You are on page 1of 2

Limang Katangian ng Mataas na Halaga Halaga

By Max Scheler Pamantayan sa pagpapasya sa antas ng halaga.

Unang Pamantayan Unang Pamantayan


• Habang mas tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
. • Ang halaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito kailanman nababago ng panahon
(timelessness).
• Hal. Pagbibigay halaga sa mga bagay na bigay ng mahal sa buhay.

Ikalawang Pamantayan
• Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga.
• Ang halaga ay nasa mataas na antas kung sa kabila ng pagpapasalin-salin, napapanatili parin ang
kalidad nito (indivisibility).
• Hal. Ang halaga ng karunungan ay hindi nababawasan kahit na ito ay naisasalin sa ibang mga tao.

Ikatlong Pamantayan
• Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng ibang halaga.
• Ito ay nagiging batayan ng iba pang mga halaga.
• Hal. Upang maisabuhay ang katarungan, kailangan na matutunan ang respeto, pananagutan at
pagtanggap

Ika-apat na Pamantayan
• May likas na kaugnayan ang antas ng halaga at ang lalim ng kasiyahang nadarama sa pagkamit nito.
• Mas malalim ang kasiyahan na nadarama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito.
• Hal. Mas magiging maligaya ang bakasyon ng isang mag-aaral kung ito wala itong bagsak na
subject.

Ikalimang Pamantayan Ikalimang Pamantayan


• Ang halaga ay nakabatay sa nararamdaman ng ibang tao.
• Ang isang halaga ay nasa mataas na antas kung hindi ito nakabatay sa taong nakakaramdam nito.
• Hal. Tinitiis ng magulang na hindi makabili ng para sa kanya upang mayroong ibigay sa kanyang
mga anak

HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA

BANAL

ISPIRITWAL

PAMBUHAY

PADAMDAM
Pandamdam na Halaga

• Sensory Values •

- Pinakamababang antas ng halaga •


Mga halagang nagdudulot na kasiyahan sa pandamdam ng tao (pleasure).
• Hal. Pangunahing pangangailangan (damit, pagkain …), mga luho ng tao (panonood ng sine,
mamahaling gamit ….

Pambuhay na Halaga

• Vital values

- May kinalaman sa mabuting kalagayan ng tao (well-being) upang masiguro niya ang mabuting
kaayusan at kalagayan.
• Halimbawa: – Kailangan ng tao na magpahinga upang manatiling malusog at hindi magkasakit. –
Kailangan ng tao ng makakausap upang mabawasan ang kanyang kalungkutan.

Ispirituwal na Halaga

• Spiritual Values

- Tumutukoy sa mga halagang para sa kabutihan, hindi para sa sarili kundi para sa nakararami.
• Halimbawa: – Pagpapanatili ng katahimikan upang hindi maisturbo ang mga mag-aaral.

Banal na Halaga

• Holy Values

• Kailangang makamit ng tao upang maging handa sa pagharap sa Diyos. • Ito ay katuparan ng
kanyang spiritwal na kalikasan.
• Halimbawa: – Pagsunod sa mga utos ng Diyos, pagsasabuhay sa mga birtud ng mga Kristiyano

Ayon kay Scheler….

• Ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang halaga kapalit ng iba pang
mga halaga.

• Ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ay nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan

• Maituturing na masama ang isang gawain kung mas pinipiling gawin ang mas mababang halaga
kaysa mataas na halaga.

You might also like