You are on page 1of 1

Buod ng Pagibig sa tinubuang lupa

Ang pagibig sa Tinubuan Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na

kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan.

1. Tula ang uri ng panitikan na aking binasa, Ang tula ay isang uri ng panitikan na

nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Binubuo ng saknong at taludtod ang

tula. May mga tula naman na walang sukat o malaya ang taludturan

2. Isa sa mga linya na tumatak saakin ay ang “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa

pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig

pa? wala na nga, wala.” Sa linyang ito direktang sinasabi ni bonifacio na wala ng

mas hihigit pa sa pag-ibig sa tinubuang lupa, pag inisip ito ng mas malalim pa,

maiisap na kung mahal mo ang iyong bansa, hindi lang sarili mo ang maiisip mo

kundi ang bawat tao o bagay na nakapalibot sayo. Ang tulang ito ay nakapag

bukas ng mata sa mga mamamayang Pilipino na mahalin ang kung ano ang

nararapat na satin.

3. Maaring gumamit ng maikling kwento o kaya naman ay sanaysay. Sa pag gamit

ng maikling kwenta maeengganyo ang mga tao dahil hindi ito kahabaan upang

basahin at sa maikling kwento na iyon nakapaloob na lahat ng nais iparating ng

isang manunulat, sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang

naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda, kaya naman kontrolado ito

ng manununulat

You might also like