You are on page 1of 2

Araling Panlipunan Grade 2

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang ay ang bigla at mabilis na pagyanig ng lupa dahil sa paghihiwalay at paggalaw ng bato sa ilalim ng lupa.
a. bagyo c. daluyong o storm surge
b. lindol d. Pacific Ring of Fire
2. Ang ay isang uri ng sama ng panahon na may dalang malakas na hanging kumikilos nang paikot.
a. mapa c. bagyo
b. tsunami d. Tropical Zone o Sonang mainit
3. Ang ay nagpapakita ng anyo at kinalalagyan ng isang lugar.
a. sagisag o paninda c. mapa
b. bagyo d. baha
4. Ang ay ang pag-angat ng antas ng tubig-dagat dulot ng malakas na bagyo.
a. Pacific Ring of Fire c. pagguho ng lupa o landslide
b. Tropical Zone o Sonang mainit d. daluyong o storm surge
5. Ang Pilipinas ay nakahimlay sa bahagi ng mundo kung saan maraming hanay ng aktibong bulkan. Tinatawag ang sona
na ito na .
a. Pacific Ring of Fire c. tsunami
b. bagyo d. lindol
6. Ang ay tinatawag ding tidal wave.
a. bagyo c. daluyong o storm surge
b. tsunami d. baha
7. Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng panahon- ang tag-init at tag-ulan. Ito ay dahil nasa ng mundo ang Pilipinas.
a. Tropical Zone o Sonang mainit c. lindol
b. mapa d. Pacific Ring of Fire
8. Ang mga ay maliliit na guhit o larawan na kumakatawan sa mga bagay-bagay o lugar na makikita sa mapa.
a. baha c. sagisag o paninda
b. tsunami d.
9. Ang ay ang labis na pag-apaw o pagtaas ng tubig mula sa likas na mga daluyan nito tulad ng mga sapa o creek,
ilog at mga kanal.
a. baha c. mapa
b. Pacific Ring of Fire d. daluyong o storm surge
10. Ang ay ang pagbagsak at pag-agos ng lupa o putik mula sa mga dalisdis ng matataas na lugar dulot ng matagal
at malakas na pag-ulan.
a. Tropical Zone o Sonang mainit c. lindol
b. pagguho ng lupa o landslide d. sagisag o paninda
11. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin habang bumabagyo?
a. Manatili sa loob ng bahay at subaybayan ang balita sa telebisyon at radyo.
b. Huwag bubuksan o gagamitin ang mga binahang de-kuryenteng kasangkapan.
c. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang baterya.
d. Pag-usapan ang mga planong emergency at plano na paglikas kung kinakailangan.
12. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin pagkatapos ng daluyong?
a. Alamin kung ang komunidad na kinabibilangan ay mapanganib sa daluyong.
b. Siguraduhing malinis at ligtas ang mga pagkain at inuming tubig na gagamitin.
c. Iwasan ang matubig na lugar.
d. Alamin ang pinakaligtas na lugar sa inyong tahanan.
13. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin bago ang pagbaha?
a. Maging alerto sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog.
b. Iwasang lumangoy o mamangka sa bumabahang ilog.
c. Bumalik lamang sa inyong tahanan kung naideklara nang ligtas ang inyong lugar.
d. Ilipat na ang mga alagang hayop sa mataas na lugar.
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin pagkatapos ng pagguho?
a. Makinig at sumubaybay sa mga lokal na istasyon ng radyo o para sa pinakabagong ulat tungkol sa kalamidad.
b. Iwasan ang mga lugar na may nangyaring mga pagguho.
c. Kung imposible na ang paglikas, ibaluktot ang katawan na parang bola at protektahan ang ulo.
d. Maging mapagbantay sa maaaring mangyaring mga pagbaha pagkatapos ng pagguho.
15. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin habang lumilindol?
a. Huwag matakot o magpanik.
b. Gumamit ng elevator sa pagbaba ng gusali.
c. Gawin ang “Duck, Cover and Hold”.
d. Ingatan ang ulo sa mga bumabagsak na mga bagay.
16. Ano ang ibig sabihin ng PAGASA?
a. Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration
b. Philippine Astronomical, Geophysical, and Atmospheric Services Administration
c. Philippine Administration, Geophysical, and Astronomical Services Atmospheric
d. Philippine Atmospheric, Geophysical, and Administration Services Astronomical
17. May dalawang tiyak na lagay ng panahon. Tag-init mula Nobyembre hanggang Abril at tag-ulan mula Mayo hanggang
Oktubre. Anong uri ng klima ito?
a. Unang Uri c. Ikatlong Uri
b. Ikalawang Uri d. Ikaapat na Uri
18. Alin sa mga sumusunod ang mali?
a. Maninipis at maluluwang na damit ang isinusuot ng mga tao kapag mainit ang panahon.
b. Makakapal na kasuotan ang ginagamit ng mga tao kapag malamig ang panahon.
c. Ang mga bahay ng taga-Batanes ay gawa sa kahoy.
d. Ang mga taong nakatira malapit sa mga baybayin ay nagtatayo ng mga bahay na mabababa.
19. Napakalakas ng hanging hihigit sa 220 kilometro bawat oras. Inaasahan ang pagdating ng bagyo sa loob ng 12 oras.
Anong bilang ng Modified Public Storm Warning System ito?
a. Babala Bilang 2 c. Babala Bilang 4
b. Babala Bilang 3 d. Babala Bilang 5
20. Alin sa mga sumusunod ang tama?
a. Paglaruan ang mga posporo, lighter at kandila.
b. Makinig at sumunod sa mga babalang ibinibigay ng PHILVOCS.
c. Pumunta sa mga baybayin ng mabababang lugar matapos ang paglindol.
d. Magpanik kapag may sunog.
B. Tukuyin ang direksyon sa bawat bilang.
1.
2.
3.
4.
5.
C. Iguhit ang simbolo o sagisag ng bawat isa.
1. Talon 2. Simbahan 3. Kapatagan

4. Tulay 5. Ilog

You might also like