Professional Documents
Culture Documents
WALANG SUGAT Ni Severino Reyes
WALANG SUGAT Ni Severino Reyes
Unang Yugto
*kanta*
Tagpo 2.a
Julia: *ilalayo ang panyo kay Teňong. Pipilitin ni Teňong na makita ang panyo pero pilit itong inilalayo ni Julia* Huwag na, Teňong. Huwag mo munang tingnan, masama
ang pagkakakayari. Saka na lang, kapag maganda na. Sa ibang araw, ipapakita ko sa iyo.
Teňong: Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod kandila, na parang nilalik na maputing garing, ay may yayariin na hindi maganda? Hala na,
titingan ko lamang saglit…
Julia: Wag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko!
Teňong: Ay!
Teňong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, na ito ay nakita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko!
Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka… Hindi para sa iyo ang panyong iyan.
Julia: Hindi mo pangalan iyan. A-, sa amang iyan! Iya’y iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng Pasko.
Teňong: Hindi pala akin ah! Kung sa amang o sa demonyo ma’y bakit ang letra’y A, N at F?
Julia: Oo nga, ah, eh, pagka’t ang A ay amang, ang N ay natin, at ang F ay frayle. Amang natin frayle.
Teňong: Amang natin frayle? Niloloko mo ba ko? Laking kaalipustahan! Huwag mo kong aglahiin tungkol sa mga taong iya’t madaling
magpapanting ang tainga ko!
Teňong: Julia, magsabi ka nga ng totoo! Para sa Kura nga ba? Kapag di ko sinilaban ay sinungaling ako…
*kantas*
Tagpo 3.a
1
Juana: Julia, Julia, nakita mo ba ang baro kong makato?
Teňong: O mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligaya na kinamtan sa dibdib ay tinutugunan kapagdaka ng matinding dusa! O mundong
mandaraya! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango’t halimuyak ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.
Tagpo 4. A = Musika
Tagpo 5.a (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas.)
Kura 1.0.: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao ito…Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat …
maraming K(a), cabayo K(a).
Kura 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti
mamatay siya.
Kura 2.0.: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.
Kura 1.0: Hindi pagkain ang itinutukoy ko sa rasyon! Hindi! Ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga’t mamatay silang lahat. Ang rasyon na
sinasabi ko sa yo ay ang palo, maraming palo ang kailangan . (Suggestion: sana habang ginagawa ‘to pinapakita na si Inggo na inaapi)
Marcelo: Ah.. Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang mangagsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang
linggo na po silang walang tulog!
Kura 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban ang rasyon? Ang rasyon ng palo, ha.
Marcelo: Dati po’y tatlong kaban…ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po sa isang araw. Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125,
ay Huston 625 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa!
Kura 1.0: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay
hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga
buto, nagigit sa pagkakagapos.
Kura 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at bubusan nang tubig ang ilong,
at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?
Kura 1.0: (Sa mga kasama niya) Compañeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?
Tagpo 6.a
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.)
Kura 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at
ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pakawalan na lahat ang
mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.
Putin: Opo, among, mano na nga po…. Salamat po, among. (Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki.)
Kura 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila, cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e
ilustrados de la provincia, porque esto va mal.
3
Los 3: Si, si a fuislar, a fusilar.
Tagpo 7.a
Putin: Tenyong, kay sama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong nanatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan. Huwag po kayong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na
si tatang ay pakawalan! Bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng
apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!
Tenyong: Tatang!
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay!
Ang anyo ni amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa demonyong lahi kay Satang malupit
nakikiugali…Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa
kikitil.
Inggo: Huwag na….anak ko….hindi na maaari…luray luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong
pabayaan ang inang mo! Putin, ay Putin…Juana-Julia…kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila….Ang kaluluwa ko’y inihain ko na
kay Bathala.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap?
Tenyong: Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa
utang na madla.OO’t di ko matingnan, puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay amang ng mga taong hunghang ang awa’y nilimot sa kalupitan.
Julia: Tenong ko’y huwag ng isipin mo pa ang ipaghiganti buhay ng iyong ama. May diyos na tanto na nakakakakita, lahat ng gawa ng frayleng
khul.a
(Mga babae’t lalaki): Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.
Tenyong: Inang, masdan mo po….at masama ang lagay ni tatang,,,Inang, tingnan mo’t naghihingalo….Tatang, tatang….
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
4
---bababa ang tabing.
Tagpo 8.a
Putin: Tenong, hindi na yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katwan ko; nagsisikip ang aking dibdib, ang sakit ay tagos
hanggang likod! Ay Tenong, hindi ako makahinga. Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!
Tenyong: Oo, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy nasasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.
Tenyong: Julia!
Julia: Matitiis mo bang lisanin ang ina mo, gayo’t ganito ang kaniyang anyo? Hindi mo ba alam na ikaw lamang ang tanging makapagaaliw sa
kaniya? Bakit mo siya iiwan?
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa
paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?
Julia: Oo nga, Tenyong, nguni’t hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di katumbas ng isang babaing gaya ko.
Tenyong, huwag kang umalis!
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid. Tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping
ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos
niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “Mga anak ko,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na,
Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang…mga iaanak natin ay magising
pa sa kalagim-lagim na kaalipin.
Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang gargantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay
Tenyong ang gargantilya;) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol
ka sa mga panganib. /Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng
masaganang luhang sa mata’y nunukal.
5
Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin,
naaliping ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y
kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
Julia: Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.
Tagpo 10.a
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at
si Tenyong.)
Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
(Julia at Juana)
Salitain
6
Juana: Julia, igayak ang loob mo; Papunta na si Miugel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.
Juana: Bakit ba ganiyan ka makasagot, Julia? Hindi naman siya pangit… Kung tutuusin nga’y siya’y lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at
nakaririwasa…ano pa kulang?
Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay….
Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga – anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong una’y kapag
may lalaking nangingibig ay tinatatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod. Subalit ngayo’y
iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon… ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin
ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng
maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…
Julia: Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo! Ako po’y hindi makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil
sa tapat na udyok ng aking puso.
Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga,
ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!
(Papasok)
II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia: Halika!(Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…..
III TAGPO
Musika
7
Dalit ni Julia
na hindi mo na sinilip
sa ganitong pagkahapis.
tubusin sa kapanganiban,
at baka di na abutin
sa malapit na libingan.
sa malungkot na pantiyon,
Julia: (Gulat) Narito po pala kayo! Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po.
P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang inang mo?
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa….Marunong kang pumili, Miguel.
8
Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).
P. Teban: Masama, Juana, tila yata itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap… noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting
suweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; subalit ngayon nga, kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa… ang
mga patay ay hindi na dinadapit; ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-
tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na
hangin.
Miguel: Ang…ang…ang…
Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay, Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?
Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…
Tagpo 4.a
Lucas: Hindi po. Ngunit kung kailangan niyo talaga ay aking hahanapin siya. Sabihin niyo lang po…
Julia: Salamat, Lucas. Subalit ang tanging nais ko ay ihatid lamang sa kanya ang sulat na ito.
Lucas: Maaasahan niyo pong darating ito sa kanya. Kung wala nap o kayong iuutos, ako’y aalis na.
Julia: Wala na, Lucas. Sana’y makabalik ka agad, ibalita mo sa kanila na wala nang Kastila rito, iniwan at sukat itong bayan.
Tagpo 5.a
*musika*
Tagpo 6.a
10
IKATLONG YUGTO
Lucas: Kararating ko pa lamang. At opo, nabigay ko na. At wala po siyang sagot. Sa oras na sasagot na siya ay bigla namang dumating ang kaaway
Julia: Kung gayo’y napapalaban si Tenong? Naku! Hindi kaya masugatan! Kay laking panganib!
Lucas: Pinaalis po akod ako ni Kapitan Tenyong at baka raw mapahamak pa ‘ko at wala nang makapagbalita sa inyo. Subalit kung ako lamang ang
masusunod ay tutulong po ako sa kanila! Hindi ako natatakot sa mga putok, ang totoo nga’y hilig ko ang putukan.
Lucas: Marahil po, maliban lang kung.. Kung silay magkaroon ng ligamgam. Sige po, ako’y aalis na.
Tagpo 2.a
Julia: Narito na naman ang ulol na ito.. Babanggitin uli ang buwan, araw at mga bituin.. Pagkatapos ang ulan, alimuum at huni ng ibon…
Miguel: Bakit ba ayaw mo kong sagutin? O talang maliwanag, daig mo ang araw na bagong sumikat.
Julia: Miguel, totoog masakit na ang ulo ko. Huwag mo akong kausapin. Bawat tunog na nadidinig ko ay tila nginangatngat ng aso ang ulo ko, at ang
kumausap sa akin ay ibig kong…
Julia: (laugh) Ulol nga pala? Ang kumausap sa akin ay ibig ko nang … dikdikin. Naintindihan mo ba? Marteng matapang
--music—
Tagpo 3.a
Julia: Sinabi ko pos a kanya’y huwag akong kausapin sapagkat masakit po ang ulo ko. Ngunit lalo pa niya akong kinausap at sinabi pang ako si
Febo, tala, Venus at marami pang kaulolan.
Juana: Ganoon naman pala eh. (Kay Miguel): Julia lang ang itatawag mo sa kanya. Ayaw niyang pagwikaan ng mga tala, Venus.. Siya nga pala, ang
tatang mo’y hindi ba paririto?
Miguel: Patungo nap o rito, dumaan lamang sa bahay ni Fiscal Manuel.. Hindi naman po siya engrandeng engrande, subalit pumunta siya roon para
pasindahan ang lahat ng simbahan.. at sisita pa raw po ang lahat ng orquesta
Tagpo 4.a
Tadeo: MAbuti, parehas pa rin ng dati. Si Miguel lamang ang palaging sinisinat… Si Julia?
Juana: Narito po. Julia! Julia! Pumarito ka, tinatanong ka ng magiging biyenan mo.
Tadea: Hija, ibig ko’y ikaw ang pipili ng damit mong bibilhin..
Juana: Opo
Julia (sarili) Kay bigat nga naman talaga ng duko ko sa matandang ito, mukha ngang manununog.
Tadeo: (to Juana) Balae, ako sana’y may ipakikisuyo sa iyo na isang mumunting bagay. Huwag na nating hintayin pa ang ikadalawampu’t lima; sa
araw ng Sabadong darating ay iraos na natin ang mga bunso.
Julia: Ano itong narinig ko?! Ibig pang pabilisan ang pagsabi ng mabangis na kamatayan! Mga walang awa!
Juana: Tatanungin ko po si Julia kung pumapayag siya. (to Julia) Julia ipinakikiusap ng biyenan mo na sa Sabado na lang daw ang kasal.
Julia: Inang, sabihin mo pos a kanila na antabayanan ang araw na napagkasunduan! Bakit po minamadali nila?
Tadeo: Miguel, maghintay na! Ikaw ay umuwi na at dumaan kay Fiscal Manuel. Sabihin mo sa kanya na hindi na matutuloy sa Sabado.
Tagpo 5.a
*kanta*
Miguel: Julia! Nasan ka na? Naghihintay na si Pari Teban! Ano bang tagal ng salubungan yan? Napakatagal nga naman talaga!
Miguel: Kay sama naman ng sagot nito! Aling Juana, sabihin mo p okay Julia na totoong tanghali na. Magaalas-dose na nga yata eh!
Julia: Hayaan niyong maghintay siya! Si Tenong po’y mamamatay na… Kaaawa-awa naman, hindi po dapat iwan.
Juana: Mamamatay pala! Ginoong Heneral, masama raw po ang lagay ni Kapitan Tenong.
Heneral: Ginoong medico! Tignan niyo nga po ang Kapitan Tenong! Mamamatay pala.. Ginoo, mangyaring tawagin ang kura nang makapagkumpisal
ang Kapitang Tenong
“ang Kapitan Tenong na sa oras na ito’y lilipat sa baying tahimik, ay may huling kahilingan. Ipinagmamakaawa niya sa iyo Juana, at kay
Ginoong Miguell, na yayamang siya ay mamamatay rin sa oras na ito, ay mangyaring ipakasal sa kanya si Julia”
Kura: Sapagkat noon p ama’y may kasunduan na sila’y magpapakasal sa oras na ito.
Julia: Inang, ang tao pong nasa mahalagang oras ng kamatayan, at malapit ng dumulok sa hukuman ng Diyos ay hindi na nagsasasabi ng
kasinungalingan.
Julia: Inang!
*kanta parts*
13