You are on page 1of 2

Ang modal ay salitang malapandiwa na ginagamit sa pagpapahayag ng kagustuhan, posibilidad,

kakayahan, pahintulot at obligasyon. Mga halimabawa nito ang: maari, puwede, gusto, ibig, nais,
dapat, kailangan at hangad. Ang anyo ng modal ay hindi nababago dahil wala itong aspekto.

Dalawang Gamit Nito


1. Bilang malapandiwa o salitang kahawig ng pandiwa sa mga pangungusap na walang totoong
pandiwa.
Hal. Gusto ko ang damit mo.
Hangad ko ang iyong tahumpay.
Tandaan: Walang totoong pandiwa ang mga pangungusap na ito. Ang mga modal na gusto,
hangad at kailangan ang nagpapahiwatig ng pandiwa.
2. Bilang panuring o pantulong sa pandiwa na may anyong pawatas.
Hal. Gusto niyang makaalis sa hukay.
Ibig ng kuneho na magbigay ng makatarungang desisyon.
Mga Uri ng Modal
1. Nagsasaad ng kagustuhan (pagnanasa, paghahangad, pagkagusto ng higit kaysa iba)
a. “Gusto kong maakyat ang bunganga ng hukay,” wika ng tigre.
b. “Ibig mong maialis kita diyan sa malalim na hukay,” sigaw ng lalaki sa tigre.
2. Nagsasaad ng kakayahan o posibilidad
a. Puwede silang dumating mamaya.
b. Maaari mo itong tapusin mamayang gabi.
3. Nagsasaad ng obligasyon (sapilitang pagtupad, hinihingin mangyari)
a. Dapat sundin ang Saligang-Batas.
b. Kailangan mag-aral kang mabuti.

Kasanayang Pangwika
MODAL – ay ginagamit na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Mga modal ang
tawag sa salitang DAPAT, KAILANGAN, at BAKA.
1. 1. Ang salitang DAPAT ay nagsasaad ng sapilitang pagpapatupad ng Gawain.
Hal.
1.1 Dapat umiral ang katarungan sa isang bansang demokratiko.
1.2 Dapat sumunod ang anak sa payo ng kanyang magulang.
1. 2. Ang KAILANGAN ay nagsasaad ng ibig o gusto, isang tiyak na kilos o pagpapahayag na
maaaring magkaroon ng kundisyon o maaaring sapilitan.
Hal.
2.1 Kailangang magsikap kayo sa pag-aaral.
2.2 Kailangang magtulungan ang mag-asawa sa pagtataguyod sa kanilang mga anak.
1. 3. Ang BAKA ay nangangahulugang walang katiyakan ang bagay na ipinapahayag.
Hal.
3.1 Baka hindi ka makapagpatuloy ng pag-aaral.
3.2 Baka lumubha ang iyong karamdaman.
PAGSASANAY:Direksyon: Punan ng DAPAT, KAILANGAN at BAKA ang patlang upang
mabuo ang diwa ng pangungusap.
Nasa hustong gulang ka na. _________ Makiisa ka sa iyong kapwa
namay mabuting hangarin sa bayan. _____________ ka ring magpakabuti at umiwas
sa masamang barkada ____________ ka mabulid sa maraming tuksong
makapagdudulot sa iyo ng kapahamakang maaari mong pagsisihan habang buhay.
____________ kang tumulong sa kaayusan at katahimikan ng iyong paaralan.
LUbhang ________ mong makilahok sa mga proyektong magpapaunlad ng iyong sarili lalo na sa
larangan ng pamumuno

You might also like