You are on page 1of 1

Precambrian. Pinakaunang panahon, panahon sa kasaysayan ng Mundo. 4.

5, 90, mga
numerong kanilang inaangkin. Ibang tawag? Cryptozoic. Tawag na naging dahilan sa mga
matatandang batong natagpuan dito. Hadean; unang panahon na nakapailalim sa panahon
na Precambrian. Nabuo ang Mundo at paginog ng araw; pagsabog ng bulkan at pagbuo ng
atmospera. Archean; temperatura’y tumaas, mga bato’y lumitaw; lumitaw rin ang isla,
nitroheno’y hangin. Proterozoic. Lumitaw ang supercontinent, nilalang sa karagatan; Multi
celled organism at single celled plant. Konklusyon? Panahong ito’y malamig; dahil sa sulfur
nitroheno, at ibang klase ng hangin. Ramdam mo na ba? Ramdam mo na rin ba ang
paglamig ng kanyang presensya?

Paleozoic. Panahong nahahati sa anim. Panahong 325 ang inangking numero. Ibang tawag,
tawag ay Phanerozoic, nangangahulugang “Eon of Evident Life”. Panahon, panahon kung
saan nagsimula rin ang Age of Invertebrates. Panahon kung saan din nangyari ang mass
extinction. Cambrian. Bahagi ng panahon, panahon kung kailan nagsimula ang Age of
Invertebrates, rock formations. Tayo’y dumako sa sunod, dahil ang baawat nakaraan ay
nakadugtong sa kasalukuyan. Ordovician. Oksiheno’y tumaas, ecosystem naging angkop,
glaciation ay naganap. Silurian. Nanatili sng klima, nanatili. Isda’y luitaw, ganoon din anng
halaman. Sandali, wag magmadali, tayo’y nangangalahati pa lamang. Devonian. Tinawag na
Age of Fishes, mga tectonic plates ay gumalaw. Ikaw, kailan, kailan pa kaya? Carboniferous.
Panahon ng mga halaman, amniotic egg ay lumitaw. Huli sa panahon ay Permian; age of
Dinosaurs; inverbrate ay nawala. Dahlan? Mass extinction.

Mesozoic. Meso means middle. Naiinip ka na ba? Gusto mo na ba bumalik? Wag na, nasasa
gitna na. Titigil ka pa ba? Ating ulitin. 180, numerong angkin. Tatlo, bilang ng panahon na
bumuo dito. Panahon na kailan nabuo ang pangaea. Tinawag na age of Reptiles, muling
uminit ang klima, dahilan ng Permian Extinction.

Sa huling pagkakataon, at pagtatapos. Cenozoic. Nagsimula 65 bilyong taon hanggang sa


kasalukuyan. Oo, parte ka. Parte ka ng panahong ito. Panahon din ng mga mammals. Sa
panahong ito, dito na rin lumitaw ang mga bakulaw. Proconsul ang tawag. Tapos na. Tapos
na ang panahon. Ngunit ang tanong: Maari pa kayang masundan ito? Kailan kaya? May
bago pa kayang maipapakita ang Cenozoic o hanggang dito na lang? Pero sa tingin ko, ang
mga tanong na ito ay mananatiling tanong kung hindi natin susubuking alamin ang mg
kasagutan.

You might also like