You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADE 11

Pamamahagi ng Oras: 4.5 na oras


I. Layunin
a. Nakapagpapaliwanag sa kakahulugan ng kakayahang ;
b. Nauunawaan ang sitwasyong komunikatibo batay sa pagtukoy sa sino, paano
kalian , at bakit nangyari ang gawaing pangkomunikasyon.
c. Nakabubuo ng mga pahayag na angkop sa iba’t ibang kontekstong
sosyolinguwistiko.
II. Paksa
a. Paksa: Kakayahang Lingguwistiko
b. Mga Sangay ng Paksa
Paglikha ng angkop na pahayag sa tiyak na sitwasyon.
Pagkilala sa mga varayti ng wika

c. Mga kagamitan: Whiteboard Marker, biswal, projector , laptop


d. Sanggunian: Komunikayon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
e. Panimulang Gawain

Panalangin
Pagsasaayos ng Silid-Aralan
Pagtatala ng liban
III. Wastong Aralin
1. Sa pakikipag-ugnayan sa kapwa, paano mo ipinahayag ang iyong pagbati?
2. Mahalaga baa ng pagpapaunlad ng sariling kumpyansa?
3. Batay sa iyong obserbasyon, ano ang nais mong imulat sa mga tao sa paligid?
IV. Aplikasyon
a. Pagtalakay sa Aralin
b. Pangkatang Gawain

Isadula natin: Bumuo ng limang pangkat. Magsadula ang bawat pangkat ng isang
eksenang tatagal ng lima – hanggang sampung minute na nakaayon sa lunan at
mga tiyak na tauhan sa ibaba:

 Pangkat 1 – tahanan: Tatay , nanay , ate kuya , bunso , kapitbahay.


 Pangkat 2 – Paaralan: Punongguro , guro , estudyante , kaklase
 Pangkat 3 – palengke : Mamimili , Tindera , Negosyante
 Pangkat 4- Ospital : Doktor , nars , pasyente , kamag-anak ng pasyente
 Pangkat 5 – Opisina: Boss , sekretarya , iba pang empleyado

V. Pagpapahalaga
Ang pakikipagtalastasan sa kapwa ay isa sa malaking ambag na nabuo dito sa
ating mundo. Maraming pagkakataon sa ating buhay na may mga balakid upang matugunan
ang mga mensaheng nais maipabatid sa ating kapwa, kaya mahalagang mapag-aralan kung
paano makipagkomukasyon sa ating lipunang ginagalawan.

VI. Ebalwasyon
Panuto: Magsagawa ng awaing Think-pair-share sa loob ng klase.
a. Think: Ano-anpo ang naiisip mong Gawain na makapaglilinang ng iyong kakayahang
sosyolingguwistiko? Itala sa papel.
b. Pair: Humanap ng kapareha sa klase at ibahagiang iyong mga nalista. Makinig din
sa kanyang mga ibabahagi. Maging bukas sa pagtatanong at pagbibigay.
c. Share: Ibabahagi sa klase ang inyong napag-usapan.

VII. Kasunduan

A. Ano ang Pragmatiko?


B. Magtala ng mga halimbawa ng Pragmatiko.

You might also like