You are on page 1of 5

My

Porfotlio
Buod ng
aking Aralin
Ipinasa ni;
Janine Grace D. Lagan
Mag-aaral

Ipinasa kay;
Gng. Phebe F. Llamera
Guro

Pamagat: Aralin 22 – Ang Tagumpay ng Kataksilan


Tagpuan: Palasyo
Tauhan: Adolfo, Laura, Florante, Duke Briseo

Buod

Hinuli ng mga kawal si Florante sa loob ng palasyo na


pinamumunuan ni Adolfo. Hindi niya agad nabunot ang sandata
dahil siya ay iginapus kaagad ng mga kawal. Siya ay dinala sa
karsel at doon siya ibinilanggo ng labing walong araw. Nang
malaman naman ni Florante na pinatay ni Adolfo si Haring
Linseo, at ang kanyang amang si Duke Briseo ay hindi ito
makapaniwala at labis ang naramdaman niyang lumbay at
pighati dahil sa madilim na kinahantungan ng kahariang albanya
sa pagtataksil ni Adolfo. Lalo namang nagpasidhi ng sakit na
naramdaman ni Florante nang malaman niya na ang
nakatakdang pagpapakasal nina Adolfo at Laura. Naisip ni
Florante na siya’y mamatay nalamang dahil higit na paghihirap
ang nais ipadanas sa kanya ni Adolfo. Isang gabi ay nagising
siyang nakagapos na sa malaking puno sa gitna ng madawag na
gubat. Dito naman siya nanaghoy at nanambitan nang mapait
na sinapit ng kanyang buhay, ang paglililo ni Laura at ang
kataksil ni Adolfo na naghasik ng lagim sa kahariang Albanya .

You might also like