You are on page 1of 7

Politika: Mga Nagawa ni Emilio Aguinaldo sa Pilipinas

 Ginampanan niya ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal.


 Ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
 Pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong
1901 ni US General Frederick Funston.
 Pumayag sa kusang loob na pagpapatapon sa kanya sa Hongkong kapalit ang bayad-pinsalang
naghahalagang P400,000 na ginamit niya sa pagbili ng mga armas na inilaan pagbalik niya sa
bansa
 Nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na siyang iwinagayway sa Kawit, Cavite noong Hulyo 12,
1898.
 Pangulo ng Pamahalaang Reblousyonaryo makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at
ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899.
 Nagretiro sa pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang itatag ang pamahalaang
kolonyal ng Estados Unidos.
 Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban sa
mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo.
Pangalan: Emilio Jacinto

Ipinanganak: Disyembre 15, 1875

Lugar ng Kapanganakan: Trozo, Maynila

Araw ng Kamatayan: Abril 16, 1899

Kilala bilang: “ Utak ng Katipunan at Himagsikan”

Mga Magulang: Mariano Jacinto at Josefa Dizon


Bakit napili ko si Emilo Jacinto bilang aking bayani?

Sapagkat si Emilio Jacinto ay nagging utak sa pakikipaghimagsikan laban sa


mga espanya kahit na siya ay bata pa hindi niya tiningnan ang kanyang sarili bilang
isang bata kundi kung ano ang kanyang maiambag sa himagsikan. Namatay siya dahil
sa kanyang sakit na malaria kahit papano ay nagging parte siya sa pakikibaka nina
Andres at nagging parte siya pagpapalaya ng mga mamamayan sa Pilipinas laban sa
mga kamay ng mga espanya. Siya ang napili kong bayani dahil ipinamukha niya na
ang kabataan ay may natatagaong mga kaalaman na maaring ma ka contribute kung
ano ang kailangan ng Pilipinas bukod doon ay namangha ako sa kagitingan niya kahit
sya ay bata pa. Naging president siya at namuno ng may kaalaman at karungunan
hanggan sa huling hininga niya ay tatak parin sakanyang mga labi kung papano nila
ipinagtanggol an gang mga tao sa pilipinas. Hindi lng naman si Andres Bonifacio ang
nagtatag ng paghihimagsik laban sa espanya pati na rin si Emilio na naging ksapi sa
isang oraganisasyong kilala bilang KKK, naging utak ng Himagsikan sa Emilio dahil
sa taglay nitong mga kaalaman na kahit si Andres ay sumasang-ayon sa mga plano
nito.

Sinasabi lang nito na kahit bata ka pa ay maaari kang maging instrument hindi
man pareho ng utak ng himagsikan pero sa iabng parte ay magagamit. Pinakita ni
Emilio na hindi naginbg hadlang sa kanya ang pagiging bata kahit sa ganong edad ay
namuno siya ng maaga sapagkat alam niya sa kanyang sarili na hindi ang kanyang
sarili ang pinaglingkuran niya kundi ang mga tao o mamamayan sa Pilipnas at kung
pano ibangon ang bansang Pilipinas mula sa pagkatumba.
ANG BATANG BAYANI NG PAGODA;SAJID
BULIG
Sa panahon ngayon, iilan na lamang ang mga taong matutukoy nating
nagpapakabayani sa kapwa niya sapagkat may ibang sadyang
nagbabayani-bayanihan lamang. Masasabi nating bilang na ang mga
taong may ginintuang puso at lakas ng loob na handang umalay sa sarili
para sa iba kahit ang kanilang buhay man ay nakataya. Higit pa rito,
karamihan nga sa kanila ay hindi pa natin masyadong kilala at hindi na
rin napagtuunan ng pansin ng pamahalaan upang mas kilalanin pa ito
ng publiko. Kaya ngayon, may makikila tayong isang munting bayani sa
katauhan ni Sajid Bulig o si “Tansi”. Si Sajid ay isang mag-aaral sa grade
6 sa Bambang Elementary School sa Bocaue, Bulacan. Noong musmos
pa lamang, sa edad na trese, siya ay nagpamalas na ng katapangan,
katatagan ng loob at kabayanihan upang tumulong sa mga
nangangailan na siya ring kumitil sa kanyang buhay. Nagsimula ang
lahat sa taong 1993 sa taunang Pagoda sa Wawa o mas kilala rin bilang
Kapistahan ng Pagoda sa Bocaue ay idinaraos. Ang pista ay
ipinagdiriwang taon-taon upang gunitain ang pagkatuklas ng
mahimalang krus na
nakalutang sa Ilog ng Bocaue, dalawang daang taon na ang nakalipas.
Kagaya ng ibang mga pista, bago ang araw ngbisperas, ay may
isinagawang siyam na araw na nobena nadinaluhan ng mga deboto. Sa
araw ng Pagoda sa Wawa, isang replika ng krus na pinagpakuan ni
Hesukristo ang iprinusisyon habang nakasakay ito sa isang pagodang
pinalamutian ng mga maririkit at magagarbong dekorasyon na
ginabayan ng mga makukulay na bangka. Sakay sa pagoda ang mga
deboto sa banal na krus.
Isang maligayang selebrasyon na maituturing kung baga ang
kapistahang ito. Ngunit sa araw ng Hulyo 2, 1993., ang dapat sanang
masayang kapistahan ay nauwi sa malagim na trahedya. Ang kantahan,
sayawan at kainan ay unti- unting nagunaw sa kamalayan ng mga taong
naroon. Hindi inakala ng marami na biglang tataob ang pagoda nang
makarating ito sa may malalim na bahagi ng ilog. Lulan ng lumulubog na
pagoda ay ang mga hindi na magkamayaw na mga deboto. Ang hindi
pantay na bigat sa magkabilang bahagi nito, kasabay ang pagdagsa ng
mga tao, ang nakitang dahilan sa kalunos-lunos na sinapit ng malaking
pagoda. Ang mga bata at matatanda ay walang tigil sa pag-iyak at
paghingi ng saklolo habang karamihan sa mga tao ay nalulunod sa
kalaliman ng ilog. Hirap ang iba na mailigtas dahilt hindi pa masyadong
nailawan ang lugar noon. Nagsigawan at nagsitalunan na sa tubig ang
ibang mga tao upang mailigtas ang kani-kanilang sarili. Ngunit may
isang bata na hindi nagdalawang isip na tulungan ang kanyang kapwa
bata sa pagkakalunod. Hindiininda ni Sajid ang panganib na pwedeng
mangyari sa
kanya. Ang tanging nasa isipan niya ay ang kapakanan ngmga batang
hindi marunong lumangoy. Kahit madilim manay lumusong siya sa ilog.
Pabalik-balik niyang nilangoy ang katubigan. Sa tangkang pagsagip niya
sa isa pang nag-aagaw buhay, ay tinamaan siya ng isang malapad na
kahoy na bahagyang bumasagsa kanyang bungo nanaging sanhing
kamatayan ni Sajid. Kasama siya sa 279 na nasawi satrahedya.
Pansamantalang itinigil ang pagdaos ngkapistahan mula 1994 hanggang
1999 bunga ng Pagoda Tragedy at muli itong ginunita noong 2000. Mula
noong
ibinalik ang kapistahan ay pinag-igihan lalo ngmga organizers ng taga-
Bocaue ang paghihigpit sa seguridad upang hindi na maulit muli ang
malagim nabangungot na nagdulot ng takot at pighati sa mga
mamamayan. Magpasahanggang ngayon, kapag sumapit naang pista ng
Krus sa Wawa ay ‘di pa rin nawawala sa kanilaang alalahanin ang
nagawang kabayanihan ni Sajid, ang batang bayani.Sa katunayan,
noong siya pa ay nabubuhay likas na sakanya ang pagiging aktibo sa
pagtulong sa kapwa –pagiging bayani sa kanyang munting kaparaanan.
Siya aynaging miyembro ng Boy Scout ng Bambang Elementary
School at nabigyan ng isang parangal bilang OutstandingBoy Scout.
Ayon sa mga kaibigan ni Sajid, bukod sa paging isang tapat at masigasig
na batang iskawt, siya ay isang mapagbigay, matulungin at
napakabuting bata. Sa kanyang kabayanihang nagawa sa mga kagaya
niyang paslit, siya ay nakatanggap ng mga parangal sa iba’t ibang sektor
ng bansa. Ginawaran siya ng Ateneo de Manila University ng Gold
Medal of Honor from the Boy Scouts of the Philippines at Service
Award. Hindi rin pinalagpas ng
pagkakataon na parangalan siya ng Sajid Bulig Presidential Award for
Heroism sa Executive Order No. 393 ng dating Pangulong Fidel V.
Ramos sa kanyang kapuri- puringtapangat serbisyopara
sasangkatauhan. Noong July 2002, nagtayo ng isang monumento para
sa kanya sa Barangay Bambang, kung saan may kalong na bata siya sa
kanyang mga kamay. Isang palantadaang naging possible dahil sa
pagsusumakit ng Kapatiran ng Birheng Presentacion ng Malolos. Noong
Pebrero 2007, ang librong, “Ang Lahing Pilipino sa Nagbabagong
Panahon”, na isinulat nina Ela Rose Sablaon at Lazelle Rose Pelingo ay
nailimbag. Sa libro napasama sa nilalaman ang maikling estorya ng
kabayanihan ni Sajid Bulig sa unang kabanata ng libro (“Mga Huwarang
Filipino”) sa paksang “Mga Makabagong Bayani”.
Kahit papa’no ay hindi nalimitahan ang kanyang pagkakakilanlan.

You might also like