You are on page 1of 4

ANG HULING HABILIN AT PAGPAPASIYA

ALAMIN NG LAHAT NA:

AKO, si VIRGINIA CAMAYAG REYES, may sapat na taong gulang,


isang Pilipino at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Sto. Tomas,
Peñaranda, Nueva Ecija, samantalang malinaw, tumpak at wasto ang aking
pag-iisip, diwa, at ala-ala, na sa akin naman at walang pumilit, tumakot,
nag-udyok, o humikayat, ay kusang-loob kong isinasagawa at ngaun ay
ipinahahayag ang kasulatang ito, bilang aking HULING HABILIN o
TESTAMENTO, sa wikang Tagalog sa katutubong wika at aking
kinagisnan, at lubos na nauunawaan:

I. Na ang mga ari-ariang aking maiiwan ay ang mga sumusunod:


A. Mga ari-ariang di natitinag:
Isang lupa at bahay na matatagpuan sa Lot 238-E Brgy. Sto
Tomas, Peñaranda, Nueva Ecija;

II. Na kung sakali at bawian ako ng Poong Maykapal ng aking hiram na


buhay, ay nais kong ipamana, o ibigay, at ipatungkol ang aking ari-ariang
binabanggit sa unahan nito, ng katulad ng sumusunod:

Si X ay ang aking bunsong anak, ay aking ibinibigay ang bahay at


lupa na matatagpuan sa Lot 238-E Brgy. Sto. Tomas, Peñaranda, Nueva
Ecija.

III. Na kung sakali at mauna akong bawian ng buhay kaysa kay X ay aking
ipinapahayag, at siyang ninanasa, na dapat igalang ng lahat, na hindi pa
iiral ang mga tagubilin na binanggit sa

IV. Upang ang Huling Habiling ito ay mapagtibay sa Hukuman, at matupad


ang nilalaman, ay aking hinihirang at itinatalaga si Executor A bilang siyang
tanging tagaganap at tagapangasiwa nitong aking Huling Habilin o
Testamento; at kung sa anupang kapansanan ay hindi siya makatupad, ay
aking hinihirang bulang kahalili nia, ang aking anak/kapatid na si Executor
B;

1
V. Na aking pinagtitibay na ang tagapangasia at tagaganap ng aking dito’y
hinihirang, at ang kanyang kahalili, ay hindi na kailangang magbigay pa ng
anumang lagak o piyansa;

VI. Na aking binabawi at pinawawalang-saysay ang lahat ng anumang


kasulatan, Testamento, hayag at di-hayag, na akin nang naisagawa,
nilagdaan o ipinahayag nang nauuna rito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ako ay lumagda sa ibaba nito, ngayong araw


ng ___ buwan ng __________, taong 2017 dito sa Bayan ng Peñaranda,
Lalawigan ng Nueba Esiha.

VIRGINIA CAMAYAG REYES

2
PAGPAPATUNAY NG MGA SAKSI

KAMI, na mga nangagsilagda sa ibaba nito bilang saksi, ay


nagpapatunay na ang naunang kasulatan ay siyang pinagtibay ni Virginia
Camayag Reyes bilang kanyang Huling Habilin o Testamento, na
nalalaman naman naming yaon ay kanyang isinagawa samantalang
malinaw ang kanyang isipan at diwa, at alam niya ang kanyang ginagawa,
at yaon ay nilagdaan niya sa aming harapan sa gawing ibaba at sa
kaliwang gilid ng bawat dahon; at kami naman sa kanyang kahilingan, ay
nangagsilagda rin sa ibaba nito at gayon din sa kaliwang gilid ng bawat
dahon sa harapan niya at ng bawa’t isa sa amin, at sa harapang ng
Notaryo Publiko, ngayong ika ______ araw ng buwan ng _______ taong
2017 dito sa Bayan ng Peñaranda, Lalawigan ng Nuweba Esiha.

________________________________________________ naninirahan
sa ___________________________________
__________________________________________________ naninirahan
sa ___________________________________
__________________________________________________ naninirahan
sa ___________________________________

3
REPUBLIKA NG PILIPINAS )
BAYAN NG PEÑARANDA ) S.S.
LALAWIGAN NG NUWEBA ESIHA )

SA HARAPAN KO, ngayong ika-_____ araw ng buwan ng _______


taong 2017 dito sa Bayan ng Peñaranda, Lalawigan ng Nuweba Esiha ay
dumulog si VIRGINIA CMAYAG REYES, may katibayan ng pagkakakilanlan
na (valid ID) gawad noong (date) dito sa ________________ kilala ko na
siyang nagsagawa ng naunang HULING HABILIN o TESTAMENTO, na
kanyang isinagawa at nilagdaan sa harap ng kanyang tatlong saksi na sina
____________________________ may pagkakakilanlan______________,
at ______________________________________ may pagkakakilanlan
____________, at si _______________________________________ may
pagkakakilanlan _____________________, na lahat sila ay nagsilagda ng
kanilang mga pangalan sa ibaba ng Pagpapatunay na ito sa bawa’t dahon
sa harapan ni Virginia Camayag Reyes at ng bawa’t isa sa kanila sa
harapan ko, at pinapatunayan nila na yaon ay kanilang nilagdaan at
isinagawa ng malaya at kuasa sa kanilang kalooban.

ANG HULING HABILING ito ay binubuo ng ____ na dahon, kasama


ng dahong kinaroroonan ng Pagpapatunay at Pagpapatotoong ito.

SAKSI ang aking lagda at panatak pangnotaryo.

Kasulatan Blg.______
Dahon Blg._________
Aklat Blg. __________
Taong _____________

You might also like