You are on page 1of 2

LABANAN SA THERMOPYLAE

(Agosto hanggangSetyembre 480 B.C)

Matapos ang pagkatalo sa Marathon, nagpadala ng mandirigmang panlupa at pandagat ang haring si
Xerxes upang sakupin ang buong Grecce. Nang dahil sa mangyayaring labanan, nagpahayag si
Themistocles, heneral ng Athens, na kailang ang mabantayan ang Artemisia at ang makipot na daan ng
Thermopylae. Ang Griyego ay mayroong 7,000 na mandirigma samantalang ang mga Persians naman ay
mayroong milyon na ayon sa mga iskolar ng kasalukuyan ay 100,000 hanggang 150,000. Nagtagal ang
labanan ng pitong araw kabilang ang tatlong araw ng labanan sa Thermopylae sa pagitan ng mga
Spartans at Persians. Ang Sparta ay pinamumunuan ng kanilang hari na si Leonidas samantala ang Persia
naman ay pinamumunuan ni Xerxes I, hari ng Persia. Nagkasundo ang mga Griyego na ang Sparta ang
dapat namamuno dahil sa kanilang reputasyon sa giyera. Saloob ng dalawang araw, ang kaunting
mandirigmani Leonidas ay humarang sa natatanging daanan ng mga Persians papasok ng Greece.
Matapos ang pangalawang araw, si Ephialtes, isang Griyego ay nagtraydor sa pamamagitan ng
pasisiwalat ng sikretong daanan sa likod ng Thermopylae. Alam ni Leonidas ang pangyayaring ito ngunit
sila’y na natiling nakatindig. Mayroon lamang 300 Spartans, 700 Thespians at 400 Thebans sa panig ng
Griyego ng panahong ito. Natalo ang mga Spartans at nakarating kay Themistocles ang balita. Nang dahil
rito, kinailangan nilang lumipat sa Salamis. Gayon pa man, ginamit ng mga manunulat ang labanan sa
Thermopylae bilang ng lakas ng mga mandirigmang maka-bayan nanagtatanggol ng kanilang lupain.
Ginamit rin nila ito bilang halimbawa ng pangunguna sa armas, pagsasanay at sa tamang paggamit ng
kakaunting tao upang makidigma.

Labanan sa Thermophylae

Thermopylae. Isang makipot na daanan sa gilid ng bundok at ng silangang baybayin ng Central Greece.
Pitong libong Greek, tatlong daan sa mga ito ay taga-Sparta sa ilalalim ni Leonidas (Matatandaang ang
mga Spartan ang pinakamahuhusay ng mandirigma sa buong daigdig) ang nakipaglaban sa pwesa ng ni
Xerxes. Sa loob ng tatlong araw dumanak ang dugo ng mga taga Persia. Subalit ipinagkanulo ng isang
Greek ang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na
lumikas habang ipinagtatanggol ng kanyang pwersa ang Thermopylae. Sa harap ng higit na maraming
pwersa ni Xerxes, namatay ang karamihan sa tropa ni Leonidas.

You might also like