You are on page 1of 1

2013 PANUNTUNAN NG MUNTING LAKAN AT

LAKAMBINI NG BUWAN NG WIKA


(PINAKAMAHUSAY SA KASUOTANG
PILIPINO)
July 28, 2013 at 2:12 PM
1.) Ang paligsahang ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng Haven of Virtue and
Excellence Academy mula sa grade 4, 5 at 6. ANG MGA NAIS SUMALI AY
KAILANGANG MAGPATALA O MAGPAREHISTRO (ITO PO AY LIBRE) SA KANI-
KANILANG GURO SA FILIPINO. Ang patimpalak na ito ay para sa
magkapares na babae at lalaki.

2.) Ang mga kalahok ay magsusuot o magbibihis ng mga Kasuotang Pilipino


(Filipino Costumes, Filipiniana Attire o mga Kasuotan ng Kulturang Filipino) sa Aug. 30
ang araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Haven of Virtue and Excellence
Academy.

3.) Magkakaroon ng parade ang mga kalahok sa loob ng Camachile Subdivision at


ihaharap sa mga hurado at huhusgahan base sa mga sumusunod:

Kasuotan (Costume or Attire) 40%


Ang kasuotan ay naayon sa panuntunan (Filipino Costumes,
Filipiniana Attire o mga Kasuotan ng Kulturang Filipino)

Dating sa mga Manunuod (Audience Impact) 30%


Ang kabuuan ng damit at may suot ay may dating sa mga
manunuod

Pagpapamalas ng Galing (Talent Portion) 20%


Ang mga kalahok ay maaaring magpamalas ng galling sa
pagsayaw, pag-awit o pagtula na hindi lalagpas sa tatlo (3)
minutong presentasyon.

Pagsagot sa Katanungan Tungkol saTema (Question and Answer Portion)


10%
Ang mga kalahok ay magbibigay ng kanilang paliwanag hinggil
saTemang Buwan ng Wika ("Tatag ng Wikang Filipino,
Lakas ng Pagka-Pilipino.") at ano ang ibig sabihin nito.
(Maaaring magpatulong sa mga magulang o guro).

4.) Magkakaroon ng 3rd runner up, 2nd runner up, 1st runner up at ang
tatanghaling munting lakan at lakambini ng buwan ng wika.

5.) Ang desisyon ng inampalan ay huli at pinal.

You might also like