You are on page 1of 2

Ika 3 ng Agosto 2018 - Idinaos ang Buwan ng Wika sa paaralan ng Caraga

Regional Science High School. Para sa pagdiriwang ng buwan ng wika,


iba’t ibang mga patimpalak ang inihanda ng Samahang Filipino para
mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante ng ipakita ang kanilang
iba’t ibang talento. Isa na rito ang Balagtasan para sa ika-siyam at
ika-sampung baitang.

Ang Balagtasan ay isang diskurso o debate na itinatanghal sa


pamamagitan ng pagtula. Ito ay ipinangalan sa magiting na makata at
manunulat na si Francisco Balagtas, ang may akda ng Florante at Laura.

Ang mga kalahok ay sumailalim sa patimpalak na ito na naglalayong


maipakita ang likas na talino at galing nila sa paggamit ng wika sa
pasalita.

Simulan ng ika-sampung baitang ang patimpalak na may paksang “Saan


mas nalilinang ang pagkatao? sa PAMILYA o sa PAARALAN” kung saan
pormal na binuksan at isinara ng lakambini ang balagtasan at ipinaglaban
ng mambabalagtas ang kanilang magkasalungat na pananaw. Sa
kasamaang palad, hindi nakalahok ang ika-siyam na baitang sa
balagtasan dahil sa kakulangan sa paghahanda. Kaya agad na hinirang
ang ikasampung baitang bilang panalo. Binibining Patricia Shane E.
Guimary bilang lakambini at si Ginoong Daniel A. Lisondra at Ginoong
Shawn Clifford M. Murillo bilang mambabalagtas.

You might also like