You are on page 1of 1

“Kahandaan sa Oras ng Kalamidad sa Barangay Barra”

Kategorya ng Proyekto:

Ang Gawain ay isang seminar para sa mga mamamayan ng Barangay Barra bilang
paghahanda sa mga darating na kalamidad.

Proponent ng Proyekto: Bb. Julianna Rose Carandang

Bb. Josephine Constantino

Bb. Rhea Jeriel Carpo

Bb. Daryll Ann De Guzman

Bb. Grace Bruce

Deskripsyon ng Proyekto:

Ang seminar ay tinatawag na “ Disaster Preparedness” para sa mga mamamayan ng


Brgy. Barra. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at sa panahon ng
kalamidad. Mahalagang malaman ng mga mamamayan ng Brgy. Barra ang mga dapat gawin
sa panahon ng kalamidad lalo na at kilala ang kanilang barangay na malapit sa dagat.
Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang impormasyon upang hindi mailto o maguluhan
ang mga mamamayan kung paano ang gagawin sa oras ng kalamidad.

Petsa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon
ng Setyembre 30, 2019.

Rationale:

Walang nakakaalam kung kalian darating ang isang kalamidad. Sinasabing maaari
itong maganap sa hindi inaasahang oras. Kaya’t ang proyektong Kahandaan sa oras ng
Kalamidad ay napapanahon at hindi mawawala sa uso. Ito ay naglalayong gawing handa
ang mga mamamayan ng Brgy, Barra. 100 katao ang inaasahang dadalo sa seminar bilang
mga respondante. Maituturing na mapalad ang gagawing proyektong ito dahil dadalo ang
ilang opisyal ng NDRRMC at Red Cross bilang mga speaker.

Gastusin ng Proyekto:

Sa proyektong ito tinatayang nasa P3,800 ang kabuuang halaga na inilaan sa


sumusunod na pagkakagastusan.

Aytem Bilang Halaga Kabuuan


Honorarium ng 1 P1,500 P1,500
Speaker
Pagkain ng Ispiker 1 P500 P500
Sertipiko ng mga 1 P300 P300
ispiker
Sertipiko ng mga 100 P5 P500
Kalahok
Tarpaulin 2 P500 P1,000
Kabuuan: P3,800
Benepisyong Dulot:

Ang makikinabang ay ang mga mamamayan ng Brgy. Barra. Ang layunin ay maging
handa ang bawat mamamayan sa pagdating ng sakuna o kalamidad.

You might also like