You are on page 1of 2

HOLY TRINITY SCHOOL OF PADRE GARCIA, BATS.

INC
UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7
A.Y. 2019-2020

PANGALAN:_________________________ ISKOR:________/50
SEKSYON:__________________________ PETSA:______________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat panuto. Ang ANUMANG URI NG
PAGBUBURA AY NANGANGAHULUGANG MALI.

I. PANUTO: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag. Tukuyin ang hinihinging kasagutan sa
bawat bilang.

__________________1. Isang matalinhagang pahayag na nagbibigayng mabisang kahulugan upang higit na


maging makabuluhan at makulay ang isang paglalarawan.

__________________2. Pangatlo sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas at kakikitaan ng mayamang kultura at


panitikan.

__________________3. Maituturing itong sining sapagkat nagtataglay ito ng ganda, ng halina na nagsisiwalat
ng tamis, ng pait, at pakla ng buhay.

__________________4. Ang awiting-bayang ito ay pumapaksa sa buhay ng isang mangingisda.

__________________5. Ito ay nagpapahayag ng damdamin ng tao at lumaganap sa pamamagitan ng


pasalindilang paraan kaya’t nabubuhay hanggang sa kasalukuyan.

__________________6. Buhay sapagkat ito ay nagbabago at patuloy na tumatanggap ng pagbabago.

__________________7. Ito ay kwento ng pinagmulan.

__________________8. Alpabetong itinuro ng mga Malay sa mga sinaunang Pilipino.

__________________9. Salitang humahalili sa pangngalan.

__________________10. Mga salitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay at pangungusap.

II.PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang sumusunod.

__________________11. Malakas ang potpot ng kotse.

__________________12. Hindi mahulugang karayom ang mga taong dumalo sa pagdiriwang.

__________________13. Ang matulin kong sapatos.

__________________14. Ang pananalig niya ay tila isang pader, matibay at matatag.

__________________15. Pagong ang kanyang lakad.

__________________16. Ngumiyaw ang pusa sa bubong.

__________________17. Ang matalino kong ballpen

III. PANUTO: Tukuyin at isulat ang antas ng wika ng sumusunod na salita.

_____________18. tubalan ____________ 23. pangga


_____________ 19. pista ____________ 24. Ilaw ng tahanan
_____________ 20. Ouch naman! ____________ 25. merkado
_____________ 21. petmalu ____________ 26. palengke
_____________ 22. wapakels ____________ 27. pamilihan
IV. PANUTO: Itapat ang mga salita sa Hanay C sa kaugnay nitong ideya sa Hanay V. Isulat sa
patlang bago ang bilang.

Hanay c Hanay V
________28. Mga Alamat ni Gat. Jose Rizal A. Rio Alma
________29. Ang Sundalong Patpat B. J.L. Royo
________30. Hitman C. Nina S. Magalong
________31. legendus D. Latin
________32. Sundalong patpat E. kabayong patpat
F. Ingles

V. Punan ang talahanayan ng mga kakailanganing salita ayon sa kayarian

Payak Tambalan Maylapi Inuulit

araw 33.______________ 34._____________ araw-araw

35.____________ 36.______________ matamis tatamis

buhay bahy-kubo mabahay 37.______________

VI. Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay pang-ugnay na PANGATNIG, PANG-UKOL, o
PANGK-ANGKOP. Isulat ang sagot sa patlang.

__________________38. Tutuloy tayo kung darating ang tatay.

__________________39. Alinsunod sa batas trapiko ang pagmamaneho ng lasing.

__________________40. Si Aling Dely ay mapagmahal na ina.

__________________41. Maging ikaw at ako ay hindi maghahangad na siya ay mapahamak.

__________________42. Ayon kay Dr. Jose P. Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

__________________43. Ang lahat ng magsasaka ay naghahangad ng masaganang ani.

__________________44. Mariing tumututol ang sangkaguruan sa “No Assignment Bill” ayon sa pagsusuring
isinagawa ng media.

VII. Tukuyin kung anong uri ng panghalip ang bawat salitang may salungguhit sa pangungusap.
Isulat ang sagot sa patlang.

__________________45. Ikaw ang hinahanap sa pagpupulong.

__________________46. Maraming proseso ang kailangan sa paggawa nito.

__________________47. Ang lahat ay inaanyayahan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

__________________48. Magkano ang kailangang pondo para sa proyekto mo.

__________________49. Bawat isa ay may tungkuling ginagampanan sa ating lipunan.

__________________50. Siya ang punong-tagapagdaloy ng pagdiriwang.

You might also like