungan ang ating paggawa kung
laging sa angkop tayo lulugar. Ang angkop ay maaring wasto o
matuwid. Ito ay isang uri ng positibong gawain na
makakatulong upang tayo ay magkaroon ng maunlad at
mapayapang pamumuhay. Hindi lahat ng angkop ay mabuti
dahil maaaring ang ginagawa natin ay hindi nakakabuti sa iba
at sa atin.

Angkop ang magmadali, hindi angkop ang mataranta. Ang


pagmamadali sa ating mga ginagawa ay lubos na mapaminsala
dahil hindi naibibigay ng isang tao ang lahat ng kanyang
kakayahan o isipan sa gawaing iyon. Ginagawa niyang mabilis
ang mga pangyayari para makaabot sa takdang oras. Kung
ipapasok natin ito sa paksang tungkol sa pag-ibig, Kapag ang
dalawang magkarelasyon ay naisipang magmadali sa dapat ay
hindi nila ginagawa ay maari itong magresulta ng maling
kahihinatnan. Dahil sa pagmamadali, nasira ang kinabukasan at
pag-asa ng dalawang tao. Pero may mga pagkakataon pa rin na
angkop ang magmadali, ito ay sa mga pangyayaring tayo ay
malapit nang mataranta. Mas angkop ang magmadali dahil
hindi tayo aabot sa puntong nalilito na tayo kung ano sa mga
bagay na iyon ang mas uunahin. Natataranta tayo tayo dahil
nagiging patung-patong na ang mga bagay na dapat nating
unahin at bigyang halaga. Dahil ditto, lubos na angkop ang
magmadali dahil nabibigyan pa natin ng oras ang mga bagay-
bagay kahit sa kakaunting panahon.
Angkop ang mag-ingat, hindi angkop ang maduwag. Ang
pagiging maingat sa mga bagay-bagay ay napakahalagang
karakter na dapat taglay ng bawat mamamayan. Kung ipapasok
natin ito pagdedesisyon natin sa buhay ay lubos na
napakahalaga. Sa isang tao, madami ang sumasagi sa kanyang
isipan kung ano ba ang dapat na desisyon na kanyang dapat
piliin. Mas angkop ang pagkakaroon ng maingat na pagpapasya
dahil magiging malinaw ang detalye ng iyong pagpapasiya kung
magiging maingat ka sa bagay na iyong pagpapasyahan. Ang
sobrang bagal na pagpapasya ay maaaring humantong sa
pagkawala ng opurtunidad o hangarin ng isang tao o kaya’y
pagkaramdam ng karuwagan sa oras ng pagpapasya.

Angkop ang maging matapang, hindi angkop ang maging


mapangahas. Ang mapangahas ay pagsasagawa ng isang bagay
na ang isa’y walang karapatan, pahintulot, o awtoridad na
gawin; kawalang-pakundangan sa paggawi o pag-iisip;
paglampas sa mga takdang hangganan; padalus-dalos na
pagsuway. Ipasok natin ito sa mga hamon ng buhay. Ang
pagkakaroon ng katapangan sa sarili ay isa sa aspetong dapat
ay hawak ng isang tao kung mabigat ang hamong kanyang
lalakbayin. Ang katapangan ay magiging haligi niya sa
pagsasakatuparan ng kanyang nais abutin. Kung tayo naman ay
lulugar sa pagiging mapanghas, malayong makakamit o
malalampasan natin ang mga hamon ng buhay. Nagiging lampas
na tayo sa hangganan na dapat ay doon lang tayo. Hindi
masasabing angkop sa lahat ng pagkakataon ang pagiging
mapangahas dahil ito ay pagmamataas, pagmamapuri, at
kagaspangan sa sarili.

You might also like