Professional Documents
Culture Documents
Ap 8
Ap 8
May humigit kumulang na 1.2 bilyon sa mundo ang nagaangkin na sila ay Romano
Katoliko. Bagamat laging ipinagkakamali ang Romano Katolisismo sa Kristiyanismo, may
malaking pagkakaiba sa pagitan ng dalawang relihiyong ito. Sa pangkalahatan, ipinakikilala
ng mga Romano Katoliko ang kanilang sarili bilang mga Kristiyano, ngunit, sa layunin na
ipakita ang pagkakaiba sa dalawang dibisyon ng pananampalatayang Kristiyano, ang mga
tagasunod ng Romano Katolisismo ay tinutukoy na mga Katoliko, habang ang mga hindi
Katoliko Romano na tagasunod ng pananampalatayang Kristiyano ay tinutukoy bilang mga
Kristiyano. May humigit kumulang sa 900 milyong katao sa buong mundo ang nagaangkin na
sila ay Kristiyano ngunit hindi Romano Katoliko.
Islam
Hinduismo
Ang Hinduismo ay isang salita na nilikha ng mga nasa Kanluran upang itawag sa isang
dominanteng relihiyon at sistemang sosyal sa India. Sa tradisyon, tinutukoy ng mga mga
tinatawag na Hindu ang kanilang relihiyon na “dharma,” na nangangahulugang “ang daan” o
“ang relihiyon.” May humigit kumulang sa 900 milyong Hindu sa buong mundo. Ang
kalakhang bilang ng mga Hindu ay matatagpuan sa India. Kumalat ang mga Indians sa buong
mundo, kaya maraming komunidad ng mga Hindi sa iba’t ibang bansa sa mundo. Ang
kabuuang bilang ng mga Hindu sa India ay isang paksa ng kontrobersya dahil kasama sa
bilang na ito ang 300 milyong dalits na opisyal na ibinilang ang kanilang sarili bilang bahagi
ng istrukturang sosyal ng mga Hindu ngunit hindi pinapahintulutang makibahagi sa
relihiyong Hinduismo.
Budismo
Ang paniniwala ng Budismo ay base sa mga katuruan ng isang tao na tinatawag na
Buddha, na nangangahulugan na “isang naliwanagan.” Maraming sangay ang relihiyong ito,
ngunit ang Budismo ay isang naaangkop na termino at ang mga tagasunod nito, gaano man
magkakaiba ang kanilang paniniwala ay masayang makilala bilang mga Buddhist. May
humigit kumulang sa 360 milyong tagasunod ang Budismo, ikaapat sa pinakamaraming
tagasunod sa likod ng Kristiyanismo, Islam, at Hinduismo. Nanggaling ito sa bansang India at
ang tradisyonal na anyo nito ay matatagpuan sa Sri Lanka at sa karamihan ng mga bansa sa
Timog Silangang Asya gaya ng Thailand, Myanmar, Laos at Cambodia. Bilang karagdagan,
nagpanibagong anyo din ang relihiyong ito sa maraming bansa sa Asya gaya ng Tibet, Korea,
China at Japan. Sa kasalukuyan, niyayakap ang Budismo ng mga nasa Kanluran at iinisip ng
mga tradisyonal na Buddhist na pagtalikod sa tradisyonal na uri ng relihiyong ito.
Judaismo
Kaya sa literal, ang relihiyong ito ay ang relihiyon ng mga kabilang sa tribo ni Judah, na
tinatawag ding mga Hudyo. Gayunman, ang pagiging Hudyo ay hindi lamang tumutukoy sa
isang pagkakakilanlang etniko kundi sa pananampalataya din naman at sa ngayon, maraming
Hudyo ang hindi na nagsasanay ng mga gawain ng Judaismo kahit na masaya silang makilala
bilang mga Hudyo sa lahi at kultura. Tinatayang may 15 milyong relihiyosong Hudyo sa
mundo ngayon, bagamat maraming Hudyo ang hindi kasapi ng anumang relihiyon.
Baha’i