You are on page 1of 2

Memory

POV1: Hindi sumagi ni minsan sa isip ko kung sino nga ba talaga ako. Ang alam ko lang kailangan
kong buuin ang sarili ko. Nagtataka nga ako eh ilang beses ko na siyang nakikita, isang imahe ng
babae na tila ba ang ganda ganda niya. Ang sarap haplusin ng kamay at mukha niya sa sobrang
kinis, ngunit alam ko na diko magagawa yun dahil bigla na lang siyang nawawala na parang bula.
Na sa tuwing tatangkain kong hawakan siya ay isang malamig na hangin ang dumadampi sa aking
balat at kasabay nito ang pagkawala niya. Sino ba talaga siya? Sino ba ako?
POV2: Back to back best player, the only women who become the world’s best baseball player,
none other than Bethina.
Here comes Bethina, for her first strike! Strike! She’s running, keep on running!
Anddd…..Scoreee!!!
Yesss! Bethina scores again!
POV1: Hi! Ako si Bethina. I was a former baseball player. Nakikita niyo bay an? Yan ako. Ang
galing ko no? Isa akong alamat dati, marami ang humahanga pero marami din ang naawa. Bakit
naawa? Diko din alam eh. Sa tuwing pipikit ako isang imahe ng babae ang nakikita ko. Isang babae
na masayahin,magiliw at malakas ngunit bat sa tuwing imumulat ko aking mata, puros kadiliman
na lamang ang aking nakikita. Panaginip lang ba ito?
POV1: Nakita ko na naman siya! Isa na namang imahe! Pero this time, imahe na ng bata. Bakit ka
umiiyak? Bat mo hinahanap ang mama mo? Nasan ba siya? Pero sa pagkakataong iyon hindi ko
na namalayan na lumuluha na rin ako kasabay ng pag iyak ng bata ang paghikbi ko at patuloy na
pagluha. Tumigil ka na. Bat ba ako naiyak. Sino ka ba? Ang tanong na yun ang nagpakita sa akin
ng katotohanan.
POV3: August 17, 1984, isang batang babae ang natagpuang nakahandusay at wala ng malay sa
gilid ng court. Dinala siya sa ospital at doon nagpagaling. Nagising siya ng walang maalala kahit
isa kung taga saan siya at ano nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na napaka swerte ng
batang iyon dahil nabuhay pa siya kahit nasa ganoong kalagayan siya. Walang pamilya, kamag-
anak o kahit kaibigan manlang. Pero isang bagay ang ipinagkait sa kanya na dadalhin niya at
dinadala niya hanggang ngayon. Na kahit anong gawin niya puros kadiliman lang ang nakikita
niya. Isa siyang batang pinagkaitan ng pamilya at higit sa lahat pinagkaitan ng paningin. Pero hindi
iyon ang nagpahirap sa kanya. At hindi ang kapansanan niya ang makakahadlang ng mga pangarap
niya. Siya si Bethina.
POV1: Goooo! Bryce Harper! Strikeeeee!
Balang araw magiging katulad din kita.
Goooo Bryce!
Alam niyo pangarap ko talagang maging isang baseball player. Kahit alam ko sa sarili ko
at maraming nagsasabi na hindi ko kaya dahil bulag nga ako at walang pag asa. Hindi ko man
matandaan kung sino ako, alam ko naman sa sarili ko matutupad ko kung ano man ang pangarap
ko.
POV3: Kilala na bilang kauna-unahang babaeng naging baseball player si Bethina. Kahit bulag
siya ay sinikap niyang maging baseball player. Nag ensayo siya ng mabuti at pinakiramdaman niya
ang bawat bola na tatama o ibabato niya. Sumikat siya at nagging tanyag pero hindi pa rin maalis
sa kanya kung sino nga ba talaga siya.
Present day:
POV1: Ma? Oo ako yung batang yun! Ako yun! Teka bat ako nandyan? Sino sila? Anong
nangyari? Bakit ako nakahiga dyan? At doon napagtanto na matagal na pala akong wala. Wala sa
mundong ito. Isang kaluluwa na lang pala ako na naglalakbay upang malaman ang katotohanan.
Ang katotohanan kung sino ba talaga ako. Siya pala yung lagi kong nakikita sa panaginip ko. Siya
si Bethina. Ako si Bethina.

You might also like