You are on page 1of 303

He's My Bride

by purplenayi

[Story Completed]

Paano kung ang nakatakdang ipakasal sa'yo ay babae rin ang gusto? Maagaw mo kaya
ang puso niya? O malugmok ka na lang sa katotohanang hindi ka babae at hindi ka
niya magugustuhan kahit kailan?

=================

He's My Bride

This is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are
products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to
actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.

[ONGOING SERIES]

Joy was asked by her older brother to marry his best friend and save their company.
Pero dahil sa isang kadahilanan, ayaw ni Joy kaya naman tumakas siya.

After months of running away, bumalik si Joy. Pero hindi siya mag-isa. Bitbit niya
ang girlfriend niya na si Rihanna. Hindi lang na may bitbit siyang babae kundi
tinatawag na niya ang sarili niyang Jay.

Dahil sa ginawa niyang pag-alis ay naubusan siya ng panggastos kaya naman lumapit
na ulit siya sa Kuya niya. Pero ito naman ang tumanggi na magbigay ng tulong. Sa
halip, itinulak pa siya nito kay Ian na ngayon ay partner na ng Kuya niya sa
negosyo. Dahil kahit pala hindi siya pumayag na magpakasal, tinulungan pa rin nito
ang kapatid.

Wala siyang choice kaya naman lumapit na siya kay Ian. He had a proposition that
she can't refuse. She'll live with him for six months (kasama ang girlfriend niya)
and he'll make her fall in love with him. After that, she has a choice to be with
him or be with her girlfriend.

Will Ian change how Joy feels? O pagkatapos ng anim na buwan ay si Rihanna pa rin
ang gusto nito?

*****

Here are the title of my novels and their Female lead. Pati status ng story
nand'yan na. Hopefully, wala nang paulit-ulit na tanong. Hahaha!
Reader's Guide:

True Love Series:

1. The New Boss is My Husband?! [Completed/Published] ~Lana

a. Stuck On You - TNBIMH Special [Completed]

2. The Nerdy Rebound Girl [Completed] ~Jacky

a. You Got Me - TNRG Special [Completed]

b. TNRG Book 2: Still Into You [Completed]

3. He's My Bride [Ongoing] ~Joy

4. Limelight Romance [On-hold] ~Genna

5. The 6th String [Soon] ~Aya

Love, Defined Series:

1. Our Definition of Love [Ongoing] ~Janna

2. A Shadow Girl's Dream [Soon] ~Yumi

Stand Alone Novels:

1. My Poker Guy [Completed] ~Mica

2. Destiny's Angel [Ongoing] ~M2M

=================

Prologue

"Kuya, isa na naman 'to sa mga pranks niyo niyang best friend mo di ba?" sabi ni
Joy.

"Mukha bang nanloloko lang kami, Joy?" sabi naman ng Kuya niyang si Patirck.
"You'll marry Ian. And that's final. Pinag-usapan na natin 'to di ba?"

Isang linggo na ang nakakalipas ng sinabi sa kanya ng Kuya niya ang tungkol rito.
Akala niya, nagbibiro lang ito. Naisip niyang, he love her too much para lang basta
ipakasal sa lalaking hindi niya naman mahal.
Paliwanag ng kapatid niya, naba-bankrupt na sila. Isang pinagkakatiwalaan nitong
tao ang bigla na lang naglahong parang bula at iniwan silang lubog sa utang. Si Ian
lang ang may kakayahan na tumulong, ang kaso, hindi ito pumayag nang walang
kapalit. At siya ang kapalit na hinihingi nito.

Ian's parents adore her so much. Mula pa nang una siyang makita ng mga ito at gusto
na ng mga itong siya ang maoangasawa ng anak. Hindi niya yun masyadong sineryoso.
Who would have thought that this day would come?

"You can't do this to me, Kuya."

"Look, Joy. We don't have any other choice.I did my best, believe me." Huminga ng
malalim si Patrick saka yumuko. Ilang sandali lang, iniangat uli nito ang tingin
kay Joy. "Besides, I trust Ian. He's my best friend, remember? I know he'll take
good care of you. And maybe in the future, you'll fall in love," aniya.

She smirked. "Fall in love? Anong akala mo samin, Lana and Jace version two-point-
o? Once in a blue moon lang ang love story na tulad ng kanila. Besides..." Tinignan
niya mula ulo hanggang paa si Ian. "Wala sa kalingkingan ni Jace yan."

That's a lie.

Actually, kung looks ang pagba-basehan, walang maire-reklamo kay Ian. Pagdating sa
personality, well, he's rude and all that pero kahit paano may kabaitan pa rin
namang taglay. But still, she doesn't want to marry him for some reasons.

"Oh, c'mon. You're talking about Jason Garcia? Mas gwapo pa ako dun eh," biglang
singit ni Ian.

Tinignan niya ng masama si Ian saka bumaling sa kapatid. "May kumakausap ba dito?"
aniya sabay turo kay Ian.

Hindi pinansin ni Ian ang pangbabara niya at nagpatuloy lang. "You'll fall in love
with me, I guarantee you," anito.

Mabilis na tumingin siya sa binata saka humalukipkip.

"I'll never fall in love with you! That's the truth. Get that?"

Tawa lang ang naging reaksyon ni Patrick sa sagutan ng dalawa.

"Joy, at least think about it," ani Patrick.

Padabog na tumayo ang dalaga. "Ayoko. And that's final."

Tumakbo agad siya papunta ng kwarto niya. Pagkasarang-pagkasara pa lang ng pinto ay


nakapagdesisyon na siya. Gagawin niya ang lahat para lang hindi matuloy ang kasal.

=================

Chapter One

Itinigil ni Ian ang paglalaro ng ballpen sa kamay niya nang tumunog ang cellphone
niya. Patamad na kinuha niya yun. Bumuga pa siya ng hangin saka sinagot ang tawag.
"What?" walang buhay niyang sabi.

"Guess what?"

"Pat, wala ako sa mood okay? Bye." Ibababa niya na sana ang tawag nang marinig niya
pang magsalita ang best friend niyang si Patrick. "Ano ba yun?"

"My pretty little sister is back," ani Patrick bago pa ibaba ng tuluyan ni Ian ang
tawag.

Napa-angat agad ng likod si Ian. "Paki-alis yung 'pretty'. So, your little sister
is back," napangiti siya ng malapad. Matagal niyang hinintay ang sandaling ito.

"Hey, I thought you find her pretty? You said so the first time you saw her," ani
Pat. Bakas sa boses ang amusement.

"That was before she'd shown her horns! And she's making my life miserable. Anyway,
nasaan siya? Kailangan naming mag-usap."

"Okay, okay. Nasa bahay siya. Kakatawag lang sa akin ni Yaya. Pauwi na rin ako
roon."

Nagsabi siyang pupunta siya roon saka nagpaalam.

Pagkababa pa lang ng mobile phone niya ay pinindot niya na agad ang intercom.
"Louie, come in here," aniya.

Kinuha niya ulit ang ballpen at nagsimulang laruin yun. Kailangan niyang mag-isip
at ito ang isa sa mga gawain niya na nagpapagana sa utak niya.

Ilang sandali lang, bumukas na ang pinto ng opisina niya at pumasok ang secretary
niyang si Loiue.
"Ano pong kelangan niyo, Sir?" tanong nito.

"Cancel all my meetings this afternoon.

I'm going out," aniya, hindi tumitingin sa binata.

"Pero, Sir. Yung -"

"Cancel. All. My. Meetings. This. Afternoon." Dahan-dahang tumingin siya ng mataman
sa secretary niya habang pinagdiriinan isa-isa ang bawat salita.

Wala na itong nagawa kundi tumango na lang. Sa loob ng tatlong taon na pagta-
trabaho nito sa kanya, alam na nitong pinal na ang desisyon niya oras na magsalita
siya sa ganoong tono.

"Tell them I need to fix something for my wedding. Just in case they ask."

"Tuloy na po ang kasal niyo, Sir?" ani Loiue sa amused na tono.

Napakunot ang noo ni Ian saka tinitigan si Louie. Napa-urong naman ng isang hakbang
ang huli saka napangiwi.

Hindi kasi akalain ng mga empleyado ni Ian na may babaeng makakatagal sa kanya at
magagawa pang pakasalan siya. Sobrang moody niya na walang sinuman ang nakakahula
kung anong katauhan niya sa bawat araw. They even call him Sir Bipo (bipolar)
behind his back.

"Alis na," sabi ni Ian saka iwinasiwas pa yung kamay niya.

Tumalima naman ang binata pero bago pa man tuluyang sumara ang pinto, bumukas na
agad yun.

"What else do you want? Sabi ko alis na di ba?" he snapped.

"That's a rude thing to say, Ian. Bakit ganyan ka magsalita kay Louie?"
Napa-angat siya bigla ng tingin nang matantong ang Mama niya pala ang pumasok sa
opisina.

"Ma! What are you doing here?" tanong niya.

"Picking up my son to have lunch with me?" sagot ng Mama niya.

He rolled his eyes. "Ma, busy ako. Next time na lang. Saka, kelan ka pa pumunta
rito para lang yayain akong kumain?"

"Busy? I've just heard that you cancelled all your appointments! At masama bang
puntahan kita rito para makasamang kumain? Now, get up and have lunch with me."

Napapikit ng mariin si Ian. Hindi malaman ang gagawin. Nasa ganoong estado siya
nang pumasok sa isip niya ang isang ideya. Sasabihin niya rito ang isang bagay na
gustong-gusto nitong marinig.

"Ma, may plano na kami ni Joy na mag-lunch ngayon. Next time na lang tayo, okay?"

Nagliwanag agad ang mukha ng ginang sa balitang yun. Lumapit pa siya sa anak at
malapad ang ngiting nagtanong. "So, pag-uusapan niyo na ba kung kailan ang exact
date ng kasal?" excited nitong tanong.

He sighed. "I don't know yet. Kakabalik lang ni Joy at hindi ko pa alam kung magi-
stay na siya."

"Pero nine months na siyang nagt-travel! Kumbaga kung buntis ako nanganak na ako!"

"Ma, hindi ka na manganganak sa edad mo," inis na sabi ni Ian.

"I'm just giving an example here okay?"


"You could have given a more realistic example."

"Whatever, Ian. I like to see her. I'll join you two."

"What?!" Nag-panic agad si Ian at halos mapatayo. Pero naka-recover din agad siya
at naka-isip ng taktika. "Ma, ngayon lang ulit kami magkikita. Can't you give us
some time alone? I want to have her for myself today. Promise, this week, I'll
bring her home to dinner."

Ngumiti ng malapad ang ginang saka tumayo. "Okay, sige. This Saturday, I'll cook.
I'll wait for the two of you." Yun lang at masiglang lumabas ito ng opisina.

Nanlulumong napaupo sa swivel

chair niya si Ian. Hindi niya alam kung paano lulusutan yun. Sa loob kasi ng ilang
buwan, pinaniwala niya ang mga magulang niya na nagt-travel lang si Joy para ma-
experience naman na mapuntahan ang lahat ng gusto nitong puntahan bago man lang
sila lumagay sa tahimik. Nagtaka pa rin nga ang mga ito pagkatapos niyang sabihin
yun dahil pwede nga naman daw na mag-travel si Joy kahit mag-asawa na sila.
Nalusutan niya lang yun nang sabihin niyang gusto ni Joy na mag-focus na lang sa
kanya sa oras na kasal na sila.

Inayos niya na ang sarili ilang minuto pagka-alis ng Mama niya. Kailangan niya nang
harapin si Joy. At gagawin niya ang lahat para lang mapasunod ito sa gusto niyang
mangyari.

Ang totoo, ginagawa niya lang naman ito dahil nap-pressure na siya sa mga magulang
niya. Palaging sinasabi ng mga ito na matanda na siya at mag-asawa na. Palagi rin
siyang kinukulit sa pagkakaroon ng apo.

"Bakit hindi yang si Tine ang i-pressure niyo?" lagi niyang sagot sa tuwing
sasabihan siya. Nakababata niyang kapatid si Tine o Christine.

"Bata pa ang kapatid mo. Ikaw, malapit ka nang mawala sa kalendaryo," sagot naman
lagi ng Papa niya.

Oa lang naman ng sinasabing yun ng mga magulang niya. Twenty six pa lang naman siya
at sa isang lalaki, normal lang na wala pang asawa sa edad niya. Pero narindi na
siya at ayaw niya nang makarinig ng mga ganoong pagpipilit sa kanya kaya naisip
niya ang planong ito. Sakto lang si Joy dahil alam niyang gustong-gusto ito ng mga
magulang niya.
Halos isang oras din siyang nag-drive papuntang mansion

nina Patrick. Nakita niya na sa garahe ang kotse nito kaya sigurado siyang naunahan
siya nito. Pagkapasok niya pa lang, tinanong niya na agad sa isang katulong kung
nasaan si Joy.

Itinuro siya nito sa garden kaya agad siyang nagpunta roon.

Tatlong tao ang bumugad sa kanya, si Patrick na nakatayo paharap sa kanya. Si Joy
at isang lalaki na parehong nakaupo pakatalikod mula sa kinaroroonan niya. Base sa
hitsura ni Patrick, mukhang hindi maganda ang takbo ng usapan nila.

Boyfriend ba yun ni Joy?

Hindi niya alam kung anong gagawin kung sakali mang totoo ang nasa isip niya.
Mabilis ang ginawa niyang paglakad papalapit. Nakapako lang ang tingin niya sa
dalaga at tinitignan kung anong mga naging pagbabago rito. Napansin niya ang kulay
ng buhok nito, brown na yung dating itim na itim. Medyo nadagdagan siya ng timbang
base sa katawan niya. Though sexy pa rin naman. Pati sa pananamit, nag-iba ito. Ang
dating jeans at blouse na laging suot nito, naging dress na.

Hinarap niya agad ito pagkalapit niya pa lang.

"Joy, we need to-" napakunot agad ang noo niya nang matantong hindi si Joy ang
dalaga. Tumingin siya kay Patrick na ngayon ay bahagyang nakatungo, hindi alam kung
anong sasabihin sa kanya.

Naghinala bigla siya at naramdaman ang presensya ng lalaki sa likod niya.

Dahan-dahan ang ginawa niyang pagtingin sa isa pang naroon kasama nila. Napapikit
na lang siya at tuluyan nang natulos sa kinatatayuan nang makumpirma ang hinala
niya. Ang lalaking naroon, si Joy.

"Please tell me this is a dream," nasabi niya na lang.

"This is a dream," sabi agad ni Joy.


"Oh, God!"

Lumapit siya kay Joy at sinipat ang hitsura nito. Maigsi at panlalaki ang gupit
pero itim pa rin yun tulad ng dati. Nakasuot ng kulay green hoodie na may nakasulat
na 'Live your life' kahit na sobrang init. Cargo shorts ang pambaba at naka-rubber
shoes na kulay orange.

"What?" inis na sabi ni Joy. Na-iilang sa paghagod niya ng tingin dito.

Hindi alam ni Ian kung anong sasabihin. Noon niya pa alam na hindi nagsusuot ng
dress si Joy. Hindi rin naglalagay ng make up. Puro back pack ang bag. Pero hindi
pumasok sa isip niya ang ganito.

Lumapit siya kay Patrick saka bumulong.

"What happened to your little sister? Naka-drugs ba yan? O sinapian? Baka naman
hindi talaga yan si Joy? Kamukha lang? Lalaki talaga yan di ba? Please tell me it's
not your sister."

Hindi napigilan ni Patrick ang matawag sa sinabi niya.

"Pre, as much as I wanted to give you a better girl, you don't have a choice."
Tumingin pa si Patrick kay Joy at itinuro ito na tila ipinapakilala sa kanya. "Meet
your bride."

Nanlulumong tinignan niya na lang si Joy.

What the hell. He really is my bride?


to be continued...

=================

Chapter Two

"Sino naman 'to?" tanong ni Ian sabay turo sa babaeng nandun.

"Girlfriend ko, may problema ka?" sagot ni Joy.

"What?!" Kung may lalakas pa sa pagsabog ng bomba, yung pagsigaw na ni Ian yun.

Napasabunot si Ian sa buhok niya saka tinalikuran si Joy. Huminga siya ng malalim
saka bumilang hanggang sampu bago humarap ulit. Sa pagkakataong ito, kontrolado na
ang bawat salita.

"Hindi mo naman ginagawa 'to para lang hindi matuloy ang kasal natin di ba?" tanong
niya habang nakapikit.

"Kasal?" manghang tanong ng babae.

Napakunot ang noo ni Ian at tinignan ito. Base sa hitsura nito, wala itong alam sa
nangyayari. Nagpapalit-palit ang tingin niya rito at kay Joy.

"Hindi ako magpapakasal sa kanya, babe. Don't worry. Hindi ako kailanman pumayag na
magpakasal sa kanya at hindi ako papayag kahit kailan."

Halos masuka si Ian sa narinig. Babe? Seriously?

"Joy-"
"It's Jay," putol ni Joy o Jay sa sinasabi ni Ian.

"Whatever. Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal natin. Excited na sina Mama at
Papa. Kung tutuusin nga, hinahanda na nila lahat," aniya.

"I don't care. Problema mo yan." Pagkasabi noon ay tumayo si Joy saka bumaling sa
girlfriend niya. "Rihanna, let's go." Tumango naman agad ang dalaga saka sumunod sa
kanya.

Nang makalayo ang dalawa, hindi napigilan ni Patrick ang tumawa. Halos hindi na
siya magkandaugaga sa pagtawa. Tinitigan lang siya ni Ian at hinintay na matapos
siya.

"Nagagawa mo pang tumawa sa sitwasyon ng

kapatid mo?" amused na tanong ni Ian.

"What? It's funny, you know. Though nagulat talaga ako, wala namang kaso sakin kung
ganyan ang kapatid ko. She's my sister and I love her no matter what," ani Patrick.

"Alam mo, ang weirdo niyong magkapatid. Hindi ko nga alam kung paano kita naging
kaibigan eh."

"It's because you're also a weirdo."

Napailing na lang si Ian sa inaasta ni Patrick.

"We need to do something."

~*~
Kanina pa tanong ng tanong si Rihanna kay Joy kung saan sila pupunta habang sakay
ng taxi. Si Joy naman, hindi pa rin sumasagot. Nag-iisip siya ng dapat niyang gawin
rungkol kay Ian. Panigurado kasi, hindi yun titigil hangga't hindi nakukuha ang
gusto.

Unang beses niya pa lang nakilala ang binata, napansin niya na ang pagiging self-
centered nito. Wala itong pakialam kung sino man ang masasagasaan basta ang
mahalaga, masunod ang gusto.

"Babe naman eh! Kanina pa kita tinatanong!" ani Rihanna.

Noon lang napatingin si Joy sa dalaga. "Ano yun?" tanong niya.

"Nakaka-inis ka naman eh. Sabi ko, saan tayo pupunta?"

"Ahh, sa condo ko. Dun na lang tayo tumira. Ayaw namang pumayag ni Kuya na sa
mansion ka rin tutuloy eh," aniya naalala ang pagtatalo nila kanina ng kapatid.

Pinagpilitan niya kanina na sa mansion din tumuloy si Rihanna dahil wala naman
itong ibang matitirhan dito sa Maynila. Ang kaso, ayaw pumayag ng Kuya niya. Ayaw
niya rin namang basta na lang hayaan

na mag-isa ang dalaga dahil ngayon lang ito nakarating sa syudad.

Kinuha ni Joy ang susi niya sa condo pagkatapat nila sa unit. Ipinasok niya yun sa
knob pero hindi yung sumasakto. Kunot ang noong napatitig na lang siya sa pinto.

Ilang ulit niya pang sinubukan na buksan ang pinto pero tulad ng unang beses, ayaw
pa rin nung bumukas. Napapikit siya ng mariin nang maisip kung anong dahilan.
Kinuha niya agad ang cellphone niya at tumawag.

"Kuya, bakit mo pinapalitan ng lock ang condo ko?" bungad niya agad pagkasagot ng
kapatid.

"I didn't," kalmadong sabi ni Patrick.


"Bullshit! Kuya naman, kung hindi mo pinabago ang lock, kanina ko pa 'to nabuksan."

"I said I didn't. Hindi ako ang nagpapalit ng lock. Tanungin mo yung bagong may-
ari."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "What?! Ibinenta mo ang condo ko?!" sigaw
niya sa telepono.

Narinig niya pa ang pagdaing ng kapatid. Marahil ay dahil sa pagsigaw niya.

"Yes, I did. I needed the money. Now, if you'll excuse me. I'm busy."

Magsasalita pa sana siya pero naibaba na ni Patrick ang tawag. Gigil na tinitigan
niya ang cellphone. Kulang na lang ang ibato niya yun sa inis.

"Let's go!" tawag niya kay Rihanna.

Naisip niya ang isa niya pang condo unit. Iyon, malaki ang tsansa na hindi
maibebenta ng Kuya niya. Pwera na lang kung kayang sikmurain ng kapatid na
palayasin si Jacky.

Ilang minuto lang ang ibinyahe nila papunta sa isa niya pang unit. Nang makarating,
dere-deretso siya sa elevator. Nang makarating sa unit niya, sinubukan niya rin
yung buksan. Pero gaya ng sa una,

hindi na rin gumagana ang susi niya.

"Damn!"

Inis na naibato niya ang susi. Ayaw niya nang tawagan ang kapatid niya dahil alam
niya na kung ano ang isasagot nito. Sa halip, number ni Aya ang nai-dial niya.

"Hello, Aya!"
"Uy! Joy? Ikaw ba yan? Anyare sayo? Bumalik tapos nawala ulit. Para kang kabute
alam mo ba yun?" tuloy-tuloy na sabi ng kaibigan.

Sa siyam na buwan kasing nawala siya, nagpakita siya ng ilang beses sa mga
kaibigan. Hindi naman kasi kalayuan ang lugar na kinaroroonan niya ng mga panahong
yun.

"Nandito na ako ulit sa Maynila. Nasaan si Jacky? Sa iyo na ba nakikituloy? O na


kay Maico na?" tanong niya.

Nawala sa isip niya ang huli. Magpapakasal na nga pala ang dalawa bago siya umalis
ulit.

"Nasa States na si Jacky. Yan kasi, hindi ka nagpaparamdam. Huli ka tuloy sa


balita."

"Huh? Bakit, anong nangyari?" tanong niya.

"Mahabang kwento. Tinatamad ako ngayon. Nasaan ka ba?"

"Nandito ako sa condo. Akala ko kasi nandito pa si Jacky. Hindi ako makauwi sa
mansion. Ayaw akong patuluyin ni Kuya."

"Bakit naman?" tanong ni Aya.

"Basta. Pwede bang d'yan muna ako?" Napatingin siya sa kasama. "Kami pala. May
kasama ako."

Pumayag naman si Aya kaya niyaya niya na agad si Rihanna papunta sa bahay ng
kaibigan.

~*~
"Aya, girlfriend ko, si Rihanna. Rihanna, si Aya," pagpapakilala ni Joy sa dalawa.

Napatulala lang si Aya kay Rihanna at ngumiti naman ang huli.

"Hi!" bati ni Rihanna.

Pilit na ngumiti si Aya, hindi alam kung anong magiging reaksyon. Sa lahat

ng taong naisip niyang kasama ni Joy ngayon, isang girlfriend ang hindi pumasok sa
isip niya.

Alam niyang ganito na manamit si Joy dahil ilang beses niya na rin namang nakita.
Pero ang akala niya, pati ng mga kaibigan nila, gusto lang talaga nito ang ganung
ayos. Hindi nila naisip na tibo na pala talaga ang kaibigan nila.

"Uhm, iisa lang ang kwarto dito. Okay lang naman kayo sa sahig di ba? Dito sa
sala?" tanong ni Aya.

Nakita niya sa reaksyon ni Rihanna na ayaw nito pero si Joy ang sumagot. "Oo naman.
Ayos lang. Hindi naman kami maselan."

"Bakit ba kasi ayaw kang patuluyin ni Kuya Pat?"

Ikinwento ni Joy ang mga nangyari. Sa ngayon, nai-kwento niya na rin ang tungkol sa
balak na pagpapakasal sa kanya kay Ian. Never niya kasing nabanggit sa mga kaibigan
niya ang tungkol doon.

"Ian? You mean, Christian Lim?"

Tumango lang si Joy saka uminom ng juice na ibinigay sa kanila ni Aya.


"Whoah! Crush ko yun ah! Ang gwapo kaya niya. "

"Edi sayo na," walang ganang sabi ni Joy.

"Ay, grabe! Pwede ba?" ngiting-ngiti na tanong ni Aya.

"Oo, saksak mo sa baga mo!"

~*~

Kinagabihan, matutulog na lang si Joy nang tumunog ang cellphone niya.

"Hello?" patamad na sagot niya roon.

"Nasaan ka? Bakit bigla ka na lang umalis kanina?"

Sa boses pa lang, alam niya na kung sino yun. Kahit na hindi naman kasi sila
madalas na mag-usap, kilala niya ang beses nito dahil lagi niyang naririnig tuwing
nagpupunta ito sa mansion nila.

"Pakialam mo ba? Saka paano mo nalaman ang number ko?!"

"Hoy, Mary Joy Gatapia. Baka nakakalimutan mong fiance mo ako? At sa huli mong
tanong, wala ka ring pakialam."

Nainis si Joy sa pagbubuo nito ng pangalan niya pari sa pagtawag nito sa sariling
fiance niya. Pati sa hindi nito pagsagot ng maayos sa tanong niya. Saan niya kaya
nakuha ang number ko? Actually, naiinis siya dito na mismo.
"Ambisyoso ka rin ano? Pakababae ka, baka sakaling patulan kita," aniya.

"Aba't!" Halata sa boses nitong nagpipigil lang. "Mag-usap tayo bukas. May
proposition ako sa'yo."

Napakunot ang noo niya at tumingin pa siya sa cellphone. Proposition? Ano naman
kayang nasa isip ng lalaking 'to?

Nacu-curious siya at gusto niyang malaman kung ano yun pero pinigil niya ang
sarili. Hindi siya papayag na makipag-usap kahit na ano pa yun.

"Ayoko." Pagkasabi nun, walang babalang pinutol niya ang tawag.

Hindi pa man niya naibababa ang cellphone niya, tumunog na agad yung muli.

"What?!" inis na sagot niya dun.

"Lalapit ka rin sakin, tandaan mo yan."

Sa pagkakataong yun, si Ian naman ang nagbaba ng tawag.

"Huh! Ako, lalapit? Asa!" Ibinagsak niya ang cellphone sa kutson saka pumikit.

to be continued...
=================

Chapter Three

Maagang bumangon si Joy kinabukasan. Ngayon ang araw na maghahanap siya ng bagong
trabaho. Hindi na kasi kakayanin ng natitirang pera niya ang gastos nila ni
Rihanna. Bukod pa sa nahihiya siyang makituloy nang matagal kay Aya kahit na alam
niya namang ayos lang dito.

"Aya, may extra ka bang damit d'yan? Yung pang-opisina. Mag-aapply ako eh," tanong
ni Joy sa kakagising lang na si Aya.

Pinasok niya na ito sa kwarto dahil hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras.

"Hmmn?" Kalahating mata pa lang ni Aya ang mulat ata halatang wala pa sa huwisyo.
"Aish, ang aga mo namang manggising," biglang sabi nito nang makita ang oras.
"Humanap ka na lang sa cabinet."

Hindi na siya nagsalita pa, lumapit agad sa cabinet at nai-ransack ang laman nun.
Nakapameywang pang tinitigan niya ang mga damit.

"Anak ng teteng naman. Wala man lang ba siyang hindi masyadong girly?" Nag-tsk pa
siya saka nagpatuloy sa paghahalungkat. Pati mga drawer ay hinalughog niya na nang
sa wakas, makakita siya ng slacks na mukhang kakasya sa kanya. Ngiting-ngiti na
kinuha niya yun at ang kulay yellow na blouse.

Mabilisan ang ginawa niyang pagligo saka nagbihis. Saktong-sakto sa kanya ang
damit. Tinernuhan niya yun ng itim na doll shoes ni Rihanna. Puro rubber kasi ang
sapatos niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Rihanna nang magising at napansin siyang bihis na


bihis.

"Ah, maghahanap ako ng trabaho. Dito ka na lang muna ha? Alis na ako."

~*~

Kampante pa siyang nag-walk in sa isang company na malapit sa dati niyang pinagt-


trabahuhan. Mukhang maganda ang naging impression sa kanya ng unang interviewer

kaya kampante siyang matatanggap.

Dumaan pa siya sa exams at ramdam niyang pasado siya sa mga yun. Ni hindi man lang
siya pinagpawisan.

Nasa waiting area na lang siya pagkatapos ng huling exam. Isa-isa nang tinatawag
ang mga kasabay niyang nag-aaply din. May mga masayang umuupo ulit sa waiting area
at meron namang nakasimangot na umaalis na lang.

"Ms. Gatapia?"

Tumayo agad siya nang tawagin ang pangalan niya. This is it, sa isip niya. Ninety
pecent ang posibilidad na matanggap siya kaya malapad ang ngiti niya nang humarap
sa babae.

"Ms. Gatapia, you've passed all of our exams with a really high score, actually..."
Hindi na maalis ang ngiti ni Joy habang nagsasalita ang babae. Ine-expect niya na
ito pero iba pa rin pag naririnig mo na. "Unfortunately..." Nawala ng konti ang
ngiti niya. "We don't have an available slot for the position you're applying for.
We're very sorry."

Tuluyan nang nawala ang ngiti ni Joy. Napuno ng inis ang isip niya. Pinilit niyang
kalmahin ang sarili tulad ng lagi niyang ginagawa pag naiinis na. Huminga pa siya
ng malalim saka pinilit ulit na ngumiti.

"Okay, thank you."

Pagkasabi niya nun, tumayo na agad siya at lumabas ng building.

"Leche na yun. Simula initial interiew alam niya na yung position na ina-applyan ko
pinadaan pa ako sa maraming cheche buretche. Kainis! Sinayang oras ko!" bulong niya
sa sarili habang naglalakad.

Hindi niya alam kung saan siya susunod na pupunta. Pagtingin niya sa wrist watch
niya, malapit na palang mag-alas dose. Hindi niya namalayan ang oras. Kalahating
araw na pala ang nasayang

niya.

Pumasok siya sa isang fast food resto para kumain. Puno ang resto dahil oras na ng
tanghalian. Pero dahil pang-fast food na lang ang pera niya, naghanap na lang siya
ng pwedeng maupuan. Swerte namang nakita niya ang kasabayan niya kaninang mag-apply
kaya nilapitan niya yun.

"Hi!" bati niya sa babae. "Pwedeng makiupo rito?"

Tumango ito saka ngumiti.

"Salamat!"

Inilagay niya na ang folder na hawak saka pumunta sa counter para bumili ng
pagkain. Nang makabili, bumalik na siya sa mesa at nagsimulang kumain. Noong una,
tahimik lang sila pareho pero mayamaya, nagsalita ang babae.

"Ako nga pala si Hanna. Nag-aaply ka rin di ba? Kasabay kita kanina," anito.

"I'm Joy. Oo nag-aapply din ako. Kamusta, tanggap ka ba?" tanong niya saka sumubo
ng pagkain.

Tumago ang babae. "Grabe, akala ko nga di ako papasa eh. Ang hirap nung logic,
nakakainis!" sabi nito sabay tawa. "Buti na lang pumasa pa. May final interview pa
mamaya. Kinakabahan ako."

Ngumit na lang si Joy saka tumango nang may maisip. "Ano bang posisyon ang ina-
applyan mo?" tanong niya.

"Accounting Staff," simpleng sagot ni Hannah.

Parang umakyat lahat ng dugo ni Joy sa ulo. Inalala yung sinabi sa kanya ng babae
kaninakung bakit hindi siya tanggap.

Walang slot?! Anong kagaguhan yun? Accounting staff din ang inapplyan ko ah? At
siya na mismo ang nagsabi na mataas lahat ang nakuka ko!

"Ayos ka lang, Joy?" tanong ni Hannah.


Pinilit niya uling ngumiti saka tumango.

"Ikaw, ano bang inapplyan mo? May final interview ka rin ba?"

Nag-roll eyes pa si Joy ng

palihim saka sumagot. "Hindi ako natanggap. Kumpleto na raw janitor nila. Wala nang
slot." Kumagat pa siya ng malaki sa burger pagkasabi nun.

~*~

Tatlong companies pa ang pinasok niya pagkatapos mag-lunch. Ang kaso, lahat ng yun
puro walang bakante. Inis na umuwi na lang siya nang papadilim na.

Naroon na si Aya nang dumating siya sa bahay nito. Si Rihanna, wala.

"O, kamusta ang job hunt?" tanong ni Aya.

"Malas. Lahat walang bakante. Tsk!"

Kumunot ang noo ni Aya. "Walang bakante? Kahit saan wala? Tumingin ka na muna sa
jobstreet baka may makita ka," anito.

Pabagsak na naupo si Joy sa sofa saka nagbuntong-hininga.

"Tinatamad akong mag-hanap online. Magwa-walk in na lang ulit ako bukas. Pahiram
ulit nito ha?" sabi niya na ang tinutukoy ay ang slacks.

"Sure. Good luck sa paghahanap."

"Si Rihanna?"

Nagkibit-balikat si Aya. "Malay ko. Pagdating ko wala siya eh. Iniwan ngang
nakabukas yang pinto." Halata sa boses nito ang disgusto.

Hindi na lang nagsalita si Joy at nai-text ang nobya.

~*~

"Parang may mali na ah. Hindi na normal 'tong nangyayari," bulong ni Joy sa sarili
pagkatapos siyang sabihan na walang bakante sa ikaapat na kompanyang pinasok niya
sa araw na 'to.

Naglalakad na siya palabas nang makaringgan niya ang pag-uusap ng boss at ng HR.

"Naka-alis na ba si Gatapia?" tanong ng boss.

"Opo, Sir. Sinabi ko po yung nai-bilin niyo," sagot naman ng HR.

"Good. I'll inform Ian about this. Thank you."

Napapikit ng mariin si Joy. Kanina pa pumasok sa isip niya na may kinalaman si Ian
sa mga nangyayari

pero hindi agad siya nag-conclude. Pero ngayong nasiguro niya na kung anong
nangyayari, ngayon din ay susugurin niya ang binata.

Derederetso lang si Joy sa pagpasok sa opisina ni Ian. Wala siyang pakialam kahit
na mahigpit na ang pagkakahawak sa kanya ng sekretarya nito para lang pigilan
siyang pumasok. Pabagsak na binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang gulat
na mukha ni Ian at ng kausap nito.

"Joy," ani Ian.

"We need to talk," sabi agad ni Joy. Hindi pinapansin ang lalaking nakaupo sa gilid
niya.

"Uhm..." tumingin si Ian sa kausap, pagkatapos ay kay Joy. "Mr. Velez, I'm sorry
about this. My fiance here-"

"No, it's okay." Iwinasiwas pa ng matanda ang kamay niya saka ngumiti kay Joy. "I
know how important the woman in your life is. Please patch things up," sabi pa nito
saka tumayo. "It's nice meeting you, soon to be Mrs. Lim."

Hindi na nakaumang si Joy sa sinabi nito dahil mabilis na nakaalis din ito. Hinarap
na lang niya ang binata. Magsasalita na sana siya pero inunahan siya nito.

"So, sweetie. Wala man lang ba akong kiss d'yan?" ani Ian sa nag-aasar na tono.

Hinampas ni Joy ang desk ni Ian na ikinagulat ng huli. "Ginagago mo ba ako?


Dalawang araw na akong naghahanap ng trabaho pero walang tumatanggap sa akin!"
aniya.

Humalukipkip si Ian, pinipigilan ang ngiti.

"Maybe they find you undeserving for the job," anito.

"That's a bull! I have a bachelor's degree and I have a good record."

Sasagot pa sana si Ian pero nagpatuloy si Joy.

"Besides, narinig kong kinausap mo ang mga yun na wag akong tanggapin! Ano bang

gusto mo ha? Away o gulo?"

"Relax, sweetie-"

"Wag mo nga akong ma-sweetie-sweetie! Switihin ko yang mukha mo eh!"

Tawa lang ang sinagot ni Ian. Hindi nito pinipigilan ang sarili at patuloy lang sa
pagtawa.

"Ano bang nakakatawa ha?" singhal pa ni Joy.

"I-ikaw..." sabi ni Ian. "Alam mo bang nagiging ganyan ka lang pag kaharap ako?"

Kumunot ang noo ni Joy, hindi maintindihan ang sinasabi ni Ian.

"I mean. You're quiet when you're with someone else. Lahat na nga ng kasama mo
nagsasalita pero ikaw dakilang listener lang eh. Pero pag ako ang kausap mo, halos
hindi ako makasingit. Mukhang nailalabas ko ang apoy sayo ah?"

Nag-init lalo ang ulo ni Joy dahil sa sinabi ni Ian. Pero ngayong sinabi nito ang
bagay na yun, naisip niyang totoo nga yun. Nagkakaganito lang siya kapag si Ian ang
kaharap. Sa iba, pinipilit niyang kalmahin ang sarili bago siya magsalita.

Inis na dinampot niya ang picture frame sa desk nito at akmang ibabato yun kay Ian.
Mabilis na tumayo ang huli at umilag.

"Whoah! Masakit yan!" sigaw ni Ian.

Hindi nagsalita si Joy. Nanlilisik lang ang mata na nakatitig pa rin kay Ian.

"Wag mong ihahagis yan. Ang cute mo pa man din sa picture na yan!"

Tinignan agad ni Joy ang picture. Nagulat siya nang makita ang mukha niya dun.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Naiinis siya lalo na ewan.

"Saan mo nakuha 'to?!" pasigaw na tanong ni Joy.

"Sikreto!"

Akmang ibabato ulit ni Joy ang picture frame pero nakalapit agad si Ian. Yumakap
ito mula sa likod niya at inagaw ang picture frame sa kamay niya. Kahit na hawak na
nito ang frame ay hindi nito inalis ang pagkakayakap sa kanya.

Hindi napansin ni Joy kung gaano katagal na ganun sila, nagulat na lang siya nang
bumulong si Ian sa tenga niya. Tila bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa katawan
niya ng mga oras na yun.

"Nasasarapan ka sa yakap ko 'no?"

Nang nag-register sa utak ni Joy ang sinabi ni Ian, nanlaki ang mga mata niya at
nagpumilit kumawala. Pero dahil malakas si Ian, napagod na lang siya pero hindi
siya naka-alis sa mga bisig nito.

"Please, listen to my proposition first. I know you'll like it."

to be continued...

=================

Chapter Four

"Okay, makikinig ako. Pwede bang bumitaw ka na?" ani Joy dahil hanggang ngayon ay
nakayakap pa rin si Ian sa kanya.

"Mangako ka munang hindi ka mananakit," sabi ni Ian.

Bumuga ng hangin si Joy saka mabilis na tumango. "Okay, okay. Pangako!" aniya pa.

Nakahinga naman ng maluwag si Ian at umalis sa pagkakayakap sa likod niya. Pero


hindi pa man nakakalayo si Ian, sinapok na agad siya ni Joy.

"Aray! Nangako ka ah!" inis na sabi nito.


"Promises are made to be broken. Di ka na-inform?" sabi ni Joy saka naupo sa upuan
na nasa harap ng mesa ni Ian.

Wala nang nagawa ang huli kundi ang mapa-iling na lang at maupo sa swivel chair
niya.

"So, here's my proposition," pagsisimula ni Ian. Nakinig lang ng maigi si Joy at


tumitig kay Ian. "Next week, pupunta tayo sa States. Papalabasin natin na
nagpakasal tayo doon."

Napukaw ang atensyon ni Joy kaya naman napa-deretso siya ng upo, interesado na sa
sinasabi ng binata.

"Pagkabalik natin dito sa Pilipinas, magsasama na tayo sa iisang bahay. Not in the
same room dahil alam kong irereklamo mo na yun. The arrangement will last for six
months. And after that period of time, we'll decide if we will get married for real
or not. Though I know you'll choose the first."

"Wow! Saang pocketbook mo nabasa yan? Ganda ng plot ha? Kaso masyadong clichè. Ano
'to naisip mo nang mai-in-love ako sayo? Yung ang ending mo? Ha-ha-ha!"

"Wag kang tumawa dahil kakainin

mo rin ang sinasabi mong yan. Sinisigurado ko sayo, wala pang six months in-love ka
na sakin." Si Ian naman ang tumawa ngayon.

"Joke yun?"

Itinuro ni Ian ang mukha niya saka ipinakita ang seryoso niyang mukha. "Seryoso
ako, oh. Di mo ba nakikita?"

"Sige, mukhang gusto kong maging cast niyang palabas mo. Kaso may gusto akong isama
sa cast bago ako pumayag."

Napakunot ang noo ni Ian. "Sino naman?" tanong niya.


"Nagtanong pa. Malamang yung girlfriend ko, si Rihanna! Dapat kasama siya sa
bahay."

Naningkit ang mata ni Ian saka tumitig kay Joy. "May antagonist agad?" bulong nito
sa sarili.

Napangiti ng malapad si Joy. "Bakit, threatened ka kay Rihanna? Alam mong hindi ako
mai-in-love sayo lalo na't naroon ang mahal ko di ba? Di ba?" Tumawa pa lalo si
Joy. "Saka as if naman na ma-in-love talaga ako sayo! Ano ako, bakla? Ha-ha-ha!"

"Oras na halikan kita, kakainin mo lahat ng sinasabi mong yan," nakasimangot nang
sabi ni Ian.

"Weh? Di nga?" sabi pa rin ni Joy sabay tawa.

"Aish! Basta next week pupunta tayong States! Ibigay mo sakin yung passport mo, ako
nang bahala sa lahat!"

Noon lang tumigil sa pagtawa si Joy saka humarap kay Ian. "Yes, Sir! Pero, may
kailangan nga pala ako," aniya.

"Ano yun?" nakasimangot pa ring sabi ni Ian.

"Wala kaming matirahan ni Rihanna. Patira naman sa condo mo habang hindi pa tayo
kasal." Pinagdiinan niya yung kasal na para bang nakakatawang bagay yun.

Nag-isip lang sandali si Ian saka tumango. Nag-tsk pa

siya saka kinuha ang susi ng condo niya. Iniabot niya yun kay Joy pati ang papel
kung saan nakasulat ang eksaktong address nun.

"Salamat, sweetie! Ha-ha-ha!" sabi pa ni Joy saka umalis ng opisina ni Ian.

Naiwan na lang ang huling inis na inis at nakatitig sa nilabasang pinto ng


kunwaring mapapangasawa.
Napapikit na lang ng mariin si Ian. Pinisil-pisil niya pa ang sintido niya dahil
sumakit yun bigla. Nasa ganoong ayos siya nang biglang bumukas muli ang pinto ng
opisina niya at pumasok si Joy.

Nakatingin lang siya rito, kunot ang noo. Ano pa bang kailangan niya?

Mabilis na lumapit si Joy sa mesa ni Ian at nakangiti pang tumitig rito.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Ian.

Tumawa pa ng bahagya si Joy. "Pahinging pera. Naubusan na ako eh. Saka, ipasundo mo
naman kami ni Rihanna sa bahay ng kaibigan ko. Saglit..." Kinuha ni Joy ang memo
pad sa mesa ni Ian at ang sign pen doon saka nagsulat. "Heto ang address,"
nakangiti pang sabi niya.

Napapa-iling na lang si Ian habang nakatitig sa memo pad na iniharap sa kanya. Nang
tumingin siya kay Joy, nakasahod na ang kamay nun. Napapikit siya ng mariin.

"What, hindi mo ba bibigyan ng sustento ang asawa mo? Wala akong trabaho, uy.
Kailangan ko ng panggastos."

"Hindi pa-"

"Dali na, daming arte! Marami ka namang pera eh!" Umikot si Joy papunta sa upuan ni
Ian at siya pa mismo ang naghalungkat ng wallet ni Ian.

Wala nang nagawa ang huli

nang kumuha ng lilibuhin si Joy mula sa pitaka niya.

"Salamat sweetie! See you next week!" ani Joy habang tumatawa pa.
~*~

"Mag-empake ka na!" bungad agad ni Joy kay Rihanna pagkarating niya.

"Huh? Saan tayo pupunta?" tanong nito.

"Sa magandang buhay," sabi ni Joy sabay tawa. Kumunot lang ang noo ni Rihanna,
iniisip kung anong tinutukoy ni Joy pero hindi na nagsalita pa. Inayos na lang niya
ang mga gamit at nagsimulang mag-empake.

"Oh, saan ang punta niyo?" tanong ni Aya na kakalabas lang ng kusina.

"Nakahanap na ako ng matitirhan namin. Salamat sa pagpapatuloy mo ha?" Lumapit pa


si Joy saka yumakap sa kaibigan. Itinulak naman agad siya nito sabay sabing "Eew!"
Nagtawanan lang silang dalawa pakatapos nun.

Dalawang oras pa ang lumipas nang may pumaradang kotse sa harap ng bungalow ni Aya.
Lumabas agad si Joy kasabay naman ng pagbaba ng lalaking sakay nun. Kunot ang noo
at mukhang inis na inis.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya agad. "Saka hindi ikaw ang inaasahan kong susundo
sa amin ah?"

Nag-tsk si Ian saka tumingin ng masama kay Joy. "Hindi mo naman kasi sinabing wala
naman pala sa kabihasnan 'tong tinitirhan mo ngayon!" inis pa ring sabi ni Ian.
"Saka wala akong mapaunta rito kaya ako na lang."

Tumawa lang si Joy saka pumasok sa loob. Kinuha niya ang mga gamit nila ni Rihanna
at sinenyasan si Ian na kunin ang mga yun. Lumapit ulit siya kay Aya at yumakap.

"Salamat talaga ha? Hayaan

mo, babawi ako sayo."


"Teka lang," ani Aya. Tumingin siya kay Ian saka nagtanong. "Sino siya?"

Tumingin muna si Joy kay Ian na ngayon ay inis na buhat an gmga gamit nila at
inilalagay sa trunk ng sasakyan. "Siya?" malakas na sabi ni Joy. "Siya lang naman
ang prince charming ko. Di ba, sweetie?!" aniya pa sabay tawa.

Pinaningkitan ng mata ni Aya si Joy.

"What?"

"You seem different. Kelan ka pa naging ganyan?" tanong ni Aya.

"What do you mean?"

"Ganyan. You're mocking him. Usually nananahimik ka lang eh."

Nagkibit-balikat si Joy. "Sa damit siguro," sabi niya sabay tawa.

"Isa pa yan. Madalas ka nang tumawa ng wala naman talagang nakakatawa," ani Aya,
nakangiti na sa ngayon.

Joy rolled her eyes. "Whatever, Aya."

~*~

Tahimik lang si Ian habang nagmamaneho. Hindi siya makapaniwala na nagpapa-uto siya
sa tomboy na 'to. Ewan niya ba sa sarili niya. Pwede naman kasing hindi na lang
ituloy ang kasal o yung kunwaring kasal nila.

Tumingin siya kay Joy. Nakatingin lang ito sa labas at mukhang may malalim na
iniisip. Iniisip na naman ba nito kung paano pahihirapan ang buhay ko? Inis na
nasaisip ni Ian. Naisip niyang siya naman ang mang-aasar.

"Sweetie..." malambing na tawag niya kay Joy.

Padabog yung pagharap ni Joy sa kanya.

"Bakit?"

"Anong gusto mong kainin? Maghahapunan na rin naman," tanong niya.

Tumingin si Joy sa backseat. "Anong gusto mo, babe?" tanong ni Joy.

Kulang na lang ay tapakan ng todo ni Ian ang gas sa inis. Oo nga pala, may asungot
sa likod.

"Gusto ko ng chicken, babe," sagot naman ni Rihanna.

"Chicken daw, sabi ng babe ko."

Hindi na lang sumagot si Ian at naghanap ng resto na mabibilhan ng manok.

Nang makarating sila sa condo ni Ian, isinahod agad ni Ian ang kamay niya.

"O, ano yan? Wala akong pera," sabi ni Joy.

"Passport! Yung passport mo!" sabi ni Ian. Inis pa rin dahil hindi siya makabawi-
bawi kay Joy.
Tumango naman si Joy at hinalungkat ang gamit. Napangiwi pa si Ian nang makita ang
mga damit roon. Puro pantalon, khaki shorts at t-shirt. Napapailing na lang siya at
hindi na tinignan ang mga yun.

Tumalikod na agad siya nang iabot sa kanya ni Joy ang passport. Pero bago lumabas
ng condo, humarap ulit siya.

"Susunduin kita sa Linggo. Tatawagan na lang kita kung anong oras," yung lang at
tuluyan na siyang lumabas.

to be continued...

=================

Chapter Five

Iniangat ni Joy ang cellphone niya nang tumunog ulit yun. Indikasyon na nag-reply
na ang ka-text niya.

From: Aya

In fairness kay Christian ha, lalo siyang gumwapo! Ni hindi ko agad nakilala! Ano
bang pinaggagagawa nun? Ibang-iba talaga eh!
Kanina pang si Ian ang topic nila. Hindi niya rin alam kung bakit pero aliw na aliw
si Aya sa topic na yun. Alam na kasi nito ang sitwasyon nila ni Ian at mukhang
nakaka-amoy pa raw ng romance.

To: Aya

Ano bang pinagsasasabi mo jan? Patingin ka na nga sa mata! O mas mabuti, utak na
ang ipatingin mo!

From: Aya

Bakit kaya hindi ikaw ang magpatingin ng mata? Nabubulag ka na! Kita mo...

Naningkit ang mga mata ni Joy sa huling text ni Aya. Halata kasing ibinitin talaga
nito ang sinasabi. At alam niya ang kasunod noon. Hindi man eksaktong alam niya ang
bawat salita, alam niyang may kinalaman yun kay Rihanna.

To: Aya

Pwede ba, Aya. Alam ko kung anong gusto ko.


Yun na lang ang isinagot niya kesa naman magtalo pa silang magkaibigan.

From: Aya

Whatever, Joy. Anyway, bukas ha? Umoo na yung dalawa. Alam mo namang mahirap kumuha
ng oras kay Genna kaya samantalahin na natin.

Magkikita-kita

silang apat bukas. Sabado kasi at saktong walang taping o guesting o kung anuman si
Genna, ang artista nyang kaibigan. Apat lang sila dahil nasa U.S. ang isa niya pang
kaibigan na si Jacky. Tatayo na sana siya para kumuha ng maiinom nang nag-ring ang
cellphone niya. Pagkatingin niya roon, napakunot agad ang noo niya.

Calling...

Ian Kumag

Sumimangot pa si Joy na parang makikita yun ni Ian bago siya sumagot.

"Oh, problema mo?"

"Ganyan ba ang tamang pagbati sa soul mate mo?" ani Ian.


"SOLE mate? Sorry ha, ngayon ko lang na-realize na kamukha mo nga pala yung
talampakan ko. Bakit ka nga napatawag?" inis na tanong ulit ni Joy.

"Kung kamukha ko yang talampakan mo, isa ka nang Diyosa. Ubod ng ganda! Biruin mo,
talampakan mo pa lang ulam na ulam na?" Tumawa pa ng malakas si Ian mula sa
kabilang linya na ikinainis lalo ni Joy. "Anyway, change of plans. Susunduin kita
bukas. Magdi-dinner tayo sa bahay ng parents ko," anito.

"Huh?!" Napatayo bigla si Joy sa narinig. "Anong magdi-dinner?!"

"Magdi-dinner, kakain ng hapunan, magdi-dinner," pagpapaliwanag ni Ian sa meaning


ng dinner.

"Leche. Alam ko ang ibig sabihin nun! Ang tanong ko, bakit kailangang mag-dinner
kasama ang pamilya mo?!"

"Aww! 'Wag ka ngang sumigaw ng sumigaw! Baka masira ang eardrums ko! Di bagay sa
gwapo ang bingi!" Tumahimik ito sandali saka nagpatuloy. "Gusto ni Mama na
ipakilala kita sa kanila

bilang official fiancé ko."

"Kilala naman nila ako ah!" ani Joy, inalala ang araw na isinama siya ng Kuya niya
sa bahay nila Ian. Yung din ang araw na dineklara ng Mama ni Ian na siya ang
mamanugangin.

"Bingi ka ba? Sabi ko, ipapakilala kita bilang official fiancé ko. Hindi bilang
batang uhugin na kapatid ng best friend ko."

Napa-roll eyes si Joy sa sinabi ng binata pero hindi na lang yun pinagtuunan ng
pinansin. "Hindi ako pwede bukas, may lakad ako," aniya.

"I-cancel mo! Isang linggong pinaghandaan ni Mama ang pagpunta mo tapos hindi ka
sisipot? Hindi ako papayag na mabalewala ang efforts ni Mama!"

"Pero hindi rin pwedeng i-cancel yung lakad ko! Minsan na nga lang kaming magkita-
kita ng mga kaibigan ko eh!"

Ilang minuto pang nagtalo sila ng nagtalo hanggang sa huli, nagkasundo rin sila ng
dapat nilang gawin.

"Sige, pagdating ng alas-sais, aalis na tayo at pupunta sa bahay niyo. Agapan mo


bukas ha!" ani Joy.

Napagkasunduan nilang pupunta sila sa pagkikita-kita nina Joy at pupunta rin sila
sa dinner. Nagpumilit na sumama si Ian sa lakad ni Joy para naman raw makilala niya
ang mga kaibigan ng huli. Nang una ay hindi pumayag si Joy pero nang sabihin ni Ian
na sasagutin nito ang lahat ng kakainin nila, mabilis siyang umoo.

~*~

"Gagabihin ako ng uwi, may niluto akong pagkain sa ref, initin mo na lang," ani Joy
sa nobyang si Rihanna na kasalukuyang nanonood ng TV.

"Okay, pasalubong

ko ha?" anito.

Nagkibit na lang ng balikat si Joy at lumabas na ng condo.

Gusto sana ng mga kaibigan niya na isama niya si Rihanna pero tumaggi siya. Hindi
niya rin alam kung bakit. Siguro dahil natatakot siyang magkagulo lalo na't may
pagka-maldita ang nobya niya. Siguradong pag-iinitan lang ito ng mga kaibigan niya.

Nasa tapat na ng building ang kotse ni Ian pagkababa niya. Sinabihan niya itong
'wag nang umakyat at hintayin na lang siya sa labas.

Sa bahay nina Lana ang punta nila. Doon na lang nila napagpasyahan na magkita-kita.
Una, tahimik at makakapag-kwentuhan sila ng husto. Pangalawa, iwas na rin sa mga
fans ni Genna na siguradong pagkakaguluhan ito.

Dahil doon, cancel na ang pagsagot ni Ian sa gastusin. Si Lana na raw kasi ang
bahala sa kakainin nila.

"Hoy, manahimik ka lang dun mamaya ha. Wag na wag mo 'kong ipapahamak. Kundi,
malilintikan ka sakin!" ani Joy habang nasa byahe.

"Wow naman! Dapat nga magpasalamat ka na isang gwapong katulad ko ang maipapakilala
mo sa mga kaibigan mo eh."

Tinignan ni Joy si Ian na parang nandidiri siya sa mga sinabi nito. Lumayo pa siya
ng konti saka tumingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Oo na. Hindi nakaka-prud para sayo. Mas magiging proud ka kung maganda ang
ipapakilala mo. Tss."

Hindi na lang umimik si Joy at ilang sandali pa ay nakarating na rin sila sa


mansyon ng mga Garcia.

Himalang naroon na ang dalawang kaibigan niya pagkarating nila. Sakto lang naman
sila sa oras kaya naman nagtatakang tinignan niyang maigi ang dalawa.

"What? Bawal na maging maaga?" ani Genna,

mukhang nabasa ang iniisip niya.

Naiiling na naupo si Joy sa bakanteng pwesto. Hindi na pinagka-abalahang ipakilala


ang kasama. Naupo si Ian sa tabi niya at tumikhim. Hindi niya pinansin yun.
Mayamaya, tumikhim ulit ito at siniko pa siya kaya napatingin siya bigla.

"O, nand'yan ka pala?" patay-malisyang tanong niya.


Tinignan siya ng masama ni Ian saka inginuso ang mga kaibigan niya. Alam niya ang
ibig sabihin nito pero gusto niya itong asarin lalo na't nakakatawa ang hitsura
nito nang mga oras na yun. Tinitigan niya lang ito habang nakakunot ang noo.

Ngumiti ng nakakaloko si Ian kapagkuwan at alam niyang 'yun na ang cue niya para
ipakilala ito. Kung hindi, siguradong may kalokohan itong gagawin.

"Girls, si Ian. Ian, mga kaibigan ko, si Lana, Genna at Aya," pagpapakilala niya sa
mga ito. Itinuro niya pa isa-isa habang sinasabi ang pangalan ng mga ito. "Yun
naman si Jace," ani pa ni Joy habang tinuturo si Jace na naglalakad mula sa pinto.

"Its nice meeting you, girls!" ani Ian. "Masaya ako na makilala ang mga kaibigan ng
fiancé ko," aniya.

Pinaikot ni Joy ang mata niya pero hindi na nag-comment. Nagtawanan lang din ang
mga kaibigan niya, alam na kasi ng mga ito ang sitwasyon nila. Ikinwento na ni Aya
noong nakaraang araw. Isa sa mga dahilan kaya nagkasudo silang magkita-kita.s

Nanahimik lang si Joy sa isang tabi habang kumakain. Ito ang usual na siya. Tahimik
lang at nakikinig sa mga kaibigan niya. Hindi niya rin alam kung bakit pero
nakasanayan niya na 'to simula pa noong

unang magkakila-kilala sila.

Si Ian naman, nakikidaldal sa mga kaibigan niya. Nagkapalagayan rin ito ng loob at
ang asawa ni Lana na si Jace at nang huli ay nag-kwentuhan sa kabilang bahagi ng
garden.

"In fairness sa fiancé mo Joy, ha. May karisma! Isa siyang malaking check!" ani
Genna nang makalayo ang dalawang lalaki.

Ngumiwi si Joy, sumubo ng pagkain saka nagsalita. "Sumikat ka lang, nabulag ka na!"
aniya, medyo malabo ang sinabi niya dahil puno ang bibig.

"Hay naku, kung hindi ko lang alam ang totoong sitwasyon niyo, matutuwa talaga ako
na siya ang mapapangasawa mo," sabi naman ni Aya.
"Akala ko ba crush mo si Kumag?" ani Joy.

"Ayiie! Selos lang yan, di ba?" pakanta pang sabi ni Aya.

Ang 'sitwasyon' na alam nila at yung pagpipilit na pagpapakasal king Joy at Ian ng
Kuya niya. Wala siyang binaggit kahit kanino tungkol sa napagkasunduan nila. Kay
Rihanna, malamang ay sasabihin niya dahil makakasama nila ang dalaga sa isang bahay
pero sa napagpasyahan niyang sa susunod na linggo na lang yun pagkabalik nila
galing States.

~*~

Saktong alas-sais sila umalis sa mansyon ng mga Garcia. Naiwan pa ang dalawa roon
dahil gusto pang makipag-bonding. Kahit naman siya yun din ang gusto. Ang kaso,
wala na siyang magawa dahil naghihintay na sa kanila ang pamilya ni Ian.

Dumeretso muna sila sa isang boutique at ibinigay ni Ian sa kanya ang isang damit.
Hindi yun dress pero kung ikukompara sa suot niya ngayong maluwag na t-shirt at
khaki shorts, magmumukha siyang babae

sa damit na yun. Inabutan din siya ni Ian ng sapatos pamalit sa kulay orange niyang
rubber shoes.

Hindi niya alam kung bakit, pero kinakabahan siya sa buong biyahe. Pakiramdam niya
tuloy totoong boyfriend niya ang katabi at ipapakilala talaga siya sa magulang
nito.

Napatingin siya bigla kay Ian sa naisip at napangiwi na lang. Eww, never!

Niyakap agad siya ng Mama ni Ian pagkarating na pagkarating nila. Bakas ang sobrang
saya sa mukha nito.
"Naku, hija. Sabi ko naman sayo darating ang araw na 'to eh!" masiglang sabi ng
ginang.

Pinilit na lang ngumiti ni Joy habang akay siya nito papunta sa dining table.
Naroon na ang Papa ni Ian. Wala ang mga kapatid nito, na dalawang babae, dahil may
kanya-kanya nang bahay.

"Magandang gabi ho," bati ni Joy sa Papa ni Ian na ngayon ay nakatayo na para
salubungin siya. Niyakap din siya nito tulad ng ginawa ng Mama ni Ian saka
hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Welcome to the family, hija. We're so happy
that Ian's finally decided to settle down. And much more, it's with you. Hindi
namin inakala na matutupad ang pangarap namin," masayang sabi ng matandang lalaki.

Ngiti lang ang nagawang isagot ni Joy doon. Hindi niya alam kung anong sasabihin
niya. Nagi-guilty siya na nagsisinungaling sila. Pero nakakaramdam din siya ng tuwa
dahil nakikita niyang napapasaya niya ang mga ito.

Dumaan ang buong gabi na tahimik lang siya. Tango lang kadalasan ang sagot niya.
Kung minsan, nagsasalita siya pero hanggang limang words lang. Maximum na yun.

Nalaman niyang ang idinahilan pala

ni Ian na pagkawala niya ay dahil naglibot siya sa kung saan-saang lugar. Para man
lang daw ma-experience niya ang mga yun bago pa man siya lumagay sa tahimik.
Pinigilan niya ang sariling matawa dahil sa kung anu-ano pang kasinungalingan na
sinabi ni Ian para lang mapaniwala ang lahat na may relasyon talaga sila kaya gusto
nilang magpakasal.

"Salamat po sa dinner, Mama, Papa," ani Joy nang nagpapa-alam na pauwi. Nag-insist
ang mga ito na tawagin niya nang Mama at Papa kahit na parang ayaw nung lumabas sa
bibig niya.

"Walang anuman, anak. Pumunta kayo rito anytime. I'll be really happy to cook for
you."

Yumakap ng saglit si Joy sa ginang bago siya nagmamadaling sumakay sa kotse ni Ian.
Ewan niya kung bakit, basta gusto niya lang itong yakapin.
Nang umaandar na ang kotse, pinakawalan na ni Joy ang tawang kanina niya pa
pinipigilan.

"Kahit na miss na miss ko na siya, hinayaan ko na lang. Tutal, alam ko namang


pagkabalik niya, makakasama ko na siya habambuhay," panggagaya ni Joy sa sinabi ni
Ian kanina.

Tumawa na naman siya ng tumawa hanggang na halos hindi na siya makahinga.

"Yung totoo, Ian? Ha-ha-ha!"

Naiiling na nag-focus na lang ang binata sa pagmamaneho.

"Well, sinundan ko siya one time sa Palawan dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.
Mangiyak-ngiyak nga siya nung makita ako eh," pangagagya pa ulit ni Joy sa isang
sinabi ni Ian kanina. Pagkasabi nun, hinampas-hampas niya ang dashboard habang
humahagalpak ng tawa.

"Dapat siguro nag-writer ka na lang! Kikita ka dun, promise!"

"Thirty nine," ani Ian.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Joy. "Anong thirty nine?" Alam niyang twenty six pa
lang ang binata kaya naman imposibleng edad nito 'yun. Imposible din namang edad ng
mga magulang nito dahil halata namang nasa singkwenta na ang mga ito.

"Thirty nine. Thirty nine words lang ang sinabi mo sa buong oras na may iba tayong
kasama. With your friends and with my parents combined."

Hindi nagsalita si Joy. Pilit na hinahanapan ng sense ang sinasabi ng binata.

"Pero pag tayong dalawa lang, tulad ngayon, hindi ko na mabilang. Parang yung
thirty nine eh per minute mo lang."

"O, tapos?" ani Joy, hindi pa rin ma-gets kung anong gustong iparating ni Ian.
Napailing na lang ang binata saka hinarap siya.

"Ibig kong sabihin, nagiging ibang tao ka kapag ako ang kasama mo! Sabi sayo eh,
ako talaga ang soul mate mo," ani Ian sabay kindat.

to be continued...

=================

Chapter Six

"Bakit hindi pwedeng kasama ako?" nakanguso pang sabi ni Rihanna. Yumakap pa ito sa
likod ni Joy. Hindi napigilang mapangiwi ni Ian sa nakikita, he thought girls are
really cute pero sa nakikita niya ngayon? Parang gusto niyang masuka.

"Hindi talaga pwede, babe. Napag-usapan na natin 'to kagabi di ba? Saka alam mong
hindi naman ganun kadali ang lahat. Ni wala ka pa ngang passport," sabi ni Joy saka
humarap sa dalaga. Sa pagkakataong yun, tumalikod na si Ian. Ayaw niya nang
makakita ng kung ano pa dahil imiikot na ang sikmura niya.

Nakasuot na naman si Joy ng hoodie, khaki shorts at ang paborito niyang orange na
rubber shoes. Napapa-iling na lang si Ian dahil hindi niya ma-imagine na sa lahat
ng babae, ito pa ang nagustuhan ng mga magulang niya.

Oo, maganda si Joy... noon. Hindi na siya ang cute na dalagitang inaasar-asar niya
dati dahil sobrang cute nito kapag namumula. Mas brusko na ito sa kanya at mukhang
siya pa ang nabu-bully.
"Ano, tapos na ba kayong maglampungan d'yan?" ani Ian habang nakatalikod pa rin.
"Tss. Akala mo naman isang taon mawawala kung makapag-drama." Lumakad agad siya
palabas ng condo bitbit ang maleta ni Joy. Hindi na niya inabala ang sariling
tignan ang reaksyon ng dalawa.

Sa kabilang banda, pinaningkitan ng mata ni Joy ang lalaki saka bumitaw sa kamay ng
nobya. "One week lang akong mawawala. Alagaan mo ang sarili mo rito, ha? Sapat
naman yung binigay ko panggastos mo..." Nagbilin pa siya ng kung anu-ano bago
tuluyang umalis.

Sakay sila ng kotse ni Ian nang mapansin niyang nakasimangot ito.

"Problema mo?" tanong ni Joy.

Bumuga ng hangin

ang binata. "You know, I think this is a bad idea," anito.

Humarap agad si Joy sa binata. Interesado na sa sasabihin nito.

"What do you mean?"

Nagpalipas ng ilang sandali si Ian saka sumagot. "This! What we're going to do. You
obviously- Ugh! Nevermind!"

Napataas ang kilay ni Joy sa sinabi nito.

"Ibig mong sabihin, umaatras ka na sa kasunduan? Sumusuko ka nang 'mapa-ibig' ako?"


she quoted the word 'mapa-ibig'. Tumawa pa siya pagkasabi nun.

"I said, nevermind! Itutuloy natin 'to. At sinasabi ko sayo, sa loob ng linggong
'to, in love ka na sakin."

Tumawa lalo ng malakas si Joy. Sa hitsura kasi ni Ian, mukhang confident na


confident ito sa sinasabi. Naiiling na tumingin na lang si Joy sa labas ng bintana.

"Alam mo, 'wag kang masyadong umasa, masasaktan ka lang," ani Joy.

~*~

"Ano yan?" tanong ni Ian nag makitang nakatutok lang si Joy sa laptop niya.

Mabilis na isinara ni Joy ang laptop saka humarap sa binata.

"None of your business. Matulog ka na nga lang d'yan! O kaya manood ka ng movie,"
ani Joy.

"'Kay." Inayos ni Ian ang pwesto niya para maging higaan yun.

Napanatag naman si Joy nang makitang deretso na ang paghinga nito kaya binuksan
niya na ulit ang laptop niya.

Sakay na sila ng eroplano papuntang New York. Nasa business class sila kaya naman
komportable ang biyahe nila. Sino bang hindi gugustuhing maging komportable sa
almost 18 hours na biyahe?

Ginagawa ni Joy ang hilig niya. Ito ang dati niya pang gustong gawin pero dahil sa
ang Kuya

niya lagi ang nasusunod, hindi niya na ito naipagpatuloy pa. Kinuha niya ang gusto
nitong course at isinantabi na lang ang hilig.

Lulong na si Joy sa ginagawa. Hindi niya na rin alam kung gaano katagal na siyang
nagta-type.
"Nagsusulat ka ng nobela?" narinig niyang sabi ni Ian.

Mabilis na isinara niya ulit ang laptop saka tumingin ng masama sa binata.

"Di ba sabi ko matulog ka?!" aniya.

"Hindi mo ako utusan. Ako ang nagbayad ng lahat dito ngayon." Tumingin si Ian sa
nakasarang laptop. "So, gusto mo palang maging writer ha? That's nice. In fairness,
magaling ka," anito.

Pinaningkitan niya ito ng mata. "Binasa mo? Ugh! Kainis ka talaga!"

Tumawa lang si Ian. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya natulog. Nabasa niya
lahat simula nang magsimula sa pagta-type si Joy. Hindi niya lang napigilang
magsalita nang mapansin niya ang tinatakbo ng istoryang sinusulat nito.

"Romance pala ang genre mo. Ha-ha! Hindi ko ma-imagine. Pakiramdam ko ibang tao
yung nagsusulat habang binabasa ko yung gawa mo eh."

Hinampas agad ni Joy si Ian. "Nakaka-inis ka talaga! Hindi mo ba alam yung salitang
privacy? Hindi ko naman pinapakialaman ang mga ginagawa mo ah!"

Nagtaas ng mga kamay si Ian bilang pagsuko. "Sorry na, na-intriga lang naman ako sa
ginagawa mo eh. And honestly, you're good."

Hindi na nakapagsalita si Joy. Gumaang kasi ang pakiramdam niya sa sinabi ni Ian,
totoo man yun o hindi. Tumayo ang binata at nagsimulang maglakad. Hindi niya na
inalam kung saan ito pupunta at pinagatuloy ang ginagawa.

Kahit paano pala, may mabuti

ring sinasabi ang lalaking yun.


~*~

Alas-kwatro ng hapon sila dumating sa New York. Twelve hours behind ang New York sa
Pilipinas kaya naman kahit na supposedly, madaling araw sa body clock ni Joy, hapon
ngayon sa kinaroroonan nila.

Gusto niya pa sanang matulog dahil sa totoo lang, wala siyang naitulog sa eroplano.
Sa buong biyahe kasi, nagsulat lang siya nang nagsulat ng manuscript niya. Bigla na
lang kasi siyang ginanahan sa sinabi ni Ian. Luckily, hindi na ito nangialam at
hindi na rin nakibasa sa ginagawa niya.

Nairita agad si Joy sa init na sumalubong sa kanya. Parang Pilipinas lang, tsk!
Nasa-isip ni Joy. Kung tutuusin, mas mainit pa rito kung ikokompara sa Pilipinas.
Nagkataon kasing summer rito ngayon.

Sumuong agad sila sa traffic papunta sa hotel na titirhan nila. Hindi man kasing
gulo ng EDSA, traffic pa rin. Pumikit na lang si Joy. Kahit na gusto niya sanang
pagmasdan ang paligid, hindi na kinakaya ng mata niya.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na-idlip. Naramdaman niya na lang na may
tumatapik sa pisngi niya kasabay ng malambing na boses nito.

"Joy, gising na. Nandito na tayo," sabi ng boses.

Dahan-dahan ang ginawa niyang pagmulat at nakangiting mukha ni Ian ang bumungad sa
kanya. Hindi niya napigilang mapangiti. Ang gandang bungad lang sa pag-gising.

Bigla siyang napabalikwas nang matauhan. Noon niya lang kasi napansin na naka-akbay
ito sa balikat niya habang nakahilig naman ang ulo niya sa dibdib nito.

"What-"

Itinaas agad ni Ian ang mga kamay niya at pinutol


ang sasabihin ni Joy. "I didn't do anything. Ikaw 'tong humilig sa akin.
Nagmagandang loob lang ako," anito. Mukhang naghahanda sa pagsapok na maaaring
gawin ng dalaga.

Tumingin naman ng mataman si Joy rito saka sumilip sa labas.

Sobrang taas na building ang bumugad sa kanya. Nakalagay sa harap nun ang pangalan
ng hotel. Wow, mukhang pang sosyalin. Sa-isip niya.

Hindi naman siya mangmang sa ganitong klase ng mga hotel. Ilang beses na rin naman
siyang naisama ng Kuya Patrick niya sa business trip nito at palaging sa executive
suite sila tumutuloy. Nakasanayan niya na lang kasi nang mga nakaraang taon, kasama
ang mga kaibigan niya, ang ordinaryong kwarto. Economy class kumbaga. Sa kanilang
lima kasi, siya lang talaga ang may kakayahang maka-afford ng ganitong klase ng
luho at hindi naman pumapayag ang apat na laging siya ang gumasta.

Two bedroom Parkview suite ang naipa-reserve ni Ian para sa kanila. Pinagmasdan
niya agad ang kabuoan nito. Sa sala, kulay beige ang buong paligid. Masarap tignan
sa mata pati ang kulay itim at puting sofa na naroon. Kaharap ng sofa ay ang 42"
flat screen TV. Sumilip siya sa floor to ceiling na bintana at nakita ang magandang
tanawin roon.

"That's the Columbus Circle." Napatingin agad siya sa nakangiting si Ian habang
itinuturo ang view sa harap niya. "Sa kwarto mo, kita naman ang Central Park. Well,
we have the same view though," anito pa saka tumalikod. Naglakad na ito, marahil
papunta sa kawarto.

Tinignan niya ulit ang view. Obviously, it will be called circle. Natatawang sabi
niya sa sarili. Pabilog iyon at may

mga taong naka-tambay. Wow, mukhang Luneta lang!

Sunod na pinuntahan niya ang kusina. May lutuan roon at sink. Parang nasa bahay
lang. Binuksan niya ang ref sa isang gilid. Punum-puno ng laman yun. Napangiti agad
siya at kumuha ng isang sandwich mula roon. Kahit kailan, isa ang pagkain sa
magpapasaya sa kanya. Pinuntahan niya rin ang dalawang bathroom at nagustuhan ang
loob nun.

Sumilip agad siya sa bintana pagkapasok niya sa kwarto niya. Gusto niya kasing
makita ang Central Park. Namangha agad siya roon. Iyon lang kasi siguro ang parte
ng syudad na kulay green pa. Sa mga oras ding yun, nakapag-desisyon siya. Hindi
siya aalis ng New York nang hindi nakakagala roon.
Ibinagsak niya ang katawan sa double bed na nasa kwarto niya. Tulad sa sala, kulay
black at white din yun. Pati ang pintura ng kwarto, tulad sa labas, beige. Hindi na
siya nag-abalang magbihis dahil sa pagod. Hindi na rin niya inayos ang pagkakahiga
at pumikit na lang para matulog.

~*~

Nagising si Joy na maayos na ang higa. Tinignan niya agad ang sarili. Yun pa rin
ang suot niya, naalis lang ang sapatos at deretso na ang ayos niya. Naisip niya
agad si Ian. Tss, gentleman din pala ang loko. Tumingin agad siya sa wrist watch
niya. Alas-syete na ng gabi. Naramdaman niya agad ang pagkalam ng sikmura kaya
lumabas siya.

Naabutan niya si Ian na nasa sala. Prenteng naka-upo ito habang may binabasang
dokumento sa kamay. Nag-angat agad ito ng tingin nang mapansin ang presensya niya.

"O, gising ka na pala. You

hungry? Magbihis ka na para makababa tayo at kumain."

Tumango na lang si Joy at bumalik sa kwarto. Binuksan niya ang maleta niya na hindi
niya na pinagka-abalahan pang ayusin dahil ilang araw lang naman silang mananatili
rito. Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na agad siya.

Napangiti bigla si Ian. "That was fast. I was expecting you'll take at least
fifteen minutes," anito.

Nagtatakang tinignan ni Joy si Ian. Nagtatanong ang mga mata.

Ian rolled his eyes heavenward parang sinasabing ang tanga niya. "Most girls take
longer hours to change. You know? Normal girls..."
Turn naman ni Joy para magpaikot ng mata. "Well, kung hindi ka na-inform, hindi ako
babae."

"Huwe? Patingin nga!" sabi ni Ian inginuso pa ang dibdib ni Joy.

Nanlaki naman agad ang mga mata ng huli at mabilis na dinampot ang throw pillow sa
isang upuan doon at ibinato kay Ian. Hinarang niya rin ang mga braso niya sa dibdib
na tila anumang oras ay susungaban nito.

"Bastos!" aniya saka lumabas ng suite.

Narinig niya pa ang malakas na pagtawa ni Ian bago siya tuluyang makalayo.

~*~

Tahimik lang silang kumakain sa restaurant na nasa ibaba ng hotel. Umorder ng


pagkarami-rami si Joy. Akala mo bibitayin na kinabukasan.

"Ubusin mo yan ha," ani Ian. Inginuso pa yung mga pagkain.

"Paulit-ulit?" inis na sabi ni Joy. Naka-ilang beses na kasi nitong sinabi na


ubusin niya lahat ng pagkain. "Kaya kong ubusin

yan, tiwala lang!"

Busog na agad si Ian. Nakarami na rin kasi siya ng kain. Pinapanood niya na lang
ngayong kumain, este lumamon si Joy.

Tumingin siya sa paligid. Napansin niyang hindi mapigilan ng ibang guests na


mapatingin sa kanila. Sino ba naman kasing hindi? Sa isang fine dine restaurant,
may isang babae na naka cargo shorts at kulay blue na hoodie na may kulay green na
tshirt sa loob with matching kulay orange na rubber shoes (oo, paborito ni Joy
yun). Not to mention, lumalamon. Sino ba namang hindi mapapatingin?

Ian doesn't mind though. Sa totoo lang, naa-amuse pa siya kay Joy. Ibang-iba kasi
talaga ito sa karamihan ng babae. Yes, iba nga dahil kapwa babae rin ang gusto pero
kahit ganun, hindi mapigilan ni Ian na humanga rito.

Pagkatapos ng isang oras. Umupo na ng maayos si Joy. Wala na ring laman ang lahat
ng pinggan na nasa harap nila.

"Seriously?" sabi ni Ian habang hindi pa rin makapaniwalang nakatitig sa mesa.

Joy smirked. "Sabi ko naman kasi sayo eh. Tiwala lang."

Naiiling na lang na napangiti si Ian.

"Hey, let's go to the spa," ani Ian.

Napatitig si Joy rito. "Huh?"

"Sabi ko, punta tayo ng spa. Kailangan natin yun. Magpa-facial ka na rin, mukhang
may uod na yang mukha mo. Pati yang kuko mo, ipalinis mo. Binabahayan na ata yan ng
daga." Tinignan pa ni Ian ang dalaga na parang nandidiri ito.

Tinignan ng masama ni Joy si Ian saka wala sa sariling tumingin sa kuko niya. Oo
nga 'no? Ang dumi nga!

"Hay naku, e ano naman kung ganito hitsura ko?" ani Joy.

"May photoshoot tayo bukas kaya kailangan presentable ka. Gusto mong magmukhang
dugyot sa pictures?"
"Photoshoot?" nagtatakang tanogn ni Joy. "Wow! Di mo naman agad ako sinabihang
gagawin mo pala akong model!"

Pinaningkitan ng mata ni Ian si Joy. "Model mo mukha mo! Hindi bagay sayo na mag-
model. Kailangan natin ng wedding photos. Magpaakasal tayo dito 'di ba?"
Pinagdiinan pa ni Ian ang 'magpapakasal'.

Nakakaintindi namang tumango-tango si Joy.

"Oo nga pala. O sige. Tamang-tama, ang sakit ng katawan ko. Makapagpa-masahe na
rin," ani Joy at nagpatiuna nang umalis ng restaurant.

to be continued...

Joy and Ian on the multimedia. LOL.

=================

Chapter Seven

"Mary Joy! Gising na!"

Tinakpan pa ulit ni Joy ang tenga niya nang marinig ang sigaw na yun ni Ian. Naka-
ilang ulit na itong sumigaw pero walang paki-alam si Joy dahil inaantok pa siya.

"Tatayo ka ba o hindi?! Hahalikan kita!" sabi pa ulit nito.

Napadilat bigla si Joy sa huling sinabi ng binata. Mabilis na bumangon siya.


Nakatayo sa gilid ng kama si Ian. Nakapameywang pa at inis na nakatingin sa kanya.
Naka-ilang balik na kasi ito para gisingin siya pero hanggang ngayon, nakahiga pa
rin siya.

Inaantok pa siya. Nag-aadjust pa naman kasi ang katawan niya sa oras sa New York.
Saka napasarap siya ng tulog dahil sa masahe kagabi.
Matino na siyang tignan ngayon. Hindi na masasabi ni Ian na may uod na sa mukha
niya at daga sa kuko niya. Refreshed na ang feeling niya pagkatapos ng ilang buwan
na naglagalag siya sa kung saan-saang lugar.

Napatingin siya sa paanan ng kama. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang
kulay puting dress doon na may kulay black na ribbon sa bandang beywang. Tinignan
niya si Ian sa nagtatanong na mata.

"Yan ang isusuot mo. Para mag-mukha ka namang bride kahit paano," ani Ian.

Tumalikod na rin agad ito pagkasabi nun. Pero bago tuluyang makalabas ng kwarto
niya, humarap uli ito.

"Bilisan mo, you have 20 minutes to get dressed."

Nagmake-face pa si Joy saka kinuha ang dress. Malambot ang tela nun, mukhang
masarap isuot. Doon niya lang din napansin na spaghetti strap pala yun. Napatingin
agad siya sa kili-kili niya. Kailan ba ako huling nag-shave? Napapikit siya ng
mariin saka mabilis na lumabas ng kwarto.

Wala

sa sala si Ian nang lumabas siya. Pumunta agad siya sa kwarto nito. Hindi na
inabala ang sarili sa pagkatok at dere-deretso siya sa loob.

Napatigil sa pagbibihis si Ian nang bumukas na lang bigla ang pinto ng kwarto niya.
Nagpapalit na siya ng black na polo para sa 'shoot' nila ni Joy. Nagtatakang
tinignan niya ang dalaga na mukhang natigilan nang makita siyang walang pang-itaas.

Literal na hindi huminga si Joy ng ilang sandali. Nakahain sa harap niya ang
katawan ni Ian na pang-model. Pinilit niyang i-compose ang sarili, nagpanggap na
hindi apektado sa nakikita.

"Hoy, may shaver ka ba d'yan?" tanong ni Joy.

Nagtatakang tinignan lang siya ng binata ng sandali.

"We're not having a real honeymoon so you don't have to shave. Ikaw naman, nakita
mo lang ang maganda kong katawan-"

Hindi na natuloy ni Ian ang sinasabi dahil nasa harap niya na agad si Joy. Malakas
na binatukan siya nito at nakatitig ng masama sa kanya.

"Aray ko naman!" sigaw ni Ian.

"Kung hindi ka titigil d'yan sa kamanyakan mo, di lang yan ang aabutin mo sakin!"

Natatawang lumayo si Ian sa dalaga. "Sorry na! Nagbibiro lang naman," pabulong na
sabi nito sa huling linya habang hinahaplos ang batok. "Aanhin mo ba kasi yun?"
tanong niya.

"Hindi mo naman kasi sinabing spaghetti strap pala yung ipapasuot mo sakin!"

Tinitigan siyang sandali ni Ian, tila nag-iisip. Mayamaya, naintindihan na rin nito
sinasabi niya at malakas na tumawa. Kinuha nito ang maleta at ini-abot kay Joy ang
shaver. Pahablot na kinuha yun ng dalaga saka mabilis na lumabas ng kwarto ni Ian.

Mabilisan lang ang


ginawang pag-shower at pagbibihis ni Joy. Humarap siya sa salamin matapos isuot ang
dress. Saktong-sakto yun sa kanya. Parang sinukat. Pumunta siya sa kinaroroonan ng
mga gamit niya nang mariing mapapikit. Wala nga pala siyang ibang dala na sapatos.
Yung orange rubber shoes niya lang.

Wala na siyang magawa dahil wala na rin naman silang oras. Tatlong minuto na lang
ang natitira sa binigay na oras sa kaya ni Ian.

Mabilis na isinuot niya ang sapatos saka lumabas ng kwarto.

"Let's go!" sabi niya pagkalabas na pagkalabas. Lumingon agad sa kanya si Ian.
Nakadungaw ito sa bintana bago siya lumabas.

Natigilan agad ang binata habang nakatitig sa kanya. Dahan-dahang hinagod siya nito
ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakita niya pa kung paanong unti-unting nawala ang
paghangang nasa mata nito nang una siyang tignan. Napapikit ito ng mariin saka
tumingin ulit sa sapatos niya.

"What?" patay-malisyang tanong ni Joy.

"Bakit ba nawala sa isip ko yun?" ani Ian, more to himself.

"Ang alin?" kunway walang alam na tanong ni Joy.

"Tsk! Nevermind, let's go!"

Iginiya siya ng binata palabas ng suite nila. Dinala siya nito sa isang kwarto kung
saan may ilan nang taong naghihintay. Pinagmasdan niya ang paligid na napangiti.
Talagang pinaghandaan ha? Staged talaga ang 'kasal'.

"Pare!" bati ng isang lalaki kay Ian. May dala itong camera. Sa hitsura nito,
mukhang ito ang magiging cameraman nila. Bumaling ito sa kanya nang mapansin siya.
Ngumiti ito sa kanya. "So, she's your bride?" tanong nito kay Ian habang nakatingin
sa kanya. "Pretty." Iniangat nito ang kamay at iaabot sana sa kanya pero

hinampas agad yun ni Ian. "Hands off!" anito saka umalis sa harap nila.

Nagkibit ng balikat ang lalaki saka humarap sa kanya. "Seloso masyado yung groom
mo," natatawang sabi nito. May alam kaya siya? Tanong ni Joy sa sarili. "Anyway,
I'm Drew. I'll be the cameraman for your wedding." He quoted the word 'wedding'.
Joy knew at that, he knows.

May lumapit sa kanyang babae na may make-up kit na dala. Napangiwi agad siya at
walang ganang naupo sa upuan na nasa tapat ng salamin.

"Kailangan pa ba talaga 'to? Okay naman tignan ang mukha ko ah?" sigaw ni Joy kay
Ian.

Napatingin agad ito sa kanya. Nag-roll eyes pa ito saka lumapit.

"Para magmukha kang matino. Para akong mag-aasawa ng lalaki sa hitsura mo," anito.

Naiinis na tinitigan ni Joy ang binata pero umalis na agad ito. Inambaan pa niya
ito ng suntok kahit nakatalikod na.

Nangangati siya sa paglalagay ng make-up sa kanya. Hindi naman kasi siya naglagay
nun kahit kailan. Kahit na pinipilit siya dati ng kaibigan niyang si Lana noong
graduation nila.
Napatitig siya sa salamin nang matapos ang pag-aayos sa kanya. Halos hindi naman
kitang may make-up siya pero malaki ang nag-iba. Nagmukha na siyang babae talaga sa
hitsura niya ngayon.

"Final touch," sabi ng babae. Hindi niya na inalam ang pangalan nito.

Nakita niyang kinuha nito ang isang pares ng hikaw sa kit nito at itinaas sa harap
niya. Ngiting-ngiti pa ito na mukhang siguradong sigurado na babagay sa kanya ang
hikaw. Dangling yun at may dalawang kulay gold na pearl sa dulo.

Ipinasok nito sa tenga niya ang hikaw pero ayaw

nun sumuksok.

"Aww! Aww!" daing agad ni Joy.

PIlit pa rin pinapasok ng babae ang hikaw pero hirap pa rin siyang maisuksok ng
tuluyan. Napapikit na si Joy dahil masakit naman talaga. Ilang taon na rin kasi
siyang hindi naghihikaw. Sa pagkakatanda niya, huling naghikaw siya ay buhay pa ang
mga magulang nila.

"Gaano katagal ka bang hindi nag-hikaw?" inis na tanong ng babae.

Namangha si Joy, hindi sa tanong nito kundi sa pagsasalita. Leche, Pilipino pala
'to. Napeke ako. Mukha kasi itong amerikana sa hitsura. Mukhang may lahi lang.

Hindi na nasagot ni Joy ang tanong dahil napapalakpak na ang babae nang sa wakas ay
maisuot ang hikaw sa kanya. Lumipat naman ito sa kabila at doon naman nagpumilit na
isuot ang hikaw. Pakiramdam niya, pulang-pula ang tenga niya sa mga oras na yun.
Ramdam niya pa yung konting sakit.

Pinatayo na siya nito at pinalakad papunta sana kay Ian nang mapasinghap ang babae.
Napalingon agad siya rito sa nagtatanong na mga mata.

Napatingin din siya sa tintignan nito. Ang dahilan ng pagsinghap nito? Yung sapatos
niya.

Natatawang tumitig siya sa babae.

"You're seriously going to wear that?" tanong nito.

Nagkibit siya ng balikat saka lumapit na ng tuluyan kay Ian. Wala nang nagawa ang
babae kundi pabayaan siya.

Pinapwesto na sila sa harap ng 'altar' ni Drew. Magkaharap sila sa unang shot na


gagawin yung nagsusuotan ng singsing. Gustong matawa ni Joy. May lalaki pa talaga
sa may altar na nagsisilbing 'pari' nila.

Humarap bigla si Ian kay Drew.

"Remember, wag mong papaabutin ng paa lahat ng shots!" ani Ian.

Unconsciously,

napatingin si Joy sa paa niya. Kahit siya, natatawa sa hitsura niya ngayon. Wala
naman silang magawa dahil kahit gusto siyang pahiramin nung babaeng nag-aayos sa
kanya kanina, magka-iba sila ng size. Wala na rin naman silang oras para bumaba pa
at bumili dahil busy ang schedule ng pohotographer nilang si Drew at aalis din agad
pagkatapos ng shoot.
Nakarami din sila ng shots sa kung anu-anong anggulo. Kung tutuusin, makakabuo na
sila ng isang wedding album. Tss. Ang talino talaga ng kumag na 'to.

"Okay, last pose," sabi ni Drew.

Pinwesto sila na magkaharap ni Ian.

"Magtinginan kayong dalawa. Yung parang inlove na inlove kayo." Sumilip ito sa
camera saka binalingan ulit sila. "Com'on guys! Isipin niyo na lang nagmamahalan
talaga kayo. Let's get through this! Tsk!"

Umirap naman si Joy saka tumingin kay Ian. Nakatitig na ito sa kanya na para bang
siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Hindi niya mapigilang malunod sa
mga mata nito. Ngayon niya lang napansin, maganda pala ang mga mata nito. Itim na
itim yun at mukhang misteryoso.

Nagulat na lang siya nang bumaba ang mga labi ni Ian at humalik sa buhok niya.
Mukha na silang magkayakap sa mga oras na yun. Hindi pa nakontento ang binata dahil
bumaba ang mga labi nito sa tapat ng mga labi niya. Ramdam niya ang mainit nitong
paghinga at napapikit na lang siya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.
She never felt like this before.

Unti-unting lumapat ang mga labi ni Ian sa kanya. Napapikit na lang siya at dinama
ang sandali. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya namalayan ang paligid
nang bigla

siyang magisig sa panaginip sa sigaw na yun.

"Good take!" pumapalakpak pang sigaw ni Drew. "Kaya niyo naman pala guys eh!" sabi
pa nito habang nakatitig sa mga shot niya. Halatang tuwang-tuwa sa mga iyon.

Tila binuhusan naman ng malamin na tubig si Joy at kumawala sa pagkakayakap ni Ian.


What the hell happened? Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito? Litong-lito na
tanong ni Joy sa sarli. Napa-iling na lang siya at tumingin kay Ian. Mukhang
hanggang ngayon, dis-oriented pa rin ang binata habang nakatitig sa kanya.

That was her first kiss.

Hindi pa rin makapaniwalang napahawak si Joy sa mga labi niya. Hindi niya man
aminin, it felt good. Great, actually.

Nang makabawi. Pumitik agad siya sa harap ni Ian at ito naman ang nagising.
Sadaling tinignan siya nito at biglang umalis sa harap niya at walang lingon-likos
na lumabas ng venue.

"Ibibigay ko na lang sa inyo ang pictures," nakangiting sabi ni Drew sa kanya.


Tumango na lang siya at umalis na rin sa lugar na yun.

Dumeretso siya sa suite nila. Inaasahan niya nang nandun si Ian. Naabutan niyang
umiinom ito ng tubig sakusina. Poker face lang na hinarap siya nito pagkatapos.
Parang walang nagyaring halikan sa pagitan nila kani-kanina lang.

"Magbihis ka na. Maggagala tayo," sabi nito saka pumasok sa sariling kwarto.

Nagkibit na lang siya ng balikat saka pumasok sa kwarto niya. Kumuha siya ng t-
shirt na may print na one piece (anime). Naaalala niya pang yun ang regalo sa kanya
ni Rihanna sa first monthsary nila. Napangiti siya sa sarili. Limang buwan na sila
at hindi niya man lang namalayan.
Hindi

na siya nag-abalang alisin ang make up niya dahil hindi niya na rin naman yun
maramdaman. Light lang naman kasi at wala namang cheche buretse masyado. Ni hindi
siya nilagyan ng mascara, maganda na raw kasi ang pilik mata niya.

Lumabas na siya at naabutan si Ian sa sala. Naiiling na tinignan siya nito.

"Wala ka bang ibang damit?"

"May problema ba sa suot ko?" tanong ni Joy. Nakasuot pa rin siya ng orange na
sapatos (dahil yun lang ang sapaos niya) at khaki shorts.

"Wala ka man lang bang jeans?" tanong pa ni Ian.

"Meron."

Hindi na nagtanong pa ulit si Ian. Pumasok na lang ito sa kwarto niya at binuksan
ang gamit niya. Inilabas agad nito ang jeans na nakita. Nakita niya pa ang pag-
ngiti nito habang hawak yun.

"Thank God!" sabi nito tumingala pa na parang nakakita ng himala.

Fitted ang dalawang denim jeans ni Joy. Isang itim at isang blue. Gamit niya na yun
bago pa man siya maglayas. In other words, noong babaeng-babae pa siya.

"May pambabae ka naman palang pantalon," sabi ni Ian saka inabot yun sa kanya.
"Kaso wala kang shirt. Di bale, mamimili na lang tayo. Magbihis ka na."

"Bakit pa? Okay naman 'tong suot ko?" tanong ni Joy.

"No." Itinaas ni Ian ang DSLR na hawak. "We'll be taking pictures. At ayokong
magmukha na naman akong balka pag kasama ka. Tss. Mas mukha ka pang lalaki sakin."

Hindi na umangal pa si Joy at isinuot na lang ang jeans. Hindi na siya sanay sa
fitted kaya naman naiilang siya habang naglalakad.

Nagpunta sila sa Time Warner Center para bumili ng damit niya. Hindi na siya
umangal. Wala rin namang magagawa ang pag-angal niya dahil si Ian pa rin ang
masusunod. Magaaksaya lang siya ng pagod.

Pagkapasok nila sa loob, namataan ni Joy ang isang kulay itim na estatwa. Parang
batang nilapitan niya yun at sinipat. Tumatawa pa siya nang makalapit sa kanya si
Ian.

"Tignan mo o!" ani Joy habang nakaturo sa ibabang bahagi ng katawan nito. Malaking
lalaki ang estatwa. Kamukha ni budha pero nakatayo at walang saplot

"Kunan mo ako dali!" sabi ni Joy. Nag-pose pa siyang nagulat habang nakaturo sa
putotoy ng estatwa.

"Seriously? Nakakahiya!" sabi agad ni Ian habang tinitignan ang mga dumaraan.
Mukhang wala namang nagbibigay ng pansin sa kanila at may kanya-kanya itong
pinagkaka-abalahan.

"Bilisan mo na kasi! Hindi naman ikaw ang magpapa-picture ah!"

Napa-tsk na lang si Ian at itinutok ang camera kay Joy. Hindi niya mapigilang
mapatawa sa hitsura ng dalaga.

"Okay na!" sigaw niya habang naiiling na nakatingin sa kinuhang picture. Sira
talaga ang tuktok ng babaeng 'to.

Dahil ayaw niya talagang magsuot ng sobrang fitted, nauwi sila sa pagbili sa kanya
ng maluluwag na blouse. Pambabae na ang style nun kaya hindi na umangal si Ian.
Bumili rin sila ng strappy sandals para may pamalit siya at hindi lang yung masakit
sa matang rubber shoes ang isusuot niya.

"Saan na ang punta natin?" tanong ni Joy pagkalabas ng Time Warner.

Luminga sa paligid si Ian saka ngumiti.

"Central Park," anito.

Na-excite agad si Joy sa sinabi nito. Napatalon pa siya at hindi namalayang


nakayakap na siya sa braso ng binata.

She felt him stiffen kaya naman agad siyang bumitaw.

"Kumain muna tayo, naggutom na ako," sabi ni Joy saka nagpatiunang naglakad.

to be continued...

=================

Chapter Eight

"Anong tipo mong babae?" tanong ni Joy kay Ian.

Naglalakad sila ngayon sa Central Park at naghahanap ng matatambayan.

"Tipo ko?"

"Oo, tipo mo, alangan namang ako di ba? E ako yung nagtatanong."

"Bakit mo tinatanong?"

"Tsk! Dami namang arte! Sasabihin lang eh." Humalukipkip pa si ang dalaga pero
sumagot naman. "Well, napansin ko kasing wala kang girlfriend. Kahit noon pa, wala
kang ipinapakilala. Mapili ka siguro 'no?"
Nagkibit-balikat siya. "Ang gusto ko sa babae? Yung simple lang. Walang arte sa
katawan. Yung pagsisilibihan ako at iintindihin lahat ng topak ko. Maganda pero
hindi siya aware. Matalino pero hindi niya pinangangalandakan. Yung ganun," aniya.

Tumawa si Joy sa sinabi niya. "Kaya naman pala wala kang girlfriend eh! Sa
panaginip lang nag-eexist yang gusto mong babae!"

"Hindi din. Nag-eexist siya, hindi niya lang alam," sabi ni Ian.

Naiiling na lang na lumingon sa harapan si Joy. Tila may naisip ito at itinuro kay
Ian ang babae sa unahan.

"Ayan, type mo ba? Ang sexy o! Hayahay ka d'yan!"

Natawa si Ian. "Parang ang perv naman ng dating nung sinabi mo!" Tumingin siya sa
babae, "hindi ganyan ang type ko. Saka nakatalikod yan o! Hindi ko naman nakikita
ang mukha," aniya.

"Choosy talaga! Paano ka magkaka-girlfriend n'yan?"

"Meron na. May asawa na nga ako di ba?"

Umirap lang si Joy, hindi pinansin ang sinabi ni Ian. Napakapit pa ang dalaga kay
Ian

nang unti-unting humaharap ang babae sa unahan nila.

Bahagyang tumingin sa kanila ang babae at lumingon-lingon pa sa paligid.

"Ay! Sana tumalikod na lang siya! Leche!" ani Joy.

Hindi napigilan ni Ian ang matawa ng malakas. Pinagtitinginan na siya ng mga tao
pero wala siyang pakialam. Hindi kasi siya makapaniwala sa sinabing yun ni Joy.
Well, maganda naman talaga ang katawan ng babae na nasa harapan nila. Sumablay lang
talaga sa mukha.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad, si Joy tahimik na lang at naniningkit ang mga
mata. Si Ian naman, hindi pa rin maka-get-over. Tatahimik sandali, tapos tatawa na
lang bigla.

"Wala namang nakakatawa! Baliw talaga!" pabulong na sabi ni Joy. Nang matanaw niya
ang Bethesda Fountain, nagpatiuna na siya at lumapit doon.

"Ang ganda!" ani Joy.

"Yes, it is," sabi naman ni Ian.

Nakatitig lang sila sa angel statue sa gitna nang foutnain nang may marinig silang
sigaw sa di kalayuan.

"Everyone, stop what you're doing and look at us! Black guys dancing!"

Sabay na napalingon ang dalawa. Si Ian, walang interes at lilingon na sana ulit sa
fountain nang hilahin siya ni Joy.

"Uy, saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Manonood!" exited pang sabi ni Joy.

"Huh? Ayokong manood n'yan!"

"Tsk! Gusto ko!"

Hindi na lang pumalag si Ian at nakiupo sila sa hagdan na naroon kung saan nakaupo
ang iba pang tao para manood. May tarpaulin na nakasabit sa gitna na nakasulat
"Afrobats".
"Kailan ka pa nahilig manood ng ganito?" tanong

ni Ian.

"Ngayon lang," sagot naman ni Joy. "Mag-enjoy na lang tayo. Ngayon lang tayo
makakarating dito."

"We can always come back whenever we want, you know."

Ngiti lang ang sinagot ni Joy at tumingin ulit sa mga Afrobats.

Nanahimik na lang si Ian at nanood. Hindi na masama. Mukha namang nakakatuwa sila.
Sa-isip ni Ian.

"If you see something you like, clap," sabay-sabay na sabi ng mga lalaki. As in, in
chorus sila. "If you see something you don't, clap. If you see something you can't
do, pay us." Nagsitawanan ang mga tao, pati siya natawa na rin. "No, that's not a
joke," sabi pa ng mga lalaki. Naiiling na lang si Ian na nakatingin kay Joy. Aliw
na aliw ang dalaga habang nanonood.

Nagsimula nang mag-show ang mga lalaki. Nag-warm-up pa sila saka sumayaw. Break
dance ang ginagawa ng mga ito. Hindi talaga siya nanonood dahil mas nakatitig siya
kay Joy na aliw na aliw sa palabas. Na-aamuse siya sa bawat pagtawa nito,
pagpalakpak at minsanang paghampas sa hita niya dahil sa sobrang tuwa.

Napansin niyang naghila ng dalawang babae ang mga Afrobats kaya napatigin siya ulit
sa unahan. Narinig niya pa ang sinabi ng mga ito. "Every show is not a show without
at least one Asian guy..."

Nagulat na lang siya nang lumapit sa kanya ang dalawang lalaki. Pagtingin niya kay
Joy, nakaturo ito sa kanya habang tumatawa. Ito pala ang nagturo sa kanya.

"Good luck!" sabi pa nito nang hilahin na siya patayo ng mga lalaki.

Teka, anong nangyayari? Bakit nasa gitna na ako?


Nagpalakpakan ang mga tao pagkatabi ko sa mga babaeng naroon.

"What's your name?"

tanong ng isang lalaki sa akin.

"Christian," wala sa sariling sagot ko.

"Everyone, say 'hello Christian!'"

Nagsipagsigaw naman ang audience at isinigaw ang 'Hello Christian'. Pero sa isang
tao lang napunta ang tingin ni Ian. Sa boses na nangibabaw sa lahat. Kay Joy.

"Where are you from?" tanong pa ulit nito sa kanya.

"Philippines."

Hindi na niya masyadong naintindihan ang mga sumunod na nangyari. Nakikisabay na


lang siya sa agos. Kung anong sabihin sa kanya, ginagawa niya at kung saan siya
papuntahin, doon siya tumatayo.

"Does everyone speak Engilsh?" tanong sa kanila ng isang lalaki. Partikular na sa


kanya nakatingin. Tumango siya.

"Okay, listen up..." Tumayo ng tuwid ang mga lalaki sa gilid nila saka nagsalita,
"don't fuckin' move, okay?"

Nagsitawanan na naman ang mga audience.

"You have nothing to worry about. We're professionals!" sabi ng mga ito. "That's
why we work on the streets!"

Napailing na lang siya sa sinabi ng mga ito. Hindi pa rin siya makapaniwalang
napasubo siya rito. Tumingin ulit siya kay Joy na nakatitig sa kanya habang
nakangiti. Bumulong pa ito ng 'galingan mo!' saka nag-thumbs-up. Ngumiti na lang
siya at tumayo ng tuwid.

Akala niya, tatalon na ang lalaki sa ibabaw nila gaya ng sabi nitong gagawin. Pero
hindi pa pala.

"If he jump first, all of you are going to leave. So, we do believe, it's now time
for us

to collect your money!" Katahimikan lang ang sumunod. "Hey, they're not laughing
anymore." Don lang nagtawanan ulit ang mga tao.

Binuksan ng mga ito ang apat na bags. Malalaking bags para pangkuha ng pera sa.
Nagsipaglagay naman ang lahat doon hanggang sa paisa-isa na lang ang naglalagay.
Nagulat pa siya nang lumapit ang isang lalaki kay Joy nang mag-abot siya ng pera.

"Where are you from?" tanong ng lalaki.

"Philippines," sagot naman ni Joy.

"Fifty dollars from the Philippines! Let's give them a round of applause!"
nagsipalakpakan naman ang mga ito.

"Wait! This Asian guy here is also from the Philippines!" sabi ng lalaki na tumabi
sa akin. "Do you happen to know him?" tanong pa nito kay Joy.

Tumango si Joy sabay sabi, "yes, he's my husband."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ni Ian nang marinig ang mga katagang iyon.
Nakatitig siya kay Joy na nakangiti pa rin habang tinatanong pa rin ng mga lalaki.
Hindi niya na naintindihan ang mga tanong at sagot. Nagulat na lang siyang nasa
tabi niya na rin si Joy.

"Kiss!" sabi ng audience pati ng mga Afrobats.

Napatingin siya kay Joy na medyo namumula na. Itinulak pa ito ng isang lalaki
papalapit sa kanya. Hindi na siya nag-isip. Habang naririnig niyang nagsisigawan
ang audience, hinila niya palapit sa kanya si Joy at hinalikan sa mga labi.

~*~

Hindi pa rin makapaniwala si Joy sa mga nangyari kanina. Hindi niya rin alam kung
bakit 'He's my husband' pa ang lumabas sa bibig niya. Yan tuloy, napasubo sila.
Literal.

"Uhm, Joy..." tawag ni Ian sa kanya.

"It's Jay."

"Mary Joy."

"I said, it's Jay!"

"Okay, MJ. Pwede na?"

Tumitig pang sandali si Joy kay Ian saka tumango. "'Kay, fine!"

"About what happened there-"

"Kalumutan na natin yun, okay? We had fun. Except the k-whatever, let's just forget
about it."
Ang totoo n'yan. Hindi lang naman yung kiss ang pinag-uusapan nila. It was
something Ian said after the kiss.

Naupo sila sa damuhan habang nakatingin lang sa malayo. Hindi mapigilan ni Joy ang
mapatingin kay Ian. Nakatungo na ito ngayon habang paulit-ulit ang pagbuntong
hininga. Naalala na naman ni Joy ang ibinulong nito sa mga labi niya pagkatapos ng
halik.

"I think, I'm falling for you."

to be contiued..

Anla! Mukhang nilunok na ni Ian ang sinabi niya na mai-inlove si Joy sa kanya! O
baka naman nagtagumapay din siya? Hahaha! We'll see.

=================

Chapter Nine

"MJ o," ani Ian saba abot ng hotdog kay Joy.

Siya ang naglagay ng ketchup doon pagkatapos niyang bilhin.

"Ayun o, may palagay-lagay pa ng ketchup. In-love ka talaga sa'kin 'no?" ani Joy.

"W-what? Pinaglagay lang ng ketchup in-love agad? Saka, ilang beses ko bang
sasabihin na nadala lang ako ng pagkakataon kaya ko nasabi 'yun? Hindi ako in-love
sa'yo 'no! 'Lul mo!" aniya saka sumubo ng hotdog.

"H'we? Sabi nga nila, 'yung mga sinasabi natin na hindi natin sinasadya, 'yun 'yung
totoo. Spur of the moment. Kaya 'wag ka nang mag-deny d'yan."

"Hindi nga ako in-love sa'yo. Naalala ko lang 'yung ex ko. Akala ko siya ikaw."

Natahimik sandali si Joy pero humarap sa kanya sa nang-aasar na mukha. "Palusot-


dot-com ka dude! Nabighani ka lang talaga sa ka-gwapuhan ko e! Bakla ka talaga!"
ani Joy sabay tawa.

Inihilamos ni Ian ang kamay niya sa mukha ni Joy habang pinipigilan niyang tumawa.
Tinampal naman 'yun ni Joy ay lumayo sa kanya.

"Halika na nga. Bumalik na tayo sa hotel," aniya.

Inabot na sila ng dilim sa daan. Nag-enjoy pa kasi sila sa paggagala sa Central


Park. Mabuti na nga lang, nawala 'yung awkwardness sa pagitan nila na nabuo dahil
sa sinabi niya.

Nasa lake sila noon at nag-rent sila ng bangka. Tahimik lang sila noong una. As in,
hininga lang nila ang maririnig mo. Ni wala ngang nagyaya sa kanila na pumunta sa
kinaroroonan nila. Basta dinala na lang sila roon ng mga paa nila.

Nagsimulang tumawa noon si Joy nang mapansin niyang paikot-ikot lang sila sa isang
lugar. Magkasalungat kasi ang ginagawa nilang pag-sagwan.

"Sige,

ipagpatuloy lang natin 'to. Baka next year nakausad na tayo," sabi ni Joy habang
tumatawa.

"'Wag mo kasing salungatin 'yung pagsasagwan ko!" ani Ian, natatawa na rin.

"Anong ako? Ikaw kaya d'yan! 'Wag mo kasi akong pagmasdan masyado! Kaya ka
natutuliro e!"

Ang totoo, hindi naman nakikita ni Joy na pinagmamasdan siya ni Ian. Naisip niya
lang sabihin 'yun para gumaang ang atmosphere sa pagitan nila. And she succeeded.
Dahil simula nang oras na 'yun, naging biruan na lang sa kanila ang sinabing 'yun
ni Ian.

Kung saan-saan pa silang naglibot na dalawa. Nakarating sila sa Alice in


Wonderland, Conservatory Garden, pati sa Central Park Zoo.

Sa Alice in Wonderland, puro si Joy ang nagpa-picture. Sabi kasi ni Ian, mukha lang
siyang tanga kung magpapa-picture siya sa mga estatwa ng characters ng Alice in
Wonderland.

"E bakit pa tayo nagpunta rito kung hindi ka naman magpapa-picture?" sabi ni Joy.

"Ikaw lang naman ang nanghatak papunta rito a?" sabi ni Ian.

Si Joy nga ang nagyaya na pumunta sila roon, pero hindi naman umangal si Ian at
nagpatiuna pa.

"Ikaw kaya ang naunang pumunta rito!" si Joy.

"Sabi mo gusto mo rito e. Sinunod ko lang naman. Hindi mo alam ang daan kaya
nagpatiuna ako," sagot naman ni Ian.

"Uuy, iba na talaga pag in-love!" pang-aasar ni Joy.

"Nabigla lang nga ako nun, okay? Hindi ako in-love sa'yo!"

"Whatever, Ian."
Sa huli, nagkaroon din ng picture si Ian. Stolen shot lang 'yun habang nakaupo ang
huli sa tabi ng estatwa na may hawak na libro.

Sa Conservatory Garden pinakanagustuhan ni Joy. Sobrang ganda ng tanawin

doon. Pakiramdam niya, nasa ibang mundo sila. Parang panaginip lang sa paningin
niya ang lugar. Nag-trip si Ian at nagkuha ng maraming pictures doon. Parang prenup
na rin daw nila. Mas maganda raw na ipakita 'yun pag nasa isang album na.

~*~

"Ang pangit ko dito! Mukha akong babae! Buburahin ko 'to ha!" sabi ni Joy habang
nakatitig lang sa camera at tinitignan isa-isa ang mga pictures.

Inagaw agad ni Ian ang camera bago pa mapindot ni Joy ang 'delete'.

"'Wag naman! Nahirapan akong kumuha ng magmumukha kang babae tapos buburahin mo
lang?" ani Ian habang tsine-check kung nabura na ang picture. Nakahinga naman siya
ng maluwag nang makitang naroon pa rin 'yun.

"E aanhin mo ba kasi 'yan? Marami na tayong kuha doon sa kaibigan mong photographer
a?"

"Alangan naman na puro naka-pangkasal lang tayo di ba? Ebidensya din 'to na nag-
honeymoon tayo, kahit hindi!"

"'Yun o! Disappointed! Kung maka-deny pa na hindi in-love sa akin," pang-aasar ni


Joy.

"Alam mo sa mga sinasabi mong 'yan hindi na ako magtataka kung malalaman kong ikaw
talaga ang in-love sa akin e."

"Huh! Asa ka boy! Mag-palda ka, baka sakali."

Napapa-iling na ibinaba ni Ian ang camera sa mesa.

"Pero, seriously speaking. Na-in-love ka na ba?" tanong ni Ian.

"May girlfriend ako, remember?"

"Yeah, right. Pero ang ibig kong sabihin, sa lalaki. Sa pagkaka-alala ko kasi,
hindi ka naman ganyan dati. So I guessed that you just changed your preference
lately. May lalaki ka bang nagustuhan man lang?"

Nag-isip sandali si Joy saka tumango.

"I had a puppy love," simpleng sagot ni Joy.

"Wow,

mahilig ka pala sa mga tuta?" biro ni Ian.

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Joy kaya naman itinaas niya agad ang mga kamay
niya bilang pagsuko. "Okay, hindi na po magjo-joke," aniya.

Hindi na lang pinansin ng dalaga 'yun at nagpatuloy sa kwento. Para bang buong
buhay niya 'yung itinago sa sarili niya.

"Mula magkakilala kami gusto ko na siya. Kaso, may iba siyang gusto nun. Bata pa
lang broken-hearted na agad ako." Tumawa pa saglit si Joy. "Naisip ko pa nun,
'pangit ba ko? Bakit hindi niya ako magustuhan?'. Nakakatawa lang kasi isang beses,
nagpilit pa akong mag-bestida. E hindi ako sanay. Malaki pati sakin 'yun dahil sa
pinsan ko ang bestidang 'yun. Nung malapit na ako sa kanya, nadapa naman ako."
Naiiling na lang si Joy sa ala-alang 'yun.

"Pero 'yun ang unang beses na napansin niyang babae ako. Nag-iba 'yung treatment
niya sakin. Parang nagustuhan niya na rin ako. Pero after ng ilang buwan, umalis
din siya. Nag-migrate ang buong pamilya niya. Ayun, naiwan na naman akong broken-
hearted."

"After nun, wala na?" tanong ni Ian. "I mean, wala ka nang nagustuhang iba? O,
hindi ba siya bumalik?"

"Hmmn." Humalukipkip si Joy at nag-isip. "Meron. Isa. Pero saglit lang 'yun. Mga
five minutes. Nung nalaman ko kasi 'yung ugali niya, major turn off na agad," ani
Joy.

Natawa naman si Ian. "Five minutes lang talaga? Hindi man lang umabot ng ten?"

Umiling si Joy. "Hindi e. Mabilis naglabas ng kulay ang hudyo e."

"So, sila ang reason kung bakit nagkaganyan ka?"

"Bakit parang sakit naman 'yung gender preferences ko kung makapagsalita ka d'yan?"

"Hindi

a! Tinatanong ko lang naman!"

Nagkibit balikat si Joy.

"You could say that."

"So, may pag-asa ka pang maging babae ulit?"

Tinitigan ni Joy si Ian saka nagsalita. "Sorry to say, hindi ako ma-iinlove sayo.
Kalimutan mo na lang ako," seryosong sabi ni Joy.

Natigilan sandali si Ian pero nakabawi rin. "Talagang feel na feel mo nang in-love
ako sa'yo 'no?"

Tawa lang ang sinagot dun ni Joy.

"Ikaw ba, na-inlove ka na?"

"Yeah, once."

"Six hours ago ba 'yan?"

Napangiti nang malapad si Ian. Napahawak pa siya sa noo saka tumawa at inilapit ng
kaunti ang mukha kay Joy.

"Nakakahalata na ako e. Parang lagi mong ibino-brought-out 'yang topic na 'yan. But
to answer your question... no. I felt it years ago."

"So, hindi ka pa talaga nagka-girlfriend?"

"Flings marami. Serious girlfriend? Never."


"O? Sabi mo kaya kanina, may ex ka! Huli ka balbon!" Tumawa pa si Joy pagkasabi
nun.

Bago pa makapagsalita ng pagprotesta si Ian, dumating ang order nilang dinner.

~*~

Walang katok-katok na pumasok si Joy sa kwarto ni Ian. Balak niya sanang hiramin
ang camera nito para kunan ang view sa kwarto niya. Ang ganda kasing tignan nun
kapag gabi.

Hindi niya nakita sa loob ng kwarto si Ian. Lalabas na sana siya nang may marinig
siyang kakaibang tunog galing sa CR. Pinuntahan niya 'yun at dahil bukas naman ang
pinto, hindi nag-iisip na sumilip siya. Nakita niya si Ian na nakaharap sa salamin
habang nagsi-sepilyo.

"Bakit may sound 'yang toothbrush mo?" tanong ni Joy. "Ang ingay ha."

Napalingon agad si Ian sa kanya. Idinura

muna nito ang laman ng bibig saka humarap sa kanya.

"Hindi ka pa ba nakakakita ng electric toothbrush? Ano ka, taga-bundok?"

Walang anu-anong ipinagpatuloy ni Ian ang ginagawa. Pinanood naman ito ni Joy. Nang
matapos si Ian, hinarap niya si Joy.

"Ano, tapos ka na bang panoorin ako?" nangingiting sabi niya.

"Hindi ba nakakangilo 'yan?" curious na tanong ni Joy.

"Gusto mo i-try?" tanong ni Ian sabay abot ng toothbrush niya.

"Yuck! Kadiri 'to! Pagkatapos mong gamitin ipapagamit mo sakin?"

Natawa naman bigla si Ian sa reaction ng dalaga.

"May extra akong brush. Pwede mo 'yung gamitin."

Hindi niya na hinintay na sumagot si Joy at pumasok siya sa kwarto niya. Kinuha
niya ang extrang brush at ipinalit sa ginamit niya.

Pagkabalik niya sa CR, naroon pa rin si Joy at halatang hinihintay siya.

"Heto o," aniya. Iniabot niya ang toothbrush pero hindi 'yun inabot ni Joy.

"Sigurado ka bang bago 'yan?"

Idinikit ni Ian ang toothbrush sa pingi ni Joy.

"Tuyo 'di ba? So bago 'yan. I-try mo na bilis!"

"Atat lang? Heto na nga o!"


Sinubukan ni Joy ang electric toothbrush at medyo nangilo siya ng konti. Ang totoo,
nakagamit na siya nun noong bata pa siya pero syempre, hindi niya na matandaan
masyado.

Inalis niya 'yun sa bibig niya at tinignan si Ian.

"Nakakangilo!" aniya habang may laman na mga bula ang bibig niya. Tumalsik ang iba
roon sa mukha ni Ian na ikinatawa niya.

"Iluwa mo muna 'yung bula bago ka magsalita! Hindi ka ba marunong?" sabi ni Ian
pero natatawa naman.

Naghilamos ng mukha si Ian at biglang may naisip na kapilyuhan. Itinapat niya ang
kamay niya sa ilalim ng gripo kaya naman lumakas ang pressure nun at tumama kay Joy
ang tubig.

Napasigaw naman ang dalaga at naihampas ang toothbrush sa braso ni Ian.

Basang-basa sila pareho pagkatapos nilang maggantihan ng pagbabasa ng tubig.


Tumatawa namang naupo sila sa sahig ng CR. Si Joy, hindi pa rin magkamayaw sa
pagtawa.

Napansin niya namang natigilan na si Ian kaya tinignan niya ito.

Nakatitig ito sa kanya habang taas-baba ang dibdib sa paghingal. Mayamaya, narinig
niya na lang nang sabihin nitong, "magpaka-babae ka na lang."

Napatigil siya sa pagtawa at tumingin sa kisame.

"Asa ka."

to be continued...

=================

Chapter Ten

"Joy!" tili agad ni Jacky pagkakita pa lang sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad saka sinalubong ang yakap ng kaibigan. Ilang buwan din
silang hindi nagkita kaya naman halata ang excitement nito. Bukod pa sa malamang ay
naho-homesick na 'to at broken-hearted pa.

"Na-miss kita ng sobra! Lagi ka na lang kasing nawawala!" sabi pa ni Jacky


pagkahiwalay ng yakap sa kanya.

"Ganun talaga!" sabi niya lang.

Tumingin si Jacky sa likod niya at noon niya lang naalalang may kasama nga pala
siya.

"Oo nga pala Jacky, si Ian. Ian, si Jacky kaibigan ko," pagpapakilala niya sa
dalawa.

"Hi! Nice to meet you!" sabi ni Jacky at iniabot pa ang kamay kay Ian. Kinuha naman
'yun ng huli at magalang na ngumiti.

"Hindi mo naman sinabing may kasama ka pala! Iisa lang ang bakanteng kwarto sa
apartment," si Jacky.

Actually, nag-insist si Jacky na doon na lang siya mag-stay sa apartment nito para
mas matagal silang magkasama. Hindi niya naman nai-kwento rito kung bakit siya nasa
US. Inakala lang nitong nagliliwaliw na naman siya.

"Okay lang naman d'yan kay Ian matulog sa sala." Bumaling siya kay Ian. "'Di ba,
sweetie?" aniya sabay tawa. Tinatawag nya itong "sweetie" sa tuwing nang-aasar
siya.

"O, mag-jowa kayo?" gulat na tanong ni Jacky.

Mukhang wala pang nai-ku-kwento rito ang tatlo pa nilang kaibigan base sa mga
reaksyon nito.

"Hindi 'no! May girlfriend ako sa 'Pinas. Mukhang hindi ka pa naku-kwentuhan ng mga
bruha a?" aniya.

Umiling si Jacky. "Medyo busy e. Alam mo naman, bago pa lang ako rito. Saka ayoko
namang ma-disappoint si Jace sa akin."

Nagkibit

lang ng balikat si Joy.

Sa buong biyahe nila papunta sa apartment ni Jacky ay tanong ito ng tanong tungkol
sa kanila ni Ian. Sinasagot niya naman 'yun at sa bawat sagot niya, hindi
mapigilang matawa ni Jacky.

"Ginawa talaga sa'yo ni Kuya Pat 'yun? Pero kunsabagay, kanino niya pa ba
maipagkakatiwala ng husto ang nag-iisang kapatid niya kundi sa best friend niya 'di
ba? Wala naman na sigurong masama roon. E wala ka namang boyfriend at halatang wala
kang balak maghanap. Malay mo naman in the future ma-in love din kayo sa isa't-isa
'di ba? Sayang kaya lahi mo kung hindi ka mag-aasawa," tuloy-tuloy na sabi ni
Jacky.

"In love na sa'kin 'yan," sabi ni Joy sabay turo kay Ian.

Napatitig si Jacky kay Joy sabay tingin kay Ian.

"Tsk! 'Wag kang magpapaniwala d'yan. Amsbisyosya lang 'yang kaibigan mo," sabi ni
Ian.

"Ako pa talaga ang ambisyosa ha? E kung isa-isahin ko kaya ang mga ebidensyang in-
love ka sa'kin?" ani Joy.

"Hoy! Hindi ebidensya ang mga 'yun! Nag-aassume ka lang!"

"H'we? 'Di nga? May pa sabi-sabi ka pa kayang 'I think I'm falling for you' tapos
nag-aassume ako? Neknek mo!" sabi niya at nag-belat pa kay Ian.

"Kita mo 'to. Paulit-ulit mong bino-brought-up 'yan. Ngayon, sigurado na akong ikaw
ang in-love sa akin!"
Magsasalita pa sana si Joy nang magsalita si Jacky.

"Ang cute niyo," ngiting-ngiti na sabi ni Jacky. "Bagay kayo, promise. Saka Joy, in
fairness ha, improving ka!" kinurot pa siya ng kaibigan sa tagiliran saka
nakangiting nag-thumbs-up kay Ian.

"Ano bang pinagsasasabi mo d'yan, Jacky?"

"Ayun o! Namumula silang pareho! I smell romance!"

Pumikit pa si Jacky saka suminghot ng hangin saka nang-aasar na ngumiti sa kanila.

~*~

"Magsama na lang kayo dun sa kwarto. Kawawa naman si Ian kung dito siya sa sala
matutulog. Mag-asawa naman kayo, 'di ba?" sabi ni Jacky pagkarating nila sa
apartment nito.

"Ayoko ngang kasama sa kwarto 'yan! Baka gapangin pa ako! Dun na lang ako sa kwarto
mo, please?"

"Alam mo, mas okay kung magkasama kayo sa kwarto. Kasi, iisipin niyo lang din ang
isa't-isa 'pag hindi! Hindi kayo makakatulog! Baka madamay pa ako!" ani Jacky
habang nagpipigil ng tawa.

Sumimangot si Joy at tumitig kay Jacky. Alam niyang hindi naman siya matitis nito.

"Fine! Dun ka sa kwarto ko. Malaki naman 'yung higaan!"

Ngumiti siya nang malapad saka umakbay kay Jacky.

"Hoy, kumag! Dun ka sa kwartong 'yun!" sabi niya saay turo sa kwarto na katabi ng
kay Jacky.

Hindi na lang pinansin ng binata ang tawag niya rito at pumasok na lang sa kwarto
nito.

"Paano, maiwan ko na muna kayo?"

Tumango siya saka hinatid sa pinto si Jacky. May pasok kasi ito sa opisina at nag-
half day lang para sunduin sila sa airport ni Ian.

Napagpasyahan nilang magtigil na lang muna sa apartment ngayong araw dahil na rin
sa pagod galing sa biyahe. Saka marami rin kasi silang pinuntahan nang nagdaang
araw.

Dahil nga sa umigsi ang araw ng pag-stay nila sa New York, pinuntahan na nila ang
mga gustong puntahan ni Ian sa loob lang ng dalawang araw. Kahit na pagod, nag-
enjoy naman ng husto si Joy kaya wala naman siyang reklamo. Nagpapasalamat pa siya
dahil pumayag si Ian na pumunta sila ng LA kahit na last minute

na siyang nagsabi.

Naka-upo lang siya sa sala nang lumabas si Ian sa kwarto nito. Bagong paligo na at
fresh na fresh ang hitsura. Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya sa sofa.

"Ang baho mo na! Maligo ka na!" anito pagkaupong-pagkaupo pa lang.


Tinignan niya ng masama ang binata. "Hoy, nakiki-amoy ka lang nagrereklamo ka pa!"
aniya.

Tumawa naman si Ian at itinulak siya ng bahagya. "Lumayo ka nga ng konti sa'kin,
baka mahawa pa ako ng baho mo!"

"Ang yabang mo a! Saka ikaw kaya ang tumabi sa'kin dito! Tss! Maka-alis na nga!"
pikon na sabi niya.

Tumayo agad siya at pumasok sa kwarto na tutulugan niya kasama si Jacky.

Pagkasara niya pa lang ng pinto, inamoy niya na agad ang sarili niya.

"Hindi naman ako mabaho a?" Tumingin siya sa pinto ng lagpasan na parang nakikita
niya pa si Ian. "Adik talaga ang lalaking 'yun!" Pumasok na lang siya ng banyo at
naligo.

~*~

"Ano namang gagawin natin dito maghapon?" tanong niya kay Ian nang bumalik siya sa
sofa pagkapaligo.

Iniharap sa kanya ng binata ang mga DVD ng Filipino movies na malamang e pinapanood
ni Jacky para hindi masydong ma-miss ang Pilipinas.

"Anong gusto mong panoorin dito?" tanong ni Ian.

Pipiliin niya sana ang "No Other Woman" pero napanood niya na 'yun (at sigurado
siyang aasarin siya ni Ian) kaya naman itinuro niya na lang ang "Bulong". Hindi
naman umangal si Ian at isinalang 'yun sa DVD player.

Naupo sa tabi niya si Ian nang magsimula ang pelikula pero hindi siya umangal.
Natatawa naman siya at kung minsan ay natatakot pero nakakaramdam siya ng antok.
Wala pa kasi siyang matinong tulog simula nang

nakaraang araw. Kahit kasi umuuwi naman sila ng maaga, nagku-kwentuhan pa sila ni
Ian hanggang mag-madaling araw kaya naman puyat siya kadalasan.

Napatingin siya bigla kay Ian at napansin niyang nakatingin din ito sa kanya. Pero
wala pang isang segundo ay nag-iwas na rin agad ito ng tingin at nag-focus sa
panonood.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Natutuwa lang siya sa binata dahil hindi niya
inaasahan ang mga nalalaman niya tungkol dito. Oo, moody ito pero madalas naman na
maganda ang mood nito saka kung bad mood naman ito, nagagawa niya itong sakyan.

Hindi niya rin inaasahan na magiging close sila kahit paano. Ganun nga siguro pag
wala kang choice sa kasama mo. Kakausapin at kakausapin mo siya at darating ang
oras na may mga bagay kang magugustuhan sa kanya hanggang sa hindi mo mamamalayang
magaang na ang pakiramdam mo 'pag kasama siya.

~*~

Pasimpleng sinilip ni Ian ang katabi mula sa gilid ng mata niya. Baka kasi mahuli
na naman siya nitong nakatitig kaya naman nagpa-pasimple na lang siya.

Napa-kunot na lang ang noo niya nang hindi pa man siya nakakalingon ay bumagsak na
ang ulo nito sa balikat niya. Pagkatingin niya, nakatulog na pala ang dalaga. At
hindi man lang nagising sa lakas ng pagkakatama sa balikat niya. Nasaktan kaya siya
ng konti!

Naiiling na lang na inihiga niya ito sa sofa. Tinitigan niya ang dalaga.

Maganda pa rin kahit tomboy. Sa isip niya.

Noong una niya itong makita nang bata pa ito, nagandahan talaga siya sa dalaga.
Kaya nga noon pa lang, inaasar-asar na niya ito. Ang totoong dahilan lang kasi,
gusto niyang magpapansin

dito. Pero kahit na ganun, hindi pa rin siya pinapansin. Madalas pa nga, dinadaan-
daanan lang siya. Kahit na tawagin niya, hindi ito tumitingin.

Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at ngumiti. Nitong mga nakaraang araw, hindi
niya mapigilang matuwa. Kahit paano kasi, napapalapit na ang loob nito sa kanya...
sa wakas. Kahit na minsan nakaka-inis ito, mas madalas namang natutuwa siya.

Tatayo na sana siya nang may biglang pumasok sa isip niya. Ngumiti siya ng
nakakaloko saka nahiga sa tabi nito.

~*~

"Joy! Ian! Nakapagluto na ako!"

Napadilat bigla si Joy nang marinig ang boses ni Jacky sa 'di kalayuan. Pero hindi
si Jacky ang unang rumehistro sa utak niya kundi ang pares ng mga mata na nakikita
niya sa mga sandaling 'to.

Nanlaki agad ang mga mata niya nang ma-realize kung kaninong mata 'yun. 'Yung itim
na itim na may pagka-misteryosong mata ni Ian. Nararamdaman niya na rin ang
marahang paghinga nito at napansing halos magkalapat na ang mga labi nila.

Walang anu-anong itinulak niya ito dahilan para mahulog ito sa sahig.

"Aw!" daing ni Ian na biglang nagising.

Sino ba naman kasi ang hindi magigising kung bumagsak ka sa sahig 'di ba?

"Anong ginagawa mo? Pinagsasamantalahan mo na ako ha!" sabi niya.

"Ang OA mo naman! Para natulog lang naman ako sa tabi mo!" ani Ian.

"E bakit sa tabi ko pa? Meron namang kama sa kwarto ah!"

"Antok na antok na rin kaya ako! Ang layo ng kwarto para pumunta pa ako!"

"Anong malayo ka d'yan? Limang hakbang lang 'yan o!" Itinuro pa ni Joy ang pinto na
nasa may paanan niya. Totoo naman, malapit lang talaga ang kwarto na tutulugan ni
Ian.

"Ma-"

"Okay lang kayo? Wala pa bang nag-aagaw-buhay?" singit ni Jacky bago pa


makapagsalita si Ian. "Gutom lang 'yan, kumain na kayo," sabi pa nito na halatang
natatawa sa kanila.

Tumayo na si Joy at nagsimulang naglakad. Sumabay naman sa kanya si Ian na siniko


niya ng bahagya.
"Umamin ka, may ginawa ka 'no?" sabi ni Joy.

Ngumuso si Ian saka tumingin sa malayo.

"Isang beses lang naman," sabi ni Ian.

Napanganga si Joy at hinampas si Ian. "Siraulo ka talaga!" Hahampasin pa sana niya


ulit si Ian pero napigilan na nito ang kamay niya.

"Grabe! Joke lang naman!" natatawang sabi ng binata.

Hanggang sa makapasok sila sa kusina ay pinipilit hampasin ni Joy si Ian.

"Alam niyo, para talaga kayong mag-jowa!" sabi ni Jacky.

"Hay naku, Jacky. 'Wag ka nga!" sabi ni Joy.

Tahimik lang silang kumain ng mga sumunod na sandali hanggang sa basagin ni Jacky
ang katahimikan.

"Oo nga pala. May ise-send ako sa inyo. Kunin niyo 'yung mga cellphone niyo."

Inilabas naman ng dalawa ang mga cell phone nila.

Ngumunguya pa si Jacky habang may ginagawa sa cellphone nito. Mukhang isine-send na


kung ano mang ise-send nito.

Mayamaya lang ay parehong tumunog ang cellphone nila ni Ian. Binuksan niya agad
'yun at nakitang isang multi-media message ang nai-send ng kaibigan.

Kulang na lang ay mabagsak niya ang cellphone niya nang makita ang picture roon.
Silang dalawa ni Ian, magkayakap habang nakahiga sa sofa. Magkalapat pa ang mga
labi nila.

Hindi napigilang mapatingin ni Joy kay Ian nang magsalita ito.

"Wala akong ginawa, promise!" anito habang halatang nagpipigil ng ngiti.

to be continued...

=================

Chapter Eleven

"Papunta na po kami, 'Ma. Yes, malapit na kami. Traffic lang talaga." Nakinig pa
ito sandali sa sinasabi ng nasa kabilang linya bago inis na nagsalita muli. "I know
that 'Ma. We'll be there in fifteen minutes. Bye!" Ibinaba na nito ang tawag bago
pa makapagsalita ang nasa kabilang linya.

Napa-iling na lang na inalis ni Joy ang tingin kay Ian. Kita kasi sa mukha nito ang
inis habang kausap ang ina kanina. It's actually her fault kaya sila male-late
ngayon. Natagalan pa kasi sila sa pagpili ng susuotin niya. Kahit ano kasing
ipasuot sa kanya ni Ian, hindi niya nagugustuhan kaya naka ilang oras sila sa mall
sa pagbili lang ng damit niya. Nauwi sila sa pants at blouse. Though hindi naman
siya magmumukhang out of place sa five star restaurant na pupuntahan nila dahil may
class naman ang binili niyang damit.
Dalawang araw na rin silang nakauwi sa Pilipinas pero ngayon lang sila magpapakita
sa mga pamilya nila. Naglipat pa sila ng gamit sa bahay na inihanda ni Ian para
lang sa pag-aasawa nito. Ang totoo, na-impress talaga si Joy dahil hindi niya
akalaing ganito palang klase ng lalaki si Ian.

"What are you smiling about?" Napalingon siya nang magsalita si Ian. Naka-kunot pa
ang noo nito habang nakatitig sa kanya at binabasa kung anong iniisip niya.

"Nothing," aniya.

"I know I'm handsome. Just say it. You don't have to be shy."

Tinignan niya ng masama ang binata dahil sa sinabi nito. Kahit na madalas naman
nito 'yung sabihin, hind pa rin siya nasasanay at naiinis sa tuwing naririnig
niyang papurihan nito ang sarili.

Obvious na nga sinasabi pa! Oo na,

gwapo ka na!

"O, hindi ka na nakapagsalita d'yan? Kasi totoo 'di ba?" Kumindat pa ito na lalo
n'yang ikinainis. Ibinato n'ya agad dito ang nahawakan niyang box ng tissue.

"Aray ano ba 'yan! Ang pikon mo talaga!" natatawa pang sabi nito habang nakataas
ang isang kamay para isanggalang sa kung ano pang gagawin niya habang nakatingin
ito sa daan at pilit na nagco-concentrate sa pagd-drive.

"Manahimik ka na nga lang d'yan! 'Pag nagsalita ka pa babatukan na kita!" angil


niya na ikinatawa lang ni Ian.

Saktong labinlimang minuto nang dumating sila sa restaurant. Kumpleto na ang lahat
at sila na nga lang dalawa ang hinihintay. Nakangiting sinalubong siya ng Mama ni
Ian pati ng Papa nito. Maging ang kapatid ng binata ay nakangiting niyakap siya.
Hindi nakapunta ang isa pa nitong kapatid dahil may inaasikaso raw sa probinsya.

"I'm so glad you came. Akala ko ay iindyanin niyo na kaming dalawa e," sabi ng
ginang.

Napatingin siya sa Kuya Patrick niya at nang makitang wala na sa kanya ang pansin
ng ibang kasama sa mesa ay binelatan niya ito. Naiiling na lang ito habang
nangingiti sa asal niya.

"Dahil kumpleto na tayo, pwede na siguro tayong kumain," ani Papa ni Ian.

Tumawag pa ito ng waiter at sinabihang ihanda na ang pagkain nila.

"How's New York?" tanong ng Kuya niya nakatingin partikular sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad saka sumagot. "Ayun, New York pa rin, haha!"

Ngumisi rin ang Kuya niya. "Ano nakagawa na ba kayo ng pamangkin ko?" nang-aasar na
tanong nito. Halatang sinadyang sabihin ang bagay na 'yun para inisin siya.

Saktong humihigop ng sabaw si Joy nang sabihin

'yun ng kapatid kaya naman nasamid siya.

Dinaluhan agad siya ni Ian at pinainom ng tubig.


"Sira ka talaga, 'pre!" ani Ian. May halong pag-aalala ang tinig nito pero natatawa
naman.

Bwisit talaga 'tong magkaibigang 'to!

Natahimik na lang sila nang dumating na ang main course. Dahil gutom, nakadalawang
hingi pa si Joy ng pagkain. Wala siyang pakialam kung napapatingin sa kanya ang mga
kasama niya sa hapag. Si Ian lang ang supportive na tanong pa ng tanong kung gusto
niya pa.

"Parang masarap 'yan," aniya sabay turo sa pinggan ni Ian.

Napatingin ang lalaki sa pinggan nito at walang alinlangan na inilagay sa pinggan


niya ang sugpo na itinuro niya sa pinggan nito. Nakita niya pang napangiti nang
malapad ang mama ni Ian bago ito nagsalita.

"So, nakapag-desisyon na ba kayo kung anong date ng kasal niyo?" tanong nito.

Hindi nag-angat ng tingin si Joy. Ito na, mag-a-announce na! Huminga siya ng
malalim at tumitig na lang sa pinggan niya. Tulad ng usapan nila ni Ian, ang huli
na ang bahalang magsabi sa mga pamilya nila ng tungkol sa "kasal" nila sa New York.

"Well... actually." Naramdaman niyang tumingin sa kanya si Ian pero hindi niya ito
nilingon. Nagpatuloy na lang ito sa pagsasalita kapag-kuwan. "We're already
married. We married in New York and had our honeymoon there."

Sandaling natahimik ang lahat. Mukhang hindi agad nag-sink-in sa kanila ang sinabi
ni Ian.

"What?!" ang papa ni Ian ang unang naka-react. "Anong pinagsasasabi mo Ian?
Nagpakasal ka nang wala kami? How-"

"Hey, 'Pa. Calm down. All of you please hear me first." Kinuha ni Ian

ang kamay niya bago ito humarap ulit sa mga nasa hapag. Pasimpleng tinignan niya
nang masama si Ian pero hindi naman binawi ang kamay.

"Nung nasa New York kami, we decided that we don't want to wait anymore. So we
processed our papers and got married when we were there."

Kinuha ni Ian ang paper bag na nasa ilalim ng mesa at iniabot 'yun sa mama nito.
Laman nun ang photo album kung saan naka-compile ang wedding pictures nila pati na
rin ang mga kuha nila habang naggagala sa New York pati na rin sa LA.

"How about the one I'm planning? I already found a great wedding planner. Naihanda
ko na rin ang ilang kakailnaganin. And besides, I want to be on your wedding! How
could you ruin my dream?" Umakto pang nag pupunas ng luha ang mama ni Ian pagkasabi
nun.

"'Ma, don't worry. Hindi masasayang ang effort niyo. We'll get married again on our
first anniversary. So, that would be next year. Right sweetheart?"

Pinisil niya ang kamay ni Ian ng mariin saka siya ngumiti ng matamis.

"Oo naman, sweetheart." Humarap siya sa ginang. "Don't worry mama. You'll still
witness that dream wedding."

Sa sinabi niya lang napanatag ang ginang at ngumiti na rin.


Naging busy na ang lahat sa pagtingin sa mga pictures nila ni Ian kaya naman
nagkaroon na naman siya ng pagkakataon na kumain ng kumain. Ewan niya kung bakit
pero ginugutom siya sa pinaggagagawa nila ni Ian.

Nasa kalagitnaan siya ng pagsubo nang kausapin siya ng kapatid ni Ian.

"You're seriously wearing this on a beach?" Medyo natatawang tanong ni Christine.

Bago pa siya makasagot at nagsalita na si Ian.

"I

don't want to expose her. I'm too possessive to let her wear bikinis on the beach."

"Seriously?" hindi na napigilang tumawa ng malakas ng dalaga. "Ang lakas talaga ng


sapak mo, kuya! Pasalamat ka nand'yan si Joy para magtiyaga sayo. Kung hindi,
panigurado tatanda kang binata." Ngumiti pa sa kanya si Christine saka nagpatuloy
sa pag-tingin sa mga pictures.

"Hoy, sa gwapo kong 'to, kahit sino magkakandarapa at pagtityagaan ako 'no!"

"Whatever, kuya."

Naaalala niya ang araw na 'yun. Pangalawang araw nila sa LA at nagpasya silang mag-
beach kasama si Jacky. Ibinili naman siya ng bikini ni Ian pero ayaw niyang isuot.
Kahit anong pilit nito, pati na rin ni Jacky, nag-shorts pa rin siya at t-shirt.
Wala siyang paki-alam sa tingin ng ibang taong naroon sa beach.

Natapos ang dinner na masayang masaya ang lahat. Pwera sa kanya, syempre. Hindi
niya pa rin maatim na magsinungaling sa mga ito pero wala naman siyang choice.

"Mag-iingat po kayo, Mama, Papa," aniya nang yakapin siya ng ginang.

"Mag-iingat din kayo. Dalawin niyo kami ng madalas, ha?"

"Opo, 'Ma."

"Uy, sis. Sabihan mo lang ako 'pag pina-iyak ka niyang si kuya ha? Akong bahala.
Ipapatapon natin 'yan sa Ilog Pasig," ani Christine.

Niyakap siya nito saka bumulong.

"But seriously, I'm so happy you love him. He needs you. Please be patient with
him."

Nakangiti pa ito nang malapad nang humiwalay ito ng yakap sa kanya.

"I will," wala sa sariling sabi niya saka ngumiti rin sa dalaga.

"Okay, bye!"

Nang maka-alis ang kotse ay lumapit naman sa kanya si Ian na kanina ay kausap ng
kapatid niya.

"Uhm, Mj, tara ihahatid na kita sa bahay. Mag-uusap kami ni Patrick mamaya kaya
aalis din agad ako. Okay lang naman 'di ba?," anito.

"Okay, tara na. Though hindi mo kailangang magpaalam sa akin kung aalis ka," aniya
saka bahagyang tumawa.

"Oh, yeah. Oo nga pala. Tara!"

~*~

"Umamin ka nga sa'kin-"

"We're not really married," putol agad ni Ian kay Patrick, hindi pa man tapos ang
sinasabi nito.

"What?"

"I said we're not really married!"

"Are you serious? E ano 'yung mga ipinakita niyong pictures kanina?"

"Wait, naniwala ka dun?" Nagtatakang tanong ni Ian. "E anong ipapaamin mo sa'kin?"
Naguguluhan na siya dahil ang akala niya, hindi naniwala ang binata sa palabas nila
ni Joy.

"I was going to ask if you're in love with my sister, dude."

Nahilamos na lang ni Ian ang mga kamay sa mukha.

"But this is more important. Anong pumasok sa kukote mo at pinalabas mong


nagpakasal na kayo? Alam mo ba ang magiging consequences niyan?" Mataas na ang
boses ni Patrick dahil hindi ito makapaniwala sa ginawa ng matalik na kaibigan at
ng kapatid.

Napabuga ng hangin si Ian saka sumagot.

"Bahala na 'pre."

Napa-iling na lang si Patrick.

"And to answer your question earlier... I think I am."

Hindi napigilang mapangiti nang malapad ni Patrick.

"I know you are. Your eyes say so. Good luck though, bro."

to be continued...

=================

Chapter Twelve
Dahan-dahan pa ang ginawang pagpindot ni Joy sa send button habang nakapikit.

"Sent!" aniya pagkadilat at makitang na-send na ang ginawang email.

"Nice! Tama 'yan. Follow your dreams," sabi ng taong nasa likod niya.

Halos mapatalon si Joy sa gulat. Hindi niya kasi napansing nasa likod niya na pala
si Ian.

Pinaningkitan niya ito ng mata.

"Kanina ka pa ba d'yan?" tanong niya.

Tumango lang ang binata at nagkibit balikat.

Tinangka niya itong abutin para hampasin pero naka-iwas agad ito. Naupo agad ang
binata sa katapat na silya ng kinauupuan niya.

"Kahit kailan talaga ang hilig mong maki-usyoso! Totoo talagang mas maalam pa sa
tsismis ang mga lalaki. Akala mo lang mga walang alam," aniya.

"'Yan bang 'mga lalaki' na tinutukoy mo e kasali ka? Hindi pa ba umeepekto ang
charms ko sa'yo?" pang-aasar ni Ian. Tinaas-taas pa ang magkabilang kilay.

"Tigilan mo nga ako! Pumasok ka na lang sa loob. 'Wag mo akong guluhin di to sa


garden! Shoo!"

"Aray ko naman. Ang sakit-sakit. Bakit ganyan ka sa'kin?" Umarte pa si Ian na


sumisikip ang dibdib sa sakit.

"Pag 'di mo tinigilan 'yan, ihahampas ko sa'yo 'tong laptop."

Dumeretso naman ng upo si Ian at nag-make face. Tumingin siya sa relo niya saka
bumaling uli kay Joy.

"Ipagluto mo na ako. Magtatanghali na. Tinapay lang ang pinakain mo sa gwapo mong
asawa kaninang almusal," ani Ian. May kasama pang sign ng pogi gamit ang kamay niya
habang sinasabi ang 'gwapo'.

Tinignan nang masama ni Joy si Ian.

"Pasensya naman. Wala pa po akong tulog kaya hindi ako nakapaghanda ng matinong
almusal. Saka

anong tinapay lang? May kasama kayang maraming spam at kape 'yun! Isa pa, anong
gwapo? Saan banda? Naka-drugs ka ba? Saka anong asawa ka d'yan? Baka nakakalimutan
mong nagpapanggap lang tayo! Ambisyoso!" tuloy-tuloy na sabi niya.

"Wow, ang daming sinabi!" Tumawa pa si Ian pagkasabi nun. "Maka-ambisyoso naman.
Masama na bang mangarap?"

"Kung mangangarap ka na rin lang, dun ka na sa kayang mong abutin."

Nagulat pa si Joy nang biglang dumukwang si Ian papunta sa kanya. Ini-strech nitong
maigi ang mga braso na tila inaabot siya pero hirap na hirap.

"Ugh! Bakit ang hirap mong abutin?" Umarte pang nalulungkot si Ian. "Hindi bale,
balang araw, maaabot din kita!" Tumayo pa si Ian at umaktong determinadong maabot
si Joy.
Sa buong sandali na ginagawa 'yun ni Ian, nakatingin lang ng masama si Joy sa
binata. Mayamaya, tumayo si Joy at binatukan ito.

"Siraulo ka talaga! D'yan ka na nga!" aniya saka nagpunta ng kusina para magluto.

~*~

"Matagal pa ba 'yan?" tanong ni Ian kay Joy.

Wala pang limang minuto nang pumunta si Joy sa kusina at sumunod na siya. Ngayon
nga, heto siya't nanggugulo.

"Gusto mong ihampas ko sa'yo 'tong upo? Kakasimula ko pa lang!"

Hindi niya mapigilang matawa ng malakas. Bukod kasi sa natutuwa siya sa hitsura ni
Joy sa tuwing naiinis ito sa kanya, hindi naman upo ang hawak ng dalaga-o binata.
Kung anuman ang gusto niya.

"Tanga, talong 'yan hindi upo!" aniya saka tumawa pa lalo ng malakas.

"Ang lutong ng pagkaka-'tanga' mo a!"

Hindi na siya sumagot pa at tumawa na lang. Tumitig na lang siya sa mukha ni Joy
nang humupa

ang tawa niya. Kita rito kung gaano itong nahihirapan sa pagluluto. Isang buwan pa
lang naman din kasi simula nang tumira sila sa iisang bahay. At dahil nga ayaw
nilang mabunyag ang sikreto nila, hindi sila kumuha ng katulong. Nagpasya siya
(para asarin na rin ang dalaga) na ito na lang ang gumawa ng gawaing bahay tutal,
"asawa" niya naman ito.

Hindi dumadaan ang isang araw na hindi nabubuo ang araw ni Ian dahil kay Joy. Hindi
niya rin malaman pero kung minsan, kahit makita niya lang ito, masaya na siya.

Noong nakaraang gabi lang, nawala lahat ng pagod niya sa buong araw na pag-
tatrabaho nang makita niya itong natutulog sa sofa at hinihintay ang pag-uwi niya.
Tinitigan niya pa ito nang matagal, hinaplos ang pisngi at buhok habang ngiting-
ngiti siya. Sabi niya sa sarili "worth it ang mahabang overtime".

Pero nang magising ito, inirapan lang siya at pinaakyat na sa taas. Hindi pa rin
ito umakyat.

"Tara na, doon ka na sa kwarto niyo matulog," aya niya nun kay Joy.

"Mauna ka nang umakyat. Hinihintay ko pa si Rihanna."

'Yung pagod niyang nawala kanina bumalik lahat sa dalawang sentence na 'yun.
Nahaluan pa ng stress. Leche kasi, umasa masyado. Hindi naman pala siya ang
hinihintay.

Pero ayos na din sa kanya. At least nakita niya ang dalaga bago matulog.

Ngumiti na lang siya nang mapait at tinitigan muli ang dalaga. Binabasa pa nito ang
cooking book na hawak saka gagawin ang kung ano mang nakasulat doon.

Naiiling na nilapitan niya ito.

"Tutulungan na nga kita. Baka gabi pa tayo makakain n'yan e," aniya sabay kuha sa
kutsilyo at sibuyas na

hinihiwa ni Joy.

"Grabe, ang OA naman nun. Buti nga nag-eeffort ako ngayon na gumawa ng matinong
ulam. Baka gusto mo na naman ng ginisang de lata?" ani Joy.

Natawa na lang si Ian nang maalala ang mga pinapa-ulam sa kanya ni Joy nang mga
nakaraang gabi. Merong sinabawang corned beef, ginisang bawang na may sardinas (oo,
mukhang mas marami pa 'yung bawan), inadobong maling ('wag niyo nang itanong kung
anong lasa), tinortang tuna, at kung anu-ano pa. Hindi niya malaman kung saan
kumukuha ng recipe ang dalaga sa pinaggagagawa nito o sadyang nang-aasar lang.
Hindi daw kasi lumalambot ang karne sa tuwing sinusubukan nito. Isang beses pa,
nasunog naman daw.

"Ayos lang sa'kin kahit ano. Basta luto mo," aniya sabay kindat kay Joy.

Naningkit na naman ang mga mata nito at inambaan siya ng kutsilyo.

Tinawanan niya na lang ito at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng sibuyas.

Halos siya na ang nagluto ng kare-kare na sinusubukang lutuin ni Joy. Sinasabi niya
na lang dito kung anong mga dapat gawin para sa susunod, ito na ang bahalang
magluto. Attentive naman ito sa bawat sinasabi niya at mukhang naintindihan naman
ang mga itinuro niya.

Nang ipatikim niya sa dalaga ang niluto niya, sabay pa silang ngumiti nang malapad
dahil sa sarap nun.

"Wow! Ang galing mo palang magluto, Ian! Bakit hindi na lang ikaw ang tagaluto ng
pagkain natin?" Ngiting-ngiti pa si Joy habang sinasabi 'yun.

Alam niyang inuuto lang siya ng dalaga para siya na ang magluto palagi pero hindi
niya mapigilang madala sa ngiti nito. Kita kasing sarap na sarap ito sa luto niya.

Parang mas gusto

niya na ngayong makita lagi ang ngiti na 'yun kaysa sa naaasar na mukha ng dalaga.
Magsasalita na sana siya para sumang-ayon na siya na lang ang palaging magluluto ng
pagkain nila nang may dumukwang sa gitna nila at tinignan ang laman ng kaldero.

"Anong ulam?" tanong ni Rihanna.

Napasimangot siya sa pagdating ng babae at lumayo siya ng kaunti.

"Kare-kare. Si Ian ang nagluto. Tikman mo o," ani Joy at ikinuha pa ng ilang piraso
ang dalaga saka sinubuan ito.

Nasira lahat ng tuwang naramdaman niya nung siya ang nagsusubo kay Joy kanina
habang pinapanood niyang subuan ni Joy si Rihanna.

"Tsk. Akyat na muna ako. Magsaing ka na ng kanin para makakain tayo," inis na sabi
niya saka tumalikod at umalis.

~*~

Nang umalis si Ian, pinapunta niya na muna sa sala si Rihanna para makapag-saing na
siya. Sa lahat ng pinag-aaralan niyang iluto, ito pa lang ang na-perfect niya at
proud na proud siya sa sarili niya. Ilang linggo rin kasing kung hindi sunog, hilaw
ang kanin na niluluto niya.

Kung tatanungin kung kamusta naman sila ni Ian, maayos naman sila. So far,
nakasanayan niya na ang mga pang-aasar nito sa kanya. Sa loob ng isang buwan,
nakasanayan niya na rin ang pang-aalaska nito at parang hindi na rin kumpleto ang
araw niya kung hindi siya naaasar sa pagmumukha ng binata.

Si Rihanna naman, maayos pa rin ang relasyon nila though may mga pagkakataon na
hindi niya mapigilang mainis sa inaasal nito. Kung minsan kasi, nagiging demanding
ito at madalas humingi ng pera. Iniintindi niya na lang dahil ngayon lang ito
nakakaranas ng ginhawa sa buhay. Hindi niya na rin inooblega ang

dalaga na gumawa ng gawaing bahay. Hinahayaan niya na lang itong magkusa. Kumikilos
din naman ito... well, nung naglinis ito ng kwarto... o kalahati ng kwarto dahil
siya din ang tumapos.

Nakatapos na rin siya ng dalawang nobela na kanina nga, ipinasa niya sa isang
publishing company. Umaasa siyang sana makuha 'yun. Ilang linggo niya rin kasing
pinagpuyatan ang mga 'yun.

Naalala niya nang nakaraang gabi, madaling araw na wala pa si Ian kaya naman
hinintay niya ito sa may sala. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kaya
naabutan siya nito. Ang balak niya kasi, oras na dumating ang kotse ng binata,
papasok na agad siya sa kwarto nila ni Rihanna.

Nagising siya nang haplusin ni Ian ang pisngi niya pero hindi siya dumilat. Alam
niyang matagal na nakatitig sa kanya ang binata. Hinaplos pa nito ang buhok niya
bago siya napamulat. Hindi niya kasi maipaliwanag ang gaang ng pakiramdam niya
habang hinahaplos nito ang buhok niya.

Para hindi na lang ito mang-asar na hinintay niya ang pagdating nito, sinabi niyang
si Rihanna ang hinihintay niya samantalang nasa taas na ito at naghihilik.

Pagkatapos nun, hindi na siya makatulog kaya naman napagpasyahan niyang tapusin na
lang ang isa niya pang nobela na nagawa niya namang matapos kaninang umaga.

"Ang lalim ng iniisip ng asawa ko a?"

Naramdaman niya ang pagyakap ni Ian mula sa likod niya. Ipinatong pa nito ang baba
sa balikat niya. Naramdaman niya ulit ang comfort na naramdaman niya nang nagdaang
gabi. Hindi niya namalayang hinawakan niya ang mga kamay ni Ian at hinigpitan ang
pagkakayakap nito sa kanya.

Huminga pa siya nang malalim at dinama ang gaang sa pakiramdam ng yakap ni Ian.

He stiffened, at naramdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib ng binata. Tila


natauhan naman siya at mabilis na kumawala sa yakap nito.

Naupo agad siya sa pwesto niya sa mesa. Sakto namang pumasok si Rihanna sa kusina.

"Kakain na ba?" tanong ng bagong dating.

Tumango lang siya.

Pasimpleng tinignan niya si Ian na hanggang sa mga oras na ito ay nakatayo pa rin
sa pwesto nito nang yakapin siya. Habang nakatitig ito sa sahig, nakita niya kung
paanong hindi nito napigilang mapangiti nang malapad.
=================

Chapter Thirteen

"Hi, guys!" bati ni Joy sa mga kaibigan. Nagkasundo-sundo silang magkita-kita sa


araw na 'to sa bahay ng kaibigan niyang si Lana.

"Oh my God! Ikaw si Genna Torres 'di ba?" biglang tili ng nobya niyang si Rihanna.

Isinama niya si Rihanna para ipakilala sa mga kaibigan.

Nakita niya pang umikot ang mga mata ni Aya dahil sa reaksyong 'yun ni Rihanna bago
simpleng tumango si Genna.

"Kyaaah! Napanood ko 'yung pelikula mo. Ang galing-galing mo dun. At bagay na bagay
kayo ni Vince!" sabi ni Rihanna. "Gustong-gusto ko dun 'yung eksena niyo sa beach!
Grabe, nakakakilig talaga!" sabi pa nito.

Isang irap naman ang naging reaksyon ni Aya. Kung titignan mo 'to, parang gusto
nang hilahin sa buhok ang babae at ilublob sa pool. Gusto niyang matawa sa hitsura
nito pero hindi niya na lang ginawa. Naiintindihan niya naman kasi ang nararamdaman
nito, considering na ex nito ang lalaki.

"Uhm... thanks," ani Genna. Awkward ang ngiti nito at napapatingin pa ng bahagya sa
katabing si Aya.

"'Di ba ex mo si Luke? Alam mo bang ayaw na ayaw sa'yo dati ng best friend kong
bading sa probinsya? Crush na crush kasi nun si Luke. Pero idol ka na niya ngayon,
parang ako, kasi ang galing-galing mo!"

"Ha-ha." Ngumiti si Genna pero halatang mas lalong naging awkward ang ngiti nito.

Sa loob lang kasi ng ilang minuto, naungkat na nito ang mga issue sa buhay niya.
Pati na rin kay Aya dahil halata naman may issue pa rin 'to sa dating nobyo na si
Vince.

"It's nice to meet you! Ano ngang pangalan mo?" singit ni Lana. Halata naman na
inaalis lang nito ang tensyon sa paligid kaya lubos niya 'yung ipinagpasalamat.

"O,

sorry. Guys, this is Rihanna, girlfriend ko. Ri, sila ang mga best friend ko. Si
Lana, Genna at nakilala mo na syempre, si Aya. 'Yung isa, si Jacky, nasa LA kaya
hindi natin makakasama ngayon."

"Hi!" animated pang bati ni Rihanna sa mga kaibigan niya.

"Hello. It's nice to meet you," sabay na sabi nina Lana at Genna.

Kumapit bigla nang mahigpit sa kanya si Rihanna saka impit na tumili.

"Babe! 'Di mo naman sinabing may friend kang artista! Oh my gosh!" Bumaling ito kay
Genna. "Baka naman pwede mo akong maipakilala kina Vince at Luke? Grabe! Hindi pa
rin ako makapaniwalang na-meet kita in person! Pwedeng magpa-picture?"

Bumitaw sa kanya ang nobya saka mabilis na tumabi kay Genna. Nabangga pa nito si
Aya na ikina-inis ng huli.
"Ano ba? Magdahan-dahan ka kaya?" ani Aya.

Inirapan lang ni Rihanna ang kaibigan niya saka bumaling sa kanya.

"Kunan mo kami ng picture, babe! Dali!" excited na sabi nito.

Kinuha na lang ni Joy ang cellphone ni Rihanna (na bigay niya) saka kinuhanan ng
picture ang dalawa.

"Okay, ipinalabas ko na kay Manang ang mga pagkain," ani Lana.

"O, may katulong ka na uli?" tanong ni Aya.

"Oo, hindi ko na kayang mag-isa. Alam mo namang may inaalagaan akong anak."

"Hay naku, buti naman natauhan ka na at hindi mo na sinosolo ang pagod," sabi naman
ni Genna.

"Nagpumilit lang si Jace na kumuha kami 'no! Pero ayos na rin. At least nakakapag-
concentrate ako sa mag-ama ko."

Nagkwentuhan sila ng mga kung anu-anong bagay. Ni hindi niya nga napansin na oras
na rin ang lumipas dahil sa dami ng kwento ng mga kaibigan. Siya naman,

tahimik lang na nakikinig. Ang nobya niya, paminsan-minsan ay sumisingit na agad na


binabara ni Aya.

Nang huling beses na binara ni Aya si Rihanna, hindi na napigilang magtaray ng


huli.

"Ano ba'ng problema mo ha? Kanina ka pa a!"

Inakbayan ni Joy ang nobya para kalmahin ito. Tinignan niya naman nang masama si
Aya at sinabihang mag-sorry na lang sa dalaga.

Nagkibit naman ng balikat si Aya pero hindi nag-sorry.

"Oo nga pala! Dinalhan ko kayo ng mga damit. Bigay ng sponsor ko. E 'yung iba hindi
ko masyadong gusto. Isinuot ko lang ng isang beses. Sayang naman kasi kung
itatambak ko na lang," ani Genna.

Binigyan sila nito ng tig-iisang paper bag, except kay Rihanna. Tuwang-tuwa na
binuklat ni Aya ang ibinigay sa kanya. Si Lana, nakangiti lang na binuksan 'yun. At
siya, dahil alam niyang pambabae ang mga 'yun, hindi niya agad binuksan.

"Don't worry, 'yung mga simple lang ang ibinigay ko sa'yo. Alam ko naman kasing
hindi ka na nagsusuot ng mga girly na damit. Though-" Sumenyas lang si Genna ng
"konti" at na-gets niya nang pambabae pa rin ang mga damit.

Bubuksan niya na sana 'yun nang kunin 'yun ni Rihanna at ito mismo ang magbukas.

"Wow! Ang gaganda, babe! Look o!" anito.

Napabuga na lang siya ng hangin at tinignan ang mga 'yun. Gaya ng sabi ni Rihanna,
ang gaganda nga nun. Tatlong shirt 'yun lahat at simple nga lang gaya rin ng sabi
ni Genna.

"Akin na lang, babe. Hindi ka naman nagsusuot ng ganito 'di ba?" biglang sabi ni
Rihanna habang nakatitig ito sa mga damit.

Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ayaw niya namang ibigay na lang 'yun basta

dahil bigay din 'yun sa kanya. Nakakabastos din kasi 'yun para kay Genna.

Sasagot na sana siyang ibibili niya na lang si Rihanna nang magsalita si Aya.

"Wow lang huh? Kay Joy nga ibinigay 'di ba? Konting hiya naman d'yan," anito.

"Nakakainis ka na ha!" Malakas na hinampas ni Rihanna ang mesa na ikinagulat nilang


apat. Tumayo pa ito at masamang nakatingin kay Aya. "Kung may problema ka sa'kin,
sabihin mo na lang! Hindi 'yung kanina mo pa ako ipinapahiya dito!"

Nagtaas ng kilay si Aya at tumayo na rin. Mukhang maldita mode ito ngayon.

"Oo, ayoko sa'yo e. May problema ka dun?" Humalukipkip pa si Aya saka


nakipagtitigan sa babae.

"Aba't-"

"Ri! Tama na! Halika na," hindi niya na napigilang hila sa nobya.

Nang makalayo sila, hinila ni Rihanna ang braso nitong hawak niya saka hinarap
siya.

"Bakit ba hindi mo ako ipinagtanggol dun sa bruha na 'yun ha? Ako ang girlfriend
mo!" anito.

"Kaibigan ko siya. Girlfriend lang kita," simpleng sagot niya at natahimik ang
dalaga.

Maya-maya, tumalikod ito sa kanya.

"Umuwi na tayo!"

Sumunod siya rito pero wala pa siyang balak na umuwi.

"Itatawag kita ng taxi," aniya. Naiinis na rin siya sa dalaga, pinipigilan niya
lang ang sarili niya.

"Hindi ka sasama sa akin?" tanong nito.

Umiling siya. "Minsan lang kaming nagkasama-sama ng mga kaibigan ko. Pagbigyan mo
naman sana ako ngayon. Madalas naman sinusunod ko ang gusto mo 'di ba?" aniya.

Hindi na nakasagot si Rihanna at humalukipkip.

"Ayokong mag-taxi. Baka kung ano pang mangyari sa'kin. Ipasundo mo na lang ako kay
Ian!" anito.

Huminga

siya ng malalim saka pumikit para pigilan ang sarili. Kinuha niya ang cellphone
niya at lumayo rito ng kaunti.

"Hoy ugok, pasundo na dito. Gusto nang umuwi ng girlfriend ko," aniya. Tumigil siya
ng ilang sandali saka nagsalita uli. "Ganun ba? Uhm, okay sige. Mag-ta-taxi na lang
siya," aniya.
Hinarap niya uli si Rihanna. "Hindi siya makakapunta ngayon. Mahalaga daw 'yung
ginagawa niya. Wala tayong choice kundi taxi lang talaga."

"Bakit naman kasi hindi pwede si Ian?!" nagmamaktol na sabi ng dalaga. Kulang na
lang at paikutin niya ang mga mata niya. "Sumabay ka na lang sa akin pag-uwi,
please?" paglalambing nito.

"Ri, intindihin mo naman. Minsan ko lang sila makasama. Tayo, araw-araw pa."
Huminga siya ng malalim saka nag-isip. "Ganito na lang, bukas, ibibili kita ng mga
damit. Kung anong magustuhan mo sa mall. Okay na ba 'yun?"

Abot tenga ang ngiti ng dalaga sa sinabi niya. Tumango agad ito at pumayag na mauna
nang umuwi.

~*~

"O, 'di ba, naloka din kayo?" narinig niyang sabi ni Aya nang makabalik siya sa
garden ng mga Garcia. "Ewan ko ba d'yan kay-" Napatigil ito nang makita siya. Akala
niya, hindi na nito itutuloy ang sinasabi pero humarap pa ito sa kanya saka
nagpatuloy. "Ewan ko ba naman sa'yo Joy kung bakit pinagtiya-tiyagaan mo 'yang
babae na 'yan!" pagpapatuloy nito.

Tahimik lang si Genna at Lana habang siya, hinayaan lang na magsalita si Aya.

"Marami pa namang babae d'yan. Or much better, lalaki! Hay naku, super hot kaya ng
asawa mo!"

"Speaking of asawa ni Joy, bruha ka! Hindi mo man lang kami inimbita sa kasal mo!"
ani Genna.

Napangiwi

siya at hindi nakasagot agad. Balak niya naman talagang sabihin sa mga ito sa araw
na 'yun na hindi totoo ang kasal nila ni Ian.

"Wait! Tawagan natin si Jacky para kumpleto tayo!" suhest'yon ni Lana. Binuksan pa
nito ang laptop saka nag-dial sa Skype.

Ilang ring lang, sinagot 'yun ni Jacky. Saktong online kasi ito.

"Hi, girls!" masiglang bati nito.

"Hi, Jacky! Mukhang masigla ka na a?" ani Aya.

"Well, move on move on lang," anito. "Kamusta kayo? Miss ko na kayo."

"Miss ka na rin namin, Jac! Bakit ka pa kasi nagpunta d'yan!" si Genna.

"Oo nga. Edi kung nandito ka magkakasama sana tayong lima ngayon," si Aya.

"Hay naku, girls. Bayaan muna natin si Jacky. Kailangan niya 'yan," sabi naman ni
Lana.

Bumaling sa kanya si Jacky. "Oy, Joy! Kamusta na kayo ni hubby mo? Magiging ninang
na ba uli kami?" anito.

Tinignan niya nang masama si Jacky na ikinatawa lang ng huli.


"Oo nga pala girls! May ipapakita ako sa inyo! Wait lang."

May pinipindot ito sa laptop nito na ikinakaba niya. Mukhang alam niya na kung
anong ipapakita nito. Habang hinihintay ang kung ano mang ipapakita nito, literal
na hindi siya humihinga.

Nang lumabas ang sinabi nitong ipapakita. Napapikit na lang siya. Tama nga siya ng
hinala.

Sabay-sabay na tumili ang tatlong kaibigan niya habang tumatawa si Jacky sa


kabilang linya. Ang ipinakita ni Jacky ay ang picture nila ni Ian sa sofa habang
natutulog at magkalapat ang mga labi.

Naramdaman niya na lang ang pagyugyog sa kanya ni Aya kaya napadilat siya.

"Grabe girl! Iba ka!" sabi nito.

Inirapan niya

lang ito saka siya humalukipkip.

"'Wag nga kayong kiligin d'yan masyado! Aksidente lang 'yan 'no," aniya.

"Aksidente? Hoy, Mary Joy Gatapia, mula pagkarating ko, magkalapat 'yang mga labi
niyo! Nakapagluto na ako't lahat, ganyan pa rin ang ayos niyo!" Tumatawa pa uling
sabi nito. "Tignan niyo 'to. Ito naman 'yung kuha nung matapos akong magluto."

Habang sine-send nito ang picture, umaangal siya.

"Si Ian ang may kasalanan niyan! Wala akong kaalam-alam!"

Ngayon niya lang nakita ang kasunod na picture na ipinakita nito. Sa pagkakataong
'yun, naiba ang pwesto ng kamay ni Ian at bahagyang nakangiti ito pero hindi pa rin
inaalis ang mga labi sa labi niya.

Naramdaman niya ang biglang pagkabog ng puso niya sa hitsurang 'yun ni Ian pero
hindi niya na lang pinagtuunan ng pansin.

"Tigilan niyo na nga 'yan. Hindi naman kami totoong kasal," aniya.

"Huh?" gulat na tanong ng tatlo. Si Jacky, wala nang reaksyon dahil alam naman nito
ang totoo.

"Sabi ko, hindi kami totoong nagpakasal."

~*~

Pare-pareho ang naging reaksyon ng mga kaibigan niya sa sinabi niya nang hapon na
'yun. Nanghihnayang ang mga ito dahil mas gusto ng mga ito na kasal na lang talaga
siya kay Ian.

Hindi niya naman masisi ang mga kaibigan kung ayaw ng mga ito sa nobya niya.
Aaminin niya namang mahirap talagang makasundo ang babae. Hindi niya nga rin
malaman kung paanong nakasundo niya ito.

"Bye girls! Ingat kayo!" ani Lana nang ihatid sila nito sa gate.

Si Aya, makikisabay na lang kay Genna na sinundo ni Vince. Hindi na sila nagulat na
ito ang sundo ni Genna dahil sa mga kumakalat na balita though hindi 'yun
kinumpirma ng kaibigan. Nakita niyang nag-alangan si Aya na sumabay pero sa huli,
sumakay rin ito.

Siya naman, naghintay lang ng ilan pang sandali dahil malapit nang dumating si Ian.

Ibang sasakyan ang huminto sa harap niya kaya naman nagtaka siya. Kulay silver 'yun
na Mazda 3. Hindi niya mapigilang humanga sa sasakyang iyon.

Nagulat pa siya nang bumaba si Ian. Hindi niya inaasahang ito ang nagmamay-ari ng
sasakyan. Ngumiti pa ito sa kanya nang malapad nang makita ang reaksyon niya saka
siya nito pinagbukasan ng pinto.

Nakaupo na ito sa driver's seat nang mukhang may maalala. Napalingon ito sa kanya
bago nagtanong.

"Si Rihanna?" nagtatakang tanong nito.

"Umuwi na," simpleng sagot niya.

Nagkibit lang ng balikat si Ian saka pinaandar ang sasakyan. Nang malapit na sila
sa bungad ng subdivision, itinigil ni Ian ang sasakyan.

"Gusto mong mag-drive?" tanong nito.

Tumango agad siya dahil gusto niya naman talaga. Natutuwa siyang i-drive ang bagum-
bagong sasakyan Ian.

"Bili muna tayo ng makakain bago umuwi," ani Ian. "Ikaw nang bahala kung saan. Ikaw
naman ang nagd-drive e," anito pa.

Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita. Nag-drive na lang siya papunta sa isang
restaurant. Ang balak nila, bibili lang sila tapos uuwi na. Pero sa huli,
napagpasyahan nilang kumain na lang doon at uwian ng pagkain si Rihanna.

"Ano namang naisipan mo at bumili ka ng bagong sasakyan ha?" tanong niya kay Ian.

Nagkibit ito ng balikat. "I just thought we need another car."

"Dalawa na kaya ang sasakyan mo sa bahay," aniya.

Hindi na ito sumagot at ngumiti lang sa kanya.

"Bakit nga pala umuwi agad 'yung girlfriend mo?" tanong ni Ian. Nakita niya pang
napangiwi ito nang sabihin ang "girlfriend".

"Nagka-initan sila ni Aya. Kaya ayun, umuwi na lang."

"Buti hindi nag-inarte at isinama ka? O di kaya e nagpasundo pa sa'kin?" nag-smirk


pa si Ian at kita niya ang disgusto nito sa nobya niya.

"Hindi naman."

Ang totoo niyan, hindi niya tinawagan si Ian kanina. Nagkunwari lang siya na
tinawagan ito para hindi siya kwestyunin ni Rihanna. Ewan niya ba, pero ayaw niyang
ipasundo ito sa binata.

Hindi na nag-ungkat si Ian at nag-kwentuhan na lang sila habang kumakain. Ikinwento


niya ang ibang napag-usapan nila ng mga kaibigan. Pati ang naging reaksyon ng mga
ito na hindi talaga sila kasal. Ipinagpaalam niya pa kay Ian na sasabihin niya ang
totoo sa mga kaibigan at ayos lang naman dito. Basta ang mahalaga, hindi makarating
sa pamilya ng binata ang totoo.

Nang makauwi sila, agad niyang ipinarada ang sasakyan at kinuha ang susi nun.
Nakangiti pang iniabot niya kay Ian ang susi.

Napatingin si Ian sa hawak na susi saka ngumiti bago iabot 'yun uli sa kanya.
Nagtatakang kinuha niya 'yun. Doon niya napansina ng keychain na nakasabit doon.
May nakaukit doon na "MJ". Gulat na napatingin siya kay Ian. Ito naman, ngiting-
ngiti sa kanya.

"Seryoso?" tanong niya. Tumingin pa ulit siya sa kotse na apparently, sa kanya


pala.

Tumango si Ian saka ginulo ang buhok niya. Tumalikod na ito sa kanya para sana
pumasok sa loob ng bahay pero hindi niya napigilan ang sarili niyang yakapin ito
mula sa likod.

---------------------------

Hi guys! Thank you sa pagsubaybay sa story!

If you want to add me facebook, nag-aaccept ako ngayon =)

Geneva Ofalsa (purplenayi)

Add me up!

Twitter and Instagram: purplenayi

Have a great day!

Lovelots, Nayi

=================

Chapter Fourteen

"Yes! Sa wakas!" excited na sigaw ni Joy nang kunin niya ang bine-bake niyang
cookies. Naka-limang subok din siya bago na-perfect ang ginagawa. Naka-ilang kundi
hilaw, sunog naman ang niluluto niya.

"Makikita nyang Ian na 'yan! May pasabi-sabi pa siyang sinpleng cookies hindi ko
magawa ah?"
Nang nakaraang araw lang, pinagtatawanan siya ni Ian dahil maalat ang niluto niyang
adobo at sinabi pa nitong kahit cookies, hindi niya magawa nang matino. Kaya heto
siya, nagpumilit makagawa ng matinong cookies para ipamukha sa binata na kaya
niyang gumawa ng masarap ng cookies.

Excited pang inilagay niya sa container ang mga ginawa nang lumamig 'yun. Balak
niya, dadalhin niya 'yun sa mismong opisina ni Ian.

"Wow, mukhang masarap 'yan babe a!" narinig niyang sabi ni Rihanna mula sa likod
niya. Nginitian niya ito at iniabot ang isang container na nilagyan niya ng
cookies. Ang container na inihanda niya para naman sa nobya.

"Heto o, baunin mo. Matagal-tagal din ang biyahe mo papuntang probinsya e," aniya.

Kinuha naman nito ang container bago kumapit sa braso niya.

"Hatid mo na kasi ako. May kotse ka naman na 'di ba?" paglalambing nito sa kanya.

"Hindi pwede, Ri. May mahalaga akong gagawin mamayang hapon. Hindi o pwedeng
ipagpaliban 'yun."

Ngumuso pa ito saka pumadyak.

"Ganyan ka naman e. Apat na araw rin tayong hindi magkikita ayaw mo pa akong ihatid
man lang." Nagdadabog pang tumalikod ito.

"Tsk!" Sinundan niya agad ang dalaga at hinawakan sa braso. "Sige na, ihahatid kita
pero hanggang sa sakayan lang ng bus. Malalagot ako pag

hindi ako nakaratig mamaya. Magbibihis lang ako."

Ang totoo, wala naman siyang lakad. Ayaw niya lang na pumunta sa probinsya nito
dahil hindi siya komportable sa mga kaibigan nito. Lalo pa't kasal ng matalik na
kaibigan nito ang pupuntahan. Panigurado, masama na naman ang magiging tingin ng
mga ito sa kanya. At ayaw niyang maranasa n pa uli 'yun.

Hindi niya rin naman masisi ang mga kaibigan nito. Iniintindi niya na lang tulad
nang pag-intindi niya sa mga kaibigan niya. Hindi naman kasi talaga normal ang
relasyon nila ni Rihanna.

~*~

Dahil malapit lang naman ang sakayan ng bus mula sa bahay nila, sandali lang ay
nakarating na sila roon. Nagpumilit pa rin si Rihanna na ihatid niya ito nang
tuluyan sa probinsya pero mahigpit na tumanggi siya. Sa huli, napilitan din itong
sumakay ng bus.

Alas-diyes pa lang ng umaga at balak niya, pupuntahan niya na sa opisina si Ian


para ibigay ang ginawa niyang cookies nang maka-receive siya ng text. Galing 'yun
sa publishing company na pinagpasahan niya ng manuscript.

"Yes! Mukhang lucky day ko talaga 'to!"

Sinasabi lang sa text na nag-email na ito kung anong resulta ng pagpapasa niya ng
manuscript at positibo siyang magandang balita 'yun. Lucky day niya nga e.

Binuksan niya agad ang email niya sa cellphone at hindi na nag-aksaya ng oras at
binasa 'yun. Sa bawat salitang binabasa niya, unti-unting bumabagsak ang balikat
niya.
Rejected ang manuscript niya.

~*~

"Nasa loob ba si Ian?" tanong ni Joy sa assistant ni Ian na si Louie.

Tinitigan pa siya nito bago sumagot.

"Naku, ma'am may ka meeting

po si Sir. May appointment po ba kayo?" Tinignan pa nito ang notebook na hawak at


nai-check kung mayroong appointment ang amo.

Sa kilos ng assistant ni Ian, hindi siya nito nakilala bilang asawa ng amo nito.
Mukhang ang naaalala nito ay ang pagsugod niya dati kay Ian dahil sa pag-harang
nito sa lahat ng applications niya sa ibang kompaya.

Simula nang "Ikasal" sila, ito ang unang beses na pumunta uli siya sa opisina ng
binata.

"Uhm, wala e. Pwede bang sabihin mo na lang sa kanya na narito ako?"

Napangiwi pa ang lalaki at tinignan siya. "Naku, pasesnya na ma'am. Hindi ko talaga
pwedeng istorbohin ngayon si Sir. Mahalagang tao po kasi ang ka-meeting niya.
Inabot po kami ng matagal bago nakakuha ng appointment sa kanya."

Tumingin pa ito sa pinto ng opisina ni Ian. "Kung okay lang po sa inyo, hintayin
niyo na lang na matapos ang meeting. Saka ko po sasabihing narito kayo at gusto
niyong maka-usap si sir."

Sumimangot siya. Kung kalian naman kailangan niya ng kausap, saka pa busy ang
mokong. Bumuga na lang siya ng hangin at iniabot dito ang hawak na container.

"Pakibigay na lang ito sabihin mo bigay ko," aniya. Hindi naisip na hindi nito siya
kilala.

"Uhm, Im sorry ma'am but... may I know your name please?"

"MJ. MJ Lim. Oh, wait." Kumuha siya ng papel sa mesa nito at nagsulat.

Husband,

I made you cookies. Hope you like it.

Take care.

-MJ

Malungkot pa siyang ngumiti saka iniabot dito ang note.

"Pakisama na lang 'to pagbibigay mo," aniya saka bagsak ang balikat na naglakad
papuntang elevator. Narinig

niya pa ang mahinang pagmumura nito bago siya makalayo nang tuluyan.

Ang totoo, sinadya niyang ilagay ang "husband" sa note para mabasa ng assistant ni
Ian.
Sa inis, nag-drive na lang siya nang nag-drive kung saan siya dalhin ng sasakyan
niya.

~*~

"Uhm, Sir Ian... may nagpapabigay po," sabi ng assistant niya habang inilalapag sa
mesa ang isang paper bag.

Tinignan niya lang sandali ang paper bag at tumango sa assistant niya.

Ipinikit niya muna ang mga mata. Hindi ganoon kaganda ang naging usapan nila ng
huling ka-meeting niya. Huminga siya nang malalim at inihilamos ang kamay sa mukha
niya. Nahampas niya pa ang kamay sa mesa niya.

Nasa malalim siyang pag-iisip nang mapatingin uli sa paper bag. Sanay na siyang
maka-tanggap ng ganito sa kung sinu-sino mula pa nang college siya. Normal na 'to.
Dati ay bubuksan niya lang 'yun at ibibigay na sa assistant niya.

Napatigil ang pagkuha niya sa paper bag nang may maalala. Ibinilin niya nga pala
kay Louie na 'wag nang ibigay sa kanya ang mga padalang ganun dahil hindi niya rin
naman 'yun bubuksan. Ibinibigay niya na lang 'yun sa assistant niya at ito ang
hinahayaan niyang magsawa sa mga regalo.

Pipindutin niya na sana ang intercom pero parang hinihila siya ng paper bag na
tignan ito. Sa huli, binuksan niya rin 'yun.

Napatayo siya bigla at napalabas ng pinto nang mabasa kung anong nakasulat sa note
na kasama nun.

"Louie! Galing dito ang asawa ko?" aniya habang itinataas ang papel. Napatingin sa
kanya ang ibang empleyado pero hindi niya pinansin.

Hatalang kinabahan bigla si Louie at bahagyang

tumungo.

"Opo, sir. Kaso nasa kalagitnaan kayo ng meeting kaya ibinilin niya na lang na
ibigay ko 'yan sa inyo."

"What the hell, Louie? Sana tinawag mo ako para nalabas ko ang asawa ko kahit
sandali!

Hindi ba't ibinilin ko sa'yong kahit anong ginagawa ko, papapasukin mo si Joy?"
galit pang sabi niya.

"Pasensya na po, sir." Medyo nanginginig nang sabi ng assistant niya.

Hindi naman siya madalas na magalit ng sobra. Oo, sumisigaw siya pero alam ng
assistant niya 'pag galit na talaga siya.

Huminga muna siya nang malalim saka pumikit ng mariin. Hindi na siya nagsalita at
isinara na lang ang pinto.

Kinuha niya ang container na laman ng paper bag at binuksan 'yun. Natawa siya nang
may isa pang note na laman 'yun.

O, ano? Sinong hindi marunong gumawa ng cookies? Ayan, kumain ka! (Mabulunan ka
sana! Joke lang!)
Kumuha siya ng isang cookie at lalo siyang napangiti. Aminin niya man o sa hindi,
masarap 'yun.

Kinuha niya ang cellphone niya para i-text ito na natikman na ang nai-bake nito
nang kumatok ang assistant niya. Nakatungo pa rin ito nang lumapit.

"Sir, pasensya na po talaga. Hindi ko po kasi nakilala si Ma'am Joy. Mukha po kasi
siyang tomboy," anito. Pinigilan niya ang sarili niyang matawa. Hindi niya naman
kasi ito masisi sa bagay na 'yun. "Na-realize ko lang po na siya si Ma'am Joy nang
ibigay niya 'yun note. Ang kaso, naka-alis na agad siya."

Tumango na lang siya. Wala na sa kanya ang nagawa ng assistant niya dahil maganda
na ang mood niya dahil sa cookies.

"Okay na 'yun. Bumalik ka na sa trabaho," aniya.

"Uhm,

sir. Ang totoo kaya po ako lumapit kasi may napansin po ako kay Ma'am Joy kanina."

Napa-angat siya ng likod at nakinig nang mabuti sa sinasabi ni Louie.

"Ano kasi, Sir. Napansin ko nung dumating siya, malungkot siya. Tapos bagsak po
'yung balikat niya nung umalis dahil hindi kayo naka-usap. Sorry po talaga, Sir."

Napa-sorry ulit ang assistant niya dahil bigla siyang tumayo sa sinabi nito. Kinuha
niya agad ang cellphone at nai-dial ang number nito.

Hindi niya na narinig ang mga sinabi ng assistant niya hanggang sa makalabas ito ng
opisina niya.

~*~

Pabagsak pang naupo si MJ sa kotse niya pagkatapos bumili nang maiinom. Hindi niya
na alam kung saan siya nakarating pero wala pa rin siyang paki-alam. Nagawa niya na
nga dating sumakay nang hindi tumitingin sa sign board ng bus at nakarating siya sa
kung saan-saan.

Nasa kalagitnaan siya nang pag-inom nang tumunog ang cellphone niya. May ilan nang
missed calls doon at isang text message. Iniwan niya kasi sa kotse niya ang
cellphone.

From: Ian-tot

Hey, wife! Why aren't you answering? Nakuha ko na ang cookies mo. And I must admit,
masarap. Thank you!

Hindi niya napigilang mangiti. Ang unang beses na napangiti siya simula nang mabasa
niya ang rejection letter. Magre-reply na sana siya nang biglang mamatay ang phone
niya. Low batt nga pala 'yun at sira ang chord niya para mai-charge 'yun. Inis na
inihagis niya na lang ang cellphone niya sa passenger's seat. Balak niyang bumalik
sa opisina ni Ian.

Mabagal lang ang takbo ng sasakyan niya dahil hindi niya alam kung nasaang lupalop
na

siya ng Metro Manila. Nakatitig siya sa signage kung saan ang daan nang bigla na
lang may babaeng bumungad sa harap ng kotse niya. Mabuti na lang nakapag-preno siya
agad.
Mabilis na bumaba siya para siguraduhing hindi niya nabangga ang babae. Nakaupo ito
sa semento at umiyak.

"Miss! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?"

Hindi ito nag-angat ng tingin at nakatungong umiiyak pa rin.

"Miss? O, shit! Dadalhin kita sa ospital!" nagpa-panic na sabi niya. Walang mga tao
sa paligid dahil bukod sa tanghaling tapat, nasa medyo liblib na lugar siya.

Hinihila niya na ito patayo pero ayaw nitong sumama sa kanya.

Mukha namang walang sugat ito o kung ano pa man pero iyak pa rin ito ng iyak.

"Miss, please naman. Kung nasaktan kita sabihin mo naman o. Kinakabahan na ako e,"
aniya.

Doon lang nag-angat ng tingin ang dalaga. At base sa pamumula ng mga mata nito,
matagal na itong umiiyak.

"Hey, anong problema? Saan masakit?" tanong niya. Nag-panic pa siya at napa-upo sa
semento para tabihan ito.

Umiiyak pa ring itinuro nito ang dibdib sa bahagi ng puso.

"Bakit ganun, kuya?" Tinitigan siya nito. "I mean ate. O kuya. Kung ano mang gusto
mo. Ang sakit sakit!"

Hindi niya pinansin ang pag ate-kuya nito sa kanya. Ang napansin niya lang ay ang
sobrang sakit na nakikita niya sa mga mata nito.

"Ano bang problema? Makikinig ako," aniya.

Wala naman sana siyang balak na makialam sa problema nito pero sa nakikita niya,
baka kung ano pang gawin ng babae 'pag iniwan niya na lang ito basta.

Naupo ito ng maayos at nagsimulang i-kwento sa kanya ang problema.

Nalaman pala nitong pangalawang pamilya lang sila. Ang akala niya, kaya lang hindi
sila napagtutuunan ng pansin ng ama ay dahil sa busy ito sa trabaho. Ayun pala, sa
unang pamilya ito umuuwi.

Kamamatay lang ng ina nito isang taon na ang nakakalipas kaya wala itong kasama sa
ngayon kundi mga katulong. Kanina lang, ipinakilala ng ama nito ang dalawang
kapatid. Hindi pa rin ito makapaniwala at hindi pa rin nito matanggap na ang
inakala nitong perpektong pamilya na meron ito ay isa palang malaking
kasinunalingan. Tumakbo agad ito paalis ng bahay matapos sabihin ng ama ang
katotohanan at ngayon nga ay napadpad sa kinaroroonan nila.

Umakbay si Joy sa dalaga para patahanin ito.

"Tahan na. Hindi ba mas okay ngayon na may mga kapatid ka? At least may makakasama
ka na," aniya.

"Pero ayoko ng kapatid! Ang gusto ko lang naman, magka-oras sa akin si Papa. Pero
kahit minsan, hindi niya ako nabigyan. Kaya naman pala. Nauubos na pala ang oras
niya para sa mga 'yun kaya wala nang natitira para sa akin. At alam mo ba, sa bahay
pa titira ang babaeng 'yun!" anito na ang tinutukoy ay ang nakakatatandang kapatid
na babae.

"Come on, think of it positively. Baka naman dinala talaga sa iyo ang mga kapatid
mo para may makasama ka. Give them a chance. Malay mo naman magkasundo pala kayo,"
aniya.

Hindi ito sumagot pero sa tingin niya, kino-consider nito ang sinabi niya.

Tumahan na rin ito at nagpupunas na lang ng mga mata.

"Halika na, ihahatid na kita sa inyo. Baka hinahanap ka na nila."

"Salamat," medyo nakangiti nang sabi nito. "Kanina pa tayo nag-uusap pero ni hindi
pa ako nagpapakilala. Ako nga pala si JL. Thank you sa pagdamay ha," anito.

Ngumiti siya saka inabot ang kamay ng dalaga.

"I'm Joy."

~*~

"Hey!" Nagulat na lang si Joy ang salubungin siya ng mahigpit na yakao ni Ian.
"Where have you been? Kanina pa ako nag-aalala! I'm so close to calling the cops!"

Hindi siya nakasagot dahil sobrang higpit ng yakap nito at halos hindi siya
makahinga.

"I-Ian... 'di ako m-makahinga," aniya.

Agad na bumitaw si Ian.

"I'm sorry," anito. "Bakit nakapatay ang cellphone mo?"

"Na-drain 'yung battery. Hindi naman ako makapag-charge kasi sira 'yung chord ng
charger."

Napatingin siya sa orasan. Maga-alas singko pa lang ng hapon pero nasa bahay na si
Ian. Normally, alas-sais pa ito dumarating.

Hindi niya na ito napuntahan sa opisia dahil sinamahan niya pa si JL maghapon. Ayaw
pa kasi nitong umuwi. Hindi niya naman maatim na iwanan na lang. Nang maihatid niya
ito, dumeretso na lang siya ng uwi kaysa puntahan pa uli sa opisina si Ian.

"Are you okay? Saan ka galing?"

Ngumiti siya ng pilit. "May sinamahan lang akong kaibigan," aniya.

Tumango ito.

"Okay, magpahinga ka na muna. Ako na ang magluluto ng dinner."

Hinaplos pa ito ang pisngi niya saka sinuklay ng kamay ang buhok niya bago
tumalikod.

"Uhm, Ian..." tawag niya rito bago pa ito makalayo.

"Hmmn?"

Ngumiti siya.
"Salamat sa lahat."

=================

Chapter Fifteen

"Salamat sa lahat," ani Joy kay Ian.

Seryosong tumingin sa kanya ang binata saka dahan-dahang lumapit.

"Salamat? 'Yung lang? Salamat?" Tumingin pa ito sa kisame na tila nahihirapan.


"Pagkatapos ng lahat 'yan lang ang sasabihin mo? Salamat?" Umiling pa ito saka
pumikit ng mariin. "Ano ba ako sa'yo? Ganun ganun na lang ba 'yun?"

Napatitig na lang siya kay Ian. Hindi niya alam kung anong pinagsasasabi nito. At
lalong hindi niya alam kung paano mag-re-react. Mukha kasi itong tanga.

"Joy, ang tagal kong naghintay. Ang tagal kong nag-tiis. Tapos basta mo na lang
itatapon lahat ng pinaghirapan ko? Ganun na lang?"

Hindi na napigilan ni Joy at ibinato niya rito ang throw pillow saka tumawa. Nasalo
naman nito 'yun at nakitawa sa kanya.

"There. Tumawa ka rin." Ngumiti pa nang malapad si Ian. "I'll go make us dinner,"
anito saka nagpunta sa kusina.

Na-iiling na lang na tinignan ni Joy ang palayong imahe ni Ian.

At least napangiti siya nito kahit na mukha talaga 'yung tanga kanina. At sobrang
na-appreciate niya ang ginawa ng binata.

Napabuntong-hininga na lang siya nang maalala ang pagka-reject ng manuscript niya.


Ang sakit pala. Pinag-hirapan niya kasi ng ilang gabi 'yun tapos na-uwi lang sa
wala. Nag-buntong-hiniga na lang siya at nahiga sa sofa.

~*~

"Anong problema?" tanong ni Ian nang tahimik pa rin si Joy kahit na nakakain na
ito. Kadalasan, tatango lang ito at tipid na ngingiti sa mga kwento niya. "MJ?
Please tell me what's wrong. Iiwan mo na ba ako?" biro niya.

Ngumiti naman ng bahagya si Joy saka umiling.

"Sira, hindi 'no." anito.

"Sabi mo 'yan ha. Hindi mo 'ko iiwan." Kumindat pa siya rito pagkatapos sabihin ang
patotoong biro niya. Ayaw niya naman kasi talagang iwan siya ng dalaga.

"Oo na. Hindi naman kita iiwan e."

Nagulat siya sa sinabi ni Joy kaya napatitig na lang siya rito. Hindi niya alam
kung anong sasabihin niya. Hindi niya inaasahang sasabihin ni Joy na hindi siya
iiwan nito.
"Isara mo nga 'yang bibig mo! Pasukan 'yan ng langaw sige ka!"

Doon lang natauhan si Ian at napangiti na lang nang malapad. Natahimik na lang siya
habang hindi makatingin ng deretso kay Joy.

Ganun lang sila nang ilang sandali hanggang sa magsalita si Joy.

"Rejected 'yung manuscript ko," malungkot na sabi nito.

Napa-angat agad ang likod niya sa narinig. Hindi pumasok sa isip niya na 'yun pala
ang ikinalulungkot nito. Malungkot na tumingin sa kanya ang dalaga at ngumiti ng
mapait. Ramdam niya ang lungkot na nararamdaman nito.

Huminga nang malalim si Joy saka ngumiti uli.

"Okay na 'yun! 'Wag mo na lang pansinin 'yung sinabi ko. Hindi siguro talaga para
sa akin ang pagsusulat," anito pa.

Gusto niya mang sabihin na nagkamali ang publishing company na 'yun sa hindi
pagkuha sa dalaga, hindi niya magawa. Alam niya namang hindi nun mapapagaan ang
nararamdaman nito.

Kinuha niya na lang ang isang kamay ni Joy at hinawakan 'yun nang mahigpit.

"Gumawa ka na lang ulit. Magsulat ka lang nang magsulat hanggang sa tanggapin nila
ang kwento mo. 'Wag mong isuko 'yan. Unang beses ka pa lang namang sumubok 'di ba?
Walang perpekto sa simula, Joy. I'm sure sa

susunod, kukunin ka na nila. At sigurado akong mamahalin ka ng marami dahil sa mga


isusulat mo," aniya.

Sumimangot lang ang dalaga at hindi tumingin sa kanya.

"Look at me, Joy."

Halatang ayaw tumingin ng dalaga pero lumingon din ito sa kanya kapagkuwan.

"Ngumiti ka na. Ganito na lang, bukas, may pupuntahan tayo. Para sumaya ka naman,"
aniya. Biglaan man, desidido siya sa balak gawin.

"Pero may pasok ka. Paano 'yung kompanya mo?"

"The company can wait. You're more important." Nakangiti pang sabi niya.

~*~

Hindi malaman ni Joy kung anong nararamdaman. Sinabi na ng binata noon na may
pagtingin ito sa kanya pero sa kaibuturan niya, hindi niya pinaniniwalaan 'yun.
Para sa kanya, nagbibiro lang ito. Pero sa mga sinasabi nito sa kanya at sa mga
ikinikilos nito, ramdam niyang nagsasabi ito ng totoo. Pilit niya lang na
ipinagsasawalang-bahala ang bagay na 'yun.

"Thank you," nasabi niya na lang. Hindi niya alam kung ano pang pwede niyang gawin
para lang makapag-pasalamat dito. Kung noon, isang monster ang tingin niya sa
binata, ngayon, naging anghel na. Kahit na konti, hindi niya na pinagsisisihang
sinakyan niya ang trip nito na magpanggap na nagpakasal na sila.

"Basta ikaw. Alam mo namang-" Hindi na nito itinuloy ang sinasabi. Hinila na lang
siya patayo. "Tsk! Tara na nga. Matulog ka na lang," anito.

Hindi na siya naka-angal nang hinila pa siya nito pa-akyat ng hagdan. Pero hinila
niya bigla 'yung kamay niya nang imbis na sa kwarto nila ni Rihanna, sa kwarto ni
Ian sila nagpunta.

"Hoy! Bakit dito mo ako dinala? Anong binabalak mo ha?" nag-pa-panic na sabi

niya.

Tumawa naman si Ian at hinila ulit ang kamay niya.

"Hindi ako papayag sa gusto mo, 'uy!" sabi niya pa kahit na nakapasok na sila sa
kwarto nito.

"Wala akong binabalak, okay?"

"E bakit dito mo 'ko dinala? May sarili akong kwarto!"

"Malungkot dun, mag-isa ka lang. Dito ka na lang muna. 'Wag kang mag-alala. Wala
akong gagawin, okay? Babantayan lang kita," ngiting-ngiti pang sabi nito.

"At bakit mo naman ako kailangang bantayan, aber?"

"Mahirap na, baka bukas wala na akong asawa e!"

"Hoy, ipapa-alala ko lang sa'yo na-"

"Oo na, hindi kita asawa. 'Wag ka na ngang umangal. Alam mo namang harmless ako e.
Kung hindi edi matagal nang-alam mo na," anito sabay tawa nang malakas.

Hinampas niya na lang ito at nagpaubaya. Parang ayaw niya rin namang mag-isa sa mga
oras na 'yun at may tiwala naman siya sa binata.

Pinahiga siya nito sa kama at tumabi ito pero naka-upo lang. Hindi niya na lang
'yun pinuna at pumikit na lang. Hindi pa siya inaantok pero sa ginagawa nitong pag-
haplos sa buhok niya, unti-unti na rin siyang dinadalaw ng antok. Yumakap pa siya
sa mga hita nitong katabi niya dahil mas naging komportable siya roon. Naramdaman
niya pa ang paghalik ng binata sa buhok niya bago siya tuluyang nakatulog.

~*~

"Gising na, MJ." Naririnig niya ang boses ni Ian pero parang ang sarap nung
pakinggan na hindi niya magawang idilat ang mga mata niya. Para kasi siyang
hinehele sa tono ng boses nito.

"MJ... hahalikan kita sige."

Hindi pa rin siya natinag sa sinabi nito. Sa kaibuturan niya, parang gusto niya ang
huling sinabi nito.

Narinig niyang tumawa si Ian bago siya nito hinalikan sa mga labi. Napasinghap siya
pero tumugon siya sa halik nito kalaunan. Hindi pa rin siya dumidilat at pakiramdam
niya ay panaginip lang 'yun. Nang maghiwalay ang mga labi nila, biglang sabi na
lang ni Ian, "gusto mo lang pala ng halik ko e!" Doon na siya napadilat at itinulak
ito palayo. Lalo pang tumawa ang binata sa naging reaksyon niya.

Pinaghahampas niya ng unan ang binata dahil sa pagkapahiya. Pero aminin man niya o
hindi, nagugustuhan niya ang mga halik nito.
"Aray, tama na! Haha! Gustong-gusto mo naman e!" Lalo niya pa itong pinaghahampas
ng unan. Natigil lang siya nang maagaw nito ang unan at yakapin siya.

"Kumalma ka na, sweetie. Nagbibiro lang ako!" anito habang tumatawa pa rin.

Umisa pa siya ng hampas dito bago siya kumawala sa yakap nito.

Ngiting-ngiti pa si Ian sa kanya na ikina-inis niya. Ewan niya kung bakit pero ang
saya-saya ng binata. Akala mo naman nanalo sa lotto.

"Magbihis ka na. Mag-empake ka pati ng mga damit for three days," anito.

"Bakit?" tanong niya.

"Sabi ko naman sa'yo kahapon 'di ba, we're going on a vacation."

"Saan naman?"

"Ang daming tanong!" natatawa na namang sabi nito. "We're going to Tagaytay."

=================

Chapter Sixteen

"Ready?" tanong kay Joy ni Ian.

"Yep!" excited pang sagot ni Joy at nagpatiuna na sa pagpunta sa kotse nila. Dala
niya ang isang traveling bag na may lamang pang-tatlong araw na mga damit. Saktong
binigyan siya ni Genna ng ilang blouse dahil mahigpit na bilin ni Ian na hindi siya
magdala ng mga damit na normal niyang isinusuot.

Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang makapunta sa Tagaytay. Inalis niya
kasi 'yun sa choice ng mga pagtataguan niya noong naglayas siya dahil alam ng
kapatid niya na paborito niya 'yung puntahan pag may problema siya. Saktong-sakto
at doon siya dadalhin ni Ian.

Actually, may bahay na roon si Joy. Sa ngayon, pina-uupahan niya 'yun para sa mga
turista na pumupunta sa Tagaytay. Tumawag pa siya kanina lang sa tagapamahala niya
roon kung may bakante at nagkumpirma naman itong meron. Hindi naman kasi peak
season.

"May titirahan na ba tayo roon? I know a place," tanong niya kay Ian pagkasakay pa
lang nito sa kotse.

"Meron na. Everything is settled. Don't worry, just enjoy this vacation." Ngumiti
pa ng malapad si Ian saka pina-andar ang sasakyan.

Habang nasa biyahe, nagt-type si Joy sa cellphone niya ng kung anu-anong pumapasok
sa isip niya. Sa bawat makita niya kasing nadaraanan nila, may naiisip siyang
istorya. Sayang naman kung hahayaan niyang mawala na lang basta ang mga idea niya.

Napag-isip-isip niyang tama si Ian. Hindi naman talaga lahat nagtatagumpay sa unang
subok pa lang. Siguro sa ngayon bigo siya. Pero darating ang araw ng break niya.
'Yung araw na matutupad ang pangarap niya.

"Sino ba 'yang

ka-text mo? Kanina ka pa d'yan a?" halata sa boses ni Ian ang pagka-inis.

Nagkibit lang ng balikat si Joy at nagpatuloy sa pagt-type.

"Mary Joy! Kapag hindi mo tinigilan ang pakikipag-text sa kung sino man 'yan,
babalik tayo sa bahay!" pagbabanta ng binata.

Tinitigan niya ito saka hindi niya napigilang matawa.

"Ano bang problema mo? Kanina lang good mood ka a?"

"Ako ang kasama mo tapos iba ang inaasikaso mo. Sino namang matutuwa?"

"Ang seloso nito!"

Natigilan sandali si Ian. "Hindi ako nag-seselos, okay? Sinasabi ko lang, ako lang
dapat ang asikasuhin mo simula ngayon hanggang matapos ang bakasyon natin."

"Seloso na, demanding pa," pabulong pero rinig namang sabi niya.

"Hindi nga-"

"Oo na. Titigilan na po," aniya saka ibinaba ang cellphone sa dashboard. Hinayaan
niya na lang na dumaan lahat ng idea niya kesa mainis na naman ang binata.

Hindi niya mapigilang mapa-iling. Kahit kailan talaga, ang lakas ng sapak!

~*~

Nagising si Joy sa ingay ng cellphone niya. Hindi niya namalayang naka-idlip na


pala siya at pagtingin niya sa labas, nasa Cavite na sila. Kinuha niya ang
cellphone at sinagot.

"Joy!" masiglang sabi ng nasa kabilang linya bago pa man siya makapagsalita.

"JL?" tanong niya nang mabosesan ang babae. Ito 'yung muntik niya nang masagasaan.
Nag-palitan sila ng number nang araw din na 'yun at sinabi nitong babalitaan siya.

"Hey, I need someone. Pwede ka ba?"

"Naku. Sorry, JL ha? Papunta kasi ako sa Tagaytay ngayon e. Magbabakasyon ako for
three days," aniya.

"Susunod ako

d'yan. Pwede?"

"Huh?" nag-panic siya bigla. "Uhm, ano kasi... I'm with someone. Sorry, maybe next
time?"

Tumahimik ang nasa kabilang linya at halatang nalungkot ito.


"Okay," anito mayamaya.

Medyo na-konsensya naman siya. Ang kwento kasi sa kanya ng dalaga, wala ngayon sa
Pilipinas ang matalik na kaibigan nito. Kaya siguro naghahanap ng ibang makakasama.

"Promise, pagkabalik ko lalabas tayo," aniya.

"Promise?"

"Yes."

"Yey! Thanks, Joy! Sige, magkukulong na lang muna siguro ako sa kwarto. Bye! Enjoy
ka sa bakasyon mo!"

Nakahinga ng maluwag si Joy pagkababa niya ng tawag. Pagtingin niya kay Ian,
madilim na naman ang mukha nito.

~*~

I'm with someone...

Paulit-ulit na naririnig ni Ian sa utak niya ang mga katagang 'yun. Someone lang
pala ha?

Naiinis siya dahil nagagawa ni Joy na makipag-usap ng ganun at sa harap niya pa.
Alam niyang babae ang nasa kabilang linya dahil kahit paano, naririnig niya ito.
Hindi niya lang ma-intindihan ang sinasabi.

"Huy, Ian!"

Napalingon siya kay Joy nang lakasan nito ang pagtawag sa kanya. Mukhang kanina pa
siya tinatawag nito at hindi niya lang napansin.

"Sabi ko, nauuhaw na ako. Bili muna tayo ng tubig," anito.

Walang ganang naghanap si Ian ng tindahan na mabibilhan at itinigil ang sasakyan sa


harap nun.

Si Joy na lang ang bumaba para bumili. Pagkabalik nito, may dala itong dalawang
bote ng tubig at isang chocolate bar.

"Gusto mo?" tanong ni Joy habang itinataas ang chocolate.

Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy

na sa pagmamaneho.

"Problema nito?" narinig niyang bulong ni Joy.

"Ahh!" Hindi niya na napigilang mapatingin nang marinig 'yun. Pagkatingin niya,
nakatapat sa bibig niya ang kamay ni Joy na may hawak na isang putol ng chocolate.
Tinignan niya pa muna ito sandali saka isinubo ang chocolate.

"Ayan, baka sakaling mawala 'yang busangot sa mukha mo," anito.

Dahil doon, hindi niya na napigilang magtanong.

"Sino ba 'yung kausap mo kanina? Siya rin ba 'yung ka-text mo? May pangiti-ngiti ka
pa?!"

Nakita niyang napangiti pa ito nang malapad bago tumawa.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong niya.

"Alam mo, 'yan ang gusto ko sa'yo e. Ang transparent mo. Sinasabi mo kung anong
nararamdaman mo. At least hindi ko na kailangang manghula."

"Hindi mo naman sina-"

"Babae 'yun," putol nito sa sinasabi niya.

Natigilan pa ito sandali at mukhang may naisip.

"Yeah, I know-"

"Oh! Oo nga pala. Well, kaibigan ko lang 'yun. At si Rihanna lang ang nag-iisang
babae sa buhay ko. Hindi ako nambabae or something. 'Wag kang magalit para sa
girlfriend ko."

Natahimik na lang siya. Oo nga pala. Bakit ba lagi niya na lang nakakalimutan na
hindi nga pala sila totoong kasal? Na may girlfriend ito at hinihiram niya lang
panandalian.

Tumahimik na lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

~*~

Mahigit kumulang isang oras lang ang naging biyahe nila. Simula nang mabanggit si
Rihanna, wala na ni isa sa kanila ang nagsalita.

Sa isang condominium sila tumuloy at hindi mapigilan ni Joy na humanga sa lugar.


Maganda ang tanawin sa daan

pa lang papunta sa condo building. Nakaka-relax 'yun at ramdam niyang unti-unting


nawawala ang lahat ng stress niya.

Lalo pa siyang natuwa nang makita ang condo unit na titirhan nila. Isa 'yung three
bedroom unit at sa master's bedroom ay kita ang Taal Lake. Sa 'di kalayuan, kita
niya ang isang malaking swimming pool. Hindi siya mahilig mag-swimming pero parang
gusto niyang maglublob sa mga oras na 'to.

Simple lang ang disenyo ng bung unit per elegante 'yung tignan. Mataas ang ceiling
sa living room at sa dining room dahil sa penthouse sila tumutuloy.

Lalabas na sana siya ng master's bedroom nang ipasok doon ni Ian ang mga gamit
nila.

"Dito tayo matutulog pareho," anito.

Aangal sana siya pero hinayaan niya na lang. Alam niya naman na sa huli, ito pa rin
ang masusunod.

"Sa'yo 'tong unit na 'to?" tanong niya.

"Yeah," simpleng sagot nito.

"Swimming tayo. Parang na-miss ko nang mag-lublob sa pool," aniya.


"Okay, sure."

Pumasok siya ng banyo at nagpalit siya ng panligo bago niya 'yun pinatungan ng bath
robe. Pagkalabas niya, handa na rin si Ian para mag-swimming.

May ilang tao ang nasa pool nang mga oras na 'yun. Iisa lang ang lalaking naroon at
halatang asawa pa noong isang babae.

Inalis niya agad ang robe para makalublob na siya. Suot niya ang rash guard niya at
cycling. Hindi naman kasi siya komportable sa swimsuit. Though suot niya sa loob
ang swimsuit na ginamit niya noong nagpunta sila ng Kuya Patrick niya sa Boracay.

Lulusong na lang sana siya nang may biglang lumapit na babae kay Ian.

"Hey there, gorgeous!" Malanding

sabi nito at pinadaan pa ang hinlalaki nito sa mga labi ng binata. Nakita niya pang
napa-atras ng kaunti si Ian sa ginawa nito.

Nag-init ang ulo niya sa nakita pero pinilit niyang i-compose ang sarili.

Tinignan siya ng dalaga saka ngumiti.

"Aww. Gwapo na nga, mabait pa. How nice of you to give your P.A. the privilege to
join you in the pool," sabi pa nito.

Nag-init pang lalo ang ulo niya sa narinig. Magsasalita sana siya para barahin ito
pero naunahan siya ni Ian.

"She's not my P.A.," ani Ian saka iniiwas ang sarili sa babae na tila nandidiri pa.
"She's my wife," sabi pa nito.

Nakita niya kung paanong tumaas ang mga kilay ng dalaga. Tinitigan pa siya mula ulo
hanggang paa.

Sa inis, tinanggal niya ang suot na rash guard at cycling. Naiwan ang suot niyang
kulay purple na bikini. Narinig niya pang napa-wow ang babae na nasa kabilang gilid
niya pero hindi niya 'yun tinignan. Nag-iinit ang pisngi niya sa inis at sa pagka-
pahiya dahil hindi siya sanay na kita na halos ang buong kaluluwa niya.

Lumusong agad siya sa tubig para hindi niya naman masyadong maramdaman na exposed
siya.

Mayamaya lang, naramdaman niya ang pagyakap ni Ian mula sa likod niya.

"Hey! Nan-tsa-tsansing ka a!" mahinang sabi niya rito pero hindi naman lumayo.

Ramdam niya ang init ng katawan nito na dumikit sa balat niya. Hinigpitan pa nitong
lalo ang pagkakayakap sa beywang niya na ikina-singhap niya.

"At kailan pa naging tsansing ang pag-yakap sa asawa?"

"Well, technically-"

"Let's just pretend we're really married for the duration of this vacation, can
we?"

Nagkibit siya ng balikat


saka inalis ang pagkakayakap nito. Pakiramdam niya kasi, sa bawat segundo na
lumilipas na yakap siya nito ay unti-unti siyang natutunaw.

Nakita niya pang lumungkot ng bahagya ang mukha ni Ian nang makalayo siya.

Winisikan niya ito ng tubig sa mukha saka siya nagsalita.

"Hey, husband! Unahan tayo?" Itinuro niya pa ang kahabaan ng pool.

Ngumiti naman ito nang malapad saka nagpatiuna nang lumangoy.

"Madaya!" aniya saka mabilis na sumunod dito.

~*~

Naglibot sila sa buong paligid at pabalik na ngayon sa unit dahil papadilim na rin.
Balak na lang nilang lumabas uli mamaya para kumain ng hapunan.

Sakay sila ng cable car pabalik sa unit nila nang makita nila ang log houses na
nakatayo roon. Kung titignan, para ka na ring nasa America dahil sa theme ng lugar.

Napatingin si Ian kay Joy at nakita niyang nakasimangot ito habang nakatitig sa mga
bahay.

"Alam mo bang pangarap kong magkaroon ng isa sa mga 'yan? Ang kaso kasi, ang tagal
pumayag ni Kuya noon na bumili ako. Nung sa wakas napapayag ko siya, na may kapalit
pa, sold out na lahat ng log houses. Isang linggo ko ngang hindi kinibo nun si Kuya
kasi pangarap ko talaga 'yan."

Naaalala niya ang panahon na 'yun. Noong ilang beses na lumapit si Joy sa kapatid
habang naroon siya sa bahay ng mga ito at nagmamaka-awang pagbigyan. Nagbiro nga
siya noon (pero balak niyang tuparin kung sakali) na siya na lang ang bibili ng
kung ano mang gusto nito pero tinignan lang siya ng masama ng dalaga at inirapan.

"Pangarap mo talaga?" tanong niya pa ulit.

Huminga pa ng malalim si Joy saka inalis na ang tingin sa mga

bahay.

"Yeah. May design na nga akong naisip kung sakali. Ipapa-renovate ko na lang sana.
Ang kaso ayun, wala na."

Hinawakan niya ang kamay nito saka siya ngumiti. Nahawa na rin naman ito ng
pagngiti kapagkuwan.

"Gusto mo magpagawa tayo ng ganyang bahay?"

Ngumiti ito ng malapad pero sumimangot din agad.

"Okay sana. Kaso... iba kasi ang ambiance dito. Saka mas gusto kong may mga
katabing bahay na katulad para mas dama. Anyway, 'wag mo nang isipin 'yun. Naka-
get-over na ako sa pangarap na 'yun. May bahay naman na pati tayo," anito.

Tumango lang si Ian pero may naisip siyang plano. Nilingon niya pa uli ang lugar
bago siya nangingiting umakbay sa dalaga.
~*~

Nakatambay si Ian at Joy sa balcony. Magkatabi pa sila habang humihigop ng kape.

"Kailan mo pa naramdamang nagka-gusto ka sa babae?" tanong ni Ian kay Joy.

Out of curiosity lang naman ang tanong niya. Though sa loob niya, pinapanalangin
niya na wala itong gusto sa babae. Ramdam niya kasing may epekto siya rito. Ilang
beses niya na rin bang hinalikan ang dalaga at imbis na umiwas, tumutugon pa ito?

"Akala ko ba, let's pretend na mag-asawa talaga tayo for this vacation? Bakit
sinisingit mo 'yang tanong na 'yan?"

"Just curious," aniya.

Matagal bago sumagot si Joy. Nang akala ni Ian ay hindi na ito sasagot, saka naman
ito huminga ng malalim at nagsalita.

"Simula noong makilala ko si Ri." Nagkibit pa ito ng balikat. "It just happened..."

Alam niyang magku-kwento pa sana ito pero pinigilan niya na. Niyakap niya ito mula
sa likuran at hinalikan sa buhok. Naramdaman niya ang paghinga nito ng malalim.
Hinigpitan niya pang lalo ang pagkakayakap at hinalikan ito sa balikat.

Ilang minuto rin silang nasa ganoong ayos hanggang sa basagin niya ang katahimikan.

"MJ?"

"Hmn?"

Dumeretso siya ng tayo pero hindi umalis sa likod ng dalaga.

"Kung titimbangin ang halaga namin ni Rihanna sa'yo ngayon, nasaan na ako?" Itinaas
niya pa ang dalawang kamay para sumukat. Itinaas niya na kapantay ng mga mata ni
Joy ang kaliwang kamay niya habang nasa tapat naman ng balikat nito ang kanan.
"Let's say, ito si Rihanna noon bago tayo magpanggap na kasal," aniya na ang
tinutukoy aay ang kaliwang kamay. "Tapos ito naman ako." Iginalaw niya pa ang
kanang kamay para ipakitang iyon siya. "Nasaan na ako sa ngayon?" tanong niya.

Natigilan sandali si Joy pero hinawakan naman nito ang mga kamay niya. Umaasa siya
na kahit paano, magkapantay na ang halaga nila sa dalaga.

Nagulat na lang siya nang itaas pang lalo ni Joy ang kaliwang kamay niya lagpas na
sa ulo nito at ibaba pa nang husto ang kanan.

"That's it. That's how I weigh it right now." Humarap na sa kanya ang dalaga. "Tara
na? Tulog na tayo," anito saka ngumiti at nagpatiuna nang pumasok sa loob.

Hanggang sa makapasok ito ay hindi siya nakakilos. Nakatitig pa siya sa kanang


kamay niya na nakababa na ng husto.

Bagsak ang balikat na sumunod na rin siya pagpasok sa loob.


to be continued...

=================

Chapter Seventeen

Babala: Medyo SPG.

-----------------------------

I'm falling...

Nagising si Joy na wala na sa tabi niya si Ian. Hinanap niya ito at nakitang
nakatayo sa balcony habang umiinom ng kape.

Naalala niya pang nagising siya ng madaling araw nang maramdaman ang mga halik
nito. Hindi siya dumilat pero alam niyang totoo 'yun at hindi siya nananaginip
lang. Ramdam niya pa ang bilis ng tibok ng puso niya sa ala-alang 'yun.

Bumangon na siya at pumunta sa balcony. Wala sa sariling yumakap siya kay Ian mula
sa likod.

"Good morning," aniya.

Ramdam niyang natigilan si Ian sa ginawa niya. Inalis nito ang pagkakayakap niya at
humarap sa kanya kapagkuwan. Marahan siyang hinalikan sa buhok pero hindi ito
ngumingiti tulad ng lagi nitong ginagawa.

"Maligo ka na't magbihis. Mag-empake ka na rin. Dadaan na lang tayo sa resto para
mag-almusal," anito.

"Uuwi na tayo?!" gulat na tanong niya.

"May kape sa kitchen kung gusto mo. I'm giving you an hour para maghanda," anito
pa, hindi sinasagot ang tanong niya. Lumabas na rin ito ng kwarto nila kapagkuwan
at iniwan siyang nagtataka.

"Problema nun? Pagkatapos kong ipaalam sa kanya na mas matimbang na siya kaysa kay
Rihanna? Ugh! Ang lakas talaga ng sapak!"
Inis na isinalampak niya na lang sa traveling bag ang mga damit na inilagay niya sa
closet. Pagkakuha ng damit na bihisan, nagdadabog pang pumasok siya sa banyo para
maligo.

"Kainis!" aniya sabay tili nang maramdaman ang lamig ng tubig. Sa sobrang inis

niya kasi, hindi niya napansin na hindi sa mainit niya napihit ang shower.

"Ugh! Bwiset ka talagang Ian ka! Sabi ko na nga ba e. Pakitang tao ka talaga!"

Napa-pitlag pa siya nang malakas na kumatok si Ian sa pinto ng banyo.

"Mj? Ayos ka lang d'yan? Bakit ka tumili? Napaano ka? Bubuksan ko 'tong pinto!"
pasigaw pang sabi ni Ian. Halata sa boses nito ang pagpa-panic.

"H'wag!" ganting sigaw niya. Hinablot niya agad ang tuwalya at tinakpan ang katawan
kung sakaling buksan bigla ni Ian ang pinto. "Ayos lang ako! Namali lang ako ng
pihit nitong shower!"

Hinintay niyang magsalita pa si Ian pero wala na siyang narinig. Mukhang umalis na
rin ito nang marinig na ayos lang siya.

"Tss. 'Kita mo 'yun. Kunwari pang concern!"

Minadali niya na ang pagligo at naghanda na para maka-uwi.

~*~

"Let's go," wala pa ring buhay na sabi ni Ian.

Itatanong niya sana kung anong problema nito pero bigla na lang itong tumalikod at
iniwan siya sa may sala ng condo. Naiinis na sinundan niya na lang ito palabas.

Dahil asar na asar na siya sa kinikilos ni Ian, nanahimik na lang siya at hindi ito
kinibo hanggang sa makasakay ng kotse.

"Saan mo gustong kumain?" tanong nito sa kanya pagka-buhay sa makina ng sasakyan.

Hindi siya sumagot. Desidido siyang bigyan ito ng silent treatment.

Akala mo ha! Talk to yourself!

Hindi niya tinignan si Ian kaya hindi niya alam kung anong naging reaksyon nito.
Naramdaman niya na lang ang pag-andar ng sasakyan at pagtigil nun sa isang
restaurant na malapit.

Nagpatiuna na siya sa pagbaba at naghanap ng pan-dalawahang

mesa sa pinaka-sulok. Wala rin namang reklamo si Ian na na-upo sa harap niya.

Wala ni isang nagsasalita sa kanila hanggang sa may lumapit na waiter. Ibinigay


nila rito ang kani-kanilang order at nanahimik na uli pagkatapos. Kinuha niya na
lang ang cellphone niya nang makitang may ka-text ito sa sariling cellphone.

"Sa labas lang ako sandali, may kakausapin lang ako," ani Ian mayamaya. Hindi niya
napigilang mapatingin sa binata nang tumayo ito at lumabas.

Sinundan niya ito ng masama na tingin hanggang sa makita niyang may isang babae na
sumalubong dito. Nakita niya pang humalik ang babae sa binata, hindi niya alam kung
saan dahil nakatalikod ito sa kanya. May naramdaman siyang kirot sa dibdib niya
pero hindi niya na lang pinansin. Inisang lagok niya na lang ang tubig na nasa
harap niya.

Hindi niya alam kung ano nang ginagawa ni Ian at ng babae. Ang huli lang kasi ang
kita niya mula sa kina-uupuan. Ang alam niya lang, seryosong nag-uusap ang dalawa
noong una pero ngayon, nagtatawanan na ang mga ito.

"Dapat talaga hindi mo hinayaan ang sarili mo na mapalapit sa lalaking 'yan e! Ano
ka ngayon? Porke't panalo na siya at nalaman niyang mas may halaga na siya sa'yo
kesa kay Rihanna hindi ka na pagtutuunan ng pansin? Kasi wala nang challenge sa'yo!
Humanap na ng ibang lalandiin. Tss!" kastigo niya sa sarili.

Hanggang sa dumating ang mga pagkain ay hindi pa rin tapos mag-usap ang dalawa.
Nauna nang kumain si Joy dahil sa inis at dahil gutom na rin siya. Ibinuhos niya
lahat ng inis sa pagkain. Malalaki pa ang subo niya at hindi na halos 'yun
nginunguya.

Natapos na siyang kumain at

lahat, nasa labas pa rin si Ian at nakikipag-usap.

"Huh! Akala mo ha!"

Inis na kinuha niya ang pagkain na inorder ni Ian at nilantakan din 'yun. Nasa
huling subo na siya nang sa wakas ay pumasok si Ian sa restaurant at naupo sa harap
niya. Nagtatakang tinignan nito ang plato niya na ipinalit sa pagkain nitong
nilalantakan niya na.

"Oh. Sorry ha. Naubos ko na. Ang tagal mo kasing makipag-landian. Na-bore ako,"
aniya. Poker face lang saka kinuha ang baso ng tubig at uminom.

Hindi nagsalita si Ian. Humalukipkip lang ito at sumandal sa upuan. Tinitigan


siyang sandali saka tumaas ang dalawang kilay at halatang nagpipigil ng ngiti.
Naiiling na tinawag na lang nito ang waiter at umorder ng panibagong pagkain.

~*~

Nagtaka si Joy nang mapansin na imbis na palabas sila ng lugar, papunta pa sila ni
Ian sa pinaka-mataas na bahagi nun. Nadaanan nila ang park na tinambayan nila
kahapon at alam niyang hindi roon ang daan palabas.

Itatanong na sana niya kay Ian kung bakit doon sila papunta nang maunahan siya
nitong magsalita.

"Malapit na tayo," anito.

"Saan ba-"

Natigilan na lang siya nang tumigil sila sa harap ng isang log house.

"We're here!" ani Ian.

Nakababa na ito't lahat, nakatitig pa rin siya sa bahay. Hanggang sa pagbuksan na


siya nito ng pinto at ito na ang humila sa kanya palabas ng kotse.

"This is your new house." Itinuro ni Ian ang bahay at iniabot sa kanya ang susi.
"Sa pangalan mo 'yan nakalagay," anito pa.
"Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yup! Binayaran ko na kanina. Ayaw naman na ng pinsan ko so binili ko na.

You can do whatever you want with it. Pwede mong ipagawa 'yung naiisip mo na
design."

"Pero bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit mo binili 'to para sa'kin?"

"You said you want it."

"That didn't answer my question."

Tumingin siya sa mga mata ni Ian. Umiwas din agad ito ng tingin saka nagkibit ng
balikat.

"Well, you deserve it." Ngumiti pa ito saka humarap sa kanya. "Ano, papasok ba tayo
o tititigan na lang natin mula dito?"

Ngimiti na rin siya nang malapad at hindi nagsasalitang yumakap sa binata.

~*~

Hindi matapos-tapos ang pagpapasalamat ni Joy kay Ian. Nilibot pa nila ang buong
bahay at inisa-isa niya rito ang mga gusto niyang baguhin doon. Kumpleto sa gamit
'yun pero may ilang detalye na gusto niya sanang ipabago.

Hindi tulad sa codo unit ni Ian, iisa lang ang kwarto sa log house. Kaya naman wala
talaga silang choice kundi magsama roon. Though, wala naman 'yung problema sa
kanila.

Nalaman niyang ang babae palang kausap nito kanina ay ang sekretarya/girlfriend ng
pinsan niya na dating may-ari ng bahay. Hindi na lang siya naipakilala rito dahil
pinagmamadali na raw itong bumalik sa Maynila.

Ito ang nagdala ng mga papeles na pinirmahan ni Ian. Pati na rin ng susi ng bahay
na nakapangalan na sa kanya ngayon.

Tumambay lang sila mag-hapon doon. Ayaw niya munang lumabas dahil baka nananaginip
lang siya at lulubusin niya na.

Nang gumabi na, nagpadala na lang sila ng pagkain sa log house.

~*~

Naka-robe lang siyang lumabas ng banyo dahil nakalimutan niyang kumuha ng damit na
bihisan.

Naligo siya dahil nanlalagkit siya nang matapunan

ng softdrinks habang kumakain ng hapunan. Hindi niya kasi napansin na nasa gilid
'yun at nasagi niya.

Natigila siya nang makita si Ian na nasa kwarto. Ang akala niya kasi, nasa kusina
ito dahil doon niya ito iniwan.
Halatang nagulat pa si Ian nang makita siya at napatitig na lang ito sa kanya.
Dahil nasa kabilang banda ang closet, nadaanan niya si Ian. Nagulat na lang siya
nang bago niya pa mabuksan ang closet ay nasa likod niya na ito at yumakap sa
beywang niya.

"Ian?"

"One minute," anito.

Nagtataka man. Hinayaan niya na lang ito. Ramdam niya pa ang pagbigat ng paghinga
nito habang tumatagal ang pagkakayakap sa kanya. Hindi siya nagsalita. Hinawakan
niya lang ang dalawang kamay nitong nakayakap sa kanya at hinigpitan pang lalo ang
pagkakayakap.

Naging malalim ang paghinga ng binata dahil sa ginawa niya at mayamaya ay


naramdaman niya na lang ang pagbitaw nito sa kanya. Inakala niyang pakakawalan na
siya nito pero nagulat na lang siya nang isandal siya nito sa closet at halikan ng
mariin sa mga labi.

Hindi siya nag-dalawang-isip na tugunin ang halik na iyon. Namalayan niya na lang
na palalim na nang palalim ang halik hanggang sa lumapat ang likod niya sa malambot
na kama.

Malamlam ang mga matang tinitigan siya ni Ian bago siya muling hinalikan. Napa-
singhap na lang siya nang maramdaman ang lamig na humampas sa dibdib niya. At isang
ungol ang kumawala sa kanya nang maramdaman ang isang kamay nitong dinadama ang
isang dibdib niya.

Walang ibang tao siyang hinayaan na hawakan ang parteng 'yun ng katawan niya. Pero
pagdating kay Ian, tila wala siya sa sariling

lalo pang inilalapit ang katawan sa binata.

Napatingala na lang siya nang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Hindi niya
maipaliwanag ang nararamdaman niya nang mga sandaling 'yun. Sa buong buhay niya,
ngayon lang siya nakaramdam ng ganito.

Iba ang nararamdaman niya sa ngayon kaysa sa mga nababasa niya sa pocketbook na
dati niyang koleksyon. Hindi niya noon maintindihan kung paanong sinasabi ng
heroine na masarap sa pakiramdam ang ganitong tagpo. Nakakawala raw ng sarili. Pero
ngayon, tingin niya ay kulang pa ang mga nakasulat sa libro para ipaliwanag ang
nararamdaman.

Napasabunot siya sa buhok ng binata nang maramdaman ang mga labi nito sa dibdib
niya. His tongue is playing with her peak while his fingers are playing with the
other. Pakiramdam niya ay magliliyab siya sa init na unti-unting lumulukob sa
pakatao niya.

"Oh, God! I should stop!" narinig niyang bulong ni Ian habang nagpapalipat lipat
ang mga labi sa dalawang dibdib niya. "I should definitely stop this!"

Hindi siya nagsalita. Isinabunot niya na lang ang kamay sa buhok nito at lalo pang
idiniin ang mukha nito sa dibdib niya na ikina-ungol naman ng binata. Tila lalo pa
itong ginanahan imbis na gawin ang ibinubulong nito.

Napakapit siya nang mahigpit sa bed sheets we she felt his hand on the V of her
thighs. Para siyang mababaliw nang maglikot iyon at ipasok pa nito ang isang daliri
sa loob niya.
Natigilan lang sila nang biglang makarinig ng malakas na pagsipol. Napatayo pang
bigla si Ian at napatitig sa kanya. Kita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito
habang pinagmamasdan ang katawan niya.

Hindi siya makakilos. Ramdam niya pa rin ang mga labi at mga palad nito sa katawan
niya. Parang naroon pa rin 'yun kahit na nakalayo na sa kanya ang binata.

Dahan-dahan ang ginawang paglapit ng binata sa kanya at isinara ang robe na suot
niya para matakpang muli ang katawan. Hinaplos pa nito ang pisngi niya at marahan
siyang hinalikan sa mga labi bago ito tumayo uli.

"Kumukulo na pala 'yung pina-init ko. Magtitimpla lang ako ng kape natin," anito
saka lumabas ng kwarto.

to be continued...

=================

Chapter Eighteen

Kahit matagal-tagal na ring nakalabas ng kwarto si Ian, hindi pa rin makakilos si


Joy. Parang nai-tulos na lang siya sa higaan.

Napa-pikit siya ng mariin nang maalala muli ang nangyari.

Anong nangyayari sa'kin?

Napabangon siyang bigla at naisubsob na lang ang mukha sa mga palad.

"Anong gagawin ko ngayon?"

Hindi niya alam kung paano pa pakikiharapan si Ian dahil sa nangyari. Na sa una pa
lang sana, hindi niya na hinayaan. Pero nawala sya sa sarili kanina. Para siyang
nahipnotismo nang lumapat ang mga labi nito sa kanya.

Nagpalipas na muna siya ng ilan pang minuto saka nagbihis at nagpasyang lumabas na
ng kwarto. Tahimik lang siyang naupo kaharap ni Ian.

"Lumamig na 'yung kape. Ang tagal mo kasi," medyo may pagka-aliw pa sa boses nito.
"Mag-iinit na lang ulit ako ng tubig para sa'yo," anito pa.
Tumango lang siya bilang sagot at hindi tinignan ang binata. Nakikita niya lang sa
gilid ng mata niya na pumunta ito sa kalan at nagsalang ng tubig gamit ang takure.

Tahimik lang sila pareho nang maupo uli si Ian sa harap niya. Ilang sandali rin na
ganoon lang sila hanggang sa banggitin ni Ian ang hindi niya muna sana gustong
marinig.

"Uhm, MJ... about what happened-"

"May kakilala ka bang pwedeng mag-renovate nitong bahay?" pag-iiba niya agad ng
usapan.

Halatang nag-alangan pa si Ian bago sumagot.

"Meron. Sige, ako na mua ang bahalang kuma-usap. Pag na-set na ang deal saka ko
ipapakausap sa'yo."

Matipid siyang ngumiti saka sumagot.

"Thanks."

~*~

Hindi na alam ni Ian kung anong dapat

gawin. Simula nang bumalik sila sa kwarto, hindi na sila nag-usap ni Joy. Nag-sabi
lang siya ng "good night" sa dalaga at tango lang sagot nito. Pagkatapos noon,
patalikod na itong nahiga mula sa kanya.

Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa. Para sa kanya, it was wonderful. Kung hindi
lang siguro siya natauhan sa ginagawa niya, baka naangkin niya na ng tuluyan ang
dalaga.

Hindi niya mapigilang mapangiti sa alaala. Never in his entire life has he lost
control when it comes to women. Palagi na lang na kontrolado niya ang mga
pangyayari. Pero pagdating kay Joy, isang yakap lang, he's already losing his mind.

Huminga siya ng malalim at niyakap ang dalaga mula sa likod. He felt her stiffen
pero hindi naman inalis ang braso niya. Isinubsob niya pa ang mukha sa buhok nito
bago siya tuluyang nakatulog.

~*~

Nang magising si Ian ay wala na sa tabi niya si Joy. Hinanap niya agad ito at
natagpuan niya sa labas ng bahay at pinagmamasdan ang tanawin. Hindi na siya
nagdalawang isip at nilapitan agad ito saka niyakap.

"Good morning!" aniya sabay halik pa sa pisngi nito.

Hindi niya napigilang mapa-atras na lang nang mapapitlag ang dalaga sa ginawa niya.
Mabilis pa ang paghinga nito na halatang nagulat sa ginawa niya.

Nakapikit pa ng bahagya si Joy saka matipid na ngumiti pero hindi tumitingin sa


kanya.

Tahimik na tinitigan niya ito sandali saka siya huminga ng malalim.

"Tara, let's grab some breakfast." Pinilit niyang siglahan ang boses niya.
"Okay," tipid na sagot ni Joy.

Gusto niya pa sanang kausapin ito, pero nagpatiuna na agad ang dalagang pumunta sa
kotse. Wala na siyang nagawa kundi

ang sumunod na lang.

~*~

"Pagkabalik natin sa log house, ayusin mo na ang gamit mo. Kailangan nating
makabalik agad. Nakalimutan ko na birthday nga pala ng Kuya mo," ani Ian.

"Shit! Oo nga pala!" Napa-pikit ng mariin si Joy. Nawala talaga sa isip niya na
birthday ngayon ng kapatid.

"Nag-text pa kanina, nagpapa-alala," natatawang sabi ni Ian.

Tumango lang siya. As much as possible, ayaw niya munang makipag-usap ng lubos kay
Ian. Ang totoo kasi, hindi niya alam kung anong sasabihin. Nahihiya rin siya dahil
hindi niya man lang ito pinigilan. Ang malala pa, parang wala lang rito ang
nangyari samantalang siya, ni hindi na makatulog sa kakaisip.

"MJ..."

Hindi siya sumagot. Hinintay niya na lang na magsalita pa ito kung may sasabihin
man. Pero lumipas na ang ilang sandali, tahimik pa rin ito. Narinig niya na lang
ang pagbuntong-hininga nito kapagkuwan pero hindi niya pa rin ito nilingon.

Hanggang sa makabalik sila sa log house ay walang nagsalita sa kanila. Pati ang
biyahe nila pabalik ng Maynila, naging sobrang tahimik na.

Napapitlag pa siya nang maramdaman ang kamay ni Ian sa braso niya.

"Uhm... nandito na tayo," ani Ian.

Nagulat pa siya nang pagtingin sa labas, nasa harap na nga sila ng bahay nila.

Ang totoo, napakaraming istorya ang pumapasok sa utak niya. Ni hindi niya na 'yun
mai-take down notes dahil kahit utak niya, nao-overwhelm na. At napapa-iling na
lang siya dahil lahat na lang ng hero na maisip niya, si Ian ang napi-feature niya.

"Aalis din agad tayo bandang alas-tres. Alam mo naman 'yung kuya mo..."

Tumango siya

saka bahagyang ngumiti. Papasok na sana siya sa loob pero napigilan siya agad ni
Ian. Mabilis na niyakap siya nito at hinalikan sa sintido.

Napatulala siya matapos 'yun. Kahit na nauna nang makapasok sa loob si Ian,
nanatili lang siyang nakatayo sa labas.

Naka-ilang sandali rin siya roon saka niya lang magawang makapasok sa loob.

Ugh! I'm going crazy!

~*~

"Uy! Buti nakarating kayo! Akala ko nakalimutan niyo na ako e!" bungad sa kanila ni
Patrick.
"Ikaw pa ba ang makakalimutan ko? Ilang taon na ba tayong mag-kaibigan para
makalimutan kita?" ni Ian sa matalik na kaibigan.

"If I know, gusto mo lang talagang makita palagi ang kapatid ko kaya pinagtityagaan
mo ako dati pa!" birong-totoo ni Patrick.

Nakita niya pa ang naging reaksyon ni Joy sa sinabi ng kapatid nito pero saglit
lang 'yun. Itinaas bigla nito ang hawak na paper bag at isinubsob sa mukha ng
kapatid.

"Ayan o. Baka umiyak ka 'pag wala kaming dala e. Sa aming dalawa na 'yan galing!"
ani Joy.

Natawa naman si Patrick.

"Wow. Isa ba ito sa perks na mag-asawa na? Isa na lang ang ibinibigay na regalo?
Porke't conjugal na lahat?"

Namula bigla si Joy saka umiwas ng tingin.

Hindi na ito nagsalita at umalis na lang sa tabi nilang dalawa. Siya naman,
mahinang binatukan ang kaibigan.

"Sira ka talaga! Sinisira mo diskarte ko e!" aniya.

"What? Paanong sinisira? Tinutulungan ka na nga e. Sa nakikita ko, parang wala pa


ring pagbabago. Kita mo 'yan? Hitsura niyang kapatid kong 'yan? Lumala pa ata e!"
anito sabay turo pa sa kapatid.

Sa totoo lang, nagulat na lang siya nang

lumabas ito ng kwarto nito kanina na ganoon ang suot, cargo shorts at maluwag na t-
shirt. Samantalang buong bakasyon nila sa Tagaytay, ni hindi niya ito nakitaan ng
bakas ng pagiging "Jay".

"Uhm... I need to tell you something," aniya.

Kinakabahan man, gusto niya itong maka-usap tungkol kay Joy. Naguguluhan na siya.
Kung minsan, pakiramdam niya mahal na rin siya nito. Pero kung minsan naman, parang
wala lang siya.

Lalo na ngayon na nararamdaman niyang iniiwasan siya ng dalaga. Hindi niya na alam
kung anong gagawin niya. Alam niyang kasalanan niya. Pero hindi niya pa rin
pinagsisisihan ang nagawa.

"Ano naman 'yan? May ginawa ka ba?" seryoso nang sabi ni Patrick.

"Doon tayo." Itinuro niya ang gazebo ng mansyon ng mga ito. Doon, walang
makakarinig sa kanila.

Matamang nakatitig sa kanya si Patrick. Halatang pilit nitong iniisip kung ano man
ang sasabihin niya.

"Best friend-"

"At kailan mo pa ako tinawag na ganyan? Nakakabakla ka a!" anito.

Napangiwi siya dahil doon. Gusto niya lang naman ipin-point na mag-best friend sila
para hindi naman masyadong uminit ang ulo nito kung sakali.

"Kalmado ka ba?" tanong niya.

Naningkit bigla ang mga mata nito at tinitigan siyang lalo.

"Anong ginawa mo ha? May ginawa ka bang masama sa kapatid ko? Sabi ko sa'yo ingatan
mo 'yun 'di ba?" Sa hitsura ni Patrick, mukhang handa siya nitong suntukin ano mang
sandali.

"Pat-magkaibigan tayo 'di ba?"

"Depende. Ano ngang ginawa mo?"

"May nangyari-"

"What?!" biglang sigaw ni Patrick. "Hindi pa kayo kasal na totoo!" Napatayo pa ito
habang

titig na titig sa kanya.

Mabilis naman siyang umilag kahit na wala naman itong ginagawa.

"Kalma, pre. Kalma!"

"Paano akong kakalma-"

"It's not what you think! Walang nangyari! I mean, meron. Pero hindi naman umabot
sa... alam mo na..."

Tinignan siya ng masama nito pero sa huli, huminga na lang ito ng malalim.

"Buti buhay ka pa," biro nito.

Napangiti siya nang wala sa sarili. Naalala ang ginawang pagtugon ng dalaga sa
kanya.

"Pakakasalan mo naman siya ng totoo 'di ba?" seryoso na muling tanong ng kaibigan.

"Kahit saang simbahan," mabilis na sagot niya.

Tumango-tango ito saka tinapik ang balikat niya.

"Basta 'wag mong sasaktan si Joy. Darating din ang oras na magpapakatotoo 'yan."

"Hoy, mga panget! Kakain na raw sabi ni yaya!" sabay pa silang napalingon sa
pinanggalingan ng boses. Napa-iling na lang silang pareho saka sinundan ito.

"Panget daw. E magkamukha naman tayo," ani Patrick nang makasabay na nila sa
paglalakad si Joy.

"Lul! Ampon ka kaya. Kaya hindi tayo magkamukha," sagot ni Joy.

"Pati ako, panget?" singit niya.

Tumingin lang saglit sa kanya si Joy saka nagkibit ng balikat. Hindi niya
napigilang mapangiti nang mag-react si Patrick.

"Bakit siya hindi mo binara! Unfair!" anito.


~*~

Alas-nuebe na nang makarating sila sa bahay. Pareho silang sobrang pagod dahil sa
biyahe kanina galing Tagaytay at sa pagpunta pa nila sa birthday ni Patrick.
Nagsidating ang ibang kaibigan ni Ian at Patrick ng gabi na pero dahil pagod na
silang masyado, napagpasyahan nilang umuwi na.

"Punta ka naman

sa opisina bukas ng tanghali. Sabay na tayong mag-lunch," ani Ian.

Nagulat siya sa sinabi nito dahil ngayon lang itong nagyaya sa kanya na sabay
silang mag-lunch sa opisina nito.

"Uhm... susunduin ko si Rihanna bukas e," aniya.

Napatitig sa kanya sandali si Ian bago ito tumango.

"Okay. Ingat ka bukas," anito saka tumalikod at nagpatiuna sa pag-akyat ng hagdan.

Hindi niya alam pero nakaramdam siya ng guilt. Ang totoo kasi, hapon pa naman niya
susunduin ang dalaga mula sa bus station. At sandali lang naman bago siya
makarating doon kaya pwede naman siyang kumain kasabay ni Ian.

Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya at pinigilan niya na lang ito sa
pagpasok sa kwarto.

"Uhm, Ian..."

"Hmmn?"

"Kung okay lang sa'yo na mas maaga mag-lunch, pupuntahan kita sa opisina mo bukas,"
aniya.

Biglang lumapad ang ngiti ni Ian bago ito tumango.

"Sige, alas-onse tayo mag-lunch. Hihintayin kita bukas," anito na hindi nawawala
ang ngiti.

Tango na lang ang isinagot niya at binuksan na ang pinto ng kwarto nila ni Rihanna.
Pero bago pa man siya makapasok, napigilan na nito ang braso niya.

Hindi na siya nakapalag nang halikan siya nto sa mga labi. Mabilis lang 'yun at
humiwalay din agad ito. Pero wala pa mang dalawang segundo ay bumalik din agad at
hinalikan siyang muli. This time, maliliit na halik lang ang ginawa nito sa mga
labi niya bago siya hinalikan ng mariin. Nakangiti pa itong pinunasan ang gilid ng
labi niya pagkatapos. Siya naman, nakatulala lang dito.

Nang akala niya ay tuluyan na itong papasok sa kwarto nito ay hinila pa siya nitong
muli.

"Last..." anito bago siya hinalikan pang muli. "Good night," anito pa habang
bahagya pang nakalapat ang mga labi sa kanya.

Hanggang sa tuluyan na itong makapasok sa kwarto ay nakatitig lang siya sa kawalan.

Nag matauhan, napa-hawak na lang siya sa mga labi.


"Good night..." aniya kahit na hindi naman na 'yun maririnig ni Ian.

to be continued...

=================

Chapter Nineteen

Alas-dose na ng tanghali pero hindi pa rin dumarating si Joy. Nag-iinit na ang ulo
ni Ian dahil hindi rin ito sumasagot sa mga tawag niya. Nag-aalala na siya at gusto
niya na itong puntahan sa bahay.

Nangako ito sa kanya na sabay silang magla-lunch ngayong araw. Ipina-cancel niya pa
ang isang meeting niya para lang sa lunch na 'yun.

Sa hindi niya malaman kung pang-ilang beses, sinubukan niya muling tawagan ang
dalaga. Pagkatapos ang ilang ring, sumagot din sa wakas si Joy.

"Ian? I'm really sorry. Hindi ko napansin ang oras-"

"It's okay. At least you're fine," putol niya agad sa sinasabi nito.

Nakaramdam siya ng relief pero sa isang banda, nagtatampo siya. Dahil ba siya lang
naman ang pupuntahan nito kaya hindi na nito pinagtuunan ng pansin ang oras?

"Sorry talaga. Babawi na lang ako."

"Okay lang. Sige, kumain ka na d'yan," aniya saka ibinaba ang tawag.

Inis na lumabas siya ng opisina niya. Sakto namang nakatayo si Louie, ang assistant
niya, at mukhang maglu-lunch na.

"Loiue!" pasigaw na tawag niya rito.

"Yes, boss?" anito, halatang kinabahan sa tono niya.

"Ibili mo ako ng lunch. Kahit na ano!" aniya pa saka malakas na isinara ang pinto.
Wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga empleyado niya. Sanay naman na siya na
sinasabihan ng kung anu-ano.

Hindi niya tuloy malimutan ang nakarinigan niya kanina. Sabi ng isang empleyado
niya, malaki na raw ang ipinagbago niya simula noong mag-"asawa" siya. Buti na lang
daw, nakilala niya si Joy. Nahanap niya na raw ang katapat niya.

Para sa kanya, may point

naman ang mga ito. Nang mga nakaraang linggo kasi, madalas na maganda ang mood
niya. Kahit na nariyan kasi si Rihanna, malaking oras ni Joy ang nakukuha niya. At
sobrang ikinatutuwa niya 'yun kaya isang beses, nagpa-pizza pa siya sa opisina.

Kinuha niya ang cellphone niya nang tumunog 'yun.

From: MJ

Sorry talaga, Ian :(

Napagiti siya pero hindi na nireplyan ang dalaga. Ibinaba niya na lang ang
cellphone at hinarap ang laptop niya.

~*~

Kanina pa nakatitig si Joy sa cellphone niya pero wala pa ring reply mula kay Ian.
Hindi niya namalayan ang oras kanina dahil subsob siya sa pagsusulat kaya hindi
siya nakasipot sa usapan nila nito.

"Hoy, Ian-tot! Tampururot ka na naman! 'Di ko naman talaga sinasadya!" inis na


kausap niya sa cellphone niya. Napasimangot na lang siya sa huli at ibinulsa ang
cellphone. "Ayaw mo 'di 'wag!" aniya pa na ang tinutukoy ay ang hindi pagre-reply
ng binata.

Nagluto na lang siya ng instant pancit kanton para sa tanghalian niya dahil gutom
na talaga siya. Actually, kung hindi pa kumulo ang tiyan niya, hindi niya pa
mapapansin ang oras. Inis pa ring nilantakan niya 'yun at iniulam sa kanin.
Paminsan-minsan, tinitignan niya pa rin ang cellphone dahil baka hindi niya lang
narinig na may nag-text.

Mag-aala-una na at hindi siya mapakali. Dapat, susunduin niya na si Rihanna sa bus


station ng alas-tres pero nagbago ang isip niya. Napagpasyahan niyang mag-bake na
lang muna ng cookies at pupuntahan niya na lang si Ian sa opisina nito. Nagtampo
kasi ang hudyo. Para na lang din makabawi siya sa hindi pagsipot ng tanghali.

"Hello,

babe?"

"Hey, babe! Papunta ka na ba sa bus station?" tanong ni Rihanna.

"Uhm, babe... sorry pero hindi kita masusundo. May emergency kasi-"

"What?! Pero paano ako uuwi?"

"Mag-taxi ka na lang. Babayaran ko naman 'yung ipambabayad mo. Saka, ibibili na


lang kita ng gusto mo bukas. Tutal wala naman akong gagawin, mag-shopping tayo,"
aniya.

"Really? Okay!"

"Ingat ka sa biyahe."

Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos ng tawag. Kabisado niya na ang nobya. Basta
may ibibigay siya, papayag ito kahit na ano pang sabihin niya.

Nagsimula na siyang mag-bake ng cookies. At sa kabutihang palad, maayos ang


pagkaka-bake niya sa unang try pa lang. Habang pinapalamig ay nag-ayos na siya ng
sarili para sa pagpunta sa opisina ni Ian. Magsusuot sana siya ng normal na damit
niya pero nagbago ang isip niya at nagsuot na lang ng jeans at blouse.

~*~

"Uhm, nasaan si Ian saka 'yung assistant niya?" tanong ni Joy sa ilang empleyadong
malapit sa opisina ng binata.

"Ay, madam nasa board meeting lang po. Wait ka na lang po d'yan sa sofa," sabi ng
baklang nasa gilid. Nginitian pa siya ng ilan pang empleyado.

Saktong alas-tres siya dumating. Break time na ng lahat kaya naman akala niya,
maaabutan niya si Ian sa opisina nito. Pero pagdating niya roon, wala ito pati na
ang assistant nitong si Louie. Ayaw niya namang pumasok na lang basta sa loob.

Pupunta na sana siya sa sinabing sofa ng bakla nang makarinigan niya ang pinag-
uusapan ng mga ito.

"Naku, girl... naloka talaga ako kay Sir Bipo kanina. Hindi na nga nakapag-lunch
break si Louie my loves dahil

sa kanya. Mantakin mong nagpabili ng pagkain, sabi niya, kahit ano. Ito namang si
Louie my loves, bumili nga ng something. Hindi ko na natanong kung ano 'yung nabili
basta itong si Hitler, aba nagalit! Ayaw niya raw nun! Kaloka 'te! E sa kanya
nanggaling na kahit anong bilhin!" animated pang kwento ng bakla sa mga kasama
nitong babae.

Hindi niya napigilang matawa. Napatingin tuloy sa kanya ang mga ito.

"Naku, ma'am! Quiet ka lang ha? Baka ma-sesante ako 'pag nalaman ni Sir Bi-I mean
Sir Ian ang pinagsasasabi ko! Secret lang natin 'yun ha?" Lumapit pa ito sa kanya
at kumapit sa kamay braso habang nagmamaka-awa.

Lalo lang siyang natawa sa ginawa nito at sa huli, ngumiti na lang siya at tumango.

"Oo na. Don't worry, hindi makakarating."

"Yay! Thank you, ma'am! Naku, ingat kayo 'pag kinausap niyo 'yan mamaya. Mukhang
mainit ang ulo."

"LQ siguro," sabat naman nung isa.

Napatingin siya sa nagsabi nun kasabay ng iba.

"E 'di ba, lagi nang good mood 'yang si Sir simula noong napabalitang nagpakasal na
'yan sa Tate? Bumabati na nga 'yan madalas sa atin. Akala ko nga minsan nasapian
nung sumagot sa good morning ko e!"

Tumango-tango ang iba.

"May point ka, 'te."

"Tapos 'di ba kaninang umaga, super ganda ng mood niya? Kahit natapunan ng tubig ni
Loiue wala lang! Tapos pagdating ng tanghali nagkasungay ulit."
Napatawa na lang siya uli sa mga naririnig niya. Alam niyang may pagka-strikto si
Ian pagdating sa mga empleyado base na rin sa mga naririnig niyang usapan nito at
ng kuya niya. Pero hindi niya akalain na ganito pala ang sinasabi

ng mga empleyado nito rito.

"Naku, lagot! Baka isumbong na tayo ni ma'am! Uy, quiet lang po ha? Ano nga po
palang pangalan niyo? Saka anong pakay niyo kay Sir?" tanong ng isa.

"I'm Joy... Joy Lim. Dumadalaw lang."

Kasabay ng pagsabi niya nun ay naramdaman niya na lang ang pagyakap sa beywang niya
at ang halik sa mga labi niya. Narinig niya pa ang pagsinghap ng mga kaharap niya
bago matapos ang halik.

"Hey, wife... you're here!"

Malapad na ngiti ni Ian ang bumungad sa kanya nang maghiwalay ang mga labi nila.
Kita niya sa gilid ng mata niya na nanlalaki ang mga mata ng mga kausap niya
kanina.

"Well, yeah. Sabi ko babawi ako 'di ba? I brought you cookies," aniya.

Lalo pang lumapad ang ngiti nito saka siya inakbayan. Palakad na sana sila papunta
sa opisina nang tumingin uli si Ian sa mga kausap niya kanina. "Hey, guys... you
want pancit?" tanong nito na ikinagulat niya.

"Naku Sir, hindi ho kami tumatanggi sa grasya!" sabi nung bakla.

Tumango si Ian saka tumawa. "Okay then. Hintayin niyo na lang ang deliveries,"
anito pa saka siya iginya papunta sa opisina nito.

Bago sila pumasok, inutusan pa nito ang assistant na magpa-deliver ng ilang bilaong
pancit.

Hindi niya mapigilang mapatitig nang makita niya ang excitement sa mukha ni Ian
nang buksan nito ang container na nilagyan niya ng cookies. Para itong bata na
binigyan ng candies na matagal na nitong hinihingi.

Naalala niya bigla ang sinabi ng bakla kanina na hindi pa kumakain ang assistant
niya.

"Hey, Ian..."

"Hmn?" anito habang ngumunguya.

"Kain ka ng kain d'yan. Hindi mo ba alam na hindi nakapag-lunch ang assistant mo?"

Napa-angat ng mukha si Ian bago dahan-dahang umiling. Napatitig pa ito sa kanya


habang nasa aktong susubo ng cookie.

Pinaningkitan niya ito ng mata saka siya nag-tsk.

"Dapat kasi, kumuha ka ng isa pang assistant. Para hindi naman mahirapan masyado
'yang assistant mo. Pati 'pag may pumupunta rito o kaya may tumatawag, at least may
aasikaso. Si Louie, siya na lang ang isama mo sa mga meetings mo tapos maiwan dito
'yung isa," suhestyon niya.

Tumango lang si Ian at nagpatuloy sa pagkain. Nagulat pa siya nang bigla itong
mabilaukan.

Mabilis na tumayo siya at kumuha ng tubig saka inabot dito. Natatawang hinimas niya
ang likod nito habang umiinom ng tubig.

"Dahan-dahan kasi! Wala namang aagaw sa'yo e," aniya.

Tumawa lang si Ian bago ibinaba ang baso ng tubig. Nagulat na lang siya nang
hilahin siya nito at iupo sa kandungan nito.

"Thank you," anito.

"Wala 'yun. Bumabawi lang naman kasi hindi ako nakasipot kanina," aniya.

Yumakap ito sa beywang niya saka isinubsob ang mukha sa leeg niya.

"I love you."

Natigilan siya nang marinig ang mga katagang 'yun. Hindi niya ine-expect na
maririnig 'yun kay Ian sa mga oras na 'yun. Hindi niya malaman kung anong isasagot.
Niyakap niya na lang ito saka hinalikan sa buhok.

Ramdam niya pa ang paghigpit ng yakap nito sa kanya bago siya kintilan ng halik sa
leeg.

to be continued...

=================

Chapter Twenty
Hindi maipaliwanag ni Ian ang naramdaman nang makita niya si Joy na nakikipag-usap
sa ilang empleyado niya. 'Yung kaninang sobrang bad trip niya, nawala na lang na
parang bula. Hindi niya na napigilan ang sarili at nilapitan ito, niyakap at
hinalikan sa mga labi. Wala siyang pakialam kung nasa harap man sila ng ibang tao.

Natuwa rin siya nang marinig ang pagpapakilala ni Joy. Joy Lim. Para sa kanya, ang
sarap nung pakinggan.

Sa tuwa niya dahil ipinag-bake uli siya nito ng cookies, mabilis niyang nilantakan
'yun. Kahit kasi hindi naman marunong magluto ang dalaga, pagdating sa cookies
nito, sarap na sarap siya. Talo pa nun ang cookies na ginagawa ng Mama niya. Kaya
naman, hindi niya napansin nang pagsubo niya, nabulunan siya.

Nang daluhan siya ni Joy dahil sa nangyari, hinila niya ito para iupo sa kandungan
niya. Gusto niya lang masigurong totoo ang nangyayari. Na naroon nga ang dalaga sa
tabi niya at ipinag-bake siya ng cookies.

Nang maramdaman ang init ng katawan nito na pamilyar sa kanya, ngumiti siya at
nagpasalamat.

"Thank you," aniya.

Naramdaman niya ang pagkailang ng dalaga dahil sa pwesto nila pero nay sigla pa
ring sumagot ito.

"Wala 'yun. Bumabawi lang naman kasi hindi ako nakasipot kanina," anito.

Napangiti siya nang maalala ang pakiramdam niya kanina nang hindi ito sumipot sa
usapan nila. Sobrang inis niya na lahat na lang napag-buntunan niya. Pero ngayon,
nawalang lahat ng inis na 'yun at sobrang saya niya na.

"I love you," wala sa sariling sabi niya.

Naramdaman niyang natigilan si Joy. Kahit

siya, nagulat sa nasabi niya. Oo, 'yun ang nararamdaman niya pero hindi naman siya
ang tipo na basta na lang magsasabi ng ganoong mga salita. Sa tanang buhay niya, si
Joy pa lang ang sinabihan niya nun. At ito mismong oras na ito ang kauna-unahang
beses na sinabi niya ang mga salitang 'yun.

Inakala niyang aalis na lang si Joy sa kandungan niya at lalabas ng opisina niya
pero hindi 'yun nangyari. Bagkus, niyakap pa siya nito at hinalikan sa buhok.
Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman niyang dumaloy sa katawan niya dahil lang
sa halik na 'yun. To think na sa buhok niya pa lang 'yun.

Hindi niya na napigil ang sarili at niyakap ito ng mahigpit. Hinalikan niya ito sa
pinakamalapit na maaabot ng mga labi niya.

Hindi siya nakuntento at hinalikan pa itong muli pataas sa panga nito hanggang sa
pisngi. Tumigil siyang sandali at tinitigan ito. Nakapikit ang dalaga habang
hinihintay ang susunod niyang gagawin. Ngumiti siyang sandali bago ito hinalikan sa
noo pababa sa mata at sa ilong nito. Narinig niya pa ang mahinang pagsinghap ng
dalaga nang maglapat ang mga labi nila.

Tulad ng mga naunang beses, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang
hinahalikan ang dalaga. Para siyang nalalasing sa mga labi nito. Napa-ungol siya
nang maramdaman ang mga kamay nitong humaplos sa mga pisngi niya bago 'yun sumuklay
sa buhok niya.
Nagsimula siyang haplusin ang likod nito habang patuloy ang mas lumalalim pa nilang
halik. Hindi na siya nag-isip at mabilis na ipinasok ang kamay sa blouse ng dalaga.
Hinaplos niya ang makinis nitong likod bago na-abot ng kamay niya ang suot nitong
panloob.

Ibinaba

niya ang halik sa leeg nito bago niya inalis ang pagkaka-sara ng bra nito. Tumigil
siya sandali para alamin ang reaksyon ng dalaga at nang wala naman itong ginawa,
nagpatuloy siya sa paghalik sa leeg nito habang hinahaplos ang likod nito papunta
sa dibdib. Malakas na pagsinghap ang isinalubong ng dalaga sa paglapat ng kamay
niya sa hubad nitong dibdib. He played with her peak habang pababa ang mga labi
niya sa dibdib nito.

Natigilan silang pareho nang tumunog ang telepono sa mesa niya.

Ilang sandaling hindi sila kumikilos hanggang sa itulak siya ni Joy dahilan para
malayo ang katawan nila sa isa't-isa. Aalis sana ito sa kandungan niya pero mabilis
na pinigilan niya ito. Sinagot niya ang intercom habang yakap pa rin sa beywang ang
dalaga.

"Yes?" huminga siya nang malalim dahil ramdam niya pa ang mabilis na pagtibok ng
puso niya.

"Uhm, Sir. Okay na po 'yung orders. Bale darating daw po after one hour," ani Louie
sa kabilang linya. "Sasabihan ko na lang po kayo pag nariyan na for the payment,"
anito pa.

Gusto niyang mainis dahil sa pang-iistorbo nito pero naalala niya ang sinabi ni Joy
kanina na hindi na ito nakapag-lunch at alam niyang dahil 'yun sa kanya. Malakas
lang ang topak niya nang tanghali kaya dito nabunton lahat ng inis niya.

"Okay, Louie. Thank you. By the way, may meetings pa ba ako?" tanong niya.

"Wala na, Sir. Your next meeting will be tomorrow at one in the afternoon."

Tumango siya kahit na hindi naman nito nakikita 'yun.

"Okay then, you may take the rest of the day off. Ako nang bahala dun sa
deliveries," aniya.

Kahit si Joy, halata niyang nagulat sa sinabi niya.

"Talaga po, Sir? Naku thank you! Matutuwa si Mama nito. Birthday niya po kasi
ngayon," ani Louie.

"Oh, is that so? Well then, say happy birthday to your mother for me."

"Yes, sir! Thank you po!"

Binalingan niya agad si Joy nang matapos ang tawag. Akmang hahalikan niya ito sa
mga labi nang isubo nito sa kanya ang isang cookie. Nang tignan niya ito,
nagpipigil ito ng tawa.

Hindi niya na ito napigilan nang tumayo ito sa pagkaka-kandong sa kanya. Nang
makalayo ng konti, pilit nitong inaabot ang likod para ibalik ang pagkaka-snap ng
bra nito. Natatawang nilapitan niya ito at siya na mismo ang nagsara nun.
"Ako na. Ako naman ang nagtanggal e," aniya.

Yayakapin niya sana ito mula sa likod nang matapos niyang isara ang panloob nito
pero mabilis itong nakaharap sa kanya at mahinang binatukan siya.

"Aww. Bakit?"

"Kumain ka na nga d'yan!" anito bago lumayo sa kanya at naupo sa sofa ng opisina
niya.

Nangingiting bumalik siya sa pwesto niya at kumain ng cookies gaya ng sabi nito.

"Hey, hintayin mo na ako. Sabay na tayong umuwi. Mag-dinner na rin tayo sa labas,"
aniya.

Tumingin sa kanya si Joy mula sa pagbabasa ng magazine.

"Okay," simpleng sagot nito.

Nagulat na lang siya nang bigla itong tumawa. Pagtingin niya, iniharap nito sa
kanya ang binabasang magazine.

"Seriously?" anito habang tawa pa rin ng tawa.

Ang magazine na hawak nito ay ang magazine kung saan na-feature sila ni Patrick na
dalawa sa most eligible bachelor of the year. Magkatabi pa sila ng page ng kaibigan

dahil nga mag-best friend sila. Ang iba pa nilang kaibigan na single, naroon din sa
magazine na 'yun.

"Hottest, most likable, talented and just downright dateable single men," anito pa
sabay tawa ng malakas. "Patawa naman 'tong magazine na 'to!"

Natawa na rin siya sa nakikitang reaksyon nito sa binabasa.

"Bakit, hindi ba ako hot, likable, talented at dateable?" naaaliw na tanong niya.
"Every year kaya akong nasa list na 'yan," aniya pa.

"Uhm... no," ani Joy sabay tawa pang muli.

His lips formed an O at lalapitan niya sana ito pero nagsalita muli ang dalaga.

"Well, I'm sure wala ka na rito next year."

Hindi na niya natanong kung bakit nito nasabi 'yun dahil mabilis na nadugtungan
nito ang sinabi.

"Hindi ka na single e."

~*~

Sa isang pinoy restaurant pumunta sina Joy at Ian para kumain ng dinner. Hinintay
niya ito sa opisina habang nagta-trabaho ito hanggang alas-singko bago sila
nagpunta rito gamit ang kotse niya. Ito ang may idea na kotse niya na lang ang
gamitin kesa hiwalay pa sila ng sasakyan.

"Wife?" tawag sa kanya mayamaya ni Ian.

"Hmn?" wala sa sariling sagot niya.


Natawa ito sandali saka niya lang napansin kung anong itinawag nito sa kanya.

"Wife ka d'yan! Kanina ka pa a!" aniya.

Tumawa lang ito saka tumitig sa kanya.

"Kailan mo kaya ako ipagluluto ng ganito?" tanong ni Ian.

Napatingin siya sa mga ulam na nasa harap nila. Sa totoo lang, gusto niya ring
matutunang magluto ng mga 'yun. Ang kaso, nung sinubukan niya, lagi na lang palpak
kaya tinigilan niya na lang. Ayaw niya rin naming

magpaturo sa mansyon dahil siguradong makakarating 'yun sa kuya niya at aasarin


lang siya nito.

"Asa ka pa. Hanap ka na lang ng ibang asawa," pabirong sabi niya.

"Ayoko nga. Sige, okay na ako sa de lata. Basta ayoko ng ibang asawa," natatawang
sabi nito.

Nailang siya bigla sa sinabi nito. Naalala niya pa ang nangyari kanina sa opisina
nito. Naguguluhan na rin siya sa sarili niya kung bakit hindi niya magawang pigilan
ito sa tuwing mangyayari ang ganoong tagpo. Parang ina-anticipate niya pa kung
anong susunod na mangyayari.

Kung hindi pa siguro tumawag sa intercom si Louie, baka naulit ang nagyari sa
Tagaytay. O baka lumagpas pa sila sa nangyari roon.

Pasimpleng tinignan niya si Ian habang kumakain. Muntik pa siyang mabulunan nang
makita niyang nakatitig ito sa kanya.

"Seryoso ako sa sinabi ko kanina," biglang sabi ni Ian.

Naalala niya bigla ang sinabi nitong 'yun sa kanya kanina. Hanggang ngayon, hindi
pa rin siya makapaniwalang sinabi nito ang mga katagang 'yun. At sa tuwing naaalala
niya kung paano nitong sinabi ang tatlong salitang 'yun, bumibilis na lang ang
tibok ng puso niya. Tulad na lang ngayon.

Wala nang nagsalita sa kanila hanggang sa matapos sila sa pagkain. Pati sa pag-uwi,
tahimik lang na nagmaneho si Ian. Para bang takot silang masira ang araw na 'yun
pag may nagsalita.

~*~

Handang ibigay ni Ian ang lahat malaman lang kung anong iniisip ni Joy. Simula pa
kasi nang kumain sila at sinabi niyang seryoso siya sa deklarasyon niya ng pag-ibig
dito, hindi na ito nagsalita. Hindi niya naman alam kung anong sasabihin kaya
pinili niyang

manahimik na lang din.

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Joy pagkarating na pagkarating nila sa bahay. Nai-


park niya lang sandali ang sasakyan bago siya sumunod dito.

Kitang-kita niya pa kung paanong sinalubong ng yakap ni Rihanna si Joy sabay halik
rito. Kulang na lang, ibalibag niya ang pinto dahil sa nakita.

"I missed you, babe!" patili pang sabi ni Rihanna.


Nilagpasan niya lang ang mga ito at umakyat na siya sa taas. Narinig niya pa ang
sagot ni Joy bago niya maisara ang pinto.

"I missed you too, babe."

Inis na sinara niya ang pinto.

"Babe." May disgustong inulit niya ang tawagan ng dalawa.

Wala sa mood na nagbihis siya ng pantulog saka nahiga sa kama.

~*~

Dalawang oras na siyang nakahiga pero hindi siya makatulog. Bumaba na lang muna
siya para uminom ng tubig.

Patay ang ilaw sa kusina pero may tao roon. Babalik na muna sana siya sa kwarto
niya pero nang mapansin niyang si Joy pala ang naroon, napangiti siya at tumuloy na
sa kusina. Nagbukas ito ng ref at kumuha ng fresh milk. Lumapit agad siya at halos
mapatili ang dalaga sa pagkagulat.

Nang tumingin ito sa kanya, halatang mas lalo pa itong nagulat dahil sa ayos niya.
Naka-boxer shorts lang kasi siya dahil ganun siya kung matulog.

"Uhm... Ian. Bakit ka nandito?" nauutal na tanong nito.

"This is my house?" pabirong sagot niya.

Umirap ito sa kanya.

"I mean dito sa kusina."

Ngumiti siya nang malapad. Hindi kasi ito makatingin sa kanya.

"Iinom din sana ng gatas."

Tumango lang si Joy saka kumuha ng dalawang baso.

Siya naman, pumunta sa switch ng ilaw. "Hindi ka ba nadidiliman?" aniya kasabay ng


pagbukas ng ilaw.

Umiwas agad ng tingin sa kanya si Joy. Natawa naman siya nang makita namumula ito
at hindi makatingin sa kanya.

"Hey, bakit hindi ka makatingin?" pang-aasar niya.

"Aish! Magtakip ka nga! Ma-pulmonya ka pa!" anito na lalo niyang ikinatawa.

"No, I'm fine. Bakit ba hindi ka makatingin? Pangit ba katawan ko? Well, it's only
fair kung makita mo ang katawan ko. I've seen all-"

"Ito na 'yung gatas mo. Aakyat na ako," putol ni Joy sa sinasabi niya.

Natauhan siya bigla dahil doon. Dahil sa sobrang tuwa niya sa hitsura nito ngayon,
hindi niya na napansin ang pinagsasasabi niya.

"Joy, I'm-"
"Good night, Ian," sabi nito.

Sinubukan niyang pigilan ito pero mabilis na naka-akyat ang dalaga. Napahilamos na
lang siya ng kamay sa mukha niya habang nakikita itong palayo sa kinaroroonan niya.

to be continued...

=================

Chapter Twenty One

"It's almost a fucking week, Pat!"

Tumawa lang ang kaibigan niya sa kabilang linya pagkasabi niya noon.

"Lagi na lang siyang naroon sa library. Kung wala naman siya roon, kasama niya
'yung bwisit na girlfriend niya."

Lalo pang tumawa si Patrick sa kabilang linya.

"I told you you're not making progress. Grabe, tumigil ka na mag-whine d'yan.
Masakit na ang tiyan ko katatawa!"

"Pat naman. Parang mas gusto mo pang tuluyan nang maging tibo 'yung kapatid mo kesa
maging asawa ko e! And what are you saying? I'm not making progress? Gumaganti siya
sa mga halik ko, men. At nararamdaman kong may gusto na rin siya sa akin. Noong
nag-confess ako? She didn't say anything! She even kissed my hair! I thought we
already have something."

"At dahil lang hinalikan ka sa buhok mahal ka na?" aliw na aliw pang sabi ni
Patrick.

"It's not just that, Pat. She's not resisting me when I'm touching her-"

"What did you say?" sa pagkakataong 'yun, seryoso na ang tono ni Patrick. Halatang
hindi nagustuhan ang sinabi niya.

"Pat, I'm sorry okay? It's just... I can't help myself. And you know I'll marry her
if she'd allow me to."

Narinig niya pa ang paghinga ng malalim ni Patrick sa kabilang linya.


"Yeah, I know that. It's just... she's still my sister and I love her. So you know
I would protect her with my life. Pagka talaga may ginawa ka kabulastugan-"

"Oo na. Alam mo namang wala akong gagawing hindi mo magugustuhan. Saka alam mo
namang mahal ko 'yun. Kahit na ganun 'yun."

Tumawa pa ng bahagya

si Patrick.

"So, bakit hindi mo pasukin sa library? I'm sure may susi ka nun," anito.

"Well, ilang beses ko nang naisip 'yan. But you know I still respect her privacy.
Lalo na't may nakalagay dun sa know ng pinto na DO NOT DISTURB sign. Tss. Minsan
nga natatawa na lang ako pag nakikita ko 'yun e."

"Seriously? May nilagay siyang ganung sign?"

"Yep. Ang konsolasyon na lang, kahit si Rihanna hindi nakakapasok dun. At least
fair kami. Sige na, Pat. Susubukan kong kausapin ulit 'tong pasaway mong kapatid."

Ibinaba niya na ang tawag pagkatapos nun.

Hindi na mapakali si Ian. Simula kasi nang gabing 'yun na kung anu-anong nasabi
niya, hindi na siya kinibo ni Joy. Madalas, tango lang ang sagot nito sa mga tanong
niya. Nagkulong din ito sa library at minsan lang lumalabas. Kung magluluto,
kakain, at maliligo lang. Most of the time, iniiwasan pa nitong kasabay siya.

Ilang beses niya nang tinangkang katukin ito sa library. Pero natatakot siya sa
hindi niya malamang dahilan. Hindi niya rin alam kung paano niya sisimulang
kausapin ito. Alam niyang mali siya pero hindi niya na mababawi ang mga nasabi niya
na.

"Hey, Ian!"

Napalingon siya nang marinig ang pangalan niya. Pagtingin niya, naroon si Rihanna
at ngiting-ngiti sa kanya.

Ito na naman. Tss.

Ilang beses nang tinangkang akitin siya nito. Ewan niya ba kung bakit hindi pa rin
ito sumusuko. Simula nang bumalik ito mula sa probinsya at magkulong si Joy sa
library, hindi na natigil ang paglapit sa kanya ng babae. Madalas pang halos kita
na ang kaluluwa nito sa mga isinusuot.

"O, Rihanna. Ikaw pala," walang buhay na sabi niya.

"Yeah. Busy ka ba? Baka gusto mong lumabas? Tutal hanggang mamaya pa naman 'yung si
Jay sa library panigurado. Tara, punta tayo somewhere," anito.

"Sorry ha, busy ako e. May kailangan pa kasi akong gawin," aniya.

Lalagpasan niya sana ito pero mabilis na nahawakan nito ang braso niya.

"Bakit ka ba nagmamadali? Ayaw mo bang mag-enjoy muna?"

Nagulat siya nang itapat nito ang bibig sa tenga niya. Pero mas nagulat siya sa
sinabi nito. Kung isa siguro siya sa mga lalaking papatos sa kahit na sino, baka
pinatulan niya na ito. Pero hindi siya ganun. May respeto pa rin siya sa mga babae
kahit na hindi na ito karespe-respeto.

"Rihanna, busy ako okay? Humanap ka na lang ng ibang kasama."

Inalis niya agad ang pagkaka-kapit nito sa braso niya saka siya nagmamadaling
umakyat papunta sa kwarto niya. Ini-lock niya pa ang pinto para lang makasigurado.

Naalala niya ang unang beses na inakit siya nito. Bigla na lang itong pumasok sa
kwarto niya at naupo sa ibabang bahagi ng katawan niya habang nakahiga siya.
Nagulat man, mabilis na nakatayo siya dahilan para matumba ito. Pinalabas niya agad
ito ng kwarto at simula noon, lagi na siyang naglo-lock ng pinto.

~*~

"Nasaan si Ri?" bungad ni Joy sa kanya pagkapasok nito sa kusina.

"I don't know," sagot niya. "Good morning," walang gana pang dugtong niya.

Hindi ito sumagot. Naupo na lang ito sa harap niya at nagsimulang kumain. Ito ang
unang beses na nagkasabay ulit sila sa pagkain simula nang gabing 'yun.

Hindi niya na rin nakita si Rihanna simula kahapon

nang subukan na naman siyang akitin.

Tahimik lang sila pareho at patuloy sa pagkain. Nang matapos kumain si Joy, nag-
panic siya dahil siguradong mawawalan na naman siya ng pagkakataon na maka-usap
ito.

"Let's talk," aniya.

"About what?" balik tanong ni Joy.

"You know what I'm talking about."

"Well, I don't. Please enlighten me."

"Look... if you're angry at me please just shout. Sampalin mo ako, suntukin,


sipain, kahit na ano. 'Wag lang 'yung ganito na iniiwasan mo ako. You know how I
feel about you. Nahihirapan ako na ganito."

"Hindi kita iniiwasan..."

"Hindi iniiwasan? E anong tawag mo sa pagkukulong mo sa kwarto? Sa hindi pagka-usap


sa akin?"

"I'm talking to you right now."

"Hindi 'yun ang-"

Napatigil siya nang tumunog ang cellphone nito.

"Hey, JL? Oh, sorry. I meant to call you kaso naging busy ako these past few
days... sure, sige. Pupuntahan kita d'yan," anito.

Tumayo agad si Joy nang matapos ang tawag.

"I have to go. Mamaya ko na lang huhugasan ang pinagkainan. Iwan mo na lang sa
sink."
Hindi na siya nakapalag nang maglakad na ito palayo sa kanya. Narinig niya na lang
ang tunog ng kotse nito na palabas ng garahe nila.

~*~

"Hi, Joy! Yey! Sa wakas nagkita rin tayo!" bungad ni JL sa kanya.

"Sorry, naging busy lang. Dapat nung pagkagaling pa sa Tagaytay ako makikipagkita
kaso-"

"It's okay! I know how busy you are."

Nginitian niya ito saka nagsimulang magmaneho.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Sa Lovie Patty tayo," anito.

Natigilan siya bigla. Burger house kasi 'yun ng kuya niya. Lovie PATTY. Love,
Patrick daw

dapat 'yun kaso nagbago ang isip ng kuya niya at ginawang Lovie Patty na para sa
kanya, mas nakakatawa. Ilang buwan niya ring pinagtawanan ang pangalan ng resto na
'yun bago siya naka-get over.

"Uhm, bakit naman dun? Ayaw mo sa iba?" tanong niya. Baka kasi naroon ang kuya niya
lalo na at Sabado ngayon. Kahit nga weekdays pumupunta pa rin 'yun sa pag-aaring
resto.

"Gusto ko 'yung burger dun. Pati 'yung pizza nila. Ang dami kasing cheeze," anito.

"Oh, okay."

Hindi na lang siya umangal. Wala rin namang masama kung makita siya ng kuya niya.
Ayaw niya lang sana na asarin siya nito sa harap ng bagong kaibigan niya. Knowing
his brother, malakas ang sapak nun.

"Whoah, may copy ka pala nito?"

Tumingin siya sandali sa sinasabi ni JL saka ibinalik ang tingin sa daan. Ang
tinutukoy nito ay ang magazine kung saan naka-feature ang kapatid niya at si Ian
bilang dalawa sa most eligible bachelor of the year. Hiningi niya 'yung kopya kay
Ian at hindi naman ito umangal. May ilan pa naman daw itong kopya.

"Napulot ko lang 'yan. Bakit, may crush ka ba d'yan?" natatawa pang sabi niya.

"Oo naman! Ang gu-gwapo kaya ng mga 'to! Saka naka-set na ang utak ko na
pakakasalan ko ang isa sa kanila."

Pinigilan niyang tumawa nang malakas sa narinig. Ayaw niya namang sirain ang
ilusyon nito.

"Here he is!" anito sabay tili pa.

Pagtingin niya, muntik niya nang matapakan ang brake nang makita ang picture ni Ian
sa page na tinitignan ni JL. Tumitig na lang siya sa unahan.

Mukhang masisira ko nga ata ang ilusyon niya?


"Alam mo ba, unang beses ko pa lang siyang

nakita crush ko na talaga siya. Grabe, kahit may pagka-suplado 'yung dating niya
oks lang! Ilang beses ko na siyang nakita kaso nahihiya naman akong lumapit. Baka
kasi masupla ako masira lahat ng ilusyon ko. But anyway, I've decided na after kong
gumraduate, lalapitan ko na talaga siya. Ilang buwan na lang naman."

"E paano kung taken na siya sa panahon na 'yun?"

Pasimpleng tinignan niya ito at nakita niya pa kung paano ito napasimangot.

"It's fine. Kung ganoon, ibig sabihin hindi talaga siya para sa akin."

Nakahinga siya bigla ng maluwag sa sinabi nito. Pero paano niya sasabihin na asawa
niya ang pinapangarap nito? Wait, hindi pa nga pala sila talagang kasal. Pero
kinukonsidera niyang ganun na rin 'yun.

"But since wala naman siyang jowa for now, safe pa ang pangarap ko," natutuwa pang
sabi nito.

Napahinga siya nang malalim bago nagsalita uli.

"Ano bang nakita mo d'yan sa Christian na 'yan?" tanong niya. "Puro mukha lang
naman," aniya sabay tawa pa.

Nakita niyang tumitig ito sa kanya saka umiling.

"Christian ka d'yan! Hinding-hindi ko magugustuhan 'yun 'no. Itong best friend niya
ang tinutukoy ko! Si Patrick!"

Nawala sa isip niya na nasa magkatabing page nga pala ang column para sa kapatid
niya at kay Ian. Si Ian kasi ang nasa banda niya kaya 'yun ang nakita niya. Nawala
sa isip niyang sa tabi nun, ay ang kapatid niya.

Halo-halo ang naramdaman niya nang oras na 'yun. Bukod sa nakahinga siya ng maluwag
na tuluyan, natatawa siyang may gusto ito sa kapatid niya at hindi man lang nito
alam na sa kanya pa ito mismo nagsabi.

Hindi niya na napigilan

ang matawa ng sobra. Nakatitig lang ito sa kanya hanggang sa humupa ang tawa niya.

"Alam mo bang may kapatid siya?" tanong niya.

"Yeah. Her name is Mary Joy. I haven't seen her though. Medyo mailap ata e," anito.

"Well, my name's Mary Joy Gatapia," aniya.

Hindi pa agad ito nakapag-react. Nakatitig ito sa picture ng kapatid niya hangang
sa tumingin ito sa kanya sa nanlalaking mga mata.

"OMG! Seryoso ka?"

Tumango siya sandali saka inilabas ang lisensya niya. Tinitigan pa nito 'yun
sandali saka nag-face palm. Pulang-pula ang mukha nito na lalo niyang ikinatawa.

"Grabe, nakakahiya! Sa'yo pa talaga ako nagsabi na pinagnanasaan ko ang kuya mo!"
Tawa lang siya nang tawa habang nagmamaneho. Nang tumapat sila sa resto ng kapatid
niya, umiling ito bigla.

"'Wag na pala tayo dito! Sa iba na lang!"

Ngumiti siya ng nakakaloko saka nai-park ang sasakyan.

"Nandito na tayo e. Tara na. Masarap ang burger dito 'di ba?" natatawa pang sabi
niya. Alam niya na kasing hindi naman talaga ang burger ang ipinupunta nito roon.

"Ayoko! Sa iba na lang tayo!"

Hindi ito bumaba kaya naman binuksan niya na ang pinto sa gilid nito. Natatawa pa
siyang hinila ito habang mahigpit ang kapit nito sa upuan. Ilang beses din silang
nahilahan at sa huli, napilit niya rin itong bumaba.

Saktong pagpasok nila sa resto, siya namang labas ng kapatid niya mula sa maliit na
opisina nito sa isang sulok noon. Kunot pa ang noo nitong tinignan siya. Paglingon
niya sa katabi, poker face lang ito at hindi tumitingin sa kapatid niya.

Nang hindi na nakatingin si

Patrick, nakita niyang pasimpleng sinisilip ito ni JL.

"Kalma lang. Hindi ka naman kakainin niyang si Kuya," aniya sabay tawa.

Naupo sila sa isang sulok pagkatapos umorder ng pagkain.

Habang naka-upo, pasimple pa ring tinititigan ni JL ang kapatid niya. Pinipigilan


niya na lang na matawa ng sobra dahil halata nga ditong malaki ang pagkagusto sa
kuya niya. Naalala niya bigla ang reaksyon nito nang tanungin niya kanina kung
anong nagustuhan kay Ian.

"Bakit nga pala parang ayaw na ayaw mo dun sa best friend ni Kuya?" aniya sabay
inom ng tubig.

Tumingin sa kanya si JL saka sumimangot.

"Well, isa kasi 'yun sa mga bwisit sa buhay ko. Gwapo siya, syempre wala sa lahi
namin ang pangit 'no. Though hindi ko pa siya nami-meet, bali-balita ko e kalahi
daw nun si Hitler. Well, ano pa nga ba. Basta lahat ng Lim naiinis ako!"

"Wait, Lim ang family name mo?"

"Yeah. Jenelle Lim. Kaya JL. Pinsan ko 'yung best friend ni Patrick my loves,"
anito sabay ngiti pa habang nakatingin sa kuya niya.

Nagulat na naman siya sa rebelasyon nito. Bukod sa may gusto ito sa kapatid niya,
pinsan pa ito ng hilaw na asawa niya?

"I'm Mary Joy Gatapia-Lim now," aniya.

"Huh?" tila hindi pa nito na-gets ang sinabi niya.

Itinaas niya ang kaliwang kamay kung saan nakalagay ang "sing-sing" nila ni Ian.

"Yep. I'm married. Sa pinsan mo," walang anu-anong sabi niya.

Mukhang tangang tinitigan siya ni JL bago ito sumandal sa upuan.


"'Di nga?" anito pa sabay tingin sa suot niya. Naka-cargo shorts na naman kasi siya
saka t-shirt.

Tumango siya. "Believe it or not."

"Shocks!" Magsasalita

pa sana ito pero bigla na lang napatigil. Nanlalaki pa ang mga matang nakatingin sa
bandang likuran niya.

"Here's your order ma'am!"

Kilala niya ang boses na 'yun kahit na nakapikit siya. Simula ipanganak siya,
naririnig niya na ang boses na 'yun.

"Ang panget naman ng isang waiter dito!" aniya, nilakasan niya pa ang boses.

Nagtawanan ang mga waiter na nasa counter pati ang ibang nagse-serve. Kilala kasi
siya ng mga ito at alam ng mga itong madalas silang mag-asaran ng kapatid.

Binatukan siya bigla ng kapatid niya nang maibaba nito ang order nila.

"Hoy! Ako kaya ang pinaka-gwapo rito 'no!"

"E bakit guilty ka? Nag-name-drop ba ako?"

"E ako ang pinakamalapit e!"

"Sus! Panget ka lang talaga!" aniya sabay tawa pa.

All the while, nakatulala lang si JL sa kanilang magkapatid. Nang mapansin niya
ito, mabilis na ipinakilala niya ang mga ito sa isa'-isa. Hindi magkamayaw ang
dalaga sa pakikipagkamay sa kuya niya.

"Oo nga pala, can we talk for a while?" sabi ng kuya niya. Mukhang seryoso ito.
"Hiramin ko muna 'tong panget kong kapatid ha?" anito pa kay JL bago kumindat.

Nang tignan niya si JL nang naglalakad na sila ng kapatid niya papunta sa opisina
ng huli, nakita niya kung paanong namula ng husto ang dalaga sa ginawang pagkindat
ng kapatid niya. Napa-iling na lang siya at sumunod sa kapatid.

"Anong meron?" tanong niya agad pagkapasok pa lang sa opisina nito.

"May problema ba kayo ni Ian?" tanong nito.

Napa-isip siya. Sa pagkaka-alam niya, wala naman silang problema. Well, napikon
siya ng konti dahil sa sinabi nito noong nakaraan pero tapos na 'yun. Totoo namang
nakita na nito ang lahat sa kanya.

"As far as I know wala naman. Bakit?"

"Well, nagyayaya kasi ng inuman 'tong isa. Pinagbigyan ko na lang. Magkikita kami
mamaya."

"Oh. Uhm, kinausap niya ako kanina. Pero hindi ko ma-gets kung anong sinasabi niya.
I'm not mad at him or something. Busy lang ako. May ginagawa kasi ako," aniya.

"Okay. You say so. Lambingin mo na lang. Sensitive lang talaga 'yun," anito sabay
tawa.

Nagkibit siya ng balikat. "Okay, whatever."

~*~

Madaling araw na nang makauwi si Ian. Ilang oras din silang nag-inuman ni Patrick
sa tambayan nila kasama ang iba pa nilang kabarkada. Naiinis lang siya sa inaasta
ni Joy kaya naman gusto niya munang makalimot.

Napatingin siya sa pinto ng library. Alam niyang naroon ito dahil nakalagay na
naman ang sign na "Do not disturb" doon. Gusto niya sana itong katukin pero nagbago
ang isip niya. Napangiti na lang siya ng mapait saka umakyat papunta sa kwarto
niya.

Saktong bubuksan niya ang pinto ng kwarto niya nang bumukas ang pinto sa kabilang
kwarto. Lumabas roon ang nobya ni Joy na si Rihanna na nakapantulog. Sa nanlalabo
niyang mata dahil sa tama ng alak, nakita niya pang lumapit ito sa kanya. Amoy niya
pa ang pabangong laging gamit nito.

"Hey, Ian. Mukhang malungakot ka a?" anito.

"Well, yeah. May magagawa ka ba?" aniya, hindi ma-kontrol ang sinasabi.

"Kaya kitang paligayahin," anito.

Sarkastikong ngumiti siya.

"You can do that?"

"Try me then."

Nagkibit siya ng balikat kasabay ng pagyakap nito sa leeg niya at pagtulak sa kanya
papasok sa kwarto niya.

to be continued...

=================

Chapter Twenty Two

Maagang nagluto si Joy para kay Ian. Nabanggit kasi ng Kuya niya na mag-iinom ang
mga ito. Madaling araw na rin nang marinig niyang dumating ang sasakyan nito.
Sinilip niya pa ito mula sa bintana ng library at napansin na lasing ang binata.
Gusto niya sana itong labasin nang nakaraang gabi kaya lang ay nagbago ang isip
niya.

Soup ang iniluto niya. Oo na, instant 'yun pero siya pa rin ang nagsalang nun kaya
technically speaking, siya ang nagluto.

Hinintay niya na lang na bumaba si Ian mula sa kwarto nito. Nagluto rin siya ng
hiwalay na hotdog para kay Rihanna. 'Yun kasi ang bilin nito na gustong almusalin.

Pagkatapos ng dalawang oras na paghihintay, bumaba na rin si Ian sa kusina. Si


Rihanna, sigurado siyang bandang alas-diyes na 'yun bababa tulad nang lagi nitong
gising.

"Good morning!" bati niya kay Ian.

Tinanguhan lang siya nito bago nito hilutin ang sintido. Siguradong may hang-over
pa ito mula sa pag-iinom kagabi.

"Iinitin ko lang 'yung sabaw." Tumayo agad siya saka isinalang uli ang soup.
Bumalik siya sa tabi ni Ian kapagkuwan at inilagay sa harap nito ang gamot sa hang-
over. "Inumin mo 'to pagkatapos mong kumain," aniya.

Tumango lang ulit si Ian saka tumitig sa kawalan. Gusto niya sanang kausapin ito
pero mukhang wala ito sa huwisyo kaya hinayaan niya na lang muna.

Nang uminit ang sabaw, inilagay niya na ito sa harap ng binata. Hinihintay niyang
mawala kahit paano ang hang-over nito at baka sakaling kausapin na siya nito. Tutal
Linggo naman, balak niya sanang mag-bonding naman silang dalawa.

Pero natapos na itong

kumain at uminom ng gamot, hindi pa rin siya kinibo nito. Tumayo lang ito
pagkatapos at bumalik sa kwarto nito.

Pagkalipas ng isang oras, lumabas ito na nakabihis at mukhang may pupuntahan.

"Saan ang punta mo?" hindi niya napigilang itanong.

Saglit lang itong tumingin sa kanya bago sumagot.

"D'yan lang," anito.

Nagtataka man, hindi niya na lang pinansin ang inaasal nito sa kanya.

Wala pang sampung minuto, lumabas naman si Rihanna sa kwarto nila at bihis na
bihis.

"Babe! Maggagala lang ako ha? Busy ka naman e. Bye!" Humalik pa ito sa pisngi niya
bago nagmamadaling lumabas ng bahay. Dahil mag-isa na lang siya, nagpasya siyang
ipagpatuloy na lang ang pinagkaka-abalahan niya ilang araw na.

~*~

Ilang araw niya nang napapansin na malamig ang trato sa kanya ni Ian. Hindi niya na
alam kung anong isiipin dahil wala naman siyang nagawa na ikagagalit nito.
Sinusubukan niya itong kausapin nang mga nakaraang araw pero madalas na malalim ang
iniisip nito at palaging sinasabing busy.
Naiinis na siya pero iniintindi niya na lang. Baka nga busy lang ito. Nagkukulong
na lang ulit siya sa library para mabaling naman ang isip niya.

Nasa kalagitnaan siya ng ginagawa nang maalala ang sinabi sa kanya ni Ian isang
beses na kumakain sila. Kailan mo kaya ako ipagluluto ng ganito? Napangiti siya sa
sarili at naka-isip ng plano para mapasaya naman ang binata. Mabilis na naligo at
nagbihis siya saka inilabas ang kotse niya.

Thirty minutes lang, naroon na siya sa pupuntahan. Pinagbuksan siya ng gate ng


isang katulong.

"Joy, hija!" salubong sa kanya ng ginang.

"Mama! Hello

po," aniya.

Naisip niyang dahil hindi siya makapagpaturo sa yaya niya ng pagluluto dahil
siguradong aasarin siya ng pasaway na kuya niya, sa Mama na lang ni Ian siya
magpapaturo. Sigurado pang magugustuhan ni Ian ang timpla dahil kinalakihan nito
ang luto ng ginang.

"Kamusta ka na? At napadalaw ka? Nasaan ang magaling kong anak?" sunud-sunod na
tanong nito.

Ngumiti siya sa ginang saka humawak sa kamay nito.

"Mag-isa lang po ako. Actually, hindi alam ni Ian na narito ako," aniya.

"Bakit, may problema ba kayo?" tanong nito.

"Wala naman po. Gusto ko lang po sanang... ano... magpapaturo lang po sana akong
magluto? Kung okay lang. Hindi po kasi makatulong 'yung mga cook book e,"
nahihiyang sabi niya.

Ngumiti nang malapad ang ginang sa kanya bago siya niyakap ng mahigpit.

"Oo naman, hija! Oh, I'm so glad at ako ang naisipan mong lapitan. Naku, gustong-
gusto ni Ian ang mga luto ko. Come, doon tayo sa kusina nang makapagsimula tayo ng
maaga," masigla pang sabi ng ginang.

Masaya siyang maturuan ng Mama ni Ian. Pakiramdam niya kasi, nagkaroon na ulit siya
ng magulang. Simula kasi nang mamatay ang mga magulang nila ni Patrick, silang
dalawa at mga yaya lang nila ang kasama nila. Walang nagtuturo sa kanya ng mga
dapat ituro ng isang ina. Oo nga at naroon ang yaya niya pero iba pa rin 'yun sa
pag-aalaga ng isang ina.

Inabot sila ng ilang oras sa pagtuturuan. Pero masaya naman siya dahil marami
siyang natutunan. At sa wakas, may alam na siyang lutin na matino.

~*~

Biyernes na pero wala pa ring pagbabago sa pakikitungo ni Ian sa kanya.

Ilang araw ding nagpa-balik-balik

si Joy sa bahay nina Ian para magpaturo ng iba pang putahe sa Mama ng huli. Sa
weekend, balak niyang ipagluto na ito para maipatikim ang luto niya. Pero sa
nakikita niya, mukhang wala pa itong balak na kausapin siya sa hindi niya malamang
kadahilanan.

Itutuloy niya pa rin ang plano at magluluto siya ng tanghalian kinabukasan. Kahit
na hindi siya pansinin nito sa una, gagawa siya ng paraan para lang mapakain dito
ang luto niya.

Dahil walang magawa, naisipan niyang magpunta na lang sa resto ng Kuya niya. Doon
kasi, nailalabas niya ang frustrations niya sa pagkain ng marami. Libre lang kasi
lahat ang kinakain niya roon.

Hindi na siya nagulat nang maabutan ni JL na nasa isang sulok ng Lovie Patty.
Natatawang nilapitan niya ito.

"Wala rito si Kuya ng ganitong oras," aniya.

Sumimangot naman ito sa kanya.

"Alam ko naman. Mamaya pa ang dating niya. Bandang alas-sais."

"E bakit ka nandito?"

"Grabe naman! Hindi ba pwedeng gutom lang?"

"Sus! Gutom daw. Alam ko na kung bakit ka talaga pumupunta rito 'no!" Tinawanan
niya pa ito bago siya tumayo. "Hihingi lang ako ng makakain," aniya saka pumunta sa
counter.

Napatitig siya sa menu. Naalala niya si Ian nang isang beses na nagpunta siya rito
noon at narito ang binata. Nag-aaral pa lang siya noon at ito naman ay kaga-
graduate lang.

Kumakain siya noon ng pizza na pandalawahan nung nilapitan siya nito.

"Wow! Porke ba walang boyfriend kailangan ubusin ang pandalawang tao?" anito kasama
ang isang malapad na ngiti.

Inirapan niya lang ito noon at ipinagpatuloy ang pagkain.

Hindi ito nakuntento sa

unang sinabi at marami pang bagay ang inasar sa kanya. All the while nakikita niya
rito ang pilyong ngiti nito.

Napangiti siya nang wala sa oras.

Miss ko na ang mga ngiting 'yun.

Sa loob kasi ng isang linggong malamig ang pakikitungo nito sa kanya, kahit na
minsan ay hindi niya ito nakitang ngumiti.

Bumalik siya sa mesa na inookupa ni JL pagkatapos sabihin sa waiter kung anong


gusto niya.

"May problema ba, ate?"

Nawala saglit sa isip niya si Ian nang marinig ang itinawag nito sa kanya.

"Wow, 'ate' na ang tawag sa akin! Ikaw kaya ang dapat kong tawagin na 'ate' kasi
ikaw ang future wife ng kuya ko!" natatawang sabi niya.

Sumimangot naman ito saka tumungo.

"Ate Joy naman e! 'Wag ka nga! Mamaya niyan may makarinig pa sa'yo." Tumingin ito
sa kanya saka muli nagsalita. "Pero seryoso. May problema ba? Parang malungkot kasi
'yung mga mata mo."

Ngumiti siya nang mapait saka nagkibit ng balikat.

"I don't know. Maybe I just miss my husband," aniya.

~*~

Alas-diyes na ng umaga nang mapagpasyahan ni Joy na lumabas ng library para


makapagluto na. Naka-stock na lahat sa ref ang kakailanganin niya dahil inhanda
niya na 'yun nang nagdaang araw.

Hindi bumaba si Ian nang umaga kahit na naghintay siya hanggang alas-syete na oras
lagi nang pagbaba nito para mag-almusal. Naisip niyang pagod siguro ito dahil
gabing-gabi na ito naka-uwi nang nagdaang gabi.

Bitbit ang babasaging pitsel na pinaglalagyan niya ng tubig pag nasa library ay
nagpunta na siya sa kusina.

Sa pinto pa lang, napakunot na ang noo niya nang marinig si Rihanna. Parang
umuungol ito na hindi niya mawari.

Natulos na lang siya sa kinatatayuan niya nang pagpasok niya sa kusina, naroon si
Ian habang nakaupo. Sa kadungan nito ay si Rihanna habang walang saplot na pang-
itaas. Nakasabunot ito sa buhok ni Ian habang nakasubsob ang huli sa dibdib ng
dalaga. Palakas pa ng palakas ang ungol nito habang lalong idinidiin ang sarili sa
mukha ni Ian.

Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo sa ulo niya. Nangingilid na ang mga luha
niya at pakiramdam niya ay matutumba siya ano mang oras. Ibinaba niya ang tingin sa
sahig at naroon ang blouse at bra ni Rihanna. Sa pagkakita roon ay parang lalo lang
siyang nahilo. Nabitawan niya ang hawak na pitsel. Naramdaman niyang tinamaan siya
ng isa sa mga bubog pero hindi niya 'yun ininda. Dahan-dahang tumalikod siya at
tumakbo palabas.

"MJ! Let me explain! Listen to me, please!" Naririnig niya ang boses ni Ian pero
hindi siya lumingon.

Tuluyan nang tumulo ang luha niya habang pumapasok sa kotse. Naabutan pa siya ni
Ian sandali at kinatok ang bintana ng kotse niya pero hindi niya ito pinansin at
walang anu-anong pinaharurot ang sasakyan.

Walang destinasyon na nagmaneho lang siya nang nagmaneho. Para siyang sinampal ng
ilang libong beses.

Ang girlfriend niya at ang lalaking nagsasabing mahal siya, hayun at nakita niya sa
ganoong tagpo. Hindi mawala-wala sa isip niya ang nakita. Pati sa pandinig niya,
paulit-ulit niyang naririnig ang mga ungol ni Rihanna.

Gaano katagal na kaya nilang ginagawa 'yun? Hindi maiwasang maisip ni Joy. At
pumasok sa imahinasyon niya ang ilang tagpo kung saan gumagawa ng milagro ang
dalawa.
Mabilis siyang napa-preno nang hindi niya na mapigilang mapahagulgol. Isinubsob
niya na lang ang mukha sa mga kamay niya at walang tigil na umiyak.

to be continued...

=================

Chapter Twenty Three

Dire-deretso lang si Joy papasok sa opisina ng kuya niya sa Lovie Patty. Pagkatapos
ng isang oras na pagapaikot-ikot niya kung saan, hindi niya na alam kung saan
pupunta at doon siya napadpad.

Simula pa nang umalis siya ng bahay hanggang makarating siya roon ay hindi siya
tumigil sa pag-iyak. Pinagtitinginan pa siya ng mga tao nang pumasok siya sa loob
ng resto.

"Joy? What happened?" tanong ni Patrick. Halata sa boses nito ang pagpa-panic dahil
sa pag-iyak niya.

Tumabi ito sa kanya sa pang-isahang sofa na inupuan niya at sa armrest ito naupo.

Hindi siya sumagot. O mas tamang sabihin na hindi siya makasagot. Masakit na ang
panga niya sa kaka-iyak pero ayaw pa ring tumigil ng mga luha niya. Kahit na
kaninang pinipilit niyang kumalma, hindi niya pa rin magawa. Para bang may sariling
utak ang mga mata niya at patuloy lang sa pag-agos ang mga luha niya.

Naramdaman niya ang pagtayo ng kuya niya mula sa tabi niya. Pagbalik nito, may
bitbit na itong baso ng tubig at pilit na ipina-iinom sa kanya.

Kasabay pa ng pang-sinok sa sobrang pag-iyak ay ininom niya naman 'yun.

Nang mahimasmasan kahit paano ay mahigpit na yumakap siya sa kapatid. Matagal ding
tahimik lang sila habang hinihimas nito ang likod niya.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Patrick nang maghiwalay sila ng yakap.

Tinignan niya muna ang kuya niya bago inisip kung paano sasabihin ang nakita.
Nahihirapan siya lalo na't bumabalik sa isip niya ang tagpong 'yun.

"Nakita ko sila, kuya..." pagsisimula niya. Hindi niya na naman napigilan at may
tumulo na namang luha
sa mga mata niya. "Ang sakit. Ang sakit sakit."

Mabilis na dinaluhan siya ng kapatid nang hindi niya na naman mapigilang umiyak.
Hinaplos nito ang buhok niya habang inaalo siya.

Ikinwento niya rito kung anong nakita niya. Naramdaman niya ang galit mula rito
kahit na hindi ito magsalita. Hanggang sa matapos siya sa sinasabi ay tahimik lang
ito na ikinatakot niya bigla. Kilala niya kung paano magalit ang kapatid. Tatahimik
lang ito sa una pero pag nasa harap na ang ikinagagalit ay sumasabog ito and who
knows kung anong pwede nitong gawin.

"Kuya..." tawag niya rito.

Bahagyang ngumiti ito sa kanya bago pinunasan ang mga luha niya.

"Tahan na. Umuwi ka na muna sa mansyon at magpahinga," anito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. Alam niyang may binabalak ito pero hindi niya
mabasa kung ano.

"Kuya, don't do anything-"

"I won't. Halika na, ihahatid na kita sa mansyon," anito pa.

Wala na siyang nagawa kundi ang tumango na lang.

~*~

"Hi, Joy! Kuya Pat!" bati sa kanila ni Aya nang pagbuksan sila ng pinto ng bahay
nito.

Nagpumilit siya sa kapatid na dito na muna siya at magpapasundo na lang siya


kinagabihan. Ayaw sana nitong pumayag pero nang sinabi niyang kailangan niya ng
kasama, napilitan din itong ihatid na lang siya kina Aya.

"Ikaw muna ang bahala d'yan ha?" narinig niyang sabi ng kapatid kay Aya.

"Oo naman, kuya Pat! Susundin mo ba siya mamaya? O 'yung asawa niya ang susundo?"
tanong ni Aya.

Hindi agad sumagot ang kapatid niya sa tanong nito. Ilang segundo rin ang lumipas
saka ito sumagot.

"Susunduin ko siya."

Kasabay

ng pag-upo ni Aya sa tabi niya ay narinig niya ang papalayong tunog ng sasakyan ng
kapatid.

Nakatitig lang siya sa TV at hindi umiimik. Sanay naman na ang mga kaibigan niya na
tahimik lang siya sa isang tabi.

Matagal din siyang nakatitig sa TV kahit na wala naman siyang naiintindihan.


Naiisip niya lang sina Ian at Rihanna at kung ano nang ginagawa ng mga ito.
Hinahanap kaya siya? O baka naman ipinagpatuloy 'yung naudlot na ginagawa nila,
hindi niya mapigilang maisip. Sa isiping 'yun, hindi niya napigilang mapa-singhot.
Pero napigilan niya ang tuluyang mapa-iyak.
"Care to tell me?" mayamaya ay tanong ni Aya.

"Huh?" patay-malisyang tanong niya.

"Anong problema? Joy, kilala kita. Apat na taon tayong magkatabi sa upuan noong
college. Alam ko kung may iniinda ka o wala," anito.

"Wala 'to, ano ka ba," maang-maangan niya.

Tinitigan lang siya nito sandali bago ito nagpaalam na pupunta muna sa kwarto at
may gagawin. Nakatitig pa rin siya sa TV nang tumunog ang cellphone niya. Pagtingin
niya roon, si Ian ang tumatawag.

Nakarami na ito ng missed call sa kanya nang mga nagdaang oras pero hindi niya
pinapansin ang tawag nito. May mga text rin ito na hindi niya rin pinagka-abalahang
basahin.

Ibinaba niya lang ang cellphone sa tabi niya at tumitig uli sa TV hanggang sa
tumigil din 'yun sa pag-ring. Pero wala pang tatlumpung segundo, tumatawag na naman
ito uli. Nainis na siya at pinatay na lang ang cellphone sa ikatlong beses na
pagtawag nito.

"Pupunta raw pala si Lana," ani Aya pagkabalik sa tabi niya.

"Bakit daw?"

Nagkibit ito ng

balikat. "Baka gustong makipag-chikahan. Nabanggit ko kasing nandito ka e."

~*~

Isang malakas na suntok ang sumalubong kay Ian paglingon niya. Naka-upo lang siya
sa sala nang marinig niyang may pumasok. Tatayo na sana siya nang maunahan siya
nito ng suntok.

"Tarantado ka! Sinabi ko sa'yong 'wag na 'wag mong sasaktan ang kapatid ko 'di ba?"
galit na galit na sigaw ni Patrick sa kanya.

"Pare, let me explain-"

"Puta ka! Ipinagkatiwala ko sa'yo ang kapatid ko tapos gaganunin mo lang? Alam mo
ba kung ilang baldeng luha na ang nilabas nun? Alam mo ba kung gaano akong naawa sa
hitsura niya? Kahit sino masasaktan kung makikita siya!"

Hindi mapigilang makaramdam ng kirot sa dibdib si Ian. Sinasabi pa lang nito na


nasasaktan si Joy, nasasaktan na rin siya. Gusto niya itong puntahan at kausapin.
Yakapin at aluin at sabihin na ito ang mahal niya.

"Pat-"

Napatigil siya nang makitang may tumulong luha sa mga mata ni Patrick. Nakita niya
pang susuntukin uli siya nito pero hindi niya 'yun iniwasan. Para sa kanya, kulang
pang suntukin siya nito kaysa sa sakit na nararamdaman ni Joy sa mga oras na 'yun.

"Woi! Hindi ko pa nga naaayos 'yung paa niyan pati mukha wawasakin mo?"

Sabay pa silang napalingon ni Patrick nang magsalita ang bagong dating.


"Nag-CR lang ako sandali wasak na rin pati mukha mo?" naiiling pang sabi sa kanya
ni Brad. Ang kaibigan nilang doktor. "At alam niyo bang dinig na dinig kayo mula sa
CR? Grabe! Para kayong mag-asawang nag-aaway!" medyo natatawa pang sabi nito bago
kinuha ang first aid kit.

Pinuntahan niya ito kanina sa ospital nang hindi niya

na kinayang mag-drive. Hinabol niya si Joy pero hindi niya ito naabutan. Hindi niya
na rin malaman kung saan ito hahanapin. Malaki ang sugat niya dahil natapakan niya
ang isang malaking bubog mula sa nabasag na pitsel ni Joy.

Balak niya sanang ipagpatuloy ang paghahanap sa dalaga pero pinagbawalan na siya ni
Brad. Marami nang nawalang dugo sa kanya at lalala lang ang sugat niya kapag nag-
drive pa siya. Nagawa pa nitong ipatali siya kanina dahil ayaw niyang mag-paawat.

Itinulak siya ni Brad pa-upo sa sofa saka sinimulang gamutin ang mga sugat niya sa
mukha na gawa ng dalawang suntok ni Patrick.

Medyo kumalma na ang huli pero masama pa rin ang tingin nito sa kanya.

"Ano ba kasing pinag-aawayan niyo ha?" ani Brad habang ginagamot siya.

"Itanong mo d'yan sa tarantadong 'yan," mariing sabi ni Patrick.

"Pat naman, makinig ka muna sa akin. Magpapaliwanag ako... Alam mo naman kung gaano
ko kamahal ang kapatid mo 'di ba? At kilala mo ako. Alam mong hindi ako gagawa ng
makakasakit sa kanya."

Tinignan siya nito ng masama bago nagsalita.

"Siguraduhin mo lang na maganda 'yang paliwanag mo ha. Kung hindi, sisiguraduhin


kong paglalamayan ka bukas."

~*~

"Tahan na, Joy," ani Lana habang yakap yakap siya.

Hindi na napigilang mapa-iyak ni Joy nang dumating si Lana. Itinanong kasi nito
kung anong problema at natumbok nito kung bakit nagkaka-ganoon siya.

"Sabi ko na nga ba hindi talaga mapagkakatiwalaan 'yang Rihanna na 'yan e," ani Aya
habang palakad-lakad sa harap nila.

Ramdam niyang sinasaway ito ni Lana para 'wag nang magsalita pero patuloy pa rin

ito.

"Noong una pa lang na nakita ko 'yan? Alam ko nang walang magandang maidudulot.
Tss. Haliparot. Malay natin kung sino pang pinatulan nun. Malamang hindi lang si
Ian ang kinalantari ng malanding hitad na 'yun."

Lalo lang siyang napapa-iyak dahil sa sinasabi nito.

"Tumahimik ka nga! Kita mo nang nasasaktan 'yung tao e!" saway ni Lana dito.

"E totoo naman! Ang tigas din kasi ng ulo niyan e. Sinabihan ko na 'yan dati na
hindi maganda ang kutob ko sa girlfriend niya na 'yun!" anito pa.
Hindi siya makasagot dahil tama naman ito. Sinabihan siya nito noong nag-away ito
at si Rihanna. Hindi niya na lang pinansin ang bagay na 'yun.

"Teka nga, tawagan natin si Jacky," ani Aya.

"Ano ka ba, baka tulog na 'yun," si Lana.

"Alas-onse pa lang dun. Gising pa 'yun. Saglit kunin ko lang 'yung laptop ko."

Hindi na lang siya nakikisingit sa pinag-uusapan ng mga ito. Sumiksik na lang siya
kay Lana at yumakap pa ng mas mahigpit dito.

"Tahan na, Joy. Maaayos din 'yan. Lilipas din ang sakit," anito.

Hindi siya sumagot. Hindi niya maisip kung paano mawawala ang sakit na 'yun.
Sobrang sikip sa dibdib niya na halos hindi na siya makahinga.

Pagkabalik ni Aya, kausap na nito si Jacky sa linya.

"Ano bang nangyari?" tanong ng huli.

Narinig niya pa kung paano ikinwento ni Aya ang lahat kay Jacky. Humiwalay siya ng
yakap kay Lana at tumingin sa screen ng laptop. Kita niya ang simpatya sa mga mata
nito.

"It's okay, Joy. I know how it feels. Mawawala rin 'yan," anito.

Tumango na lang siya bilang sagot.

"Pero matanong ko lang,

sino ba ang iniiyakan mo? Si Rihanna o si Ian?" tanong ni Jacky.

Napatitig lang siya rito dahil sa tanong na 'yun. Alam niya sa sarili niya kung
sino ang iniiyakan niya pero hindi niya 'yun masabi. Kung tutuusin, ngayon niya
lang tuluyang inamin sa sarili niya kung ano na ang totoong nararamdaman niya.

Nang makita niya ang eksenang 'yun kanina, bumalik sa kanya ang nagyari noon sa
Tagaytay. At habang nakikita niyang ginagawa 'yun ni Ian sa iba, sobrang nasasaktan
siya.

"Sa hitsura mo pa lang, alam ko na ang sagot," ani Jacky. "Anong sabi niya?
Nagpaliwanag ba?" tanong pa nito.

Umiling siya. "H-hindi ko-"

"Nag-walk-out siya. Hindi niya hinintay na magpaliwanag," singit ni Aya.

"Ano bang nangyari bago 'yun?"

Napa-isip si Joy. Naalala niya noong sinabi nitong mahal siya nito. Lalo lang
naging masama ang pakiramdamam niya. Kung mahal nga siya nito, paano nito 'yun
nagawa.

"Sabi niya mahal niya ako," hindi niya napigilang sabihin.

Napatitig sa kanya ang tatlo.

"Naniwala ka ba?" tanong ni Lana.


Pumikit siya sandali bago tumango. "Kaya nga masakit e. Kasi naniwala ako. Naniwala
akong mahal niya nga ako."

"Pero hindi ka naman basta maniniwala kung hindi mo nararamdamang mahal ka nga niya
'di ba?" sabi naman ni Jacky.

Tumango siya.

Nararamdaman niyang mahal siya ni Ian. Hindi lang dahil sa sinabi nito 'yun. Kundi
dahil sa mga kilos nito bago naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya.

Matagal din silang tahimik bago binasag ni Aya ang katahimikan.

"Hay naku. Akala ko pa naman mabubuo sa magandang love story 'yang sa inyo ni Ian.
Sabi ko pa naman Lana and Jace version 2.0 kayo." Tumawa ito saglit. "Ano kaya,
mag-layas ka rin katulad nung ginawa ni Lana? Tapos sa harap ka niya mag-empake. At
least kuha 'yung eksena 'di ba?" Lalo pa itong tumawa.

Narinig niya ang pagsaway dito nung dalawa pero nagkibit lang ito.

Napatitig siya kay Aya bago napa-isip.

Mabilis pang napatayo siya nang may maisip.

~*~

Nilagpasan lang ni Joy si Ian nang salubungin siya nito sa hagdan. Inis na tinignan
niya pa uli si Rihanna sa sofa sa sala habang prente itong naka-upo.

Padabog na binuksan niya ang pinto ng kwarto nila at kinuha ang maleta. Inilagay
niya 'yun sa kama saka walang anu-anong ipinasok niya roon ang kalati ng laman ng
closet.

to be continued...

=================

Chapter Twenty Four

Mabilis ang mga kilos ni Ian habang nagbibihis. Alam niya na ngayon kung saan
pupuntahan si Joy. Ma-swerte siyang nagtiwala pa rin sa kanya ang matalik na
kaibigan at pinaniwalaan siya. Alam nitong mahal niya ang dalaga kahit noon pa man.
Kahit na hindi niya 'yun alam sa sarili niya, si Patrick ay nakikita 'yun sa mga
mata niya.

Kinuha niya agad ang susi ng kotse niya. Wala siyang pakialam kung pinagbawalan
siya ni Brad na mag-drive. Naka-alis naman na ito at hindi siya mapipigilan. Ang
mahalaga lang sa kanya, mapuntahan at maka-usap niya si Joy.

Napatigil siya sa pagbaba ng hagdan nang makita si Rihanna na naka-upo sa sofa.


Halatang kararating lang nito galing sa kung saan. Nagdilim agad ang paningin niya
at gusto niya itong kaladkarin palabas ng bahay niya.

Pero bago pa man siya makakilos, malakas na bumukas ang pinto ng bahay at pumasok
roon si Joy. Mabilis ang lakad nito at halatang nagmamadali. Sandali pa itong
tumingin kay Rihanna bago ito umakyat ng hagdan.

Sandaling nagkatinginan sila bago siya nito nilagpasan at dumeretso sa kwarto nito.

~*~

"Anong pina-plano mo, Joy?" tanong ni Lana sa kanya.

Kinailangan niya ang tulong nito para maka-uwi. Nawala sa isip niya noong una na
hindi niya nga pala dala ang kotse niya kaya naman bumalik siya sa loob ng bahay ni
Aya at humingi ng tulong. Pinagtawanan pa siya ni Aya pero hindi niya 'yun
pinansin.

"Maging masaya," simpleng sabi niya.

"That doesn't answer my question."

"It does." Matipid na ngumiti siya kay Lana bago tumingin sa kawalan.

Nang makarating sa eskinita papunta sa bahay nila,

nakita niya pang bumaba ng isang taxi si Rihanna at papasok sa loob. Napatitig siya
rito sandali bago marinig ang boses ni Lana.

"Ano, nagbago na ba ang isip mo?" tanong nito sa kanya.

Hindi niya napansin na nasa tapat na pala sila ng mismong gate ng bahay nila.
Tumingin siya sandali kay Lana at nagpasalamat bago mabilis na lumabas ng kotse at
pumasok sa loob.

Hindi siya nag-aksaya ng oras at padabog na binuksan ang pinto ng bahay. Nakita
niya pang naroon si Rihanna sa sofa. Nakataas ang kilay na tinignan siya nito.
Hindi niya 'yun pinansin at nagmamadaling umakyat ng hagdan.

Napatigil siya sandali nang makita si Ian doon. Nakatitig din ito sa kanya at
parang may gustong sabihin na hindi niya mawari.

Nilagpasan lang niya ito nang magsimula itong bumaba para salubungin siya. Inis na
tinignan niya pa uli si Rihanna sa sofa ng sala habang prente pa rin itong naka-
upo.
Padabog na binuksan niya ang pinto ng kwarto at kinuha ang maleta. Inilatag niya
ito sa kama bago pinangalahati ang mga damit sa closet. Kinuha niya rin ang mga
gamit sa tokador at sa CR. Iniisa-isa niya na 'yung ilagay sa maleta nang pumasok
sa kwarto si Ian.

"MJ, please don't do this. Let me explain..."

"Labas!" singhal niya habang hindi tumitingin dito.

"MJ naman... listen to me first. Don't leave me-"

Tinignan niya ito nang masama bago pabagsak na inilagay ang mga damit sa maleta.
Inirapan niya muna ito bago niya ipinagpatuloy ang pan-eempake.

"MJ, mahal kita... maniwala ka naman o," anito pa.

Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa.

Nagulat na lang siya

nang bigla siyang nitong hilahin at halikan sa mga labi. Hindi siya nakakilos nang
mahigpit siyang yakapin nito.

Hindi niya malaman ang gagawin. Masyadong mahigpit ang pagkakayakap nito at hindi
siya makawala. Nadadala na rin siya sa mga halik nito. Pero pinigilan niya ang
sarili na magpadala nang tuluyan at tinapakan ang paa nito.

Narinig niya ang malakas na pagdaing ni Ian pero wala siyang pakialam. Hindi niya
naman 'yun masyadong nilakasan kaya para sa kanya, hindi naman 'yun ganoon kasakit.

Patapos na sana siyang mag-empake nang bigla na lang dinamba ni Ian ang maleta.

"MJ... 'wag mo 'kong iwan... nadudurog ang puso ko. Magpapa-alila ako sa'yo
habambuhay. Kahit gawin mo akong punching bag okay lang. Basta nasa tabi kita.
Joy..."

Nakita niya ang luha sa mga mata nito. Hindi niya malaman kung maaawa siya o
matatawa sa hitsura ng binata. Mukha kasi itong ewan na nakadagan sa maleta. Pati
ang pinagsasasabi nito, hindi niya mapigilang mapangiti ng lihim.

Nameywang siya sandali bago huminga ng malalim. Pagkatapos ay itinulak ito pa-alis
sa pagkaka-kubabaw sa maleta. Hindi ito kumilos habang nakahiga na ngayon sa kama
at nakatitig sa kisame.

Sinamantala niya namang tulala na lang ito at tinapos ang pag-eempake bago naglakad
palabas ng kwarto.

~*~

Nakalabas na ng kwarto si Joy pero tulala pa rin si Ian. Ayaw siya nitong pakinggan
at nasasaktan siya. Mukha man siyang tanga para sabihing nadudurog ang puso niya
pero 'yun ang nararamdaman niya.

Gusto niya lang na pakinggan siya nito. Pakinggan man lang ang paliwanag niya kahit
na hindi ito maniwala.

Basta masabi niya ang side niya at malaman nitong mahal niya talaga ito. At hindi
siya gagawa ng kahit na anong makakasakit dito.
Bumangon siya at naramdaman ang kirot ng paa niya. Kita niya na dumudugo 'yung muli
dahil sa pag-tapak ni Joy pero hindi niya 'yun pinansin. Pinilit niyang tumayo at
paika-ikang lumabas ng kwarto para habulin ito. Hindi siya susuko. Hindi siya
papayag na iwan na lang siya nito basta.

~*~

Saktong pagbaba ni Joy ng hagdan ay narinig niya ang pagtawag ni Ian sa pangalan
niya. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang.

Nakatingin sa kanya si Rihanna at may ngiting tagumpay sa mga labi habang


nakatingin sa maletang hawak niya. Naningkit ang mga mata niya at nilapitan ito.

Walang anu-anong ibinalibag niya sa harap nito ang maletang hawak. Wala siyang
paki-alam kung tinamaan niya ang center table na narinig niyang nag-crack. Kahit
nabasag pa 'yun, wala siyang pakialam.

Tinitigan niya si Rihanna na halatang nagulat.

"Layas!" sigaw niya rito.

Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito. Nakatitig lang ito sa kanya sandali bago
ito natauhan at ngumiti ng nakakaloko.

"Pareho lang tayong sampid dito. Ano namang karapatan mong palayasin ako?" anito.

Ikinuyom niya ang mga kamay sa galit. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng lahat
ng ibinigay at ginawa niya para rito, nagagawa nitong umasta sa kanya ng ganoon.

"Actually..." Napalingon sila pareho nang magsalita si Ian mula sa hagdan. "This
house is under her name. So technically, she owns it. Besides, I was going to throw
you out earlier before she came in," anito pa. Nakikita niya na ang nagbabadyang

ngiti sa mga labi nito bago niya nilingon si Rihanna.

"So, ngayon. Pwede kong nang sabihin?" Gigil na itinuro niya ang pinto bago sumigaw
uli. "LAYAS!"

Hindi ito kumilos sa kinauupuan. Nakatingin lang ito sa kanya.

Sa galit niya, kinuha niyang muli ang maleta bago kinuha ang braso ng dalaga gamit
ang isa niya pang kamay. Kinaladkad niya ito palabas ng gate ng bahay nila.
Pagkatulak niya rito sa kalsada, isinunod niyang ihagis ang maleta sa harap nito.

Galit na hinarap siya ni Rihanna. Hindi niya ito pinansin at tumalikod para isara
ang gate.

"Shit ka! Peste kang babae ka!" singhal sa kanya nito.

"At ikaw pa talaga ang may ganang murahin ako?" inis na nilingon niya uli ito.

"At bakit hindi?"

"Ibinigay ko sa'yo lahat ng gusto mo! Pinakain kita, binihisan, binigyan ng


matitirhan! Tapos anong iginanti mo? Ginago mo ako! At ikaw pa ang may karapatang
magalit?" Nang-gigigil siya at gusto niya itong ingudngod sa semento pero pinigilan
niya ang sarili niya.

"Wow. May napala ka naman sa'kin a? Akala mo ba hindi ko alam? Ginamit mo lang ako.
Akala mo hindi ko alam na hindi ka naman tibo? Tss. Hoy, marami akong kaibigan na
tibo kaya naaamoy ko ang mga kauri nila. At malayo ka roon!"

Napa-atras siya ng kaunti sa sinabi nito.

"Nagulat ka? Sinakyan ko lang ang trip mo kaya ako nandito. At dahil may nakukuha
ako sa'yo. At hoy, quits lang tayo. Ginamit mo ako, ginamit kita. Ano bang
ikinagagalit mo? Na kinalantari ko 'yang hilaw mong asawa? Bakit? Kaya mo nga ako
ginagamit dahil ayaw mong makasal sa kanya 'di ba? Oh, sandali..." Ngumiti ito ng
nakakaloko

bago nagpatuloy. "Nagbago na ang isip mo kaya mo ako dinidispatsa."

Hindi siya makapagsalita. Nakatitig lang siya rito habang tinitignan ang galit na
mga mata nito. Mayamaya ay tumawa itong bigla.

"Nakuha ko na. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto kay Ian 'di ba? At sinong
babae ang hindi manghihinayang kuna mawala siya? Mayaman, gwapo... magaling sa
kama. I'm sure alam mo kung anong ibig kong sabihin. Kaya mo nga ako dinidispatsa
'di ba? At kung ako ang nasa kalagayan mo? Magwawala rin ako."

Lumapit ito sa kanya at nang-aasar na ngumiti.

"Sino ba naman ang hindi? Halik pa lang niya, nakakabaliw na. Lalo na 'yung mga
hagod niya? Ugh... he's the best lover ever." Pumikit pa ito na tila may inaalala
bago itinaas ang isang kamay at hinaplos sa sariling pisngi. "'Yung mga halik
niya... 'yung pagsamba niya sa bung katawan ko... ooh, walang makakapantay roon."
Dumilat ito at tumitig sa kanya. "Well, mas nasarapan siguro siya sa akin kasi
napansin kong ako na ang lagi niyang kaniig nitong mga nakaraang araw. At puno ng
alaalang 'yun ang bahay na 'yan. Sa kwarto niya, sa banyo, sa kwarto natin..." nag-
smirk ito saka nagpatuloy. "Sa hagdan, sa kusina, sa sala... name it. Nagawa namin
'yun sa lahat ng parte ng bahay na 'yan. And oh, pati sa library nung nawala ka
isang hapon."

Tumawa pa ito ng nakakaloko.

Nanginginig na siya sa galit sa mga sinasabi nito. Pero hindi siya makakilos para
umalis. Na-iimagine niya sa utak niya ang mga sinasabi nito at parang pinipiga ang
puso niya. Parang nahihilo siya at hindi siya makahinga.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Naka-ilang sandali rin bago siya nagkalakas na
lumayo sa harap nito. Pabagsak niyang isinara ang gate. Wala siyang paki-alam kung
naroon ito sa bungad. Narinig niya pa ang pagtama ng gate dito at ang malakas na
pagdaing ni Rihanna bago niya 'yun nai-lock at naglakad papasok ng bahay.

to be continued...
=================

Chapter Twenty Five

Hindi mapigilang mapangiti ni Ian pagkatapos makalabas nina Joy at Rihanna sa


pinto. Para siyang inalisan ng mabigat na bagay sa dibdib nang marinig na pinalayas
ni Joy ang huli. Ang akala niya talaga, iiwan na siya ng dalaga.

"Hindi niya ako iniwan," aniya sabay ngiti pang lalo.

Umupo siya sa hamba ng hagdan pagkatapos. Noon niya lang naramdaman ang kirot ng
paa niya. At noon niya rin lang nakitang marami na palang dugo ang nagkalat sa
hagdan. Nahilo siyang bigla dahil doon. Napakapit pa siya ng mahigpit sa bakal.

Tumingin siya sa pinto at hinintay roon si Joy. Mukhang hindi niya na kasi
kakayaning tumayo. Nahihilo na talaga siya at pakiramdam niya at matutumba siya ano
mang oras.

Pero nakalipas na ang ilang sandali, hindi pa rin bumabalik si Joy.

"MJ..." pinilit niyang sumigaw pero hindi niya magawa.

Pakiramdam niya ay oras na ang lumipas bago niya pa nakitang pumasok ng pinto si
Joy. Parang nabuhayan siyang muli at ngumiti nang malapad.

~*~

Napatigil si Joy sa pagpasok ng bahay nang mapatingin sa sofa ng sala. Mariin


siyang pumikit nang may imaheng bigla na lang pumasok sa isip niya. Inis na
ikinuyom niya ang mga kamay at kinalma ang sarili. Hindi ako dapat magpa-apekto sa
mga sinabi niya, aniya sa sarili.

Binilisan niya na lang ang lakad papunta sa hagdan. Hahakbang na sana siya paakyat
para mapatigil lang din nang makita si Ian doon. Naroon pa rin ito sa pwesto nito
nang kaladkarin niya si Rihanna. Naka-upo na nga lang ito sa pagkakataong iyon.

Inirapan niya ang binata nang makita ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

"You

chose me..." narinig niyang sabi nito kahit na mahina lang 'yun.

Pinaikot niya ang mga mata bago nagsimulang umakyat ng hagdan.

Nang malapit na siya kay Ian, nakita niyang inilahad nito ang mga kamay para
yakapin siya pero hindi ito tumayo. Hindi niya pinansin ang binata at nagpatuloy
lang sa paglalakad.

Napansin niyang may mali rito pero hindi niya ito tinignan ng matagal. Nagpatuloy
lang siya sa pag-akyat. Dahil nasa gilid ito, hindi siya nito naabot dahil sa
kabilang gilid siya nagsumiksik.

"MJ..." ani Ian na parang batang humihiling sa kanya.


Hindi niya ito pinansin.

Nasa huling baitang na siya ng hagdan nang mapansin ang dugong nagkalat sa sahig.
Tinignan niya ang pinanggalingan noon at nakitang galing sa kwarto niya. Mabilis na
nilingon niya si Ian at nakitang puro dugo sa paanan nito.

Patakbo siyang bumaba papunta kay Ian.

"Ian? Anong nangyari?" nagpa-panic na sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya pero kita niyang tila nanghihina ito.

"Y-you chose me," halos paos nang sabi nito bago siya niyakap.

Inalis niya agad ang pagkakayakap nito sa kanya at tinitigan ito sa mukha. Doon
niya lang napansin ang mga pasa nito sa mata at sa gilid ng labi. Marahang hinaplos
niya ang mga 'yun.

"What happened here?" tanong uli niya.

Nagkibit lang ito ng balikat. Binalingan niya naman ang paa nito na puno ng dugo.
Nag-aalangan siya kung hahawakan niya 'yun o hindi. Hindi niya malaman ang gagawin
at natulala pang sandali sa paa nito.

"'Wag mo 'kong iiwan ha?" ani Ian.

Tila natauhan naman siya sa sinabi nito at mabilis na tumayo.

"Wait

here," aniya bago tumakbo papunta sa banyo.

Kinuha niya ang first aid kit para mapatigil ang pagdurugo ng paa ni Ian.

"Where did you get this?" aniya habang niilinis ang sugat.

"Broken glass pitcher," simpleng sagot nito.

Bigla niyang naalala ang nabasag niyang pitsel nang makita sina Ian at Rihanna.
Nasugatan rin siya nun pero gasgas lang.

Nang ma-bendahan ang sugat, inakay niya ito palabas ng bahay at pasakay sa kotse
nito. Buti na lang at nasa bulsa na nito ang susi at hindi niya na kailangan pang
maghanap.

"Where are we going?" si Ian.

"Hospital," simpleng sabi niya matapos maiupo si Ian sa passenger's seat.

Napatigil siya sa pagsakay sa kotse nang mapansin ang natutuyo nang dugo sa sahig
ng kotse. Pati ang brake nun, puno rin ng dugo. Tinignan niya sandali si Ian pero
nakapikit lang ito at nakasandal ang ulo sa headrest.

Sinundan niya ako.

Ipinilig niya ang ulo saka nagmamadaling nag-drive.

Nasa ika-apat na kanto pa lang sila ng subdivision nang makita niya si Rihanna na
naglalakad sa gitna ng kalsada. Hila-hila nito ang maleta na pinaglagyan niya ng
mga damit nito.

Nag-init bigla ang ulo niya. Binilisan niya pang lalo ang pagpapatakbo. Nang
malapit na sila kay Rihanna, malakas na binusinahan niya ito na ikinatalon ng
dalaga. Nawalan ito ng balanse at natumba sa gilid ng kalsada na may nagkalat na
tubig ulan.

Dinig niya pa ang pagtili nito at hindi niya napigilang matawa ng mahina.

Paglingon niya kay Ian ay nakatingin ito kay Rihanna sa daan. Pinaningkitan niya
ito ng mata bago binagalan ang takbo ng kotse.

"Ano,

gusto mong babain? Madali naman akong kausap!" inis na sabi niya.

Umayos agad ng upo si Ian saka umiling. Tumingin lang ito sa malayo bago isiniksik
ang sarili sa gilid.

~*~

"Anyare na naman sa'yo?!" bungad sa kanila ng doktor pagpasok pa lang nito sa


pinag-pahigaan kay Ian sa emergency room.

Kilala niya ang binata. Si Brad. Isa ito sa mga kaibigan ng Kuya Patrick niya. Alam
niyang doktor ito pero hindi niya akalaing sa mismong ospital na pinagdalhan niya
kay Ian ito naka-destino.

Hindi sumagot si Ian. Sumimangot lang ito sa kaibigan.

"Uhm, natapakan ko kasi 'yun paa niya. Dumugo," aniya.

Napatingin sa kanya ang binata. Hindi yata nito napansin na naroon siya noong una.

"O, Joy! Nandito ka pala. Ganun ba? Sige, i-che-check ko na itong paa ng asawa mo,"
anito sabay kindat sa kanya.

Nakita niya pang umamba ng suntok si Ian dito bago ito tumawa at inalis ang benda
na inilagay niya sa paa nito.

"Tsk-tsk," anito sabay iling habang nakatingin sa sugat ni Ian. "Uhm, Joy, doon ka
muna sa labas. Ako nang bahala sa damuhong 'to," ani Brad.

Tumango na lang siya at lumabas. Nakita niya pang pilit na binatukan ni Ian si Brad
bago siya tuluyang makalabas.

~*~

Sinalinan ng dugo si Ian at tinahi uli ang sugat nito dahil bumuka uli 'yun. Pina-
confine na rin ni Brad ng isang gabi ang binata para raw mabantayan niya at hindi
na naman gumawa ng kung anu-ano.

Tinawagan niya ang kapatid at sinabi rito ang nangyari, agad naman itong pumunta
roon para makita sila.

"Nagpaliwanag na ba siya?" tanong sa kanya ni Patrick.

Tulog
si Ian dahil sa sinaksak ditong gamot.

Umiling lang siya sa tanong ni Patrick.

"Let him explain. 'Wag ka munang mag-desisyon nang hindi mo naririnig ang sasabihin
niya. Baka pagsisihan mo rin 'yun sa huli," anito.

Tinitigan niyang mabuti ang kapatid.

"You know what he did, right?" tanong niya.

"Let him explain," sabi lang ulit ni Patrick.

Naiiling na tinignan niya si Ian.

"I've decided," aniya.

"I told you not-"

"Pinalayas ko na si Rihanna," aniyang nagpatigil kay Patrick. "At doon pa rin ako
titira kay Ian," aniya.

Ginulo nito ang buhok niya bago ito huminga ng maluwag.

Dahil sa sinabi ng kapatid, nabawasan ang pag-iisip niyang totoo ang mga sinabi ni
Rihanna. Para magtiwala pa rin ang kapatid niya kay Ian pagkatapos ng mga nakita
niya, worth naman sigurong bigyan ng benefit of a doubt ang binata.

~*~

"Nasaan si MJ?" sabi agad ni Ian pagkamulat na pagkamulat ng mga mata niya.

Bumangon pa siya bigla at hinanap ang dalaga sa paligid.

"Easy lang, lover boy. Umuwi lang ang asawa mo para kumuha ng mga damit mo," ani
Brad. Hindi na ito nakasuot ng pang-doktor.

Tumingin siya sa orasan. Alas-otso na ng umaga. Nakatulugan niya na ang buong gabi
mula nang tahiin uli ang sugat niya.

Nakita niya si Patrick na nasa sofa at nagbabasa ng magazine.

"Ang kapatid mo?" tanong niya rito.

"Wow lang ha? Hindi talaga naniwala sa'kin?" ani Brad.

Hindi niya ito pinansin at nakatingin pa rin kay Patrick at naghihintay ng sagot.

"Nasa mansyon na ang kapatid ko. Doon na raw siya titira simula ngayon," ani
Patrick

habang nakatingin lang sa magazine at nagbabasa.

"What?!" nag-panic agad siya sa sinabi nito at pinilit na tumayo.

"Whoa! Chill lang! Binibiro ka lang niyang si Patpat! Pag 'yang sugat mo bumuka
uli, puputulin ko na lang 'yang paa mo!" ani Brad habang tinutulak siya pahiga uli
ng kama.
Magpo-protesta pa sana uli siya nang bumukas ang pinto ng kwarto niya sa ospital.

"Wazzup, guys!" bugad ng binatang bagong dating. "Ano, kelan ang libing ni Ian?"
tanong pa nito.

"Gago! Ikaw ang ilibing ko d'yan e," aniya.

Malakas na tawa ang isinagot nito sa kanya. Lumapit pa ito sa higaan niya at
tinulak-tulak ang braso niya.

"Kamusta? Successful ang plano 'di ba? Ang brilliant ko talaga!" anito pa.

Mabilis na binatukan ni Brad si Lander, ang kaibigan nilang bagong dating, bago pa
niya magawa ang mismong ginawa nito.

"Ulol! Brilliant mo mukha mo! Nakita mong na-uwi sa ospital si Ian o!" ani Brad.

"O, e anong kinalaman ng 'silent treatment' niya sa chicabebs niya ng katangahan ng


bubog na tumusok sa paa niya?" ani Lander.

"'Yung tangang bubog kasi, galing sa nabagsak na baso-"

"Pitsel," pagtatama niya.

"Pitsel ng chicabebs niya. Kaya ayan, ospital ang bagsak," ani Brad.

"E sino ba naman kasing tanga ang bibili ng pitsel na babasagin? May plastic naman?
Magaan pa?"

Inis na tinitigan niya ang dalawa.

"Pag-untugin ko kaya kayong dalawa?" aniya.

Tumawa lang ang mga ito sa kanya bago lumayo. Alam kasi ng mga ito na pag-uuntugin
niya talaga ang mga ito.

"Pat? Sa inyo na muna ako titira," aniya.

"And why is that?" ani Patrick na hindi pa rin ibinababa ang hawak na magazine.

"Hindi ako papayag na magkahiwalay kami ni Joy. Please, Pat? Pumayag ka na. Kahit
ako na ang maging tagalinis ng kwarto mo ayos lang. Pagsisilbihan pa kita. Basta
kasama ko si Joy."

"Sigurado ka?" tanong nito.

Mabilis na tumango siya.

"Oo! Oo!"

Sabay sa pagsabi niya noon at bumukas ang pinto at pumasok si Joy bitbit ang isang
bag. Naguguluhan pang tinignan nito isa-isa ang mga lalaking naroon sa kwarto niya.

"Joy! Sa mansyon ka na uli titira!" ani Patrick.

"Huh? Bakit?" nagtatakang tanong ng dalaga.

"Pagsisilbihan ako nitong si Ian 'pag doon kayo titira e," anito pa.
Binato niya agad ito ng unan niya. Mas pinaniwalaan niya pa man din ang sinabi nito
kesa kay Brad. 'Yun pala ay niloloko lang siya nito.

Tawa naman nang tawa ang dalawa sa kabilang gilid niya.

"Magsilayas na nga kayo!" aniya.

Kumilos ang tatlo pero may pahabol pang sinabi si Lander.

"Sus, gusto niya lang masolo 'yung chicabebs niya. 'Kita niyo, pinagpalit na tayo
sa babae!" anito bago pa maisara ang pinto.

Nang tignan niya si Joy, poker face lang ito. Ibinaba nito ang bag na dala bago
pinulot ang unan na ibinato niya kanina kay Patrick.

Pinagmamasdan niya lang ang bawat kilos nito. Dahan-dahan ang ginawa nitong
paglapit sa kama niya at inilagay sa ulunan niya ang unan. Nakatitig siya rito pero
hindi ito tumitingin sa kanya. Akmang aalis ito sa tabi niya kaya naman hinila niya
agad ito sa braso.

"Thank you," aniya bago ito niyakap ng mahigpit.

to be continued...

Join my group. Mas madalas akong mag-announce doon. Thanks.

Lungga ni Purplenayi (https://www.facebook.com/groups/purplenayi)

=================

Chapter Twenty Six

"I love you," ani Ian nang ilang segundo na siyang nakayakap kay Joy.
Hindi ito sumagot pero hindi rin naman inalis ang pagkakayakap niya.

"I love you, I love you, I love you..." paulit-ulit pang sabi niya. Umaasa na
maniwala na ang dalaga sa nararamdaman niya.

Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi pa rin kumilos si Joy. Sasabihin niya pa
sana uli na mahal niya ito pero inalis nito bigla ang pagkakayakap niya.

Napatitig siya sa dalaga habang nakatalikod lang ito sa kanya. Kapagkuwan ay


humarap din ito pero hindi tumitingin sa mga mata niya.

"Magbihis ka na. Uuwi na tayo," anito.

Kinuha niya ang iniabot nitong bag saka bumuntong-hininga. Hinayaan niya na lang
muna itong lumayo ng kaunti sa kanya habang hindi tumitingin marahil ay para
makapag-bihis siya.

Nangmatapos sa pagbibihis, kinuha niya ang saklay saka lumapit kay Joy. Nagulat pa
ito sa biglang pagkapit niya sa braso nito.

"Ready ka na?" tanong ni Joy.

Nakangiti pang tumango siya.

"Okay. Tara na." Nagpatiuna na itong lumabas ng kwarto. Hinayaan niya na lang muna
ito. Sa isip niya ay hindi pa siguro handa ang dalagang kausapin siya.

Nagulat pa siyang paglabas nila ng kwarto ay naroon pa ang tatlong kaibigan niya.

"O, ang bilis niyo naman? Mahina ka tala-" bago pa matuloy ni Lander ang sinasabi
at dinagukan na agad ito ni Patrick.

"Need help? Ihahatid ko na kayo," ani Patrick.

"Hindi na, kuya. Ako nang bahala. Salamat sa inyong tatlo sa pagbabantay kaninang
wala ako," ani Joy.

Hindi niya mapigilang mapangiti nang malapad sa sinabi ng dalaga.

Pakiramdam niya kasi, sobrang halaga niya rito para ipagpasalamat pa nito ang
pagbabantay sa kanya samantalang mga kaibigan niya naman ang mga 'yun.

"Wala 'yun. Basta ikaw," ani Brad sabay kindat kay Joy.

Pinaningkitan niya ito ng mata. Kahapon pa siya napipikon sa pagpapa-cute nito sa


dalaga.

Isa pa, sasamain ka sa'kin, he mouted as he passed Brad.

Binelatan pa siya ng binata na lalo niyang ikinainis.

Pinilit niyang makisabay sa lakad ni Joy na halata namang binabagalan lang din ng
dalaga dahil nga sa naka-saklay siya. Nang tuluyang makasabay, inakbayan niya agad
ito. Hindi naman umangal si Joy at inalalayan na lang siya.

~*~

"Saan ang punta natin?" tanong ni Ian sa kanya.


Hindi niya ito tinignan at nag-focus lang sa daan.

"Mag-be-breakfast," aniya.

Hindi na kasi siya nakapag-almusal simula nang umalis siya sa ospital at umuwi para
magbihis at kumuha ng mga damit ni Ian. Binalak niya talagang pag-uwi na lang saka
sila kakain ng almusal.

Sa Lovie Patty niya dinala si Ian. Balak rin kasi nilang magkita ng kaibigan niyang
si Jenelle dahil may ibibigay ito sa kanya. Dahil nga tambay 'yun ng resto ng kuya
niya, doon sila madalas na magkita.

~*~

Hindi mapigilang maalala ni Ian ang ilang engkwentro nila ni Joy sa resto ni
Patrick pagpasok pa lang nila roon. Madalas niyang asarin ang dalaga noong mga bata
pa sila sa hindi niya malamang kadahilanan. Iniisip niya noon, natutuwa lang siya
sa tuwing iniirapan siya nito. Ngayon, alam niya na kung anong totoong dahilan.

Sa buong pagkakakilala nila noon, isang beses lang siyang pinansin ng dalaga. Nang
unang

beses na ipakilala ito sa kanya ng kaibigan niya. Pero dahil na-cute-an siya rito
nang makita niya ang mukha nito at inasar niya agad. Simula noon, hindi na siya
pinansin ng dalaga at lantarang ipinapakita ang inis tuwing nakikita siya.

Na-isip niya ang isang beses na nakita niya ito sa resto na 'yun.

Nilapitan niya si Joy na nagbabasa ng isang romance pocket book sa isang sulok.

"Nagbabasa ka pala ng ganyan?" aniya.

Tinignan lang siya nito sandali saka inirapan. Kinulit niya pa ito ng kinulit
hanggang sa tumawag ito ng waiter at ipinabalot na lang ang kinakain.

Sandali pa lang itong nakakalayo sa kanya nang hindi niya napigilang mapa-bulong,
"ang cute mo talaga."

"Sinong cute?"

Napamulagat siya nang magsalita si Joy sa tabi niya.

"Ano, nasobrahan ka na sa gamot? Nakatingin ka sa kawalan tapos may cute?" Sinundan


pa nito ang tingin niya saka nagkibit. "Kunsabagay, cute naman talaga 'yung dahon,"
anito pa bago nagpatiuna sa isang mesa na pandalawahan.

Naka-upo na ito nang makalapit siya sa mesa. Uupo na rin sana siya sa katapat na
silya nito nang tumayo ang dalaga at inalalayan siya paupo para hindi niya maitapak
ang paa niyang may sugat.

Ilang minuto rin na tahimik lang sila. Umorder lang ng pagkain si Joy, pagkatapos
ay tumingin na lang sa labas ng resto at mukhang walang balak na tumingin sa kanya.

Naisip niya ang dahilan kung bakit ito nagagalit. Ang nakita nitong nangyari sa
kusina. Magpapaliwanag na sana siya pero bigla na lang may yumakap kay Joy mula sa
likod nito.

"Jooooy!" sabi ng babae at bumeso pa sa dalaga.


"O, JL. Nandito

ka na pala," ani Joy.

"Yup! Na-miss kita, super!"

May iniabot na brown envelope ang babae kay Joy matapos sabihin 'yun.

Nakatitig lang siya sa dalawa. Sa buong umaga na magkasama sila ni Joy, noon lang
ngumiti ang dalaga. Napa-kunot ang noo niya at tinitigan ang babae.

Ni hindi man lang mapansin ng mga ito na naroon siya. Nang hindi na matiis ang
pang-iignora sa kanya ay tumikhim siya.

Sabay pang napalingon sa kanya ang dalawa.

"O, may kasama ka pala," sabi ng babae na dumating.

Sa tantya niya sa tingin nito sa kanya ay mukhang may galit ito sa kanya na hindi
niya mawari. Para bang ayaw siya nitong makita roon.

Anong problema ng babaeng 'to?

"Uh, oo nga pala. JL, si Ian. Ian, si Jenelle, kaibigan ko," sabi lang ni Joy bago
bumaling ulit kay JL.

Wala na siyang nagawa kundi panoorin na lang ang dalawa habang nag-uusap.

"Uy, 'wag mo 'kong iindyanin mamaya ha!" malakas na sabi ng babae mayamaya. Noon
niya lang napansin na mukhang paalis na 'to.

"Oo naman. Ako pa ba? Sige na, umuwi ka na muna," nakangiti pang sabi ni Joy.

"Yey! Thank you!" Bumeso ito kay Joy at bago tumalikod ay sinabing, "Love ya!"
Pagkatapos nun ay kumaway ito patalikod habang palabas ng resto.

Hindi niya naiwasang mag-smirk. Love ya? Tss. Ano 'to, kaya walang anu-anong
napalayas si Rihanna kasi may kapalit na?

Inis na kumain si Ian nang dumating ang order nila. Padaskol siyang kumuha un kung
minsan at alam niyang napaptingin si Joy pero hindi siya nag-aangat ng tingin.

"Ian," mayamaya ay tawag sa kanya ni Joy.

Kunot

pa ang noong nag-angat siya ng tingin.

Nagulat pa siyang nakatapat sa bibig niya ang tinidor ni Joy na may hiwa ng burger.

"Tikman mo 'to. Bagong recipe ni Kuya."

Sandaling tinitigan niya muna 'yun bago niya isinubo. Nang mag-angat siya ng
tingin, nakagiti sa kanya si Joy.

"Masarap 'di ba?" tanong nito. Tumango siya bilang sagot. "Hay naku, buti pa si
Kuya nakuha 'yung galing ni Mama sa pagluluto. Samantalang ako, nakuha 'yung galing
ni Papa sa pag-kain." Tumawa pa ito kapagkuwan.
Napangiti siya sa tawang 'yun ni Joy. Pakiramdam niya kasi, bigla na lang lumiwanag
ang buong resto.

"'Di bale, nagpa-practice na ako. Mamaya, ipatitikim ko sa'yo ang luto ko."

~*~

Hindi maitago ni Ian ang excitement nang nagluluto na si Joy. Though biglang
nagbago ang mood nito pagpasok nila sa bahay, pagdating ng alas-diyes ay lumabas
din ito ng kwarto at nagpunta sa kusina para magluto. Buong oras na 'yun, naghintay
lang siya sa sala para sa pagbaba ng dalaga.

Halatang nagulat si joy nang makita siyang pumasok ng kusina.

"O, magpahinga ka na muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita pagkatapos kong
magluto," anito sa malamig na boses.

Ngumit siya saka nagsalita.

"Gusto kitang panuorin," aniya.

Nagkibit lang ng balikat si Joy saka tumalikod para kumuha ng ilan pang sangkap ng
lulutuin nito. Naupo siya sa kabisera kapagkuwan. Nang humarap sa kanya si Joy,
nakita niya ang galot na biglang lumabas sa mga mata nito. Umiwas agad ito ng
tingin pero naroon pa ring ang hindi niya maipaliwanag na galit sa mukha nito.

Napa-isip siya bigla at naalala ang nangyari

kahapon lang sa mismong kina-uupuan niya. Napabuntong-hininga siya at sinubukang


magpaliwanag.

"Joy, I-"

"Kung gusto mong makakain ng matino, manahimik ka na lang d'yan," putol nito sa
sinasabi niya.

Marahang tumango siya at tumayo. Pagkatapos ay lumipat siya ng pwesto. Nakita niya
pang sinundan siya ng tingin ni Joy pero hindi na ito nagsalita at nagpatuloy na
lang sa ginagawa.

~*~

Sa totoo lang ay kinakabahan si Joy sa magiging reaksyon ni Ian sa niluto niya.


Simpleng sinigang lang 'yun na natutunan niya sa Mama nito. Abot langit ang dasal
niyang matino ang lasa nun.

Nakadagdag pa kasi sa pressure ang panonood nito sa kanyang magluto kanina.


Pakiramdam niya tuloy, hindi masarap ang timpla niya.

Hindi siya humihinga habang humihigop ng sabaw si Ian. Nakatitig siya rito at
hinihintay ang magiging reaksyon nito.

KInabahan pa siyang lalo nan gkumunot at noo nito. Pero bigla rin itong ngumiti
nang malapad saka humigop pang muli ng sabaw.

"Ang sarap! Parang luto ni Mama pero mas masarap," anito. "Parang kay Mama talaga
e. Pero may iba. Mas gusto ko 'to," anito saka nilantakan ang pagkain.
Natuwa naman siyang marami itong kinuhang pagkain. Pakiramdam niya tuloy, ang galin
galing niya na.

"Actually, kay Mama ko 'yan natutunan," aniya.

Napa-angat ng tingin si Ian. Malamang, hindi nito inaasahan ang sinabi niyang 'yun.

"These past few days, kung wala ako sa bahay naroon ako sa bahay nina Mama.
Nagpaturo akong magluto. Para sana mapagluto na kita ng matinong pagkain,"
paliwanag niya.

Napapitlag siya nang bigla na lang tumayo si Ian

at lumapit sa kanya.

"Thanks," anito bago siya niyakap. Pero hindi pa man ito nakakatagal ng yakap sa
kanya ay dumaing na ito. "Aww," anito sabay tingin sa paa. Nang makitang hindi
naman 'yun dumugo ay yumakap uli ito sa kanya.

Napapa-iling na lang na hinayaan niya ito.

~*~

Alas-tres ng hapon nang dumating si Joy sa Lovie Patty. Nakita niya agad sa isang
sulok si Jenelle at ilapitan ito.

"Hey, JL!"

"Joy! You're here!"

"Of course." Inibaot niya rito ang brown envelope na ibinigay nito sa kanya ng
umaga. Naroon siya para ibalik na 'yun rito dahil nagawa niya na ang kailangan niya
roon. "Here. Thank you talaga, JL. I owe you a lot," aniya.

"Nope. It's all you. Taga-dala lang ako ng envelope," natatawang sabi ni JL.
"Choosy kaya sila kaya hindi ko madadaan sa charm ko lang kung sakali. So believe
me, nagustuhan ka talaga nila," anito.

Ngumiti siya nang malapad saka tinitigan ito.

"Anyway, here." Inilapag niya sa mesa ang regalong binili niya kanina sa mall.
"Happy birthday!" aniya.

Halatang nagulat ang dalaga sa ibinigay niya. Hindi siguro nito inakalang ma-aalala
niya ang birthday nito. Isang beses lang kasi nito 'yun nabanggit.

"OMG!" anito at mangiyak-ngiyak pang kinuha ang regalo. "Naalala mo! Buti ka pa,
samantalang 'yung mga tao sa bahay ni hindi naalala," malungkot na sabi nito.

"'Wag ka nang malungkot. Nandito naman kami para mag-celebrate kasama mo," aniya.

Sinenyasan niya ang mga waiter para sa surprise nila sa dalaga. Noong nakaraang
linggo pa nila pinlano ito. Nawala na nga sa isip niya dahil sa mga nangyari.

Buti na lang napa-alala sa kanya ng isa sa mga waiters kanina.

Nagsilapit na ang mga waiter at may dala pang kawali at tabo ang iba para gamiting
musical instrument. Sabay-sabay itong kumanta ng birthday song at tuwang-tuwa
namang pumalakpak si JL kasabay ng beat.
Nang matapos ang kanta, gulat na gulat itong nahawi sa gitna ang mga waiter at
dumaan doon ang Kuya Patrick niya bibit ang isang cake. Hindi maalis ang ngiti niya
sa nakikitang saya sa mga mata ng dalaga. Lalo pa nang lumapit sa harap nito ang
kapatid niya at pinahipan ang cake.

"Happy birthday, JL" ani Patrick saka humalik sa pisngi ng dalaga.

~*~

Isang oras lang at umalis din agad si Joy sa birthday celebration ni JL. Gutso niya
kasing pagbigyan nito na makasarilinan ang kapatid niya. Mabuti na lang at
napapayag niya ang kapatid. Idinahilan niya kasing kailangan na siya ng Ian kaya
naman um-oo na lang ito.

Pagkarating niya ng bahay ay nadatnan niya si Ian na nanood ng TV sa sala. Sa


hitsura nito, mukhang hindi naman talaga nanonood at hinihintay lang siya. Oggy and
the cockroaches ba naman ang palabas e. O baka naman nanonood talaga siya? Isip
bata talaga.

"Nag-merienda ka na?" tanong niya kahit na alam niyang hindi pa.

Nakasimangot na umiling ito. Tinabihan niya ito sa sofa at ini-abot ang tinake-out
niyang pagkain.

"Kain na," aniya.

Hindi ito umimik at kumain na lang. Pagkalipas ng ilang minuto at tumayo siya para
sana magpunta sa library. Pero bago pa man siya makahakbang, nahawakan na nito ang
kamay niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Dito ka lang,"

ani Ian.

"Pero may kailangan akong gawin," aniya.

Sumimangot ito pero binitawan ang kamay niya. Nagdalawang-isip bigla siya kung
iiwan ba niya ito o babalik sa pag-upo. Sa huli, naglakad din siya palayo rito at
nagpunta ng library. May kailangan kasi siyang tapusin at hindi siya pwedeng mag-
aksaya ng panahon.

~*~

Mag-aalas-dose na nang lumabas uli ng library si Joy. Kanina, lumabas lang siya
para magluto at kumain pero bumalik agad siya para matapos na ang ginagawa.

Naabutan niya si Ian na nasa sofa ng sala at nakahiga. Naiiling na nilapitan niya
ito at ginising.
"Ian... sa kwarto ka na matulog," aniya.

Sandalig nagmulat ng mata si Ian bago dahan-dahang bumangon. Mukhang hindi nito
intensyon na makatulog dahil bukas pa ang TV at hawak nito ang remote.

"Anong oras na?" anito.

"Alas-doce. Tara na, sa kwarto ka na matulog," aniya.

Tumango naman ito at tumayo. Umalalay agad siya dahil hindi pa nito pwedeng mai-
tapak ang isang paa dahil baga bumuka ang sugat nito.

Kinuha nito ang saklay pero hindi siya umalis sa tabi nito at siya na ang umalalay
hanggang sa makarating sa kwarto nito. Hanggang sa makahiga, naka-alalay pa rin
siya.

Lalabas na sana siya ng kwarto nito nang pigilan siya.

"Dito ka na matulog... please?" ani Ian.

Tinignan niya lang ito sandali bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

~*~

Napapikit na lang ng mariin si Ian nang sumara ang pinto. Sinubukan niya lang naman
talagang hilingin kay Joy na doon na muna matulog. Baka sakali lang na makalusot.
Pero hayun, ano pa nga ba ang aasahan niya. Syempre lumabas

ito ng kwarto niya.

Ilang minutong nakatitig lang siya sa kisame. Nawala bigla ang antok niya. Gustong-
gusto niya nang maayos ang lahat sa kanila ni Joy. Ang makapag-paliwanag siya pero
sa tuwing susubukan niya, pinipigilan naman siya nito.

"Hay, ano bang gagawin ko sa'yo, Joy?"

Muntik na siyang mapabangon nang bumukas ang pinto ng kwato niya at pumasok si Joy.
Nakatitig lang siya rito habang papalapit ito sa kanya.

"Inumin mo 'to," ani Joy at inabot sa kanya ang isang baso ng mainit na gatas.

Kinuha niya naman 'yun pero hindi niya inaalis ang tingin kay Joy. Hindi niya
mapigilang matuwa sa ginawa ito.

"Ubusin mo na 'yan. Nang makatulog ka na," anito pa.

Akala niya ay lalabas na ito ng kwarto niya pagkasabi nun. Pero imbis na sa pinto
ito nagpunta ay umikot ito sa kabilang bahagi ng kama niya at nahiga. Hindi siya
magkamayaw sa pag-ngiti habang tinitignan itong nakahiga patalikod sa kanya.

Inubos niya agad ang gatas saka humiga nang malapit rito. Kapagkuwan ay niyakap
niya ang dalaga mula sa likod.

"I love you," bulong niya sa buhok nito.

"I know," anito.

Bahagyang natawa siya sa sagot nito.


"'Yung kay Rihanna..." Hinintay niyang pigilan siya nito sa pagpapaliwanag pero
hindi 'yun dumating. Alam niya ring gising pa ito base sa paghinga nito. "I don't
have a realasionship with her. I swear, ilang linggo akong umiiwas sa pang-aakit
niya. At never akong bumigay dahil well, hindi naman siya kaakit-kait para sa'kin
and besides, ikaw lang ang gusto ko. Noong nakita mo kami sa kusina, kagigising ko
lang nun. Masakit ang ulo ko at umiinom ako ng kape ng mga oras na 'yun. Nagulat na
lang ako nung bigla siyang umupo sa kandungan ko at pilit na isinusubsob ang mukha
ko sa dibdib niya. Then the moment I succeeded on pushing her, nakita naman kitang
naroon sa pinto. I swear to God, Joy, I never cheated on you. And I never will..."

"Why were you avoiding me for the past week?" tanong nito.

Bahagyang tumawa siya. "That was Lander's idea. Naghihimutok kasi ako sa kanila at
sabi ko, hindi mo ako pinapansin. Na parang ayaw mo akong maka-usap-"

"I was just busy. It doesn't mean na ayaw kitang maka-usap," anito.

"Really?" aniya. "Well, anyway. Sabi niya, I should give you a silent treatment.
One week tops, ikaw pa raw mismo ang lalapit sa akin. Though hindi mo lang alam na
sukong-suko na ako nun at hindi ko na kayang hindi ka maka-usap."

Hindi nagsalita si Joy. Hinintay niyang magsalita ito pero ilang sandali na ay
hindi pa rin ito umiimik. Sa tantya niya, hindi ito naniniwala sa mga sinabi niya.

"Joy, please-"

"I believe you," anito.

Nagulat man, mabilis na napangiti siya. 'Yung tatlong salitang 'yun lang ang gusto
niyang marinig sa mga oras na 'yun at 'yun ang nakuha niya.

Niyakap niya nang mahigpit ang dalaga bago hinalikan ang batok nito.

"Thank you. I love you so much!"

to be continued...

=================

Chapter Twenty Seven


"Good morning!" nakangiting bati ni Ian kay Joy.

Kanina pa siya gising at pinapanood lang ang mahimbing na tulog ng dalaga. Ilang
araw na rin ang nakalipas simula noong pinalayas nito si Rihanna at simula noon,
lagi na silang magkatabing matulog. Though medyo cold sa kanya si Joy, ayos lang sa
kanya. Ang mahalaga, naniniwala ito sa kanya.

"Anong oras na?" medyo nakapikit pang tanong ni Joy.

"Almost seven," aniya.

Bahagyang tumango ito saka huminga ng malalim.

"Papasok ka na ngayon sa opisina?" Tumango siya. "Kaya mo na ba?" tanong pa nito.

"Yup! Saka kailangan na ako dun e," aniya.

"Okay," anito bago tumayo. "Ipaghahanda na kita ng almusal.

Sinubukan niyang halikan ito bago tumayo pero bago pa man lumapat ang mga labi niya
sa pisngi nito, mabilis na itong nakalayo sa kanya.

Malungkot na sinundan niya na lang ito ng tingin palabas ng kwarto.

Walang ganang tumayo siya at pumunta sa closet para kumuha ng damit. Hindi niya
mapigilang mapangiti nang makita roon ang mga damit ni Joy. Kahit na ba ilang araw
na simula nang ilipat nila 'yun doon, hindi pa rin siya makapaniwala hanggang
ngayon na magkasama na talaga sila sa kwarto.

Pero hindi niya pa rin mapigilang malungkot. Oo nga't magkasama sila, oo nga't
sinabi nitong naniniwala ito sa mga sinabi niya, pero hindi niya maramdaman.
Pakiramdam niya, nagdududa pa rin naman talaga ito. Palagi na lang ay malamig ang
pakikitungo nito sa kanya kahit na ba palagi siya nitong sinasamahan.

Naiiling na kumuha na lang siya ng maisusuot, inilapag 'yun sa kama saka pumunta ng
banyo para

maligo.

~*~

Napag-pasyahan ni Joy na maglinis ng buong bahay. Mahigit isang linggo na rin kasi
simula nang makapaglinis siya ng lahat ng gamit. Puro sahig lang ang nalilinis niya
nang mga nakaraan.

Abala siya sa pagpupunas ng flower base na malapit sa puno ng hagdan nang may
mapansin siya sa sulok ng kisame. Nanlaki bigla ang mga mata niya nang maalala kung
ano 'yun.

'Yung CCTV!

Mabilis na tumakbo siya sa library kung saan naroon ang computer kung saan
nakalagay ang recording device ng CCTV na ipinakabit niya isang beses na napadaan
siya sa mall. Ang totoo, wala naman siyang balak na bumili ng ganoon dahil hindi
naman talaga nila kailangan dahil mahigpit ang security sa lugar nila. Sabi niya
nga "nagpa-uto" siya dun sa salesman kaya nagpakabit siya.

Tatlo lahat ng 'yun. Isa sa second floor na kita ang pinto ng mga kwarto nila. Isa
sa sala at mayroon ding isa sa kusina.
Hinanap niya agad ang mga naka-record doon nang makarating siya sa lumang computer
na nasa pinaka-sulok ng library. Hindi na 'yun nagagamit kaya naisip niyang doon na
lang ikabit ang CCTV para magka-pakinabang naman.

Nai-rewind niya 'yun sa araw at oras na nakita niya sina Ian at Rihanna sa kusina.
Kabado pang nai-play niya 'yun.

Tumulo bigla ang luha niya sa napanood. Nasapo niya pa ang dibdib niya habang
patuloy na pinapanood ang mga nangyari.

Pumasok si Ian sa kusina habang pinipisil ang sintido. Sa coffee maker agad ito
nagpunta at nagtimpla ng kape. Na-upo ito sa kabisera ng mesa habang humihigop ng
kape. Ilang beses rin na minamasahe nito ang sintido nang biglang pumasok si
Rihanna.

Ilang

beses pang lumingon ang dalaga sa labas na tila may hinihintay. Mayamaya ay
nagmamadali nitong hinubad ang pang-itaas kasabay ng bra at ibinagsak iyon sa sahig
kalapit ni Ian. Walang anu-anong kumandong ito paharap sa binata at idiniin ang
sarili sa mukha ng huli.

Ilang segundo lang, dumating siya roon at nakita ang dalawa. Nakita niya pang
bumagsak ang hawak niyang pitsel kasabay ng pagtulak ni Ian sa dalaga.

Pagtakbo niya palabas ay hinabol agad siya ng Ian at doon ay natapakan nito ang isa
sa mga bubog. Iika-ika man ay tumakbo pa rin si Ian at sinundan siya. Nakita niya
pa ang maraming dugo na nagkalat sa sahig bago niya nai-pause ang video.

Pinunasan niya ang mga luha habang tumatawa. He's telling the truth! Kalahati ng
puso niya ay nagdududa pa rin kahit na sinabi nitong wala talaga itong kasalanan.
Sino ba naman kasing hindi 'di ba? Nakita ng dalawang mata niya na nakasubsob ito
sa dibdib ni Rihanna at nasasaktan siya.

Naalala niya ang ilan pang sinabi ni Rihanna. Well, mas nasarapan siguro siya sa
akin kasi napansin kong ako na ang lagi niyang kaniig nitong mga nakaraang araw. At
puno ng alaalang 'yun ang bahay na 'yan. Sa kwarto niya, sa banyo, sa kwarto
natin... Sa hagdan, sa kusina, sa sala... name it. Nagawa namin 'yun sa lahat ng
parte ng bahay na 'yan. And oh, pati sa library nung nawala ka isang hapon.

Napatiim siya sa naalala bago nai-rewind pang muli ang video recordings.

Naghahanap siya ng eksena kung saan magkasama sina Ian at Rihanna pero naka-ilang
araw na siya, wala siyang makita. Itinitigil niya ang pag-rewind nang makita si Ian
na

nakaharap sa pinto ng library. Alam niyang naroon siya dahil sa "Do not disturb"
sign.

Nakatitig lang ito sa pinto nang una, pagkatapos ay itinaas ang kamay para kumatok.
Pero bago pa lumapat ang kamao nito sa pinto ay tumigil din ito at bumuntong
hininga na lang. Ilang minuto rin itong nakatitig lang sa pinto bago umalis at
umakyat sa kwarto nito.

Nakatuwaan ni Joy na panoorin ang mga araw na nasa harap ng pinto ng library si
Ian. Isa roon ay nakaupo lang ito habang nakasandal sa pintuan. Nang bigla na lang
itong tumakbo at nagtago sa likod ng pang-isahang sofa. Ilang segundo lang ay
lumabas siya ng library. Hindi niya napigilang matawa. Naghihintay ito pero nang
lumabas na siya, nagtago naman!

Isa pang araw ay nasa harap ng pinto ng library si Ian. Nakasimangot lang ito at
kapagkuwan ay niyakap ang pinto. Napahagikgik na lang siya sa hitsura nito. Mukha
kasi itong tangang yakap ang pinto.

Naalala niya tuloy ang isang gabi na narinig niyang may pagkatok sa pinto ng
library. Though hindi naman 'yun katok talaga kasi isang beses lang. Nang makita
niya ang isang bahagi ng video ay naintindihan niya na. Naroon si Ian sa harap ng
pinto ng library. Matagal itong nakatitig doon, mga ilang minuto rin. Hanggang sa
bigla na lang tumama ang noo nito sa pinto. Mukhang naka-idlip ata habang nakatayo.
Mabilis na tumakbo ito at nagtago.

Hindi siya tumayo nun sa pagkaka-alala niya. Hinintay niya lang na may kumatok ulit
pero wala na kaya nagkibit na lang siya ng balikat.

Ang huling nakita niya ang nagpatawa sa kanya ng malakas. Kakatok sana si Ian pero
hindi nito itinuloy. Inis na lang

na hinampas ang "do not disturb sign". Tumalikod na ito pero bumalik din agad saka
nakipag-sparing sa sign. Though hindi naman 'yun gaganti, seryosong-seryoso ito sa
pag-job sa sign.

Naka-ilang rewind pa siya nang makita ang isang eksena sa magkasama sina Ian at
Rihanna. Kinabahan siyang bigla sa ayos ng mga ito sa nadaanan niyang clip.

Mabilis na ni-rewind niya 'yun sa umpisa.

Pigil hiningang pinanuod niya ang mga eksena habang sapo pa ang dibdib niya.

Dumating si Ian at halatang lasing. Saktong papasok ito sa kwarto nito nang bumukas
ang kwarto nila ni Rihanna at lumabas ang dalaga. Lumapit agad ang huli kay Ian at
kina-usap ito. Base sa nakikita niyang kilos ni Ri ay halatang inaakit nito si Ian.

Mayamaya ay sarkastikong ngumiti si Ian.

Napasinghap siya nang yumakap sa leeg ni Ian ang dalaga habang itinutulak nito si
Ian papasok sa loob ng kwarto nito.

Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa screen. Malapit nang mamuo ang mga luha
niya nang ilang segundo lang matapos makapasok ang mga ito sa kwarto ay patalikod
na lumabas si Rihanna habang kasunod si Ian na itinutulak ang dalaga. Ang
nakapagpatawa sa kanya ay ang paraan ng pagtulak nito sa dalaga. Imbis na sa braso
o sa kung saan, sa mukha pa talaga nakalapat ang kamay ni Ian at malakas na
itinulak ang dalaga pagkalabas.

Nakita niya pang malakas na sumara ang pintuan ng kwarto ni Ian at inis na nag-
martsa si Rihanna pabalik sa kwarto nila.

~*~

Nakangiti pang lumapit si Joy sa babaeng nasa harap ng opisina ni Ian. Ngayon niya
lang ito nakita kaya naman napakunot bigla ang noo niya.

Nasaan si Louie?

"Uhm, hello! Nasa loob ba si Ian?" tanong niya rito.

"Hi, ma'am! May appointment po kayo?" tanong nito.


Napangiwi siya. Hindi niya naman masabi rito na asawa siya ni Ian kaya hindi niya
na siguro kailangan pa ng appointment.

"W-wala e," alangang sabi niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Hintay na lang po kayo roon. Nasa meeting pa kasi si Sir
kasama si Louie." Tumingin ito sa notebook na hawak. "By twelve babalik na po
sila," anito pa.

Tinignan niya ang itinuro nitong sofa saka tumango. Pero bago siya maupo roon ay
tinanong niya ang babae.

"Bagong sekretarya ka ba ni Ian?"

Tumango agad ito. "Opo. Bale isang linggo pa lang po ako," anito.

Naalala niyang two weeks ago nang sabihan niya si Ian na kumuha ng isa pang
sekretarya.

Napangiti siya bigla.

"Kamusta naman? Masaya ka naman ba?"

Napangiwi ng konti ang babae saka inilapit ng bahagya ang mukha sa kanya.

"Atin-atin lang po ma'am ha? Minsan po natatakot ako kay Sir e. May pagka-bipolar
po kasi. Noong bago ako, palaging naka-singhal. Tapos ngayon, medyo maayos na. Pero
nakakatakot pa rin. Sabi nga nung ibang empleyado, bipolar talaga 'yun."

Hindi niya napigilang matawa ng malakas.

"Wala ka namang balak na umalis niyan?"

"Naku ma'am, kaya naman po ng powers ko! Kailangan ko ng trabaho e. Kahit naman
ganun 'yung si Sir e generous magbihay ng sahod."

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Billie po."

Tumango-tango na lang siya at naupo na sa sofa.

Nang mapatingin siya sa ilang empleyado ay ngumiti ang mga ito sa kanya. Mukhang
kilala na siya ng

mga ito maliban sa bagong sekretarya ni Ian.

Mayamaya ay tumunog ang telepono. Dahil abala si Billie sa pagtipa sa laptop ay


sinagot nito iyon nang naka-loud speaker.

"Hoy babaita!" narinig niyang sabi ng nasa kabilang linya. Hindi pa ito
nakakapagsalita ay nagpatuloy na ang bading na tumawag. "Alam kong napansin mo nang
mabait 'yang si Ma'am Joy. Pero kung ako sa'yo, papapasukin ko na 'yan bago pa
dumating 'yung amo mong bipolar! 'Yan ang asawa ni Sir gaga ka!"

Namutla bigla si Billie habang nakatitig sa kanya. Mabilis nitong iniangat ang
awditibo kasabay ng pagtawa niya. Bumulong ito sa telepono pero rinig niya naman.
"Bwisit kang bakla ka! Sana nag-chat ka na lang! Narinig ni ma'am lahat!"

Nag-usap pa ang dalawa hanggang sa mabilis na tumayo ang dalaga at lumapit sa


kanya.

"Naku ma'am, pasensya na po hindi ko alam. Ba't 'di niyo po kasi sinabi?" anito.

Ngumiti siya rito. "Ayos lang," aniya.

"E ma'am, 'wag niyo po kaming isusumbong ha? Siraulo lang talaga 'yung baklang
'yun."

Tumawa lang siya saka tumayo. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto saka siya pumasok.

Naupo siya sa sofa na nasa gilid. Hindi 'yun masyadong kita mula sa mesa ni Ian
kung hindi mo lilingunin.

Ilang minuto lang ang lumipas, dumating na si Ian. Kasunod nito si Louie at Billie.
May sinasabi si Billie pero hindi pa ito nakakasalita ay sumingit na si Ian.

"You may take your lunch," ani Ian.

"Uhm, Sir-"

"I said you may take your lunch," medyo inis ang tonong sabi ni Ian.

Napatingin sa kanya si Billie at alam niya nang siya ang gustong sabihin

nito sa amo. Umiling na lang siya bilang pag-senyas na siya na ang bahala.
Bahagyang ngumiti ito sa kanya saka lumabas na ng opisina.

Isinandal ni Ian ang ulo nito sa swivel chair. Mukhang pagod na pagod ito base sa
hitsura. Mayamaya ay kinuha nito ang picture niyang nasa mesa. Napangiti siya nang
malapad sa ginawang iyon ng binata. Mayamaya ay kinuha nito ang cellphone at nag-
dial.

Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya mula sa bag. Nai-silent niya kasi
'yun dahil naiirita siya kapag tumutunog 'yun.

Tinignan niya muna si Ian na nakaharap na ngayon sa labas ng building saka sinagot
ang tawag sa mahinang boses.

"Yes?" aniya.

"Uhm, MJ?"

"Hmmn?"

Bumuga ito ng hangin bago nagsalita. "Nothing. Kumain ka na d'yan," anito.

"Hinihintay ko pa 'yung kasabay ko e," aniya.

Napa-angat ang likod nito sa sinabi niya. Kunot pa ang noong iniikot ang upuan at
ngayon ay nakikita niya na ang ekspresyon nito.

"Sino namang kasabay mo?" tanong nito.

Ngumiti pa muna siya saka sumagot.


"'Yung espesyal na tao sa akin."

Nagtiim bigla ang bagang nito at kumuyom ang kamao.

"Ganun ba? Sige mukhang nakaka-istorbo ako."

Bago pa siya makapagsalita ulit ay ibinaba na nito ang tawag. Nagmura pa ito at
akmang ibabato ang cellphone nang malakas na nagsalita siya.

"Mahal 'yang cellphone mo 'uy. Kesa mag-aksaya ka ng pambili ng bago, ibigay mo na


lang sa charity," aniya.

Napatingin agad ito sa gawi niya.

"MJ..." nakatulala pa ito sa kanya habang binabanggit ang pangalan niya.

Tumayo siya at lumapit sa mesa nito.

"Nagluto ako ng pananghalian natin," aniya. Itinuro niya ang lunch box na bitbit na
nakapatong sa center table.

Napangiti na rin ito kapagkuwan. Tumayo ito at pumunta sa sofa.

Pinapanood niya lang ito noong una habang excited itong binubuksan ang dala niya.
Mayamaya ay wala sa sariling lumapit siya rito at niyakap ang binata na ikinagulat
nito.

Nagulat man, gumanti agad ito ng yakap sa kanya at mas hinigpitan pa 'yun.

Nang maghiwalay sila ng yakap, walang anu-anong inilapat niya ang mga labi sa mga
labi ni Ian.

Muli ay napatulala ito sa kanya. Natawa na lang siya saka kinuha ang pagkain sa
mesa at iniabot dito.

"Kain na tayo."

to be continued...

=================

Chapter Twenty Eight

Tumayo agad si Joy mula sa pagkakaharap sa laptop niya nang marinig ang sasakyan ni
Ian.
Natatawa na lang siya pag naaalala ang nangyari kanina sa opisina nito. Ayaw siyang
pauwiin ng binata at niyakap pa siya ng mahigpit kahit na nasa pinto na siya.
Napagbuksan pa sila ng bagong sekretarya nito sa ganoong ayos.

Sisinghalan pa sana nito ang babae dahil hindi man lang kumatok pero pinigilan
niya. Sa huli, siya rin ang nasunod at umuwi siya para tapusin ang ginagawa.

Lalabas na sana siya ng library nang may maalala. Sa mga napanood niya sa CCTV,
nakakatawa ang hitsura nito sa tuwing tatambay sa harap ng pinto ng library.

Mabilis na pumunta siya sa computer sa sulok para panoorin ang mga gagawin ni Ian.

Pumasok ito sa sala at tumingin agad sa pinto ng library. Nakangiti pa ito nang una
pero nang makita ang "do not disturb" sign ay inis na hinampas nito iyon.
Humalukipkip ito saka tinitigan ang pinto. Pinag-iisipan siguro kung papasok sa
loob o hindi.

Natatawang pumunta agad siya sa pinto at binuksan 'yun.

Papatalikod na sana si Ian nang hilahin niya ito at walang anu-anong hinalikan sa
mga labi. Gulat na gulat ito sa ginawa niya pero yumakap din naman agad ng
mahigpit.

"Akala ko matagal pa 'yung ritwal mo sa harap ng pinto kaya binuksan ko na," aniya
nang maghiwalay ang mga labi nila.

Kumnot aad ang noo nito. Hindi maintindihan kung paanong nalaman niyang naroon ito
sa harap ng pinto. Ngumit agad siya nang malapad saka itinuro ang CCTV camera sa
isang sulok ng kisame.

"What the-"

Tumawa siya ng malakas

saka niyakap pa itong muli.

"Pasalamat ka na lang sa mga 'yan. Kundi, baka ten years pa bago mawala sa isip ko
ang mga sinabi ni Rihanna," aniya.

"What exactly did she say?"

Nag-dalawang isip siya kung sasabihin dito ang mga 'yun. Sa huli, napagpasyahan
niyang sabihin na rin.

"Sabi niya, you did 'it' in every corner of this house. I was so close to setting
this damn house in fire, you know," aniya.

Ngumiti ito nang malapad sa sinabi niya.

"That's how much you love me, e?" anito.

"What? I didn-"

"I love you more though," ani Ian saka hinalikan siyang muli sa mga labi.

Isinandal siya nito sa nakabukas na pinto ng library. Ramdam niya pa ang pagtama
nito sa pader bago idiin ni Ian ang sarili sa kanya.

Hindi niya na namalayan kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi nila. Ang
alam niya lang, mas masuyo ang bawat paggalaw ng mga labi nito.

Hindi siya pumalag nang maramdaman ang mga palad nito na pumasok sa t-shirt niya.
Hinahaplos nito ang tiyan niya at hindi niya maipaliwanag ang init na naggagaling
doon. Napaliyad pa siya nang dumako ang mga palad nito sa likod niya. Hindi niya
mapigilan ang mapaungol habang hinahaplos nito ang likod niya.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Ian nang bumaba ang mga labi nito sa leeg
niya. Napapikit na lang siya sa sensasyong nararamdaman niya.

Mayamaya ay naramdaman niyang iniangat nito ang t-shirt na suot niya. Itinaas niya
ang mga braso para tulungan itong alisin iyon.

Hindi nag-aksaya ng oras ang binata at inilapat muli ang mga labi sa leeg niya.
Napakapit siya sa pinto nang

bumaba pang muli ang mga labi nito. Naaalala niya ang pakiramdam ng mga labi ni Ian
sa dibdib niya at hindi siya makapaghintay na madamang muli iyon.

"Oh!" hindi niya napigilang sigaw nang lumapat ang mga labi ni Ian sa gitna ng mga
dibdib niya. Nanatili ito roon sandali hanggang sa kagatin nito ang tuktok ng
kanang dibdib niya sa ibabaw ng suot na bra.

Napasabunot siya sa buhok ni Ian nang hindi ito nakuntento at mabilis na inalis ang
panloob niya.

Dinama nito ang mga iyon at hinalikan siyang muli sa mga labi.

"Let's go to bed. Para tayong gumagawa ng homemade porn dito," anito.

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa CCTV camera. Nawala iyon sa isip niya
kanina.

Pinangko siya ng binata at dinala sa kwarto nila. Ibinaba siya nito sa kama at
akmang hahalikan siyang muli nang tumayo siya.

"Well, thanks for helping me strip pero kailangan na nating magbihis," aniya.

Naalala niya kasi bigla na may pupuntahan sila.

"What?" inis na sabi nito.

"Sabi ko, magbihis ka na. Pinapupunta tayo nina Mama sa kanila para sa dinner,"
aniya.

Tumawag ang hilaw niyang biyenan nang hapon at niyayaya silang mag-dinner sa bahay
ng mga ito. Um-oo naman agad siya dahil na-miss niya rin naman ang ginang. Sa ilang
araw kasi na tinuturuan siya nitong magluto, nagkalapit na sila ng husto.

Kumuha siya ng bihisan niya sa closet at nagsuot ng bra. Inalis kasi nito ang suot
niya kanina at iniwan 'yun sa harap ng library. Wala ring anu-anong nagtanggal siya
ng shorts. Nahihiya man, nagbihis siya sa harap ni Ian. Tutal, sabi nga nito dati,
nakita na nito ang lahat.

Pasimpleng

tinignan niya si Ian na nakatayo pa rin sa paanan ng kama. Hindi niya napigilang
mapatingin sa ibabang bahagi ng katawan nito. Napatawa siya ng mahina nang makita
ang dahilan ng pagmamaktol nito.
"It's better kung magsh-shower ka muna," aniya.

Pinaningkitan siya ng binata bago ito nakasimangot na naglakad papunta sa CR. Pero
bago ito pumasok roon, hinawakan niya ito sa braso saka hinalikan sa mga labi.

"Ihahanda ko ang bihisan mo."

Bahagya na itong ngumiti saka pumasok sa loob ng CR.

~*~

"Mga anak! Mabuti at nakarating kayo!" masayang bati sa kanila ng ina ni Ian.

"Hi, 'Ma!" ani Ian sabay halik sa pisngi nito.

"Hello po, Mama!" yumakap siya sa ginang saka humalik rin sa pisngi nito.

"Hija, naku linggo na rin ang nakalipas simula noong huling punta mo. Kamusta
naman?" tanong nito sabay ng paggiya sa kanila papasok ng bahay.

"Okay naman, 'Ma. Pasado naman sa panlasa ni Ian ang luto ko," natatawang sabi niya
saka tumingin kay Ian.

Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kanila.

"You taught her well, 'Ma," anito.

"That's good to hear! Kailan mo uli gustong magpaturo, anak?" tanong nito sa kanya.

"Hmn, tomorrow? Pwede po ba?" tanong niya.

Ngumiti ito nang malapad sa kanya. "Of course! Para mas mabuti, dito na kayo
matulog na dalawa."

Tumingin siya kay Ian para tanungin kung okay lang dito ang suhestyon ng ginang.
Tumango naman ito bilang sagot na ikinangiti niya.

"Yes, 'Ma. Dito po kami magpapalipas ng gabi," aniya.

~*~

Joy felt happy while having dinner with Ian's family. Pakiramdam niya kasi,

bahagi na talaga siya ng pamilya ng mga ito. Kahit si Christine, ramdam niyang
itinuturing talaga siyang kapatid.

Sa dating kwarto ni Ian sila tumuloy. Nasa shower lang ito sa mga oras na 'yun.
Siya naman, kanina pa naunang mag-shower.

Tinignan niya ang mga gamit nito sa kwarto. Para siyang pumasok sa kwarto ng isang
teenager. Well, sabi nga ng Mama ni Ian, hindi nila ginalaw ang mga gamit nito
simula nang humiwalay ito ng bahay nang maka-graduate ng college.

Napatitig siya bigla sa isang picture na nakapatong sa study table nito. Naaalala
niya ang araw na 'yun. 'Yun iyong araw na unang beses siyang nagpunta sa bahay na
ito. Pinilit silang kuhanan ng picture ng Mama ni Ian habang naka-akbay sa kanya
ang binata.

Hindi niya napigilang matawa ng malakas. Mukha kasing siyang iiyak ano mang sandali
sa hitsura niya. Mukha pati siyang ewan sa suot niya. Wala naman kasi siyang nanay
na nagtuturo sa kanya na mag-ayos ng sarili. Kaya ayan, mukha siyang ewan palagi.

Naaalala niya pa nang araw na 'yun, ang Mama pa ni Ian ang nag-ayos ng buhok niya.
Napangiti na lang siya sa alaalang 'yun. Kahit noon pa, parang anak na talaga ang
tingin sa kanya ng Mama nito.

Napadako naman ang tingin niya sa isa pang larawan na nasa sulok naman ng study
table.

Kinuha niya ang picute frame at tinitigan. Isa 'yun sa kopya ng graduation picture
niya noong high school. Naaalala niyang nabawasan ng isang kopya ang mga picture
niya at hindi niya na 'yun nakita pa uli.

Naiiling na lang na inilapag niya uli 'yun sa dating kinalalagyan nun.

Sakto namang pagkalapag niya ng picture

frame ay ang paglabas ni Ian ng banyo.

"So, hobby mong manguha ng grad pic ng iba?" natatawang tanong niya.

Napangiwi agad si Ian sa sinabi niya.

"Well, sobrang ganda mo kasi sa picture na 'yan kaya hindi ko napigilang kunin.
Alam ko pating nakita ni Patrick ang ginawa ko, hindi lang siya nagsalita," anito.

Natawa na lang siya sa sinabi nito.

Hmn, sobrang ganda?

Tumalikod siya rito nang mapansin na nakatapi lang ito ng tuwalya. Ibinaling niya
na lang muna ang pansin sa mga litratong naroon sa ibabaw ng study table nito.

Naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya pero hindi siya lumingon. Pumulupot ang
mga braso nito sa beywang niya bago siya hinalikan sa balikat.

Mabilis ang pagtibok ng puso niya. Napapikit na lang siya nang umangat ang halik
nito patungo sa leeg niya. Huminga siya nang malalim at iniangat ang leeg to give
him more access. Hindi niya ito pinigilan nang damhin nito ang mga dibdib niya sa
ibabaw ng suot na blouse. Nababaliw siya sa sensasyong idinudulot nito sa kanya.

Isang mahinang ungol ang kumawala sa bibig niya nang maramdaman ang kamay ni Ian sa
ibabang bahagi ng katawan niya. Kung noong una, sandali niya lang naranasan na
damhin siya nito sa bahaging 'yun ng katawan niya, mukhang sa pagkakataong ito ay
wala nang makakapigil pa sa binata.

Mahinang nagprotesta siya nang alisin nito ang kamay sa pagkababae niya.

Nagulat na lang siya nang hilahin siya nito papunta sa kama. Bago pa siya makahiga,
isa-isa na nitong inalis ang lahat ng saplot niya.

Hinalikan siya nito sa mga labi at pababa sa leeg niya.


Napasinghap siya nang maramdaman ang dila nito sa tuktok ng dibdib niya. Ang isang
kamay nito ay nasa isa niya pang dibdib habang ang isa pa ay naroong muli sa
pagkababae niya. Hindi niya mapigilang mapa-ungol nang laruin ng mga labi nito ang
dibdib niya habang ang isang daliri nito ay labas-masok sa loob niya.

"Ah! Ian... oh!"

Hinalikan siya nitong bigla sa mga labi habang naririnig niya ang mahinang tawa
nito. Hindi nito itinigil ang paglalabas-masok ng daliri sa kanya habang
hinahalikan siya.

"Keep it down. Hindi sound proof ang kwarto ko. Nasa kabila lang sina Mama at
Papa," natatawang sabi ni Ian.

Pakiramdam niya ay lalo pang namula ang pisngi niya sa sinabi nito.

"At sinong may kasalanan?" medyo inis na sabi niya.

Ngumiti nang malapad si Ian hinalikan siyang muli.

"Me," anito bago bumaba muli.

Pinilit niya mang pigilan, malakas na napasinghap siya nang maramdaman ang mga labi
nito sa ibabang bahagi ng katawan niya.

She felt something building inside of her. Mariing pumikit siya at hinigpitan ang
kapit sa bed sheets. Then something exploded in her. She collapsed in bed with a
heavy breathing.

Nakangiting iniangat ni Ian ang sarili nito hanggang sa magpantay sila. Akala niya
ay magiging isa na sila pero nagulat na lang siya nang halikan siya nito sa mga
labi bago ito tumayo.

"I think I'm gonna need another shower," anito.

Napatitig siya kay Ian.

"What about-"

"We'll get there once we're married... for real," anito saka naglakad patungo sa
banyo.

Ngumiti siya saka tinakpan ng kumot ang sarili.

"On our first night then," aniya saka pumikit para matulog.

*****

Happy New Year! Medyo late hahaha!


=================

Chapter Twenty Nine

Nagising si Joy na magkayakap sila ni Ian. Magkatapat ang mga mukha nila at bakas
ang ngiti sa mga labi nito. Itinaas niya ang kamay para haplusin ang mukha ng
binata.

"Good morning!" mahinang sabi niya para sana gisingin ito. 'Kita niya na kasi ang
araw sa labas ng bintana.

Umungol lang si Ian at hindi gumising. Hinila siya nito palapit pang lalo saka
niyakap ng mahigpit. Isang pulgada na lang halos ang layo ng mga labi nila.

Napangiti siyang bigla. Gumanti rin siya ng yakap saka hinalikan ito sa mga labi.

Ungol lang ang naging sagot ng binata kaya naman ipinagpatuloy niya ang paghalik
dito. Mayamaya'y naramdaman niya ang pagngiti nito sa mga labi niya bago ito
gumanti. Kumubabaw sa kanya ang binata hanggang sa tapusin nito ang halik.

"Good morning, sweetie," ani Ian saka hinaplos ang pisngi niya.

Nginitian niya lang ito saka tumingin sa may bintana.

"Anong oras na?" tanong niya.

Tumingin si Ian sa kung saan. Sa kinaroroonan siguro ng orasan bago sumagot.

"It's eight am. Let's go downstairs. Siguradong hinihintay tayo ni Mama sa


pagkain," anito. Tumayo na si Ian at kumuha ng bihisan.

"Baka naman nauna na sila. Late na e," aniya, patigilid na nahiga sa kama paharap
sa kinaroroonan ni Ian.

Tumingin sa kanya sandali si Ian saka biglang nag-iwas ng tingin.

"That's a great view but we must hurry," anito saka kumuha ng isa pang pares ng
damit sa closet. "Ito na muna ang isuot mo. Hihiram na lang tayo mamaya kay Tine ng
damit," anito pa at inilapag sa kama ang isang t-shirt nito at boxer shorts.

Napatingin siya bigla

sa sarili. Nawala sa isip niya na wala nga pala siyang saplot sa katawan at kitang-
kita ang buong dibdib niya. Mabilis na hinila niya ang kumot at itinakip sa sarili.

Hindi siya tumayo agad at hinintay itong matapos. Ang balak niya sana, susunod na
lang siya. Ayaw niya namang panuorin siya nitong mabihis.

"Hey, sweetie? Bakit hindi ka pa bumabangon?" natatawang tanong ni Ian.

"Uhh... susunod na lang ako," aniya.


Tumingin sa kanya si Ian ng mataman. "Nope, sabay tayong bababa," anito saka siya
hinila patayo.

Bahagyang napatili siya sa gulat. Hindi siya magkamayaw sa pagtakip sa katawan niya
nang nakatayo na siya sa harap ng binata.

"What? Kahapon lang nagbihis ka sa harap ko a?" tumatawang sabi nito.

Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya. Ewan niya ba kung bakit parang wala siyang
maramdamang hiya nang nakaraang araw.

Hindi na siya hinintay na sumagot ni Ian at ito na mismo ang kumuha ng boxer shorts
at isinuot sa kanya. Lalo siyang nakaramdam ng hiya dahil para siyang bata na
sinusuotan nito ng damit. Sunod na kinuha nito ang t-shirt at isinuot din sa kanya.

Hindi siya makatingin dito nang matapos. Ini-angat ni Ian ang mukha niya bago siya
nginitian.

"Ang cute mo talaga!" anito saka siya hinalikan sa mga labi.

Yumakap agad siya sa leeg nito at tinugon ang halik.

"Hmmn, we need to hurry. Baka gutom na gutom na si Mama," anito. "Iba na lang muna
ang kainin natin," sabi pa ni Ian saka tumawa ng malakas.

Hinila na siya nito palabas ng kwarto at papunta sa dining.

Naabutan nila sa sala ang Mama ni Ian na nagbabasa ng diyaryo.

"Oh! You're awake! Good morning!" nakangiti pang bati sa kanila ng ginang.

"Good morning po," aniya bilang pagbati.

Napatingin ang ginang sa suot niya at tila may naalala.

"Oh, oo nga pala. Ibinaba ito ni Tine kanina para ipahiram sa'yo. Hindi na namin
kayo kinatok sa kwarto dahil siguradong mahimbing pa ang tulog niyo."

Nag-init ang pisngi niya saka siya yumuko. Kahit hindi direktang sabihin ng ginang,
para na rin nitong sinabing, "narinig namin kayo kagabi. Malamang pagod kayo kaya
tanghali na kayong nagising."

"Uhm, m-magbibihis n-na po ako-"

Kukunin na sana niya ang mga damit pero pinigilan siya ni Ian.

"You can do that later. Kumain na muna tayo," anito.

Pumunta na sila ng dining room at naupo sa kanya-kanyang pwesto. Napansin niyang


wala roon si Christine at ang Papa ng mga ito.

"Nasaan po si Papa at Christine? Hindi po ba sila sasabay?" tanong niya.

"Naku, naka-alis na sila kanina pang alas-singko. Hindi na nga nahintay ang
niluluto ko e. Nagbo-bonding kasi ang dalawang 'yun sa golf tuwing Sabado. Malamang
naglalaro na ang mga 'yun ngayon sa Tagaytay," sabi ng ginang.

"Sa Tagaytay po?" tanong niya.


"Yup," si Ian ang sumagot. "Sama place kung saan tayo nagbakasyon last time."

Tumango-tango siya at nagsimula nang kumain.

Ilang minuto rin silang tahimik na kumain hanggang sa basagin ng Mama ni Ian ang
katahimikan.

"By the way, I've already taken care of your church wedding. Ang kailangan na lang
ay i-finalize ang date ng kasal. It will be on the day of your anniversary, am I
right?" tanong

ng ginang.

Tatango sana siya dahil 'yun naman talaga ang napagkasunduan nila pero naunahan
siya ng Ian.

"No, 'Ma. We'll marry on our sixth month anniversary. We only have almost three
months Kakayanin ba ng preparation?" tanong nito na ikinagulat niya.

Hindi nito nabanggit sa kanya na balak nitong agahan ang kasal nila. Kunsabagay,
hindi naman talaga nila napag-usapan ang kasal. Ang totoong balak nila,
maghihiwalay sila sa ika-anim na buwan nilang magkasama.

"Yes, of course. Mas maaga, mas maganda. I've been planning your wedding since last
year anyway. And as long as I want to have my grandchild, I want Joy to walk the
isle with a flat belly," anito sabay tawa ng malakas.

"'Ma! We're not having a baby until we're wed in church!" sabi ni Ian.

Napahawak siya sa pisngi niya na namumula na.

"Oh, don't be silly. You're husband and wife anyway. But still, I want to have my
grandchild after the church wedding."

~*~

Hindi isinuot ni Joy ang ipinahiram sa kanyang blouse at bra ni Christine. Tanging
ang shorts at underwear lang ang isinuot niya roon. Ang t-shirt pa rin ni Ian ang
suot niya nang lumabas ng banyo.

"Oh, ayaw mo ba nung blouse?" tanong ni Ian na naghihintay sa kanya sa labas ng


pinto.

"Ano kasi... hindi kasya 'yung bra," mahinang sabi niya. "Medyo manipis 'tong
blouse kaya kita 'yung..." Hindi niya maipagpatuloy ang sinasabi niya. Tumungo na
lang siya. Gets na ni Ian 'yun kung anong ibig niyang sabihin.

Napuno ng malakas na tawa ni Ian ang sala. Doon kasi sa CR na nasa first floor siya
nagbihis.

"Yeah, I get that. Medyo..."

Sumenyas lang si Ian gamit ang kamay nito na sinasabing malaki ang hinaharap niya.

Hinampas niya ito bigla sa braso na lalo pa nitong ikinatawa.

"Bastos ka talaga!" mahinang sabi niya rito.


"What? I'm just telling the truth! No need to be shy. I think it's really
beautiful. And it fits my hands perfectly," sabi pa ni Ian.

Nag-init ang mukha niya sa pinagsasasabi nito. Hindi niya kasi mapigilang maalala
ang mga oras na hawak nito 'iyon'. And yeah, it fits his hands perfectly.

Yumakap sa beywang niya si Ian mula sa likod saka siya hinalikan sa pisngi.

Bumitaw lang ito bigla sa kanya nang lumabas ang Mama nito mula sa kusina.

"Hija, come on. May ituturo ako sa'yong bagong recipe," anito.

Nakangiti pang sumunod siya rito papunta sa kusina. Excited na siyang matutong muli
ng bagong lulutuin niya para kay Ian.

"Pwede akong manuod?" tanong ni Ian nasumunod sa kanila.

"Nope. Doon ka na lang muna sa kwarto. Para surprise 'yung iluluto namin," aniya.

"Tsk! Ayoko, gusto kong manuod," sabi pa nito.

Naiiling na ngumiti siya rito.

"Panuorin mo na lang 'pag iluluto ko na uli para sa'yo, okay?" aniya.

Tinignan muna siya nito bago ito sumimangot. Pero sa huli naman, tumango rin ito at
umalis ng kusina.

~*~

Umuwi na rin sila kinahapunan. Gusto pa san silang patulugin doon ng isa pang gabi
ng ginang pero tumanggi na sila. Actually, si Ian lang. Mukhang may binabalak na
naman ito sa kanya.

Nagustuhan ni Ian ang niluto niyang mechado ng tanghalian. Ang sabi ng ng Mama ni
Ian, madali siyang turuan. Sinasabi lang nito kung anong dapat

gawin at siya na lang mismo ang gumagawa noon. Inakala niya pa ngang palpak ang
gawa niya pero hindi naman pala.

Alas-onse ng ng gabi nang mag-shower si Ian. Hindi na naman kasi ito napakali at
kung anu-ano na naman ang pinaggagagawa. At least, hindi na nila kailangang
tumahimik.

Nang lumabas ito at nahiga sa kama ay yumakap ito sa kanya.

"MJ?"

"Hmn?"

Tumahimik sandali si Ian bago nagtanong.

"Why are you so against on marrying me before? Ganun ba katindi ang pagka-ayaw mo
sa akin na kahit kailangang-kailangan niyo na ayaw mo pa rin?" tanong nito.

Nagkibit siya ng balikat. Hindi niya alam kung masasabi niya rito ang dahilan niya.

"Babae ba talaga ang gusto mo? Bakit pakiramdam ko gusto mo na rin naman ako?
Nagpapanggap ka lang ba ngayon? Please answer me, please?" malungkot na sabi nito.
Huminga siya ng malalim saka patagilid na humarap rito. Magkaharap na sila at
magkatapat ang mga mukha nila.

Huminga muna siya ng malalim saka sumagot.

"I don't really have anything against you. Hopeless romantic lang talaga ako. Noong
nakilala ko si Rihanna noon, ginamit ko siya para lang may maidahilan ako kung
bakit ayaw kitang pakasalan. Pero ang totoo, I want to marry for love. Not because
we need help. Besides, best friend mo si Kuya. I've seen what you can do and what
you will do for each other. Alam kong tutulungan mo siya kahit na hindi pa ako
magpakasal sa'yo. Akala ko nga dati mga bading kayo e," natatawang biro niya.

"But anyway, I actually thought that I have or I will have one of the most
wonderful love stories in history. Naaalala mo ba 'yung best friend ko noong bata
pa ako? 'Yung lagi kong kasama na ilang beses mo ring pinag-tripan?" Tumango ito
saka siya nagpatuloy. "Mahal ko siya noon hindi bilang kaibigan. I did everything
before para lang makita niyang babae rin ako at magustuhan niya rin ako. One day,
he did. Ang kaso, paalis na sila ng pamilya niya. That's actually the reason kung
paano niya nalamang mahal niya ako. Dahil magkakahiwalay na kami."

"He made a promise bago sila nag-migrate ng pamilya niya sa London. Ang sabi niya
sa akin, babalikan niya ako. At sa pagbalik niya, pakakasalan niya ako. So I
waited."

Napatulala lang sa kanya si Ian. Hindi ito makapaniwala sa mga sinasabi niya. Kita
rin ang sakit sa mga mata nito pero pilit nito iyong itinago.

Ilang sandali pa ang dumaan saka nakabawi si Ian.

"So... you're still waiting for him?" tanong nito.

Nagkibit uli siya saka yumakap dito ng mahigpit. Humalik pa siya sa mga labi nito
saka isiniksik ang sarili sa leeg nito. Sapat na sigurong sagot 'yun para sa tanong
nito.

to be continued...

*****

Okay, medyo dumudumi ang dalawa. Hahaha

At ayan na, nagpaliwanag na si Joy! Sino naman kaya ang lalaking 'yun? Babalik pa
kaya?
=================

Chapter Thirty

"Bakit kailangang dito pa tayo mag-breakfast?" tanong ni Joy kay Ian.

Narito sila ngayon sa Lovie Patty para raw mag-breakfast ayon kay Ian.

"Ayaw mo ba ng luto ko?" kunwa'y nagtatampong sabi niya at ngumuso pa.

Lumingon agad sa kanya si Ian saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Sweetie, alam mo namang mahal ko ang luto mo 'di ba? 'Wag ka nang magtampo d'yan.
Kailangan ko lang talagang kausapin si Pat. Importante e," sabi ni Ian.

"Importante na hindi pwedeng mamaya na lang?" aniya pa.

Ngumiti si Ian saka siya pa-smack na hinalikan sa mga labi.

"Trust me, kailangan ko na siyang makausap ngayon bago pa ako dagain," natatawang
sabi ni Ian saka siya inalalayan papasok sa loob ng resto.

Ngumiti na siya saka ikinapit pa ang isang kamay sa braso ni Ian.

"Okay, sabi mo e," aniya.

Um-order lang ng pagkain si Ian at pumasok na rin agad ito sa loob ng opisina ni
Patrick. Naiwan siya roong mag-isa at pinagmasdan niya lang ang mga halaman sa
labas. Napansin niyang parang dumami ang mga 'yun at mas gumanda. Nagkaroon din ng
iba't-ibang klase ng bulaklak.

"Joy?"

Napalingon siya agad nang marinig ang pangalan niya. Nagulat siya pero napangiti
rin agad nang makita ang binata.

"Hey, long time no see!" aniya.

~*~

Kanina pa tawa nang tawa si Patrick dahil lang sa sinabi niya. Masama na ang tingin
niya rito pero wala itong paki-alam at patuloy pa rin sa pagtawa.

"Pat, minsan lang ako mag-seryoso..." aniya sa seryoso pang tono.

"Pfft! Gago! Tigilan mo nga ako! Hindi bagay sa'yo!" anito

pa sabay tawa nang malakas. Halos hindi na ito magkanda-ugaga sa pagsapo sa tiyan
nito dahil mukhang sumasakit na sa katatawa.

"Wala naman akong makitang nakakatawa sa sinabi ko a!" pagmamaktol niya pa.

"'Tol, walang nakakatawa sa sinabi mo. Ang nakakatawa, 'yung hitsura mo nung sinabi
mo 'yun!" anito pa uli sabay tawa.

Pagkatapos niya pa lang sa unang sentence ng sinasabi niya rito kanina, bumunghalit
na ito ng tawa. Seryosong-seryoso kasi siya. Ganun naman talaga dapat kapag
nagsasabi ng ganoong bagay e. Hindi naman kasi 'yun biro.

"Anyway, pumapayag ako," ani Patrick. "Kahit hindi ka na magsabi pa," anito pa
sabay tawa na naman.

"Tss. Mamaya niyan hindi ka na makahinga sa katatawa mo! Tigilan mo na nga!


Napapahiya na nga ako e!" aniya sabay tayo. "Pero walang bawian ha! Pumayag ka na!"
Tumalikod na siya at naglakad palabas ng pinto.

"Oo na! Wala naman akong choice!" sabi ni Patrick bago siya tuluyang makalabas ng
opisina nito.

Naiiling na isinara ni Ian ang pinto ng opisina ni Patrick. Nakangiti pang lumingon
siya sa mesang pinag-iwanan kay Joy para mapasimangot lang din.

Naroon pa rin si Joy pero may kausap itong lalaki. Tumatawa pa ang dalaga dahil sa
kung anong sinasabi ng binata.

Naikuyom niya agad ang kamao at inis na lumapit sa mga ito.

"Sweetie," aniya at pinilit na ngumiti.

Tumingin agad sa kanya si Joy. Tumayo pa ang huli at kumapit sa braso niya.

"This is my husband-I mean future husband, Christian Lim."

~*~

Papalapit pa lang si Ian, nakita na agad ni Joy na madilim ang mukha nito. At sa

pagakakatingin pa lang nito sa likod ng kausap niya, alam niya na kung bakit.

Seloso talaga.

Nang tawagin siya ni Ian ay tumayo agad siya. Mahirap na. Sa pagka-bipolar ng
binata, baka bigla na lang nitong sapakin ang lalaki.

"This is my husband-I mean future husband, Christian Lim," aniya. "Ian, this is
Maico Buenaventura. He's a friend," aniya pa.

Nakatingin lang si Ian kay Maico. Tumayo naman ang huli para makipagkilala ng
maayos.

"You remember Jacky? Well... they sort of-" Sumenyas pa siya para sabihin dito na
nagkarelasyon ang dalawa.

"Oh, yeah. So you're Jacky's guy?" tanong ni Ian.

Ngumiti ng mapait si Maico. "Not anymore," anito saka bumuga ng hangin.

"Anyway, nice to meet you, Mr. Lim. I've heard about you before. Well, I hope we
could work together sometime."

Tumango si Ian. "But of course! Considering our line of businesses, we could make a
partnership," sabi naman ni Ian.

Naupo na sila at tumingin na lang sa labas si Joy. Bigla na lang kasing mukhang
naging close ang dalawa. 'Yun nga lang, puro business na ang pinag-uusapan.
Tahimik na kumain siya nang dumating ang order nila. Sina Ian at Maico, patuloy pa
rin sa pag-uusap. Sumabay na sa kanila ang huli na kumain dahil mag-isa lang naman
ito.

"Uhm, just a minute," pagpapa-alam ni Maico sa kanila nang may tumawag sa cellphone
nito.

Bumaling sa kanya si Ian saka ngumiti. "You okay?" tanong nito.

Tumango siya.

"Ang cute mong kumain," natatawang sabi ni Ian habang nangingiti pang pinunasan ang
gilid ng labi niya.

Hindi niya napigilang mapakislot

nang dumampi ang daliri nito sa mga labi niya.

Nakatitig si Ian sa kanya at nang akala niya ay hahalikan siya nito, napatingin
sila bigla kay Maico nang tumaas ang boses nito.

"What? Mica naman! Anong ginawa mo sa anak ko?"

Napatitig siya bigla sa binata. Mukhang nasa poder nito ang anak. Hindi niya
natanong dito kung pati ang ina ng bata, kasama nito. Pero malamang, ganun na nga.
Kaya nga hindi na sila nag-work ni Jacky e.

"Humanda ka sa'kin 'pag may nakita akong pilay kay Betty ha! Umayos ka, alagaan mo
ang anak ko!" Pagkasabi nun ay ibinaba nito ang tawag.

Susubo na sana uli siya ang pagkain nang maalala ang itinawag nito sa anak.

"Betty?" tanong niya.

Napatingin sa kanya si Maico. Tumango ito bago nagsalita.

"Yeah, 'yung anak ko," anito.

Nagtatakang tinitigan niya si Maico.

"'Di ba lalaki ang anak mo?" tanong niya pa.

Ngumiti si Maico saka kinuha uli ang cellphone nito. May ginawa iyon dun saka
inibot sa kanya ang cellphone. Muntik na siyang malaglag sa upuan nang makita ang
picture ng anak nito... isang pomeranian na aso.

Narinig niyang tumawa ng mahina si Ian sa tabi niya. Mahinang sinipa niya agad ito
mula sa ilalim ng mesa dahil baka ma-offend si Maico. Mukhang matindi ang
pinagdaraanan nito para sabihing anak nito ang aso na 'yun.

"Ang cute!" aniya na lang.

"Yup! Ang cute niya 'di ba?" tuwang-tuwa pang sabi ni Maico.

Nailing na lang na nagpatuloy sila sa pagkain.

~*~
"Dito na lang tayo matulog mamaya. Malaki naman 'tong kama mo e," ani Ian sa kanya
habang nakahiga ito sa kama niya.

Narito

sila ngayon sa dati niyang kwarto sa mansyon dahil may kukunin siyang ilang gamit
niya. Balak niya na rin sanang dito sila magpalipas ng maghapon.

"Hmn, pwede naman. Kaso, may pasok ka bukas. Wala kang damit dito," aniya.

"I can always borrow from Pat. We're the same size anyway," anito.

Nagkibit na lang siya ng balikat saka naghalungkat sa mga gamit niya.

Naka-ilang drawer na siya na binuksan pero hindi niya pa rin makita ang hinahanap.

"Ano bang hinahanap mo?" tanong ni Ian sa kanya.

Hindi siya tumingin dito at nagpatuloy lang sa paghahanap.

"'Yung mga notebook ko," aniya. "'Yung pinagsusulatan ko ng mga kwento dati," aniya
pa.

Nagulat pa siya nang yumakap bigla si Ian mula sa likod niya. Hinalikan nito ang
batok niya bago siya niyakap pa ng mas mahigpit.

"Ian, may hinahanap ako," reklamo niya pero ang totoo, ayaw niyang bumitiw ito sa
pagkakayakap sa kanya.

"Mamaya mo na hanapin 'yun. Dito naman tayo matutulog e. Tutulungan kitang maghanap
mamaya. Swimming muna tayo," anito.

"Swimming ka d'yan! Maglublob ka na lang sa bathtub!" aniya. Pinilit niya pang


alisin ang pagkakayakap nito sa kanya pero lalo lang nito 'yun hinigpitan.

"Sige na, please?"

Pina-ikot niya ang mga mata. "Fine!" aniya.

"Yes!" malakas pang sumigaw si Ian bago kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

~*~

"Ian!" reklamo niya nang sabuyan na naman siya ng tubig ni Ian.

Ilang taon na rin ang lumipas simula nang huling beses siyang mag-swimming dito sa
swimming pool nila. Madalas pa kapag nagsu-swimming siya, sinisiguro niyang walang
bisita ang kapatid niya

at gabi pa.

Napatili pa uli siya nang hilahin siya ni Ian palapit dito.

"Ano ba, Ian! Pasaway ka!" aniya habang inaalis ang tubig na tumama sa mukha niya.

Tinawanan lang siya nito bago siya pinangko at dinala sa gilid ng pool. Iniupo siya
nito sa hagdan sa ilalim ng tubig at tumabi ito sa kanya.

Nakasuot siya ng kulay dilaw na two-piece swimsuit na nakita niya sa closet niya.
Hindi niya na maalala ang tungkol doon pero kasya naman kaya isinuot niya na. Si
Ian naman, gamit ang isang swimming trunks ng kuya niya.

"Magpapagawa ako ng pool sa bahay," anito. Tumigin pa ito sa kanya saka pilyong
ngumiti. "Para lagi kitang makikitang ganyan," anito pa saka tumawa.

"Whatever," aniya. "'Pag nagpagawa ka, magpa-pajama ako sa swimming pool!" aniya.

Bigla na lang hinila ni Ian ang tali ng suot niyang bikini at naalis 'yun sa
pagkakabuhol. Nanlalaki ang matang tinignan niya ito. Buti na lang, nasa ilalim
sila ng tubig at hindi naman naalis ang bkini niya.

"Pasaway ka talaga!" aniya rito.

Tumawa lang si Ian at itinali ang bikini niya. Lumingon siya sa paligid dahil baka
may nakakakita sa kanila. Baka sabihin pang kung anu-ano ang ginagawa nila sa pool.

Nang matapos ito sa pagtatali, tinignan niya ito nang masama.

Itinaas agad ni Ian ang dalawang kamay. "Sorry! Hindi na mauulit. Though 'Pag sa
kwarto, ibang usapan na 'yun," anito saka tumawa.

Mayamaya ay hinawakan ni Ian ang kamay niya sa ilalim ng tubig. Hindi siya pumalag
at inihilig na lang ang ulo niya sa balikat nito.

Matagal din sila sa ganoong ayos hanggang sa mapagpasyahan nilang umahon

na.

~*~

Sumunod sa kanya si Ian pagkapasok niya sa kwarto.

"Ian, doon ka na lang mag-shower sa banyo ni Kuya," aniya.

Pero patuloy pa rin sa pagpasok si Ian sa loob.

"Ian-"

"Ayaw. Sabay na lang tayo maligo," anito.

"What?" gulat na tanong niya. Unconsciously, napakapit siya sa robe niya para isara
pa 'yung lalo.

Tinawanan lang siya ni Ian bago siya nito hinila papasok sa banyo.

Hindi na siya nakapalag nang alisin nito ang suot niyang roba kasunod ang two-piece
swimsuit niya. Wala sa sariling napatakip siya sa katawan niya nang tuluyan nang
mawalan ng saplot. Si Ian naman, nagsimula na ring alisin ang suot nitong robe.

Napatulala na lang siya nang alisin bigla ni Ian ang swimming trunks na suot nito.
Sa unang pagkakataon, bumungad sa kanya ang ipinagmamalaki nito.

Alam niyang dapat siyang umiwas ng tingin doon pero hindi niya magawa. Nakatitig
lang siya nang hindi niya na malaman kung gaano katagal.

"Oh, it will definitely bring you to heaven. Don't worry," biro ni Ian sa kanya.

Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya sa sinabi nito. Hinampas niya ito sa braso
dahil sa pagkapahiya. Hindi siya makasalita at umiwas na lang ng tingin.

Mayamaya'y itinulak siya ni Ian papunta sa ilalim ng shower. Kasabay sa pagbukas


nito nun ay ang paghalik nito sa mga labi niya. Idiniin pa nito ang sarili sa
kanya.

Napasinghap siya nang maramdaman ang isang kamay nito na humahaplos sa dibdib niya.

Hindi niya maipaliwanag ang init na nadarama niya. Pakiramdam niya, mas masidhi pa
'yun kaysa sa mga unang beses na damhin nito ang katawan niya.

"Ian-"

"Hmn?" tanong nito sa pagitan ng paghalik sa kanya.

"I thought you said 'on our wedding night'?" aniya kahit na ayaw ng katawan niya na
tumigil ito sa ginagawa.

He chuckled bago siya hinalikan sa leeg.

"Yeah, I know. I'll make love to you on our wedding night. But I'm not gonna stop
kissing and touching you now."

~*~

Nakita na ni Joy ang ilan sa mga notebook na hinahanap nito sa tulong na rin niya.
Kahit pagod na, patuloy pa rin sila sa paghahanap. Okay lang naman din sa kanya
basta para sa dalaga.

Binuksan niya ang isa pang kahon na nakuha niya sa attic. Hindi naman siya nabigo
dahil puro notebook at papel ang laman nun. Kailangan niya na lang tignan isa-isa
kung alin doon ang sinulatan ni Joy ng mga kwento.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagtitingin nang mabuksan niya sa bandang dulo ang
isang notebook. Napatitig siya sa nakasulat doon at napangiti nang malapad. Punum-
puno ng iisang salita ang buong page ng notebook.

Nakatingin pa rin siya roon nang mapansin niya sa gilid ng mata niya ang nakasiksik
sa gilid ng box. Isang folder 'yun na may mga doodle sa loob.

Lalo siyang napangiti nang makita kung ano ang nakasulat sa mga doodle. Isang word
lang lahat ng 'yun pero iba-iba ang pagkakasulat.

X-ian

Naiiling na binasa niya 'yun nang malakas.

"X-ian. Christ-ian," aniya saka ngumiti nang malapad.

*****
E hindi talaga pwedeng hindi extra ang paborito kong character! LOL!

=================

Chapter Thirty One

Thank you po sa sumusubaybay sa istoryang 'to! I really appreciate your patience


dahil mabagal ako mag-update. Haha! At natutuwa rin akong nakikita ang comments
niyo :) (sa nagco-comment hahahahaha!)

*****

Ngiting ngiti pa si Ian nang lumapit kay Joy. Itinatago niya sa likod niya ang
folder na puno ng doodle ni Joy.

"O, mukha kang clown d'yan," anito sa kanya.

Hindi siya nagsalita at bigla na lang itong hinalikan sa mga labi.

Hahampasin sana siya ni Joy pero naka-iwas agad siya.

"Sira ka talaga!" ani Joy.

Ngumiti lang siya rito saka inilabas ang folder mula sa likod niya.

"So, matagal ka na palang may gusto sa'kin ha?" aniya.

Nanlaki bigla ang mga mata ni Joy pagkakita sa hawak niyang folder. Namula pang
bigla ang mukha nito bago inabot ang folder. Ang kaso, itinaas iya 'yun agad ng
husto kaya naman napayakap lang ito sa kanya.

"Ikaw ha, tsansing na 'yan!" tumatawang sabi niya rito.

Tinignan siya ng masama ng dalaga bago ito nagdadabog na lumayo sa kanya. Tumalikod
ito at nagmartsa papasok sa kwarto nito. Mabilis na sinundan niya ito.

Nakahalukipkip pang naupo si Joy sa kama habang nakasimangot at hindi tumitingin sa


kanya.

"Sweetie naman, 'wag ka nang mahiya. Okay lang naman e. Hindi naman nakapagtatakang
magkagusto ka sa'kin!" nang-aasar pang sabi niya.

Tumingin nang masama sa kanya si Joy saka umirap. Mukhang galit na talaga ito.
Bumuntong hininga na lang siya at nag-squat sa harap nito.

"Sorry na, MJ. Hindi na ako mang-aasar," aniya. Ayaw niyang nagagalit sa kanya ang
dalaga.

Hangga't maaari, gusto niyang maayos ang relasyon nilang dalawa.

Inilahad ni Joy ang kamay sa harap niya habang hindi pa rin tumitingin. Malungkot
na iniabot niya rito ang folder. Hindi siya kumilos kahit na hawak na nito ang
folder.

"Natuwa lang naman ako sa mga doodle na 'yan," malungkot pa ring sabi niya.

Nakita niya pang pina-ikot ni Joy ang mga mata nito bago iniabot uli sa kanya ang
folder.

"Fine! Sa'yo na 'yan!" anito.

Ngumiti siya nang malapad saka niyakap ang folder.

Kapagkuwan ay tumayo na uli si Joy at nilagpasan siya. Kasabay ng pagtayo niya,


tinanong niya pa ito.

"Christ ang ibig sabihin ng 'X' 'di ba?" tanong niya.

Iwinasiwas nito ang isang kamay habang hindi tumitingin sa kanya.

"Yeah, yeah. Whatever."

~*~

Niyakap ni Joy ang Yaya niya nang pumayag itong turuan siyang gumawa ng cake. Na-
perfect niya na kasi ang paggawa ng cookies. Pati mga ulam, kahit paano maalam na
siya. Gusto niya naman sanang matutong gumawa ng cake.

"Thank you, yaya!" sigaw niya pa.

"Anong meron?" tanong ni Ian na kapapasok lang ng kusina.

"Tuturuan ako ni Yayang gumawa ng cake!" excited na balita niya kay Ian.

"Talaga? Nice!" anito.

"Dun ka na muna sa kwarto. Para maka-concentrate ako," aniya. Sigurado kasing 'pag
nand'yan si Ian, mangungulit lang ito at baka hindi siya matuto.

Hindi kumilos si Ian sa kinatatayuan at humalukipkip pa.

"No. Manonood ako," anito.

Pinaningkitan niya ito ng mata saka nilapitan. Itinulak niya ito palabas ng kusina.
Kahit hirap, natulak niya ang binata palabas.
"O, sakto! Nandito na

pala si Kuya!" aniya nang makita ang kapatid na pumasok ng pinto. Nagtatakang
tinignan sila nito. "Hoy, kuya!" tawag niya sa nakatatandang kapatid. "Maglaro muna
kayo nitong si Ian ha! Ilayo mo muna sa'kin!" aniya pa.

"Laro? Anong akala mo sa'min, bata?" ani Ian.

"Tsk! Sige na, dun ka na muna kay Kuya. Tatawagin na lang kita 'pag tapos na,"
nakangiti pang sabi niya.

Umiling-iling na lang ito saka naglakad palapit kay Patrick.

"Tara, laro tayo!" narinig niyang sabi ni Ian.

Tinignan niya ito nang masama sa likod. "'Kita mo 'to. Sasabi-sabi pang hindi bata
e gusto namang maglaro! Tse!" bulong niya saka bumalik sa kusina.

~*~

Naka-dalawang subok siya sa paggawa ng cake. 'Yung una kasi, nasunog. Imbis na
mocha cake, nagmukha 'yung chocolate... mapait nga lang.

Naka-isip siya ng kapilyahan sa unang nagawa niya. Marami namang coffee icing
silang nagawa kaya naisipan niyang lagyan ng food coloring ang iba na kulay brown
para magmukha nga 'yung chocolate.

Natatawa na siya isipin pa lang ang magiging reaksyon ni Ian doon.

Sa pangalawang subok, nagawa niya rin iyon nang maayos. Nagtatatalon pa siya sa
tuwa nang ilabas ang cake sa oven.

"Mana ka sa mama mo. Madali kang matuto pagdating sa pagluluto o pagbe-bake," sabi
ng yaya niya.

"Yie! Sabi ko na e. Nasa dugo ko talaga ang pagluluto!" Nag-slice siya ng cake at
tinikman 'yun. Ngumiti siya nang malapad nang matikman ang gawa niya. "Ang sarap!"
aniya. "Kung dati pa sana ako pinayagan ni Kuya na gumawa sa kusina, edi sana,
marami na akong alam! Pwede niya pa akong maging chef!" natatawang sabi niya.

"Thank

you sa pagtuturo, yaya!" aniya. "Wait, tatawagin ko na si Ian."

Mabilis na tumakbo siya paakyat sa kwarto ng kuya niya. Malamang kasi, doon
naglalaro ang dalawa. May play station kasi ang kapatid niya sa kwarto nito.

Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto.

Naglalaro ang dalawa at naka-concentrate sa pagtingin sa TV. Hindi na siya


nagpaligoy-ligoy at sinabi niya na agad ang pakay.

"Tapos ko na 'yung cake, Ian! Tara?" aniya.

Ngumiti agad si Ian at tumayo. Inis namang tumingin sa kanya ang kuya niya.

"'Langya, naglalaro kami e!" reklamo nito. "Hoy, Ian! Tapusin muna natin 'to!"
anito pa.
Hindi tumingin si Ian sa kapatid niya at patuloy lang sa paglapit sa kanya.
Binelatan niya ang kapatid bago hinawakan sa braso si Ian.

"Na-in love ka lang pinagpapalit mo na ang laro natin!" sigaw nito.

Tumawa lang si Ian sa sinabi ng kapatid niya bago siya inakbayan.

"Siguraduhin mong masarap 'yang cake mo ha?" ani Ian.

"Oo naman 'no! Nasa dugo ko kaya ang galing sa pagluluto!" aniya.

Naiiling na lang na hinigpitan ni Ian ang pagkaka-akbay sa kanya saka sila sabay na
bumaba papuntang kusina.

~*~

Wala na ang yaya niya nang dumating sila sa kusina. Naalis na rin ang mga kalat sa
mesa. 'Yung dalawang cake na lang ang naiwan doon.

"Uy, chocolate at mocha!" tuwang-tuwa na sabi ni Ian.

Natawa siyang bigla sa excitement nito. Lalo na sa "chocolate cake". Lumapit agad
ito roon saka kumuha ng slice ng mocha cake. Tinikman agad nito ang cake saka
masayang tumingin sa kanya.

"Sarap!" puno pa ang bibig na sabi ni Ian.

Ngiti lang ang isinagot

niya rito.

Lumingon ulit si Ian sa mesa saka kumuha naman ng "chocolate cake". Pagkasubo nito
nun, kitang-kita niya kung paano magbago ang reaksyon ng binata. Iniluwa agad nito
ang kinagat na cake sa platito saka 'yun tinignan na tila 'yun demonyo sa harap
niya.

Hindi niya na napigilan at napabulanghit na siya ng tawa. Si Ian naman, masama ang
tingin sa kanya. Ibinaba na nito ang platito sa mesa at tumitig lang sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad saka nag-peace sign pa kay Ian.

"'Yan 'yung nasunog na gawa ko kanina. Mocha lang naman talaga ang flavor na ginawa
namin," aniya saka tumawa pang muli.

Busy pa siya sa katatawa nang biglang may malamig na bagay na humaplos sa pisngi
niya. Nang tignan niya si Ian, ngiting-ngiti ito habang nakataas pa ang kamay na
may icing.

Tinignan niya nang masama ang binata bago dumakot ng cake at ipinahid din sa pisngi
nito.

Mayamaya lang ay naghahabulan na sila sa kusina habang nagbabatuhan ng cake.


Napatili si Joy nang mahuli siya ni Ian at niyakap mula sa likod. Kapagkuwa'y
walang anu-anong pinahiran ang buong mukha niya ng cake.

Napatigil sila nang dumating si Patrick sa kusina. Humahangos pa ito at mukhang


nagtatakbo papunta roon.

"Anong nangyayari?" tanong nito. Kita ang pag-aalala nang una pero napalitan din
bigla ng pagtataka sa hitsura nila.

Hindi sila nakasagot sa tanong nito.

"Ay sus, santisima!" narinig niyang sigaw ng yaya niya nang makita ang hitsura
nila. Pati ang ibang katulong, naki-usyoso na rin.

Nakangiti lang na tinignan nila ang mga ito.

Umakbay pa si Ian sa kanya bago ito nagsalita.

"Uhm, sorry sa kalat," anito.

Naiiling na lang na lumapit ang yaya niya sa kanila. "Hala, sige. Maglinis na
kayong dalawa ng mga sarili niyo. Kami nang bahala rito."

Doon lang niya naisipang tignan ang paligid. Napangiwi na lang si Joy nang makita
kung gaano kakalat sa kusina.

"Sorry po ulit. Thank you!" aniya saka hinila si Ian palabas ng kusina.

Nadaanan pa nila si Patrick na naniningkit ang mata habang nakatingin sa kanila.

Mabilis na umakyat sila sa kwarto niya. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa


loob, humagalpak na sila ng tawa. Hindi rin nila alam kung sa anong dahilan. Basta
tawa lang sila ng tawa.

Mayamaya ay tumigil si Ian sa pagtawa at niyakap siya. Napatigil na rin siya nang
dahil doon.

"Thank you, MJ," ani Ian.

Hindi siya sumagot. Hindi rin niya tinanong kung para saan. Ginantihan niya lang ng
yakap ang binata saka inihilig ang ulo niya sa dibdib nito.

"I've never been this happy. Sana hindi matapos ang kasiyahang 'to."

Ngumiti siya saka bumulong.

"It won't."

to be continued...

*****

Kung bored kayo sa buhay at gusto niyo ng mabilisang basa, try niyo 'yung latest
one shot ko. "Pakasal Tayo!" ang title hahaha! (Biglang segway ng promotion). Ito
naman ay para lang sa hindi pa nakakabasa. Salamat!

~Nayi

=================

Chapter Thirty Two

"Bakit hinahayaan mo 'tong magluto? Baka bukas niyan sa kalsada na kayo nakatira!"

Napatingin si Joy sa pinto ng kusina nang marinig ang boses ng kapatid na si


Patrick. Sa tabi nito ay si Ian na ngingiti-ngiti lang.

"At anong ginagawa rito niyan?" tanong niya naman kay Ian.

Naiiling na lumapit sa kanya si Ian saka yumakap sa beywang niya.

"May pupuntahan lang kami ni Pat. Don't worry, kakain muna kami. Matagal pa ba
'yan?" anito na ang tinutukoy ay ang niluluto niya.

Ngumiti siya. "Sandali na lang 'to. Doon muna kayo sa sala. Tatawagin ko na lang
kayo," aniya.

Nag-thumbs-up si Ian saka bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Kapagkuwan ay bumaling


ito kay Patrick saka itinuro ang sala.

Ngayon niya lang sinubukang iluto ang recipe na 'to. Nakita niya lang sa TV at
ginaya niya lang. Sana nga lang, masarap ang kalabasan.

~*~

"Ang dami mo namang arte!" tumatawang sabi sa kanya ni Patrick.

"Bro, isang beses ko lang 'to gagawin sa buong buhay ko kaya dapat, perfect lahat.
Suportahan mo na lang ako. 'Wag mo na akong pagtawanan d'yan!" aniya.

"E para ka kasing babae! Lahat na may arte. Pati ba naman-"

Mabilis na natakpan niya ang bibig ni Patrick bago nito masabi ng malakas ang
binabalak niya. Sakto pang paglabas ni Joy mula sa kusina.

Napabuga siya ng hangin nang mapatingin sa dalaga.

Muntik na!

"Luto na 'yung pagkain!" tawag sa kanila ni Joy.


Tinapik niya agad sa balikat si Patrick kasabay ng pagtayo. Pero bago pa ito
makahakbang, binalaan niya agad ang kaibigan.

"Umayos

ka ha, baka madulas ka. Lulunurin talaga kita sa lababo!" aniya na ikinatawa lang
ni Patrick.

Pagdating nila sa kusina, nagsasandok pa lang si Joy ng ulam. Nasa mesa na ang
kanin kaya naman kumuha na agad sila nun.

"Anong ulam ang niluto mo?" tanong ni Patrick sa kapatid.

Sandaling lumingon si Joy sa kanila saka nagpatuloy sa pagsasandok.

"Chicken in soy and vinegar stew with pineapples," anito.

"Wow! Mukhang masarap sa pangalan pa lang a? Saang bansa naman 'yang dish na 'yan?"

Hindi sumagot si Joy. Lumapit na lang ito sa kanila saka ibinaba ang bowl ng ulam
sa mesa. Nangingiting kumuha ng ulam si Ian saka nagsimulang kumain.

Si Patrick, nakatitig pa rin sa ulam na niluto ng kapatid nito.

Mayamaya ay kumuha na rin ito at tinikman 'yun. Natawa na lang siya sa naging
reaksyon nito. Tinignan nito ng masama si Joy saka nagpatuloy sa pagkain.

"May 'chicken in soy and vinegar stew with pineapples' ka pang nalalaman. Adobo
lang pala na nilagyan ng pinya. Pasalamat ka masarap 'tong luto mo," ani Patrick
habang sumusubo.

~*~

Busy si Joy sa ginagawa niya nang maka-receive ng isang text message. Sa pag-
aakalang si Ian 'yun, excited pa na binuksan niya ang mensahe. Pero napa-kunot lang
ang noo niya nang malamang si Rihanna iyon.

Inis na binura niya ang text message. Ni hindi niya man lang binasa ang laman nun.
Sigurado siyang kung ano man ang sasabihin nito, masisira lang ang araw niya.

Nagkibit na lang siya ng balikat at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Nang tumunog uli ang cellphone niya, hindi niya sana 'yun sasagutin.

Pero sa inis niya sa paulit-ulit na tawag ay pabalang na sinagot niya 'yun.

"What?!"

"Sweetie? May kaaway ka ba?" amused na boses ni Ian ang narinig niya sa kabilang
linya.

Napa-angat agad siya ng likod.

"Ian? Oh, sorry. Akala ko lang kung sino," aniya.

Sandaling natahimik si Ian.

"Are you sure walang problema?"

"Yup!" aniya agad. "Anyway, ba't ka napatawag? Tapos mo na bang itapon sa ilog ang
kuya ko?" biro niya.

Tumawa naman si Ian sa kabilang linya.

"Hmn, sort of," anito. "Get dressed. Susunduin kita d'yan sa bahay. May pupuntahan
tayo."

Napatingin si Joy sa cellphone niya saka uli 'yun ibinalik sa tenga.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta. Just get dressed."

"Okay. Anong damit? Formal ba? Baka mamaya niyan mag cargo shorts ako e sa party
pala ang punta natin."

"Uhm, cargo shorts would be acceptable but I would prefer jeans. Or a simple dress
will do," anito.

~*~

Inabot ng isang oras sa pamimili ng damit si Joy. Simula nang tumawag si Ian ay
naghahanap na siya ng maisusuot hanggang inabot na siya ng siyam-siyam, wala pa rin
siyang mapili. Sa huli, isinuot niya na lang ang damit na binili sa kanya ni Ian
noong unang beses na mag-dinner sila kasama ang pamilya nito.

Ilang minuto lang din pagkatapos niyang mag-ayos, dumating si Ian para sunduin
siya.

"Wow, ngayon ko lang napagtuunan ng pansin kung gaano kaganda sa'yo ng damit na
'yan," ani Ian.

"Well, ikaw ang pumili nito so walang dudang maganda nga," pambobola niya sa
binata.

"Pero hindi rin lalabas ang ganda niyan kung

hindi maganda ang nagsuot," ganting bola nito.

Tumawa siya saka kumapit sa braso ni Ian.


"Tara na nga! Nagbobolahan na lang tayo. Saan ba tayo pupunta?" tanong niya.

"It's a surprise."

"May pa-surprise surprise pang nalalaman. Sige na nga, papunta naman na tayo dun."

Thirty minutes din ang itinagal ng biyahe nila. Sa buong tatlumpung minuto na 'yun,
inip na inip si Joy at ilang beses niyang kinukulit si Ian kung saan sila pupunta.

Pero matigas ang binata. Pinanindigan talaga nito na sorpresa ang pupuntahan nila.

Ilang minutong nanahimik si Joy. Iniisip niya kasi kung saan siya posibleng dalhin
ni Ian.

"Baka sa lumang warehouse mo ako dalhin ha. Tapos may mga doktor na page-
eksperimentuhan ako." Ngumiwi pa siya pagkasabi nun. "Gagawin niyo ba akong mutant?
O ipapa-opera mo 'yun utak ko para susundin ko lahat ng gusto mo? Hala! Baka naman
gusto mong papalitan 'yun mukha ko ng mukha ng paboritong artista mo ha? 'Wag
ganun!"

Malakas na tawa ang isinagot sa kanya ni Ian.

"Una sa lahat, hindi kita sa lumang warehouse dadalhin. Pangalawa, wala namang mai-
eeksperimento sa'yo. Pangatlo, walang mutant. Tigilan mo ang panunuod ng X-men nang
paulit-ulit. Kung anu-ano tuloy 'yang pinagsasasabi mo. Pang-apat, hindi kita
kailangang ipa-opera para sundin lahat ng gusto ko. I'm pretty sure you would do
what I want if I tell you to. And last thing, I love you as you are. 'Yang mukhang
'yan ang minahal ko. 'Yang mukhang 'yan lang ang gusto ko."

Napangiti siya ng lihim sa huling sinabi ni Ian.

Itinigil ni Ian ang sasakyan saka tumitig sa kanya.

"And

by the way, we're here," nakangiting anunsyo nito.

Tumingin si Joy sa labas ng kotse at bumungad sa kanya ang dagat. Nasa isang pier
sila at may ilang yacht na naroon.

"Uhm, what are we doing here?" tanong niya.

Hindi sumagot si Ian at bumaba lang ng kotse. Pinagbuksan siya nito ng pinto bago
nito inilahad ang kamay.

"Wow, gentlemen!" pang-aasar niya.

Ngumiti si Ian bago pa-smack na hinalikan siya.

"Binabawi ko na. Hindi ka pala gentlemen," naka-nguso pang sabi niya.

"What, ayaw mo ng halik ko?" natatawang tanong ni Ian sa kanya.

Nanahimik siya sandali bago umiling. Tinitigan siya ni Ian sa nagtatanong na mga
mata. Pina-ikot niya ang mga mata bago siya nagsalita.

"I mean, hindi sa ayaw ko. Gusto ko naman. Ugh! Bakit kasi ganun 'yung tanong mo?
Nakaka-confuse kayang sagutin!"
Tumawa naman si Ian bago siya hinalikan muli sa mga labi. This time, tumagal na
iyon ng ilang sandali.

Nang matapos ang halik, kumapit siya sa kamay ni Ian saka tumingin sa paligid.

"Ano bang ginagawa natin dito? Mag-didilim na, o," aniya.

"Exactly," sabi ni Ian. "Mas maganda kung madilim na. Dinner nga e. Saka paano
natin makikita 'yung mga stars kung maliwanag pa."

Hinila siya nito papunta sa may gilid ng pantalan.

"Pagkatapos pa sana ng kasal natin ko ibibigay sa'yo 'to. Kaso, hindi na ako
makapaghintay. So, advance na ang wedding gift ko ha," ani Ian.

Nakatitig siya sa binata habang sinasabi nito 'yun. Hindi niya alam kung anong
magiging reaksyon niya. Excited siya sa sinasabi nito and at the same time, nag-
aalangan siya na bibigyan na

naman siya nito ng kung ano. Binigyan na siya nito ng bahay sa Tagaytay. Ngayon,
meron na naman.

"You don't have to give me a wedding gift," aniya.

"I want to."

Tumingin si Ian sa 'di kalayuan at itinuro sa kanya ang isang yate. Napatulala siya
roon. Sa buong buhay niya, hindi niya naisip na may magbibigay sa kanya nun.

Hindi niya napigilang mapangiti nang malapad nang makita kung anong nakasulat sa
gilid nun.

"MJ Lim," basa niya sa nakasulat.

"Yup. It's yours." Umakbay sa kanya si Ian. "Well, that's why it should have been a
wedding gift. But you'll be MJ Lim anyway. So I'm giving you my gift now."

Inilahad ni Ian ang kamay sa kanya.

"Shall we?"

Nakangiting inabot niya ang kamay nito at sumunod sa pag-akyat sa yate.

~*~

"Picnic in a yacht. Are you serious?" aniya habang malapad pa rin ang ngiti. Kita
niya ang effort ni Ian sa mga nakalapag sa picnic blanket.

"I just thought it's a great idea. I prepared everything by the way. Nakigamit lang
ako ng kusina sa Lovie Patty... including the ingredients, though I paid for it."

Niyakap ni Joy ang binata. Masaya siya sa ginawa nito sa araw na 'yun.

"Ano bang meron? Malayo pa ang pasko," biro niya.

Bahagyang tumawa si Ian. "Nothing. I just feel like celebrating our happiness."
Tumingin si Ian sa kung saan bago bumaling uli sa kanya. "Maupo ka na," anito saka
inalalayan siyang maupo sa picnic blanket. "Wait here."

Tumango lang siya saka sinundan ng tingin ang papalayong bulto ni Ian. Nagpunta ito
sa kung saan at mayamaya lang, umaandar na ang

yate. Lumingon siya sa kinaroroonan nito at kumaway. Nang makalayo sila sa pier,
tumigil ang yate at lumapit sa kanya si Ian.

"So, let's eat?" ani Ian nang maupo ito sa tabi niya.

Burgers, fries, pizza, nachos at kung anu-ano pa ang pagkain nila. Hindi siya
makapaniwalang ganun ang kakainin nila sa date nila. Syempre, nag-eexpect siya ng
dinner with candlelight pagdating sa date though sa ginawang ito ni Ian, mas
nagugustuhan niya ang date nila na 'to.

Nasa kalagitnaan sila ng pagkain nang may iniabot na kahita si Ian. Napatitig lang
siya roon noong una. Hindi niya malaman kung aabutin niya 'yun o hindi. Alam niya
kasi, engagement ring ang naroon.

E ano bang iniinarte ko e magpapakasal naman na talaga kami kahit hindi siya mag-
propose?

Dahan-dahan pang inabot niya ang kahita. Medyo nanginginig pa ang mga kamay niya
habang unti-unting binubuksan iyon. Ewan niya ba kung bakit. Pero na-eexcite siya
sa makikita niya roon.

Kasabay ng pagkabukas niya sa kahita ay ang malakas na tawa ni Ian. Kasabay rin
nun, ay ang pagkunot ng noo niya. Nakatitig siya sa laman ng kahita at
pinakatitigan 'yun.

JOKE LANG!

I'm not sweet.

Naningkit ang mga mata niya saka tinitigan si ian.

"Bwisit!" bulong niya bago ibinato kay Ian ang kahita. Hindi naman tumigil sa
katatawa ang binata kahit na nang yakapin na siya nito.

"What? Magpapakasal naman na tayo e. Kailangan ko pa bang mag-propose?" sabi pa ni


Ian habang tumatawa.

"Yeah, whatever," sabi ni Joy.

Inis man siya, hinalikan niya sa mga labi si Ian na ikinatigil

nito sa pagtawa.

Disappointed siya, oo. Pero tama nga naman, ano pang sense ng pagpo-propose e
magpapakasal naman na talaga sila. At least masaya siya sa effort nito sa date nila
na 'yun.

~*~

Nakatanaw lang si Joy sa mga ilaw sa 'di kalayuan. Kita kasi mula sa kinaroroonan
nila ang daungan at sa paligid nito, kita ang mga ilaw sa mga kabahayan. Natutuwa
siyang pagmasdan ang mga 'yun.

"Naaalala mo ba nung college ka?"

Napalingon siya kay Ian nang magsalita ito sa tabi niya.

"Not most of it," sagot niya.

"Valentine's day nung third year ka may nagpadala ng white roses sa classroom
niyo," anito.

Naaalala niya ang mga oras na 'yun. Pulam-pula siya habang tinutukso ng mga kaklase
niya dahil may nagpadala sa kanya ng isang bouquet ng white roses. Hanggang ngayon,
hindi niya pa rin alam kung kanino galing 'yun. Nawala na nga sa isip niya ang
tungkol doon kung hindi pa sinabi ni Ian.

"Yeah, I remember. Paano mo nalaman?" tanong niya.

Ngumiti lang sa kanya si Ian. Tinitigan niya ito at sa nababasa niya sa mga mata
nito, alam niya na kung anong tinutukoy ng binata.

"Wait, you sent me those flowers?" paniniguro niya.

Nagkibit ng balikat si Ian.

"I was thinking of giving it to you personally kaso baka hindi mo ako pansinin.
Ayoko ngang mapahiya sa buong campus niyo 'no!" anito.

Natawa siya sa sinabi nito. Hindi niya napigilang yakapin ang binata dahil sa
nalaman. Nawala na nang tuluyan ang disappointment na naramdaman niya kanina dahil
sa biro nito.

"I didn't give you those flowers personally before but I'm giving this to you now."
Pagkasabi nun ay iniabot nito sa kanya ang isang white rose. "I'm not sweet like
I've said in the note. I'm just handsome," anito sabay angat ng bulaklak. Tumatawa
pa ito dahil sa tingin na binigay niya sa huling sinabi ng binata.

Aabutin niya na sana 'yun nang makitang may nakasabit doon.

Kusang tumulo ang luha niya habang tinitignan ang diamond ring na nakasabit sa
rose. Nakangiti pang kinuha niya 'yun. Mayamaya ay itinuro ni Ian ang pier. Wala
kanina ang mga ilaw na nakikita niya ngayon.

Para na siyang baliw ngayon na natatawa. Hawak-hawak niya ang rose kung nasaan ang
singsing at nakatitig siya sa mga salitang binubuo ng mga ilaw.

Nang tignan niya si Ian, nakaluhod na ito sa harap niya.

"I know you can read. But I'll say it anyway." Hinawakan ni Ian ang isang kamay
niya. "My MJ, will you marry me?"

Walang anu-anong tumango siya.

"Of course I'll marry you, Ian."

*****

HAPPY VALENTINE'S DAY!!!

=================

Chapter Thirty Three

"Three weeks, four days, sixteen hours, three minutes and fifty one seconds," sabi
ni Ian sa kanya habang nakatingin sa wrist watch nito.

Naiiling na lang na tinitigan niya ito. "Bilang na bilang talaga hanggang segundo?"
aniya.

"But of course! That would be the happiest day of my life. So kailangan talagang
alam ko kung gaano na lang katagal ang hihintayin ko!"

"Sira ka talaga," aniya saka sumandal sa balikat nito.

"Sana pala pina-agahan ko na lang kay Mama 'yung petsa ng kasal. Kaya naman e.
Kahit nga siguro bukas pwede na tayong magpakasal."

"May reservations kaya 'yun!"

Ilang sandali ring natahimik si Ian. May kinakalikot siya sa cellphone niya at
mayamaya ay bigla na lang nagsalita.

"Ugh! Dapat talaga sinabi ko na mas maaga e! Ang tagal pa ng three weeks!"

Natawa na lang siya sa sinabi nito. May iba pang sinasabi si Ian pero nawala rito
ang atensyon niya nang tumunog ang cellphone niya. Nag-text sa kanya si JL at
gustong makipagkita. Ilang linggo na rin silang hindi nakakapagkita dahil abala ito
sa hindi niya alam na dahilan.

Nang mai-send niya ang reply niya na pumapayag siyang makipagkita kinbukasan,
papatayin niya na sana ang cellphone niya nang makita ang pinakahuling text ni
Rihanna. Noong makalawa lang ang text na iyon at sadyang hindi niya binasa.

Hindi ko pa pala nabura 'to, aniya sa sarili.

Buburahin niya na sana 'yun nang mabuksan niya ang text. Naging curious siya nang
mabasa ang "magulang ni Ian" sa mensahe.

Napa-angat siya ng likod nang tuluyang mabasa ang text message.

Sige lang,

'wag mong pansinin ang mga text ko. Siguradong mas malaki naman ang makukuha ko
'pag nalaman ng mga magulang ni Ian ang pinaggagagawa niyo.

"Is everything all right?" tanong ni Ian.

"I-ian..."

"Bakit?"

Hindi siya nakasagot. Nakatitig pa rin siya sa text message hanggang sa kunin na
lang 'yun bigla ni Ian sa kamay niya. Kahit ito, napatitig doon.

Ilang sandali lang din nang ibalik sa kanya ni Ian ang cellphone.

"Don't worry too much. Hindi maniniwala si Mama at Daddy sa kanya. 'Wag mo na lang
'yang pansinin."

Kahit paano, gumaang naman ang loob niya. Pero sa kaibuturan niya, kabado pa rin
siya. Sa pagkakakilala niya kasi sa dalaga, siguradong may gagawin itong hindi
maganda.

~*~

"Mama! Papa! Pasok po kayo," magalang na bati ni Joy sa mga magulang ni Ian nang
dumating ang mga ito sa bahay nila.

Sa hitsura pa lang ng ginang, alam niyang may problema na. Kahit na maayos naman
ang pagbati nito sa kanya, pansin niyang may mali roon. Ganoon din ang ngiti sa
kanya ng Papa ni Ian na tila humihingi ng dispensa.

Kinabahan siya bigla. Naalala niya ang banta ni Rihanna sa kanya. At alam niya,
kayang-kaya 'yung gawin ng dalaga.

Kasabay ng pagpasok nila sa loob ng bahay ay ang pagbaba ni Ian sa hagdan. Agad na
sinalubong niya ng ngiti ang mga magulang.

Yayakapin sana ni Ian ang ina nang itulak ito palayo ng ginang.

"How dare you do this, Christian! Mali ba ako ng pagpapalaki sa'yo?" ani ginang.

"'Ma, what are you talking about?" tanong ni Ian pero mukhang alam na nito kung ano
ang tinutukoy ng ina.

"Ang akala niyo ba ay hindi

namin malalaman? My goodness!"

"Mahal, ang dugo mo. Kumalma ka lang," sabi naman ng ama ni Ian habang hinihimas sa
magkabilang braso ang ginang.

"Rogelio, sabihin mo nga sa akin, nagkamali ba ako ng pagpapalaki sa mga anak


natin? Nagkulang ba ako?" baling ng ginang sa asawa.

"Mahal, wala kang pagkukulang. Malaki na pati ang anak mo. Alam niya na ang
ginagawa niya. 'Wag mo nang masyadong damdamin 'yun. Pakakasal naman na sila ng
totoo 'di ba?"

Sa sinabing 'yun ng matandang lalaki, kumpirmado na nilang alam na ng mga ito ang
tungkol sa ginawa nila.

"Mama, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang lokohin kayo. I was just desperate
para mapansin ako ni Joy. At gusto ko lang din na mapasaya kayo," ani Ian.

"At talagang ginawa mo pa kaming dahilan ng ama mo ikaw na damuho ka!" sabi uli ng
ginang at akmang babatukan ang anak pero napigilan ng asawa.

"Mama! Sorry na!"

Humawak sa dibdib ang ina ni Ian saka pumikit ng mariin.

"Diyos ko. Mamamatay ako ng maaga dahil sa'yong bata ka!" anito.

"'Wag ka namang magsalita ng ganyan, 'Ma!"

Lumapit si Ian sa ina at niyakap ito ng mahigpit.

"Sorry na, 'Ma," paglalambing ni Ian.

Sumenyas ang ama ni Ian sa huli na tila sinasabing lambingin niya pa ng husto ang
ina.

Kalahating oras rin ang itinagal ng paglalambing ni Ian pati ng sermon ng ginang.
Naka-upo na silang lahat sa sofa. Siya, nakayuko lang at hindi nagsasalita habang
nagdidiskusyon ang lahat.

Napa-angat siya bigla ng tingin sa huling sinabi ng ginang.

"At natutulog pa kayo sa iisang kwarto! Hesus maria!"

"Magkahiwalay

kami ng kwarto ni Joy, 'Ma!"


"Huwag mo ngang bilugin ang ulo ko, Ian! Natulog na kayo sa bahay at magkasama kayo
sa kwarto!"

"Pero walang nangyayari sa amin! I swear! Kahit putulan niyo pa ako ngayon!"

Malakas na tawa ng ama ni Ian ang nakapagpatigil sa dalawa.

"What? Come on, give your son a break!" anito nang tignan ng masama ng asawa. "It's
not like he's murdered someone!"

"But what he's doing is wrong! Noong panahon natin, mahawakan lang ang dulo ng
daliri ipakakasal na a!"

"Ikaw na ang nagsabi, noong panahon pa natin 'yun. Besides, magpapakasal na rin
naman sila in three weeks' time."

"Still, hindi 'yun dahilan para magsama sila sa iisang bubong at sa iisang kwarto
pa! Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?"

"Nakakalimutan mo na bang ang alam ng lahat ay mag-asawa sila? Pabayaan mo na ang


mga bata. Tena't umuwi na tayo," mariing sabi ng ama ni Ian.

"'Ma, 'Pa, tama na. Kasalanan ko naman po ang lahat. Sorry dahil sa ginawa ko. Pero
gaya nga ng paulit-ulit na sinasabi namin, magpapakasal na kami ng totoo ni Joy in
three weeks."

"Sa bahay na muna kayo tumira sa tatlong linggong 'yun," sabi ng ginang.

"Po?"

"Sa bahay na muna kayo. Kahit na ano pang sabihin niyo, hindi pa rin kayo mag-
asawang tunay at hindi mapapalagay ang loob ko kung patuloy kayong maninirahan na
dalawa lang dito. Mag-empake kayo ngayon din."

Wala na silang nagawa dahil pinal na ang desisyon ng ginang. Kesa lumala pa ang
sitwasyon, nagpasya silang sundin na lang ang gusto nito.

~*~

Pumunta sila ni Ian sa kani-kanilang kwarto para

mag-empake ng damit. Hindi na sila nag-abala na magdala ng iba pang gamit dahil
babalik din naman sila sa bahay na 'yun.

Nang matapos siyang mag-empake, sinalubong siya ni Ian sa harap ng kwarto niya.

"Si Rihanna ang nagsabi sa kanila, sigurado ako," aniya.

Tumango si Ian. "Yeah, siya nga. Though hindi mo na siya kailangang isipin pa.
Knowing my mother, siguradong takot na takot na ngayon ang babaeng 'yun."
"What do you mean?" tanong niya.

"It's best if you don't know the details. Anyway, ito na ba lahat ng dadalhin mo?"
tanong ni Ian.

Tumango siya.

"This will do, I guess."

"Bakit? Three weeks lang naman tayo dun 'di ba? Saka pwede namang labahan," aniya.

Ngumiti nang malapad si Ian saka umakbay sa kanya.

"Deretso honeymoon tayo, remember? Two weeks din 'yun."

Doon lang niya naisip na pagkatapos nga pala ng kasal, may honeymoon pa.
Matatagalan din bago sila makakabalik sa bahay nila.

"Ayos na 'to. Bibili na lang tayo ng mga bagong damit mo. Para maipamigay na rin
'yung mga cargo shorts mo saka malalaking t-shirts. Syempre 'pag kasal na tayo,
dapat hindi ka na nagsusuot ng ganun."

"Pero mas gusto kong suot ang mga 'yun," nakanguso pang sabi niya.

Bumuga ng hangin si Ian saka naiiling na lang na hinila pababa sa hagdan.

"Fine, whatever you want."

~*~

May isang kwarto sa pagitan ng mga kwarto nina Ian at Joy. Sa dating kwarto niya
kasi si Ian at si Joy naman, sa guest room. Kwarto ni Tine ang nasa gitna ng mga
kwarto nila.

Buong hapon habang nasa biyahe sila, hanggang

sa kumain na sila ay tahimik lang si Joy. Ni hindi niya magawang tumingin sa Mama
ni Ian. Hindi niya na kasi alam kung paano niya pa haharapin ang ginang dahil sa
ginawa nilang panloloko rito.

Malungkot na nahiga na lang siya at tumitig sa kisame. Pinag-iisipan niya kung


paano niya kakausapin ang Mama ni Ian kinabukasan. Hindi naman kasi pwedeng iwasan
niya na lang ito palagi.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng balcony niya.
Napatitig siya roon at biglang kinabahan.

Sino naman kaya 'yun?

Dahan-dahan pa ang ginawa niyang paglapit doon saka marahan ding sumilip mula sa
kurtina. Pagtingin niya, si Ian ang naroon.
Mabilis na binuksan niya ang sliding door at agad din naman siyang sinalubong ng
yakap ni Ian.

"Teka, paano kang-"

Hindi pa man siya tapos sa pagtatanong, itinuro na ni Ian ang balcony. May kanya-
kanyang balcony ang mga kwarto. Ang problema, hindi magkakadikit ang mga 'yun!

"Sira ka! Paano kung nahulog ka? Baka nakakalimutan mong nasa third floor tayo!
Ayokong magpakasal sa bangkay 'no!" aniya sabay hampas sa braso ni Ian.

Tumawa naman ang binata bago siya hinalikan sa mga labi.

"To be honest, natakot talaga ako. Medyo malalayo kasi ang agawat nung balcony.
Kaso, gusto kitang mayakap. Saka ayoko namang matulog mag-isa," nakanguso pang sabi
ni Ian.

"Sira ka talaga. Mas gugustuhin ko nang hindi ka kasama ng ilang linggo kesa naman
mapahamak ka pa," inis na sabi niya.

Kahit naman kasi hindi ito napahamak, kinabahan pa rin siya isipin pa lang na
tinalon nito ang pagitan ng mga balcony.

"Don't worry sa pinto na ako lalabas mamaya. Madaling araw ako babalik sa kwarto
para hindi ako mahuli ni Mama. 'Pag ngayon kasi, baka gising pa 'yun at naglalakad
sa labas. Mapurnada pa ang pagtulog ko dito."

Inirapan niya na lang ito saka siya nagpatiuna sa kama. Ngiting-ngiti namang
sumunod sa kanya si Ian saka nahiga sa tabi niya. Kapagkuwan ay yumakap ito sa
kanya saka hinalikan ang buhok niya.

"Good night, sweetie. I can't wait for you to be mine."

"Me too," aniya saka hinigpitan ang yakap ni Ian sa kanya.

to be continued...

=================

Chapter Thirty Four

Alas-syete nang magising si Joy at wala na sa tabi niya si Ian. Malamang, madaling
araw nga ito bumalik sa sariling kwarto. Mahirap nang mahuli ng Mama nito.

Nag-ayos agad siya at bumaba para sa almusal. Sila na lang ni Christine ang
hinihintay at nakahanda na ang almusal sa hapag.

"Sweetie! Good morning!" Tumayo pa ang binata at ipinaghila siya ng upuan.

Ngiti lang ang isinagot niya kay Ian bago siya na-upo roon. Alanganing tumingin
naman siya sa mga magulang ni Ian saka binati ang mga ito.

"Good morning po," aniya.

"Good morning naman, hija," magkapanabay pang sabi nang dalawang matanda.

Ilang saglit lang din, dumating na si Christine at naupo sa tapat niya. Ngumiti pa
ito sa kanya saka siya binati.

Sumasandok na sila ng pagkain nang magsalita si Christine.

"Ma, Pa, naggagala 'ata 'yung pusa ng kapitbahay natin. Nakita ko kagabi dumaan sa
may balcony," anito. Tumingin pang saglit ang dalaga sa kapatid habang sinasabi ang
"pusa".

Napatingin siya kay Ian nang bigla itong masamid. Hindi naman 'yun nahalata ng iba
dahil nakatingin ang mga ito kay Christine.

"Naku Ma, Pa. Baka mamaya niyan mang-gulo 'yun dito. Mahirap na."

"Hayaan mo na lang muna. Baka naman napadaan lang," sabi ng ama nito.

Nagkibit ng balikat si Christine. "Well, baka nga nakidaan lang. Baka may
nililigawang pusa sa kabila," walang anu-anong sabi nito.

Pinigilan niyang matawa ng malakas nang makita niya ang pananaway na tingin ni Ian
sa kapatid. Alam naman nilang pareho na hindi pusa ang tinutukoy nito kundi ang
binata na dumaan sa balcony para puntahan siya sa

kabilang kwarto.

Tahimik lang na nagsikain sila ng ilang minuto hanggang sa bigla na namang


nagsalita si Christine.

"Saan ka natulog kagabi, kuya?"

Halatang nagulat si Ian sa tanong ng kapatid. Pati ang mga magulang nito,
napatingin kay Ian.

"Sa kwarto ko. Saan pa ba?" ani Ian.

"Oh, I thought you went outside. Akala ko hindi ka umuwi kagabi. Wel..."

Nagkibit lang ng balikat ang mga magulang ni Ian. Si Joy naman, nagpipigil ng tawa.
Masama na kasi ang tingin ni Ian sa kapatid. Si Christine naman, nagawa pang mang-
asar sa pamamagitan ng pag-belat sa kapatid.

"Ate Joy, pwede ka ba later? Labas tayo?" baling sa kanya ni Christine.

O-Oo na sana si Joy nang maalala si JL.

"Naku, sorry Christine. Naka-oo na kasi ako sa kaibigan ko. Bukas pwede ako,"
aniya.
Ngumiti agad si Christine. "Sure! Sige, bukas na lang," anito.

"Kung nagt-trabaho ka na, mas may magagawa ka sanang mabuti sa oras mo," singit ni
Ian.

Pina-ikot lang ni Christine ang mga mata niya.

Sinaway naman ni Joy si Ian dahil sa sinabi nito.

"It's okay Ate Joy. Sanay na ako. Besides, wala namang effect sa'kin 'yan," ani
Christine sabay tawa.

~*~

"Uhm, Mama..." pagsisismula ni Joy nang maiwan sila ng ginang sa sala. Pumasok na
sa opisina si Ian at umalis na rin si Christine at ang ama nito.

"Hija, bakit?"

Sandaling tumungo si Joy. Hindi pa rin alam kung paano kakausapin ang ginang.

"S-sorry po. Sorry po talaga sa nagawa namin ni Ian. Hindi ko po gustong lokohin
kayo. It's just..."

"Shhh. It's okay, Joy. Ang mahalaga, ikakasal

na talaga kayo. Wala naman nang makakapigil sa pagpapakasal niyo hindi ba?"
nakangiti pang sabi ng ginang.

Alanganing ngumiti si Joy bago tumango.

"Well, I love him. I won't let anything get in our way."

"That's good to hear. Come, tulungan mo ako sa ibang kailangan para sa kasal niyo."

~*~

"Isang chocolate waffle saka soda," natatawang sabi niya sa waitress na kumukuha ng
order niya.

Nagpunta siya sa Lovie Patty para makipagkita kay JL at hindi niya akalain na
lalapit ito sa kanya bilang waitress. Patapos na rin daw ang shift nito pero
kailangan pang mag-trabaho para hindi naman mapagsabihan ng amo.
"Anything else, Ma'am?" ani JL.

Tumawa muli si Joy bago umiling. "Seriously, JL. Hindi bagay sa'yong mag-waitress!"
aniya.

Ngumuso lang ang dalaga bago pumunta sa counter at ibinigay ang order niya. Pumasok
na rin ito sa locker room para magpalit ng damit.

Ilang minuto lang rin, naupo ito sa harap niya.

"What were you thinking?" aniya habang hindi pa rin maka-get-over sa pagiging
waitress nito.

"Wala akong magawa e. Kesa naman tumambay lang ako dito lagi, edi magtatrabaho na
lang ako. Mas makikita ko pa ng malapitan lagi si Patrick my loves," anito at
tinaas-taas pa ang mga kilay.

Naiiling na lang na kinuha niya ang order nila na kararating lang dala ng isang
waiter.

"Hindi ka na talaga makapag-hintay ah? Ilang buwan na lang graduate ka na a? Baka


maka-apekto 'yan sa grades mo."

"Nope. I don't think so. Kaya ko namang ibalanse. Besides, may inspiration ako rito
kaya okay -lang na mag-trabaho ako

kasabay ng pag-aaral. Basta para kay Patrick my loves."

Pina-ikot niya ang mga mata.

"JL, 'yung totoo? Tigilan mo nga 'yang pagtawag kay Kuya ng 'patrick my loves'!
Nasususka ako!" aniya sabay tawa ng malakas. Wala siyang paki-alam kung pinag-
titinginan na siya ng mga tao.

Inirapan siya ni JL bago ito kumuha ng pagkain sa sariling plato.

"Salamat sa support ha!" sarkatikong sabi nito pero nakangiti naman. "Anyway, i-
souble check mo na lang 'to. Then kung may gusto kang ipabago o ayusin, lagyan mo
lang ng notes. Tapos either dalhin mo sa office nila, ipadala mo via mail o ibalik
mo na lang sa'kin," ani JL sabay abot sa kanya ng envelop.

"Ibabalik ko sa'yo in a few days," aniya. "You know I can't go to their office.
Masisira ang plano ko," aniya.

Nagkibit ng balikat si JL.

"Make sense. Oo nga pala, kelan nga ang kasal niyo?"

"Three weeks from now," aniya habang sumusubo ng pagkain.

"And?"

"Sa Tagaytay gaganapin. Well, doon kasi namin gusto. Originally, may pina-reserve
nang simbahan si Mama pero sabi namin mas gusto namin ang garden wedding," aniya.

"O, edi kayo na ang dalawang beses ikakasal," anito.

Hindi niya sinabi sa dalaga na hindi naman talaga sila kasal ni Ian. Hindi naman na
mahalaga 'yun.

~*~

Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa rin si Ian. Mag-a-alas-dyes na ng


gabi pero hindi pa ito dumarating. Nag-aalala na siya dahil ni hindi nito sinasagot
ang mga tawag niya.

Inis na bumaba si Joy at nagpunta sa dining. Kumuha siya ng juice sa ref at naupo
sa kabisera ng mesa.

Sinubukan niya muli tawagan si Ian pero sa pagkakataong ito, patay na ang cellphone
nito.

Lalo siyang kinabahan kaya naman tinawagan niya ang kapatid.

"Kuya? Kasama mo ba si Ian?" tanong niya.

"Nope. Hindi ko siya naka-usap buong maghapon. Bakit? Nawawala ba?" relaxed na
tanong ni Patrick. Nakaringan niya pa ang mahinang pagtawa nito.

"Kuya, this is serious! Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko! At patay na ang
cellphone niya ngayon!"

"Joy, relax. I'm sure pauwi na 'yun. 'Wag kang masyadong mag-alala, okay? Baka
nawala lang ang cellphone."

Huminga siya ng malalim saka tumango kahit hindi naman 'yun makikita ng kapatid.
Ibinaba niya ang tawag kapagkuwan saka uminom ng juice.

Ilang minuto na rin siyang nakaupo roon nang makarinig siya ng parating na kotse.
Tumakbo agad siya palabas ng bahay at nakahinga siya ng malalim nang bumaba si Ian.

"Where were you?!" galit na sabi niya. Relieved man na walang nangyaring masama sa
binata, ilang oras ding siyang kinabahan dahil ni hindi siya kino-contact nito.
"Kanina pa kita hinihintay! Ni hindi ka sumasagot sa tawag!" aniya pa.

Niyakap agad siya ng binata saka hinalikan sa noo.

"Sorry na, sweetie. Naiwan ko kasi 'yung phone ko sa kwarto. Kaya ngayon lang ako,
kinausap ko 'yung contractor na nag-renovate ng bahay mo sa Tagaytay. Nalak ko
kasing ipagawa rin 'yung bahay natin," anito.

Katatapos lang gawin ng bahay niya sa Tagaytay. Hindi niya pa 'yun nakikita pero
ibinalita sa kanya ni Ian na sinunod lahat ng gusto niyang mangyari roon.

"Come, nauuhaw na ako. Doon tayo sa dining mag-usap," ani Ian.

Nagpatianod na lang siya rito at pumunta sa dining.

"Well, I told you gusto kong palagyan ng swimming pool so palalagyan ko. Another
thing, nagpapagawa ako ng nursery. Para handa na tayo pagnagka-anak tayo. Saka
pinalakihan ko ng konti ang kwarto natin. Pina-iba ko rin yung design ng ilang
interior para child friendly. Mahirap na-"

Napatigil si Ian nang tumawa siya.

"What's so funny?" tanong nito.

"Nothing. It's just that ang cute mong mag-kwento," aniya.

"Seriously? 'Yan talaga ang sasabihin mo? Pagkatapos ng lahat ng plano ko para sa
atin?"

Nagkibit siya ng balikat. "Well, I think you're going to be the best father in the
world," aniya.

Ngumiti nang malapad si Ian bago siya hinila patayo. Niyakap siya nito ng mahigpit
bago hinalikan sa mga labi.

Hindi niya na alam kung gaano sila katagal nang magkalapat ang mga labi nila nang
may biglang tumikhim sa may pinto ng dining.

Pakiramdam niya at umakyat lahat ng dugo niya nang makita ang Mama at Papa ni Ian
sa pinto pati na rin si Christine.

"Uhm, we're just going to get some ice cream," sabi ng Mama ni Ian.

"Yes! At last! Akala ko hindi na tayo makakapasok e," ani Christine.

Napakapit siya ng mahigpit sa braso ni Ian na natatawa lang.

"Grabe halos isang minuto rin tayong nakatayo roon ha!" sabi pa ni Christine.

Nang makuha nito ang ice cream mula sa freezer, nakangiting humarap ito sa kanila
ni Ian.

"Want some?"

"Fine, let's eat some ice cream," ani Ian bago siya inalalayan papunta sa isang
upuan.

Masayang nag-kwentuhan sila habang kumakain ng ice cream.

to be continued...

=================

Chapter Thirty Five


Kanina pang nakatitig si Joy sa salamin pero hindi pa rin siya makapag-desiyon kung
kakausapin niya ang Mama ni Ian o hindi. Kinakabahan kasi siya at baka ma-offend
ito.

"Pero hindi ko talaga gusto," maktol niya pang uli habang tinititigan ang sarili sa
full length mirror.

Isinama siya ngayon ng Mama ni Ian para i-fit ang wedding gown niya. May kabigatan
'yun at eleganteng-elegante tignan. Aminado naman siyang maganda ang gown, pero
hindi niya makita ang sarili niya sa gown na 'yun. Hindi 'yun babagay sa
personality niya.

Well, yeah. Bukod pa sa natatakot siyang hindi na makatuloy sa paglalakad sa altar


dahil mabigat pa ata sa kanya ang suot niya.

"Are you ready hija?" tanong ng ginang na nasa labas ng fitting room.

"Uhm, opo 'Ma," aniya.

Atras abante pa rin siya kung sasabihin sa ginang na hindi niya gusto ang gown.
Pinaghirapan kasi nito ang pagpili sa gown niya tapos aayawan lang niya. Kung
tutuusin naman kasi, wala siyang partisipasyon sa pag-aayos ng kasal nila ni Ian.

"You look gorgeous, hija!" sabi ng ina ni Ian nang makita siya.

Tingin niya rin naman nagmukha siyang diyosa sa suot niya pero may mali pa rin e.
Saka may naiisip rin siyang design sana ng gown niya.

"Bakit hija? Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito nang mapansin ang pananahimik
niya.

"Ano po kasi... 'Ma... Maganda naman po. Gusto ko po ito pero... M-may n-nai-
imagine po kasi akong wedding gown para sa kasal ko," lakas loob na sabi niya.

Hindi tulad ng ine-expect niya na maiinis ito o makikitaan niya man lang ito ng ano
mang emosyon na hindi maganda, nagulat siyang

ngumiti ito nang malapad saka lumapit sa kanya.

"Okay then, sabihin mo sa designer kung anong design ang gusto mo. We still have
almost three weeks. Siguradong aabot 'yun sa kasal mo."

Napangiti agad siya nang malapad. "Thank you po, Mama!"

Tumango ito saka hinaplos ang pisngi niya.

"I do understand. I know all girls have their own dream wedding. And we'll make
yours come true."

~*~
"Saan po tayo pupunta?" tanong niya sa ginang nang paalis na sila sa boutique na
pinagpapagawan ng gown niya.

"Sa venue. Para ma-check niyo naman kung ayos na ba ang magiging enue ng kasal
niyo."

Alam niyang "niyo" ang sinabi ng ginang pero hindi niya na itinanong kung kasama si
Ian. Nagulat na lang siya nang may yumakap sa kanya mula sa likod at halikan siya
sa pisngi.

"Let's go?" tanong ni Ian.

"Hey!" nakangiting bati niya rito. Agad naman siya nitong inakbayan saka hinalikan
sa sintido.

"Tara na. At baka gabihin pa tayo sa pag-uwi," sabi ng Mama ni Ian na may mapang-
asar na ngiti habang tinitignan silang dalawa.

"Yup! We should go," ani Ian saka siya inalalayan papuntang sasakyan nila.

Sa Tagaytay ang punta nila para tignan ang magiging venue ng kasal nila pati na rin
ang reception.

"Papunta na raw roon si Anne. Kitain na lang natin sa mismong venue," ani Mama ni
Ian nang matapos nitong kausapin ang wedding coordinator nila sa cellphone.

~*~

Malawak ang magiging venue ng kasal nila at maganda pa ang tanawin. Naiisip na ni
Joy kung gaano kaganda ang magiging kasal niya.

"This

is great!" ani Ian.

"Yes it is," ani Mama ni Ian. "Pero kung magbabago ang isip niyo at gusto niyong
magpakasal sa simbahan imbis na dito, maibu-book pa natin 'yung simbahan dito. Anne
just talked to them at umatras daw sa kasal 'yung orihinal na naka-book sa Madre de
Dios sa kaparehong araw ng kasal niyo."

"I like this venue, Mama," aniya. "This is perfect for my dream wedding," aniya pa
saka nginitian ang ginang.

"Well, kayong bahala. Tara na't puntahan natin ang magiging reception."

Walking distance lang mula sa venue ng kasal ang reception area. Natutuwa pa silang
overlooking iyon sa Taal Volcano. Malaki rin ang lugar at tingin nila'y kakasya
hanggang tatlong daang katao.
"Ang laki pala nito," aniya.

"Yes, of course. Para kumasya ang lahat ng guests," natatawang sabi ng Mama ni Ian.

"Uhm, ilan po ba ang guest natin?" tanong niya.

Ngumiti sa kanya ang ginang bago sumagot. "Almost 300. Actually, pili na 'yun. May
mga inalis pa ako sa listahan ko para hindi naman sobrang crowded ng kasal niyo,"
anito.

Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa kay Ian saka siya bumulong. "Three
hundred? Pili na? Hindi crowded?" aniya.

Natatawang inakbayan siya ni Ian saka hinalikan sa buhok.

"Approved na sa'min ang venue, 'Ma. Let's go!" ani Ian. Tumingin ito sa wristwatch
saka nagpatuloy. "Medyo late na. Lunch muna tayo then may ipapakita ako sa inyo."

~*~

Nag-lunch lang sila sandaling apat at ngayon ay papunta na sila sa gustong ipakita
ni Ian. Hindi na sumama sa kanila si Anne at bumalik na ng Maynila matapos

kumain.

"Saan ba ang punta natin?" tanong ng Mama ni Ian.

"You'll see, 'Ma."

Excited na si Joy. Alam niya na kasi kung saan sila papunta sa daan pa lang na
tinatahak nila. Ngiting-ngiti na dumungaw siya sa bintana at tinanaw ang mga nasa
paligid. Nang makita ang mga log houses, excited na napatili siya nang mahina.

Nang tignan niya si Ian, naiiling ito habang nakangiting nakatingin sa daan.

"Ang ganda naman dito. Parang nasa makalumang panahon sa America," ani Mama ni Ian
nang bumaba sa kotse.

Patakbong pumunta si Joy sa harap ng pinto. Natatawang sumunod sa kanya si Ian saka
binuksan ang pinto.

Pagkabukas na pagkabukas nun ay patakbo agad siyang pumasok para i-check ang mga
pagbabago roon.

"Easy!" narinig niya pang sabi ni Ian nang muntik na siyang matisod sa center table
ng sala.

Hindi niya na pinansin 'yun at inisa-isa ang bawat sulok ng bahay.

"Fireplace!" turo niya sa isang lugar na sinabi niya kay Ian na gusto niyang maging
fireplace. Napatalon pa siya sa tuwa nang makita nga ang fireplace roon. "Kwarto!
CR! Dining!-" Natutuwang inisa-isa niyang hulaan ang bawat sulok at hindi siya lagi
nabibigo dahil kuhang-kuha nito ang pangarap niyang bahay.

Nang matapos, sinalubong niya ng yakap si Ian na nanatiling nakatayo lang sa sala
at hinihintay siya. Hindi niya nakita ang Mama nito at tingin niya'y naglilibot din
sa kabahayan.

"Thank you!" aniya agad nang salubungin nito ang yakap niya. "Kuhang-kuha 'yung
gusto ko!" aniya pa.

Hindi na sumagot si Ian at niyakap lang siya ng mahigpit.

Mayamaya'y hinalikan niya na lang ang binata sa mga labi

dahil sa sobrang tuwa niya.

~*~

"Uhm, 'Ma. We're going to dine out pagkarating natin sa Manila. You want to join
us?" tanong ni Ian sa ina.

"Oh, no thanks. May date kami ng Papa mo. Paniguradong magtatampo 'yun 'pag hindi
kami natuloy. Ihatid niyo na lang ako sa boutique ng amiga ko. Kailangan kong mag-
ayos para naman hindi tumingin sa ibang babae sa restaurant ang asawa ko," biro ng
Mama niya na ikinatawa nila.

Isa iyon sa ikinatutuwa ni Ian sa mga magulang. Na sa hinaba-haba ng panahon na


mag-asawa ang mga ito, hindi pumapalyang mag-date ang dalawa sa loob ng isang
buwan. Gusto niyang tularan ang mga ito sakaling matanda na sila ni Joy, at maging
sweet pa rin sila sa isa't-isa.

"Oo nga pala, sa honey moon niyo, sasabay kami ni Rogelio ng alis. Pupunta kami ng
Paris para mag-honey moon din!" tumatawang sabi ng ginang.

"'Ma!" saway niya sa Ina.

Pero sa totoo lang, natutuwa siya sa sinabi nito. He really admires his parents so
much.

Nang tignan niya si Joy, nakangiti rin ito habang nakatingin sa kanya. Kinuha niya
ang isang kamay nito saka dinala sa mga labi niya at hinalikan.

~*~
"Pasabay ha, Bro!" ani Patrick sa kanya.

"May magagawa pa ba kami? Nakaupo ka na at naka-order pa," ani Ian.

Habang umo-order sila ni Joy sa Japanese restaurant na napili nilang kainan ay


biglang dumating si Patrick at nakiupo sa table nila. Walang anu-anong umorder din
ito bago pa nagsabi sa kanilang sasabay.

"Nakaka-istorbo ba ako?" tanong ni Patrick pero halata namang wala itong balak
umalis sakali

mang nakaka-istorbo.

"Obvious ba?" sagot niya pa rin sa tanong nito.

"Hayaan mo na lang 'yan si Kuya," ani Joy. "Wala kasing love life kaya nanggugulo
sa date ng iba."

Tumawa si Patrick sa sinabi ng dalaga bago sumagot.

"Hoy, may date ako 'no! Hindi lang nakasipot. May emergency daw sa kanila.
Pupuntahan ko na lang mamaya. Okay naman na daw e. Saka gutom na 'ko."

"Tse! Tigilan mo na 'yang ilusyon mo, Kuya!"

Ngiti lang ang isinagot ni Patrick.

Naiiling na tinignan na lang ni Ian ang magkapatid.

"CR lang ako," ani Patrick sabay tayo. Muntik pa nitong mabangga ang isang lalaking
makakasalubong. "Sorry, Pre," ani Patrick kahit hindi naman nito nabangga ng
tuluyan ang lalaki.

Tinitigan bigla ng lalaki si Patrick at nagliwanag pa ang mukha nito nang mukhang
makilala ang binata. Pero hindi na nito natawag ang huli dahil nakalayo na papunta
ng comfort room.

Agad na binalingan sila ng lalaki. Napatitig pa muna ito kay Joy saka unti-unting
ngumiti.

"Joy!" anito bigla.

Halatang nagulat ang dalaga nang makita kung sino ang tumawag dito.

"Hey, I missed you, babe! Long time no see!" anito pa sabay hila sa dalaga patayo
at niyakap ng mahigpit.

Hindi niya napigilang mapatayo rin dahil sa ginawang 'yun ng lalaki.

"Oh!" baling sa kanya ng lalaki habang sa pagkakataong 'yun ay naka-akbay na ky


Joy. "Ian Lim, right? Best friend ni Kuya Patrick!" Inilahad nito ang isang kamay
sa kanya at wala sa sariling aabutin niya iyon kasabay ng pagtango.

Alam niyang kilala niya ang lalaki pero hindi niya mahanap sa isip niya kung saan
niya ito nakilala.

"Remember me? Christian Lucerio," nakangiti pang sabi uli ng lalaki sa kanya.
Unti-unting naalala niya kung saan niya nakilala ang binata. Noon, hindi niya
pinagka-abalahang alamin ang buong pangalan nito. Ang alam niya lang, CR ang tawag
dito ni Joy, at siya naman, "Banyo". Ito ang palaging kasama ni Joy nang mga bata
pa ito. 'Yung lalaking gusto niyang tirisin sa tuwing nakikita niya.

"Banyo," wala pa rin sa sariling bulong niya.

"Right! It's me!" tumatawa pa ring sabi nito.

Hindi pa rin makapaniwalang napatitig si Ian sa lalaki. Si Joy naman, hindi pa rin
maka-react hanggang sa mga oras na 'yun. Nakatitig lang din ito sa binata.

"Well..." Tumingin muna ito kay Joy bago nagsalita muli. "I'm back, babes! And I'm
here to fulfill my promise."

to be continued...

=================

Chapter Thirty Six

"CR..." 'yun na lang ang nasabi ni Joy sa dami nang sinabi ng bagong dating.

CR ang tawag niya rito dahil sa buong pangalan ng kababata. Christian Rei Lucerio.
Kung tutuusin, never niya pa itong tinawag na Christian. Kung hindi CR, Rei ang
tawag niya.

"Yup! This is me! Lalo akong gumwapo 'no?" anito sabay kindat pa sa kanya.

Hindi niya na napigiang matawa sa ginawa nito. Hanggang ngayon pala, mapagbiro pa
rin ito. Pero tama naman ang sinabi ng binata, lalo nga itong gumwapo.

"By the way-"

Bago niya pa matuloy ang sasabihin, pinutol na agad 'yun ni Rei. Inabutan agad siya
ito ng papel.

"I need to go. Male-late na kasi ako e. Let's keep in touch."

Alam niya nang ibig sabihin nitong isulat niya ang number niya. Nagkibit siya ng
balikat at isinulat naman doon ang numero. Tutal, balak niya rin namang imbitahin
ito sa kasal nila ni Ian. 'Yun sana ang sasabihin niya nang putulin nito ang
sinasabi niya kanina.

"Got it!" anito pa nang i-abot niya ang papel. "See you soon, babe!" Niyakap siya
nito uli bago nagpa-alam ng tuluyan. "See you around, bro," anito naman kay Ian.

Sinundan pa nila ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng restaurant. Nang mawala
ang lalaki sa paningin nila, sabay silang naupo ni Ian.

"So... Christian, huh?" ani Ian.

Tumango siya. "Yeah, you've known him since we were young, right?" aniya saka
bumaling sa waiter na kararating lang para i-serve ang pagkain nila.

Mga bata pa man sila, isa na sa paboritong asarin ni Ian si Rei. May isa pa nga
siyang naaalalang pagkakataon na ikinulong

nito ang matalik niyang kaibigan sa basement ng bahay nila. Galit na galit noon ang
mga magulang ni Rei at gustong ipa-pulis si Ian. Mabuti na lang, napigilan ni Rei
ang mga magulang niya at sinabing ayos lang naman siya.

Tahimik na sila nang mga sumunod na sandali. Hanggang sa dumating si Patrick galing
sa comfort room ay wala nang umimik sa kanila.

"Sorry medyo natagalan. Kausap ko lang 'yun dapat na ka-date ko-" Napatitig sa
kanilang dalawa ang kuya niya nang mapansing ang tahimik nila. "May problema ba?"
tanong nito.

Umiling agad siya. "Wala naman, kuya. Kumain ka na d'yan," aniya.

~*~

Hindi na napag-usapan ni Ian at Joy ang biglang pagsulpot ni Rei noong nakaraang
araw. Isang linggo mahigit na rin ang nakalipas simula noon. Hinihintay ni Ian na
mag-kwento si Joy pero wala itong sinabing kahit na ano.

"Uhm, boss? Okay lang po kayo?" narinig niyang sabi ni Louie.

"What do you want?!" pabalang na sabi niya. Sanay na sanay na sa kanya ang
assistant niya. Isang linggo na ring mahigit siyang nagkakaganito e.

"Ah, eh... Papipirmahan ko lang po sana 'to?" anito sabay pakita sa kanya ng
papeles.

"Leave it there!" Medyo may inis pa ring sabi niya.

Sumunod naman ang assistant niya at inilapag ang papeles sa mesa niya. Kapagkuwan
ay lumabas na ito ng opisina niya.

Sinimulan nang basahin ni Ian ang papeles pero hindi siya maka-concentrate. Hindi
maalis-alis sa utak niya ang lalaking 'yun at ang sinabi nito.

I'm here to fulfill my promise.

"Ugh!"
Inis na ibinaba niya ang papeles sa mesa at marahas na tumayo. Inihilamos

niya ang kamay sa mukha saka bumuga ng hangin.

Natigilan siya bigla nang mapatingin sa doodle ni Joy na ngayon ay naka-display sa


opisina niya.

"X-ian. Huh!"

Nilapitan niya iyon at tinitigan.

"Ang bobo ko. Paano ko naisip na gagawin 'to ni Joy para sa'kin?"

Napakuyom siya ng kamao habang hindi inaalis ang tingin sa kwadro. Mayamaya ay
hindi niya na napigilan ang sarili. Kinuha niya iyon at ibinato sa sahig.

Humahangos na pumasok sa loob ng opisina niya si Louie kasama ang isa niya pang
sekretarya nang marinig ang nabasag na picture frame.

"Boss, okay lang kayo?" tanong ni Louie.

"Throw that!" aniya bago tinalikuran ang mga ito.

Kinalma niya sandali ang sarili bago lumabas ng opisina niya. Wala siyang pakialam
sa mga nakakasalubong na empleyadong bumabati sa kanya. Tuloy-tuloy lang siya
palabas ng building.

~*~

"Naliligaw ka 'ata?" bati ni Lander sa kanya nang pagbuksan siya ng condo nito.

"Hindi ka ba nabo-bore dito? Maghapon ka lang na narito. Ba't 'di mo subukang


magtrabaho? Para kang 'yung kapatid ko," ani Ian.

"Whoa! Pumunta ka lang ba rito para sermunan ako? Layas!" anito sabay ng mahinang
tulak sa kanya palabas.

Hinawi niya lang ang braso nito saka siya pumasok sa loob ng unit nito.

"May alak ka ba d'yan?" tanong niya.

"Bro, tanghali pa lang. Saka wala ka bang trabaho?"

"Pina-cancel ko na lahat ng meeting ko ngayon. May beer ka ba?" ulit niya sa tanong
niya.

Tinignan lang siya ng masama nito sandali bago ito pumunta sa kitchen. Pagbalik
nito, may bitbit na

itong dalawang beer in can.


"Ano bang problema? Nagdadalawang isip ka na ba? Ayaw mo nang magpatali? Next week
na ang kasal mo ah?"

Umiling siya bago tumungga ng beer. Iinom muna siya bago niya sabihin dito ang
problema niya.

Mula pa high school ay kaibigan niya na ito. Though noong college lang sila naging
sobrang close pati na rin si Brad. Si Patrick kasi talaga ang best friend niya sa
lahat.

Alam ni Lander na may gusto siya kay Joy noon pa man. Ito pa nga ang nag-sulsol sa
kanyang padalhan ang dalaga ng bulaklak sa school nito. Though sikreto lang nila
'yun. Hindi alam ni Patrick at Brad ang bagay na 'yun na ikinagi-guilty niya. Hindi
niya lang kasi masabi ng deretso kay Patrick dahil kapatid nito ang dalaga.

"Normal lang ang cold feet sa mga ikakasal. Okay lang 'yan. Pangarap mo 'yan 'di
ba?" anito. "Naaalala ko pa dati, sabi mo sa'kin pakakasalan mo 'yang kapatid ni
Patrick kahit saang simbahan tapos ngayon-"

"He's back," putol niya sa sinasabi nito.

"He. Who's he?"

"Her first love. 'Yung binalak kong ibitin ng patiwarik dati sa puno ng mangga sa
kanto ng subdivision nila. Kaso na-warningan na akong ipapapulis kasi ikinulong ko
siya sa basement nina Pat? Remember?"

"Oh! Si Banyo! Ano nga bang totoong pangalan nun?"

Tumungga muna siya ng beer bago sumagot.

"Christian."

"Lasing ka agad? Pangalan niya ang tinatanong ko hindi pangalan mo!" anito.

Tinignan niya ng masama ang kaibigan saka nagsalita.

"As much as I hate it, Christian din ang pangalan ng bwisit na 'yun. Actually,
lately ko lang nalaman. Hindi ko naman na inalam

dati kung anong totoong pangalan nun. Kung hindi kasi CR, Rei ang naririnig kong
tawag nila sa kanya."

"Boom!" anito sabay tawa. "Ano, magpapapalit ka na ng pangalan?" pang-aasar ng


kaibigan niya.

"Manahimik ka nga! Hindi ako magpapapalit ng pangalan 'no!"

"Sabi mo e."

Sandaling nanahimik ito at uminom lang ng beer.

"Ano bang problema? Pinipigilan niya ba ang kasal niyo? Umatras na ba ang bride
mo?"

Sandaling huminga siya ng malalim saka umiling.

"Ayun naman pala e! Anong dina-drama mo d'yan?"


"Pakiramdam ko kasi, mahal pa rin ni Joy ang bwisit na 'yun. Come to think of it,
she never said she loves me. Kahit isang beses. It was always me."

"Bro, she loves you. Pakakasalan ka ba naman nun kung hindi?"

"Easy for you to say kasi wala ka sa sitwasyon ko. Akala niya siguro hindi na
babalik ang lalaking 'yun kaya pumayag na lang siyang magpakasal sa akin."

"Ang nega mo, pre! Para mas madali, tanungin mo na lang si Joy kung mahal ka o
hindi. Pag sinabing hindi, edi tapos. Ipa-cancel mo 'yung kasal. Pag sinabi niyang
mahal ka niya, ituloy niyo 'yung kasal! Ganun ka-simple. Ang hirap sa inyo pinapa-
komplikado niyo ang mga bagay-bagay."

Hindi na lang siya sumagot sa sinabi nito. Nagpatuloy na lang siya sa pag-inom ng
beer saka isinandal ang ulo sa headrest ng sofa.

~*~

"Hey, where did you go? Sabi ng assistant mo kanina umalis ka na lang basta at
ipina-cancel lahat ng meetings mo," ani Joy nang salubungin si Ian sa front door.

"I was with Lander," simpleng sagot ni Ian.

"You should have called. Kanina

pa kina hinahanap," aniya.

"You sound like a nagging wife already," ani Ian saka ngumiti. Hinaplos pa nito ang
pisngi nya bago ito tumalikod at nagsimulang maglakad.

Napabuga na lang ng hangin si Joy. Sumunod agad siya at kumapit sa braso ni Ian.
Sabay na silang umakyat papunta sa kwarto nito.

Noong tanghali niya pa hinahanap ang binata dahil may gusto sana siyang ipagpaalam
dito. Pumunta pa siya sa opisina nito pero wala siyang inabutan.

Nang makarating sa tapat ng kwarto ni Ian, pinigilan niya agad itong pumasok sa
loob.

"Uhm, Ian... ano kasi..." Tinignan niya si Ian na naghihintay ng sasabihin niya.
"Bale, nagyayaya si CR-Rei na mag-dinner tomorrow night. Pwede ba-"

"No," mabilis na sagot ni Ian.

"What? Why not?"

"I don't want you to see that guy ever again."

Napatitig si Joy kay Ian, hindi makapaniwalang sinasabi nito ang bagay na 'yun.
"Why can't I? He's my best friend!" inis nang sabi ni Joy.

Niyayaya siyang makipagkita ni Rei at um-oo na siya kahit hindi pa nasasabi kay
Ian. Balak niya naman kasi, isama ang binata at doon nila iimbatahan si Rei na
pumunta sa kasal nila. That could also be a way para magka-kilala naman ang mga ito
ng husto.

"What, you expect me to let you go on a date with your first love?"

"Date? First love? What are you talking about?" aniya.

Tinitigan siya ni Ian na tila sinasabing siya ang sumagot ng tanong niya. Napapikit
na lang siya saka bumuga ng hangin.

"Okay, fine. I get what you mean but that was before. We're getting married,
remember? And we're not going on a da-"

"Still, no. End of discussion."

"Ian, you're being unreasonable!"

"I'm being unreasonable? If I would go out with another woman, would you let me?"

"Of course! If it-"

"You would?" Hindi makapaniwala ang tingin na ibinigay sa kanya ni Ian.

Ang ibig niya lang naman sanang sabihin ay papayag siya as long as alam niyang lang
kaibigan nito ang kasama. At syempre, kung kasama siya. Pero hindi na nito
pinatapos ang sinasabi niya.

Sandaling natahimik silang dalawa hanggang tumalikod si Ian at binuksan ang pinto
ng kwarto niya.

"Fine! Do whatever you want!" ani Ian saka pumasok sa kwarto nito at pabagsak na
isinara ang pinto.

"Fine din! Makikipagkita talaga ako bukas!" inis na sabi niya saka nag-martsa
papunta sa sariling kwarto.

to be continued...

=================

Chapter Thirty Seven


Napapansin ni Joy ang makahulugang tinginan ng Mama at Papa ni Ian sa hapag habang
nagbe-breakfast sila. Pati si Tine, tahimik lang sa umagang 'yun.

Hindi na siya nagtataka dahil siguradong narinig ng mga ito ang pagtatalo nila ni
Ian nang nagdaang gabi. Tahimik na lang na kumain sila.

Nang matapos kumain, tumayo agad si Ian. Pero sa gulat niya, lumapit ito sa kanya
bago siya pa-smack na hinalikan sa mga labi. "I'll be going," anito.

Tumango siya ago hinawakan sandali ang kamay nito.

"Take care," aniya.

Tipid na ngumiti ito sa kanya bago tuluyang umalis. Bigla siyang na-guilty dahil
doon. Pero hindi pa rin nawawala sa isip niya na nagiging unreasonable ito sa hindi
pagpayag na makipagkita siya kay Rei to think na gusto niya naman itong isama.
Sigurado ring hindi pa alam ni Rei na magpapaksal na sila at hindi naman magandang
sa telepono niya lang ibalita ang bagay na 'yun sa best friend niya.

Bumalik siya sa kwarto niya nang matapos kumain. Tatawagan niya na lang si Rei para
ipa-reschedule. Kakausapin niya uli si Ian at baka sakaling pumayag na ito sa
susunod.

Tatlong ring lang, sumagot na si Rei.

"Hey, babe! Napatawag ka?"

"Uhm, Rei? Ano kasi... pwedeng ipa-reschedule 'yung mamaya?"

"Naku, babe naman! Hindi pwede. May ipakikilala ako sa'yo mamaya e."

"'Di ba pwedeng next time?" pagpipilit niya.

"My wife will go to Australia tomorrow. Next month pa ang balik niya rito. Gusto
kong magkakilala na kayo e. Saka excited na rin siyang ma-meet ka!"

Napatigil siya bigla sa sinabi nito. Hindi niya alam na may

asawa na ito. Wala itong nabanggit nang huling nag-usap sila sa telepono.

"Er, wife?" tanong niya.

"Yeah? Haven't I told you?" Narinig niya pa ang mahinang tawa nito sa kabilang
linya. "Sorry I forgot to mention. Yes, I'm married. Two years na, actually."

"You didn't invite me?"

"Sorry na."

"Samantalang ako, handa pang makipagtalo sa fiancè ko para lang maimbitahan ka sa


kasal namin ng personal?! That's not fair!" aniya.

Ito naman ang natigilan sa kabilang linya.

"W-wait... whoah! You're getting married? Like, seriously?"

"Ano namang akala mo, walang magkakamali sa'kin?" aniya.

Tawa ito nang tawa sa kabilang linya. Hinintay niya pang huminto ito sa katatawa.
Nang sa wakas ay magsasalita siya, naunahan naman siya nito.

"Who's the unlucky guy?"

Pina-ikot niya ang mga mata sa sinabi nito bago sumagot.

"Ian Lim."

~*~

"You came!" bati sa kanya ni Rei pagkarating niya sa restaurant na pina-reserve


nito. Dahil gusto niya na talagang makilala ang asawa nito, pumunta siya.

Nagpa-alam pa uli siya kay Ian kanina at yayayain niya sana ito pero bigla na lang
nitong sinabi na "bahala ka!" kaya naman heto siya at itinuloy ang pakikipagkita.

"Honey, this is Joy, my childhood best friend. Joy, this is my very beautiful wife,
Aaliyah," pagpapakilala ni Rei sa kanilang dalawa ng asawa nito.

Hindi nag-eexagerate si Rei nang sinabi nitong sobrang ganda ng asawa nito. Kung
tatanungin nga si Joy, kulang pa ang sobrang ganda para i-describe ang babae. Kung
titignan, halatang wala ni kaunti itong dugong

Pinoy.

"It's nice to finally meet you!" masiglang bati sa kanya ni Aaliyah. "Rei have
talked a lot about you!"

Nginitian niya naman ito. "I hope it's not to my disadvantage," aniya.

"No. He said you're like a sister to him."

"And he's like my brother. It's sad I wasn't invited to your wedding," aniya.

"I'm sorry. It was actually a very private wedding. Don't worry, when we have our
baby, I'll make sure you'll be there to celebrate with us."

"I'm looking forward to that."

Masaya siyang ka-kwentuhan si Aaliyah. Nagkakasundo sila sa maraming bagay at


talaga namang nakikita niya kung gaano ito kabait. Hindi na siya nagtataka kung
bakit nahulog ang loob ni Rei dito.

"By the way, my wedding will be next weekend. Rei told me that you'd be in
Australia by then. But if there's a chance that you could be there, I'll be happy
to see you," aniya.

"Oh, yes! Rei told me about your upcoming wedding. Let's see what I can do.
Congratulations, by the way."

"Thanks!"
~*~

"Tell me, Joy. Why Ian?" tanong ni Rei sa kanya nang matapos itong kumain. "Saka,
nagde-date ba kayo nung nakita ko kayo sa resto? Akala ko kasi nakasama ka lang
kasi nandun ang kuya mo."

Tumingin muna siya rito sandali saka ibinaba ang kutsara't tinidor. Huminga siya ng
malalim saka sumagot.

"Yup. We were dating. Si kuya ang nakikisingit. About the marriage... Actually,
he... f-forced me into marrying him," hinaluan niya pa ng lungkot ang boses niya
para mas convincing.

"Wait, what?" may galit na sabi nito.

Sa lahat ng tao, alam niyang isa ito sa

magtatanggol sa kanya. At hinding-hindi ito papayag na mapilitan lang siya sa


pagpapakasal. Lalo na't panghabambuhay ang bagay na 'yun.

Nang tignan niya si Aaliyah, kita niya rin ang kaparehong reaksyon sa mukha nito.

Tumawa siya bigla saka hinawakan ang kamay ng dalawa.

"I'm kidding. Though, that's somehow true. Now, I'm marrying him because I want to.
And because I want to spend my life with him," aniya saka ipinagpatuloy ang
pagkain.

"Are you sure?" nagdududa pa ring tanong ni Rei.

"Yes of course. I'm sure. Don't worry about me. Impossible as it may seem, I love
that stupid moron."

Tinitigan pa rin siya ni Rei at pilit na binabasa kung nagsasabi siya ng totoo.
Nang makita nitong seryoso siya. Tumango ito saka bumuga ng hangin.

"Good to hear that. Though... you said he somehow forced you-"

"At first, yes. But I got to know him and I changed my mind."

Pumitik sa hangin bigla si Rei saka biglang ngumiti nang malapad. Naiiling pa ito
bago tumawa.

"I get it now," anito.

"What?" nagtatakang tanong niya.

"Now I understand why he's making my life miserable when we were young. He's
jealous of me. He wants you for himself!" Bumaling ito sa asawa. "Not that Joy and
I had something, Hon." Tumango naman ang asawa nito. "We were so close to each
other and he doesn't like that!" sabi pa ni Rei.

Tumango na lang siya. Sa kwento ni Ian sa kanya tungkol sa pagpapadala nito ng


bulaklak sa kanya noong college alam niya na. At nabanggit din nitong kaya siya
laging inaasar ay para magpapansin sa kanya.

Ngayon, alam niya na kung bakit paborito nitong

pag-trip-an si Rei dati. Nagseselos ito sa kababata niya.

~*~

"Thank you for tonight," aniya sa mag-asawa na inihatid siya sa mansyon ng mga Lim.

Hindi niya dala ang kotse niya dahil coding 'yun at hindi naman sumama si Ian kaya
naman nag-taxi siya nang pumunta sa resto.

"It was really nice meeting you, Joy. Congratulations again," ani Aaliyah.

"Thank you, Aaliyah. It wass nice meeting you, too," aniya pa.

Bumeso siya sa babae bago binuksan ang pinto ng kotse. Bumaba rin si Rei nang
bumaba siya.

"Bahay 'to ng mga Lim hindi ba?" tanong ni Rei. "Nagsasama na kayo?"

Umiling siya. "Not exactly. Iku-kwento ko sa'yo lahat-lahat next time. Sige na, uwi
na. Pagod na 'yung sobrang ganda mong asawa. Iba ka! Swerte mo, best friend!"
aniya.

"Mas swerte siya sa'kin," anito.

Tinignan niya ito ng masama saka sinenyasan na sumakay na sa kotse nito. Pero bago
ito sumakay, nag-beso ito sa kanya saka ginulo ang buhok niya.

"Ingat sa pagda-drive!"

Pumasok na siya sa loob ng mansyon nang mawala sa paningin niya ang sinasakyan ng
mag-asawa. Dire-diretso siya hanggang sa kwartong tinutuluyan niya. Muntik pa
siyang mapasigaw nang makita siyang taong naroon pagkabukas niya ng ilaw.

"Ian! Tinakot mo 'ko!" aniya rito saka inilapag ang bag sa gilid.

"So, tumuloy ka talaga ha?" ani Ian. Sa tono ng boses nito, halatang nagpipigil ito
ng galit.

"I asked you, and you said I do what I want-"

"Kung sinabi ko bang 'wag kang makipagkita susunod ka? Hindi naman 'di ba? Sa
umpisa pa lang, sinabi ko nang ayokong makipagkita ka sa mokong na 'yun!" galit
nang sigaw ni Ian.
Lumakad siya palapit sa binata at tumigil sa mismong harap nito.

"I didn't do anything wrong! He's my best friend! Bakit ba hindi mo maintindihan
'yun? Kung sinabi mong 'wag akong pumunta, hindi ako pupunta. Hihintayin lang kita
sa opisina mo!" galit na ring sabi niya.

"He kissed you! I saw it! Nagawa mo na ngang magpahatid, nagpahalik ka pa!"

"That was just a friendly kiss! What's wrong with you? Ang dumi ng utak mo! At
anong inaasahan mo? Papayag siyang mag-taxi ako pauwi? I tried to call you but I
can't reach you!"

"My phone was-"

Napahilamos ito ng mukha saka napahawak sa ulo. Matagal din itong tahimik lang sa
ganoong posisyon. Pagkalipas ng ilang sandali, hinila nito ang braso niya at
niyakap siya nang mahigpit.

"I'm sorry, MJ. I love you," mahinang sabi ni Ian habang yakap pa rin siya.

Hindi siya sumagot. Hinaplos niya lang ang buhok nito bago hinalikan 'yun.

Matagal ding nakayakap lang sa kanya si Ian bago siya pinakawalan.

"Bihis ka na. Let's go to bed," anito.

Sandali lang na tinignan niya ito bago siya tumango at sumunod.

Hindi umalis ng kwarto si Ian at nahiga pa sa kama niya. Nang matapos siyang
magbihis ay nahiga na rin siya sa tabi nito.

"Baka mapagalitan tayo ng Mama mo," aniya.

Patagilid na yumakap sa kanya si Ian.

"The hell I care."

Naiiling na lang na isiniksik niya ang sarili sa leeg nito. Naramdaman niya pa ang
paghalik nito sa noo niya.

"Good night, sweetie."

"Good night."

to be continued...

=================
Chapter Thirty Eight

Naalimpungatan si Joy nang maramdaman niya ang paghalik sa noo niya.

"Ian?" aniya habang minumulat ang mga mata.

Bahagyang ngumiti ang binata saka hinaplos ang pisngi niya.

"I have to go," anito.

Napatingin siya sa wall clock sa ibabaw ng pinto.

"Maaga pa a?" aniya.

Ilang araw na ring maagang umaalis si Ian. Hindi na ito sumasabay sa kanila sa
pagkain ng almusal. At sa gabi naman, madaling araw na rin halos itong umuuwi.
Mararamdaman niya na lang ang pagtabi nito sa kanya sa pagtulog.

"I still have a lot of things to do. You know, I'll be gone for a month or so. I
have to finish things."

Tinitigan niya lang sandali si Ian, pino-proseso pa sa utak ang sinabi nito.

"Well, we'll get married in a week. Mawawala ako ng matagal for our honeymoon. So I
have to fix things before I leave," paliwanag ni Ian.

Tumango agad siya sa sinabi nito saka ngumiti.

"Okay. Ingat ka. 'Wag ka masyadong magpagod," aniya.

Matipid uli itong ngumiti saka umalis ng tuluyan. Nahiga muli siya nang makalabas
ito ng kwarto niya.

Simula nang mag-away sila ilang araw na ang nakalilipas ay laging sa tabi niya
natutulog si Ian. Though hindi sila nakapag-uusap dahil naaabutan siya nitong tulog
na at umaalis naman itong tulog pa siya. Nararamdaman niya na lang na tumatabi ito
sa kanya sa gabi.

Hindi naman sila sinisita ng Mama ni Ian. Hinayaan na lang din sila dahil siguro sa
takot na ri nitong mag-away na naman sila at hindi pa matuloy ang kasal.

~*~

"Hindi pa ba tapos ang meeting niya?" tanong

niya sa sekretarya ni Ian sa ikatlong pagkakataon.

"Naku, Ma'am Joy hindi pa po e. Ni hindi rin po sinasagot ni Louie ang tawag ko.
Mukhang busy pa po sila," anito.

Tumango na lang siya saka nagbuntong-hininga.

Nagpunta siya sa opisina ni Ian para dalhan ito ng pananghalian at makasama na rin
ito ng matagal-tagal. Nami-miss niya na rin naman kasi ang kakulitan ng binata.

"Kung gusto niyo po, iaabot ko na lang ang dala niyo kay Sir," ani sekretarya ni
Ian.

Ngumiti siya rito saka umiling.

"Hindi na. Hihintayin ko na lang siya. Wala rin naman akong gagawin e. Sa loob na
lang ako," aniya sabay turo sa pinto ng opisina ni Ian.

"Sige po, Ma'am. Pasok lang po kayo."

Nakatulog na lang si Joy, hindi pa rin dumating si Ian. Hindi niya na alam kung
gaano siya katagal sa opisina nito nang may humaplos sa pisngi niya.

"Hey, Ian!" aniya nang magising. "Wait, kumain ka na ba?"

Kinuha niya agad ang bitbit niyang paper bag na laman ang niluto niyang
pananghalian para rito.

Nakita niya agad ang guilt sa mukha nito. Bigla na lang siyang niyakap ng binata na
ikinagulat niya. Hindi na lang siya nagtanong at gumanti ng yakap.

"I'm sorry. I didn't know you were here," ani Ian.

"It's okay. I know you're busy. Hindi naman kasi ako nagsabi na pupunta. Anong oras
na-" Napatigil siya nang mabasa ang oras sa wrist watch niya. Mag-aalas-tres na ng
hapon. "Oh, I think it's a little late for lunch." Pinilit niyang ngumiti. "Anyway,
tingin ko naman nag-lunch ka na. So I'll be going. Baka nakaka-istorbo ako."

Akmang tatayo siya nang tumabi sa kanya sa

sofa si Ian saka siya niyakap sa beywang. Isinubsob pa nito ang mukha sa leeg niya.

"This is nice." Narinig niyang bulong nito. "Nawawala ang pagod ko," anito pa.

Ilang sadali pa itong nakasubsob sa leeg niya bago ito naupo ng maayos at kinuha
ang paper bag na dala niya.

"So, what do we have here?" ani Ian kasabay ng pagbukas ng Tupperware. "Wow!
Dinuguan!" masiglang sabi nito bago tumayo. "Initin lang natin sandali tapos, sabay
na tayong kumain. I'm sure you haven't eaten lunch." Lumungkot ito sa huling
sinabi.

"Okay," aniya na lang.

Pinanood niya pang lumabas ito ng opisina. Sa tantya niya, pupunta ito sa pantry
para initin ang pagkaing dala niya. Ilang minuto lang din, bumalik ito sa opisina
at inilapag sa center table ang mainit na muling pagkain. May dala rin itong
dalawang pinggan at dalawang canned juice.

"Let's eat!" masiglang sabi ni Ian.

Tumango lang siya saka kinuha ang isang pinggan.


Sasandok na sana siya ng pagkain nang unahan siya ni Ian. Ito na mismo ang naglagay
ng pagkain sa pinggan niya at nagbukas ng juice.

"Thanks," aniya.

Kinuha ni Ian ang kamay niya saka nakangiting tumitig sa kanya.

"No. Thank you."

At bago pa siya makapalag, lumapat na ang mga labi nito sa kanya.

~*~

"Hey, future wife! Let's go! We're going to be late!" sigaw ni Ian sa kabilang
bahagi ng pinto ng kwarto niya.

Sabado at may pupuntahan silang party. Ang golden anniversary ng lolo at lola nina
Ian.

"Nandyan na!" aniya saka lumabas ng kwarto. "Okay lang ba?" tanong niya agad nang
mapansing napatitig

ito sa suot niya.

Naka-kulay asul siyang dress na aabot hanggang sa tuhod at isang flat sandals na
kakulay ng damit niya. Nagpasama pa siya kay Aya nang bilhin niya ang damit na
'yun. Naglagay na rin siya ng manipis na make na na pinanuod niya pa sa isang
tutorial video kung paano ilagay.

Saglit lang na tumitig pa ito sa suot niya saka tumango. Ngumiti pa ito at inilahad
ang braso.

"Let's go?" ani Ian.

Ikinawit niya agad ang kamay niya sa braso nito saka tumango.

Nauna na sa hotel venue ang mga magulang ni Ian kasama si Tine. Ayon sa Mama ni
Ian, taun-taong nagce-celebrate ang mag-asawa ng anniversary nila at nagsisilbi na
rin 'yung reunion para sa magka-kamag-anak. Ngayong taon, espesyal ang selebrasyon
nila dahil limampung taon nang mag-asawa ang matatanda.

Marami nang tao nang dumating sila sa hotel kahit na ba maaga pa sila nang
labinlimang minuto. Mukhang excited ang lahat sa celebration na 'yun.

Ipinakilala siya ni Ian sa bawat kamag-anak na makakasalubong nila. Lahat naman ng


ito, binabati siya para sa nalalapit na kasal nila. At nalaman niya ring lahat ito
ay imbitado.

"Joy!" napalingon siya nang marinig ang patiling pagtawag sa pangalan niya.
Ngiting-ngiti pang sinalubong siya ni JL na galing sa kung saan.
"JL!" ganting bati niya rito nang makalapit.

Nakita niya pa ang pagkunot ng noo ni Ian nang makita si JL. Malamang, iniisip nito
kung saan nakita ang huli. Hindi niya naman kasi sinabi na pinsan nito ang dalaga.
At sa pagkaka-alam niya, ito ang unang beses na nakapunta si JL sa isang gathering
ng mga Lim. Itinuturing kasi siyang bastarda

ng lahat. Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang maayos naman na ang pakikitungo
rito ng pamilya.

"Uhm, Ian, you remember JL?"

Tumitig lang ito sandali saka tipid na tumango.

"Hi, cous," ani JL saka ngumiti kay Ian. Pero sandali lang 'yun at bumaling uli sa
kanya. "May balita ako! Siguradong-"

Sumenyas agad siyang tumahimik ito at pasimpleng itinuro si Ian. Nakuha naman agad
iyon ni JL at tumango.

"Okay, sige. Sabihin ko na lang sa'yo later," anito. Kumaway pa ito sa kanila bago
tumakbo palayo.

Sandali lang na sinundan ng tingin ni Ian si JL bago ito nagsalita.

"Cous?" patanong na ulit ni Ian sa tinawag ni JL sa rito kanina.

"Yup. Her full name's Jenelle Lim. She's actually your cousin. 'Di ka na-inform?"
natatawang sabi niya.

Nagkibit ito ng balikat. "Well, I don't really care about my cousins. I don't know
most of them anyway." Tumingin sa kanya si Ian saka ngumiti. "So, you're friends
with my cousin e?" anito.

Kumapit siya sa braso ng binata saka ngumiti. "Well, I'm already part of the
family. So I'm befriending them," aniya.

Umakbay sa kanya si Ian saka humalik sa noo niya.

"I'm happy to know that."

~*~

Nasa kalagitnaan ng pagkain nang mag-ring ang cellphone ni Joy. Hindi niya sana
'yun sasagutin ang kaso, paulit-ulit ang tawag. Nag-aalala na siyang baka
importante 'yun kaya kinuha niya na ang cellphone. Pagtingin niya, si Rei ang
tumatawag.

Tumingin muna siya kay Ian bago tumayo. Abala ito sa pagkain bago nag-angat ng
tingin sa kanya.
"Sasagutin ko lang 'to," aniya.

Tango

lang ang isinagot ni Ian saka nagpatuloy sa pagkain.

Lumabas sa may lobby si Joy para marinig ng maayos kung ano mang sasabihin sa kanya
ni Rei. Masyado kasing maingay sa loob ng ballroom hall.

"Rei? Bakit? May problema ba?" tanong niya agad pagkapindot ng answer button.

"Joy! Buti naman sumagot ka na. I have news! Good news and bad news. What do you
want to know first?" nagmamadaling sabi nito.

"Bad news muna," aniya.

"Okay. So... the bad news is, I can't go to your wedding," anito.

"What?! I'm expecting you there!" react niya agad. Umaasa kasi siyang makakapunta
ito sa kasal niya.

"I'm sorry, babes. But I can't. I have to go to Australia."

Hindi siya nagsalita. Nagtatampo siya sa matalik na kaibigan. Hindi niya maisip
kung ano pang mas mahalagang bagay para ipagpalit nito ang kasal niya.

"Hey, Joy... 'wag ka nang magtampo. I'll tell you the good news."

Naghintay lang siya na sabihin nito kung ano man ang good news na iyon.

"I have to go to Australia to be with my wife. I'll have to take care of her and
our eight weeks' old child in her womb," mabilis na sabi ni Rei.

It took seconds bago mag-sink-in kay Joy ang sinabi nito.

"My wife's pregnant, Joy! Magkaka-anak na kami!" masayang sabi ni Rei.

"Oh! Congratulations, Rei! Oh, God! That's really good news! Sige, pagtatawarin na
agad kita kung hindi ka makakapunta sa kasal ko. Well, your family's more
important. I'm so happy for you, Rei!" aniya.

"Thank you, babes! Sa susunod, ikaw naman ang magbabalita sa akin niyan," anito.

Tumawa lang siya sa sinabi nito.

"Paano, I have to

go. Aayusin ko pa ang mga kakailanganin ko para sa pagpunta sa Australia. Bye,


babes!"

Nakangiti pa siya nang ibaba ang tawag. Masayang-masaya siya para sa matalik na
kaibigan. Halata sa boses nito ang sobrang excitement na maging tatay.

Pabalik na sana siya sa loob ng ballroom hall nang salubungin siya ni JL.

"Sa wakas, na-solo rin kita! Kulang na lang, ikadena ka nung asungot kong pinsan sa
kanya e!" ani JL.
"Oh, JL! Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" aniya.

Ngumiti pa ng malapad ang dalaga bago bumulong sa kanya.

Sa sobrang saya niya dahil sa ibinalita nito, niyakap niya pa ang dalaga saka
napasigaw.

"I love you talaga! I love you!" aniya.

Natatawang bumitaw sa kanya si JL nang ang cellphone naman nito ang tumunog.

Napatitig pa muna ito sa cellphone bago sumenyas sa kanya na sasagutin 'yun.


Patakbo pa itong lumabas ng hotel bago sagutin ang tawag. Nagkibit na lang siya ng
balikat at naglakad pabalik sa ballroom hall.

~*~

Ilang minuto nang hinihintay ni Ian si Joy pero hindi pa rin bumabalik ang dalaga.

Nagpanggap siya kaninang hindi nakita kung sino ang tumatawag sa dalaga pero nang
kunin pa lang nito 'yun sa pouch ay nakita niya nang si Rei 'yun. Hinayaan niya na
lang na kausapin nito ang kababata. Tutal naman, isang linggo na lang at ikakasal
na sila. Isang linggo na lang at opisyal nang magiging kanya si Joy.

Sa loob ng mga araw na busy siya ay madalas siyang tumatawag sa mansyon nila para
lang itanong sa katulong kung naroon si Joy. At sa tuwina ay laging sinasabi ng mga
ito na umalis ang dalaga

at hindi nila alam kung saan pumunta.

Masama mang tignan na tila minamanmanan niya ang kilos ng mapapangasawa ay hindi
niya mapigilan ang sarili. Natatakot kasi siyang bigla na lang itong umatras sa
kasal nila. 'Pag nangyari 'yun, hindi niya alam kung anong gagawin niya.

Minsan ay tinanong niya ito kung saan galing ng araw na 'yun. Nagising kasi ito
nang tumabi siya. Kunwa'y curious lang siya. Ang sabi ni Joy, nakipagkita ito sa
isang kaibigan. Hindi na mahirap hulaan na si Rei ang kaibigang 'yun. Kung hindi,
sasabihin na lang nito kung sino ang kinita.

Tumayo na siya para hanapin ang dalaga. Hindi na kasi siya mapakali sa kinauupuan
niya. Hinanap niya ito sa labas ng hall pero wala ito roon. Naglakad pa siya ng
kaunti at nang paliko na ay narinig niya ang boses ng dalaga.

"I love you talaga! I love you!"

Napatigil siya sa kinatatayuan niya.

Ang mga salitang matagal niya nang hinihintay na sabihin nito sa kanya. Ang mga
salitang gusto niyang maging patungkol sa kanya. Narinig niya na rin sa wakas.

Ang kaso... hindi para sa kanya. Kundi para sa iba.


Napangiti siya ng mapait saka tumalikod. Wala sa loob na naglakad na lang siya
pabalik. Pero bago pa man siya makapasok, naramdaman niya na ang mga kamay ni Joy
na kumapit sa braso niya.

"Na-miss mo agad ako?" masiglang sabi nito.

Iba ang ngiting nakikita niya sa mga mata ni Joy. Parang sobrang saya talaga nito.

Hinaplos niya na lang ang pisngi ng dalaga saka tumango.

~*~

Pangatlong beses nang tinitigan ni Joy si Ian habang nagmamaneho ito pero hanggang
ngayon, hindi pa rin ito lumilingon sa kanya. Bigla na lang itong naging tahimik sa
kalagitnaan ng party sa hindi niya malamang dahilan.

Nag-aalala na siya rito pero hindi naman nito pinapansin ang pagtatanong niya
kanina.

"Ian, are you okay?" tanong niya sa uli. Hindi niya na alam kung gaano karaming
beses niyang tinanong ang bagay na 'yun.

Simpleng tango lang ang sinagot ni Ian tulad ng mga naunang sagot nito.

Napabuntong-hininga na lang siya at tumitig sa labas ng sasakyan.

Tahimik lang sila pareho hanggang sa makarating sa mansyon. Kasabay pa nilang


nagsibaba ang mga magulang ni Ian at si Tine. Masaya pang nag-uusap ang mga ito at
niyaya siyang sumabay sa kwentuhan.

Nasa sala na sila at sabay-sabay na naglalakad patungo sa hagdan. May sinasabi pa


si Tine nang biglang sumingit si Ian.

"Let's cancel the wedding," anito.

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Ian. Lalo na siya. Pakiramdam niya, tumigil ang
pagtibok ng puso niya. Nakatitig lang siya kay Ian. Hinihintay ang iba pang
sasabihin nito. O mas tamang sabihing hinihintay niyang sabihin nitong nagbibiro
lang ito.

"Ian, what did you say?" Ang ina ni Ian ang unang nakahuma sa kanila.

"I said cancel the wedding. Sabihan niyo na 'yung mga guests niyo habang maaga pa,"
anito saka tumalikod at umakyat.

All the time, nakatitig si Joy sa binata. Kitang-kita niya ang determinasyon sa
mukha nito.

Ilang sandali pa saka siya naka-recover. Mabilis na sumunod siya rito. Nasa
kalagitnaan siya ng hagdan nang pasigaw niyang tinawag ito. Tumigil naman agad ang
binata nang marinig ang boses niya.

"Why?" tanong niya.

Nasa pinakataas na ng hagdan si Ian. Hindi ito tumingin sa kanya ng sumagot.

"I just realized I don't really want to marry you," anito saka nagpatuloy sa
paglalakad.

to be continued...

=================

Chapter Thirty Nine

Napatulala na lang siya sa gitna ng hagdan. Hindi niya malaman kung anong gagawin.
Nakatitig lang siya sa kinatatayuan ni Ian nang sabihin nito ang mga salitang 'yun.

Masakit ang marinig mula sa taong mahal mo na hindi ka niya pala gustong pakasalan.
Na umaatras na siya sa kasal niyo. Lalo na't binibilang mo ang bawat araw, oras,
minuto at segundo sa pagdating ng araw na 'yun.

Ang mga kamay ng Mama ni Ian ang nagpalingon sa kanya. At unti-unti, naramdaman
niya ang pagtulo ng mga luha niya.

"Anak..."

Kahit ang Mama ni Ian ay hindi malaman ang gagawin. Mahigpit na yakap na lang ang
ibinigay nito sa kanya.

Matagal ring tahimik ang lahat. Tanging ang paghikbi niya lang ang maririnig sa
paligid.

"Hello awesome family! I'm home!"

Napatigil siya dahil doon at napatingin silang lahat sa may pinto ng mansyon.
Naroon, ang pangalawang kapatid ni Ian na si Catherine, dala pa ang ilang maleta.

"What's wrong?" biglang tanong ng bagong dating. Naramdaman ata ang tensyon sa
paligid.

Isa-isa sila nitong tinignan. Nag-iwas agad siya ng tingin para hindi nito makita
ang pag-iyak niya. Pagkatapos ay pinunasan niya agad ang mga luha niya.

"What? Pinutol ko 'yung vacation ko sa Paris para sa kasal tapos hindi tuloy?"
anito bigla maya-maya. Sa tantya niya, pabulong na sinabi ni Christine dito kung
anong nangyayari.

Walang sumagot sa sinabi nito. Napapikit siya ng mariin. Hindi siya papayag na
hindi matuloy ang kasal. Gagawa siya ng paraan para lang matuloy 'yun.

"Tuloy ang kasal," pinal na sabi niya.

Alam niyang nakatingin

sa kanya ang lahat pero nag-iwas siya ng tingin sa mga ito.

"Hindi po natin ica-cancel ang kasal," sabi niya pa sa Mama ni Ian.

Nakita niya pa ang paghinga nito ng malalim. Nang mag-angat siya ng tingin sa mukha
nito, nakangiti ito sa kanya pero may simpatya sa mga mata nito. Hinaplos nito ang
mukha niya bago siya niyakap muli.

"Great! Tuloy pala ang kasal e! Maayos ba 'yung dating kwarto ko? Dito muna ako
ha?" ani Catherine bago umakyat ng hagdan.

Nang mapadaan ito sa gilid niya, ngumiti ito ng malapad bago siya hinila at
niyakap.

"Welcome to the family! I knew you'll be my sister in law! Paano, matutulog na ako!
May jet-lag pa ako e. Good night everyone!" anito pa bago nagtuloy-tuloy ng akyat
at pumasok sa kwarto nito na katabi ng kay Ian. Pinapagitnaan ng dalawang babae ang
kwarto ng Kuya nila.

"Get some sleep, hija. I'm sure bukas kakausapin ka rin ni Ian," ani Mama.

"Yes, 'ma," aniya saka umakyat at nagpunta sa guest room.

~*~

"Paano kung hindi nga ituloy ni Kuya ang kasal?" narinig niyang sabi ni Christine.

Nasa labas siya ng dining roon nang marinig ang boses nito. Papasok na sana siya
roon nang mapatigil.

"Itutuloy niya 'yun," sabi naman ni Catherine.

"At paano ka nakasiguro, ate? Hindi mo kasi nakita kung gaano ka-determinado si
kuya nung sinabi niya kagabing ica-cancel ang kasal," sagot naman si Christine.

"Alam mo, parang hindi ikaw ang mas madalas na nakakasama ni kuya. Hanggang ngayon
hindi mo pa rin siya kilala!"

"Wow ha? At paano mo nasabi, aber?"

"'Yang si Kuya, iisa lang ang pangarap niyan sa


buhay. Dahil nga mula pagkabata, nabibigay sa atin ni Mama at Papa ang lahat ng
kailangan natin, wala na siyang mahihiling pa. Except for one."

"And that is?"

"His best friend's sister. Para namang wala ka nung narinig nating sinabi niyang
gagawin niya ang lahat para lang mapasakanya si Joy. Besides, I saw how happy he is
dun sa mga pinadala mo sa'kin na pictures nila. I never saw Kuya Ian smile that
way. So don't worry. Matutuloy ang kasal. Trust me." Hindi na nagsalita si
Christine pagkatapos nun.

Those words get her hopes up. Siguro nga tinotopak lang si ian. Kahit hindi sabihin
ni Catherine, nakikita niya sa mga mata ni Ian na mahal siya nito. She didn't know
what went wrong but she'll make sure the wedding's still on.

Nagpalipas lang siya ng ilang minuto pa bago pumasok sa dining room.

"Good morning," aniya. Tipid na ngumiti siya saka naupo sa pwesto niya.

"Good morning," sagot sa kanya ng mga nasa hapag.

"Where's Ian?" tanong ng Papa ng mga ito sa walang partikular na tao.

Ang dating yaya ni Ian ang sumagot.

"E Sir, umalis ho kaninang madaling araw ang batang 'yun. Ayaw papigil. E
tinatanong ko naman po kung saan pupunta, ayaw sabihin. May dala-dala pong mga
gamit," anito.

Naramdaman niya ang pagsikip ng dibdib niya sa narinig. Natahimik naman ang buong
hapag. Wala ni isa ang gustong magsalita at nararamdaman niya na ang pag-iinit ng
gilid ng mga mata niya.

"Hindi po ako nagugutom. Mauna na po ako sa inyo," aniya saka tumayo.

Narinig niya pang nagsalita ang Mama ni Ian pero hindi niya na naintindihan ang
sinasabi nito.

Ang tanging laman lang ng isip niya ay ang pagkansela ni Ian sa kasal at ang pag-
alis nito.

Mabilis na tumulo ang mga luha niya habang paakyat siya ng hagdan. Unti-unti na
ring lumalakas ang paghikbi niya kaya naman patakbo na siyang umakyat patungo sa
kwarto niya.

~*~

"Joy, what's happening?" bungad ni Patrick pagsagot niya pa lang sa tawag nito.

"Nothing, kuya," aniya.


"Nothing? Bakit nagtatago si Ian? Ilang araw ko na siyang kino-contact!"

"He... he call the wedding off. But I didn't cancel it."

"What?! Wha-"

Ibinaba niya na agad ang tawag bago pa matapos ng kapatid ang sinasabi. Pinatay
niya rin agad ang cellphone niya. Ayaw niya nang makarinig ng kahit na ano.
Itutuloy niya ang kasal kahit na anong mangyari.

Dalawang araw na lang at kasal na nila ni Ian pero hindi pa rin ito nagpaparamdam.
Sa totoo lang, kinakabahan na siya ng todo. Mukhang desidido na talaga itong hindi
ituloy ang kasal. Pero kahit ganun, ayaw niya pa ring ipa-cancel 'yun.

Ilang araw niya na ring pilit na kino-contact si Ian. Pati ang mga assistant nito,
kinukulit niya. Pero ni isa kina Louie at Billie ay hindi siya masagot ng maayos.

"Ma'am Joy?" narinig niyang tawag sa pangalan niya kasabay ng katok sa pinto ng
kwarto niya.

"Bukas po 'yan!" sabi niya sa nasa kabilang bahagi ng pinto.

Pumasok roon ang dating yaya ni Ian hawak ang landline. Nakatitig lang siya sa
telepono habang pumapasok ito sa loob.

"E Ma'am, may tawag po kayo. Hindi raw po kasi ma-contact ang cellular niyo,"
anito.

Inabot niya agad ang telepono

saka tipid na nginitian ang matanda.

"Salamat po, Yaya," aniya.

Huminga pa siya ng malalim bago sinagot ang tawag. Umaasang si Ian ang nasa
kabilang linya.

"Hello?"

"Ma'am Joy! Sa wakas na-contact ko na rin po kayo! Si Billie po ito, 'yung


sekretarya ni Sir Ian," sabi ng nasa kabilang linya.

Napa-angat agad siya ng likod sa narinig. "May problema ba? M-may... nangyari ba
kay Ian?" tanong niya.

"Uhm, wala naman po. Pero baka sa'kin may mangyari dahil sa sasabihin ko. Naku
Ma'am, 'wag niyo pong sasabihin na ako ang nagsabi ha? Ayoko pong mawalan ng
trabaho. Saka baka magalit sa akin si Louie."

"Ano ba 'yun?" tanong niya pero may hinala na siya kung anong sinasabi nito.

"Alam ko na po kung nasaan si Sir Ian," anito.

Pigil ang hininga niya habang hinihintay ang susunod pang sasabihin nito. May pause
pang sandali, marahil ay binabasa ang address ng kinaroroonan ni Ian.

"Bale sa Tagaytay po. Ito po 'yung address-"

Ang address na sinabi nito ay ang log house na binili ni Ian para sa kanya.
Nakahinga siya ng maluwag sa narinig.

"Salamat, Billie," aniya saka ibinaba ang tawag.

Kung ganoon, may pag-asa pang matuloy ang kasal. Malapit lang si Ian sa venue.

Kumuha agad siya ng maleta at nag-empake ng mga damit niya. Mauuna na siya sa venue
ng kasal.

Nasalubong niya ang Mama ni Ian sa sala nang paalis siya. Balak niya sanang tumawag
na lang rito para sabihing nasa Tagaytay na siya. Ang akala niya kasi ay wala ito
roon at inaasikaso ang ilan pang bagay para sa kasal.

"Joy! Saan ka pupunta?"

nag-aalalang tanong nito.

"Mauuna na po ako sa Tagaytay. Doon na ako tutuloy sa condo ni Ian. May susi naman
po ako. Magkita na lang po tayo doon bukas," aniya.

Nawala agad ang pag-aalala sa mukha ng ginang sa sinabi niya.

"Osiya, sige. Mag-iingat ka sa byahe," anito.

~*~

Hapon na nang makarating siya sa Tagaytay. Desidido na siyang kakausapin si Ian


nang papunta siya roon pero nang makarating, bigla siyang kinabahan. Nagpalakad-
lakad siya sa gitna ng sala at pilit na kinakalma ang sarili. Pinag-iisipan kung
itutuloy pa ang pagkausap kay Ian o ite-take niya na lang ang chance na kusa itong
pumunta sa kasal nila.

Madilim na nang mapatingin siya sa labas. Hindi niya napansing ganoon katagal na
siyang nag-iisip. Huminga siya ng malalim at sa huli, nag-desisyong puntahan si
Ian.

Bumili siya ng pagkain para dalhin dito at sabay na silang maghapunan. Kabadong-
kabado siya pero pilit niya pa ring pinatatatag ang dibdib niya.

Halu-halong emosyon ang naramdaman niya nang makarating sa log house at makitang
naka-park doon ang kotse ni Ian. Natutuwa siyang makikita at makaka-usap niya na
uli ito and at the same time, natatakot siya sa magiging reception nito sa kanya.

Matagal din siya sa harap ng pinto bago niya napag-desisyunang buksan 'yun.

Madilim ang loob ng bahay maliban sa kwarto. Binuksan niya ang lahat ng ilaw na
ikinalabas ni Ian sa kinaroroonan. Nagulat pa itong makita siya pero sandali lang
'yun. Umiwas agad ito ng tingin bago tumungga sa bote ng beer na hawak.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ian.


Mas nauna

niyang napagtuunan ng pansin ang hitsura nito at ang hawak na bote bago ang tanong
nito sa kanya. Sa ilang araw lang na hindi sila nagkita, nag-iba na gad ang hitsura
nito. Mukhang hindi ito kumakain at nag-iinom lang.

"This house is mine... as far as I can remember," sa wakas ay sagot niya. "Ikaw ang
dapat na tinatanong ko niyan," aniya pa.

"Well, as far as I can remember too... I paid for this house," ani Ian.

Nagkibit siya ng balikat sa sinabi nito.

"This house is in my name legally, so it's still mine," aniya.

Sandaling natahimik si Ian. Nakita niya pang tumungga uli ito ng alak bago siya
sinagot.

"Pumunta ka lang ba rito para paalisin ako? Fine! You can have this house! Aalis na
ako!" anito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito at pumunta sa kusina. Nang dumaan siya sa harap
nito ay nagsalita pa siya.

"Ihahanda ko lang itong pagkain. Halika na sa dining," aniya.

Napatigil sa paglalakad si Ian sa sinabi niya. Mayamaya ay sumunod din ito sa


kusina.

Tahimik lang sila habang inilalagay niya sa mga pinggan ang dala niyang pagkain.
Wala siyang pakialam kung sinusundan ng tingin ni Ian ang bawat galaw niya.

Naupo siya sa hapag nang matapos at inilagay sa harap ni Ian ang isang pinggan.

"Why are you here?" tanong uli ni Ian.

"My wedding's a day from now. That's why I'm here," simpleng sagot niya.

"The wedding's off," anito.

Parang may pumiga sa puso niya sa sinabi nito. Kahit na sinabi na nito iyon dati,
parang paulit-ulit pa ring sumasakit ang puso niya sa tuwing maririnig niya iyon
dito.

"The wedding's on," aniya.

"I

cancelled it."

"I didn't."

Sandaling natahimik si Ian. Pinakatitigan siya. Nagsimula na lang siyang kumain


kahit na pakiramdam niya, walang lasa ang isinusubo niya.

"Why?" mayamaya's tanong ni Ian na nakatitig pa rin sa kanya.

Tinignan niya pa muna si Ian bago siya sumagot. Hindi niya mabasa kung anong
iniisip nito. Tila may pag-asa siyang nakikita sa mga mata nito pero nawala rin
naman agad 'yun.

"I've waited for that day for so long..."

"Why?" tanong pa uli ni Ian.

"It's my dream... our dream. I won't cancel it."

"Why?"

"I don't want to."

"Why?"

"Just because-"

"Why?"

Napipikon na siya sa katatanong ni Ian ng bakit. Para itong bata na bago pa lang
natututo at lahat na lang tinatanong kung bakit.

"Ian, ikaw itong pinaka-eager dati na matuloy ang kasal na ito from the start.
Handa na ang lahat saka mo ipapa-cancel? At isipin mo ang pagod ng Mama mo sa
paghahanda! We can't cancel this wedding-"

"Of course! Si Mama. Yeah, madi-disappoint si Mama pag hindi natuloy ang kasal.
'Yun naman talaga ang pinakamalaking dahilan kaya dapat na matuloy ang kasal e. But
what about you? Me? Hindi ba mahalaga kung ano ang gusto natin?" putol ni Ian sa
sinasabi niya.

"Hindi mo gustong makasal sa'kin?" mahinang sabi niya.

Hindi sumagot si Ian. Nakatitig lang rin ito sa kanya.

Inis nang tumayo si Joy. Kahit naman kasi mahal niya ang lalaking nasa harap niya,
nauubos na rin ang pasensya niya. To think na narito siya sa harap nito para
sabihing itutuloy niya ang kasal ay ganito pa ang reception nito sa kanya.

"I don't know what your problem is but I don't care! Wala rin akogn pakialam kung
ayaw mo sa'kin! Itutuloy ko ang kasal pumunta ka man o hindi and that's final!
Hihintayin kita sa altar na 'yun kahit ilang oras pa!" aniya kasabay ng pagtulo ng
mga luha niya.

Nakita niya pang natigilan si Ian at nang akmang tatayo ito para lapitan siya,
mabilis na tumakbo siya palabas ng bahay at pinatakbo ang kotse niya pabalik sa
condo nito.

to be continued...
=================

Chapter Forty

I love you.

Those three words are what he's waiting for. He had hoped to hear it but didn't.

Huminga siya ng malalim saka mabilis na sinundan ang papalabas na si Joy. Hindi
niya na ito naabutan at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan.

"There goes your chance, boy," aniya sa sarili.

Sa loob ng ilang araw na hindi niya nakasama ang dalaga, ni minsan ay hindi ito
nawala sa isip niya. Kanina, nang makita niya ito ay gusto niyang takbuhin ang
pagitan nila at yakapin ito ng mahigpit. Pero hayun, itinaboy niya na naman ito
dahil lang hindi niya narinig ang gusto niyang marinig.

Napahinga na lang siya ng malalim saka bumalik sa loob ng bahay. Pumunta siya ng
kusina at bigla na lang nakaramdam ng gutom. Isang bagay na hindi niya naramdaman
sa loob ng ilang araw dahil wala siyang ibang nararamdaman kundi pangungulila sa
babaeng pinakamamahal niya.

Napatingin siya sa pagkaing iniwan ni Joy at hindi napigilang mapangiti. Naupo siya
sa hapag at kinuha ang naiwan nito saka 'yun kinain.

Itutuloy ko ang kasal pumunta ka man o hindi and that's final! Hihintayin kita sa
altar na 'yun kahit ilang oras pa!

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Joy habang kumakain siya.
Napapangiti rin siya paminsan-minsan dahil lang doon.

Maybe there a chance that-

Umiling agad siya sa naisip. Ayaw niyang umasa. Hindi siya aasa.

Simula nang umalis siya sa mansyon ng araw na 'yun, sa log house na siya nanuluyan.
Sinasabi niya lang sa sarili niya na gusto niya ng tahimik na lugar para tigilan

pero sa loob-loob niya, nagtitigil siya sa bahay na 'yun sa pag-asang darating si


Joy.

Ang assistant niya lang na si Louie ang nakakaalam kung nasaan siya. Na ilang beses
na nabanggit na hinahanap siya ng dalaga. Kahit na sinasabi niya sa assistant na
'wag sabihin kahit kanino kung nasaan siya, hindi miminsang naisip niya na sana ay
suwayin siya nito at sabihin nito kay Joy ang kinaroroonan niya.

At ilang minuto nga lang ang nakakaraan, naroon na ang dalaga. Pero pinalagpas niya
rin ang pagkakataon. Dahil lang sa kagustuhan niyang marinig ang mga salitang 'yun.

Hindi niya alam kung anong dapat gawin. Ayaw niyang mawala ang dalaga sa kanya pero
ayaw niya rin naman ikulong ito sa isang kasal na hindi nito gusto. Hindi niya
kakayanin kung balang-araw ay makikita niyang hindi ito masaya sa piling niya.

Matagal niya ring pinag-isipan ang bagay na 'yun bago siya nagdesisyon na i-cancel
ang kasal. Gusto niya sanang maging selfish pero kung ang kapalit naman ay ang
kaligayahan ni Joy, mabuti nang siya na lang ang masaktan. Kaysa makita ang babaeng
pinakamamahal niyang nahihirapan.

~*~

Halos tanghali na nang magising si Ian. May paulit-ulit na kumakatok sa pinto.

Hindi niya maisip kung sino ang naroon. Kung si Joy 'yun, pumasok na lang sana ito
dahil may sarili naman itong susi.

Patamad na tumayo siya at nagpunta sa pinto. Hindi niya pa man 'yun nabubuksan ng
tuluyan ay may tumulak na roon. Malakas na itinulak siya ng bagong dating na
ikinatumba niya sa sahig.

"You son of a bitch!" pasigaw na sabi sa kanya ni Patrick.

Umiwas siya

ng tingin sa matalik na kaibigan at hindi tumayo sa pagkakatumba.

"Get up!" pasigaw pa ring utos nito sa kanya.

Dahan-dahang tumayo siya pero hindi pa rin tumitingin dito. Hindi niya alam kung
paano ito haharapin dahil sa ginawa niyang pag-atras sa kasal nila ng kapatid nito.

"I told you not to make her cry! You-"

Pumikit pa ng mariin si Patrick at halatang nagpipigil. Pero nagulat na lang siya


nang mabilis na lumapit ito sa kanya at sinikmuraan siya. Hinawakan niya agad ang
tiyan niya sa sobrang sakit nun.

"I should kill you, you know? But I wouldn't. At kung pwede lang, wawasakin ko
'yang mukha mo. Pero hindi ka pwedeng pumunta sa kasal na gamit ang mukha ng aso!"
anito.

Gusto niyang matawa sa huling sinabi ng kaibigan pero alam niyang seryoso ito.

Pwede mong gawin ang lahat dito pero hindi sa kapatid nito. Gyera ang susuungin mo
kung sakaling kantiin mo si Joy.

Naupo siya sa sofa at hinintay ang susunod na gagawin ni Patrick. Nakahanda siyang
tanggapin lahat ng galit nito. Wala siyang pakialam kahit na gilitan pa siya nito.

Sa halip na kamao, ang tuxedo niyang isusuot sa kasal ang tumama sa mukha niya.
Napatitig siya roon sandali bago tumingin kay Patrick sa unang pagkakataon sa araw
na 'yun.

"Tuloy ang kasal, Ian. Ayaw ipa-cancel ni Joy. Wala siyang pakialam kung mapahiya
siya roon 'pag hindi ka dumating. Maghihintay raw siya," anito.

Tumango lang siya. Sinabi na ito sa kanya ng dalaga.


"Subukan mo lang na hindi sumipot, ako mismo ang maglilibing sa'yo," sabi pa ni
Patrick bago tumayo.

Tatalikod na sana ito nang sumagot siya.

"You

know that I love her, right?" aniya.

Tumingin sa kanya sandali si Patrick. Hinihintay niyang kumpirmahin nitong alam


nito ang bagay na 'yun.

"Then prove it," sa halip ay sagot nito bago tuluyang umalis.

~*~

"You're almost ready, hija," nakangiti pang sabi sa kanya ng make-up artist na
inaayusan siya.

Nginitian niya rin ang ginang saka hinawakan ang kamay nito.

"Thank you, Tita," aniya.

Mama ni Aya ang nag-aayos sa kanya. Isa itong professional make-up artist na
kasalukuyang nagta-trabaho para sa isa pa nilang kaibigan na si Genna.

"Wala 'yun, hija. Para na rin kitang anak." Kinuha nito ang ilang gamit saka
nagpatuloy sa pag-aayos sa kanya. "Hindi na tuloy ako makapaghintay na ang anak ko
naman ang ikasal. E ilang taon na rin ang batang 'yun. Ni hindi pa rin makawala sa
ala-ala ng dating nobyo niya."

Napangiti siya sa sinabi ng ginang. Hindi man sabihin ni Aya, alam niyang totoo ang
sinasabing iyon ng ina nito.

"'Wag po kayong mag-alala. Darating din po ang para kay Aya," aniya.

"'Ku e sana nga. At sana ay sa lalong madaling panahon. Nag-aalala ako sa batang
'yun nitong mga nakaraang buwan. Lalo pa't-" Napahinga na lang ng malalim ang
ginang at hindi na itinuloy ang sinasabi. Naiintindihan niya rin naman kung anong
ibig nitong sabihin. Si Vince-at si Genna.

Ilang sandali ring tahimik sila hanggang sa pumasok sa kwarto niya ang apat na
kaibigan niya.

"Wow! Ang ganda mo naman!" bungad ni Jacky sa kanya.

Bumalik pa ito sa Pilipinas para lang sa kasal niya. Pero hindi ito tatagal ng
dalawang araw at

babalik din agad sa Amerika.


"Si Mama pa ba? E kahit ata aswang mapapaganda niyan e," sabi naman ni Aya.

"Pero parang may kulang?" biglang sabi ni Lana.

"Oo nga. Kahapon pa kami rito pero ni isang beses, hindi namin nakita si Ian," si
Genna.

Hindi niya sinabi sa mga kaibigan ang sitwasyon. Ayaw niya kasing mag-alala ang mga
ito.

"Nand'yan lang 'yun. Ayaw lang na hindi matuloy ang kasal. Alam niyo na...
pamahiin," aniya.

Nagkibi ng balikat ang mga ito.

"Yeah, we know that. Pero pati sa'min hindi siya pwedeng magpakita?" ani Aya.

"Iniisip sigurong kasama natin si Joy buong magdamag," si Lana ang sumagot para sa
kanya. "Makikita rin natin 'yun mayamaya."

Tumingin siya sa labas ng bintana. Madilim pa ang langit. May tatlumpung minuto pa
naman bago magsimula ang kasal nila.

Sunrise wedding ang gaganapin. Simbulo 'yun para sa kanila. New beginnings-naaalala
niya pang sabi sa kanya ni Ian. Simula raw kasi 'yun ng bagong buhay nila.

~*~

Sakay ng karwahe ay papunta na sa venue si Joy kasama ang apat niya pang kaibigan.
Limang minuto na lang, magsisimula na ang kasal.

"Sana sa kasal ko ganito rin. Gusto ko ring naka-karwahe," sabi ni Aya na nakanguso
pa.

"Maghanap ka muna ng jowa, uy!" ani Genna.

Nagkatinginan silang tatlo ni Lana at Jacky sa sinabing 'yun ng huli. Kahit si


Genna, natigilan nang ma-isip kung anong sinabi niya.

Si Aya, tila nawala sa mood at tumingin na lang sa malayo.

"Whatever," anito mayamaya.

Wala nang nagsalita simula noon. Mabuti na lang dahil nasa

tapat na sila ng venue at maghihintay na lang na magsimula.

Tinignan niya lahat ng bisita. Tulad nga ng sabi ng Mama ni Ian, nasa tatlong daan
ang naroon. Malaki ang sakop ng venue nila dahil sa dami ng tao.
Maganda ang pagkakaayos ng lugar. Kumpleto na lahat ng bisita. Pati ang araw,
papasikat na. Pero may kulang pa rin... ang groom niya.

Nakatitig siya sa altar kung saan dapat ay hinihintay siya ni Ian. Pero wala ito
roon. Nakita niya ring nagpapanic na ang wedding coordinator nila pati ang mga
magulang ni Ian. Mukhang hindi naman 'yun pansin ng mga tao at iniisip na sakto
lang sa oras darating si Ian.

"Nasaan ang groom?" tanong ni Genna.

"Oo nga. 'Di ba dapat naroon na siya sa altar para maghintay?" sabi naman ni Lana.

Nagsisikip na ang dibdib niya habang nakatingin lang sa mga bisita. Umasa siyang
darating ito pero hindi pala.

"He cancelled the wedding," aniya kapagkuwan. Ano mang sandali, ramdam niyang
tutulo na ang luha niya.

"What? E mula kahapon magkakasama tayo, bakit hindi namin nalaman? Kailan niya
sinabi?" si Aya.

Napangiti siya ng mapait. "A week ago," aniya. " Kahit na ipina-cancel niya,
ipinatuloy ko pa rin. Umaasa kasi akong... sisipot siya. Umaasa akong totoo 'yung
sinabi niyang mahal niya ako. Na pangarap niyang makasama ako habambuhay. Umasa
akong-"

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang paghikbi niya. Nanginginig na rin
ang mga kamay niyang nakakapit ng mahigpit sa gown na suot niya.

Akala niya magbabago ang isip ni Ian. Akala niya sandaling malaman nitong gusto
niyang ituloy ang kasal ay matutuwa ito at babalik sa kanya. Umasa lang pala siya.

"Tama lang na umasa ka," narinig niyang sabi ni Genna mayamaya.

Tinigngala niya ang kaibigan. Nakangiti ito sa kanya habang may itinuturo sa 'di
kalayuan.

Kasabay ng pagkakita niya sa itinuturo ni Genna ay ang malakas na hiyawan at


palakpakan ng mga bisita.

Naroon si Ian, sakay ng kabayo papunta sa altar para pakasalan siya.

to be continued...

=================

Chapter Forty One


Ilang beses pang kumurap si Joy para lang kumpirmahin kung tama ba ang nakikita
niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na naroon nga si Ian at ngayon ay nasa harap
na ng altar para hintayin siya. Buong akala niya talaga, hindi siya sisiputin nito.

Hindi niya na napigilang mapaiyak dahil doon. Agad naman siyang dinaluhan ng mga
kaibigan niya.

"Hey! Hindi ko alam kung ano na ba talaga ang gusto mong mangyari! Nung hindi pa
dumarating, umiiyak ka. Ngayong dumating, umiiyak ka pa rin. Buti na lang
waterproof 'yang mascara mo kundi mukha ka nang white lady sa Balete drive!" sita
sa kanya ni Aya.

Natawa siya sa sinabi nito pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya.

"Tumahan ka na. Baka pumangit ka sa wedding pictures mo sige ka," sabi naman ni
Jacky.

Pinilit niyang kalmahin ang sarili. Himinga pa siya ng malalim saka ngumiti nang
malapad.

Pinunasan ni Lana ang pisngi niya gamit ang tissue paper. Si Genna naman, kinuha
ang bitbit nitong make-up kit para i-retouch siya.

"Mag-i-start na tayo," nakangiting tawag sa kanya ng wedding coordinator nila.

Tumango naman agad siya. Naunang bumaba ang mga kaibigan niya para pumila. Siya
naman, naiwan sa karwahe para hintahin ang pang-entrada niya.

Nagsimula nang mag-martsa ang lahat. Umandar na rin ang karwaheng sinasakyan niya
papalapit sa make-shift entrance ng venue nila. Pinuno ng dahon ang entrance at may
mga bulaklak iyon. May mangilan-ngilan ding baging na nakalawit para magmukha kang
papasok sa kagubatan.

Nang tumapat ang sinasakyan na karwahe roon, sinalubong siya nina Brad at

Lander para alalayan siya pababa. Nginitian niya ang mga ito at iniabot ang
dalawang kamay.

Nasa harap ng altar si Ian at nakatitig lang sa kanya. Ang mga magulang nito ay
nasa gilid nito at hinihintay rin siya. Ang kuya niya, bilang best man ay nasa
likod ni Ian.

Napag-pasyahan nila na mag-isa na lang siyang maglalakad sa isle at gampanan na


lang ng ni Patrick ang pagiging best man nito. Para sa kanila naman kasi, nasa tabi
niya ang mga magulang para ihatid siya sa altar.

Sa paligid ng venue, may mga inilagay na mga halaman bilang haligi. Ang isle,
punum-puno ng iba't-ibang bulaklak. Tinignan niya ang mga abay na nasa harap na.
Napangiti siya nang makita ang suot ng mga ito. Kulay orange iyon, na halos kakulay
ng sunset. Siya ang pumili ng kulay at hindi naman umangal si Ian. Kung tutuusin
nga, hinayaan lang siya nitong mamili ng lahat. Ang mahalaga lang raw rito ay ang
makasal sila.

Bumilis lalo ang tibok ng puso niya nang marinig ang tugtog na pangkasal. Tinignan
niya si Ian habang inihahakbang ang paa niya. Dahan-dahan ang ginawa niyang
paglakad habang hindi inaalis ang tingin kay Ian. Natatakot kasi siyang baka bigla
na lang itong maglaho oras na umiba siya ng tingin.
Hindi niya na naintindihan kung anong sinabi ng mga magulang ni Ian nang makarating
siya sa harap ng altar. Nakisabay na lang siya sa agos at humalik sa pisngi ng mga
ito.

Nang bumaling siya kay Ian, nakagat niya ang labi niya. Hanggang sa mga oras na
'yun ay hindi pa rin siya makapaniwalang naroon talaga ito. Kaya naman imbis na
abutin ang kamay nitong nakalahad sa harap niya ay walang anu-anong niyakap

niya ang mapapangasawa.

~*~

Sandaling napatulala siya nang yakapin siya ni Joy. Sobrang higpit pa nun at
kalaunan ay hindi niya napigilang mapangiti. Hinalikan niya ito sa ulo saka
ginantihan ng yakap.

Naririnig niya ang palakpakan sa paligid pero hindi niya 'yun pinansin. Niyakap
niya lang ng mas mahigpit pa si Joy.

"Akala ko hindi mo ako sisipitin," ani Joy.

Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya uli kahit na hindi iyon nakikita ng dalaga.

Nang gabing pinuntahan siya ni Joy ay napagdesisyunan niya nang ituloy ang kasal.
Nakakita kasi siya ng pag-asa kahit na ba hindi sinabi ni Joy na mahal siya nito.
Kung hindi man pumunta si Patrick dala ang isusuot niya ay ayos lang din dahil
nagpa-hatid na siya sa assistant niya ng tuxedo para maisuot.

Maaga siyang dumating sa venue pero hindi lang siya nagpakita agad. Pinanuod niya
muna ang mga bisita na magsidatingan. Doon niya rin naisip na humiram ng kabayo
nang makitang sakay ng kalesa si Joy. Kaya muntik na rin siyang ma-late dahil medyo
natagalan ang inutusan niya. Ang akala niya nga ay hindi na siya aabot.

Nang maglakad si Joy palapit sa kanya kanina ay hindi niya mapigilang mapatitig na
lang. Mas nahigitan pa kasi nito ang iniimagine niya noon habang naglalakad ito
palapit sa kanya. Simple lang ang suot nitong gown pero bumagay iyon sa paligid.
May mangilan-ngilang design ng butterfly sa laylayan ng gown. Wala iyong manggas at
wala rin siyang suot na gloves. Sa ulo niya ay may headband na may mga brilyante at
mas mahaba sa karaniwan ang buhok niya. Marahil ay nilagyan ng extension ang buhok
nito.

Hindi

niya na alam kung gaano silang magkayakap hanggang sa bumitaw ito at ngumiti sa
kanya ng malapad. Doon ay kinuha niya na ang kamay nito at dinala sa harap ng
altar.

Mabilis lang na dumaan sa kanya ang simula ng seremonyas. Namalayan niya na lang na
magsasabi na sila ng vow sa isa't-isa.
Sa totoo lang ay hindi siya handa. Pero nasabi na nila na magbibigay sila ng sari-
sarili nilang vows.

Huminga muna siya ng malalim saka nagsimula.

"For thirteen years, I've dreamt of this wedding. Now, it's finally happening. I
didn't know thirteen could be a lucky number until now," bahagyang tumawa siya
pagkatapos nun. "The first time I saw her, I thought she's really, really pretty. A
minute later, my mind is screaming 'she's the most beautiful girl in the world'.
Seconds past and I'm thinking of marrying her in every church I can think of. But
then I didn't know what strike me but I did the most stupid thing a guy would do...
I teased her. Siguro nga ganun talaga 'pag gusto mo ang isang tao. You tease her
until she gets angry at you. Papasin ba," aniya sabay tawa.

Hinaplos niya sandali ang pisngi ng dalaga saka nagpatuloy.

"From then on, we became like cat and dog. Teasing each other every time we meet,
fight with each other every time we speak, hurt ME, yes, not each other 'cause I
will never hurt her, every time we touch. But didn't she know that I cherished
those punch. Kahit medyo brutal." Natawa ang mga bisita sa sinabi niya. "Here, in
this very part..." itinuro niya ang kaliwang braso niya, "is where she first
punched me. That was the 3rd of April the year we met."Umiling pa siya sandali.

"O, 'di ba, naaalala ko pa?" aniya sabay tawa na sinabayan din naman ng iba.

"I can't think of a moment when I prefer other girls than her. I would always
choose to hang out on a house where my best friend's kid sister is, than to be in a
club full of pretty girls. Pinagtatabuyan na nga ako ni Pat kadalasan e. Hindi ko
lang masabi na hindi naman siya ang dinadalaw ko. Baka kasi magka-black-eye ako ng
wala sa oras."

"For her, I did crazy things. That's how madly in love I am with this girl in front
of me." Tumingin siya sandali sa mga bisita. "I wanted to share it all to you but
I'm afraid we'll take too much time. Maybe someday, I'll share some of it."

Humarap siyang muli kay Joy saka hinawan ng mahigpit ang mga kamay nito.

"MJ, my love, I'm not perfect. I'm stupid most of the time but please remember that
I love you. I love you with all my heart. Please be patient with me, and I promise
I will try my best not to be a burden to you. I love you so much I don't want to
spend my life not being with you. In the past, I always dreamt of hugging you. But
from this day on, I have the right to embrace you. And I promise, in front of
everyone in here, and God above us, I will embrace you, only you, forever."

Itinaas niya ang mga kamay ni Joy saka hinalikan ang mga iyon.

Halos hindi siya humihinga nang si Joy na ang nagsasalita. Kahit saglit, hindi niya
inalis ang tingin niya sa mga mata nito. Gusto niyang mabasa ang nilalaman nun.
Gusto niyang malaman kung totoo ang lahat ng maririnig niya.

"All those years that I've known this guy, I hated his gut. But there is

this one secret that I wanted you all to know on this very day... I had a crush on
him." Ngumiti ito saka tumingin sa mga bisita. Bumaling ito sa kanya kapagkuwan.
"And yes, Ian, I was taking about you that day. And I have another confession..."
Ngumiti ito sa kanya saka nagpatuloy. "It didn't really last for only five minutes.
I think I was just denying it even to myself the whole time. Ewan ko ba. Pero kahit
nakaka-bwisit ka, kahit asar na asar na ako sa'yo, somehow, natutuwa ako kapag
nakikita ka."
"I realized all these when I got the chance to really be with you... to really know
who you are. I realized there's something more than just a handsome face." Hindi
niya napigilang mapangiti roon kaya naman pinaningkitan siya nito ng mata. Pero
mayamaya ay ngumiti rin naman agad ito. "He's the sweetest, funniest, kindest, and
most loving person I know. Then I woke up one day, I'm already falling for him,"
ani Joy habang nakatitig sa mga mata niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon
niya. Gusto niyang magtatalon sa tuwa, gusto niyang yakapin ito ng mahigpit, gusto
niyang mariing halikan ang nasa harap niya pero hindi siya makakilos. Nanatili lang
siyang nakatayo sa harap ni Joy habang halos sasabog na sa tuwa ang puso niya.

"Christian Lim, I know we have a lot of differences. We might fight for just a
simple thing, we might misunderstand one another, we might just lose it... but I
know, with the love we have, we'll face everything, and put each other back into
pieces."

"I love you, Ian. Please remember that. And I promise I'll stay by your side
forever, no matter what."

Kasabay ng pagtulo ng luha niya ay ang palakpakan ng mga bisita. Alam niyang mukha
siyang tanga na siya pa ang umiiyak pero hindi niya mapigilan. Niyakap niya agad ng
mahigpit si Joy saka hinalikan ang buhok nito.

Hindi niya na namalayan uli ang mga sumunod. Narinig niya na lang ang sinabi ng
nagkakasal sa kanilang, "I now pronounce you man and wife; you may now kiss the
bride."

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Iniangat niya agad ang belo na suot ng asawa
saka ito hinalikan sa mga labi.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, nakangiting hinaplos niya ang magkabilang pisngi
ni Joy.

"I love you, my bride."

to be continued...

=================

Chapter Forty Two


"Pre, pwedeng bumitaw," pang-aasar ni Lander kay Ian. Simula kasi nang pumunta sila
sa reception area ay hindi niya na binitawan ang asawa.

Sa ngayon, naglilibot sila sa mga bisita habang kumakain ang mga ito.
Nagpapasalamat sila para sa pagdalo ng mga ito sa kasal nila.

"Nah. Never," aniya saka tumingin kay Joy. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa
mga kaibigan niya.

"Kapag ako ba ang nagsabi, bibitaw ka?" ani Patrick.

"Uhm, nope." Pagkasabi nun ay lalo niya pang hinapit palapit sa kanya ang asawa.

"Good. Subukan mo lang saktan ulit 'yang kapatid ko, makikita mo, ililibing na
talaga kita ng buhay."

Napangiwi siya sa sinabi ng kaibigan. Hindi na siya sumagot at hinalikan na lang sa


buhok si Joy.

"'Wag ka nga, Kuya! Gagawin mo pa 'kong biyuda," ani Joy.

Seryosong tinignan ito ni Patrick.

"Seriously, Joy. 'Pag sinaktan ka ulit ng pasaway na 'yan, hindi ako mangingiming
ilibing 'yan," anito.

Tumawa si Joy

pero hindi siya. Alam niyang seryoso ito sa sinasabi. Sumeryoso rin siya saka
nagsalita.

"Well, I guess I'll live long," aniya saka nagkibit ng balikat.

Nakangiting tumingin sa kanya si Joy saka yumakap sa beywang niya.

"I love you," bulong niya rito.

"Yeah, I know. You've been telling me the whole day," natatawang sabi nito.

Kahit siya, hindi na mabilang kung ilang beses niyang sinabi ang mga salitang 'yun.
At wala siyang balak na tumigil hanggang sa mapaniwala niya ang sarilign hindi siya
nananaginip lang. Na ang matagal niya nang pinapangarap ay natupad na rin sa wakas.

"Tara, let's go to my friends," ani Joy. Nagpatianod na lang siya nang hilahin siya
nito sa kamay.

~*~

Nakita niyang masayang nagku-kwentuhan ang mga kaibigan niya kaya naman hinila niya
agad si Ian palapit sa mga iyon. Minsan lang sila ma-kumpleto sa ngayon dahil nga
sa ibang bansa na naglalagi si Jacky kaya gusto niya sanang samantalahin ang
pagkakataon.

"Hi, friends!" aniya sa mga ito.

Nakangiti namang sinalubong siya ng mga ito. Pero napatitig siya sa isang naroon
dahil hindi siya aware na kasama ito sa mga bisita nila.
"Congratulations, Joy," ani Vince.

Nagpasalamat siya rito saka pasimpleng tumingin kay Aya. Mukha namang wala lang
dito ang presensya ni Vince.

Magsasalita pa sana siya nang tawagin sila ng emcee para sa paghahati ng wedding
cake.

Lumapit agad sila ni Ian sa harap habang pinatayo naman ng emcee ang mga bisita.

Limang layer ang cake nila. At sa pinakatuktok nun ay figurines na may hawig sa
kanilang dalawa. Pinasadya talaga 'yun ng mama ni Ian

para sa araw na 'to.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos sila sa paghiwa ng isang slice ng cake. Nang
isususbo niya na 'yun kay Ian, imbis na maisubo nito ng maayos ang cake ay kumalat
ang icing nun sa ibabang bahagi ng labi nito.

Hindi niya napigilang matawa pati na rin ng mga bisita.

Pupunasan sana ni Ian ng panyo ang icing nang pigilan niya ang asawa. Pilyang
ngumiti siya saka hinalikan ang mga labi ni Ian. Siniguro niya ring makukuha niya
ang icing na nasa labi nito.

Nang tumingin siya kay Ian, halatang nagpipigil ito na ngumiti nang malapad. Tila
nahihiya pa ito at iniiwas ang mukha sa harap ng maraming tao. Pero mayamaya lang
din, humarap ito sa kanya saka siya hinalikan muli sa mga labi.

Kung hindi pa siguro nila narinig ang boses ng emcee ay wala pang balak tumigil si
Ian. Palakpakan ng mga tao ang sumalubong sa kanila nang tawagin sila muli ng emcee
para sumayaw sa gitna.

Sa buong pagsasayaw nila ay nakatitig lang sila sa isa't-isa. Wala ni isang


nagtangkang magsalita. Parehong silang may ngiti sa mga labi habang sinasabayan ng
pagsayaw ang tugtog.

"Okay, now it's time to have some fun, because it's time for the traditional
throwing of the bouquet," narinig niyang sabi ng emcee. "My I request all the
single ladies to step forward for the bouquet throw."

Mabilis na napuno ang gitna. Sa dami ba naman ng bisita nila, siguradong maraming
single. Pero na-amaze pa rin siya sa kung gaano ka-game ang mga ito sa pagsalo ng
bouquet. Kung siya kasi, paniguradong hindi siya lalapit sa gitna at magpapanggap
na lang na hindi single.

Hinanap ng mata

niya ang tatlong kaibigan niya para sana doon itapat ang paghagis ng bouquet. Oo,
medyo unfair sa iba pero hindi niya naman makikita sa paghahagis. Itatapat niya
lang sa part na 'yun at magdarasal na isa sa kanila ang makakuha.

Tumalikod na siya nang sabihin ng emcee. Pumikit pa siya para iimagine kung nasaan
sina Jacky, Genna at Aya. Nang maka-bwelo, inihagis niya agad ang bouquet saka
humarap sa mga ito pagkatapos.

Napapalakpak pa siya ng isa sa mga kaibigan ang nakasalo nun. Si Aya.

Pinapunta sa unahan si Aya na ngiting-ngiti. Sinabi rin kasi nito bago magsimula
ang kasal na sana ito ang makasalo ng bouquet. At ayun na nga, nasa kamay na nito
ang bouquet.

Mga lalaki naman ang pinapunta ng emcee sa gitna. Nakita niya pang hinanap ni Ian
ang mga kaibigan at sa tingin niya ay pareho ito ng iniisip nang ihagis niya sa
tapat ng mga kaibigan niya ang bouquet. She doesn't mind though.

Nang ihagis na ang garter, napatulala pa siya sandali nang ang kapatid niya ang
makakuha nun. Kung tutuusin, sasaluhin sana 'yun ni Vince kahit na nakatapat sa
kapatid niya pero nahuli ito at nasalo na ni Patrick ang garter.

Nagpalakpakan ang mga tao nang lumapit si Patrick sa gitna.

"Maybe you're next, bro!" natatawang sabi ni Ian kay Patrick.

Nagkibit ito ng balikat. "Maybe. Who knows?" anito saka lumuhod sa harap ni Aya.

Nakangiti lang din ang huli habang isinusuot ni Patrick ang garter sa hita nito.

"Na-disappoint ka ba nung ako ang nakasalo?" narinig niyang tanong ng kuya niya kay
Aya.

"Of course not, Kuya Pat! You saved me, actually. Nakita ko kugn

sino ang aagaw sana sa garter," ani Aya.

Hindi niya malaman kung natutuwa ba talaga ito o hindi. Basta nakangiti lang ito at
nakatingin sa garter.

Nang mapatingin naman siya sa ibang bisita, malungkot na mukha ni JL ang sumalubong
sa kanya. Hindi ito nakatingin sa kanya at nakatitig lang sa sahig. Gusto niya sana
itong lapitan pero pinapunta uli sila sa gitna at pinasayaw sila ni Ian kasabay
sina Aya at Patrick.

Nang matapos ang sayaw, pinaupo na uli sila ni Ian sa harap.

Inabutan ng mic si Ian para sa mensahe nito sa mga dumalo.

"Family and friends, thank you all for being a part of my dream come true. Me, and
my wife are happy to share it with all of you."

'Yun lang ang sinabi ni Ian bago nag-closing remarks ang emcee.

"Ang igsi ng speech?" aniya saka ngumiti rito.

"Well, I can't wait to have you for myself," ani Ian sabay kindat sa kanya.

Pinaningkitan niya ito ng maya saka hinampas sa balikat.

"Perv!" mahinang sabi niya rito.

"Wala akong iniisip. Ikaw lang ang nag-iisip ng kung anu-ano!" natatawang sabi ni
Ian.

"Hmmp!" aniya na lang.

Inilahad ni Ian ang kamay nito at tinanggap niya naman 'yun. Dinaanan muna nila ang
mga kaibigan nila para magpaalam. Nauna nilang madaanan ang mga kaibigan ni Ian.
Pagkatapos nung ay sina Lana, Jace at Jacky naman ang nakita niya.
Nagpaalam agad siya sa mga ito at hinanap ang dalawa pang kaibigan.

Nakasalubong niya si JL sa paglalakad. Nakangiti na uli ito bago niya niyakap.

"Congrats, Joy! Official na ang pagiging mag-pinsan natin," anito saka tumawa. Nang
huli silang

magkita, noong nawawala si Ian, sinabi niya na rin rito na hindi totoo ang naging
unang kasal nila ni Ian.

Nai-congrats din nito si Ian at nakangiti namang nagpasalamat ang asawa sa pinsan
nito.

Mayamaya ay namataan niya naman si Aya sa di kalayuan at nilapitan 'yun. Pero bago
pa sila makapalit ng tuluyan ay nakita niyang lumapit si Vince na may dalang
dalawang glass ng wine.

"Uhm, nagpunta sa ladies room si Genna," ani Aya bago pa man makapagsalita si
Vince. Nakita niya pang napabuntong hininga ang binata bago sila makalapit.

"We need to go," aniya kay Aya.

"Okay, then. Enjoy your honeymoon!" anito.

"Congratulations again, Joy and Ian," sabi naman ni Vince.

"Thanks, pare," ani Ian. Siya naman, nginitian lang ang binata.

"Let's go?"

Nagbeso pa siya kay Aya bago sila tuluyang lumabas ni Ian sa reception area. Doon
niya nakasalubong si Genna at nagpaalam dito.

~*~

"Nasaan ang kotse natin?" tanong niya kay Ian. Nasa labas na kasi sila pero wala pa
ring kotse na lumalapit sa kanila para ihatid sila sa log house.

Doon nila napagpasyahang mamalagi sa durasyon ng honeymoon nila. Three weeks din
sila roon bago sila uuwi ng Maynila para tumira sa bahay nila.

"Who says we'll ride a car?" ani Ian.

Ngiting-ngiti pa ito saka itinuro ang kabayong sinakyan nito nang pumunta roon. Sa
pagkakataong ito, may mga lata nang nakasabit sa bandang puwitan ng kabayo at may
plaka pang nakalagay na "Just Married".

Hindi niya napigilang matawa.

"Seriously?" aniya.

"Yup!" ani Ian saka siya inalalayan palapit sa kabayo.

Nauna na itong sumakay roon saka siya inalalayan paakyat sa tabi nito. Yumakap siya
sa beywang ng asawa saka kumaway sa mga nanonood na bisita.

Napakapit siya ng mahigpit nang patakbuhin na ni Ian ang kabayo.


Kahit medyo natatakot ay ini-enjoy ni Joy ang paligid habang papunta sila ni Ian sa
log house. Magtatanghali pa lang nang matapos ang kasal nila kaya naman magandang
pagmasdan ang paligid. Tulad noong unang punta nila roon ay hindi niya pa rin
mapigilang matuwa sa ganda ng tanawin.

Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating sila sa log house. Naunang bumaba si
Ian saka siya binuhat pababa ng kabayo. Pero hindi na siya ibinaba nito sa lupa at
dire-deretso nang dinala sa harap ng bahay.

Pagkasarang-pagkasara pa lang ng pinto ay mabilis na hinalikan siya ni Ian sa mga


labi. Iniyakap niya agad ang mga braso sa batok nito saka gumanti ng halik.

Dinala siya nito sa kwarto at naramdaman niya na lang ang paglapat ng likod niya sa
kama.

Pero mayamaya lang din, napatigil siya at itinulak palayo si Ian.

"Why?" anito.

Sumimangot siya saka tumitig kay Ian.

"I'm hungry," aniya.

Hindi kasi siya nakakain sa reception dahil sa pag-aasikaso nila sa mga bisita.

Napasimangot na rin si Ian dahil sa sinabi niya. Napangiti naman siya dahil doon.
Pa-smack na hinalikan niya sa mga labi si Ian.

"Kain muna tayo, please? It's not night yet, anyway," aniya pa.

Naiiling na tumayo si Ian pero nakangiti naman ito.

"Fine, I'll make us food," anito.

Aalis na sana ito ng kwarto pero pinigilan niya ito sa braso.

"Sama ako!" aniya.

Nagkibit lang si Ian pero ibinuka niya ang mga braso niya, indikasyon na
nagpapabuhat siya.

Mabilis namang tumalikod si Ian at isinakay siya sa likod nito. Natutuwang


hinalikan niya sa pisngi ang asawa saka bumulong.

"I love you, husband."

to be continued...

=================
Chapter Forty Three

"Ian..." saway ni Joy sa asawa.

Hindi niya alam kung gaano kaigsi pa lang ang tulog niya, pero ang alam niya,
kakatulog pa lang nila. Sobrang antok pa ang nararamdaman niya.

"Wake up," anito.

"Hmmn?" aniya. Halos hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.

"Gising na. Sige ka, hahalikan kita."

Tumagilid siya ng pagkakahiga saka sumagot. "Kanina mo pa kaya ako hinahalikan,"


aniya habang hindi dumidilat. Kung tutuusin kasi, nagising siya sa mga halik nito.

Tawa lang ni Ian ang sumunod niyang narinig. Ilang sandali lang na tahimik ito
hanggang sa maramdaman niya ang mga labi nito sa leeg niya. Kasabay niyon ay ang
pagyakap nito at ang paggapang ng kamay nito sa dibdib niya.

She can still remember their first night. That was a week ago. Kung anu-anong hindi
maganda ang naiisip niya ng gabing 'yun. Lalo pa't binitin niya ang asawa ng
tanghali. Though, it turned out to be the best night of their life.

Hindi siya pinagbihis ni Ian buong maghapon. Ang gusto kasi nito, ito ang mag-aalis
ng wedding gown niya. Tinawanan niya ang asawa at magbibihis na sana pero pinigilan
siya nito. Kung gusto niya na raw magbihis, they'll do the deed right away.

Wala naman talagang problema sa kanya. Mag-asawa naman na sila. But she wants to
tease him kaya pina-abot niya talaga ng gabi. She can see the hunger in his face
and she's secretly laughing about it.

Pagkatapos pa lang ng dinner nila ng gabing 'yun, binuhat na siya ni Ian papasok sa
kwarto nila. Natawa pa siya sa sinabi nito.

"You literally wanted it to be the first night." Naiiling na sabi nito bago siya

hinalikan ng mariin sa mga labi.

Hindi niya na malaman kung gaano siya katagal hinalikan ni Ian. Nang bumaba ang mga
labi nito sa leeg niya, naramdaman niya ang pagbaba ng zipper ng suot niya gown. He
slowly undressed her while his lips were sliding down on every exposed skin..

She was lost on the pleasure his lips were giving her. Hindi niya akalaing
makakaramdam siya ng ganoon. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam pero tila siya
dinadala sa kung saan.

Bumalik sa ngayona ng isip niya nang maramdaman ang mga labi ni Ian sa dibdib niya.
Malakas na napasinghap siya at agad na kumapit sa buhok nito. Tulad ng mga nauna
nilang pagniniig, nawawala na naman siya sa sarili at tanging si Ian na lang ang
laman ng isip niya at ang ginagawa nito.

She shouted his name when he entered her. Sinabayan niya ang bawat paggalaw ng
asawa. She was writhing and moaning to every stroke. His lips were on hers as they
do the deed. She felt hot liquid filling her as she reached her climax.
"Good morning, my love," ani Ian habang humihingal. He is smiling from ear to ear
while looking at her intently.

"Good morning yourself," aniya. Hindi siya makapaniwalang sa loob ng isang buong
linggo, natutulog at nagigising siya na ganito ang ginagawa nila.

Tumawa lang si Ian saka tumayo. "Bumangon ka na't maligo. Ihahanda ko na 'yung
breakfast," anito.

Hindi siya bumangon at tumagilid lang sa kama. Nagulat na lang siya nang paluin
siya nito sa puwet. Napatayo siya bigla at tinignan ito ng masama. Tumatawa pa ito
kahit na naiinis siya.

"Bumangon ka na. It's time we get out," anito pa saka lumabas ng kwarto.

~*~

"Breakfast is ready!" salubong ni Ian sa kanya pagkapasok niya ng kusina.

Nakasimangot na naupo siya sa pwesto niya saka humigop ng kape.

"Seriously, you should let me sleep more," aniya saka nagsimulang kumain.

"What, you don't want me anymore?" hinaluan pa ni Ian ng pagtatampo ang boses pero
alam niya namang naglalambing lang ito.

Pinaikot niya ang mata saka tinitigan ang asawa.

"What do you think?" balik tanong niya.

"Hmmn, you still want me?" nakangiting sabi nito.

Nangingiti na ring umirap siya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Susubo pa sana siya
ng pagkain nang bigla na lang siya pigilan ni Ian at halikan sa mga labi. Inis na
sinaway niya ito pero bumalik lang ito sa pwesto at kumain.

"Ah! I'll never get enough of you," bulong nito na ikinainit ng pisngi niya.

Sa loob ng isang linggo, si Ian lagi ang nagluluto. Pinagsisilbihan siya nito sa
literal na kahulugan

nun. Ito lahat ang gumagawa sa bahay. Nagluluto, naglilinis (though hindi naman
ganun karumi), naghuhugas ng pinggan... isang beses nga pinaliguan pa siya. Hindi
pa rin niya mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala niya iyon.

"Wife, magbihis ka ng pang-alis. Make sure it's comfortable. Magbaon ka na rin ng


pamalit. We're going somewhere," ani Ian mayamaya.

Nagkibit lang siya ng balikat at sinunod naman ang sinabi ng asawa nang matapos
silang kumain.
~*~

"Where exactly are we going?" tanong niya kay Ian habang nasa daan sila.

Pinagmamasdan niya ang daan na tinatahak nila at napansing zigzag ang daan at medyo
masikip. Sa gilid din sila ng bundok base sa nakikita niya sa gilid niya.

Ngumiti sa kanya si Ian sandali saka ibinalik ang tingin sa daan. Mayamaya pa, may
itinuro ito sa bandang kaliwa.

"Taal?" excited na tanong niya.

Tumango ito pero hindi tumitingin sa kanya.

"Yup."

Ngumiti siya nang malapad saka inenjoy ang tanawin. Ilang beses niya na ring
binalak na pumunta ng Taal ang kaso, ayaw niya namang mag-isa. Ayaw sumama sa kanya
ng Kuya Patrick niya dahil nakapunta na raw ito roon.

"Nakarating ka na roon?" naisip niyang itanong kay Ian.

Tumango ito.

"Kasama ko 'yung tatlong asungot. Na-tripan naming pumunta nung college pa kami."
Tumingin ito saglit sa kanya saka ngumiti. "Nabanggit ni Pat na inuungot mo raw sa
kanya na pumunta kayo dun. So, ako na lang ang magdadala sa'yo," anito pa.

"Well, I prefer to go with you anyway," aniya.

Nagulat pa siya nang kunin ni Ian ang kamay niya at halikan

'yun. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya kaya naman tumingin siya sa labas
para hindi nito makita ang pamumula niya.

Halos 30 minutes din bago sila nakarating sa aarkilahan nila ng bangka. Ang sabi ni
Ian sa kanya, may na-contact na ito at nakahanda na ang sasakyan nila. May kinausap
lang itong matanda sandali saka siya inalalayan papunta sa kinaroroonan ng bangkang
sasakyan nila.

Hindi maalis ang ngiti niya habang sakay sila ng bangka. Kahit na nababasa sila ay
nag-eenjoy pa rin siya. Tumatalsik kasi sa kanila ang tubig dagat dahil may
kalakasan ang alon.

"Parang ngayon ka lang nakasakay ng bangka a?" naaaliw na sabi sa kanya ni Ian.

Siniko niya ito pero ini-enjoy niya pa rin hanggang makarating sila sa isla.

Maraming turista ang naroon kasama na ang mga foreigner.


"Sasakay tayo ng kabayo?" tanong ni Joy. Nakita niya kasi ang ilang turista na
nakasakay ng kabayo.

"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pero dahil ayokong mahirapan ka, mangangabayo tayo.
Medyo malayo 'yun at matarik," anito.

Tumango na lang siya at sumunod dito.

Pumunta na sila sa pila ng mga kabayo nang makapagbayad si Ian. Pero hindi pa muna
siya nito pinasakay.

"Sir, sakay na po kayo," sabi ng isang guide.

"May babae kayong guide?" tanong ni Ian.

Napakunot ang noo ni Joy sa tanong ni Ian. Nakatingin lang siya rito at hindi
nagsasalita.

Nang ituro ng lalaki ang babaeng guide, doon siya pinasakay nito.

"Ayokong lalaki ang guide mo. Sa kalagitnaan kasi, sasakay din sila sa kabayo,"
bulong ni Ian sa kanya.

Naiiling na sumakay na lang siya sa kabayo ng babaeng guide.

Sa kasunod na kabayo naman sumakay si Ian.

Dahil maalikabok ang paligid, sinuotan siya ni Ian ng mask. Sakto rin na naka-
sumbrero sila dahil tumataas na ang araw. Isinuot sa kanya ni Ian and sumbrero bago
sila umalis ng bahay. Terno 'yun sa suot nito at may nakasulat pang pangalan nila.

Kahit hirap siya sa una sa pangangabayo, nakuha niya naman kalaunan. Natatakot pa
siya noong una na malaglag pero sa huli, ayos na siya. Na-enjoy niya ang ganda ng
paligid. May mga naglalakad lang paakyat at dahil nga nakakabayo sila, mabilis lang
silang nakarating sa tuktok ng Taal.

Sa taas nun, kita nila ang bunganga ng bulkan.

"Ang ganda!" tuwang-tuwa na sabi ni Joy.

"Parang ikaw," sabi ni Ian na nakatitig sa kanya.

Ngumuso siya saka inihilamos ang kamay sa mukha nito.

Naglibot-libot sila roon at nagkuha ng pictures. Marami na rin silang nakuha nang
maisipang mamahinga.

"Bibili lang ako ng inumin," ani Ian.

Tumango siya at pinagmasdang mabuti ang paligid.

Nasa kalagitnaan siya ng pagpi-picture sa isla na nasa gitna ng bulkan nang


makilala niya ang boses ng nasa gilid niya.

"Rihanna?" tawag niya rito.

Malaki na ang pinagbago ng hitsura nito. Hindi tulad noon na todo ito maka-make-up,
ngayon ay mukhang naka-polbo na lang at lip balm. Sa opinyon niya ay mas naging
maganda tignan ang babae.
"J-joy..." medyo alangang sabi nito. Napatingin pa ito sa kasama bago ibinalik ang
tingin sa kanya.

Sinundan niya naman ang tingin ng dalaga at napansin ang foreigner na kasama nito.

"Hi! Kamusta ka na?" tanong niya. Kahit naman kasi hindi maganda ang naging

paghihiwalay nila, kahit paano ay may pinagsamahan sila.

"Maayos naman. Uhm..." Hinawakan nito ang kamay ng kasama saka nagpatuloy. "This is
my boyfriend, George. Magpapakasal na kami sa isang taon." Though nagulat sa sinabi
nito, hindi niya ipinahalata. "Honey, this is Joy, my..."

Dahil medyo nag-alangan ang dalaga sa kung anong itatawag sa kanya ay siya na ang
nagpatuloy nun at inilahad ang kamay.

"I'm her friend," aniya. "It's nice to meet you."

Tinanggap naman nito ang pakikipagkamay niya at ngumiti.

"It's nice to meet you, too."

Napalingon sila bigla kay Rihanna nang mapa-singhap ito. Lumipad pala ang suot
nitong scarf. Susundan sana 'yun ng lalaki pero pinigilan ni Rihanna.

"I can manage," anito.

"I'm so glad Rihanna finally found the one for her," aniya kay George.

"Well, I'm glad I found her," nakangiting sabi nito. "Are you with someone? You can
go with us if you're alone," anito pa.

"Oh! No thanks. I'm with-"

"Hi, sweetie." Napatigil siya sa sinasabi nang umakbay sa kanya si Ian. Medyo
madilim ang mukha nito nang iabot sa kanya ang baso ng buko juice.

Ngumiti siya rito saka bumaling uli kay George.

"George, this is my husband, Ian," pagpapakilala niya sa asawa.

Ngumiti naman agad si George kay Ian saka nakipagkamay. Tinanggap naman 'yun ni Ian
kahit na halatang wala pa rin ito sa mood.

"Boyfriend siya ni Rihanna," bulong niya sa asawa.

As if on cue, bumalik si Rihanna habang itinatali ang scarf sa leeg niya. Napatitig
ito bigla kay Ian at halatang nagulat. Pero may takot din siyang nakita sa mga

mata nito.

"Hi, Ian," alangang bati ni Rihanna kay Ian.

Tumango lang ang lalaki saka bahagyang ngumiti.

"You two catch up. I'll just go up there to take picture," sabi ni George saka
itinuro ang hagdan paakyat sa kuhanan ng picture.
"Dito lang ako," sabi naman ni Ian kapagkuwan sbay turo sa isang bench na nasa
gilid.

Tumango lang siya sa asawa kapagkuwan saka bumaling kay Rihanna.

"Joy, sorry sa mga sinabi ko nung huli ha. Sobrang sorry talaga," bungad nito nang
maka-alis ang dalawang lalaki.

Napangiti siya rito saka hinawakan ang kamay nito.

"Tapos na 'yun. Ang mahalaga, masaya na tayo pareho," aniya.

Ngumiti naman agad si Rihanna.

"Huy, ica-clarify ko lang ha. Walang nangyari sa amin ni Ian kahit na ano.
Promise!" Itinaas pa nito ang kanang kamay. "Sobrang inggit nga ako nun sa'yo e.
Kasi kitang-kita ko kung gaano ka kamahal ni Ian. Kahit anong akit ko, ayaw
bumigay!" Napangiwi ito bigla sa huling sinabi. "'Wag kang magalit, ha. Hindi ko na
'yun uulitin."

"Yeah, I know you won't. Takot mo lang sa'kin," natatawang sabi niya.

"At sa biyenan mo! Naku, Diyos ko! Akala ko talaga aatakihin ako sa puso nung
tinalakan ako ng biyenan mo. Saka tinakot pa akong ipapapulis. Naku, takot ko lang!
Kaya nga nanahimik na lang ako e."

"At dahil d'yan, nakilala mo ang lalaking makakasama mo habambuhay," aniya.

Ngumiti naman ito nang malapad saka tumango.

"E kayo ni Ian, kamusta na?" tanong nito.

Siya naman ang ngumiti saka itinaas ang kaliwang kamay niya.

"It's official. Mrs. Joy Lim na ako."

"Kailan

pa?"

"Last week. Dito kami sa Tagaytay nagpakasal."

"Congratulations!"

"Congrats din sa'yo. Imbitahan mo kami sa kasal mo," aniya.

Tumango ito. "Syempre. Ikaw pa ba? Ex kaya kita," pabulong na sabi nito sa huling
sentence.

Sabay na nagkatawanan sila.

~*~
Nang bumalik sila ng Tagaytay, umuwi muna sila sa log house para magpahinga.
Masyado kasi silang napagod. Kahit naman kasi sabihing sakay sila ng kabayo,
sumakit pa rin ang mga hita ni Joy. Binabalanse niya pa rin naman kasi ang sarili
para hindi mahulog. Saka may lakad 'ata 'yung kabayong natapat sa kanya.
Nagmamadali masyado.

"Sky Ranch tayo mamaya?" yaya ni Ian sa kanya.

"Sige!" mabilis na sagot niya. "Sa wakas! Yehey!" aniya pa.

Sa totoo lang, noong nakaraang linggo niya pa niyayaya ang asawa na magpunta roon.
Pero lagi na lang silang nauudlot dahil sa... uhm... dahil may ibang gustong
puntahan si Ian.

"Anong oras tayo pupunta 'dun?" tanong niya.

Tumingin pa si Ian sa wall clock saka sumagot.

"Bandang alas-sais na tayo umalis. Dito muna tayo," anito saka siya hinila. Sakto
namang napa-upo siya sa kandungan nito.

Nanahimik lang siya at isinandal ang ulo sa dibdib ni Ian. Niyakap naman siya nito
saka hinalikan sa buhok.

"Kapag nagaka-baby tayo, gusto ko ipapangalan natin sa akin," ani Ian.

Nag-angat siya ng ulo saka tinignan ang asawa.

"Paano kung babae?" tanong niya.

"Hmmn?" Nag-isip ito sandali. "Basta letter 'C' ang unahan ng pangalan," sagot
nito. "Lahat ng anak natin, dapat 'C'."

"What? Paano naman ang 'M' o 'J'?" Kunwa'y sumimangot pa siya.

"Pag-iisipan ko," anito.

Ngumiti siya. "Fine. 'C' na sila lahat," aniya. "I don't mind. Basta ikaw ang ama,"
aniya pa.

"Bakit, may balak kang mag-anak sa iba?" Ngumuso pa si Ian pagkasabi nun.

"Malay mo."

Pinaningkitan siya nito ng mata bago niyakap ng mahigpit.

"Hindi ako papayag!" ani Ian saka siya pinupog ng halik sa mukha.

Hindi siya matigil sa katatawa dahil nakikiliti siya sa ginagawa nito.

"Okay! Okay! Ikaw lang. Wala nang iba," aniya.

"Sabi mo 'yan ha!"

Tumango pa siya. "I love you," aniya. Sa loob ng isang linggo, nasasanay na rin
siyang sabihin ang mga salitang 'yun. Noong una kasi, medyo naiilang pa siya.
Malapad na ngumiti si Ian saka siya hinalikan sa mga labi.

"I love you more, wife."

=================

Chapter Forty Four

"Okay, anong gusto mong sakyan?" tanong ni Ian habang nakaharap sila sa listahan ng
rides.

Tinignan ni Joy 'yun isa-isa saka nag-isip.

"Uhm, gusto kong sumakay rito," aniya sabay turo sa isang ride. "Tapos dito, saka
rito, ito pa, tapos ito..."

"Lahatin na lang kaya natin?" naaaliw na sabi ni Ian habang itinuturo niya isa-isa
ang mga rides at wala namang pinalalampas.

Napangiti siya nang malapad sa sinabi nito saka tumango. Ang totoo niyan, gusto
niya naman talagang sakyan lahat.

Dahil weekday, hindi ganun karami ang tao at walang masyadong mga pila. Saglit lang
at masasakyan nila lahat ng 'yun.

Bumili si Ian ng ticket para sa lahat ng rides at namili sila ng unang sasakyan.

Nakita niya ang Flying bus at nagyayang 'yun ang unang sakyan. Hindi naman umangal
si Ian at sumunod lang sa kanya.

Natutuwa si Joy at nasasakyan ni Ian ang mga trip niya. Ang akala niya kasi noong
una, ayaw nitong pumunta sila sa Sky Ranch dahil tingin nito ay pang bata lang
'yun.

"Dati ko pa gustong pumunta rito kasama ka," ani Ian pagkababa nila sa pang-limang
ride na sinakyan. "Noong unang punta pa lang natin dito sa Tagaytay. Kaso, kinulang
tayo sa oras nun," anito pa.

"Ikaw kasi, para kang laging may PMS. Bigla-bigla na lang nagbabago ng mood,"
nakasimangot na sabi niya.

"Sorry na. Saka birthday nun ni Pat, remember? Nung gabing 'yun sana kita dadalhin
dito e."

"Bakit nga pala bigla ka na lang bad trip nun isang umaga? Nung nagdaang gabi
naman, okay ka pa. Alam mo bang inis na inis ako nun? Buti na lang binigyan mo ako
ng

log house. Edi ang saya ko," aniya.

Sandaling natahimik si Ian. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila papunta
sa Sky Eye o ang Ferris Wheel ng Sky Ranch. Sakto namang walang nakapila kaya naman
sila agad ang sumakay.

"Huy, hindi mo na sinagot ang tanong ko," nakanguso pang sabi niya nang nakasakay
na sila at nagsimula nang umakyat 'yun.

Huminga ng malalim si Ian saka humarap sa kanya.

"Remember the night before that, I asked you a question?"

Tango lang ang isinagot ni Joy. Naaalala niya ang gabing 'yun. Hindi niya 'yun
malilimutan dahil 'yun ang unang beses na inamin niya kay Ian na mas matimbang na
ito kay Rihanna. Sobra-sobra pang laki ng agwat.

"Well, I was broken hearted. That's why."

Napa-kunot ang noo ni Joy sa sinabi ni Ian. Hindi niya maintindihan kung bakit ito
mabo-broken hearted samantalang sinabi niya nang mas matimbang ito.

"I don't understand," aniya. "Bakit ka naman mabo-brokenhearted, aber?" tanong


niya.

Pina-ikot pa nito ang mga mata saka bahagyang umiling.

"Well, you know I'm in love with you right? From the start you know I have feelings
for you. Then I asked you that question. Just to confirm you know... kung may
feelings ka na rin sa akin. I can feel it. I just want to hear it from you. Tapos
ang sagot mo, mas mahalaga pa rin si Rihanna? Sobrang taas pa ng pagpapahalaga mo
sa kanya tapos ako..." Itinapat pa ni Ian ang kanang kamay sa beywang nito. "Ganito
lang?" anito.

Sandaling tinitigan ni Joy si Ian. Mayamaya ay hindi niya mapigilang mapangiti.


Hanggang sa natawa na siya ng tuluyan dahil sa sinabi ni

Ian.

"What's funny? Nasaktan na nga 'yung tao."

Tumawa pang muli si Joy saka biglang hinalikan sa mga labi si Ian.

"Alam mo, kung minsan iniisip ko kung paanong naka-graduate ka with honors e.
Simpleng timbangan lang hindi mo alam kung paano gumagana," aniya.

Nakatingin lang sa kanya si Ian at pilit na iniintindi ang sinabi niya.

"Naaalala mo 'yun tanong mo? You asked me kung sino na ang mas 'matimbang' sa inyo.
You even want me to demonstrate it using my hands." Tumango si Ian. "Now tell me,
paano ba gumagana ang timbangan?" tanong ni Joy. Gusto niyang ito mismo ang maka-
isip kung anong sinasabi niya.
Nag-isip sandali si Ian saka mayamaya ay unti-unting ngumiti. Tumingin pa ito sa
malayo na tila nahihiya sa kanya dahil sa hindi mapigilang kilig.

Tinawanan niya ito dahil doon. Nagulat pa siya nang hapitin siya nito at yakapin ng
mahigpit.

"So, noon pa lang araw na 'yun, mas matimbang na ako kay Rihanna?" tanong nito
bilang pag-kumpirma.

"Oo 'no. Ilang beses ko na bang mas pinili pang ikaw ang kasama kesa siya? Medyo
shunga ka lang kasi kaya hindi mo napansin."

Humiwalay ito ng yakap sa kanya saka pa-smack na hinalikan siya sa mga labi. Sakto
namang bumukas ang pinto ng sinasakyan nila. Alam niyang nakita sila ng lalaking
nagpapababa ng mga nakasakay dahil nakangiti ito sa kanila.

Natawa na lang siya nang makababa sila at hinila si Ian papunta sa kasunod na ride.

~*~

Simula nang bumaba sila Sky Eye ay hindi na maalis ang ngiti ni Ian. Naka-ilang
rides na rin sila matapos 'yun.

Hindi pa rin

siya makapaniwalang mali lang siya ng interpretasyon sa sinabi ni Joy noon.


Dinamdam niya pa man din ang sinagot nito sa kanya.

"Next ride!" narinig niyang sabi ni Joy sabay hila nito sa kamay niya.

Nakangiti lang siya at nakatingin kay Joy habang patuloy ito sa paghila sa kanya.
He doesn't mind. Kahit habambuhay pa siyang hila-hilahin nito, ayos lang sa kanya.

"Doon tayo!" anito sabay hila sa kanya papunta sa Super Viking. "Medyo maliit kesa
sa ibang amusement park pero mukhang masaya naman," sabi pa ni Joy sa kanya saka
siya hinilila paakyat.

Silang dalawa pa lang ang sakay nun kaya naman naghintay pa ng ibang sasakay.

"Mukha kang sira," mayamaya ay sabi sa kanya ni Joy.

"Huh?" nagtatakang tanong niya. Wala naman kasi siyang sinabi o kung ano man.

"Sabi ko, mukha kang sira. Kanina ka pa mukhang tanga kung makangiti. Baka isipin
ng mga tao may kasama akong autistic," anito sabay nguso pa.

Natawa siya sa sinabi at ginawa nito at hindi niya napigilang halikan ito sa mga
labi.

"Huy! PDA nito!" saway ni Joy sa kanya. May ilan na kasing sumakay sa kabilang
parte at siguradong nakita ng mga ito ang ginawa niya. At wala siyang pakialam. Si
Joy lang naman ang mahalaga sa kanya.

"Masaya lang naman ako," aniya. "Kasi sa wakas, natupad na ang pangarap ko. Kasama
na kita. At makakasama pa sa habambuhay."

Tinignan niya pa si Joy at nakita niyang namula ito bigla. Nag-iwas ito ng tingin
bago hinawakan ang kamay niya.

"Ay ewan. Ayan na, aandar na!" excited pang sabi nito ng tumunog ang buzzer,
indikasyon na magsisimula nang umandar 'yun.

Sa buong durasyon ng ride, nararamdaman

niya ang paghalukay sa sikmura niya pero hindi niya 'yun pinapansin. Nakatuon lang
ang pansin niya kay Joy at sa pagtili nito. Pati ang expression nito sa tuwing
bumababa ang "barko", natutuwa siya. Pagkatapos kasi ng bawat tili nito, tumatawa
ito bigla.

"Grabe! Napaos na ata ako!" ani Joy sa kanya nang makababa sila. Pansin niya rin sa
boses nito na medyo paos na 'yun.

"Sigaw ka kasi ng sigaw," natatawang sabi niya.

"Ang saya kayang sumigaw! Mas napi-feel kong nakasakay ako sa rides," anito.

Naiiling na lang na sumunod siya nang maglakad ito. Umakbay pa siya nang makasabay
sa paglalakad nito. Patuloy lang siya sa paglalakad nang bigla na lang itong
tumigil.

"Bakit?" tanong niya nang mapansing nakatitig ito sa kung saan.

"Gusto ko nun," anito sabay turo sa kung saan.

Sinundan niya naman ang tingin nito at hindi niya mawari kung anong gusto nito.

"Hotdog?" tanong niya nang mapatingin sa stall sa di kalayuan. 'Yun ang naisip niya
dahil nagugutom na siya. Malamang gutom na rin ito.

"Hindi! Ayun o!" anito pa sabay turo uli. Hindi na nito hinintay na hanapin niya
kung anong tinutukoy nito. Hinila na agad nito ang kamay niya at dinala siya sa
isang stall na maraming nakasabit na stuffed toys. "Ang cute!" ani Joy sabay pisil
pa sa bilog na stuffed toy na hindi niya mawari kung ano.

Naiiling ginulo niya ang buhok nito at sinundan uli nang pumunta ito sa harapan ng
stall. May ilang naglalaro roon at nakisiksik agad si Joy.

"Magkano?" tanong nito sa bantay.

"One hundred pesos dalawang tira, Ma'am! Isang round po 'yun," sagot agad ng
lalaki.

Ang

laro nun, kailangan patumbahin ang mga lata na naka-pyramid. Dalawang bola lang ang
gamit at kailangan bumagsak lahat.

"Pero may promo po kami, kapag dalawang rounds ang kinuha niyo, may libre kayong
isang round," sabi pa ng lalaki.
Tumingin bigla sa kanya si Joy. "Laro tayo!" anito. Kita niya ang kislap sa mga
mata nito kaya naman hindi siya nag-atubiling kumuha ng dalawang daan sa pitaka
niya.

"Yey! Thank you, husband!" anito sa kanya.

Ngumiti naman sa kanya ang lalaking bantay bago iniabot kay Joy ang mga bola.

"Bagong kasal kayo, Sir?" tanong nito sa kanya.

Tumango lang siya at ngumiti rito.

"Swerte naman ni Ma'am sa inyo. Halatang mahal na mahal niyo e," anito pa.

Nagkibit siya ng balikat saka pinanuod si Joy.

"Well, I'm lucky to be her husband, too. She's one of a kind," aniya habang hindi
tumitingin sa lalaki at pinanunood lang ang asawa.

Ilang beses itong sumubok pero hindi nito napatumba lahat ng lata. Sa panghuli,
natumba 'yun lahat pero hindi tuluyang nahulog.

Malungkot na lumapit sa kanya si Joy.

"Gusto mo pang i-try?" tanong niya. Ayaw niya naman kasing malungkot ito buong
gabi.

"'Wag na lang. Hindi ko naman mapabagsak e," malungkot pa ring sabi nito.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng asawa saka ito hinalikan sa noo.

"I'll get it for you," aniya saka lumapit sa lalaking bantay. "Isang round nga,"
aniya sabay abot ng isang daan.

Binigay naman agad nito sa kanya ang dalawang bola at nagsimula na siya.

Sa unang bato niya ay bumagsak na ang kalahati nun. Tuwang tuwa na kumapit si Joy
sa

braso niya. Chini-cheer pa siya nito. Nang ibato niya ang kasunod na bola, bumagsak
lahat ng lata. Sa sobrang saya, niyakap siya bigla ni Joy. Natutuwa namang tinignan
siya ng lalaki.

"Pili na po kayo ng prize," anito.

Mabilis na itinuro ni Joy ang kulay orange na stuffed toy na pinipisil-pisil nito
kanina. Niyakap agad nito iyon pagka-abot na pagka-abot ng lalaki.

"Thank you!" anito sa kanya.

Umakbay agad siya rito pagkatapos saka ito dinala sa isang restaurant para kumain.

~*~
Isang linggo ang matuling lumipas matapos nilang maglibot ni Ian. Sa buong linggong
'yun, nag-stay uli sila sa log house at hindi lumabas. Nag-stock na sila ng mga
pagkain para mailuto at gaya ng unang linggo, si Ian lagi ang nag-aasikaso ng
lahat.

"Male-late ka na!" sabi ni Joy nang halikan uli siya ni Ian sa mga labi.

May dumating kasi itong mahalagang kliyente, na ayon dito ay noong nakaraang taon
pa niya gustong makuha, at ngayon nga ay makiki-pag-meeting na ito. Ang kaso, hindi
na ito available sa pagbalik ni Ian sa susunod na linggo kaya naman kailangan na
muna nitong bumalik ng Maynila.

"Babalik agad ako bukas. Sumisikat pa lang ang araw nandito na ako," anito.

Natatawang tumango siya. Alas-nwebe na ng umaga at lunch meeting ang pupuntahan


nito. Sa tantya niya naman, aabot ito sa meeting. Sandali lang naman ang biyahe
pabalik ng syudad.

"Isa pa nga!" anito bigla saka siya hinalikan sa mga labi.

"Pasaway!" natatawang sabi niya sabay hampas sa braso nito. Siya na mismo ang
humila sa asawa papunta sa kotse nito para sumakay.

Ayaw

pa sana siyang bitiwan nito pero binantaan niya na itong hindi pagbibigyan ng ilang
araw kaya naman mabilis na sumakay ito sa sasakyan.

"Ingat ka!" aniya rito.

Binuksan pa ni Ian ang bintana ng sasakyan.

"I will. I love you!"

"I love you, too! Balik ka agad! Hihintayin kita!" aniya rito bago ito tuluyang
umalis.

Naiiling bumalik siya papasok ng bahay. Pumasok siya sa kusina at napangiti. Naka-
handa na lahat ng kakainin niya hangang breakfast kinabukasan. Inihanda na lahat
'yun ni Ian at iinitin niya na lang.

Nagpalipas siya ng oras sa pagbabasa ng libro na binili niya sa mall sa 'di


kalayuan. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang mag-ring ang cellphone niya.

Kinuha niya agad 'yun at 'di na pinagka-abalahang tignan kung sino ang tumatawag.

"Babes!" Nabosesan niya agad si Rei sa kabilang linya.

"O, CR! Napatawag ka? May problema ba?" tanong niya agad. Ang alam niya kasi, nasa-
Australia ito.

"Wala naman. We're here at Tagaytay! Ngayong araw lang kami rito. Meet naman tayo.
Sama mo asawa mo," anito.

Napa-tsk siya saka nagsalita. "Wrong timing ka naman e! Kung kailan wala si Ian
saka ka makikipagkita. Bumalik siya ngayon sa Maynila may importante lang na
aasikasuhin. Bukas pa ang balik. Baka naman pwedeng bukas na lang kayo umalis?"
tanong niya.

"Hindi pwede, babes. May check-up bukas ang asawa ko. Kailangan naming bumalik
mamayang gabi."

"Aish! Sige na, sige na. Magkita na lang tayo mamaya. Next time na lang siguro
tayong mabonding na kasama si Ian."

"Okay! See you!" anito pa.

Pagkatapos ng tawag ay nag-text agad siya kay Ian. Nagsabi siya ritong
makikipagkita kay Rei. Pero dumating na ang oras ng pagkikita nila ay hindi pa rin
ito sumasagot.

"O, well. Malamang busy 'yun," aniya sa sarili saka nag-ayos ng sarili at pumunta
sa napag-usapan nilang lugar ni Rei.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

purplenayi's note:

Hello! Sa mga nagtatanong kung matatapos na ito, yes po. Malapit na. Ilang chapters
na lang ang nalalabi.

Thank you sa pagsubaybay!

=================

Chapter Forty Five

"Hi, Joy! I'm glad you came!" salubong sa kanya ni Aaliyah nang makarating siya sa
Starbucks. Doon nila napag-usapang magkita ng mag-asawa.

Nakipag-beso pa ito sa kanya saka siya hinawakan sa magkabilang kamay.

"Hi! Glad to see you. You're glowing!" bati niya sa babae habang pinagmamasdan ito.
Natutuwa siyang tignan na mukhang mas lalo pa itong gumanda nang magbuntis.

"Well..." Nagkibit ito ng balikat bago tumingin sa tiyan. Mayamaya ay bumaling sa


asawa.

"Nice to see you, Joy," ani Rei sa kanya. "You look... happy," anito pa.

"Oh, I am," mabilis na sagot niya.

Itinuro sa kanya ni Rei ang upuan. "Sit down. I'll get your order. What do you
want?" tanong nito.

Ibinigay niya ang order dito saka bumaling kay Aaliyah nang maka-alis ang lalaki.
Nagkamustahan lang sila sa kanya-kanyang buhay. Nai-kwento sa kanya ni Aaliyah ang
mga detalye sa pagbubuntis nito. Hindi niya mapigilang maisip kung kailan niya
mararanasan ang mga 'yun. At iniisip pa lang, nae-excite na siya.

"How about you? I'm sure you and your husband wants to have your kids soon," ani
Aaliyah na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Tumango siya ng bahagya. "We've talked about having kids, yes. We're just waiting
for it to happen."

"Oh, I hope it'll be soon."

"I hope so too," aniya.

Noon dumating si Rei at iniabot sa kanya ang order niya.

"Saan nagpunta si Ian? Bakit wala siya?" tanong ni Rei nang makaupo.

"I told you, he has to take care of some business."

"You're in your honeymoon. Can't it wait?"

Nagkibit

siya ng balikat. "Matagal niya nang gustong makuha ang kliyenteng 'yun. It just
happens that it's the only available time for the client. I don't mind though. It's
just a day," aniya.

Totoo namang walang problema sa kanya kung pumunta man si Ian sa Maynila sa araw na
'to. Kung tutuusin nga, ayaw pang umalis ni Ian, siya lang ang nagpilit.
Nanghihinayang kasi siya dahil sinabi nitong matagal na nitong gustong makuha ang
kliyente na 'yun.

"Okay, you say so."

Inabot din sila ng ilang oras sa pagku-kwentuhan. Papadilim na rin ng magpasya


siyang umuwi na.

"Ihahatid na kita sa inyo," ani Rei.

Dumating kasi ang pinsan ni Aaliyah na talagang kikitain nila sa Tagaytay kaya
naman busy na rin ang babae sa pakikipag-usap.

"Hindi na, I'm fine. May mga tricycle naman d'yan," aniya.

Bumaling siya kay Aaliyah.

"Uhm, Aaliyah, I have to go," aniya.

"Oh! Okay, take care of yourself." Bumaling ito sa asawa. "You drive her home. I'll
be fine in here," anito kay Rei.

"No need for that. I can manage," aniya.

"Oh, please. We wouldn't want you to go home by yourself at this hour. It's already
dark outside. Go on, let him drive you home," anito pa.

Tumango na lang siya dahil mukhang hindi talaga ito papayag na hindi siya maihatid
ni Rei pauwi.

"It was nice to see you again. Let's do it again sometime- when my husband is
free," aniya.

Niyakap siya saglit ni Aaliyah para magpaalam. Nagpaalam rin siya sa pinsan nito
bago sila umalis ni Rei.

~*~

"Nice, boss!" sabi kay Ian ng assistant niya pagkalabas nila ng restaurant.

Positive ang resulta

ng meeting niya. Hindi siya makapaniwalang ganun na lang matutuwa sa kanya ang
kliyente. Siguro dahil na rin sa kanina pa sinasabi ng assistant niya-may kakaiba
raw sa aura niya.

Nalaman din ng kliyente na katatapos lang ng kasal niya. Kung tutuusin, halos buong
pag-uusap nila ay umikot sa kwento nila ni Joy.

"Ang galing mo dun, boss. Ibang-iba sa mga dati mong meeting!" sabi pa ni Louie.

"Hindi ako magaling dati?" biro niya sa seryosong tono.

Nakita niyang nag-panic agad ang assistant niya at nagpaliwanag.

"Hindi naman sa ganun, boss. Lagi naman kayong magaling e. May iba lang sa-"

"Oo na. Binibiro lang naman kita e," natatawang sabi niya.

Nakahinga agad ng maluwag ang binata saka tumingin uli sa kanya.

"Pero seryoso, boss. May iba talaga sa aura mo."

"Isa pang beses na sabihin mo 'yan, babawasan ko sahod mo," aniya pero nakangiti
naman.

"'Wag ganun, boss!"

Tinawanan niya lang ito nang marami pa itong sinasabi. May sinasabi pa ito tungkol
sa pagbuhay ng pamilya at kung ano pa. Naiiling na lang siya at sumakay sa sasakyan
niya.

~*~

"Aalis na rin ako ng alas kwatro," aniya kay Louie pagkalabas ng opisina niya.
Nahuli niya pang nagngingitian ito at ang isa niya pang assistant na si Billie.

Sumeryoso siya kunwari saka tumikhim.

"Bawal ang office romance," aniya pero binawi niya rin agad. I'm kidding, make sure
you're safe... always," pasimpleng sabi niya saka tumalikod.

Nakita niya pang namula ang dalawa at napatungo pa si Billie.

Papasok na sana uli siya sa opisina niya nang maalalang may kukunin sa assistant
kaya siya
lumabas.

"Oh, Louie, I need the contract for Mr. Grasa. I need to review some terms. I think
we would be changing some," aniya.

"Okay, Sir."

Mabilis na binuksan nito ang drawer at kinuha ang ilang folder na nandun. Pero
hindi sa mga folder napako ang mata niya kundi sa nasa ilalim noon-and doodle ni
Joy na "X-Ian".

"Akala ko tinapon mo na 'yan?" mahinahong tanong niya. Pero sa loob niya, naiinis
siya. Ayaw niya na sanang maalalang hindi naman siya ang tinutukoy sa mga doodle na
'yun.

"Uhm... ano kasi, boss... sayang kasi... baka magbago 'yung isip niyo kaya 'di ko
na lang muna tinapon. 'Di bale itatapon ko na po," anito at akmang itatapon nang
hablutin niya 'yun.

"Ako nang bahala," aniya saka kinuha na rin ang mga hinihinging dokumento.

Mabilis na pumasok siya sa opisina niya at tinitigan ang doodle.

Sandali rin siyang nasa ganung ayos hanggang sa ilagay niya na lang 'yun basta sa
drawer niya. Hindi na siguro mahalaga kung sino 'yun. Ang mahalaga na lang, mahal
siya ni Joy. At nararamdaman niya 'yun.

Napangiti siya sa naisip. Nagmamadali na ring inayos niya lahat ng dapat ayusin
para maka-uwi na sa asawa.

~*~

Mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo ng sasakyan niya para lang makarating sa
Tagaytay nang maliwanag pa. Ang kaso, naipit pa rin siya sa traffic kaya naman
papadilim na nang makarating siya. Naisip niyang bilhan ng maraming pagkain si Joy.

"Siguradong matutuwa ang matakaw na 'yun," natatawang sabi niya sa sarili nang
makabili ng pagkain.

Habang tumatagal, lalo pa siyang natutuwang panuoring si Joy na kumain nang

kumain. Noong una, napapa-iling pa siya dahil hindi niya talaga maisip kung saan
nito inilalagay lahat ng pagkain na 'yun.

Ngiting-ngiti pa siya habang nagmamaneho nang malingunan si Joy na sumakay sa kotse


ni Rei. Napahinto agad siya at siniguro kung tama ang nakita.

Mabilis ang tibok ng puso niya habang sinusundan ng kotseng sinasakyan ng mga ito.
Hindi siya makapaniwalang ilang oras lang siyang nawala, nakipagkita na agad sa
lalaki ang asawa. Hindi niya napigilang mapaluha habang nakatitig sa likuran ng
kotse pero pinunasan niya agad 'yun at pinilit kalmahin ang sarili.

Nagbigay siya ng malaking distansya sa kanila habang sumusunod. At nagulat pa


siyang sa mismong tinitirhan nila pumunta ang dalawa.

Tumigil siya malayo sa mga ito para pagmasdan ang dalawa. Nagsisikip ang dibdib
niya sa nakikita. Napahigpit ang kapit niya sa manibela. Hindi niya malaman kung
anong gagawin niya.
Sandaling nag-isip siya at mayamaya'y pinaandar ang kotse palapit sa dalawa sa
desisyong kumprontahin ang mga ito.

~*~

"Mukhang alagang-alaga ka ni Ian ah?" nakangiting sabi ni Rei kay Joy habang
nagmamaneho ito.

Ngumiti siya nang malapad dito saka tumango.

"He's much better than I hoped for. You know, when I get married."

"Dream guy, huh?"

"Yes," mabilis na sagot niya.

"At least mapapanatag na ako. I know you're in good hands. And I know you're
happy," anito.

"Wow ah? Mapapanatag talaga?" natatawang sabi niya.

Nanahimik ito sandali.

"Remember when I left when we were still young?" anito.

Tumango siya. Hindi niya makakalimutan

ang araw na 'yun.

"I promised you that I will come back for you." Tumingin siya rito at pinakinggan
ang mga sinasabi nito. "That... I'll marry you when I get back... I was actually
worried when I saw you again. 'Coz you might have hold on to that promise."

Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing naaalala pa nito 'yun.

"I meant it that day when I said it. It's just that... Aaliyah came. And I realized
that what I felt for you before isn't that kind of love." Tumingin sa kanya si Rei
sandali bago bumaling uli sa pagmamaneho. "Maybe that was sisterly love or
something. Nasanay na kasi akong kasama ka palagi. Saka alam kong may pagnanasa ka
sa akin," anito sabay tawa.

Nanlaki bigla ang mga mata niya bago ito mahinang hinampas sa braso. Mahirap nang
ma-aksidente sila kung mapalakas ang hampas niya.

"Pagnanasa talaga?! Grabe ha!" aniya.

"Bakit, wala ba?" anito.

"Well, siguro pareho lang tayo nun ng naramdaman. We're just familiar with each
other that we assumed it was love. Iba kasi kay Ian e. Alam mo 'yun... 'Yung..."
Nag-isip siya ng tamanag word para i-describe kung anong nararamdaman niya para sa
asawa pero wala siyang maisip. "Hindi ko maipaliwanag e," aniya na lang.

"I know what you mean," ani Rei. "It must be the same way I feel about my wife."

Ngumiti siya rito saka tumango.

"I think it is," aniya.


Ilang minuto lang at nakarating agad sila sa log house. Sabay na bumaba sila ni Rei
ng sasakyan.

"Wow! This is yours?" tanong nito.

Tumango siya. "Yup. Ian bought it for me," aniya. "Gusto mong makita sa loob?"

tanong niya.

Nag-isip ito sandali saka umiling.

"Next time na lang siguro. I'm sure my wife is waiting for me. Ugh, I miss her
already," anito. Lumapit sa kanya ang lalaki saka sandali siyang niyakap. "See you
next time, sana kasama na si Ian." Hinawakan pa nito ang isang kamay niya.

"Yeah, sure. I-schedule na lang natin. Para siguradong makakasama na ang asawa ko,"
aniya.

Saktong binitawan ni Rei ang kamay niya nang dumating ang kotse ni Ian. Napangiti
agad siya nang makita itong bumaba roon.

~*~

The moment he got out of the car, he had every intension to confront the two. Pero
biglang naumid siya nang makita ang reaksyon ni Joy nang makita siya. It's as if
she won something.

Lalo pa siyang napatigil ang yakap agad ang isalubong nito sa kanya.

"Ian! Miss mo ko 'no?" anito sa kanya.

Hindi niya maipaliwanag ang sayang nakikita niya sa mga nito.

Bahagyang ngumiti siya saka hinalikan ito sa noo.

"Yeah, I did," aniya.

Kahit na medyo gumaang ang pakiramdam niya sa yakap nito, nandun pa rin ang kung
ano mang pumipiga sa puso niya. Lalo na nang mapatingin siya kay Rei.

"Oo nga pala, nandito si Rei. Hinatid niya lang ako. We met earlier sa Starbucks,"
ani Joy. Hinila pa siya nito papalapit sa lalaki.

"Ian, pare!" masayang bati ni Rei sa kanya. Iniabot pa nito ang kamay.

Parang wala na siya sa sarili dahil tinanggap niya pa ang pakikipagkamay nito.

"Sayang naman wala ka kanina. But next time, we want you to be there. Para maka-
bonding naman namin ang nagpapasaya dito kay Joy," anito.

Nakita niya pa kung paanong pinandilatan ni Joy ang kababata dahil sa sinabi nito.

"Sige, mauna na ako."

Tumango si si Joy dito saka nagsalita, "mag-iingat ka," anito.

Tinanguhan niya lang ang lalaki nang sa kanya naman ito bumaling para magpaalam.

Tahimik lang na nakatingin siya sa kotse nitong papalayo. Hindi niya na alam kung
anong mararamdaman. Parang naghahalo-halo ang iba't-ibang pakiramdam sa loob niya.

Napapitlag pa siya nang yakapin uli siya ni Joy saka hilahin papasok sa loob.

"Sandali lang akong nawala, MJ," hindi niya napigilang sabihin.

Napabitaw agad sa kanya si Joy at tinitigan siya. Sa pagkakataong 'yun, hindi niya
na napigilan ang mga luha niya.

"What are you talking about?" anito.

Napangiti siya nang mapait.

"Do you love me?" tanong niya rito.

Napa-atras si Joy sa sinabi niya. Nakatitig ito sa kanya at halatang hindi


makapaniwala sa sinabi niya.

"Do you really love me?" ulit niya sa tanong.

"I can't believe this," ani Joy. Nakita niya ang galit sa mga mata nito.

Naiiling na tumalikod pa ito saka pumasok nang tuluyan sa loob.

Naiwan siyang nakatitig sa likod ng papalayong asawa.

to be continued...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nayi's Note:

Estimated 2-3 chapters na lang hahaha

=================

Chapter Forty Six

Pakiramdam niya ay bumagsak ang mundo niya nang tlikuran siya ni Joy. Kung anu-
anong pumasok sa isip niya. Hindi mawala roon na iiwan na siya ng asawa.

Iniisip pa lang na mawawala na ito sa kanya ay nadudurog na ang puso niya. Parang
may pumipiga roon at halos hindi siya makahinga.

Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha niya.

Hindi siya papayag na iwan siya nito. Hindi siya papayag na mapunta lang sa wala
ang lahat.

"MJ!"

Mabilis na sinundan niya ang asawa papasok sa loob hanggang sa makarating sila sa
balcony. Doon niya naabutan si Joy na hilam na sa luha.

"MJ..."

Parang mas lalo pang kumirot ang dibdib niya nang makita ito.

Siya ang mas nasasaktan habang tinitignan ang asawang hindi magkanda-ugaga sa
pagpunas ng mga luha. Hindi niya na malaman kung anong gagawin niya. Lumapit siya
rito pero umatras ito at pinigilan siya.

"I thought we're okay," ani Joy. May pag-aakusa sa tinig nito at nakatitig sa
kanya. "Akala ko nagkaka-intindihan na tayo. Na naniniwala ka nang mahal kita. Ian,
I told you like a hundred times that I love you. I love you so much that it hurts.
Pakakasalan ba kita kung hindi?" anito pa kasabay ng tuloy-tuloy na pagtulo ng
luha.

Gusto niya itong yakapin at punasan ang mga luha pero natulos na lang siya sa
kinatatayuan niya. Mayamaya ay nagsalita na rin siya.

"Pero bakit nakipagkita ka pa rin sa kanya?" mahinang sabi niya. Halos pabulong na
lang 'yun at hindi siya magtataka kung hindi 'yun narinig ni Joy.

"He's still my best friend, Ian. At kung ano man ang nararamdaman ko noon para sa
kanya, matagal nang

wala 'yun! Maybe, it wasn't even there at all. Dahil kung totoong mahal ko siya
noon, bakit ako natutuwa sa tuwing naroon ka? Bakit minsan nagdarasal ako na sa
tuwing uuwi si Kuya ay sana kasama ka? Na kahit na wala ka namang ibang ginagawa
kundi inisin ako e gusto ko pa ring nakikita ka?"

Parang may bumundol sa puso ni Ian sa sinabing 'yun ni Joy. Kahit na sinabi na nito
iyon nang kasal nila, iba pa rin ang pakiramdam niya na marinig uli ito sa asawa.

"Pero hindi mo masasabi kung anong nararamdaman niya, MJ. Natatakot lang akong
agawin ka niya sa akin," aniya.

"He won't!"

"How can you te-"

"He's fucking married! At magkaka-anak na sila. Kung hindi ka umalis kanina, kasama
ka sana namin... pati ng asawa niya. Hinatid niya lang ako rito dahil sa
pagpipililit na rin ni Aaliyah dahil sa pag-aalala sa akin."

Lalo siyang natahimik sa narinig. Hindi niya alam ang bagay na 'yun.

Hanggang sa ngayon kasi, nakatatak sa utak niya ang sinabi ng lalaki nang unang
beses nila itong makita sa restaurant. "I'm here to fulfill my promise."

Magsasalita na sana siya nang unahan siya ni Joy.

"He's not back here to fulfill that stupid promise," anito na parang nabasa ang
nasa isip niya. "At kahit na bumalik pa siya para roon, hindi ako pakakasal dahil
lang sa nangako siya. Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko dahil ikaw ang mahal ko."

Napatungo siya at tipid na napangiti. Mahal siya ni Joy. Mahal siya ng asawa.

Ilang sandali rin siyang ganun saka huminga nang malalim. Maya-maya'y nag-angat ng
tingin.
"I... I'm sorry, MJ."

Nakita niyang

huminga rin nang malalim ang asawa at tinalikuran siya. Humalukipkip ito at humarap
sa kakaunting mga ilaw ng syudad.

Hindi na siya nagsalita at yumakap na lang sa likod nito. Inakala niyang aalisin
nito ang mga braso niya pero hindi nito ginawa. Hinayaan lang siya nito na
ikinagaan ng pakiramdam niya. Hinigpitan niya pang lalo ang pagkakayakap rito saka
ito hinalikan sa buhok.

"I'm really sorry," aniya.

Sandaling tahimik si Joy bago nagsalita. Sa pagkakataong 'yun, ramdam niya sa boses
nitong kumalma na ang asawa.

"Pasalamat ka mahal kita," anito.

Mahinang natawa siya. Siya na mismo ang nagpunas ng mga luha nito gamit ang panyo
sa bulsa niya.

"Mahal na mahal kita, MJ. Hindi ko kakayanin kung iiwan mo 'ko," aniya.

~*~

Hindi na niya namalayan kung gaano na sila katagal na silang nakatambay sa may
balcony. Nakaupo lang sila habang magkayakap at nakatingin sa langit.

"Si Rei ba 'yung 'X-Ian' sa mga doodle mo?" hindi napigilang tanong ni Ian. Sa mga
sinabi kasi ni Joy kanina, napapa-isip na siya at umaasang siya talaga 'yun at
hindi ang kababata nito.

"Of course not!" Napa-angat pa ang likod ni Joy at inis na tumingin sa kanya. "Sa
tingin mo ba ibibigay ko ang mga 'yun sa'yo kung hindi naman ikaw 'yun? Ano namang
tingin-"

Hindi niya na pinatapos ang sinasabi nito at mabilis na sinakop niya ang mga labi
nito.

Nang una ay pumalag ito pero mayamaya ay gumanti rin ng halik.

"Sorry na. Nung nalaman ko kasing Christian din ang pangalan niya, akala ko siya
'yung tinutukoy sa mga doodle mo," aniya. "Ipinatapon ko pa 'yung nasa office. Buti

na lang 'di tinapon ni Louie," aniya pa.

"Hmp! Sorry na naman." Tumingin ito sa malayo saka nagpatuloy. "Ikaw 'yun. The 'X'
was supposed to go over 'Ian'. 'Yun bang parang binubura. Kaso nakita ko 'yung
Christmas decor ni Kuya sa Lovie Patty na 'X-mas' kaya ayun, napagtripan ko. Natuwa
ako sa naisip ko kaya hindi ko mapigilang gawin nang gawin. Or maybe I just love
making doodles of your name," anito.

Hinila niya si Joy palapit uli sa kanya saka ibinalik ito sa dating pwesto.

"Hindi mo na siguro naaalala 'yun. Nung gumagawa ako ng project tapos lumapit ka.
Sabi mo sa'kin-"
"Ano 'yan? Parang gawa ng kinder!" ani Ian na pinangunahan ang asawa.

Ngumiti pa siya nang malapad kahit na hindi naman 'yun nakikita ni Joy.

"Naaalala ko lahat basta may kinalaman sa'yo," aniya.

Hindi niya malilimutan lalo ang tagpong 'yun. Maraming beses niya ring inulit-ulit
sa isip niya ang nangyari.

"'Yun ang unang beses na nahawakan ko ang mga kamay mo," wala sa sariling sabi niya
habang inaalala ang tagpong 'yun.

"Tss. Sinadya mo 'yun 'no? Talagang kinuha mo 'yung kamay ko para mahawakan mo,"
ani Joy.

Madumi nang mga oras na 'yun ang mga kamay ni Joy dahil sa ginagawang project. Puro
kulay 'yun ng pastel at ginawa niyang dahilan ang mga kulay na 'yun para lang
mahawakan ang mga kamay nito.

"Actually, yes." Tumawa siya sandali. "I saw my shot so I took it. Sayang naman
kung hindi ko pa hahawakan ang mga kamay mo. Ang tagal ko na kayang gustong gawin
'yun." Pagkasabi ay kinuha niya ang kamay nito at hinalikan.

"Pero honestly, natuwa ako sa gawa mo nun. Joke lang 'yun

sinabi kong parang gawa ng kinder. Lalo pa nga akong humanga nun sa'yo dahil ang
artistic mo pala," aniya.

"Artistic ka d'yan! Walang-wala kaya 'yung gawa ko nun sa gawa ni Jacky. So kung
nakita mo 'yung gawa niya sa kanya ka hahanga?"

"Bakit, siya ba ang gusto ko?" Nagumiti pa nang malapad si Ian. Nakita niyang
tinignan siya ni Joy para siguro tignan kung nagsasabi siya ng totoo. "Kahit siguro
gawa ng totoong artist ang itabi mo sa gawa mo, 'yung sa'yo pa rin ang mapapansin
ko," aniya pa.

Nakita niya ang pamumula ng pisngi ni Joy na ikinatuwa niya.

Hinalikan niya ito sa pisngi saka niyakap nang mahigpit.

"Ang cute mo talaga 'pag kinikilig," aniya.

"Kinikilig ka d'yan!" ani Joy pero halata naman ditong totoo 'yun.

"Edi hindi na," aniya sabay tawa.

"Ganyan kang makasalita d'yan samantalang ikaw 'tong nagpa-cancel ng kasal natin.
Kung hindi pa ako nagpilit na matuloy 'yun malamang hindi pa rin tayo kasal
hanggang ngayon," ani Joy.

~*~

Naramdaman ni Joy na natahimik si Ian. Sa paraan ng paghinga nito, ramdam niyang


nawala ito sa mood. Hindi niya naman sinasadyang sabihin 'yun. Bigla niya na lang
nabanggit. Hanggang ngayon kasi, hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nito
pina-cancel ang kasal.

"You were talking to him and you said you love him. I was there looking for you
when I hear it," ani Ian.
"But-"

"Yeah, I know that now. It's a different kind of love. It's just that I can't help
myself but be jealous."

Sandaling tumahimik siya. Kumawala pa siya sa pagkakayakap nito saka hinarap ang
asawa.

"You really are stupid," aniya. Naaalala niya na ang gabing 'yun. 'Yun 'yung oras
na kausap niya si JL. "I wasn't talking to Rei that night!-"

"But I saw the caller ID-"

"Will you let me finish?" inis na namang sabi niya.

Tumango lang ito saka hinayaan siyang magsalita.

"I already ended the call. I was talking to JL when I said that. I never told Rei
that I love him cause I don't," aniya.

"JL... as in my cousin?" tanong nito.

Tumango siya bilang sagot.

"Before you think of anything else, she's doing something for me. It's a secret for
now so don't ask. And just to remind you... I love you."

Tumawa ito. "I love how you say that," anito.

"Say what?"

"That you love me."

"Well, I love you," aniya uli.

"Say that again."

"I love you," ulit niya naman.

Tawa lang ang isinagot nito saka mayamaya ay nagsalita.

"I think I owe someone an apology. What do you think of a dinner with your guy best
friend and his wife?"

Ngumiti siya nang malapad saka humarap sa asawa.

"I like that," aniya.

At bago pa man magsalita uli si Ian ay sinakop niya na ang mga labi nito.
to be continued...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nayi's Note:

Isang chapter na lang, then epilogue. Hopefully matapos by the end of the week.
Bale may special chapters pa naman after.

Ayun, salamat!

=================

Chapter Forty Seven

"Dahan-dahan lang, sweetie," ani Ian sa kay Joy habang nakatakip ang kamay nito sa
mga mata niya. Ang isang kamay naman nito ay naka-alalay sa isa niya pang kamay.

"E bakit kasi kailangan pang nakatakip? Para namang hindi ko pa nakikita 'yung
bahay natin," aniya.

Ngayon lang sila bumalik ng syudad pagkatapos ng isang buwan mahigit na pamamalagi
sa Tagaytay. Nag-extend pa sila ng ilang linggo roon dahil ayaw pang umuwi ni Ian.

Lahat ng gamit nila, naibalik na sa dati nilang bahay mula sa mansyon ng mga Lim.
Dito na sila dumeretso pagkarating ng Maynila.

"Pina-renovate ko nga remember?" ani Ian sa tenga niya. Napapitlag pa siya dahil
nagulat sa pagbulong nito sa mismong tenga niya. "Parang bago na 'to. Sandali
lang," anito sabay pinatigil siya nang maka-akyat sila ng tatlong baitang na
hagdan. Alam niyang nasa harap na sila ng main door. "Wag ka munang didilat ha!"
sabi ni Ian habang inaalis ang kamay sa mga mata niya.

"Oo na," aniya na lang saka mariing ipinikit ang mga mata.

Naramdaman niya ang pagbubukas nito ng pinto ng bahay nila.

"Okay. Pwede ka nang dumilat," narinig niyang sabi ni Ian.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Medyo nasilaw pa siya sa liwanag kaya
naman sinanay niya muna ang mga mata.

Nang tuluyan nang makadilat, natutuwang inilinga niya ang paningin sa bahay nila.
At tulad nga ng sabi ni Ian, malaki na ang ipinagbago nun nang ma-renovate.

"What do you think?" tanong ni Ian habang nakatitig sa kanya.

"I love it," aniya.

Pumasok siya sa loob at tinignan ang pagbabago. Naroon pa rin ang ilang gamit dahil

bago naman 'yun nang lumipat sila dati pero marami ang nabago sa mga furniture.
Pati ang hagdan, malaki ang ipinagbago at mas nagmukha pang elegante. Sa dingding
ng sala ay may nakasabit na tatlong malalaking pictures. Nasa gitna ang kasal nila
nitong huli, sa kaliwa ang pinaka-unang picture nila nang mga bata pa sila, at sa
kanan ang picture ng pekeng honeymoon nila sa New York.

Nakatitig siya roon ng yumakap si Ian mula sa likod niya.

"Ayaw mo ba 'yung pictures? Pwede naman nating papalitan," anito.

"No. It's fine. I like it. Ikaw ba ang namili ng mga pictures?" tanong niya.

Tumango lang ito at hindi nagsalita.

"By the way, pinapalitan ko 'yung mga furnitures," ani Ian.

"Yes, I noticed." Tumango-tango siya. "Maganda 'yung mga ipinalit," aniya pa.

"Pinagawa kong child friendly," ngiting-ngiti na sabi ni Ian. "Sabi kasi nung
interior designer na kinuha ko, pang-bachelor ang design ng bahay. Kaya ayan, nai-
make-over niya."

"Well, I agree with her... wait is it girl?" tanong niya.

"Uhm... sort of," ginalaw pa nito ang mga kamay na parang hindi sigurado.

Tinignan niya ng mataman si Ian na parang tinatanong kung anong ibig nitong
sabihin.

"The name's Michael. But preferred to be called Michelle," sabi na lang nito.

"Oh! Okay. I get it. Let's see the kitchen?" aniya.

Natatawa na lang na tumango ito.

"I know what you mean. Okay then. Let's go!"

~*~

"Tara sa likod," ani Ian.

Katatapos lang nilang kumain dahil nagutom sila sa biyahe. Binibiro pa siya ni Ian
kanina na sa kusina niya lang naman talaga gustong pumunta.

"Ano

bang meron sa likod? E garden lang naman 'yun," aniya.

"You'll see," anito.

Pagkalabas na pagkalabas nila ng garden, itinuro agad nito ang pool sa gitna.

"Tadaa!" Tumatawa pa si ian habang hinihila siya papunta roon. "'Di ba sabi ko
naman sa'yo magpapalagay ako ng pool," anito.

"At talagang pinush 'mo 'yun ha?"

May kalakihan ang pool na pinagawa nito. Sa gilid pa noon, may kiddie pool.

"Para sa mga magiging liitle Ian at liitle Joy," ani Ian.

Natutuwa siya sa pinagawa nito sa bahay nila. Sa bawat parte kasi niyon, palaging
kasama sa plano ang magiging mga anak nila.

"Gusto mo na talagang maging Daddy ha?" tukso niya rito.

Tumahimik sandali si Ian at pinaningkitan siya.

Mayamaya ay tumango-tango ito.

"Speaking of being a Daddy, dapat ipakita ko na sa'yo ang pinakagusto ko sa lahat,"


anito sabay hila sa kamay niya.

Sa daan pa lang na nilalakaran nila, alam niya na kung saan sila pupunta.

Nang buksan nito ang pinto ng kwarto nila, namangha siya sa hitsura nun. 'Yun ang
dating kwarto ni Ian na ngayon, nagmukhang mas malaki pa.

"See that?" turo nito sa isang gilid kung saan may desk at laptop. "Para hindi ka
na tumambay sa library. Gusto ko nakikita ka lagi," anito.

Yumakap siya sa asawa. "Thank you! May working station pa talaga ako rito ha?"

"Syempre, para makapagsulat ka nang makapagsulat. Ipasa mo nang ipasa sa mga


publishing house at balang araw, ikaw ang magiging pinamagaling na writer."

"Sus, basta may magkagusto lang sa mga gawa ko ayus na," aniya.

Lumapit siya sa desk niya at napansin ang sliding door sa gilid

nito.

Na-curious siya kaya naman binuksan niya 'yun. Natuwa siya nang makita ang naroon.

"Talagang inunahan mo pang magpagawa si Rei ah?" aniya.

Sumimangot ito sandali kaya tinignan niya ng masama. Okay naman na rito si Rei pero
hindi pa rin maiwasang mag-selos kung minsan.

Nakapag-bonding na silang apat isang linggo na ang nakalilipas. Pumunta uli ng


Tagaytay ang mag-asawa para dalawin sila. So far, naging maganda naman ang
pagkikita-kita nilang 'yun.

"Well, ipapagawa rin naman natin in the future so why not ipagawa na ngayon?"
anito.

Pumasok sila sa loob ng nursery na ipinagawa nito.

"Pinag-isa ko na 'yung kwarto ko dati saka 'yung dating kwarto niyo ni Rihanna,"
anito. Napansin niya rin 'yun dahil ang laki na talaga ng kwarto na ito. Bukod pa
sa may nursery nang nakadugtong. "I hope you don't mind kung kulay blue. Pwede rin
naman kasi sa babae ang blue. Though I prefer to have a baby boy, kaya 'yan ang
pina-pintura ko. Para alam niyang dapat lalaki siya!" anito sabay tawa.

"Sira ka talaga. Mamaya niyan babae ang anak natin tapos maging pusong lalaki,"
aniya.

"I don't mind. Still my child," anito sabay ngiti.

Maya-maya'y hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya pabalik sa kwarto.
"Since pinag-uusapan na rin 'yan..."

Hindi na nito ipinagpatuloy ang sinasabi at mariing hinalikan siya sa mga labi.
Niyakap siya nito nang mahigpit at dinala papunta sa kama. Hindi siya umangal at
hinayaan lang ito nang ihiga siya roon.

Napatigil siyang bigla nang maramdaman na kakaiba ang nahigaan nang lumundo 'yun.
Humiwalay

siya sandali sa pagkakayakap ni Ian saka sinipat ang kama.

"Waterbed?" tanong niya.

Tumango lang si Ian saka siya uli hinalikan.

"Pati kama iniba a," pang-aasar niya rito nang bumaba ang mga labi nito sa leeg
niya. Magsasalita pa sana siya pero pinigilan siya nito at hinalikan uli sa mga
labi.

Naramdaman niya ang mga kamay nitong isa-isang binubuksan ang butones ng blouse
niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Noong una, hindi nila 'yun pinansin.
Pero nang umulit 'yun at walang tigil, lumayo siya kay Ian kahit na mariin ang
pagpo-protesta nito.

"Mamaya mo na 'yan sagutin," inis na sabi nito.

"Baka importante," aniya.

Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa.

Calling...

Rei

"Tsk! Ano na namang kailangan ng kumag na 'yan?" ani Ian.

Hindi niya ito pinansin at sinagot ang tawag.

"Joy-joy!" narinig niyang sabi ni Rei mula sa kabilang linya. Sa tono ng boses
nito, mukhang nag-pa-panic ito.

"Rei? Bakit?" tanong niya.

Magsasalita pa lang ito nang agawin ni Ian ang cellphone niya.

"Wrong timing ka, pare," anito agad nang itapat sa tenga ang cellphone.

Sasawayin niya sana ito nang makita niyang matigilan ito at nakinig nang mataman sa
nasa kabilang linya.

"Saan?" tanong ni Ian sa kausap. Seryoso na ang mga mata nito at mukhang susugod
anumang oras.

Hinintay niya lang na tapusin nito ang tawag saka niya tatanungin kung anong sinabi
ni Rei.

"Papunta na kami," anito sabay patay ng tawag.

Hinila siya agad nito patayo at ibinutones ang damit niya.


"Anong sabi?" tanong

niya.

"His wife needs help. Let's go!" anito lang saka mabilis na lumabas ng kwarto nila.

Napatakbo na rin siya para habulin ito. Nang makasakay sa kotse, mabilis na
pinaharurot nito ang kotse.

Ilang minuto lang ang biniyahe nila nang makarating sila sa tapat ng isang bahay.
Mabilis na pumasok ito sa loob kasunod siya. Sa kusina, naabutan nila si Aaliyah sa
sahig at namimilipit sa sakit. May kaunti na ring dugo na lumalabas rito.

"Help me..." anito.

Binuhat agad ni Ian ang babae at dinala sa sasakyan nila. Tinabihan niya ang asawa
ng matalik na kaibigan sa likod at inalo.

"You'll be fine," aniya.

"My baby..." daing nito at umiiyak na nakatingin sa tiyan.

"You'll both be fine," aniya na lang.

Hindi niya malaman kung anong gagawin para patahanin ito.

Namalayan niya na lang na nasa ospital na sila at may mga nurse nang bumubuhat kay
Aaliyah pasakay ng stretcher. Sinundan agad nila 'yun hanggang sa harangin sila ng
nurse at pinagbawalan nang sumunod sa loob.

Ilang sandali lang na tahimik silang nakatitig sa pintong pinasukan nang mga ito
saka malakas na bumuntong hininga si Ian.

"Good thing you answered the call," ani Ian.

"Nasaan daw si Rei?" tanong niya.

"On the way na. Galing siya ng Quezon province. Malayo pa siya sa kanila at hindi
niya alam kung saan pa tatawag. Wala raw sumasagot sa mga tinawagan niya. Ikaw lang
ang sumagot."

Mahinang nagpasalamat siya at nagpilit siyang sagutin ang tawag na 'yun.

"Sana maging okay ang mag-ina," aniya.

~*~

"Mr. Lucerio?"

Napatingin silang tatlo sa lumabas na ang doktor.

Dumating

si Rei ilang minuto na rin ang nakalilipas.

Tumayo agad ito at lumapit sa doktor. Hindi nila naririnig ang pinag-uusapan ng mga
ito dahil naka-pwesto sila sa bench na medyo malayo sa mga ito.
Nang bumaling sa kanila si Rei, sa hitsura pa lang nito, alam na nila kung anong
sinabi ng doktor.

"They're safe. Thank you talaga sa inyong dalawa," anito.

Tumayo agad si Ian at tinapik ang balikat ni Rei.

"Wala 'yun, pare."

"Sorry din kung naka-istorbo ako." Ngumiwi pa ito bago tumingin din kay Joy.

Tumawa si Ian saka humalukipkip.

"Well, it's fine. Mas mahalagang maligtas ang mag-ina mo," aniya.

"Kayo ba? Kailan kayo bubuo?" tanong nito. "Baka naman gumaya pa kayo sa'min na
dalawang taon bago magka-junior ha?"

Nakita niyang namula si Joy na ikinatawa niyang muli.

"Hindi kami gagaya sa inyo. Makita mo, bukas na bukas din, ibabalita ko na
sa'yo..."

Natawa na lang si Rei sa sinabi ni niya.

"Siguraduhin mo lang ah!"

"Oo! Kaya ito aalis na kami. Makagawa!"

Hinampas siya bigla ni Joy dahil sa pinagsasasabi niya. Sabay na lang na nagtawanan
sila ni Rei.

"Will you be okay here?" tanong niya sa lalaki.

"Yeah. Thanks again. Ililipat naman na si Aaliyah sa private room."

"Okay then, we have to go. May bubuuin pa kami."

~*~

Hanggang sa makarating sila sa sasakyan, hindi tinitigilan ni Joy ang paminsan-


minsang paghampas kay Ian. Though mahina lang naman 'yun.

"Pasaway ka. Nakakahiya dun sa tao. Kung anu-anong pinagsasasabi mo," aniya.

"Bakit ba? Mag-asawa naman tao a!" anito sabay tawa na naman.

"Ewan ko sa'yo!" kunwari'y naiinis na sabi niya saka padabog na naglakad palapit sa
kotse.

Naramdaman niyang tumigil sa paglakad si Ian kaya nilingon niya ito. Sa


pagkakataong 'yun, nakasimangon na ito.

"Nakikipagbiruan lang naman ako sa best friend mo e," anito.

Napangiti siya bigla dahil sa hitsura nito. Hindi naman ito mukhang galit.
Nakakatawa lang ang pagkakanguso nito.

"Tigilan mo nga 'yan! Mukha kang ewan! " natatawang sabi niya.
Hindi nito iniba ang hitsura at lumapit lang sa kanya. Kapagkuwan ay pinapasok na
siya sa kotse. Nagulat na lang siya nang halikan siya bigla nito sa mga labi.

"Ituloy na natin 'yung naudlot kanina," anito.

"Sira ka! Nasa parking lot tayo!" aniya. Medyo napalakas ang boses niya kaya
napatingin siya bigla sa paligid. Mabuti na lang, walang tao.

Tumawa nang malakas si Ian saka dumeretso ng tayo.

"Sino bang may sabi na dito? Ikaw ha, ang dumi ng utak mo," pang-aasar nito bago
lumipat sa kabilang side ng kotse at sumakay.

Tinignan niya nang masama ang asawa pero tumawa lang ito.

"Tara na, ilang oras na 'tong bitin ko!" anito saka pina-andar ang sasakyan.

"Gawin na nating ilang araw!" natatawang sabi niya na ikinasimangot ng asawa. "Joke
lang," aniya saka humalik sa pisngi nito.

~~~~~~~~~~~~

Nayi's note:

Epilogue na ang kasunod. Tignan ko kung mai-post ko bukas :)

7/9/2016: Anyway, may contest sa group. Magbibigay kami ng t-shirts, bag tags,
books (second hand, from me - hindi 'yung book ko) at iba pa. Kung gusto niyong
sumali, join the group para sa mechanics. Simple lang naman :)

Lungga ni Purplenayi (www.facebook.com/groups/purplenayi/)

=================

Epilogue

"Magbihis ka na, sweetie!" ani Joy kay Ian.

"'Wag na tayong pumunta dun. Hindi naman tayo kailangan dun e," aniya.

"Pero inimbita tayo. Ano ka ba naman. Kahit minsan naman makisama tayo sa mga
kamag-anak mo," ani Joy.

"It's just the company anniversary, sweetie. I'm not really a part of that company.
Hindi naman mapapansin kung wala tayo roon."
Hindi naman sa ayaw niyang pumunta. Wala lang siya sa mood at mas gusto niyang
makasama ang asawa sa bahay nila. Nakaka-isang linggo pa lang nang makabalik sila
at sa buong linggong 'yun, busy siya sa opisina dahil sa dami ng hinahabol niyang
trabaho.

Sumimangot si Joy at padabog pang pumasok sa walk-in closet para magbihis. Napa-
buntong-hininga na lang siya saka sumunod dito roon.

Pinapanuod niya ang asawang magbihis habang nagbibihis na rin. Hindi siya nito
kinikibo. Ni hindi siya tinitignan.

Napapa-iling na lang na nilapitan niya ito at niyakap. Kapagkuwan ay hinalikan sa


noo.

"Sorry na. Pupunta tayo, okay? Gusto ko lang naman sana kasing ma-solo ka. But it's
fine. Basta bukas solo na kita ha?"

Bahagyang ngumiti ang asawa at tumango.

Noong isang araw lang nang sabihin sa kanya ni Joy na ini-imbitahan sila ng tiyahin
niya para pumunta sa party ng publishing house na pag-aari ng pamilya nila.
Anniversary party 'yun at isasabay ang book launch ng pinakabago nitong writer.
Normally, hindi naman siya ini-imbitahan kaya nagulat pa siyang nakakuha sila ng
imbitasyon. Malamang na dahil sa nagustuhan ng mga ito si Joy kaya pinapupunta
sila.

"You should pass your manuscripts

to them, Joy. Siguradong magugustuhan nila 'yun," aniya habang inaayos ang necktie
niya.

Tumingin lang sa kanya si Joy saka umiling.

"Ayokong mapilitan silang i-publish ang gawa ko dahil isa akong Lim," anito.
"Dapat, magustuhan talaga nila 'yun kaya nila ipa-publish."

Tumango na lang siya. Naiintindihan niya naman ito.

Pinagmasdan niya ang suot nitong asul na dress. Simple lang ang tabas nun pati ang
design pero hindi maipagkakailang ang gandang tignan kay Joy.

"You're so beautiful. Lalo tuloy akong tinatamad umalis," paglalambing niya at


hinalikan pa ito sa mga labi.

"Hindi 'yan uubra. Tara na," anito.

Sumimangot na lang siya saka sumunod rito palabas ng kwarto.

~*~

"Joy!" salubong sa kanila ni JL nang makarating sila sa venue ng party. Kay Joy
lang ito nakatingin. "Doon tayo!" anito pa sabay turo sa isang mesa. "Hi, insan!"
baling nito sa kanya sandali saka hinila ang asawa niya.

Sa umpisa pa lang, nabo-bore na si Ian. Isa naman talaga 'yun sa dahilan kung bakit
hindi siya ini-imbitahan ng mga kamag-anak niya. Madalas kasing hindi siya
sumisipot. At kung sisipot man, maaga ring aalis.
Balak niya, yayain na lang ng maaga si Joy pauwi.

Napapa-buntong-hininga na lang siya sa ilang speech na dumaan. Tinatamad na talaga


siya. Nakatingin lang siya sa screen pero wala naman siyang na-iintindihan.

Nagulat pa siya nang may book cover na lumabas doon. Hindi naman siya totally
nagulat dahil may book cover dahil alam niyang may launch sa gabing 'yun pero ang
title ng istorya at pangalan ng author ang nakapagpagulat sa kanya. Napa-angat pa
bigla ang likod niya

at nagising ang diwa.

Loving you, X-Ian by MJ Lim

Parang wala siya sa sarili nang tumayo si Joy dahil tinawag ito sa stage.

Sinusundan niya lang ng tingin ang asawa at hindi alam kung anong sasabihin.
Naririnig niya ang pag-bati sa kanya ng mga kasama sa mesa pero hindi niya magawang
pansinin ang mga 'yun. Nakangiti lang siya at nakatitig sa babaeng mahal niya.

"First of all, thank you so much for welcoming me to your family. You just don't
know how happy I am. Second, thank you for giving my story a chance. Kayo ang
magiging daan sa pagtupad ko sa mga pangarap ko. Just so you guys know this has
been my dream since I first read a novel. Ang sabi ko nun sa sarili ko, wow, I want
to be like her. I want to write a story that will inspire others. And here it is...
my very first novel. And hopefully not the last," anito sabay taas sa librong
hawak.

"I want to thank JL who'd help me with coordinating with the publisher. Ayoko lang
sana na magkaroon ng special treatment dahil lang sa isa akong Lim, or isa na akong
Lim, ani Joy na ikinangiti ni Ian. "I told her not to tell that it was I who wrote
it and that it should go through the normal process. I wanted you to really like my
story to publish it and not just because I'm a part of the family. At sobrang
natuwa ako nang malaman kong na-approve ang istorya ko. So again, thank you JL.
Kasama ka sa journey ko sa pagtupad ng pangarap ko."

"And last but not the least, my dearest husband, Ian." Nakatitig sa kanya si Joy
habang nagsasalita. Kahit siya, hindi maalis ang tingin sa asawa. "You are the
inspiration of this

book. Nakapaloob sa librong ito ang istorya natin."

Sumenyas ito sa kanya na umakyat siya sa stage. Sandaling nag-atubili siya pero
dahil sa pambubuyo ng mga kamag-anak, tumayo na rin siya at umakyat.

"You're not just an inspiration for me. Ikaw din ang tunay na dahilan kung bakit
ako nangarap na magsulat," ani Joy nang maka-akyat siya sa stage. Bumaling ito sa
crowd bago nagpatuloy. "You see, this man beside me is the one who gave me the
first novel that inspired me to write. I know it was supposed to tease me. Sino ba
namang matino ang magbibigay ng romance pocket book sa isang twelve year old 'di
ba?" Tumawa siya kasabay ng mga bisita. Kung tutuusin, totoo ang sinabi nito.
Niregalo niya 'yun sa asawa para mang-asar. Alam niya naman kasing hindi angkop sa
edad nito ang laman ng ganung klase ng libro.

"Siya rin ang unang nagtulak sa'kin para ipagpatuloy ang pangarap ko. He was my
first supporter. At noong mga panahon na sumusuko na ako, siya pa rin ang naroon
para sabihing ayos lang 'yun at siguradong darating din ang oras para sa kwento
ko." Huminga ng malalim si Joy saka ngumiti. "I'm very lucky to have him as my
husband, and the father to my child," anito saka humawak sa tiyan.
Malakas na palakpakan ang narinig niya kasunod ng sinabi nito. Malakas rin ang
bulung-bulungan sa paligid pero parang hindi niya napapansin 'yun.

"Again, thank you all!"

Nakatitig pa rin siya sa asawa. Hindi siya makapagsalita at parang robot na lang na
sumunod nang hilahin siya nito pababa ng stage.

"Ian? Are you okay?" tanong nito sa kanya dahil nakatulala pa rin siya.

"You're..." Hindi niya matuloy

ang sasabihin dahil sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag
ang sayang nararamdaman niya.

Tumango si Joy saka ngumiti nang malapad sa kanya.

Napasigaw na lang siya dahil doon saka niyakap nang mahigpit ang asawa.

Tawanan ng mga tao sa paligid ang sumabay sa kasiyahan niya.

~*~

Five months later...

"Baby boy 'yan," ani Ian habang nagda-drive.

Sumimangot si Joy saka hinimas ang may kalakihan nang tiyan.

"Baby girl 'to," aniya. Hindi naman sa ayaw niya na baby boy ang maging unang anak
nila. Gusto niya lang na asarin ang asawa.

"Sige, anong pusta?'

"What?" natatawang sabi niya. Nitong mga nakaraang buwan kasi, ang hilig ni Ian na
makipag-pustahan sa kanya.

"Sige, ganito na lang. 'Pag baby boy, gagawin mo lahat ng gusto ko-"

"Para namang hindi ko ginagawa!" aniya habang patuloy sa pagtawa.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy pa rin sa sinasabi.

"'Pag baby girl, gagawin ko lahat ng gusto mo. Ano, deal?"

Naiiling na lang siya. "Ang nonsense ng consequence mo. Para namang hindi natin
ginagawa ang gusto ng isa't-isa!" aniya.

Nag-tsk pa si Ian. "Basta, sumakay ka na lang! Ano na? Deal?"

Wala na siyang nagawa at tumango na lang.

"Oo na, oo na! Deal!"

~*~

Nakatitig silang pareho sa screen habang inu-ultrasound ang tiyan niya. Tahimik
silang pareho at medyo kabado kung anong magiging gender ng anak nila.
May sinasabi ang doktor pero pareho silang hindi nakikinig. Nang makita nila ang
ebidensya kung anong gender ng magiging anak nila, napangiti na lang siya.

Malakas na tawa naman ni Ian ang nagpagulat sa doktor niya.

"Sorry, Doc!" sabi agad ni Ian nang mapansing nagulat ang doktor. Ngiting-ngiti ito
na tumingin sa kanya. Kapagkuwan ay ibinalik ang tingin sa monitor.

"Hi, Baby Xian! Nandito si Daddy!" anito.

Naiiling na lang na pinagmasdan niya ang asawa habang kinakausap nito ang magiging
anak nila mula sa monitor.

The End.

=================

Nayi's Note

HMB journey: 4/16/2015 - 7/11/2016

Ayun, tapos na rin! Sa wakas! Yey! May natapos na naman ako :)

Thank you sa lahat ng sumubaybay kahit na matagal ang update. Sa mga sumusuporta pa
rin kahit nakakainip na! Haha! Thank you talaga.

Trial lang talaga 'to ng third person POV. Isa pa, ang hirap itago ng sikreto ni
Joy pag first person so ayun!

O well, papel. Thanks again. Sana suportahan niyo pa ang mga susunod na isusulat
ko. Kasunod na ang "Limelight Romance" sa series na 'to. Story 'yun ni Genna.

Gagawa rin ako ng special chapters para sa HMB. Excerpts sa librong sinulat ni Joy.
Mga eksena nung kabataan nila. Paki-antay na lang hahaha!

One last thing, magbibigay ako ng dedication sa mga readers nito. First come first
serve na lang. Ilagay niyo sa comment box. By the end of the week na ang ako magde-
dedicate.

*****

Reader's Guide:

Here are the title of my novels and their female lead. Pati status ng story
nand'yan na. Hopefully, wala nang paulit ulit na tanong. Hahaha!

One True Love Series:

1. The New Boss is My Husband?! [Completed/Published] ~Lana

a. Stuck On You - TNBIMH Special [Completed]

2. The Nerdy Rebound Girl [Completed] ~Jacky

a. You Got Me - TNRG Special [Completed]

b. TNRG Book 2: Still Into You [Completed]

3. He's My Bride [Completed] ~Joy

4. Limelight Romance [Ongoing] ~Genna

5. The 6th String [Soon] ~Aya

Love, Defined Series:

1. Our Definition of Love [Ongoing] ~Janna

2. A Shadow Girl's Dream [Soon] ~Yumi

Stand Alone Novels:


1. My Poker Guy [Completed] ~Mica

2. Destiny's Angel [Ongoing] ~M2M

=================

Special Chapter #1

X-IAN SCENE

Ian's POV

"Pre, saan ka?" tanong ko kay Patrick.

Nabo-bore na kasi ako. Wala akong masyado pang ginagawa sa opisina. Ayaw pa kasi
ni Daddy na hawakan ko ng buo ang kumpanya.

"Nandito ako sa Lovie Patty. Alam kong bored ka. Pero 'wag mo kong guguluhin dito.
Hanapin mo na lang si Brad o kaya si Lander. Busy ako," sabi niya at binabaan pa
ako.

"'Kita mo 'to. Tapos tinatawag 'yung sarili niyang best friend ko?" sabi ko habang
nakatingin pa sa cellphone.

Dahil natural na pang-asar ako, pumunta pa rin ako sa Lovie Patty kahit na sinabi
niyang 'wag akong pumunta. Dire-deretso ako sa opisina niya at wala namang pumigil
sa akin dahil kilala naman ako ng mga tauhan niya.

"Good afternoon!" sabi ko agad pagkabukas ko pa lang ng pinto. Prente pa akong


naupo sa sofa roon.

Tinignan ako ng masama ni Patrick at natawa na lang ako.

"Ilang beses ka bang pinanganak?" aniya.

Mas tumawa pa ako sa sinabi niya.

"Malay ko. Tanong mo kay Mama," sabi ko.

Nag-tsk pa siya saka sumimangot. Magsasalita pa sana ako nang pagalit na nagsalita
siya.

"Dun ka na nga sa labas! Kumain ka ng kahit anong gusto mo. Darating si Joy, siya
na lang ang guluhin mo!" aniya.

"Darating 'yung kapatid mo?" paniniguro ko pa.


"Oo! Sige na, tsupi!"

Tumango na lang ako saka poker face na lumabas. Pero pagkasarang-pagkasara ko ng


pinto, ngumiti agad ako ng malapad.

Pupunta siya! Sakto!

Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko

sa kapatid ni Patrick. Siguro kasi hindi siya tulad ng ibang babae. Napaka-simple
niya. Tipong, walang arte sa katawan. Ni hindi nagme-make-up pero maganda pa rin.
'Yung suot niya palaging t-shirt at jeans.

Naupo ako sa pinakasulok ng resto at um-order. Doon ako naghintay hanggang sa


makita ko siyang pumasok.

Thirty minutes din siguro ang inubos ko sa panunood lang sa kanya. Bawat kilos
niya, sinusundan ko ng tingin. Hanggang sa hindi na ako nakapag-pigil. Gusto ko na
siyang mapagmasdan ng malapitan.

Joy's POV

Dahil sabi ni Kuya, dito ako sa Lovie Patty pumunta para gumawa ng project. Ayoko
sana dahil hindi ako magiging kumportable ang kaso, may pupuntahan kami mamaya at
malayo pa kung pupuntahan niya ako sa bahay.

Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na sa pinaka-sulok ng resto ang best friend ni


Kuya na si Ian. Kahit na hindi niya pa ako tawagin o kung ano pa man, madali ko
siyang makikita kahit saan. Ewan ko ba. Nasanay na lang siguro 'yung mata ko na
nakikita siya. Kahit siguro isiksik siya sa maraming tao, makikita ko pa rin siya.

Teka, baka naman iniisip niyo may gusto ako sa kanya. Wala 'no! As in capital WALA.
Isa lang talaga siya sa bwisit sa buhay ko.

Thankfully, mukhang wala siya sa mood na guluhin ko. Tingin ko naman alam niyang
naroon ako. Kitang-kita kasi sa pwesto niya ang pinto. Pati na rin ang pwestong
inupuan ko.

Inilabas ko lahat ng gamit na binili ko kanina sa bookstore. Pastel crayons ang mga
'yun, lapis, saka oslo papers. Project kasi namin na mag-drawing ng kung ano

mang gusto namin. Naisip kong mag-drawing nga paru-paro na naka-dapo sa bulaklak.

Medyo marunong akong mag-drawing pero kung iku-kompara naman kay Jacky,
magmumukhang gawa ng bata ang drawing ko.
Sinimulan ko nang i-drawing ang paru-paro. Nag-outline lang muna ako gamit yung
lapis saka nang natuwa na ako, sinimulan ko na 'yung kulayan. Hindi ko na pinansin
kahit na nagkalat na sa kamay ko 'yung kulay. Maglilinis na lang ako ng sarili
mamaya.

Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa ko nang may bigla na lang maupo sa harap ko.

"Ano 'yan? Parang gawa ng kinder!" aniya.

Napasimangot agad ako dahil doon. Kahit na hindi ako mag-angat ng tingin, alam kong
ang pesteng si Ian ang nagsalita.

Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko. Kapag kasi
pinapansin siya, lalo siyang natutuwang mang-asar.

Salita siya ng salita pero hindi ko pinapakinggan. Wala akong pakialam dahil alam
ko namang puro pang-aasar lang ang sasabihin niya.

Napapitlag ako nang bigla niya na lang hawakan ang mga kamay ko.

"Ang dumi na ng kamay mo oh! Tapos parang wala namang nangyari d'yan sa ginagawa
mo!" tumatawang sabi niya habang hawak pa rin ang mga kamay ko.

Literal na napatulala na lang ako sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan kung ano
'yung naramdaman ko nung unang beses na hawakan niya ako. Parang may kuryente na
biglang dumaloy mula roon.

Natauhan lang ako nang pisilin niya pa ang mga kamay ko bago 'yun haplusin. Binawi
ko agad ang mga kamay ko.

Pagkatingin ko sa kanya, malapad na naman ang ngiti niya habang nakatitig sa akin.

"Umalis ka na nga!" sabi ko sabay tungo.

Feeling ko kasi, namumula na ang mga pisngi ko. Hindi ko naman maintindihan kung
bakit.

Hindi siya tuminag. Tumitig pa siya lalo sa akin bago sumandal at humalukipkip.

Padabog na tumayo ako saka pumunta sa CR.

Hindi nga ako nagkamali. Pulam-pula ang mukha ko!

"Bwisit talaga!"

Naghugas ako ng mga kamay ko at nilinis 'yun nang mabuti. Pagkatapos, naghilamos
naman ako ng mukha ko.

"Nakaka-inis talaga ang lalaking 'yun! Namula na ako sa galit sa kanya!" sabi ko.

Sa galit nga ba? Kontra ng kabilang isip ko.

"Ay ewan!"

Nakahinga ako nang maluwag nang paglabas ko, wala na sa pwesto ko ang hudyo.
Nakabalik na siya roon sa isang sulok. Nahuli niya pa akong nakatingin sa kanya at
kinindatan ako!

"Akala mo naman ikina-gwapo niya 'yun!" bulong ko sa sarili ko.


Sa inis ko, isinulat ko ang pangalan niya sa oslo paper. Lalagyan ko na sana 'yun
ng "X" sa ibabaw nang may lumapit sa akin na waiter at binigyan ako ng juice.

"Salamat!" sabi ko saka siya tinignan.

Nang mapatingin ako sa dingding ng resto, napangiti ako bigla. May naisip akong
gawin dahil sa Christmas decor ni kuya. Imbis na sa ibabaw ng pangalan ni Ian ko
inilagay ang X, doon ko inilagay sa unahan saka ko nilagyan ng dash.

Napangiti pa ako nang makita ang kinalabasan nun. Ewan ko ba, basta na-amuse ako
kahit wala namang ka-kwenta-kwenta 'yung ginawa ko.

"X-ian," basa ko pa sa sinulat ko sabay tawa. "Perfect!"

Ian's POV

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko habang pinagmamasdan siya. Mukhang tuwang-tuwa siya
sa kung ano mang ginawa niya. Well, maganda naman talaga ang pagkaka-drawing niya.
Biro lang 'yung sinabi kong para 'yung gawa ng kinder.

Napatingin uli ako sa mga kamay ko saka ngumiti nang malapad. Feeling ko kasi,
hawak ko pa rin ang mga kamay niya.

Saglit lang sana ang balak kong hawakan ang mga 'yun pero dahil hindi naman siya
pumalag, sinamantala ko na at hinaplos ko pa 'yun. Gaya nga ng nai-imagine ko, ang
lambot ng kamay niya. Kahit na puno ng pastel crayon, hindi pa rin maikakailang ang
kinis nun.

Ang cute niya pang tignan kanina habang namumula siya. Malamang dahil sa paghawak
ko sa kamay niya.

Tinignan ko pa siya ng isang beses saka bumuntong hininga.

"Hay, ano bang gagawin ko sa'yo? Bakit ba kasi kapatid ka ni Patrick?"

*****

Nayi's Note: Sa mga nabigyan ng dedication at nagpasalamat, walang anuman.


Bale ang naging basehan nun ay sa mga huling chapters ng HMB. Though hindi lahat
nabigyan. Tinignan ko pa kasi kung gaano ka-active na reader.

So ayun. Salamat!

=================

Special Chapter # 2

Unedited. Sorry sa typos.

*****

Valentine's Day Scene

Ian's POV

"Bro, valentine's day na bukas. Anong plano?" tanong ni Lander.

"Wala. Gusto mo bang mag-date tayo?" pang-aasar ko sa kanya.

"Kadiri ka, pre!" aniya sabay bato pa ng throw pillow sa akin.

Nandito ako ngayon sa unit niya dahil wala akong magawa. Linggo ngayon at busy
masyado si Patrick sa resto niya kaya hindi ko maistorbo. Baka masapak na ako pag
ginulo ko na naman siya e.

"Sino bang ide-date mo bukas?" tanong ko.

Taon-taon naman kasing may date 'yang si Lander. Never pa 'yang nabakante.

"Si Suzy. Niyaya ko kahapon. Um-oo naman kaya ayan, may date na 'ko," aniya.

"Sino naman 'yang Suzy na 'yan?" tanong ko. Ngayon ko lang kasi narinig sa kanya
ang pangalan na 'yun.

"Pinsan ni Lucas. 'Yung classmate natin nung college, remember him?"

Tumango na lang ako. Si Lucas 'yung isa sa mga naging ka-close ni Lander 'pag hindi
kami kasama.

"Ikaw ba, kailan mo yayayain 'yung kapatid ni Pat?" tanong niya.


Ako naman ang bumato sa kanya ng throw pillow.

"Gago! Gusto mong mapatay ako ni Patrick?" sabi ko na lang.

"Bakit naman? Ano namang masama dun? Ide-date mo lang naman e!"

"'Yun na nga e. Ide-date ko. 'Yun ang ayaw ni Patrick. Alam mo naman kung gaano
'yun ka-protective sa kapatid niya."

Tumawa siya nang malakas saka umiling.

"Paano ka makaka-porma niyan e takot na takot ka kay Patrick? Sampung taon na ata
'yang pagsintang pururot mo sa kapatid niya ni hindi ka man lang maka-porma."

"Wala

pang sampung taon," sabi ko.

"Pero malapit na! Ano, bukas porma ka na! Tutulungan kita, ano? Deal?" sabi niya.

Hindi ako sumagot at tumingin na lang sa malayo.

Paano ko naman gagawin 'yun?

~*~

Ewan ko ba kung bakit pumayag pa ako sa sinabi nitong si Lander e. Nandito ako
ngayon sa University na pinapasukan ni Joy at may bitbit akong isang bouquet nang
white roses.

May ilan ding lalaki ang may bitbit na bulaklak roon pero hindi ko mapigilan ang
kaba ko.

Paano kung hindi ako pansinin ni Joy? Baka itapon niya pa 'tong dala ko!

"Hindi 'yan. Kilala mo si Joy. Hindi ka ipapahiya nun," bulong ko sa sarili ko.
Pero kahit anong pagkumbinsi ko sa sarili ko, hindi pa rin mawala ang kaba ko.

Paano kung pagkatapos nito hindi niya na ako pansinin?

Napatigil ako bigla sa paglalakad. Kaya kong sungitan niya ako pero 'yung hindi
niya na ako papansinin? Parang hindi ko yata kaya.

Saktong pag-angat ko ng tingin, nakita ko si Joy kasama ang mga kaibigan niya. Nasa
third floor sila at mukhang papunta na sa classroom nila. Sa fourth floor sila
nagru-room. 'Wag niyo nang tanungin kung paano ko nalaman.

Huminga pa ako nang malalim saka umakyat ng hagdan. Nang makarating ako sa fourth
floor, pasimpleng sumilip ako sa classroom nila. Naka-upo si Joy sa unahan, sa
pinaka-sulok nun at nakatingin lang sa labas ng bintana.
Kakatok na sana ako sa pinto nila nang bigla na naman akong kabahan ng sobra. Tsk!
Bakit ba kasi dinadaga ako pagdating kay Joy?

Umatras muna ako at pumwesto sa may hagdan.

Nang may dumaan doon na

babae, mukhang first year pa lang, tinawag ko siya.

"Miss, pwedeng makisuyo? Pakibigay naman 'to dun sa room 405, kay Joy Gatapia,"
sabi ko.

Ngumiti naman nang malapad ang babae sabay kuha sa bulaklak.

"Sure, kuya! Akong bahala!" sabi niya at mukhang mas excited pa kesa sa'kin.

Mabilis na naglakad siya papunta sa room nina Joy. Sinundan ko pa siya nang tingin.
Nakita kong lumabas ng room si Joy at iniabot ng babae ang bulaklak. Nagtago agad
ako bago pa ako makita ng dalaga.

Joy's POV

Valentine's day.

Ewan ko ba kung bakit sobrang excited ng mga tao pag dumarating ang Valentine's
day. Hindi naman holiday. May pasok naman. Ay ewan sa mga 'yan! Aksaya lang naman
ng pera ang pagde-date sa araw na 'to.

Lahat kaming magka-kaibigan, walang jowa. Kaya kaming lima na lang ang magde-date
mamaya. Bibili lang kami ng chips at ice cream tapos tatambay kami sa condo ko.
'Yung condo na ini-regalo sa akin ni Kuya noong nakaraang birthday ko.

"Magbe-break din kayo!" sabi ni Genna sa isang mag-jowa na nadaanan namin.

"Oo nga!" sang-ayon naman ni Aya.

Napangiti na lang ako sa kanila. Kahit kailan talaga, may saltik 'tong mga 'to.

"Ang bi-bitter niyo," natatawang sabi ni Jacky.

"Hay naku, Jac. Hindi kami bitter 'no. Nagsasabi lang kami ng totoo," sabi ni
Genna.

"Tigilan niyo na nga 'yan. 'Wag niyo nang pag-tripan 'yung mga mag-jowa sa paligid.
Punta na lang tayo sa classroom," sabi naman ni Lana.

Isang oras pa bago ang susunod naming klase. Kung karaniwang araw lang, maggagala
pa kami sa campus.

Pero dahil sa nagkalat ang mga mag-jowa sa paligid at nauumay na kami, mas mabuti
pa nga sigurong bumalik na lang sa classroom.

Pagkapasok namin, iilan lang ang tao doon. 'Yung iba kasi, mukhang nagme-meryenda.
Nagkukulitan ang mga classmates namin at nakisali 'yung apat. Pero ako, na-upo lang
sa pwesto ko at tumingin sa bintana.

Kinuha ko ang sketchbook na binili ko noong nakaraan at nag-doodle na lang doon.

X-ian.

Ewan ko ba pero simula nang unang beses na sinulat ko 'to, nakagawian ko nang mag-
doodle at palaging ito ang nagagawa ko.

Sinubukan kong mag-doodle ng iba pero tinamad lang ako.

Nasaan kaya 'yung asungot na 'yun? Hindi pumunta sa bahay kahapon e. Siguro may ka-
date.

"Tss. Ano bang pake ko?" bulong ko sa sarili ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagdu-doodle ko at nang nasa kalagitnaan na ako, may


bigla na lang tumawag sa akin.

"Joy! Tawag ka!" ulit pa ni Aya.

Nang tignan ko kung sino ang tumatawag sa akin, nakita ko ang isang babae na
nakasilip sa pinto ng classroom namin. Sa hitsura niya, mukhang nasa 1st year or
2nd year lang siya. Nasa 3rd year na kaming magkaka-ibigan.

"Bakit?" tanong ko.

Ngumiti pa nang malapad ang babae bago may inilabas mula sa likod niya. Hindi ko
agad 'yun nakita noong una dahil itinago niya.

"Pinapabigay sa'yo ni kuyang pogi!" sabi niya.

"Huh? Sino?" tanong ko uli.

Alanganing kinuha ko ang mga bulaklak dahil nahiya naman ako sa babae dahil mukhang
nangangawit na sa pag-aabot.

"Si kuyang pogi!" aniya ulit. Tumingin pa siya sa pasilyo at itinuro kung nasaan
ang lalaki.

Pero nang tumingin ako roon, wala naman akong nakita.

"Sige, ate! Alis na 'ko," aniya.

"Salamat," sabi ko bago tinitigan ang bulaklak.

Tumingin pa uli ako sa pasilyo dahil baka nandun pa ang kung sino mang sinasabi ng
babae na nagbigay ng mga bulaklak pero wala pa ring tao.

"Baka naman mali lang ng bigay?"

Tinignan ko ang card na nakasabit doon.


Mary Joy,

Will you be my valentine?

"Walang signature?" Tinignan ko pa ang likod ng card dahil baka doon nakasulat pero
wala talaga. "Pero para sa'kin ata talaga. Nakapangalan sa'kin e," bulong ko pa.

Nagkibit na lang ako ng balikat saka pumasok sa loob ng classroom.

Samu't-saring kantyaw ang inabot ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang. Nawala sa


isip ko na baka asarin ako ng mga classmate ko!

Dire-deretso lang ako sa upuan ko at inilagay ko sa armchair ko ang bulaklak.

Pakiramdam ko, umaapoy ang mukha ko sa sobrang hiya. Ngayon lang kasi may nagpadala
ng bulaklak dito sa amin at nagkataon pang sa akin ibinigay. Pero kanino naman kaya
galing 'to? Nagtanong kung pwedeng maging valentine ko pero hindi naman
nagpakilala.

~*~

Hanggang uwian, naghintay pa rin ako kung may lalapit sa akin at sasabihing sa
kanya galing ang mga bulaklak. Kahit naman kasi nakakahiya, gusto ko pa ring
magpasalamat.

Napasimangot na lang ako nang walang lumapit. Lalo pa at nag-text si Kuya na hindi
ako masusundo sa condo mamaya dahil may date siya. Ang masaklap pa, iba ang susundo
sa akin, ang best friend niyang si Ian.

Sama-sama kaming lima na nagpunta sa condo ko. Nag-taxi

na lang kami para mapabilis dahil medyo masikip sa mga jeep. Marami kasing nagde-
date at baka matagalan kami. Swerte pa ngang nakasakay kami ng taxi.

Nag-arkila kami ng DVD para mapanood habang nagbo-bonding. Kahapon pa naming nabili
ang mga chips kaya naman hindi na namin pinroblema 'yun.

Nasa kalagitnaan kami ng panunood nang maisip kong 'wag na lang magpasundo. Ayoko
kasing maasar na naman sa kaibigan ni Kuya. Dito na lang ako matutulog since
tanghali pa naman ang pasok bukas. May oras pa ako para umuwi at magbihis.

Nai-text ko si Kuya na sabihan ang best friend niya na 'wag na lang akong sunduin.
Nag-reply naman siya ng okay kaya nagpanatag na ako.

"Paano, mauna na kami ha. Dito ka na talaga matutulog?" tanong ni Lana.

Tumango ako. "Yeah. Okay na ako dito. Hindi kasi ako masusundo ni Kuya e. Ingat
kayo ha. Madilim na salabas," sabi ko.

Isa-isa silang nagpaalam sa akin bago ko isinara ang pinto.


Pumasok na ako sa kwarto para mag-shower at magbihis. Buti na lang, may ilang t-
shirt akong nandito at shorts. Problema lang wala akong uniform. Ayoko naman nang
labhan pa 'yung uniform ko.

Katatapos ko lang mag-shower nang may mag-doorbell.

"Sino naman kaya 'yun?"

Wala naman akong inaasahang darating. Hindi naman na kasi ako nagpasundo.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Walang sumagot doon kay naman sumilip na lang ako sa peep hole. Wala rin akong
nakitang tao kaya naman napakunot na lang ang noo ko at umatras. Pero bigla rin
uling tumunog ang doorbell kaya naman binuksan ko na ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ian.

"Anong

ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Sinusundo ka," sabi niya.

"Huh? Sabi ko kay kuya 'wag na akong sunduin ah?" sabi ko.

Siya naman ang napakunot ang noo. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinignan
doon. Kapagkuwan ay napasimangot na lang siya. Malamang nabasa ang text ni Kuya.

"Ngayon ko lang nabasa. Low batt kasi 'tong cellphone ko kanina," sabi niya.

"Okay. Sige na, mauna ka na. Baka ma-late ka pa sa date mo," sabi ko.

Nagkibit siya ng balikat.

"Wala naman akong date," sabi niya.

"H'we? Ikaw pa ba ang mawalan ng date?" sabi ko.

Ngumiti siya nang malapad.

"Wala nga akong date. Kung nakipag-date man ako dati, napilitan lang ako," sabi
niya pa.

Napatawa ako ng malakas. Kung minsan talaga may patawa 'tong best friend ni Kuya.

"Sige na, okay na 'ko dito. Salamat na rin sa pagsundo."

"What? Nag-drive ako papunta rito tapos paaalisin mo lang ako?" sabi niya.

"E anong gagawin ko?"

"Alam ko na. Order na lang tayo ng pizza. Hindi pa ako kumakain e."

Nakahiyaan ko naman gitaboy siya dahil nagmagandang loob lang siyang sunduin ako.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang at papasukin siya sa loob ng condo.

Sana lang, hindi siya mang-asar ngayon. Kundi talagang hahampasin ko siya ng
kaldero.

Ian's POV

Buti naniwala siyang ngayon ko lang nabasa ang text ni Patrick. Ang totoo kasi,
kanina ko pa 'yun nabasa bago pa man ako pumunta. Sayang naman kasi ang plano kong
makasama man lang si Joy kahit sandali ngayong Valentine's day kaya pumunta pa rin
ako.

Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood ko ang bawat galaw ni Joy. Masaya
na ako kahit na hindi naman kami nag-uusap at nanonood lang ng TV.

Hindi ko siya inasar ngayon. Mahirap na, baka maputol ang oras naming magkasama.

Natawa na lang ako nang tignan ko uli si Joy, nakatulog na ito sa sofa habang naka-
upo. Naiiling na binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya.

"Someday, I'll make you mine," bulong ko habang pinagmamasdan siyang matulog.

*****

Hi! You can suggest kung anong gusto niyong mabasang scene sa next special chap :)

=================

Special Chapter # 3

The Marriage Plan Scenes

Ian's POV

"Bakit ganyan mga mukha niyo? Hoy, malayo pa Biyernes Santo!" bungad sa amin ni
Brad pagkarating niya.

Narito kami ngayon sa condo ni Lander dahil nagyaya ng inuman si Patrick. Minsan
lang 'yan magyaya kaya naman sumugod agad kami rito.

Walang sumagot sa amin sa tanong ni Brad.

"Problema, bro?" tanong naman ni Lander kay Patrick. Dahil siya ang nagyaya,
malamang na siya ang may problema. Though may iniisip rin naman ako pero hindi
naman 'yun matatawag na problema.

"Bumabagsak na 'yung kompanya, bro. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko,"
sabi ni Patrick. "Kung nabubuhay lang si Papa, siguradong madi-disappoint siya sa
nangyayari."

Napatitig kaming tatlo kay Patrick dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na may
problema pala ang kompanya nila. Kunsabagay, magaling naman kasi magdala si
Patrick. Kahit na may problema na hindi mo pa rin mahahalata.

"Anong nangyari?" si Brad.

"Si Ninong Art..."

Ikinuwento ni Patrick kung anong ginawa ng Ninong Art niya. Nagtangay pala ito ng
malaking halaga mula sa kompanya nila bago nawalang parang bula. Hindi rin naging
maganda ang imahe ng kompanya dahil sa ginawa nito at may ilang investors na rin
ang umatras. May ilan pang nagbabalak na umalis.

Hindi makapaniwala si Patrick sa nangyari dahil pinagkakatiwalaan niya ito ng


lubos. Kahit ang ama niya, tiwalang-tiwala rito.

Natahimik lang kami pagkatapos ng sinabi niya.

Si Lander, naglabas na ng ilang bote ng alak at ng ilang snack na mapupulutan.

Napa-isip ako.

Kung tutuusin, pwede ko siyang tulungan. Pero kakausapin ko na lang siguro siya pag
kaming dalawa na lang.

Nakaka-ilang bote na rin kami ng ako naman ang i-hot seat ni Lander.

"Ikaw naman bro, anong problema? Kanina ka pa mukhang iritable simula nang dumating
ka e," tanong nito.

Napa-iling ako saka naalala ang mga sinabi ni Mama kanina.

"Si ermats, bro. Pinipilit na akong magpakasal. Tsk! Ang bata ko pa. Ni hindi pa
nga ako nag-eenjoy sa pagka-binata ko kasal na agad?" sabi ko.

Naalala ko pang sinabi ni Mama na kinakausap niya na ang mga kaibigan para may
maipakasal sa akin. Sa sobrang inis ko, nag-walk out na lang ako kanina habang
nagsasalita si Mama.

Ilang beses niya na rin akong ipinakilala sa anak ng kung sino-sino at inireretong
maging girlfriend ko pero ni isa roon, wala akong pinatulan. Mas malala lang ngayon
dahil mapapangasawa na ang hinahanap ni Mama.

"Bakit hindi mo subukang kilalalin ang ipapakilala ng Mama mo? Malay mo naman
makasundo mo at eventually, mahalin mo rin," sabi ni Brad bago tumungga ng alak.

Umiling agad ako. Wala akong ibang babaeng gusto. Hangga't alam kong may pag-asang
maging sa'kin ang babaeng 'yun, hinding-hindi ako titingin sa iba. O baka nga kahit
na wala nang pag-asa wala pa ring mangyari sa'kin. Naka-ukit na ata sa buong
pagkatao ko ang pangalan ng babaeng 'yun.

"May point si Brad, bro. Bakit hindi mo subukan? Baka sakaling mawala 'yang
pagiging terror mo sa mga empleyado mo," si Patrick.

"What?" sabi ko agad. "Who told you that? I'm not like that," depensa ko. Though
alam kong totoo naman ang sinasabi niya.

Nakuha ko kay Papa ang ganoong pagpapatakbo ng kompanya dahil siya ang nagturo sa
akin. Si Mama ang ayaw ng paraan naming 'yun.

Naramdaman ko na lang ang chips na tumama sa mukha ko na ibinato ni Patrick. Hindi


ko na lang 'yun pinansin at tumungga ng alak.

"Walang mangyayari sa'yo kung torpe ka," mayamaya ay sabi naman ni Lander. Tumingin
pa siya sa akin saka pasimpleng tinignan si Patrick.

Umiling agad ako dahil alam ko kung anong tinutukoy niya.

Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin kay Joy ang
nararamdaman ko. At hindi ko alam kung magkakaroon nga ba ako ng lakas ng loob.

~*~

"This is your chance, Bro," sabi ni Lander.

"Chance? What are you talking about?" tanong ko.

Naiwan ako rito sa unit niya dahil umuwi na ang dalawa. May maaga kasing flight
papunta sa isang conference si Brad kinabukasan at si Patrick naman, aasikasuhin
ang resto niya. Dahil wala naman akong gagawin bukas, nag-stay na lang muna ako.

"Kay Joy, Bro. Chance mo na 'to. Tulungan mo si Patrick kapalit ng kapatid niya."

Tinignan ko siya ng masama. "Tutulungan ko si Patrick kahit na wala pang kapalit


'yun dahil best friend ko siya," mariing sabi ko.

Tumango siya. "I know that. Kahit naman ako e. Wala lang talaga akong matutulong.
Pero sayang ang pagkakataon. Pwede mo namang idahilan sa kanya na para lang tigilan
ka ng mama mo. Hindi mo naman kailangang pilitin na maging kayo. Sabihin mo
magpapanggap lang kayo. At kapag madalas na kayong magkasama, doon ka dumiskarte.
Siguraduhin mong hindi matatapos ang pagpapanggap

niyong hindi nai-inlove sayo si Joy," aniya na parang ang dali-dali lang ng
sinasabi niya.
Hindi ako sumagot at napatitig lang sa kawalan.

~*~

Sumubo ako ng burger na ini-abot sa akin ni Patrick. Linggo ng gabi at narito ako
sa Lovie Patty. Balak ko nang sabihin sa kanya ang plano ko.

Nakatulala lang si Patrick at nakatingin sa labas. Wala nang customers sa paligid


dahil pasado alas-onse na at sarado na ang resto. Tapos na ring maglinis ang mga
empleyado at isa-isang nagpapa-alam sa kanya.

Kung tutuusin nga, ako ang sumasagot sa pagpapa-alam ng mga 'yun.

"I'll help you," sabi ko nang matapos kumain.

Napatingin sa akin si Patrick. Kita ko agad ang saya sa mga mata niya kahit na
hindi siya ngumiti. Kilalang-kilala ko na kasi siya at alam kong nagka-pag-asa siya
sa sinabi ko.

"Naka-usap ko na si Papa at wala naman siyang tutol nang sinabi kong mag-iinvest
ako sa'yo. And we also decided na i-feature ang company mo sa isang magazine namin.
And every month, there will be an advertisement on all our magazines."

Halatang nakahinga nang maluwag si Patrick sa sinabi ko. Unti-unting ngumiti siya
at masayang tumingin sa akin. Magsasalita na sana siya nang unahan ko siya.

"But, I want something in return," kinakabahang sabi ko.

Maraming beses ko ring pinag-isipan kung itutuloy ko pa ang plano kong ito. Sa
huli, sinunod ko rin ang payo ni Lander.

Hindi nawala ang ngiti niya. Halatang handa siyang ibigay kung ano man ang
kondisyon ko.

"What is it?" tanong niya.

"Well, you know my problem with my mom, right?"

pagsisimula ko. "You need help but so am I. Kailangan mong maiahon ang company niyo
at ako naman, I need to stop my mother on pushing me to marry whoever she would
want," sabi ko.

Tumango siya.

"Okay. I get it. Go straight to the point, Ian," aniya.

"Let me marry your sister."


Patrick's POV

"What?!" galit na sabi ko.

Sa lahat ng pabor, ito ang hindi ko inaasahan na sasabihin ni Ian. I couldn't just
let my sister marry him. I love my sister and I want her to have a husband that
loves her more than she does. 'Yung hindi ako mag-aalalang baka saktan lang niya
ang kapatid ko.

"Listen, Pat... You know me. I'm your best friend. I will take good care of her,"
sabi niya.

Tumayo agad ako. Hindi ko kayang isakripisyo ang kapatid ko para lang maisalba ang
sarili ko.

"Umuwi ka na, Ian."

Hindi na siya nagsalita. Hindi ko na rin siya tinignan at pumasok na lang sa


opisina ko.

~*~

"O, kuya. Hindi ka papasok?" tanong ni Joy sa akin.

Umiling lang ako. Nang mapatingin ako sa kanya, naka-pambahay lang din siya tulad
ko. Tinignan ko ang orasan at nakitang alas-dyes na.

"Ikaw? Bakit nandito ka pa? Di ba may pasok ka?" tanong ko.

Nagkibit siya ng balikat saka naupo sa sofa na nasa tabi ng kinauupuan ko.

"Nag-resign na ako. Ayoko na dun," aniya.

Nangingiti na lang na tinignan ko siya.

Matagal niya na kasing sinasabing ayaw niya nang mag-trabaho roon. At matagal ko na
rin siyang pinipilit na lumipat sa kompanya namin. Ewan ko ba d'yan. Noong una pa
man

ay sinabi ko na sa kanyang sa kompanya namin siya mag-trabaho. Kaya ko nga siya


pinakuha ng Accountancy ay para sa kompanya.
Siguro kung naroon siya, hindi rin mangyayari ito.

"Nasaan best friend mo?"

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" tanong ko.

"Wala lang. Para kasing matagal na siyang hindi nagpupunta rito e. Nag-LQ ba kayo?"
sabi niya.

Napatitig ako sa kapatid ko. Inalala ko ang mga pagkakataon na tinatanong niya si
Ian. Hindi ko 'yun pinapansin dahil simpleng tanong lang naman 'yun. Pag nagkikita
naman pati ang dalawa palagi lang namang nag-aaway.

"Well, he's busy," sabi ko.

Tumango lang siya. Pero mayamaya, nagsalita rin uli.

"May pinagkaka-abalahan ba siya ngayon?"

Umiwas ako ng tingin sandali saka poker face na tumingin uli kay Joy.

Umiling ako bago nagsalita. "Wala siyang girlfriend," sagot ko.

Nag-make-face si Joy saka umiwas ng tingin.

"Hindi naman 'yun ang tinatanong ko, Kuya. Paki ko naman kung may girlfriend siya o
wala?"

"Whatever you say," sabi ko saka lihim na ngumiti.

~*~

"Nasa loob si Ian?" tanong ko sa assistant ni Ian na si Louie.

"Yes Sir. Pasok lang po kayo," nakangiti pang sabi niya.

Kilala ako ng mga tao rito at pwede akong pumasok sa opisina ni Ian ano mang oras.
Well, except na lang kung may kausap siya sa loob.

Hindi na ako nag-abalang kumatok. Pero hindi ko pa man 'yun nabubuksan ng husto,
narinig ko na ang boses ni Ian. Nang sumilip ako sa loob, nakaharap siya sa bintana
at mukhang may kausap sa cellphone.

"I don't know. Pero

mukhang galit si Patrick sa'kin dahil sa sinabi ko," narinig kong sabi niya. "I
just said it. Hindi naman talaga 'yun ang plano ko. Gaya lang ng sabi mo, na
magpapanggap lang kami ni Joy na may relasyon. Pero ang lumabas sa bibig ko, gusto
ko siyang pakasalan."
Nahilamos pa ni Ian ang isang kamay sa mukha niya.

"I'll talk to him later. It's just... I don't know how to tell him the truth."

Hindi ako kumikilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni
Ian dun.

"I just... I just want to be with her. You know how I feel about her. At siguro
kaya 'yun ang nasabi ko kasi gusto ko ng assurance na sa'kin na talaga siya."

Napangiti ako bigla sa sinabi niya. Ngayon ko lang na-realize ang mga pinaggagagawa
ni Ian simula pa noong mga bata kami. Palagi niyang inaasar ang kapatid ko. Pati
ang best friend na lalaki ni p-Joy, pinagti-trip-an niya. Lagi siyang nasa bahay
kahit na wala naman siyang gagawin dun.

He's in love with her.

Dahan-dahang sinara ko ang pinto para hindi 'yun marinig ni Ian. Bumwelo muna ako
bago nagbigay ng warning knock. Pagkatapos ay binuksan ko na ng tuluyan ang pinto.

Napatingin sa akin si Ian habang naka-tapat pa rin sa tenga niya ang cellphone.

"Pat..." Tumikhim siya sandali. "Kanina ka pa?" tanong niya.

Umiling agad ako saka isinara ang pinto.

"Kararating ko lang. Is this a bad time? I can come back later," sabi ko.

"No. It's fine. Maupo ka," aniya bago bumaling sa kausap sa cellphone. "Uhm, sige
bro. Mamaya na lang," aniya.

Tahimik na naupo siya sa pwesto niya at hindi tumitingin sa akin.

Matagal-tagal

rin kaming tahimik lang hanggang sa sabihin ko na rin ang pakay ko.

"Will you really take care of my sister?" tanong ko.

Halatang nagulat siya sa tanong na 'yun. Napa-angat pa ang likod niya bago tumango.

"Okay then. We have a deal. You'll help me with our company, and you can marry my
sister."

Unti-unting nagliwanag ang mukha ni Ian. Malapad din ang ngiting iniabot ang kamay
sa akin. Tinanggap ko naman 'yun.

I know he'll take good care of her.

Joy's POV
Kung boring sa dating trabaho ko, mas boring na tumambay sa bahay. Akala ko pa man
din may makakasama ako dahil hindi pumasok ng opisina si Kuya. 'Yun pala, aalis din
naman.

Inis na pinatay ko ang TV. Wala rin naman kasi akong maintindihan sa palabas.
Series kasi 'yun at hindi ko naman naumpisahan.

Nahiga ako sa sofa at tumitig lang sa kisame. Matagal din akong nasa ganoong
posisyon nang may kotseng dumating. Bumangon agad ako at inayos ko ang sarili ko.
Mahirap na. Baka mamaya niyan kasama ni Kuya 'yung best friend niya.

Ays. Bakit ko ba iniisip 'yun?

Tumingin ako sa pinto at hinintay na bumukas 'yun. Kahit na hindi ko man aminin,
gusto ko na rin namang makita uli 'yung kumag na best friend ni Kuya. Ilang linggo
na rin kasing hindi siya napupunta rito.

Huling beses na nakita ko siya, noong nagpunta ako sa Lovie Patty two weeks ago pa.

Pumasok si Kuya pinto at dire-diretsong naglakad palapit sa akin. Naupo siya sa


tabi ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Ako naman, nakatingin pa rin sa pinto. Baka kasi huli lang pero papasok rin dun ang
lalaking 'yun.

"Wala si Ian," biglang sabi ni Kuya.

"So?" kunwari'y walang pakialam na sabi ko.

Inalis niya ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko saka inilipat 'yun sa
sandalan ng sofa. Tumingala siya sa kisame at tumitig doon. Kapagkuwan ay pumikit
siya saka nagsalita.

"Ian is getting married," aniya.

Napatitig ako kay Kuya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa sinabi niya.
Basta ang bilis lang ng tibok ng puso ko.

Tumikhim ako sandali saka nagsalita. "Who's the unlucky girl?" tanong ko.

Dumilat si Kuya saka tumingin sa akin.

"You."

~~~
'Yung mga nag-request dun sa pagbubuntis ni Joy or 'yung pagsasama nila, sa
next/last special po 'yun.

You might also like