You are on page 1of 2

2 Mga Cronica 20:20

[20]Kinabukasan, maaga silang lumabas patungo sa ilang ng Tekoa. Ngunit bago sila umalis, sinabi sa
kanila ni Jehoshafat, “Makinig kayo, mga taga-Juda at Jerusalem. Magtiwala kayo sa Diyos ninyong si
Yahweh at magiging matatag kayo. Maniwala kayo sa kanyang mga propeta at magtatagumpay kayo.”

Joel 1:14-15

[14]Iutos ninyo na mag-ayuno ang lahat. Tipunin ninyo ang mga tao. Tipunin ninyo ang matatandang
pinuno at ang lahat ng taga-Juda, sa Templo ni Yahweh na inyong Diyos at dumaing sa kanya.

[15]Malapit na ang araw ni Yahweh, ang araw ng pangwawasak ng Makapangyarihang Diyos.

Joel 2:12-15

[12]“Gayunman,” sabi ni Yahweh, “mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin; mag-ayuno


kayo, manangis at magdalamhati.

[13]Magsisi kayo nang taos sa puso, at hindi pakitang-tao lamang.” Magbalik-loob kayo kay Yahweh na
inyong Diyos! Siya'y mahabagin at mapagmahal, hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;
laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.

[14]Maaaring lingapin kayong muli ni Yahweh na inyong Diyos at bigyan kayo ng masaganang ani. Kung
magkagayon, mahahandugan ninyo siya ng handog na pagkaing butil at alak.

[15]Hipan ninyo ang trumpeta sa ibabaw ng Bundok ng Zion! Tipunin ninyo ang mga tao at ipag-utos
ninyo na mag-ayuno ang lahat!

Joel 2:25-26

[25]Ibabalik ko ang lahat ng nawala sa inyo nang pinsalain ng katakut-takot na balang ang inyong mga
pananim. Ako ang nagpadala ng hukbong ito laban sa inyo.

[26]Magkakaroon kayo ngayon ng saganang pagkain at kayo'y mabubusog. Pupurihin ninyo si Yahweh
na inyong Diyos, na gumawa ng mga kahanga-hangang bagay para sa inyo. Hindi na muli pang
kukutyain ang aking bayan.

Genesis 15:15

[15]Pahahabain ko ang iyong buhay; mamamatay at ililibing kang payapa.


Mga Taga-Efeso 6:13

[13]Kaya't isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag
dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa
rin kayong nakatayo.

You might also like