You are on page 1of 3

Division of Masbate

Cataingan East District


BEL-IS ELEMENTARY SCHOOL
Cataingan, Masbate

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP VI

PANGALAN: _________________________________________ PETSA: ________________


BAITANG: ___________________________________________ MARKA:_______________

I. PANUTO: Tama at Mali. Isulat ang T sa patlang kung tama ang pahayag at M naman kung mali.

_____1. Napagyayaman ang lupang taniman kung gagamit ng compost sa pagtatanim.


_____2. Ang pagsasalit ng pananim ay tinatawag ding bio-intensive gardening.
_____3. Ang magandang compost ay nagkukulay pula at buo-buo ang hitsura.
_____4. Ang mga sustansyang tulad ng nitrogen, phosphorus at sulfur ay mainam sa paghahalaman.
_____5. Ang activator sa bio-intensive gardening ay maaring plastic na basura at mga putol putol na kahoy at siit.
_____6. Mahalagang alamin ang kondisyon ng lupa kung nais maghalaman.
_____7. Hindi maaaring maghalaman sa likod-bahay sapagkat abala ito sa mga gawain ng pamilya.
_____8. Kailangang panatilihing pagkit ang lupa upang bago simulan ang pagtatanim upang mas madali ang pagtatanim
ng mga punla.
_____9. Simulan ang pagtatanim sa pagdidilig ng lupa kahit wala pa itong tanim.
_____10. Hindi lamang damong ligaw ngunit pati ang mga punlang may sakit ay kailangan alisin din.
_____11. Maglagay ng pamatay-amag sa lupa bago magtanim upang maiwasan ang pagkalanta ng mga tanim.
_____12. Ang mga insecticides ay inihahalo sa tubig na may suka bago ibomba sa mga halaman.
_____13. Gawin ang pagbubungkal sa lupa sa palibot ng tanim kung umaga o hapon.
_____14. Kung walang komersyal na pataba, maaaring gumawa ng compost bilang pataba sa lupang taniman.
_____15. Hindi lamang pesteng kulisap ang pinapatay ng mga insecticides, gayundin ang binombang halaman.

II. PANUTO: Isulat ang PWEDE sa patlang kung ang nakalahad na deskripsyon ng pananim ay maaari nang anihin, OOPS
naman kung hindi pa.

_____16. Patatas at Kamote: Lanta na ang mga dahon.


_____17. Sibuyas at Bawang: Malusog na ang mga talbos.
_____18. Mais: Kapag ang puno ay kasingtangkad na ng tao.
_____19. Cauliflower: maliwanag, malinaw-linaw at masinsin ang bulaklak.
_____20. Okra: Kung may 3 pulgada na nga haba ang bunga.
_____21. Kintsay: Kapag ang tangkay ay pumutok na.

III.PANUTO: Isulat ang OO kung tama ang pahayag at HINDI naman kung mali.

_____22. Sa tamang pagnanarseri ay tiyak na uunlad ang paghahalaman.


_____23. Maaaring magkaroon ng narseri kahit sa likod-bahay.
_____24. Maaaring magtanong sa mga katutubo hinggil sa mga makaagham na pamamaraan sa pagnanarseri.
_____25. Ang topsoil ay mainam na uri ng lupa para sa pagsisimula ng kamang taniman.
_____26. Ang kahong punlaan ay dapat nasa lugar na may sapat na proteksyon laban sa matinding hangin at sikat ng
araw.
_____27. Posible angb isang narseri kahit walang pera ang magtatayo nito
_____28. Ang pagnanarseri ay gawain para sa mga ama ng tahanan lamang.
_____29. Iminumungkahi ang parihaba o parisukat na hugis ng itatayong narseri.
_____30. Ang paglalagay ng screen sa paligid ng narseri ay makakatulong laban sa mga mapinsalang kulisap at iba pang
hayop.
IV.PANUTO: Isulat ang letra sa patlang sa mga sumusunod na simbolo ayon sa lahi ng hayop na nakalahad sa bawat
bilang.
A- Kung lahi ng Baboy
B- Kung lahi ng Manok
C- Kung lahi ng Kuneho
D- Kung lahi ng Itik
_____31 Muscovy
_____32. LAndrace
_____33. Jersey
_____34. Small Chinese
_____35. Broiler
_____36. White Legron

V. PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

37. Huwag hayaang nakahantad ang mga sisiw sa ilaw nang mahigit sa ________ oras.
A. 12
B. 20
C. 15
D. 24
38. Latagan ng _______ ang kulungan ng mga nagingitlog na babaeng pugo.
A. dyaryo
B. linoleum
C. plastic
D. buhangin
39. Wisikan ng _______ ang mga biik upang maging maginhawa kapag tag-init.
A. gasolina
B. tubig
C. pabango
D. liquid soap
40. Ang ________ mash ay para sa mga patabaing baboy na inihahanda upang katayin.
A. starter
B. laying
C. fattening
D. growing
41. Mas mainam ilagay ang kulungan ng mga manok kung saan may _____ upang maging dagdag proteksyon sa mga ito.
A. puno
B. namumulaklak na halaman
C. maraming tao
D. ilog
42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring ipakin sa kuneho?
A. dahon ng kamote
B. karne
C. repolyo
D. palay
43. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pakinabang sa pagtatayo ng palaisdaan?
A. karagdagang kita
B. abala
C. libangan
D. pagtutulungan ng pamliya
44. Alin sa mga sumusunod ang isdang HINDI maaaring alagaan?
A. Karpa
B. Tilapia
C. Bangus
D. Dulong
45. Lahat ay maaaring paglagyan ng inaalagaang tilapia maliban sa _________?
A. Artipisyal na sapa
B. Ginawang kulungan
C. timba
D. drum
46. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa pag-aalaga ng isda?
A. Ang pag-aalaga nito ay nangangailngan lamang ng maliit na espasyo.
B. Ang pag-aalaga ng isda ay hindi maaari sa mga anak.
C. Ang pag-aalaga ng isda ay isang maselang libangan.
D. Ang pag-aalaga ng isda ay magastos na gawain ng pamilya.
47. Ano ang kabutihan sa mga peste at sakit na maaaring dumapo sa mga isda?
A. Maraming pamuksa sa mga ito
B. Namamatay ang mga ito nang kusa
C. Madali ang mga itong mapuksa
D. Hindi ang mga ito delikado sa mga isdang maliliit.
48. Alin sa mga ito ang isdang pinakamadaling paramihiin at alagaan?
A. Karpa
B. Tilapia
C. Bangus
D. Dalag
49. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pataba sa mga isda?
A. Basurang plastic
B. Mga papel
C. Dumi ng manok
D. Buto ng mga hayop
50. Alin sa mga isdang ito ang may katangiang magtagal kahit wala sa tubig?
A. Hito
B. Bangus
C. Tilapia
D. Karpa

Inihanda ni:

JUVY F. MONARES
Guro

You might also like