You are on page 1of 10

*Awtomatikong Sistema ng Marketing (Automated Marketing System)

Kahulugan: Ang pag hahanap ng tamang market base sa pansariling kakayahan.

Halimbawa: Kung mas gusto mo naman na sumabay sa teknolohiya, gamitin mo ang


AUTOMATED MARKETING SYSTEM na kung saan ito na ang maghahanap ng target market mo
kahit ikaw ay tulog.

*Diskarte (Strategy)

Kahulugan: Isang salitang ito ay nangangahulugang may kahusayan sa pamamaraan.

Halimbawa: Ang salitang estratehiya ay isang pangmatagalang pagpla-plano o pagba-balak sa


kung ano ang dapat gawin para makamit ang isang tiyak na layunin.

*Gastos (Cost)

Kahulugan: Ito yung mga perang nilalabas ng isang may-ari para matugunan ang
pangangailangan ng kumpanya.

Halimbawa: Ang pagbabago sa teknolohiya ay may malaking epekto sa gastos ng produksyon.

*Imahinasyon (Imagination)

Kahulugan: Malaya, makapangyarihan at mayaman ito sa ideya.

Halimbawa: Ito ay isang makapangyarihang bahagi ng ating isip kung saan nalilikha ang sining,
imbensyon, disenyo at daloy ng sistema.

*Isang Pagmamay-ari (Single Proprietorship)

Kahulugan: Ang isang nag-iisang pagmamay-ari ay isang negosyo ng isang walang korporasyon o
limitadong katayuan sa pananagutan. Ang indibidwal ay kumakatawan sa kumpanya sa legal at
ganap.

Halimbawa: Ang mga istraktura ng karaniwang pag-aari ay kinabibilangan ng mga part-time na


negosyo, direktang nagbebenta, bagong pagsisimula, kontratista, at konsulta.
*Kahinaan (Weaknesses)

Kahulugan: Ang kahinaan ito ay nasa panloob na ugali ng isang tao na nasa kanya lamang at
itinatago.

Halimbawa: Isa itong katangiang hindi karapat dapat na ipamalas mas lalo na sa isang kalaban.

*Kahon (Hunting box)

Kahulugan: Isang mahalagang lagayan ng mga negosyante ng mga dokumento.

Halimbawa: kulay itim na kahon, laging bitbit kung san man sila pumunta dahil naririto ang
mahahalagang bagay.

*Kalakalan (Trade)

Kahulugan: Tumutukoy ito sa pagpapalitan ng mga produkto o serbisyo. Marami rin ang mga
ideya at konsepto na nasasakupan ang kalakalan, ngunit lahat ng ito ay may kinalaman sa
kaayusang pang-ekonomiya.

Halimbawa: Maaring maganap ang kalakalan sa pagitan ng dalawang tao, grupo, o bansa, o
higit pa sa dalawa.

*Kalakasan (Strengths)

Kahulugan: Ang kalakasan naman ang lagi naging ipinapakita.

Halimbawa: Isa ito sa katangiang dapat ipinapamalas ng isang negosyante.

*Kayamanang tao (Human Resources)

Kahulugan: Isang mabilisang lumalawak na katawagang tumutukoy sa pamamahala o


pangangasiwa ng "puhunang mga tauhan" o "pondong mga tao," ang mga tao ng isang samahan
o organisasyon.

Halimbawa: Mahalaga ang kanilang paglilingkod sapagsulong ng katatagan at kaunlaran ng


ekonomiya ng ating bansa.
*Kita (Income)

Kahulugan: kita ay ang kabuuan ng lahat ng mga sahod o kinita ng mga manggagawa, ganansya,
gana, o pinagbentahan, mga bayad na tubo o nabayarang patubo, at iba pa.

Halimbawa: Matatag ang isang negosyo sa nananatili ang kita.

*kompanya (Company)

Kahulugan: Ito ay nagbibigay halaga sa kakayahan kaysa kasarian.

Halimbawa: Mas pinapahalagahan ng mga kompanya ngayon ang kakayahan o ang skill set ng
isang indibidwal na manggagawa kahit ano man ang maging kasarian nya.

*Kompetisyon (Competition)

Kahulugan: Ang pakikipaglaban o paligsahan sa isang bagay.

Halimbawa: pakikipagkompetisyon sa isang produkto.

*Kooperatiba (Cooperative)

Kahulugan: Isang samahang awtonomo ng mga boluntaryong taong nagkakaisa para makamit
ang kanilang karaniwang pang-ekonomiya, panlipunan at pang-kalinangan mga mga hangad at
pangangailangan sa pamamagitan ng sama-samang ariin at demokratikong pamahalaan ang
negosyo.

Halimbawa: Ang mga kooperatibang maraming stakeholder katulad ng mga kooperatibang na


tinitipon ang lipunang sibil at mga lokal na gumaganap upang maihatid ang pangangailangan ng
pamayanan.

*Korporasyon (Corporation)

Kahulugan: Ang Korporasyon ay isang organisasyon o grupo ng mga mangangalakal o


nagnenegosyo. Ito ay isang uro ng negosyo na kung saan ang bilang ng kasapi ay higit sa limang
katao.
Halimbawa: Ang korporasyon ay matatag at may maayos na pamamalakad. Ang mga
shareholder ay may hindi pantay pantay na responsibilidad sa isang korporasyon.

*Layunin (Purpose)

Kahulugan: Ang layunin ay ang intensyon o ang bagay na minimithi ng puso at damdamin ng
isang tao.

Halimbawa: Walang sinuman ang nakakaalam ng layunin ng isang tao, kundi ang kanyang sarili
lang sapagkat maaari nyang ipagkait ito sa iba.

*Legal na Impormasyon ( Legal Form)

Kahulugan: Mga dokumentong legal ang nakatala.

Halimbawa: Sa isang negosyo kailangan ang legal na dokumento na syang magpapatunay sa


mga legal na gawain.

*Makina (Machine)

Kahulugan: Isang mekanikal o de-kuryenteng bagay.

Halimbawa: Naglilipat o nagbabago ng enerhiya upang makagawa o makatulong sa mga gawain


ng tao.

*Mamimili (Consumer)

Kahulugan: Tumutuloy sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan.

Halimbawa: Ito yung mga taong kailangan ng mga negosyante.

*Midyum ng negosyo (Business Channel)

Kahulugan: Ito ang komunikasyon na ginagamit sa pagtuturo sa nasabing asignatura.

Halimbawa: Sa isang negosyo ito ang ginagamit bilang daluyan.


*Namumuhunan (Investor)

Kahulugan: Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng oras, enerhiya, o bagay na iginastos sa


pagnanais na ito’y magbunga ng mga benepisyo sa loob ng isang nakatakdang oras sa
hinaharap.

Halimbawa: Sa pananalapi, ang puhunan ay ang pagbili ng isang bagay na may halaga upang
ito'y magbunga ng kita o tumaas pa ang halaga sa hinaharap at maaaring ipagbili sa mas mataas
na presyo.

*Negosyong Online Marketing (Online Marketing Business)

Kahulugan: Ginagamitan nang internet.

Halimbawa: Ang mga tinatawag na ONLINE MARKETING BUSINESS na kahit medyo abala ka sa
iyong pang araw araw na trabaho ay magagawa mo parin itong patakbuhin.

*Operasyon (Operation)

Kahulugan: Ito ay tinatawag na entrepreneurship.

Halimbawa: Sa entrepreneurship ay tinukoy bilang proseso ng pagdisenyo, paglunsad at


pagpapatakbo ng isang bagong negosyo, na karaniwang nagsisimula bilang isang maliit na
negosyo.

*Paanunsyo (Advertisement)

Kahulugan: Maikling pahayag na nagbibibgay ng impormasyon ukol sa isang bagay.

Halimbawa: Ito ang ginagamit upang ipakilala ang isang produkto.

*Pagbabago (Innovation)

Kahulugan: Ang pagbabago ay ang pag-iiba ng mga bagay mula sa dati o mula sa nakasanayan.

Halimbawa: Maaaring magtukoy sa akto ng pag-iba o pag-iiba na nangyayari sa isang produkto.


*Pagkakataon (Opportunity)

Kahulugan: Bagong pag-asang dumating sayo.

Halimbawa: Ang pagkakataon ay mahalaga sa isang negosyo dahil ito ang nagbibigay nang
chance para magawa nya ang bagay na dapat gawin.

*Pagka-original (Originality)

Kahulugan: Ito ay ang sariling sayo.

Halimbawa: Sa negosyo kailangan meron ka nito para may kakaiba sa produkto mo.

*Pagmamay-ari (Ownership)

Kahulugan: Nagpapakita ng pag-angkin ng isang tao sa isang bagay.

Halimbawa: Sya ang namumuno o gumagastos sa sarili niyang negosyo.

*Pagsulong (Development)

Kahulugan: Ito ay ang pag-unlad sa isang bagay, kaugalian o kaalaman. Maaari ding paglaki,
paglakas, o maging ang paghusay sa isang partikular na bagay, katayuan o aspekto ng personal
na buhay.

Halimbawa: Ang pagsulong ng isang tao ay magagawa lamang kung mayroon siyang layunin.

*Pagtitinda (Marketing)

Kahulugan: Isang halimbawa ng hanapbuhay.

Halimbawa: Simpleng pagtitinda ng ibat ibang bagay na syang pangangailangan ng mamamayan


ay nakakatulong sa bayan.

*Patutulungan(Teamwork)

Kahulugan: Paggawa ng isang bagay na sama sama at may pagkakaisa.


Halimbawa: Sa pagtatayo ng isang negosyo kailangan ang pagtutulungan , ganun din sa loob ng
isang organisasyon.

*Pakyawan (Wholesale)

Kahulugan: Ito ay may roong impormal na kontrata at may napagkasunduang presyo.

Halimbawa: Papakyawin ko lahat yan sa presyong gusto ko.

*Pamilihan (Market)

Kahulugan: Isang pook kung saan pumupunta ang mga tao at ang mekanismo na kung saan
nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.

Halimbawa: Ang pamilihan ay nabuo upang magkaroon ng kalakalan sa isang bayan na kung
saan ang mga naririto ay mga bagay na pang-araw-araw na panagngailangan ng mga tao.

*Pananaliksik (Research)

Kahulugan: Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang
suliranin at isang masistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon.

Halimbawa: Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon


upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan.

*Pangkat (Team)

Kahulugan: Ito ay ang tawag sa tatlo o higit pang tao na magkasama.

Halimbawa: Sa isang malaking negosyo ito ay makikita mo sa bawat departamento.

*Papamahala (Management)

Kahulugan: Isang organisasyong pangtao ay ang payak na kilos o galaw ng pagtitipon ng mga tao
upang maisakatuparan ang mga layunin at adhikaing ninanais.

Halimbawa: Ito ay pinapangunahan ng mas pinakamataas sa isang negosyo o kumpanya.


*Pinuno (Leader)

Kahulugan: Ang pinuno ay iyong tao mismo na nagpapatakbo ng isang grupo ng organisasyon.

Halimbawa: Sa isang negosyo merong organisasyong pinapamahalaan ng isang pinuno upang


merong manguna sa bawat gagawin nito.

* Plano (Blueprint)

Kahulugan: Ito ay ang iginuhit na syang gagabay sa pagpapatayo ng isang negosyo.

Halimbawa: Makakatulong ito sa pagtatagumpay ng isang simula sapamamagitan ng gabay na


ito.

*Plano sa Negosyo (Business Plan)

Kahulugan: Gabay sa pag papatayo o pagpapalago ng isang negosyo.

Halimbawa: Ipinapakita dito ang kakayahan at kita ng isang negosyo.

*Presyo (Price)

Kahulugan: Ang halaga ng bayad o kompensasyon na binibigay ng isang partido sa isa pang
partido upang makakuha ng produkto o serbisyo.

Halimbawa: Ang halagang ipinapataw sa mga produkto o serbisyo sa pagbili o paggamit nito

*Produksyon (Production)

Kahulugan: Ang produksyon ay ang proseso ng pagsasama ng iba't-ibang materyal at di-materyal


na bagay upang makagawa ng produkto na maaaring gamitin ng tao.

Halimbawa: Ito ay ang paraan ng paggawa ng gamit o serbisyo na may halaga at importansya sa
buhay ng tao.

*Produkto (Good)
Kahulugan: Isang bagay na ginawa upang maibenta, karaniwang ang bagay na ito ay ginawa sa
pamamagitan ng pang-industriyang proseso. Ang ibang produkto naman ay tinanim ng mga
magsasaka matapos ay pinalago at inani upang ibenta.

Halimbawa: Ang produktong dumaan sa pang-industriyang proseso ay papel, plastic, metal, mga
gadgets at iba pa. Samantalang ang mga produkto namang nagmula sa pagsasaka ay ang mga
prutas, gulay at iba pa.

*Puhunan (Capital)

Kahulugan: Salapi, yaman, o pag-aari ng isang tao

Halimbawa: kadalasang ginagamit sa pagtatayo ng negosyo.

*Rate ng Paglago (Growth Rate)

Kahulugan: Ang mabilisang paglago ng isang negosyo.

Halimbawa: Sa pamamagitan nito malalaman mo kung lumalago ba ang isang negosyo.

*Serbisyo (Service)

Kahulugan: Ito ay ang paglilingkod marahil ay libre o mayroong bayad depende sa usapan ng
dalawang partido – ang kliente at ang manggagawa.

Halimbawa: Karamihan sa mga manggagawa ay naghahatid ng serbisyo at ito ay binabayaran ng


kompanya.

*Sosyohan (Partnership)

Kahulugan: Ang ibig sabihin ng sosyohan ay ang pagsasanib ng dalawa o higit pang indibidwal
para pumasok o magtatag ng isang negosyo.

Halimbawa: Kadalasan, nagkakasundo sila na magbigay ng partikular na halaga ng pera na


gagamitin sa kanilang pamumuhunan.

*Tagapagtustos (Suppliers)
Kahulugan: Mga Kontak na Suppliers para sa iyong mga stocks o taga-gawa ng serbisyo.

Halimbawa: Ibigsabihin sila ang nagbibigay ng pangangailangan ng isang negosyo.

*Tauhan (Staf)

Kahulugan: Ito ay katuwang sa lahat ng kaganapan.

Halimbawa: Tauhang katuwang ng isang may-ari sa gawain.

*Tudlaan (Target)

Kahulugan: Ito yung mga bagay na nais na maabot o makuha.

Halimbawa: Tudlaan sa isang negosyo ay araw-araw na pinag-aaral ng mga nrgosyante para sa


kanilang benta o kita.

*Uso (Trend )

Kahulugan: Ito yung mga bagong ginagamit o ginagawa ng mga tao

Halimbawa: Kailangang alam ng isang negosyante ang mga nagsisilabasang uso upang sila ay
nakakasabay sa mga kagustuhan ng kabataan.

You might also like