You are on page 1of 5

Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa

kanluran. Noong 546 BCE,sinalakay ni Cyrus the great ang


Lydia sa Asya Minor. Ipinagpatuloy ni Dairus ang nagmana ng
trono ni Cyrus the great ang hangarin nito. Noong 499 BCE,
sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang greek. Nag
padala ng tulong ang Athens ngunit natalo ang Greek Sa
labanang pandagat sa Miletus noong 494 BCE bagamat natalo
ang puwersa ng athens, nais ni Darius na parusahan ang
lungsod sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa
pagsakop ng greece.
Ang unang pagsalakay ng Persia sa greece ay naganap
noong490 BCE sa ilalim ni Dairus.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Dairus ang tangkang
pagpapabagsak sa Athens. Noong 480 BCE isang madugong
labanan ang naganap sa Thermopylea isang makiput na
daanan sa gilid ng bunduk at ng silangang baybayin ng Central
Greece.Noong una, inakala ni Xerxes na madali niyang
malulupig ang mga Greek. Hindi niya inasahan ang
katapangan at kahusayan ng mga taga sparta sa pakikipag
digmaan at dumanak ang dugo ng mga taga persia.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala
ni Themistocles ang labanan sa dalampasigan ng pulo ng
Salamis kung saan ang dagat ay lubhang makipot. Ang
nalalabing hukbo ni Xerxes ay tinalo ng mga alyansa ng mga
Lungsod-estado ng mga Greece sa pamumuno ni Pausanias ng
sparta.kabilang sa alyansang ito ang Athens,Sparta,Corinth,at
Megara.
Mga katanungan:
1.Sino ang anak ni Darius?
2.Sino ang ama ni Xerxes?
3.kailan natalo ang mga greek sa
labanang pandagat?
4. kailan naganap ang unang
pagsalakay ng persia sa greece?
5. kanino ang dugong dumanak sa
labanan ng taga sparta?
Mga sagot:
1. Xerxes
2. Dairus
3. 494 BCE
4. 490 BCE
5. Persia

You might also like