You are on page 1of 5

FILIPINO 6 4th GRADING PERIOD

NAME: _______________________________________________________________________
TALASALITAAN:
1. kapit-bisig - nagtutulungan
2. bukas-loob - matapat, buong puso
3. hatinggabi - oras sa pagitan ng gabi at madaling araw o alas dose ng gabi
4. agaw-atensiyon - nakapupukaw ng pansin
5. magbubukang-liwayway - mag-uumaga
6. depinisyon - kahulugan o ibig sabihin
7. diyamante - isang uri ng mamahaling bata
8. intensiyon - hangarin, naisin
9. opinyon - personal na palagay o kaisipan ng tao
10. regalo - handog o kusang bigay

SANDUGO
 Bro.Mar- bagong dating na misyonero, napamahal na sa mga katutubo ng PANAKAN,MINDORO
- Naatasan na malipat ng destino kayat walang misyonero mula nang umalis siya
 Pitik at Bro. Mar- nakarinig nang malakas na bulahaw at iyakan isang umaga.
 Nadatnan nilang puno ng hinagpis ang mga tao at ang isang taong wala nang buhay
 Barang-namatay at hinala nila na siya ay nakatuwaan ng malign habang naglalaba sa ilog
 Bro. Mar- nakaramdan na hindi nasiyahan ang mga katutubo sa kanyang pagbisita sa labi ng Barang,
bumalik siya sa kanyang kubo na nanghihina
 Pangatlo na si Barang sa namatay dahil sa nakatuwaan ng maligno ayon kay Pitik
 Naisip na Bro. Mar na isa itong epidemya kayat pagkalibing ni Barang, pinangunahan niya ang
paglilinis ng lugar, pinaghiwa-hiwalay ang nabulok sa di-nabubulok, nilinis ang mga sisidlan ng tubig
dahil nanainiwala siya na MALARYA ang sakit na dumapo sa kanilang lugar
 Kinontra ng mga tao ang paliwanag ni Bro. Mar dahil sa akala nila na ang lahat ay parusa ni Bathala, at
ng maligno sa ilog
 Niyaya sila ni Bro.Mar na magdasal at napagtanto nila na ito ang nakalimutan nila buhat nang umalis si
Bro. Vener
 Dumating ang tulong ng 8 doktor, kompleto sa gamit at gamut at tama ang naging hinala ni Bro. Mar na
malarya ang epidemyang dumapo sa Panakan
ANG AKING MUNTING ANGHEL
 Ang munting anghel ay nakagapos sa KADENANG KARAYOM nang ipinanganak
 Nalulunos ang may akda nang makita ang kalagayan ng munting anghel
 DASAL ang naging dahilan ng paglakas nito
 DI MASUKAT ang pagmamahal at pag-ibig ng Panginoon sa kanya
 PAGMAMAHAL ang itinuturing na matatag na bakod sa munting anghel
BAHAGI ng AKLAT
1. Pabalat- takip ng aklat kung saan makikita ang pamagat ng aklat, may-akda at manlilimbag
2. Pahina ng Pamagat- pahinang kasunod ng pabalat
3. Karapatang Sipi- nilalaman nito ang taon ng pagkakalimbag, ang naglimbag,lugar kung saan inilimbag
4. Dedikasyon- makikita ang pangalan ng nais pasalamatan ng may-akda
5. Paunang Salita- nagtataglay ng nais iparating ng may-akda sa mambabasa kaugnay ng aklat
6. Talaan ng Nilalaman- listahan ng mga paksa at pahina kung saan matatagpuan ang mga ito
7. Teksto/Katawan ng Aklat- kabuoan ng lahat ng paksang taglay ng aklat
8. Tala- talaan ng mga paki-pakinabang na paksang makatulong sa mambabasa
9. Bibliyograpiya- paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sangguniang ginamit sa pagbuo ng aklat
10. Glosari- talaan ng mahihirap na salitang may kasamang kahulugan o paliwanag
11. Indeks- paalpabetong listahan ng paksang tinalakay sa akda at pahina kung saan ito makikita

PANG-URI- salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip


URI ng PANG-URI
1. Panlarawan- naglalarawan ng hugis, anyo, lasa, amoy,kulay at laki ng mga bagay.
Hal. Matulunging anak si Abel.
2. Pamilang- salitang nagsasaad ng bilang ng mga pangngalan
Uri ng Pang-uring Pamilang:
a. Patakaran- batayang bilang ( isa, pito, sanlibo)
b. Panunuran- pagkakasunod-sunod ( una, ikatlo, pansampu)
c. Pamahagi- bahagi o parte ng isang kabuoan ( kalahati, sangkapat)
d. Palansak- pangkatan,maramihan ( apatan, pituhan)
e. Pahalaga- halaga ng bagay na binibili ( dalawang libo, sandaang piso)
f. Patakda- tinitiyak nito na nag bilang ay di mababawasan ( pipito, iisa,lilima)
3. Pantangi- binubuo ng pangngalang pambalana at pantangi
Hal. barong Tagalog bagoong Balayan
KAANTASAN ng PANG-URI
1. Lantay- ang tuon ng paglalarawan ay isang pangngalan lamang.
Hal. Ang Diyos ay mabuti.

2. A. Pahambing na Patulad- paghahambing ng dalawang magkatulad na katangian ( sing, kasing, magsing,


pareho, kapwa)
Hal. Parehong mahalaga ang kanyang dalawang anak.

B. Pahambing na Di Magkatulad
 Pasahol- kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing ( di gaano, di gasino, di masyado)
Hal. Di masyadong maalaga ang tatay kaysa nanay.
 Palamang- nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing( higit,lalo, mas,di hamak)
Hal. Higit na mapalad ang pamilya niya ngayon kaysa noon.

3. Pasukdol- ang paghahambing ay higit sa dalawang bagay, lugar o tao.( sobra,ubod, saksakan,hari ng
Hal. Ang pamilya ang pinakamahalagang mayroon ang isang tao.

PAGSASANAY
A.Talasalitaan: Ibigay ang salitang tinutukoy sa mga sumusunod:
_____________1. handog, kusang bigay
_____________ 2. mag-uumaga
_____________ 3. matapat, buong puso
_____________4. alas dose ng gabi
_____________5. nakapupukaw ng pansin
_____________6. nagtutulungan
_____________7. kahulugan o ibig sabihin
_____________8. personal na palagay
_____________9. hangarin o naisin
_____________10. isang uri ng mamahaling bato

B. Tukuyin ang bahagi ng aklat na tinutukoy sa sumusunod. Isulat ang titik lamang
A. Indeks H. Katawan ng Aklat
B. Pabalat I. Bibliyograpiya
C. Glosari J. Karapatang Sipi
D. Talaan ng Nilalaman K. Dedikasyon
E. Paunang Salita L. Tala
F. Pahina ng Pamagat

_____1. pahinang kasunod ng pabalat


_____2. paalpabetong listahan ng paksang tinalakay sa akda at pahina kung saan ito makikita
_____3. talaan ng mahihirap na salitang may kasamang kahulugan o paliwanag
_____4. talaan ng mga paki-pakinabang na paksang makatulong sa mambabasa
_____5. nagtataglay ng nais iparating ng may-akda sa mambabasa kaugnay ng aklat
_____6. paalpabetong talaan ng mga aklat at iba pang sangguniang ginamit sa pagbuo ng aklat
_____7. - makikita ang pangalan ng nais pasalamatan ng may-akd
_____8. nilalaman nito ang taon ng pagkakalimbag, ang naglimbag,lugar kung saan inilimbag
_____9. listahan ng mga paksa at pahina kung saan matatagpuan ang mga ito
_____10. takip ng aklat kung saan makikita ang pamagat ng aklat, may-akda at manlilimbag
_____11. kabuoan ng lahat ng paksang taglay ng aklat
C. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap. Isulat kung ito ay panlarawan, pamilang o pantangi.
______________1. Kilala sa aming lugar ang kapeng Barako.
______________2.Mahuhusay ang unang pangkat ng mga mag-aaral.
______________3. Matulungin talaga ang batang si Margaret.
______________4.Ang pagdating ng mga bisita ay isahan.
______________5. Paborito niya talaga ang pagkaing-Pilipino.
D. Punan ng angkop na pang-uri ang pangungusap. Sundin ang hinihingi sa loob ng panaklong.
unang mabuti malaki maalaga malalang

1.Ang mga tao sa bayang ito ay __________ (panlarawan) na ngayon sa kanilang kapaligiran,
2.Nagkaroon ng __________ (panlarawan) sakit ang mga tao dahil sa maruming paligid.
3. __________ (panlarawan) epidemya ang dumapo sa kanilang lugar.
4. Siya ang _____________(pamilang) tao na tumulong sa bayan nila.
5. ___________(panlarawan) si Mang Kaloy sa lahat ng mga tao sa kanilang barangay.

Kapeng Barako walong pagkaing Pilipino isandaang libo mahihirap

6.Ang lahat na pamilyang ____________(panlarawan) ay binigyan ng tulong.


7. Paboritong kainin ng mga turista ang ____________________(pantangi)
8. __________ (pamilang)doktor ang dumating para tumulong.
9. Nagbigay ng____________________ (pamilang) ang aking nanay para sa matrikula.
10. Uminom ng ________________(pantangi) ang mga tiyuhin ko.
E. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay lantay, pahambing o pasukdol.

______1. Parehong magaling sumayaw sina Belinda at Dang.


______2. Malusog na sanggol ang isinilang ng iyong kapatid.
______3. Ubod ng ganda ang baybayin sa Boracay.
______4. Mas malikot kumilos ang alaga kong aso kaysa sa alaga mo.
______5. Matalino at mabuting kaibigan si Lydia.
______6. Ikaw na ang pinakamasayang tao sa mundo.
______7. Di masyadong maganda ang ang pinanood natin kagabi kaysa sa noong isang linggo.
F. Salungguhitan ang pang-uri sa pangungusap. Tukuyin kung ito ay pamilang o panlarawan o pantangi
______1. Sa loob ng kuweba ay walang mamahaling ginto.
______2. Makipot pala ang daan papunta sa barangay nina Tiyo Jose.
______3. Isang libong patawad ang aking natanggap mula kay Lester.
______4. Isang batalyon ng sundalo ang ipinadala ng pangulo sa Mindanao.
______5. Matapang ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan.
______6. May walumpung porsiyentong posibilidad na uulan sa Metro Manila bukas.
______ 7. Lilima ang kasya sa upuang ito.
______ 8. Mababait ang matulungin ang mga tao sa lugar ng Lolo.
______ 9. Kalahating asukal ang pinabili ni Inay kay kuya.
______ 10.Masarap sa halo-halo ang ubeng Baguio.
G. Tukuyin ang uri ng pang-uring pamilang ang sumusunod. (patakaran, panunuram, pamahagi, palansak,
pahalaga o patakda.
________________1. Lilima
________________ 2. Sangkapat
________________ 3. Sampu
________________ 4. Dalawang daang piso
________________ 5. Aapat
________________ 6. Pituhan
________________ 7. Ikatlo
________________ 8. Pansampu
________________ 9. Limandaan
________________ 10. iisa

You might also like