You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 5

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Cognitive Process Dimension

Bahagdan ng Aytem
Diffi
Easy Average

Blg. ng Aytem

ITEM PLACEMENT
Blg. ng Araw
cult
60% 30%
Pamantayan sa Pagkatuto/ 10%

Kasanayan

Understanding
Remembering

(Pag-unawa)

(Pagtataya)
(Aplikasyon)

(Pagbubuo)
(Pag-alala)

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
(Analisa)
1. Natatalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at 3 7% 4 2 1 1 1,2,3,4
ang konteksto nito kaugnay sa pananakop ng
Espanya sa Pilipinas
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan at layunin 2 5% 3 1 1 1 5,6,7
ng kolonyalismong Espanyol
3. Nakabubuo ng timeline ng mga paglalakbay 2 5% 3 1 2 8,9,10
ng Espanyol sa Pilipinas hanggang sa
pagkakatatag ng Maynila at mga unang
engkwentro ng mga Espanyol at Pilipino
4. Nasusuri ang iba-ibang perspektibo ukol sa 3 7% 4 1 1 1 1 11,12,
pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa 13,14
Pilipinas
5. Natatalakay ang mga paraan ng 2 5% 3 1 1 1 15,16,
pagsasailalim ng katutubong populasyon sa 17
kapangyharihan ng Espanya
5.1. proseso ng Kristiyanisasyon
5.2. Reduccion 2 5% 2 1 1 18,19
5.3. Tributo at encomienda 2 5% 2 2 20,21
5.4. Sapilitang paggawa 2 5% 2 1 1 22,23
6. Nasusuri ang relasyon ng mga paraan ng 3 7% 3 1 1 1 24,25,
pananakop ng Espanyol sa mga katutubong 26
populasyon sa bawat isa.
6.1 Naiuugnay ang Kristiyanisasyon sa reduccion
6.2 Natatalakay ang konsepto ng encomienda 3 7% 3 1 2 27.28.
at mga kwantitatibong datos ukol sa tributo, 29
kung saan ito kinolekta, at ang halaga ng
mga tributo
6.3 Nasusuri ang mga patakaran, papel at 3 7% 3 2 1 30,31,
kahalagahan ng sapilitang paggawa sa 32
pagkakatatag ng kolonya sa Pilipinas
7 Nasusuri ang naging reaksyon ng mga Pilipino 3 7% 4 2 1 1 33,34,
sa Kristiyanismo 35,36
8 Natatalakay ang kapangyarihang Patronato 3 7% 3 1 1 1 37,38,
Real 39
8.1 Nasusuri ang pamamalakad ng mga prayle
sa pagpapaunlad ng sinaunang Pilipino
8.2 Natutukoy ang mga tungkulin o papel ng 3 7% 3 1 1 1 40,41,
mga prayle sa ilalim ng Patronato Real 42
8.3 Naipaliliwanang ang mga naging reaksyon 3 7% 3 1 1 1 43,44,
ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga 45
prayle.
9 Nakapagbibigay ng sariling pananaw tungkol 4 9% 5 1 1 1 1 1 46,47,4
sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala 8.49.50
ng mga prayle
Kabuuan 43 100% 50 8 20 2 9 6 5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Panuto: Basahin ang bawat kalagayan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang salitang kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng


malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Ano ang tawag sa lugar o bansa na tuwirang
kinontrol at sinakop nito?
A. Imperyalismo B. Kolonya C. Komunista D. Monarkiya

2. Naging palakaibigan ang mga katutubong pinunong nakilala ni Magellan subali’t hindi naging
maganda ang pagtanggap sa kanila. Sino ang pinuno nang dumating sila sa Mactan?
A. Rajah Humabon B. Rajah Kolambo C. Lapu-Lapu D. Zula

3. Sa panahon ng mga Espanyol ay nagkaroon ng ibat-ibang gampanin ang mga pari. Alin sa
mga sumusunod ang ginagampanan ng mga pari noon hanggang sa kasalukuyan?
A. Tagapaningil ng buwis sa mga mamamayan
B. Tagapagturo ng mga aral at katuruan ng simbahan
C. Maaaring maging kapalit sa mga opisyal ng pamahalaan
D. Pagiging inspektor sa aspektong pang edukasyon at pangkalusugan

4. Maraming mga pangyayari ang naganap sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Alin
ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
1. Si Magellan sa Cebu 3. Tagumpay ni Legazpi sa Maynila
2. Labanan sa Mactan 4. Unang Misa sa Limasawa

A. 4321 B. 4213 C. 4123 D. 4132

5. May mga dahilan ang isang bansa na nanakop ng iba pang bansa. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI dahilan ng pananakop?
A. Makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain.
B. Maipalaganap ang relihiyong dala nila
C. Upang maging kilala sila sa buong mundo
D. Mapalawak ang kanilang kapangyarihan

6. Ang pagpapalaganap ng relihiyong pinaniniwalaan ay isang dahilan upang sakupin ang


teritoryo nito. Ano ang nais nilang paunlarin sa ginawang pananakop?
A. Pangkabuhayan B. Pangkultura C. Pampulitika D. Pangrelihiyon

7. Sa pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas naging mabuti ang pakikitungo ng mga katutubo
dahilan upang maging kolonya ang Pilipinas ng Espanya. Tama ba ang ginawang
pagtanggap ng mga Pilipino?
A. Oo, dahil niyakap nila ang Kristiyanismo.
B. Oo, dahil kailangan nilang ipagtanggol ang kanilang kalayaan.
C. Oo, dahil nakapagdulot ng kaunlaran sa kabuhayan ng bansa.
D. Oo, dahil naiwasan ang pagkamatay ng mga Pilipinong lumaban noon.

8. Kung bubuuin mo ang time line ayon sa pagkakasunod-sunod ng naging paglalakbay ng


mga Espanyol sa Pilipinas hanggang sa pagkakatatag ng Maynila, paano mo ito bubuuin?
I I I I
Marso 16, 1521 Marso 31, 1521 Abril 5, 1521 Abril 27, 1521

1. Narating ng mga Espanyol ang Limasawa, Leyte at idinaos dito ang unang misang
Katoliko
2. Naganap ang labanan sa Mactan kung saan napatay si Magellan.
3. Dumating sina Magellan sa Arkipelago ni San Lazaro o Islas de San Lazaro.
4. Dumating sina Magellan sa Cebu ay nagtayo sila ng krus.
A. 3142 B. 1324 C. 1243 D. 3241

9. Bago makarating ang ekspedisyon ni Magellan sa Pilipinas. Ano ang mahahalagang


pangyayaring naganap ayon sa timeline?

I I I
Setyembre 20, 1519 Oktubre 21, 1520 Marso 6, 1521

a. Nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa pulo ng Guam.


b. Nagsimula ang ekspedisyon ni Magellan.
c. Natuklasan nila ang anyong tubig na nag-uugnay sa Atlantic Ocean at Pacific Ocean.
A. cba B. bca C. abc D. dac

10. Ang timeline ay nagpapakita ng mga pangyayari sa pagkakatatag ng Maynila. Alin ang
wastong pagkakasunud-sunod ayon sa timeline?

I I I
Mayo 24,1570 Mayo 16,1571 Hunyo 24, 1571

a. Tangkang pagsakop sa Maynila sa pamumuno ni Martin de Goiti.


b. Paglusob sa Maynila sa pamumuno ni Legaspi.
c. Pinasinayaan ni Legaspi ang Maynila bilang kabisera ng Pilipinas
A. abc B. cba C. bac D. bca

11. Ang pakikipagsanduguan sa pagitan ng dalawang pinuno ay tanda ng kanilang


pagkakaibigan. Kanino nakipagsanduguan si Magellan nang dumaong ang kanilang barko
sa Cebu?
A. Rajah Humabon B. Rajah Kolambu C. Lapu-Lapu D. Sikatuna

12. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Maliban sa Kristiyanismo, ginamit din ng mga Espanyol
ang espada upang mapasailalim sa kanilang kapangyarihan ang mga Filipino”.?
A. Paggawa ng espada ang pangunahing hanapbuhay ng mga Espanyol sa Pilipinas.
B. Itinuro ng mga Espanyol ang paggamit ng espada bilang isang uri ng pampalakasan.
C. Ang mga Espanyol ay nagsama ng mga misyonero sa kanilang ekspedisyon sa
Pilipinas
D. Pinalaganap ang Kristiyanismo at nagpatupad ng mga patakaran sa Pilipinas gamit
ang dahas.

13. Bakit nabigo ang mga katutubong Filipino sa pagpigil sa mga dayuhang Espanyol na sakupin
ang kanilang mga pamayanan?
A. Limitado ang kapangyarihan ng mga prayle.
B. Malawak ang kapangyarihan at impluwensya ng mga prayle.
C. Binigyan ng ibat-ibang tungkulin ang prayle maliban sa pagmimisa
D. Naging sunod-sunuran ang mga prayle sa kagustuhan ng mga opisyal ng
pamahalaan.

14. Ano ang iyong konklusyon tungkol sa kapangyarihang taglay ng mga prayle noong
panahong kolonyal?
A. Naging sunod-sunuran ang mga prayle sa kagustuhan ng mga opisyal ng
pamahalaan.
B. Binigyan ng ibat-ibang tungkulin ang prayle maliban sa pagmimisa.
C. Malawak ang kapangyarihan at impluwensya ng mga prayle.
D. Limitado ang kapangyarihan ng mga prayle.

15. Ano ang tawag sa misyon na ipinadala ng pamahalaang Espanyol sa mga prayle upang
mapadali ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa Pilipinas?
a. doctrina B. reduccion C. pagbibinyag D. kristiyanisasyon

16. Ano ang tawag sa misyon na ginawa ng mga Espanyol na ipinadala ng mga Espanyol
upang mapadali ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga Pilipino. Alin sa mga
sumusunod na pamamaraan ang kanilang ginawa?
A. Hinikayat nilang lumipat sa sentro ang mga Pilipino na naroon ang simbahan at mga
prayle.
B. Sapilitan nilang itinuro ang Kristiyanismo at pinarusahan ang hindi sumunod dito.
C. Tinuruan ang mga Pilipino na mamalakad ng sarili nilang simbahan.
D. Inilipat sila sa kapatagan upang maging mga tagasunod.

17. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy na dahilan ng mga Espanyol upang
ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa?
A. mas madaling mapamahalaan ang kolonya.
B. makapagpatayo sila ng mas maraming simbahan.
C. maipakitang sa mga Pilipino na makadiyos ang mga Espanyol.
D. maipakita sa mga Pilipino na mas maganda ang turo ng relihiyong Kristiyanismo kaysa
sa dati nilang paniniwala.

18. Upang masolusyunan ang suliraning ng mga Espanyol sa panirahan ng mga katutubong
Pilipino, sila ay nag-isip ng paraan upang mapagsamasama sila. Ano ang pamamaraang ito?
A. Encomienda B. Reduccion C. Kristiyanisasyon D. Sapilitang Paggawa

19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa ilalim ng sistemang reduccion na naitatag
ngmga Espanyol sa ating bansa?
A. Paggamit ng araro sa paghahanda ng lupang sakahan.
B. Paggamit ng makabagong makinarya sa pagtatanim.
C. Ipinakilala ang pagtatanim ng mga bagong binhi.
D. Ipinakilala ang bagong sistema ng irigasyon.

20. Nag-alsa ang mga Pilipino dahil sa pagmamalabis na ginawa ng mga naninigil ng buwis. Ano
ang unang hakbang na ginawa upang maipakita ang kanilang pagtutol sa tributo?
A. Mas piniling manirahan ng ibang mga Pilipino sa bundok.
B. Sumunod sila subalit labag sa kanilang kalooban.
C. Nagsumbong sila sa gobernador-heneral.
D. Nakipag-usap sila sa gobernadorcillo.

21. Sa kabila ng mga magagandang pagkakataon na ipinagkaloob sa mga encomiendero ng


Pamahalaang Espanyol, ano ang masamang ginawa nila na naging dahilan upang ipatigil
ang sistemang encomienda?
A. Pinarusahan ang mga Pilipino.
B. Nagatalag siya ng mga taong maglilingkod sa kanya.
C. Nagbigay sila ng mga pabuya sa mga taong tapat sa kanila.
D. Inabuso ang kanilang tungkulin at pinagbayad ang mga Pilipino ng sobra-sobrang
buwis.

22. Ang sapilitang paggawa ay isang patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga


Espanyol. Ano ang naging dahilan ng mga Espanyol sa pagpapatupad nito?
A. matutustusan ang pangangailangan ng pamahalaan sa mga pagawaing
pambayan
B. maging maganda nag pamamalakad nila at madisiplina ang mga Pilipino.
C. makatipid ang pamahaan sa mga gastusin sa pagsasaayos ng bansa.
D. mapadali ang mga gawain ng mga dayuhan.
23. Sa pagpapatupad ng sistemang polo ng mga Espanyol may mga naging epekto ito sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng
mabuting epekto nito?
A. Napabayaan ang pagsasaka ng mga Pilipino.
B. Marami ang tumakas at namundok na lamang dahil sa pahirap na dulot nito.
C. Natustusan ang pangangailangan ng pamahalaan para sa mga pagawaing bayan.
D. Nahiwalay ang mga kalalakihang Pilipino sa kanilang pamilya dahil pinagtatarabaho
sila sa malalayong lugar.

24. Ano ang naging kaugnayan ng Kristiyanismo sa Reduccion?


A. Naturuan ng Katesismo at naging Katoliko ang mga mamamayan
B. Naipatupad ang sistemang polo y servicio o sapilitang paggawa
C. Nailipat ng tirahan ang mga pamilya sa isang pamayang tinawag na pueblo
D. Naatasan ang pagtatatag ng mga panirahan ang mga bagong binyag sa
Kristiyanismo at ang mga hindi pa nabibinyagan

25. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagtatag ng sistemang reduccion?
1. Maisaayos ang pangongolekta ng buwis
2. Mapadali ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo
3. Makontrol ng mga Kastila ang mga nasasakupang parokya
4. Mabigyan ng matiwasay na pamumuhay ang mga katutubong Pilipino na
ninirahan sa mga kabundukan.
A. 123 B. 234 C.134 D. 124

26. Kung ang paghahanda sa mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal ay tinatawag na


reduccion, ano naman ang tawag sa paghahanda sa kanila sa pamahalaang parokya?
A. Doktrina B. Linear C. Circular D.Pueblo

27. Noong 1580, sinimulang ipatupad ang sapilitang paggawa o polo y servicio sa lahat ng
kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60. Paano makakalibre ang mga lalaking
sasailalim sa sapilitang paggawa at maliligtas sa pagtatrabaho ng 40 araw sa loob ng isang
taon?
A. Magbabayad sila ng buwis na falla.
B. Magbabayad sila ng doble ng tributo o buwis.
C. Magbibigay sila ng lahat ng kanilang aning produkto.
D. Magtatrabaho ang kanilang asawa o kapatid na babae.

28. Ano ang kauna-unahang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol na kung saaan
ipinagkakatiwala ng hari sa isang tapat na Espanyol ang paniningil ng tributo?
a. Encomienda B. Tributo C. Polo y Servicio D. Bandala

29. Ang produktong nalikom mula sa tributo ay ipinagbibili ng mga enkomendero sa mga
Pilipino sa napakataas ng halaga, Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino ukol dito?
A. Nagsawalang kibo C. Sumang-ayon ang mga Pilipino
B. Nag-alsa laban ditto D. Nakiisa sa mga enkomendero

30. Ang sapilitang paggawa ay naging matinding dagok para sa mga Pilipino. Alin sa
sumusunod ang hindi magandang dulot ng Sapilitang Paggawa o Polo Y Servicios?
A. Maraming tulay ang naipagawa. C. Nagkaroon ng trabaho ang mga Pilipino
B. Naging mahirap ang komunikasyon D. Nahiwalay ang mga lalaki sa kanilang pamilya

31. Sapilitang nagtrabaho ang mga Polista sa mga pagawaang bayan. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI kabilang sa Polo Y Servicio?
a. Pagtatayo ng gusali at simbahan
b. Pagsasaayos ng mga sirang daan at tulay
c. Pagtibag ng bato at paggawa ng mga sandata
d. Paniningil ng buwis at paghahanap ng pondo para sa pamahalaan

32. Ano ang naging patakaran ng Espanyol sa mga lalaking naninirahan sa bansa sa ilalim ng
sapilitang paggawa sa pagtatatag ng kolonya?
A. Ang may edad na 16-60 ay kailangang magtrabaho nang walang bayad sa loob ng 40 araw
B. Sila ay babayaran ng 10 reales kada araw sa kanilang trabaho
C. Bibigyan ng sariling lupang sakahan kapalit ng paggawa nila nang libre sa
pamahalaan
D. Magkakaroon ng sariling tahanan sa loob ng publo nang libre

33. Malaki ang naging impluwensya ng mga Espanyol sa mga Filipino kaya marami ang
nabinyagang Pilipino. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagpapabinyag ni Raha
Humabon at ng kanyang asawang si Juana kay Padre Valderama?

A. Pagtanggi sa pananakop ng mga Espanyol C. Pagtanggap sa Kristiyanismo


B. Pag- aalsa laban sa mga Espanyol D. Paglaban sa mga Espanyol

34. Nagkaroon ng pinakamahabang pag-aalsa si Daguhoy bilang reaksyon sa ginawa ng mga


prayle. Alin sa ibaba ang naging dahilan upang isagawa ang nasabing pag-aalsa?
A. Pagbibigay ng dote sa prayle
B. Pag-aalay ng misa sa mga Pilipino
C. Pagbibinyag at sandugo sa Limasawa
D. Pagtanggi ng mga prayle na magkaroon ng Kristyanong libing

35. Bakit nag – alsa si Apolinario dela Cruz o Hermano Pule noong 1841 sa mga Espanyol?
A. hindi pinayagan ng mga prayle na magkaroon ng kristiyanong libingan ang kanyang kapatid
B. ninanais niyang magpari subali’t siya’y tinanggihan dahil sa siya ay isang Indio
C. gusto niyang maipakitang matatapang ang mga Pilipino
D. ninanais niyang magtatag ng isang bagong relihiyon

36. Anong konklusyon ang maari mong mabuo sa naging bunga/ epekto ng patakaran/paraang
pananakop ng Espanyol sa Pilipinas?
A. Maraming Pilipino ang nag-alsa laban sa mga Kastila
B. Marami ang binalewala na lamang ang kanilang mga patakaran
C. Maraming Pilipino ang natuwa sa mga patakarang ipinatupad ng mga Kastila sa bansa
D. Umusbong ang diwang makabansa ng mga Pilipino at ipinaglaban ang kalayaan ng
bansa

37. Noong panahon ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon ng matinding suporta


ang pamahalaan sa simbahan sa larangang militar at pinansiyal. Ano ang tawag sa
pamamahalang ito?
A. Visita Real B. Mestizo Real C. Spanish Real D. Patronato Real

38. Ano ang kaibahan ng Paring Sekular sa mga Paring Regular?


A. Paghawak ng parokya C. Pangunguna ng isang misyon
B. Pagbubuo ng samahan D. Pagdaraos ng isang banal na misa

39. Paano kumikita ang mga prayle noong panahon ng pamahalaang Espanyol?
A. Ilipat ang mga tao sa mga bulubundukin upang makapagtayo ng sariling bahay
B. Sapilitang itinuro ang kristiyanismo at parusahan ang hindi sumunod dito.
C. Utusan ang mga Pilipino na lumipat sa bayan upang mamuhay sila nang masaya.
D. Hikayatin lumipat sa pueblo o bayan ang mga Pilipino kung saan mas maraming
simbahan at madali silang maabot ng mga prayle.

40. Sa ilalim ng Patronato Real, tungkulin ng haring tiyakin ang suportang pinansyal at militar ng
mga prayle. Ano naman ang tungkulin ng prayle kapalit nito?
A. Mapabinyagan ang lahat ng mga bata pagkapanganak pa lamang
B. Tiyaking maging Kristyano ang mga katutubo at talikuran ang sinaunang paniniwala
C. Siguraduhing maging kasapi din ang mga magulang ng mga bata bago ang mga ito
binyagan
D. Sama samang magsisimba ang pamilya sa oras ng pagbibinyag sa mga bata upang
masiguro ang suporta nila

41. Ano ang naisip na paraan ng mga prayle upang magkaroon ng kita o donasyon at
makalikom ng pondo para sa gawain?
a. Obras uno B. Obras pias C. Obras mejico D. Obras Pilipino
42. Naging matindi ang pananalig ng pamahalaang kolonyal sa mga prayle sa
pagpapalaganap at tagumpay ng kolonyalismo. Ang mga sumusunod na dahilan ang HINDI
kabilang dito?
A. naging matagumpay ang mga prayle sa pagpapaniwala sa mga katutubo na
nagpunta sila rito upang palayain ang mga katutubo mula sa pagsamba sa demonyo
at sa pang-aabuso ng datu
B. mas maraming prayle kaysa opisyal at mas matagal ang inilalagi ng mga prayle sa
kolonya kaysa sa mga opisyal
C. naging maliit ang papel ng simbahan sa kampanya para sa pasipikasyon
D. mas malapit ang mga prayle sa mga katutubo kaysa sa mga opisyal

43. Sa kabila ng sinasabing tagumpay ng mga prayle sa pagpapalaganap ng kristiyanismo, ano


ang naging reaksyon ng mga Pilipino ukol dito?
A. Natuwa ang mga mayayamang Pilipino at ipinamigay ang kanilang mga sariling lupa.
B. Marami sa mga Pilipino ang nagsipag –alsa laban sa pagmamalabis ng mga prayle.
C. Naging masigla ang mga Pilipino sa mga pagdiriwang at mga handaan.
D. Naging matapat sila sa pagbabayad ng mahal at labis na buwis.

44. Anong pamamaraan ang ginamit ng mga prayle upang sumunod ang mga Pilipino at
maniwala sa pamamalakad nila?
A. Hinikayat ang mga Pilipinong tanggapin ang Kristiyanismo at talikdan ang paganismo
o sinaunang pananampalataya nila.
B. Binigyan nang mahigpit na parusa ang mga katutubong hindi sumunod sa
pamamalakad nila.
C. Pinilit nilang agawin ang lahat na pagmamay –ari ng mga Pilipinong hindi naniwala
sa kanila.
D. Pinag-aralan nila ang wika ng mga katutubo upang marami silang maging kaibigan.

45. Bakit nakatulong ang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng mga sinaunang
Pilipino?
A. marami sa mga Pilipino ang nakapagbili ng kanilang mga sariling ani at kumita ng
maraming pera.
B. nakapagtayo ang mga prayle ng kawanggawang pundasyon kung saan nakalikom
sila ng maraming donasyon.
C. marami sa mga Pilipino ang dumaan ng hirap sa pang-aabuso ng mga prayle.
D. hindi kinilala ng mga Pilipino ang Diyos at patuloy sa mga anito.

46. Si Mang Alejandro ay kabilang sa mga katutubong nag-aklas dahil sa hindi pantay na
karapatan ang ibinigay ng mga prayle sa mga katutubo. Kung ikaw si Mang Alejandro, ano
ang nararapat mong gawin?

a. ipaglaban ang aking karapatan bilang isang katutubo


b. Sundin ang kagustuhan ng mga prayle
c. Ipagsawalang kibo na lamang
d. Wala akong hakbang na gagawin

47. Si Marisa ay isang ganap na Kristiyano sapagkat sinunod niya ang pitong sakramentong
itinuro ng mga prayle sa panahong kolonyal. Bilang isang Kristiyano, tama ba ang kanyang
ginawa?
A. Opo, nagpapakita ito ng lubos na paniniwala sa Kristiyanismo
B. Hindi, nagpapakita lamang ito ng takot natin sa mga Espanyol
C. Marahil, ito ay isang utos mula sa Espanya
D. Opo, dahil nakakatakot sumuway sa mga Espanyol

48. Pagpapalaganap ng Kristyanismo ang ginawang paraan ng mga Espanyol upang mas
mapadaling masakop at maging kolonya nila ang Pilipinas. Sa iyong palagay, kung hindi ito
ang paraang ginawa ng mga prayleng Espanyol, mapapadali ba ang pagsakop nito sa
Pilipinas?
A. Opo, sapagkat matatalino ang mga Espanyol
B. Opo, sapagkat may mga armas ang mga Espanyol
C. Hindi po, sapagkat magkakalayo ang pulo sa Pilipinas
D. Hindi po, sapagkat malalakas ang pwersa ng mga Pilipino

49. Sa ilalim ng Patronato Real nagkaroon ng iba’t ibang kaganapan sa buhay ng mga Pilipino
kung kaya’t iba’t iba rin ang kanilang naging reaksyon. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang sa reaksiyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle?
a. Pinili ng ibang Pilipino ang mag-alsa.
b. Maraming Pilipino ang mga nagpabinyag sa Katoliko.
c. Ang ibang Pilipino ay wala ng inaniban na relihiyon.
d. Nagdesisyon ang ibang Pilipino na mamundok at doon manirahan

50. Ano ang iyong konklusyon sa matagal na pamamahala ng mga prayle sa mga Pilipino?
A. Limitado ang kapangyarihan ng mga prayle.
B. Malawak ang kapangyarihan at impluwensyang dulot ng mga prayle.
C. Binigyan ng iba’t ibang tungkulin ang mga prayle maliban sa pagmimisa.
D. Naging sunud-sunuran ang mga prayle sa kagustuhan ng mga opisyal ng
pamahalaan.
Key to Correction

1. B 26. A
2. C 27. A
3. B 28. A
4. C 29. B
5. C 30. D
6. D 31. D
7. C 32. A
8. A 33. C
9. B 34. D
10. A 35. B
11. A 36. D
12. D 37. D
13. B 38. A
14. C 39. D
15. D 40. D
16. A 41. B
17. A 42. B
18. B 43. B
19. B 44. A
20. A 45. C
21. A 46. A
22. A 47. A
23. C 48. C
24. C 49. C
25. A 50. B
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 5

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

Cognitive Process Dimension

Bahagdan ng Aytem

Average

Difficult
Blg. ng Aytem

Easy
60%

30%

10%

ITEM PLACEMENT
Blg. ng Araw
Pamantayan sa Pagkatuto/
Kasanayan

Understanding
Remembering

(Pag-unawa)

(Pagtataya)
(Aplikasyon)

(Pagbubuo)
(Pag-alala)

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
(Analisa)
6. Natatalakay ang kahulugan ng 3 7% 4 2 1 1 1,2,3,4
kolonyalismo at ang konteksto nito
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa
Pilipinas
7. Naipapaliwanag ang mga dahilan at 2 5% 3 1 1 1 5,6,7
layunin ng kolonyalismong Espanyol
8. Nakabubuo ng timeline ng mga 2 5% 3 3 8,9,10
paglalakbay ng Espanyol sa Pilipinas
hanggang sa pagkakatatag ng Maynila at
mga unang engkwentro ng mga Espanyol
at Pilipino
9. Nasusuri ang iba-ibang perspektibo ukol 3 7% 4 1 1 1 1 11,12,13,
sa pagkakatatag ng kolonyang 14
Espanyol sa Pilipinas
10. Natatalakay ang mga paraan ng 2 5% 3 1 1 1 15,16,17
pagsasailalim ng katutubong
populasyon sa kapangyharihan ng
Espanya
9.1 proseso ng Kristiyanisasyon
9.2 Reduccion 2 5% 2 1 1 18,19
9.3 Tributo at encomienda 2 5% 2 1 1 20,21
9.4 Sapilitang paggawa 2 5% 2 1 1 22,23
10 Nasusuri ang relasyon ng mga paraan 3 7% 3 1 1 1 24,25,26
ng pananakop ng Espanyol sa mga
katutubong populasyon sa bawat isa.
10.1 Naiuugnay ang Kristiyanisasyon sa
reduccion
10.2 Natatalakay ang konsepto ng 3 7% 3 1 1 1 27.28.29
encomienda at mga
kwantitatibong datos ukol sa
tributo, kung saan ito kinolekta, at
ang halaga ng mga tributo
10.3 Nasusuri ang mga patakaran, 3 7% 3 1 1 1 30,31,32
papel at kahalagahan ng
sapilitang paggawa sa
pagkakatatag ng kolonya sa
Pilipinas
11 Nasusuri ang naging reaksyon ng mga 3 7% 4 1 2 1 33,34,35,
Pilipino sa Kristiyanismo 36
12 Natatalakay ang kapangyarihang 3 7% 3 1 1 1 37,38,39
Patronato Real
12.1 Nasusuri ang pamamalakad ng
mga prayle sa pagpapaunlad ng
sinaunang Pilipino
12.2 Natutukoy ang mga tungkulin o 3 7% 3 1 1 1 40,41,42
papel ng mga prayle sa ilalim ng
Patronato Real
12.3 Naipaliliwanang ang mga 3 7% 3 1 1 1 43,44,45
naging reaksyon ng mga Pilipino sa
pamamahala ng mga prayle.
13 Nakapagbibigay ng sariling pananaw 4 9% 5 2 1 1 1 46,47,48.
tungkol sa naging epekto sa lipunan ng 49.50
pamamahala ng mga prayle
Kabuuan 43 100% 50 9 10 11 10 5 5

You might also like