You are on page 1of 2

KASULATAN

ALAMIN NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NITO:

Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan

nina:________________, nasa hustong gulang, may-asawa at nakatira sa

_______________, na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;

at

__________________, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa ___

______________________________, na sa kasulatang ito ay tinaguriang

PINAGSANGLAAN.

NAGPAPATUNAY

Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng halagang

ANIMNAPUNG LIBONG PISO (P60, 000.00) na tinanggap at sumakamay ng

NAGSANGLA noong Enero 2019.

Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinangla ng NAGSANGLA ang isang

pwesto sa Tiangge ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria, na kanyang pagmamay-ari.


Bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinagpahintulutan ng NAGSANGLA

ang PINAGSANGLAAN na gamitin at pagtindahan ang nasabing pwesto sa Tiangge.

Na ang PINAGSANGLAAN ay nais nang makuha ang kanyang ipinautang sa

NAGSANGLA kapalit ng pagbabalik ng pwesto sa Tiangge.

Na bilang tugon sa kahilingang ito, nagbigay ng paunang bayad ang NAGSANGLA

sa halagang SAMPUNG LIBONG PISO (P10, 000.00) na siya namang tinanggap at

sumakamay ng PINAGSANGLAAN noong Agosto 2019.

Na napagkasunduan din ng dalawang panig na ang natitirang halaga na

LIMAMPUNG LIBONG PISO (P50, 000.00) ay nakatakdang ibigay ng NAGSANGLA sa

Enero 2020.

Na matapos ang mabuno ang halaga ng pagkakautang, ay maibabalik na ang

paggamit ng nasabing pwesto sa NAGSANGLA.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa kasulatang

ito ngayong ika-26 ng Agosto, 2019 sa Bayan ng Balagtas, Bulacan.

_______________
Nagsangla Pinagsanglaan

MGA SAKSI

_____________ ______________

You might also like