You are on page 1of 1

LALAPINDIGOWA-I: BAKIT MALIIT ANG BEYWANG NG PUTAKTI

( Pabula ng Maranao )
Si Lalapindigowa-I (isang Putakti ) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa,Sina Odang
(hipon) at Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na
asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain niya ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, anagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghaliaan sa bukid nang sa ganoon
ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon
ay dadalhan siya ng pagkain mula sabukid. Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain,
nagsawa ang mga asawa ni Lalapindigowa-i. sa Daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala
ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang sa ito’y mahulog sa kaserola at
naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele niya ito. Sa di
sinasadya,tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa.Pagkaraan ng ilang
oras ng paghihintay , nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan, nakita ng gutom na si Lalapindigowa-I ang basag
na kaserola at ang mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito. Gutom na gutom na siya
kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-I ay lumiit dahil batid
niyang wala na ang mga asawang magluluto para sa kanya.
MGA TANONG:
1.Ano ang mga katangian ng pangunahin tauhan?
2.Sa inyong palagay, anong katangian ang ipinamalas ni Lalapindigowa-I nang hilingin niyang hatiran siya ng
pagkain ng kanyang mga asawa?
3.Naging natural ba ang inasalng kanyang mga asawa noong una at noong tumanggi na silang maghatid ng baon
sa asawa? Bakit?
4.Anong mensahe ang nais ipabatid ng kwento?
5.Paano maiiwasan ang masamang kahihinatnan ng kanyang mga asawa?
IBIGAY ANG KAHULUGAN NG MGA SALITA AYON SA PAGKAKAGAMIT SA PABULA
1.Putakti-__________________
Pangungusap: ______________________________________________________________________
2.Nagpasya-__________________
Pangungusap: ______________________________________________________________________
3.Nagsawa-___________________
Pangungusap: ______________________________________________________________________
4.Nagdadamba-________________
Pangungusap:_______________________________________________________________________
5.Kaserola-____________________
Pangungusap:_______________________________________________________________________
6.Ipinaghele-___________________
Pangugusap:________________________________________________________________________

You might also like