You are on page 1of 2

1. Kailan at paano mo natuklasan ang cryptocurrency?

Ano ang naging impresyon mo


ukol dito?

Ipinakilala sa akin ng isa sa mga matalik kong kaibigan ang cyptocurrency noong mga panahon
na naging matunog ang terminology na “bitcoin”. Hinikayat niya akong subukan ito dahil isa raw
itong mas magandang investment na may mas malaking interest kumpara sa mga bangko. Noong
una ay nagdadalawang-isip ako dahil baka ito’y isang scam lamang, lalo na at hindi ito regulated
ng gobyerno at walang security, pero sa katagalan naman ay nalaman kong hindi naman pala ito
scam bagkus isa ring paraan upang kumita.

2. Ano ang nag-udyok sa iyo upang mamuhunan sa cryptocurrency? Mayroon bang nag-
impluwensya sa’yo o kusang loob ang iyong pagsali?

Kagaya nang sinabi ko kanina ay naimpluwensyahan lamang ako ng isa sa mga matalik kong
kaibigan. Nakita ko kasi kung paano rin nagbago ang buhay niya noong siya ay nagsimulang
mamuhunan sa cryptocurrency kaya noong ginusto niya akong turuan ay hindi na ako tumanggi
pa.

3. Bukod sa BxB Trading platform, may ibang trading platform ka pa bang nasubukan?
Kung mayroon, ano iyon? Ano ang pinagkaiba niya sa BxB platform? Kung wala naman,
bakit BxB and pinili mong trading platform?

Bukod sa BxB Trading platform ay wala na akong ibang trading platform pa na nasubukan. Sa
BxB trading ako nagsimula at nakita ko ang positibong epekto nito kaya naman walang dahilan
upang sumubok ako ng ibang trading platform.

4. Magkano ang kapital na iyong inilabas sa pamumuhunan sa cryptocurrency? Saan


galing ang ginamit mong puhunan?

Ang kapital na aking inilabas sa unang pamumuhunan ay nagkakahalagang 15,000 pesos, galing
ito sa aking sweldo mula sa aking trabaho. Naniniwala kasi ako na bukod sa trabaho ay mayroon
pa’ng isang source of income ang isang tao. Hindi naman kasi laging kakayanin ng ating
katawan ang magtrabaho kaya naisipan ko ring mamuhunan sa cryptocurrency dahil kailangan
lamang ng tamang strategy upang kumita.

5. Paano nananalo o natatalo ang kapital mo sa BxB trading? May mga stratehiya ka bang
ginagamit sa BxB trading platform upang kumita?

Para manalo ay dapat iwasan ang mga pagkakamali at siguraduhing tama ang prediction sa
graph. Hindi naman maiiwasan ang matalo, minsan ay swerte swerte lamang talaga ang labanan
at hindi na nangangailangan pa ng angkop na stratehiya.

6. Bilang isang namumuhunan, ano ang positibong naidulot sa’yo ng cryptocurrency?


Isa sa pinakapositibong naidulot sa akin ng cryptocurrency ay mas naging madali ang
pagbabayad ko sa aking mga binibili at bills. Hindi ko na kailangan pang pumunta sa mga
payment centers dahil isang pindot ko na lang sa aking mobile device ay makakabayad na agad
ako. Bukod pa roon, mayroon na ring napupuntahang mas maayos ang perang kinikita ko mula
sa pagtatrabaho kumpara kung ilalagay ko lamang ito sa bangko.

7. Bilang isang namumuhunan, may negatibong naidulot ba sa’yo ang cryptocurrency, ano
iyon?

Mayroon ding naidulot na negatibo sa akin ang cryptocurrency, isa na roon ay ang hindi
maiwasang pagkatalo at pagkalugi ng aking pera. Gayunpaman, natanggap ko rin na talagang
may mga risks ang pagpasok sa ganitong bagay pero lagi namang parte ng tagumpay ang mga
pagsubok kaya tumutuloy pa rin ako.

8. Sa unang beses mong pamumuhunan sa cryptocurrency, anu-ano ang mga bagay na


iyong natuklasan?

Sa unang beses kong pamumuhunan ay natuklasan ko na anonymous ang lahat pagdating sa


cryptocurrency at mayroon ding 24/7 access ang mga tao dito. Nagpapatunay na mas may
kalayaan sa paggamit ng cryptocurrency dahil kahit saan at kahit kailan ay maaari itong i-access
na walang takot na baka malaman ng ibang tao ang ilan sa mga personal na impormasyon ko.

9. Mahirap ba ang mamuhunan sa cryptocurrency? Kung oo, anu-ano ang mga hakbang
na iyong ginawa upang mapadali ito? Kung hindi, sa paanong paraan ito naging madali?
Kaya ba ito ng kahit na sino?

Wala namang madali sa una, talagang mangangapa ang mga baguhan sa cryptocurrency kaya
maganda talaga kung mayroon kang isang taong maaasahan upang turuan ka at tulungan sa mga
pasikot-sikot dito. Bukod roon ay may napupulot rin akong kaalaman sa ibang traders kaya hindi
na ganoong kahirap lalo na at pamilyar na ako sa cryptocurrency.

10. Masasabi mo bang mamumuhunan ka sa cryptocurrency nang matagal na panahon?


Kung oo o hindi, bakit?

Sa panahon ngayon ay totoo talagang lamang na ang mas may alam, ika nga nila ay eto ang
panahon kung saan teknolohiya na ang nagpapatakbo sa mundo. Isang malaking hakbang para sa
mga tao ang pamumuhunan sa cryptocurrency at tingin ko ay darating din sa punto na halos lahat
ng tao ay namumuhunan na sa cryptocurrency. Kaya oo, tingin ko ay mamumuhunan ako sa
cryptocurrency nang matagal na panahon.

You might also like