You are on page 1of 2

DISASTER PREVENTION AND MITIGATION

Answer:

Ang kahulugan ng Disaster Prevention ay ang mga hakbang upang maiwasan ang mga sakuna. Ito ay
pagbibigay ng babala upang maging maingat ang mga tap at maging alerto. Ang Mitigation naman ay
mga hakbang o kilos na naglalayong bawasan ang mga elemento na nakapagpapalala sa mga negatibong
epekto ng sakuna.

Explanation:

Sa ating daigdig, maraming sakuna ang posibleng mangyari. Ilan sa mga ito ay ang lindol, pagbaha,
tsunami, bagyo at landslide. Ang mga tao ay kailangan maghanda sa mga panahon na ito sapagkat ito ay
may malaking epekto sa kanilang buhay at maaring ikapahamak nila ito. Kaya naman, nagsasagawa ng
mgatinatawag na disaster prevention at mitigation para maiwasan ang mga sakuna.

Disaster Prevention
Ang disaster prevention ay ang pagbibigay ng paalala sa mga tao kung paano maiiwasan ang mga sakuna.
Nagbibigay ng mga hakbang na mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng sakuna. Nakakatulong
ito upang maging alerto ang mga tao at mailigtas ang kanilang buhay sa mga emergency situation.
Nagsasagawa ng mga seminars o mga programa ang pamahalaan upang turuan ang mga tao sa mga
dapat nilang gawin.
Mitigation
Ang mitigation ay ang pagbibigay ng aksyon upang mabawasan ang mga sanhi na nagpapalala sa isang
sitwasyon. Ito ay pagsasagawa ng mga paraan upang hindi tumagal ng mahabang panahon ang
problema.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/805391#readmore

You might also like