Professional Documents
Culture Documents
Dokumen - Tips - Esp Grade 8 1st Quarter Examination
Dokumen - Tips - Esp Grade 8 1st Quarter Examination
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang
itinuring na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay e. lungsod
2. Ano nga ba ang pamilya, ayon kay Pierangelo Alejo?
a. Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng papapakasal
ng isang lalaki at babae.
b. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita, at ipadama ang pagmamahal.
c. Ang pamilya ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at pagmamahal.
d. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at
patuloy na sumusuporta dito dahil sa gampanin nitong magbigay-buhay.
e. Ang pamilya ay nabuo sa pagmamahalan ng lalaki at babae.
3. Kung walang pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na _______________________.
a. pamayanan ng mga tao
b. institusyon ng lipunan
c. pag-asa ng bayan
d. paaralan ng pagmamahalan
e. pamilyang may pagkakaisa
4. Ito ang pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at mapagmahal ang lipunan.
a. paaralan b. pamahalaan c. pamilya d. barangay e. lungsod
5. Ito ang gumagabay sa ugnayan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya.
a. malayang pagbibigay (law of free giving)
b. walang hinihintay na kapalit (radical and unconditional love)
c. pagmamahal ng magulang (paternal love)
d. bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin
e. ag sampung utos ng Diyos
6. Ano ang hamon sa komunikasyon sa pamilya sa modernong panahon?
a. pagpapalaglag
b. kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda
c. ang mga kahirapan sa pagsalin ng pagpapahalaga
d. entitlement mentality
e. inilalayo ng mga anak ang sarili sa mga magulang
7. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.
e. Kapag may problema ang isang kasapi ng pamilya, tulung-tulong ang buong mag-anak
8. Ano nga ba ang komunkasyon?
a. Ang komunikasyon ay ano mang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kanyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang ditto ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri
ng pamumuhay at mga gawa.
b. Sa pamamagitan ng komunikasyon ay naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga
pangangailangan, ninanais at ang kanilang pagmamalasakit.
c. Sa pamamagitan ng komunikasyon nagagawa ng mga kasapi ng pamilya na malutas ang mga
suliraning dumarating.
d. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di-
pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga kasapi nito.
e. Lahat ng nabanggit.
9. Ano ang Diyalogo?
a. Ang diyalogo ay uri ng pakikipag-usap ng dalawa o higit pang tao.
b. Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadayalogo.
c. Pakikipagpalitan ng kuru-kuro o opinion
d. Handang makinig at marinig.
e. Pakikipag-usap sa mga tao.
10. Ano ang monologo?
a. Ito ay may pakay na marinig lamang at hindi ang makinig.
b. Isang uri ng pagsasalita kung saan ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa sarili mismo.
c. Pagpaparatang sa kausap.
d. Pagmumungkahi sa isang usapan.
e. Nagsasalita na mag-isa.
11. Ano ang “I-Thou”?
a. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kanya.
b. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
c. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
d. Handang makinig at marinig.
e. Sarili lagi ang nasusunod.
12. Ano ang “I-It”?
a. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang kapwa na may paggalang sa kanyang dignidad kaya’t
inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong atensyon sa pakikipagdiyalogo.
b. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao kundi isang daan upang makamit ang nais.
c. Pakikipagpalitan ng kuro-kuro o opinion.
d. Handang makinig at marinig.
e. Sunudsunuran sa sinasabi ng iba.
13. Ang karapatan para sa __________________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan b. edukasyon c. buhay d. pagkain at tahanan e. damit
14. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpapasyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak – ito
ay __________________________________.
a. Bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos ng magmahal.
b. Makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. Susubok sa kanilang kakayahan ng ipakita ang kanialng pananagutan bilang magulang.
d. Pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
e. Bunga ng pagmamahalan ng mag-asawa.
15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita nang pagbabantay sa karapatan ng pamilya?
16. Anong karapatan ng pamilya ang itinataguyod ng naging sagot mo sa unang bilang?
a. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na pagbibilang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng
mga pagpapahalagang pampamilya.
b. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
c. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
d. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at
pang-ekonomiyang seguridad.
e. Wala sa mga nabanggit.
17. Suriin ang sumusunod na mga larawan iayos ang mga ito ayon sa maaring maging pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari.