You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Aklan
District of Malinao
MALINAO SCHOOL FOR PHILIPPINE CRAFTSMEN
Malinao, Aklan

FIRST SUMMATIVE TEST

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
First Semester l S.Y. 2019-2020

Apelyedo: ______________________________ Pangalan: __________________________________ M.I___

I. PAGPILI. Basahin ng Mabuti ang bawat tanong/pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot patlang.

______1. Ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika na dulot ng punto (accent)
a.Register b. Idyolek c. Dayalekto d. Istilo
______2. Antas ng wika na tinatawag din itong salitang pankalye o pangkanto, hindi dalisay at pana-
panahon kung sumulpot.
a.Panlalawigan b. Kolokyal c. Pambansa d. Balbal
______3. Teorya ng Wika na nagsasabing ang wika ay nagsisimula sa panggagaya ng tunog ng kalikasan.
a.Yo-he-ho b. Ding-dong c. Pooh-pooh d. Bow-wow
______4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga
etnikong grupo.
a.Filipino b. Ilokano c. Bisaya d. Waray
______5. Sangay ng linggwistiks na naglalarawan sa aktwal na gamit at balangkas ng wika ng isang tiyak
na panahon.
a.Sinkroniko b. Dayakroniko c. Sosyolingwist d. Register
______6. Ito’y gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin o saloobin sa paraang
pasalita.
a.Di-Verbal b. Paguhit c. Verbal d. Pagpinta
______7. Ang antas ng wika na ginagamit ng mga tao sa isang particular na pook.
a.Kolokyal b. Idyolek c. Panlalawigan d. Balbal
______8. Teorya ng wika na nagsasabing ang lahat sa paligid ay kusang lumilikha ng sariling tunog.
a.Pooh-Pooh b. Ding-dong c. Yo-he-ho d. Bow-wow
______9. Ito ang katangi-tanging katangian sa pamamaraan at paggamit ng wika ng isang indibidwal.
a. Dayalekto b. Kolokyal c. Balbal d. Idyolek
______10. Ang Cebuano , Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Waray ay mga halimbawa ng
a. Pidgin b. Pambansang wika c. Dayalekto d. Idyolek
______11. Ang magkaibigan ay parehong galling sa Dumaguete, kaya maaaring magkatulad sila ng
a. Idyolek b. Dayalekto c. Creole d. Pidgin
______12. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng wastong kahulugan ng wika maliban sa
a. Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
b. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan,kabuluhan at interpretasyon
sa pamamagitan ng mga salita,binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga,nakasulat
man o binibigkas.
c. Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.
d. Ito ay mga salitang nahahawakan o hindi nahahawakan na ginagamit sa bawat paarala
______13. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan ng wika?
a. pakikipag- usap sa tindera
b. pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa
c. pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
d. panonood ng pelikula

______14. Ang komunikasyong berbal ay higit na makikita sa

a. pag-awit sa harap ng salamin
b. pagkaway sa paparating na kaibigan
c. pagsali sa patimpalak ng masining na pagkukwento
d. pagguhit sa isang patimpalak pagpinta
______15. Ito ang maituturing na kaluluwa ng berbal na komunikasyon.
a. Mensahe b. Wika c. Bansa d. Modelo
______16. Ang pagyakap ng ina sa anak ay nagpapakita ng komunikasyong____________
a. berbal b. di berbal c. pormal d. di pormal
______17. Mahalaga ang komunikasyong di berbal dahil:
a. inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.
b. nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe
c. naipahahatid ang ibang mensaheng di kayang sabihin nang personal
d. nagiging malakas ang loob ng tao na magawa ang isang bagay
______18. Ang pakikipag-usap sa telepono ay higit na nagpapakita ng komunikasyong__________
a. berbal b. di berbal c. pormal d. di pormal
______19. Ang salitang yosi, ermat, at tol ay maaari mong marinig sa wikang
a. Dayalekto b. Kolokyal c. Pidgin d. Idyolek
______20. Kung ikaw ay naninirahan sa Bacolod at naisipang mag-aral sa Maynila , ano ang dapat isaalang-
alang na kaisipan sa pagtukoy ng wika?
a. Sosyal dahil ibang tao na ang iyong makakasalamuha
b. Heyograpikal dahil naiba na ang iyong tirahan.
c. Okupasyunal dahil ikaw ay malapit ng magtrabaho
d. Sosyo- sikolohikal dahil iba na ang takbo ng iyong isipan.
______21. “ Di namin kayo tatantanan!” Ito ang natatanging pananalita ni Mike Enriquez sa kaniyang
pagbabalita.Ang halimbawang pahayag ay nagpapakita ng barayti ng wikang
a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d.Pidgin
______22. “ Pre , mukhang olats ka na naman kasi wala kang datung. Humingi ka na lang muna sa ermat
mo”. Ang pananalitang ginamit ay nagpapakita ng barayti ng wikang
a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d.Pidgin
______23. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng wastong kahulugan ng komunikasyon?
a. Ito ay sining ng pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik
b. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe na maaaring berbal o di-berbal
c. Ito ay pagbuo ng kaisipan sa ating sarili
d. Ito ay pagtanggap ng mensahe sa ating paligid
______24. Alin ang hindi maaaring maging katangian o kahulugan ng komunikasyon?
a. Pakikipagtalastasan c.Paggamit ng salita
b.Sistematikong proseso d. Pagpapalit ng panahon
______25. Ang tao’y nabubuhay hindi lang para sa kaniyang sarili. Noon pa man ay kaakibat nan g
pamumuhay ng tao ang pakikipagtalastasan sa kaniyang kapwa. Ang ipinahihiwatig ng pahayag
ay______________
a. Mahalaga ang ating kapwa sa buhay ng tao
b. Ang pakikipagtalastasan ay hindi ganap kung wala ang ating kapwa
c. Ang komunikasyon ay bahagi ng pamumuhay ng tao sa mundo
d. Walang nabubuhay sa mundo na mag-isa lamang
______26. Ang komunikasyon ay sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita lamang.
Ang pahayag ay_____________
a. hindi ko maintindihan
b. maaaring tama
c. walang katotohanan
d. may katotohanan
______27. Tinatawag na______________________ang wika ng isang bansa, magkakatulad o iisa lamang
ang wika ng mga mamamayan sa isang bansang naturuan.
a. heterogeneous b. convergence c. homogeneous d.divergence
______28. Tinatawag na ______________________ang wika dahil iba-iba ang sinasalita sa isang lugar.
a. heterogeneous b. convergence c. homogeneous d.divergence

Para sa bilang 29-37, pumili ng letra ng tamang sagot sa kahon.

a. Ding-dong b. Bow-wow c. Biblikal
d. Phoo-phoo e. Ta-ta f. Yum-yum
g. Yo-he-ho h. Sing-song i. La-la
j. Ta-ra-ra-boom-de-ay

______29. Teoryang naibubulalas ng tao dala ng matinding damdamin tulad ng galak ,takot at iba pa.
______30. Teoryang may kinalaman sa puwersang romansa para makabuo ng tula o awit ng pag-ibig.
______31. Huling teorya na tumutukoy sa mga ritwal.
______32. Teoryang pinagmulang ng wika sa mundo.
______33. Teoryang nagsimula sa panggagaya ng ng mga tao sa tunog ng kalikasan.
______34. Teoryang naibubulalas ng tao dala ng matinding damdamin tulad ng galak ,takot at ibapa.
______35. Teoryang nagmula sa mga gawaing pisikal ng mga tao.
______36. Teoryang ginagaya raw ng dila ang pagkumpas ng kamay.
______37. Teorayang pinaniniwalaang may sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa
kapaligiran gaya ng tsug-tsug ng tren at tiktak ng orasan.

II. Pagtambalin ang una at ikalawang hanay ayon sa tunog na hatid ng kalikasan na kasangkapan ng
ginagawa ng tao. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____1. sirena a.ng tren

_____2. angil b.ng kapanilya ng sorbetes
_____3. kilingling c.ng trak ng bumbero
_____4. kalembang d.ng kampana
_____5. kiriring e.ng orasan
_____6. tiktak f.ng kawali
_____7. tsug -tsug g.ng motorsiklo
_____8. sagitsit h.ng kutsara at tinidor
_____9. kalatog i.ng telepono
_____10. lagapak j.ng pintuan

III. Ipaliwanag ang sumusunod na mga katanungan: (5 points)

Bakit mahalaga na magkaroon ng sariling Wika ang isang bansa?

__________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Bilang isang mag-aaral, paano mo mas mapapa-unald ang iyong kakayahan sa paggamit ng Wikang
Filipino?

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

You might also like