You are on page 1of 3

IKAANIM NA BAITANG

KAWILI-WILING ANYO

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na


makalilikha ka ng isang kawili-wiling anyo mula sa
isang payak na hugis sa pamamagitan ng pagbabago
ng anyo nito.

ALAMIN
ALAMINMO
MO

May isang paraan ng pagbabago ng isang likhang-sining. Ito ay ang pag-aalis ng


wasto at normal na kaayusan ng isang bagay o hugis o kaya’y pagdagdag ng ilang bahagi
nito upang maging kawili-wili ang isang nilikha. Ginagawa rin ito upang magiging
unique at kakaiba sa ibang likhang-sining. Ang tawag sa paraang ito ay distortion. Ang
isang uri ng distortion ay ginagawa sa pamamagitan ng paggugupit ng isang drowing at
pagsasaayos nito sa ibang paraan na kawili-wiling pagmasdan. Ang isang paraan ay ang
pagsosombra (shade) sa ibang bahagi ng nilikha at pagkakulay nang madiin (darken) sa
ibang bahagi.
Sa aralin natin ngayon, ang gagawin nating distortion ay simple lamang ngunit
nakapagbibigay-kasiyahan.

Pagmasdan ang ginawa ng bata sa bilog sa kanan. Iba-ibang hugis at laki ang
kanyang ginupit. Inayos niya ito at idinikit ang mga pira-pirasong ginupit.
Kawili-wili bang pagmasdan ang nabuo niyang dibuho?

Mayroon pang isang paraan ng distortion. Ito ay ang paggupit ng isang larawan
sa lumang magasin o diyaryo.

1
Tingnan ang larawan sa kanan. Gawa ito ng isang batang tulad mo. Masdan kung
paano niya ginupit at inayos ang napiling larawan.

TANDAAN MO

Ang distortion ay isang paraan sa sining na ginugupit nang pira-piraso na may


iba’t ibang porma ang isang larawan o hugis. Pagkatapos idinidikit ang bawat piraso na
ang nabuong dibuho ay kawili-wiling pagmasdan.

PAGSANAYAN MO

Bago ka magsimula sa iyong likhang-sining, ihanda ang mga kagamitan.

Mga Kagamitan:

 Larawan o hugis mula sa lumang magasin o diyaryo


 Lapis
 Gunting
 Pandikit

Gumupit ka ng isang hugis o larawan na may kulay sa isang lumang magasin o


peryodiko. Gupitin ito nang pira-piraso ayon sa gusto mo.

Ayusin ang mga ginupit sa ibabaw ng isang puting papel (bond paper). Kailangan
may espasyo sa pagitan ng bawat piraso. Subukin munang gumawa ng iba’t ibang ayos.
Kung sa tingin mo ay kawili-wili nang tingnan ang ginawa mong distortion, maaari mo
na itong idikit.

Ipakita mo ito sa kaklase mo at ikuwento mo ang ginawa mong distortion. Ipakita


rin ito sa guro mo bago ikabit sa paskilan.

PAGTATAYA
2
Panuto: Lagyan ng tsek () pagtataya ang natapos na collage batay sa sumusunod na
kasanayan, kung saan ang 5 ang pinakamataas. Lagyan ng tsek and kolum ng
antas na sa palagay mo ay tugma sa iyong natapos na collage. Pagsama-
samahin ang kabuuan ng antas na nakuha na magsisilbing grado mo.

Kasanayan Oo Di-Gaano Hindi

1. Nabago mo ba ang anyo ng napili mong


larawan?
2. Kawili-wili ba ang ginawa mong
distortion?
3. Nasiyahan ka ba sa nabuo mong
likhang-sining?
4. Maayos ba ang pagkagupit at
pagkadikit mo sa mga pira-pirasong
hugis o larawan?
5. Nailigpit mo ba nang maayos ang mga
kagamitan pagkatapos ng paggawa?

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang


modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang
susunod na modyul…Congratulations!

Modyul 6 – Kawili-wiling Anyo – Grade IV

You might also like