You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Province of Nueva Ecija


Municipality of Quezon
BARANGAY BERTESE

OFFICE OF THE PUNONG BARANGAY

KASUNDUAN SA SANGLAAN NG LUPANG SAKAHIN

SA KAALAMAN NG LAHAT:

ANG KASUNDUANG ITO AY PINAGTIBAY SA PAGITAN NINA:

GNG. FELIPA C. CASTAÑAREZ, NASA TAMANG EDAD AT MAMAMAYAN NG BRGY. BERTESE, QUEZON,
NUEVA ECIJA AT KIKILALANIN SA KASUNDUANG ITO BILANG UNANG PANIG;

AT

GNG. JULIETA M. VDA DE FEJE, MAMAMAYAN NG BRGY. BERTESE, QUEZON, NUEVA ECIJA AT
KIKILALANIN SA KASUNDUANG ITO BILANG IKALAWANG PANIG:

MABABATID:

YAYAMANG ANG IKALAWANG PANIG AY NAGSANGLA NG LUPANG SAKAHIN NA MAY KABUOANG


SUKAT HUMIGIT KUMULANG (7) PITONG LOTE AT MATATAGPUAN SA NASASAKUPAN NG BARANGAY
BERTESE, QUEZON, NUEVA ECIJA;

NA ANG UNANG PANIG AY NAG-ALOK NG HALAGANG (P 1,750,000.00) ISANG MILYON AT PITONG


DAAN AT LIMAMPUNG LIBONG PISO PERANG PILIPINO SA IKALAWANG PANIG KAPALIT NG
NABANGGIT NA LUPANG SAKAHIN BILANG HALAGA NG SANGLA;

NA ANG NABANGGIT NA LUPANG SAKAHIN AY SASAKAHIN NG UNANGPANIG SA LOOB NG (2)


DALAWANG TAON SIMULA SA KATUPARAN NG KASUNDUANG ITO;

NA ANG IKALAWANG PANIG AY SUMANGAYON NA TANGGAPIN ANG NATURANG HALAGA AT ISANGLA


ANG NABANGGIT NA LUPANG SAKAHIN SA UNANG PANIG AT IPINAGTATAGUBILIN ANG PANAHON NG
PAGSASAKA AT PAMAMAHALA SA LOOB NG DALAWANG TAON SIMULA SA KATUPARAN NG
KASUNDUANG ITO

NGAYON AT DAHIL DITO, ANG MAGKABILANG PANIG AY KUSANG LOOB NA LUMAGDA SA TANGGAPAN
NG PUNONG BARANGAY NG BERTESE, QUEZON, NUEVA ECIJA NGAYONG IKA-6 NG MAYO, 2019 SA
HARAP NG MGA SAKSI.

FELIPA C. CASTAÑAREZ JULIETA M. VDA DE FEJE

UNANG PANIG IKALAWANG PANIG


MGA SAKSI:

KGD. DONATO C. BONDOC G. NOMER T. CORPUZ

Kagawad ng Barangay Kalihim ng Barangay

PINAGTIBAY:

KGG. CAMILO G. BARLIS


Punong Barangay
Bertese, Quezon, Nueva Ecija

You might also like