You are on page 1of 3

ARAL. PAN.

2nd Quarter
Name: ________________________ LRN:______________________
Grade and Section: ______________

Panuto: Basahin at intindihin ng mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang saot
bago ang bilang.
1. Ano ang tawag sa paglipat ng tao o mga pangkat ng tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar
upang doon ay maghanapbuhay o manirahan?
a. Deregulasyon b. Migrasyon c. Globalisasyon d. liberalisasyon
2. Saan nakasalig ang heograpikal na dahilan ng migrasyon?
a. Kabuhayan b. Kapaligiran c. Pamahalaan d. ultura
3. Alin ang isang palatandaan ng politikal na dahilan ng migrasyon?
a. paghahangad ng mataas na antas ng edukasyon
b. paghahangad ng mataas na kita ng manggagawa
c. pagbabago ng panahon at klima ng bansa
d. kawalan ng seguridad ng mga mamamayan
4. Si Josie ay kabilang sa maliit na sektor ng lipunan. Dahil dito, nakararanas siya ng diskriminasyon.
Bunga nito, napilitan siyang lumipat sa isang bansang may mataas na pagpapahalaga sa katulad niya.
Anong dahilan ng migrasyon ang ipanakikita?
a. heograpikal b. Politikal c. Sosyal d. ekonomikal
5. Alin ang maaaring magbunga ng sapilitang migrasyon?
a.scholarship sa isang unibersidad sa ibang bansa
b. matinding digmaang sibil
c. matamlay na ekonomiya
d. paglaki ng pangangailangan sa migrant workers
6. Ang salapi o sahod ay isang malaking salik sa pagdedesisyon ng isang tao. Paano ito magiging lohikal
na dahilan ng migrasyon?
a. Kung makakabili ng mga inaasam na luho
b. kung makapagbibigay ng kasiyahan
c. kung makakatulong sa pagpapaunlad nh ekonomiya
d. kung makatutugon sa mga pangangailangan ng pamilya
7. Sa anong salik kabilang ang paghahanap ng kapayapaan, mga kalamidad, at paghahanap ng mas mainan
na hanapbuhay?
a.pull factor b. Negative c. Push factor d. immigration
8. Alin sa sumusunod ang may tungkuling lutasin ang mga kasong isinumite ng mga bansang may
suliraning teritoryal at hangganan?
a. Association of Southeast Asian Nations
b. Asia-Pacific Economic Cooperation
c. International Court of Justice
d. United Nations General Assembly
9. Ano ang mahalagang pangyayari noong Setyembre 5, 2012?
a. Pinalitan ng Pilipinas ang pangalan ng bahagi ng South China Sea na malapit sa teritoryo nito ng
"West Philippine Sea".
b. Dinakip ng Philippine Navy ang mga Tsinong mangingisda na ilegal na nangunguha ng
mga endangered species.
c. Sinimulang pagbawalan ng China ang mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal.
d. Nagpulong ang mga lider ng Pilipinas at China ukol sa kung aling bansa ang may kapangyarihan sa
South China Sea.
10. Aling pangungusap ang hindi direktang pakikilahok o pakikisangkot sa suliraning teritoryal at
hangganan?
a. Ang pagsasanay ng Moro fighters upang labanan ang mga Malaysian guards sa Sabah at maangkin
ang teritoryong ito.
b. Ang pagbuo at pagsasarili ng Taiwan dahil sa hindi nito pagsang-ayon sa pamamalakad ng China.
c. Ang pakikilahok ng pangulo ng USA sa pagbibigay-payo kung paano mareresolba ang alitan ng mga
bansa sa South China Sea.
d. Ang pag-aagawan ng China, Brunei, Pilipinas, Malaysia, Taiwan, at Vietnam sa South China Sea.
11. Ito ay tumutukoy sa sigalot o hindi pagkakasundo sa pag-aari o sa kontrol ng teritoryo at hangganan sa
pagitan ng dalawa o higit pang bansa o estado.
a. suliranin sa pandaigdigang pangkapayapaan
b. digmaang sibil
c. suliranin sa teritoryo at hangganan
d. epekto ng agawan sa mga lupain
12. Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Dahil dito, wala itong malinaw na________.
a. pamahalaan b. Estado c. Hangganan d. teritoryo
13. Ang pag-aangkin ng China sa mga isla sa South China Sea ay nagdudulot ng mga suliraning
pampolitika, pandiplomatiko, at .
a. pang-edukasyon b. pang-ekonomiya
ARAL. PAN. 2nd Quarter
c. pangkalusugan d. pangkalikasan
14. Bakit suliranin ng Pilipinas ang lokasyon at anyo nito?
a. Marami at mahaba ang mga baybayin nito.
b. Salat ito sa mga likas na yaman.
c. Malabo ang nakatakda nitong hangganan.
d. Kulang ito sa sangkap bilang estado.
15. Si Mang Cardo ay isang mangingisda. Nakatira siya sa baybayin ng Ilocos na nakaharap sa West
Philippine Sea. Paano nakaaapekto ang pag-aagawan ng teritoryo ng China at Pilipinas sa kanyang
pamumuhay?
a. Maaaring ipakiusap ng lokal na pamahalaan na lisanin na niya ang pangingisda sa halip ay magsaka
na lamang.
b. Maaari siyang suportahan ng China sa kanyang kabuhayan sampu ng iba pang mangingisda.
c. Maaaring paghatian ng dalawang bansa ang lahat ng mga yamang makukuha sa West Philippine Sea.
c. Maaari siyang mawalan ng kabuhayan kapag dumami ang mga mangingisdang Tsino.
16. Ano ang dahilan ng suliraning teritoryal at hangganan?
a. pagkakaiba ng mga kultura (lalo na sa relihiyon), pangkat etniko at sistemang politikal
b. paghahangad sa likas na yaman
c. kawalan ng malinaw na batayan o dokumento ng hangganan
d. lahat ng nabanggit
17. Ang Spratly Island ay isang grupo ng mga islang matatagpuan sa __________.
a. South Philippines Sea c. West Philippines Sea
b. North China Sea d. East China Sea
18. Ang political dynasty ay tumutukoy sa isang grupo na karaniwan ay na may maraming miyembro na
nagsisilbi sa pamahalaan sa mga posisyong inihalal o mga elected position.
a. Partylist b. Korporasyon c. paaralan d. pamilya
19. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng politikal dynasty maliban sa:
a. kahirapan c. Incumbency effect
b. iron law of oligarchy d. popularidad
20. Si Ryan C. Yu ay nahirang bilang Presidente ng kanilang barangay sa taong kasalukuyan. Dahil sa
bagong administrasyon naghirang siya ng mga bagong opisyales kasama ang kanyang dalawang pinsan
at kapatid mga kapatid na sina Mia at Gwen. Ang sitwasyong ito ay nagpapakita ng __________.
a. Martial Law b. Nepotismo c. Political dynasty d. iron law of oligarchy
21. . Ang mga Binay sa Makati. Noong 2010 hanggang 2013, si Jejomar Binay, Sr. ang ikalawang pangulo
ng bansa, samantalang si Jun-jun Binay ang punong-bayan ng Makati, si Abi Binay ay kinatawan ng
Makati sa Kongreso, at si Nancy Binay ay senador. Anong uri ng politikal dysnasty ito?
a. fat dynaties b. Vertical growth c. nepotismo d. horizontal growth
22. Alin ang tumutukoy sa salitang graft?
a. Ang pagbubulsa ng opisyal ng pamahalaan sa malaking bahagi ng kaniyang pork barrel
b. Ang pagbibigay ng impormasyon ng pamahalaan tungkol sa SALN ng mga konggresista.
c. ang pagsasampa ng kasong katiwalian sa mga hukuman at sa Sandiganbayan.
d. Ang paghirang ng bise-presidente sa kanyang anak bilang kanyang Chief of Staff.
23. Ano ang tawag sa hindi marangal, mapanlinlang, at makasariling pang-aabuso sa ipinagkatiwalang
kapangyarihan?
a. Corruption b. Graft c. Bribery d. nepotism
24. Sino-sino ang tinutukoy na ghost employees?
a. Mga manggagawang hindi totoong naninilbihan sa isang opisina o proyekto
b. mga akusadong opisyal ng pamahalaan sa kasong pangunguwalta at katiwalian
c. mga nagsisiyasat at nagsasakdal sa mga napagbibintangang tiwaling opisyal ng pamahalaan
d. mga kamag-anak ng isang opisyal ng pamahalaan na hinirang nito kahit kulang sa
kuwalipikasyonnggaganinilbihan sa
25. Kumukuha ng lisensiya para sa pagmamaneho si Edgar. Ayon sa kausap niyang empleyado, kailangan
daw niyang magpadulas ng kaunting halaga upang mapabilis ang pagpoproseso nito. Anong uri ng graft
and corruption ang ipinakikita?
a. pangingikil b. Panunuhol c. Pamimili ng boto d. pangungunsintigingi
26. Ano ang karaniwang nangyayari kapag talamak ang graft and corruption sa isnag estado?
a. Umuunlad ang kabuhayan at turismo ng bansa
b. mahirap makaahon sa kahirapan ang mga mamamayan
c. laging may napipintong digmaan sibil sa pagitan ng mayayaman at mahihirap
d. nakapagpapatayo ng mga sports complex na napakikinabangan ng nakararami
27. Alin ang larawan ng hustisyang nakakamit ng mamamayan laban sa mga tiwaling opisyal ng
pamahalaan?
a. Ang pagpatay sa mga pinaghihinalaan kahit walang paglilitis
b. Ang paghimok sa mga mamamayang makiisa sa adhikain ng pamahalaan
c. Ang pagkakanlong at pagtatanggol sa mga akusado sa kasong kinasasangkutan
d. Ang pagdakip, paglitis, at paghatol sa napatunayang nagkasala
28. Suriin ang ibinigay na mga pahayag. Bakit talamak ang graft and corruption sa Pilipinas?
ARAL. PAN. 2nd Quarter
A. Mahina at kung minsan ay walang ngipin ang mga batas sa Pilipinas.
B. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga umuunlad pa lamang na bansa sa Asya.
a. Tama ang A: mali ang B c. Mali ang A: tama ang B
b. Kapwa tama ang A at B d. Kapwa mali ang A at B
29. Suriin ang ibinigay na mga pahayag. Paano malulutas ang graft and corruption sa isang bansa o estado?
A. Kailangan ng bansa ang disiplina, maalab na nasyonalismo, at determinasyon.
B. Kailangan ng bansa ang sistemang federalismo, batas-militar, at isang diktador.
a. Tama ang A: mali ang B c. Mali ang A: tama ang B
b. Kapwa tama ang A at B d. Kapwa mali ang A at B
30. Ang _______________ ay tumutukoy sa ilegal na pagkuha ng salapi mula sa pondo ng bayan ng mga
pampublikong opisyal para sa pansariling kapakinabangan.
a. Corruption b. Graft c. Bribery d. nepotism
31. Ano ang maling paggamit at pag-abuso sa kapangyarihan ng isang taong nasa posisyon para sa kanyang
pansariling interes?
a. money and power c. Check and balance
b. bribery and extortion d. graft and corruption
32. Bukod sa nakasisira ng imahe ng isang tao ang pagkakasangkot sa graft and corruption, ano pa ang
maaaring maging resulta nito?
a. hahayaan na lamang ng mga tao kahit pa tiwali ang kanilang lider basta nabibiyayaan sila.
b. magsasawalang-kibo na lamang dahil wala namang mangyayari sa kaso.
c. maaaring patalsikin ng mga tao ang lider kahit wala siyang kinalaman sa graft and corruption.
d. maaaring makulong ang isang taong mapatunayang nagkasala ng graft and corruption.
33. Ano ang maaaring maging epekto ng graft and corruption sa pagtingin ng mga mamamayan sa
gobyerno?
a. Positibo ang epekto nito sa mga mamamayan dahil nakikinabang din naman sila sa mga gawain at
proyekto.
b. Puwedeng mawalan ng tiwala ang mga tao sa gobyerno at hindi na nila suportahan ang mga programa
nito.
c. maaaring magalit ang mga tao at subukang saktan ang mga lider na sangkot sa katiwalian
d. walang malaking epekto ang graft and corruption sa mamamayan.
34.
35.
36.

You might also like