You are on page 1of 7

GRADE VI

LOKASYONG INSULAR AT BISINAL NG PILIPINAS

ALAMIN MO

Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas


.

1
Ano ang malaking anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas sa dakong
 silangan?
 kanluran?
 timog?
 hilaga?

Ito ang isang paraan ng paglalarawan ng kinalalagyan ng ating bansa. Mayroon


pa ba kayang iba? Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito.

PAGBALIK-ARALAN MO

Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng bansa.

1. Bansang nasa hilaga ng Taiwan at Pilipinas.


H P N

2. Malaking bansa sa hilagang kanluran ng Pilipinas.


T S A

3. Lalawigan sa bansang Tsina na nasa hilaga ng Pilipinas.


T I A

4. Bansang nasa timog-kanluran ng Pilipinas.


M L Y S A

5. Bansang nasa kanluran ng Thailand at Pilipinas.

M Y

2
PAG-ARALAN MO

Pag-aralan ang mapang ito ng Asya.

1. Ano ang malaking anyong tubig na nasa gawing kanluran ng Pilipinas?


2. Saang direksyon matatagpuan ang Karagatang Pasipiko?
3. Anong anyong tubig ang nasa dakong hilaga ng bansang Pilipinas?
4. Saang direksyon matatagpuan ang Bashi Channel?

Ito ang paglalarawan ng lokasyon ng ating bansa ayon sa kalapitan nito sa mga anyong
tubig na tinatawag na lokasyong insular.

3
Tingnan muli ang mapa, anu-ano naman ang bansang karatig ng Pilipinas?

 Anong mga bansa ang nasa gawing kanluran?


 Sa dakong hilaga, anu-anong bansa ang matatagpuan doon?
 Mayroon din bang bansa sa bahaging timog? Ano-ano ang mga ito?

Sa silangang bahagi naman ng bansa natin, matatagpuan ang Estados Unidos, Hawaii,
Marianas at Guam.

Malalaman din ang kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito.


Ito ay tinatawag na lokasyong bisinal.

PAGSANAYAN MO

Balikan muli ang mapa ng Asya sa pahina 3.

Gamitin ang krokis sa ibaba sa pagtukoy ng mga anyong tubig sa bawat direksyon. Isulat
sa iyong kwaderno ang sagot.

Hilaga

Hilagang silangan
Hilagang kanluran

Kanluran Silangan

Timog silangan
Timog kanluran

Timog

4
1. Hilaga : _____________________________
2. Hilagang Silangan : ___________________
3. Hilagang Kanluran : ___________________
4. Silangan : ____________________________
5. Kanluran : ____________________________
6. Timog : _______________________________
7. Timog Silangan : _______________________
8. Timog Kanluran : _______________________

TANDAAN MO

 Ang lokasyong insular ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga


anyong tubig na nakapaligid dito.

 Ang lokasyong bisinal ay paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa sa pamamagitan ng


mga karatig-bansa nito.

ISAPUSO MO

Paano mo dapat gamitin ang globo upang mapakinabangan pa ng mga susunod na mag-aaral sa
pagtalunton ng iba’t ibang lugar sa daigdig?

5
GAWIN MO

Basahin at unawain ang tula.


“Itong Pilipinas”

(Hango sa sanayang aklat sa Makabayan nina L. Raganit at Mr. Agapay)

Itong Pilipinas ang mahal kong bayan


Namumukod tangi di-mapapantayan
Tila nakalutang sa dakong silangan
Malalaking dagat ay matatagpuan.

Sa dakong hilaga ay ang Bashi Channel


At doon sa timog ay Celebes naman
Dagat Timog Tsina ay nasa kanluran
Karagatang Pasipiko ay nasa silangan.

Marami rin namang bansa sa paligid


Tulad nitong Taiwan, Tsina, Korea, Hapon
Sa bandang hilaga naman naroroon
At sa silangan nito’y Micronesia naman.

Doon nga sa timog nitong Pilipinas


Silangang Malaysia, Brunei, Indonesia
At lalong marami roon sa kanluran
Kampuchea, Laos, Burma, Thailand at Vietnam.

Naibigan mo ba ang tula? Ano ang natutuhan mo sa mensahe nito? Makakaya


mo bang isaulo ito?

PAGTATAYA

Tingnan ang mapa sa pahina 3. Hanapin ang mga3 lugar ayon sa hinihingi sa bawat bilang. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

6
1. Anong kapuluan ang nasa timog ng Pilipinas?
A. Guam
B. Taiwan
C. Indonesia
D. Kanlurang Malaysia

2. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Vietnam?


A. Hilaga
B. Timog
C. Silangan
D. Kanluran

3. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?


A. Dagat Celebes
B. Dagat Mindanao
C. Dagat Timog Tsina
D. Karagatang Pasipiko

4. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat Celebes?


A. Hilaga
B. Timog
C. Silangan
D. Kanluran

5. Ang Hapon ay nasa hilaga ng Pilipinas. Alin ang isa pang bansa na nasa hilaga
nito?
A. Taiwan
B. Malaysia
C. Thailand
D. Indonesia

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Ang tulang “Itong Pilipinas” na binasa mo ay maaari ring isaawit sa himig ng “Paru-
parong Bukid”. Subukin mo nga. Nasiyahan ka ba sa pag-awit?

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na


modyul.

You might also like