You are on page 1of 3

Silence

Sa larawan na ito, ipinapakita ang silence sapagkat hindi nagreply ang tumanggap ng mensahe.
Ang pangangamusta ng taong nagtatanong ay sineen lamang ng tumanggap at ang pagseen ng
tumanggap ay pumapasok sa uri ng di- berbal na komunikasyon na kung tawagin ay silence.

Paralanguage

Ang nasa larawan sa itaas ay masasabing halimbawa ng paralanguage na binabase sa


ekspresyon ng mukha. Sa aking interpretasyon, maari nating sabihin na ang babae sa larawan ay nagulat
dahil maaaring nakakita siya sa kanyang telepono ng bagay na hindi nya inaasahan at dahil dito, maaari
niyang maibulaslas ang salitang “oohhh” na nangangahulugan ng kanyang pagkasurpresa mula sa
kanyang nakita.
Objectics

Sa larawan sa itaas, ginagamit ng guro ang stick para bigyang diin ang salitang itinuturo nito sa pisara.
Ang Objectics ay maiuugnay kung saan ang bawat salitang itinuturo ng guro sa pamamagitan ng stick ay
nangangahulugang mahalaga sa kanilang talakayan.

Artifacts

Parte na ng kultura nating mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga batang palaboy sa mga
lansangan lalo na sa iba’t – ibang parte ng kalakhang Maynila. Ang larawan sa itaas ay ang halimbawa ng
mga batang kadalasan nating nakikita sa mga matataong lugar halimbawa ng palengke. Sa tuwing
nakakakita tayo ng batang madumi ang damit o katawan at kadalasang nakahiga/nakaupo sa kalye na
nanglilimos, unang pumapasok sa utak nating mga Pilipino ay isa itong pulubi o batang palaboy.
Olfactorics

Kung ating pagbabasehan ang ekspresyon ng mukha ng babae sa larawan, masasabi natin sa
pamamagitan ng olfactorics na siya ay maaaring nakaamoy ng isang di kanais-nais na amoy. Wala man sa
kanyang harapan mismo ang bagay na pinagmumulan ng amoy at di man niya ito nakikita ng pisikal,
base sa kanyang ekspresyon ay hindi siya natutuwa sa kanyang naaamoy at siya ay nangdidiri.

You might also like