You are on page 1of 2

First Grading Summative Test

Filipino Grade 9

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. Titik lang ang
isulat:
1. Isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan lamang.
A. Alamat B. tula C. maikling kuwento D. dula
2. Siya ay tinuturing “Ama ng Maikling Kuwento”
A. Amado V. Hernandez C. Genoveva Edroza Matute
B. Ildefonso Santos D. Edgar Allan Poe
3. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat salungat ito sa batas ng
kalikasan at makatuwirang pag-iisip, ito’y mauuri bilang maikling kuwentong:
A. Kababalaghan B. Katatakutan C. Katatawanan D. Katutubong kulay
4. Isa sa mga element ng maikling kuwento na naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
A. Panimula B. kakalasan C. saglit na kasiglahan D. tunggalian
5. Kung ang isang maikling kuwento ay tumutkoy sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito ay mauuri bilang maikling
kuwento:
A. Kababalghan B. makabanghay C. katatawanan D. pag-ibig
II.Panuto: Buuin ang diwa sa pamamagitan ng mga salitang mag-uugnay sa mga kaisipan. Pumili ng tamang pang-ugnay
sa kahon:

Kapag maging dahil sa ayon sa karanasan


Upang samantalang kundi sa
At ngunit ng

Kung may tatlong mukha ng kasamaan ang buhayay mayroon ding magandang mukha ang buhay-ang
maging mayaman, matalino, at magkaroon 6__________magandang pag-uugali. Ang karunungan at salapi ay kapwa magandang
instrument na maaaring magamit sa pag-unlad ng buhay 7____________ang pagkakaroon ng mabuting ugali ay magiging basehan
upang magamit nang wasto 8____________maging kapaki-pakinabang ang mga ito.
Ilan sa magagandang ugaling dapat taglayin ng tao ay ang pagkakataon ng tiwala 9.______________
sarili, ang pagiging masipag, produktibo, at pagiging tapat at mapagkatiwalaan sa lahat ng bagay.
Ang pagtitiwala sa sariling kakayahan ay ang paniniwala ng tao sa kanyang katangian upang maabot ang kanyang
mga pangarap sa buhay 10.____________ ng marami, magkaroon man ng maraming karunungan o salapi ang isang tao.
11_____________ naman niya ito magagamit 12____________ kawalan ng paniniwala sa sariling kakayahan ay mawawala lamang
ito parang bula sa kanyang mga kamay 13._____________, ang pagiging tapat at mapagkatiwalaan ang maaaring 14.___________
puhunan ng tao upang magkaroon ng magadang relasyon sa kapwa. Nagkakaroon ng maraming kaibigan ang tao
15.____________siya ay tapat at apagkatiwalaan. Siya ay nakatagpo ng tunay na kaibigang nagiging karamay niya ta tagapagtanggol
sa oras ng pangangailangan

III.Panuto: Ayusin ng pagkakasunod-sunod ang mga pangayari (1-5)


_______16. Pinagsaluhan nial ang natitirang pagkain sa supot na nabasa ng ulan.
_______17. Namatay ang kanyang anak na si Mui-Mui.
_______18. Nasisante ang ama sa kaniyang trabaho sa lagarian.
_______19. Pumunta ang kanyang amo upang makiramay at nagbigay ng munting abuloy.
_______20. Ang ama’y lasing na lasing at pasigaw sigaw at sinaktan ang ina.

IV. Tukuyin ang iba’t ibang istruktura ng sumusunod na saknong ng tula. Titik lang ang isulat.

Inaabangan ko doon si Kanluran,


Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalamapasigan.

21. Ang tula ay may sukat na___________?


A. wawaluhin B. lalabindalawahin C. lalabinwaluhin D. lalabing-animin
22. Ang saknong ng tula ay _________?
A. Couplet B. tercet C. quatrain D. quintet
23. Ang tugma ng tula__________?
A. aaaa B. abab C. aabb D. bbbb
24. Ang taludtod na may salungguhit ay nasa elementong____________?
A. kariktan B. larawang-diwa C. tayutay D. tugma
25. Anong persona mayroon ang tula?
A. una B. ikalawa C. ikatlo D. ika-apat
V.Panuto: Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap:
A. Perpektibo B. Imperpektibo C. Kontemplatibo D. Perpektibong katatapos

26. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok.


27. Gagamit ako ng diksyunaryo para nalaman ko ang kahulugan ng salitang iyon
28. Umiiyak ang bata dahil nadapa siya.
29. Napansin mo ba ang takdang-aralin na nakasulat sa pisara?
30. Umupo ka muna dahil nagbibihis pa si Eva.

You might also like