You are on page 1of 2

Bayani ng Bukid Ang aki’y dumami ng para sa lahat

ni: Alejandrino Q. Perez Kapag ang balana’y may pagkaing tiyak


Umaasa akong puso’y nagagalak.
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Hindi natatakot kahit na sa lamig Inyong makikita ang mga halaman
Sa buong maghapon gumagawang pilit. Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw Sa aming paligid namamalas pa rin
Sa pag-aararo at paglilinang Ang alagang hayop katulad ng kambing
Upang maihanda ang lupang mayaman Baboy, manok, pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Ang haring araw di pa sumisikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Na aking bukiring laging nasa hagap Na sa aking puso ang taos na layon
At tanging pag-asa ng taong masipag. Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang maiwasan ang pagkakagutom.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha Sandata’y araro matapang sa init
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa. Hindi natatakot kahit na sa lamig

Sa aking paggawa ang tangi kong hangad Sa buong maghapon gumagawang pilit

You might also like