You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
Batangas City South District
BOLBOK ELEMENTARY SCHOOL
Batangas City

Banghay-Aralin sa Science III (K to 12)


I. Layunin:
Natutukoy ang mga bagay na napagagalaw ng magnet
Naipakikita kung paano napagagalaw ng magnet ang mga bagay.
Nakikiisa nang buong sigla sa gawain.
II. Paksang Aralin
Paksa:
Magnet
Sanggunian: K to 12 Science Curriculum Guide
Teachers Guide pp. 117-119
Learners Material pp. 118-119
Exploring Todays World of Science and Health pp. 246-249
Science Workbook pp. 133-134
Kagamitan: Sineskwela DVD Video. Volume 9
Activity Cards
Magnet, mga bagay na yari sa metal at di-metal, puppet,tsart
Kaisipan:
Ang magnet ay isang bagay na nakahihila ng ilang bagay na yari
sa metal.
Proseso:
Pag-eksperimento, Pagmamasid, Paglalarawan, Panonood,
Pag uuri-uri, Paghihinuha
Pagpapahalaga: Pagkakaisa
III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro
1.Panalangin/Pagbati

Gawain ng Mag-aaral

A. Balik-Aral
Brainstorming tungkol sa pwersa

PUWER
SA

. Ano ang pwersa?


Bukod sa pagtulak at paghila, anu-ano pa
ang ibang paraan ng pagpapagalaw ng mga
bagay?
Ano ang nagagawa ng pwersa sa mga
bagay?
May mga pinanggagalingan ang pwersa,

Ang puwersa ay ang pagtulak


at paghila sa isang bagay.
Paghagis, pagsipa, paghihip,
Pagbagsak/pagpatak, pagangat o pagtaas, pagdiin,
pagpapagulong at pagpapaikot
Napagagalaw ng pwersa ang
mga bagay.

anu-anong bagay ang mga ito?

Hangin, dumadaloy na tubig,


tao at hayop.

Ngayon mga bata, tingnan ko kung maitatambal ninyo ang mga larawang ito sa
pwersang nagpapagalaw sa kanila.
1.
A. Hayop

B. Tao
2.

C. Hangin
3.
D. Tubig
.
4.

B.

Pagganyak
Maliban sa mga nabanggit, mayroon pang
isang bagay na may pwersa na
nakapagpapagalaw ng mga bagay na ating
aalamin ngayon.
Tayo ngayon ay maglalaro ng Pinoy
Henyo Huhulaan ninyo ang isa pang bagay
na nakapagpapagalaw din ng iba pang bagay
sa pamamagitan ng pagtatanong sa puppet
na ito. Handa na ba kayo?

C. Paglalahad sa tanong
Mga bata ano ang nais ninyong malaman
tungkol sa magnet?
D. Pagtuklas/Paglinang sa Aralin
1. Pagpapangkat sa mga bata
2. Pagbibigay ng Activity cards
3. Pag aala-ala sa pamantayan sa pangkatang gawain.

(Ang mga bata ay magbibigay


ng ibat-ibang katanungan/hula)

Paano napagagalaw ng
magnet ang isang bagay?

1. Gumawa ng tahimik.
2. Makiisa sa gawain ng
pangkat.

4. Pagsasagawa ng gawaing pangkat.


5. Pag-uulat ng bawat pangkat
E. Pagtatalakayan
Bukod sa tubig at hangin, ano pang bagay
ang nakapagpapagalaw sa ilang bagay?
Ano ang magnet?

Magnet po.
Ang magnet po ay isang

bagay na nakahihila ng
ilang bagay na yari sa
metal.
.
Anu-ano ang mga bagay na nahihila ng
magnet?Bakit na nahihila ng magnet ang
mga bagay na ito?

Pako, thumbtacks, paper


clips, staple wire atbp.
Dahil ito po ay yari sa metal

Ano ang dalawang bahagi ng magnet?

North at South Poles.

Ano ang masasabi mo sa dalawang bahagi


ng magnet?

Kapag pinagtabi ang North


pole at South pole ng dalawang magnet sila ay magdidikit.
Pero kung parehong pole
ang pinaglapit tulad ng
South pole at South pole at
North sa North pole ay di
sila magdidikit.

F. Pagbubuo ng Kaisipan
Ano ang natutunan ninyo tungkol sa magnet?
Buuin nga natin ang kaisipang ito gamit ang mga
picture clues.
.
Ang
ay may
na
tulad ng
thumbtacks, pins, pako at iba pa.

ng mga bagay na gawa sa


paper clips, staple wire,

G. Paglalapat
a. Ngayon tayo naman ay maglalaro.
kailangan ko ng limang pares ng bata na
magpapakita ng paggalaw ng mga bagay
gamit ang magnet.

Paper clips
Hairpin
Pardible
Butones
Tansan

Nasiyahan ba kayo mga bata sa


ating laro?
Bakit napagalaw ng magnet ang mga bagay?

b. Ngayon naman, kung nais mong


damputin o makita kaagad ang karayom na
nahulog sa sahig, ano ang iyong gagamitin?
c. Mga bata, tingnan ninyo ang mga bagay

(Sa saliw ng tugtog, pagagalawin


ng mga bata ang mga bagay na
gawa sa metal gamit ang
magnet.)
Opo.
Ang magnet ay may pwersa na
may kakayahang humila ng
ilang bagay na yari sa metal.

Gagamit po ako ng magnet.

na dumikit sa magnet, kung ihahalintulad ninyo ito


sa buhay ng tao, anong pagpapahalaga na magpapaunlad sa inyong pagkatao ang ipinakikita nito?
Bakit?

Pagkakaisa/Pagsasama-sama
atbp.

H. Pagtataya
Panuto: Alin sa mga bagay na nasa ibaba ang mahihila ng magnet? Lagyan ng
arrow patungo sa magnet.

I. Takdang Aralin:
Magtala ng 5 kagamitan sa paaralan/tahanan
ginagamitan ng magnet.

na

Inihanda ni:
SHARMAE A.
MASANGCAY
Gurong
Nagsasanay
Pinansin ni:
LIZA M. QUINERY
Gurong Tagapagsanay

Pinagtibay ni:
CARIDAD G. MONTALBO

Punongguro II
Pangkat 1
Kagamitan: Magnet, alambre, lastiko, tali, paper clip, kahoy, barya, pardible, tinidor at
papel
Pamamaraan:
1. Ikalat ang lahat ng kagamitan/bagay sa lamesa/sahig.
2. Hawakan ang magnet malapit sa bawat bagay. Tingnan ang mangyayari.
3. Punan ang talaan sa ibaba upang maipakita kung aling bagay ang
gumalaw o nahila ng magnet.

Pangalan ng bagay

Nahila ba ito ng magnet? (oo o hindi)

1.
2.
3.
4.
5

Sagutin ang mga tanong:


6.
1.
Lahat ba ng mga bagay ay nahila ng magnet?
2.
7. Anu-anong mga bagay ang hindi nahila ng magnet? Itala ito.
3. Anu-anong mga bagay ang nahila ng magnet? Itala ito.
8.
4.
Bakit kaya hindi lahat ng bagay ay nahihila ng magnet?
5.
9. Bakit nakahihila ng ilang bagay ang magnet?
10.

Pangkat 2
Kagamitan: Magnet, butones, plastic na kutsara, holen, papel, paper clips, pako, metal
Ruler, plastic na ruler, turnilyo, dahon, buto ng halaman, gunting, tansan,
Thumbtacks, karayom, lastiko, damit at pambura.
Pamamaraan:
1. Hawakan ang magnet malapit sa bawat bagay. Tingnan ang mangyayari.
2. Sagutan ang talaan sa ibaba.
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang tamang hanay sa ibaba.

Bagay/Kagamitan

Nahila ng magnet

Di-nahila ng magnet

1.butones
2. plastic na ruler
3. bakal na ruler
4.paper clips
5.pako
6. buto ng halaman
7. papel
8.gunting
9.holen
10. lastiko
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang nangyari sa mga bagay matapos ilapit sa magnet?
2. Anu- ano ang mga bagay na hindi nahila ng magnet?
3. Anu-ano naman ang mga bagay na nahila ng magnet?
4. Anong uri ng mga bagay ang nahihila ng magnet?
5. Tulad ng hangin at tubig, may pwersa din kaya ang magnet?

Pangkat 3
Kagamitan: Laptop, Sineskwela DVD Video-Volume 9
Pamamaraan:
1. Panoorin ang video tungkol sa magnet.
2. Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
a. Ano ang magnet?
b. Ano ang dalawang bahagi ng magnet? Iguhit ito.
c. Aling mga poles ng magnet ang nagdidikit? Iguhit ito.

d. Alin naman ang mga poles ng magnet ang hindi nagdidikit? Iguhit ito.
e. Anu-ano ang mga bagay na nahihila ng magnet?

Awit:
MAGNET
Ang magnet ay bagay na nakakahila
sa ilang mga bagay na gawa sa metal
tulad ng karayom, paper clip at pako
tulad din ng butones.
Mayroong dalawang bahagi

Ang magnet
North pole at South pole
Sa magkabilang dulo
kung pinagtabi ang North pole at South pole
ng dalawang magnet silay magdidikit.
Pero kung inilapit ay magkaparehong pole
tulad ng South pole at ng South pole
Oh ang North pole at ng North pole
di sila magdidikit
dahil like poles repel, poles repel
Magnet (2x) na nakahihila
mayroong dalawang bahagi
North pole at South pole.
Ang magnet na nakahihila (2x)

H. Pagtataya
Panuto: Alin sa mga bagay na nasa ibaba ang mahihila ng magnet? Lagyan ng
arrow patungo sa magnet.

You might also like