Disaster Response - Pagtugon sa disaster Ang mabilisan at panandaliang
pagasalba ng buhay, pagsiguro ng kaligtasan, pag‐iwas sa pagkalat ng sakit, at
pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta. DISASTER PREVENTION AND MITIGATION Answer: Ang kahulugan ng Disaster Prevention ay ang mga hakbang upang maiwasan ang mga sakuna. Ito ay pagbibigay ng babala upang maging maingat ang mga tap at maging alerto. Ang Mitigation naman ay mga hakbang o kilos na naglalayong bawasan ang mga elemento na nakapagpapalala sa mga negatibong epekto ng sakuna. Explanation: Sa ating daigdig, maraming sakuna ang posibleng mangyari. Ilan sa mga ito ay ang lindol, pagbaha, tsunami, bagyo at landslide. Ang mga tao ay kailangan maghanda sa mga panahon na ito sapagkat ito ay may malaking epekto sa kanilang buhay at maaring ikapahamak nila ito. Kaya naman, nagsasagawa ng mga tinatawag na disaster prevention at mitigation para maiwasan ang mga sakuna. Disaster Prevention Ang disaster prevention ay ang pagbibigay ng paalala sa mga tao kung paano maiiwasan ang mga sakuna. Nagbibigay ng mga hakbang na mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng sakuna. Nakakatulong ito upang maging alerto ang mga tao at mailigtas ang kanilang buhay sa mga emergency situation. Nagsasagawa ng mga seminars o mga programa ang pamahalaan upang turuan ang mga tao sa mga dapat nilang gawin. Mitigation- aksyon Ang mitigation ay ang pagbibigay ng aksyon upang mabawasan ang mga sanhi na nagpapalala sa isang sitwasyon. Ito ay pagsasagawa ng mga paraan upang hindi tumagal ng mahabang panahon ang problema. Ang Disaster Risk Reduction o Disaster Risk Mitigation ay tungkulin nitong bawasan ang sakuna na dulot ng natural hazards gaya ng bagyo, baha, lindol, landslide at iba pa. Kung tungkol naman aa prevention, oo nagdidikta rin ang DRR o DRM ng mga prevention gaya ng mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng naganap na natural hazard. May mga iba't ibang ahensiya na tumutulong sa DRR... ang NDRRMC, PHILVOLCS, DOST, CPA at marami pang iba. DISASTER PREPAREDNESS