You are on page 1of 21

Isa ang wikang Filipino sa napakaraming wika sa mundo.

Nagsisilbi itong daan upang


ang bawat Pilipino ay makapagtalastasan sa isa’t isa at maibigay ang kanilang
mensahe, opinyon o mga bagay na nais iparating sa isa’t isa. Bagama’t napakaraming
diyalekto sa Pilipinas, ang wikang Filipino ang napili upang gawing wikang pambansa,
wika ng bayan at wikang pananaliksik.

Ang Filipino, bilang isang wikang pambansa, ito ay nagsisilbing gabay para sa bawat
Pilipino na nasa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na magkaunawaan sa kabila ng iba’t ibang
mga diyalekto. At bilang isang wikang pambansa, ito ay itinuturo sa lahat ng paaralan
sa Pilipinas. Pinag-aaralan ito sa layunin na mahasa ang bawat Pilipino sa paggamit
nito. Ginagamit din ito sa pagsasagawa ng mga batas sa bansa. At ito rin ay
magsisilbing simbolo ng ating bansa at ating sariling kultura.

Samantala, ang Filipino ay wika ng bayan sapagkat ito ay hindi lang para sa
pakikipagtalastasan kundi ito rin ay ginagamit para sa pagsasagawa ng pagtatanghal
kagaya ng pagtula, dula, pagtatanghal sa teatro at iba pa. Ito rin ay ginagamit sa
pagsusulat ng mga nobela, kwento at iba pang literatura na ginagawa sa Pilipinas. At
ang mga pagtatanghal o paglilimbag ng mga literatura ay hindi lang makikita sa isang
lugar sa Pilipinas kundi makikita din ito sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Masasabi rin na ang Filipino ay wikang pananaliksik, sapagkat kagaya ng nabanggit


kanina, ito ay tinuturo sa mga paaralan upang mahasa ang bokabularyo ng mga mag-
aaral o mga Pilipino. Ito rin ang wika na ginagamit sa mga pag aaral o pananaliksik
tungkol sa iba’t ibang mga paksa na kung saan ibinabahagi sa mga kapwa Pilipino
upang magkaroon ng mahusay na kaalaman. Ang Filipino, bilang isang wikang
pananaliksik, ito ay magsisilbing gabay upang ang bawat Pilipino ay mapahalagahan
ang sariling bansa, kultura, kasaysayan at mismong wikang Filipino.

Kaya naman, malaki ang kontribusyon ng wikang Filipino sa bansa. Kung wala ito, baka
hindi magkaintindihan ang bawat Pilipino. Kung wala ito at walang iisang wika, hindi
matututo ang bawat isa. Hindi rin malalaman ang mga importanteng bagay na dapat
matutunan at mapahalagahan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/2122746#readmore


Vanice C. VillarinBSEM-1

INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS


NAANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA.

PAKSA/NILALAMAN:

Maraming bagay ang maaaring magbigay sa’yo ng iyong pagkakakilanlan

- ang iyong pangalan,ang iyong paboritong pagkain, ang kulay ng iyong mga mata at ng
iyong buhok, ang kulay ng iyong balatat marami pang iba. Pero walang makatutumbas
sa wikang iyong sinasalita. Sabi nila, ang wika angnagiging simbolo, instrumento, at
basehan ng iyong pagkakakilanlan. Sa Pilipinas, ang ating pambansangwika ay Wikang
Filipino. Lubos na lamang ang ating pasasalamat kay G. Manuel L. Quezon na naging

kilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil siya ang nagsulong ng ating Wikang Pambansa at
siya

rin ang nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang Surian ng Wikang Pambansa ay
isang institusyonna nagsuri ng wikang gagamitin bilang wikang pambansa at ito ay
kilala na ngayon bilang Komisyon ngWikang Filipino (KWF). Ang naging basehan ng
ating wikang Filipino ay ang Tagalog na isangkatutubong wika na gingamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.Noong ika-apat ng
Hunyo, 1946, naging opisyal ang wikang Filipino bilang wikang pambansa ngPilipinas.
Nang inaprubahan ni dating Pangulo Benigno Aquino III ang programang K-12
bilangpagtugon sa napapanahong sistema ng edukasyon, biglang nagbago ang sistema
ng edukasyon saPilipinas. Dahil sa pagbabagong ito, noong 2013, napagdesisyunan ng
Commission on Higher Education(CHED) na magbawas ng anim na yunit ng Filipino
para sa mga mag-aaral na papasok sa kolehiyo noonsanang 2018. Ipinataw ang CHED
Memorandum Order na naglalayong gawin na lamang 36 yunits angdating 63 yunits ng
General Education Curriculum para sa kolehiyo. Resulta ng pagpataw nito ay
angpagkadismaya ng ilang propesor sa Filipino. Ilan na dito sina Dr. Randy Din at David
Michael San Juannagsabing maaaring bumaba ang kalidad ng Wikang Pambansa kung
mangyaring matanggal ito sakolehiyo. Sa katunayan, may isang organisasyon na
pinamumunuan ni Dr. David Michael San Juan at ng

iba pang mga guro sa iba’t ibang lugar ng Maynila na tinatawag na T

anggol Wika para panatilihin sa pag-aaral ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Noong
Abril 2015, naghain ng TRO ang Korte Supremaupang

panandaliang hintuin ang layunin ng CHED na tanggalin ang asignaturang Filipino


hangga’t wala
pa itong maayos na hatol at noong Hunyo 2017, napagdesisyunan ng CHED na huwag
na ituloy angpagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.REPLEKSYONMula sa
ulat ni Gng. Mercadero, napagtanto ko na napakahalagang gamitin at pagyabungin
angatin wikang Filipino sapagkat napakahabang proseso ang napagdaanan nito upang
maging ating wikangpambansa. Ang ating wika rin ang sumisimbolo na tayo ay malaya
at may sariling bansa. Ito rin ang

nagsisilbing instrumento ng mga Pilipino sa kanilang komunikasyon sa iba’t ibang parte ng ating
bansa

para magkaroon ng kapayapaan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.


Napakalaking tulay ng atingwika sa pagkakaroon ng isang pagkakakilanlan ng bansang
Pilipinas. Maraming tao ang nakipaglabanupang hindi ito mapaalis sa

curriculum

sa kolehiyo.Ngunit aminin man natin o hindi, maraming tao na ang hindi


nagpapahalaga ng ating wikangFilipino. May mga magulang sa panahon ngayon na
mas nanaisin na masanay ang kanilang mga anak sapagsasalita ng Ingles. Taong 2019
na. Maraming pagbabago ang nangyari sa mga nakalipas na panahon.Iba na rin ang
Pangulong nangangasiwa sa bansa. Simula palang noong panahon na sinakop tayo ng
mgaKastila, mga Hapon at mga Amerikano, pinaglaban na natin ang kalayaan ng
Pilipinas mula sa mgadayuhan. Pinaglalaban na natin ang mga bagay na sumisimbolo
sa ating pagka-Pilipino. Sa ngayon,tanyag na ang wikang Ingles sa ating bansa. Bunga
na rin ito ng globalisasyon. Idagdag pa ang

kadahilanang maraming Pilipino ang nagnanais na mamalagi sa ibang bansa at doon


magtrabaho. Sikat narin ang wika na mula sa Korea, na kadalasang naririnig sa mga
kantang sikat na sa buong mundo. Hindina natin maikakaila na dahil sa dami ng mga
wikang banyaga na ginagamit sa ating bansa, nawawalan natayo ng pagpapahalaga sa
ating wika. Maraming kabataan ngayon na mahilig magpost ng liriko ng mgahilig nilang
kanta ngunit hindi maalam sa pagkakaiba ng

ng

at


nang

. Mas nanaisin pa nilang magsulatnga mga salita sa Ingles lalo na sa mga

caption

sa kanilang litrato. Dito rin pumapasok ang ideya nakapag maalam at bihasa ka sa
Ingles, ikaw ay nakatataas sa iba. Dahil dito, mas maraming Pilipino angninanais na
maging maalam sa wikang Ingles at nakakalimutan na ang kanilang wikang
Pambansa.Ilang taon na tayong nagiging bulag sa mga wikang banyaga, panahon na
para pagyabungin atmahalin ang ating sariling wika. Hindi nakasasama ang
pagpahalaga sa kung anong atin. Sabi nga ngating pambansang b

ayani, “Ang hindi magmahal sa sariling wik, daig pa ang hayop at malansang isda.”

RELATED PAPERS

Filipino sa Piling Larang Akademik

By Annie Cah

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

By Bryan Labaya

Alinaya 1-

By Rica Rose Navarra

Articles with Reaction

By Kean Patrick Padua

Filipino Reader (Akademik)

By Erwin Lumbera

READ PAPER
ALPABETONG PILIPINO (1976)
Ang idinagdag na walong titik
(C , F , J , Ň Q , V , X , Z ) ay ginamit sa mga ss.
- binubuo ng 31 titik
- ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-
isa (11) pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q,
rr, v, x at z
Pagkawala ng Baybayin
ALPABETONG ABECEDARIO

 BAYBAYIN hango sa salitang “baybay” (to spell)


 ALIBATA hango sa “alif bata” (2 unang titik sa Arabic: “alif” at “bet”)
 Tinawag itong Alibata noong 20th dekada ni Paul Versoza.
 matandang alpabeto
 dahon ng saging, balat ng puno at iba pa
 matutulis na mga bato at pinatulis na kawayan

Alibata (Baybayin)
- binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at
dalampu’t tatlo (23) naman ang katinig. Ang paraan ng pagbigkas ay batay sa Ingles.
ALPABETONG FILIPINO (1987)

 Ayon kay Miguel Lopez de Legazpi, ang mga Bisaya ay nagsusulat ng katuladsa
ating ninunong Malayo kung saan nila ito unang natutunan
 Ayon kay Padre Chirino, isang Kastilang mananalaysay, ang matandang
alpabeto oAlibata ay pinaghalong kabihasnang Malayo, Arabe, Kambodya,
Tsina, Sayam, Borneo at Indiya.
 Ayon kay Jose Villa Panganiban (1994) ang alibata ay malaganap na ginagamit
noong1300 sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan samantalang Sanskrito ang
ginagamit sa Mindanao atSulu.

A B C D E F G H I J K L M N Ň Ng O P Q RS T U V W X Y Z
ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.
Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano
Isinusulat ang mga titik gaya ng sa alpabetong Romano
Itinuro sa piling mga mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga
kumbento atbp.)
- mula kay Lope K. Santos (1940)
- binubuo ng 20 letra
- lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u)
- labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y)
1.Pantanging pangalan ng tao, hayop, lunan.
Carlos Volter El Niňo Jimenez Luzo
2.Mga katutubong salita mula sa mga dialekto ng bansa.
Hadji villa hacienda canao jihad
3.Mga salitang banyaga na walang katumbas sa Filipino
Canvas jazz quorom fastfood visa xerox
Ang Lumang Alpabeto: ABAKADA

Fotobam' bilang Salita ng


Taon: Paalala sa isyu ng
Torre de Manila
Para sa historyador na si Michael Charleston Chua, ang bansag na 'pambansang
photobomb' ay nakatulong para mapalapit ang isyu ng Torre de Manila sa mga tao,
mapadali ang pagpapaliwanag nito, at mapalalim ang diskusyon

Jee Y. Geronimo
@jeegeronimo

Published 8:30 AM, October 07, 2016

Updated 10:51 AM, October 07, 2016

Facebook

Twitter

Reddit

Email
SALITA NG TAON. 'Fotobam' ni Michael Charleston Chua ang itinanghal na Salita ng Taon 2016. Kuha ni
Jee Geronimo/Rappler

MAYNILA, Pilipinas – Itinuturing ng historyador na si Michael Charleston Chua ang


pagkakapili sa "fotobam" bilang Salita ng Taon sa Sawikaan 2016 bilang isang paalala
sa isyu ng Torre de Manila.

"Hindi naman natin puwedeng apurahin ang Korte Suprema sa pagde-decide tungkol sa
Torre de Manila issue…. 'Yung 'pambansang photobomb' ito ay isang isyu na hindi
lamang tungkol sa pagretrato na may asungot, kundi parang na-exalt nga 'yung usaping
pangkasaysayan at pangkultura at pamana, sa Korte Suprema," sabi ni Chua sa
kaniyang panayam sa Rappler nitong Huwebes, Oktubre 6.

Itinanghal ang "fotobam" bilang Salita ng Taon 2016 noong Huwebes, ang ikalawang
araw ng Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino na ginanap sa Diliman campus
ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).
Hango sa salitang Ingles na "photobomb," ang "fotobam" ay tumutukoy sa pagsama sa
retrato kahit pa hindi ka dapat kasama.

Naging matunog ang salitang "photobomb" matapos bansagan ang Torre de Manila
bilang "pambansang photobomb" dahil diumano'y sinisira nito ang hitsura ng
monumento ni Rizal, isa sa mga sikat na atraksyon sa Luneta Park.

Nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema ang mga kritiko ng Torre de Manila noong
2014, ngunit hanggang ngayon, matapos ang 6 na oral arguments, ay wala pa ring
desisyon ang Korte Suprema sa isyu. (BASAHIN: TIMELINE: The Torre de Manila
case)

Para kay Chua, naging "stepping stone" ang bansag na "pambansang photobomb"
upang mapalapit ang isyu ng Torre de Manila sa mga tao, mapadali ang
pagpapaliwanag nito, at mapalalim ang diskusyon.

Other Stories

[PODCAST] Bakit malaking banta sa demokrasya ang crackdown sa progressive


groups
Ano ang implikasyon ng crackdown na ito sa demokrasya sa Pilipinas? Pakinggan ang talakayan nila
justice reporter Lian Buan at researcher-writer Jodesz Gavilan.

Gilas Pilipinas falls prey to Alab Pilipinas in SEA Games tuneup


Gilas Pilipinas fails to reassert its mastery over Alab Pilipinas in the second of their two friendly matches

Cone concerned as Rosario misses two Gilas Pilipinas tuneup games


Tim Cone says Troy Rosario is one of the players Gilas Pilipinas will be relying on in the Southeast Asian
Games because of the versatility he provides
"So, whatever it is, anuman ang maging desisyon ng Korte, in many ways ay kumbaga
ito na 'yung nagsesemento ng kahalagahan ng isyu sa ating lipunan, sa ating
edukasyon, na sana...ngayong ito'y naging Salita ng Taon, patuloy na pag-usapan ang
isyu na 'to, ang kahalagahan nito sa atin, dahil ito ay nagpapakita sa atin kung gaano ba
kahalaga 'yung kasaysayan natin, 'yung kultura natin, 'yung pamana natin, paano natin
inaalagaan ito at paano natin pinagpupugayan 'yung mga bayani natin," aniya.

.@Xiao_Chua: Hindi naman natin puwedeng apurahin ang Korte Suprema sa pagde-
decide tungkol sa Torre de Manila issue. pic.twitter.com/HZvMRL4SZK

— Jee Y. Geronimo (@jeegeronimo) October 6, 2016

Iniba ni Chua ang baybay o ispeling ng "photobomb," at "fotobam" ang naging salitang
kalahok sa Sawikaan.

Ayon sa historyador, ginamit niya ang "fotobam" bilang pagpupugay na rin sa dalawang
estudyante ng De La Salle-College of Saint Benilde – sina Carl Angelo Ruiz at Jong
Gutierrez – na ginamit ang baybay na ito sa kanilang dokumentaryo.

"Ang 'fotobam' ay organic. Galing ito sa isang estudyante na nagkainteres sa isyu,"


dagdag ni Chua.

Para kay Vim Nadera, isa sa mga hurado galing sa Filipinas Institute of Translation na
pumili sa "fotobam" bilang Salita ng Taon, ang kakaibang katangian ng "fotobam" ay
ang baybay nito na "inangkin na natin."

"Sa halip na gamitin natin 'yung 'asungot,' 'paningit,' 'panira,' o 'wala sa lugar,' e
ginagamit natin 'yung 'fotobam' na pasok na pasok. Maaaring sabihin natin sa
henerasyong ito ng millennials, sa henerasyong ito na maraming mga pagbabago lalo
na sa ating pamumuhay," sabi ni Nadera.

Dagdag niya: "Kung titingnan 'nyo, nademokratisa ang paggamit, halimbawa, ng


camera. Dati-rati 'pag may camera, pang-mayaman lang 'yan eh. Ngayon kahit sino
puwede na, at kung titingnan mo, 'yun ang pagbibigay kapangyarihan o empowerment
nito sa karaniwang Filipino."

Vim Nadera on 'fotobam': Ito ay pagkatok sa pintuan ng pagbabago na hindi


mapipigil. pic.twitter.com/9HDKlM0ZvQ

— Jee Y. Geronimo (@jeegeronimo) October 6, 2016

Itinuring din ang "fotobam" bilang People's Choice o salitang pinili ng mga delegado ng
Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino.
Paliwanag ni Nadera, ito ang unang pagkakataon magmula noong 2004 na
nagkapareho ang salitang pinili ng mga delegado at ang pinili ng mga hurado. –
Rappler.com

Subscribe
Hunyo 7, 1940 – Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946,
ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa
- isinulat ni Lope K. Santos ang Balarila ng Wikang Pambansa na siyang nagpakilala sa Abakada na may
20 letra, na kung saan ang letrang a lamang ang idinadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog nito

1987 – Ang Alpabetong Filipino ng 1987, ang siyang pinagbago at pinaghusay na Abakada at
Alpabetong Filipino ng 1976. Ang naturang Filipino Alphabet ay binubuo ng 28 titik na kung
saan ang pagbasa nito ay halintulad rin sa pagbasa ng alpabetong Ingles. Ito ang kasalukuyang
ginagamit natin ngayon—na siyang nagpapayaman at nagpapalawig pa sa wikang Filipino
- Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo

Panahon ng mga Amerikano


"abecedario" = alpabetong Espanyol

Panahon ng mga Kastila


Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at
Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat
ng kolehiyo at pamantasan

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN


- Pebrero 8, 1935 – Artikulo XIV, Sekyon 3 ng Konstitisyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase
sa mga kasalukyang katutubong wikang meron sa ating bansa
- Disyembre 30, 1937 – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong
Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog
- Abril 1, 1940 – Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang
balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa
mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
- Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmeña bilang
pangalawang Pangulo, binig-yan pansin ang isyung nasyonalismo
- Oktubre 24, 1967 – Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng
mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino
Hulyo 30, 1976 – Sa pamamagitan ng Department Memo no. 194 na inisyu ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura, and Pampalakasan, ang 20 titik ng abakada ay nadagdagan ng labing-isang
banyagang-hiram na titik. Ang naturang revised Filipino Alphabet na binubuo ng 31 na letra, ay
kinabibilangan ng mga letrang banyaga tulad ng c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z
BALARILA
- binubuo ng tatlong patinig (vowels) at labing-apat na katinig (consonants)
Agosto 25, 1988 – Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-
aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura

Kasaysayan ng Ebolusyon
ng Wikang Filipino
Agosto 7, 1973 – Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na
gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75
Binura ng mga Espanyol ang mga paganong pag-uugali ng mga katutubo, kabilang na ang pag-iiba sa
sistema ng pag-susulat, pagbasa at mga salita ng mga ito
- kapag wala itong kudlit ( ' ) binabasa na may kasama na patinig a

Panahon ng mga sinaunang Pilipino


- Nobyembre 13, 1937 – Ang Unang Pambansang Asemblea ang siyang bumuo sa Institusyon ng
Wikang Pambansa
- pagyakap sa Kristyanismo at ang pagiging sibilisado ng mga pamayanan
- Bago pa dumating ang mga banyaga dito sa Pilipinas tulad ng mga Kastila, ang mga katutubong Pilipino
ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata” o alif-ba-ta sa
Arabo
- kapag ang kudlit naman ay nasa itaas, ang patinig ay nagiging e o i
- Agosto 12, 1959 - Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7
- Nobyembre 1936 – Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian
ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang pambansa
- kapag may kudlit sa ibaba, ang patinig a, ay napapalitan ng patinig o o di kaya ay u
- Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
Nang dumating naman ang mga Amerikano sa Pilipinas, ipinatupad ang patakarang alinsunod sa ilang
patakarang ipinatupad ng mga mananakop na Kastila. Ang mga ito ay

Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino


ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo
Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan ang
pinakabagong dalawampung pisong papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nakasaad doon ang “Filipino as the National Language 1935” ngunit itinatanong ng ilan
ang katumpakan ng gayong pahayag.

Hindi totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang
pambansa. Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang
magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika” (akin ang diin). Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya
ng pamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa
pambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wika ang
magiging batayan ng pambansang wika.

Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika kapag isinaalang-alang na ang


Espanyol at Ingles noon ay umiiral bilang mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Ang
siniping probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga delegado sa
Kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tagalog. Kabilang sa pangkat sina Felipe R.
Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor
(Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Si
Romualdez na dating batikang mahistrado ang sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184
na nagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa.

Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27


Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang
may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at
nauunawaan ng lahat.”

Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na
mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at
magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang
pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura,
mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng
mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng
pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga kasaping
sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto
(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez
(Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng
nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw
ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin
si Sotto dahil sa kapansanan; samantalang si Butu ay namatay nang di-inaasahan.

Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg.


134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.”
Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at
ganap masisilayan noong 1940. Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP
ang pagbubuo at pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng
Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg.
570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino
National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo
1946. Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas
[Philippine Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang
kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan.
Nagwakas ang gayong ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon.
At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan,
akademya, at negosyo. At upang matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino,
sari-saring seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos
sa SWP (1941–1946). Halimbawa, iminungkahi ang paglalaan ng pitak o seksiyon para
sa wikang pambansa sa mga pahayagang pampaaralan nang masanay magsulat ang
mga estudyante. Pinasimulan noong panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang
Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong larang
ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at heometriya.
Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago naging opisyal
noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong 1950. Ipinatupad ang Linggo ng
Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto. Itinampok
ang lingguwistikang pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa
Filipinas noong panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban
ay isinagawa ang mga palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa.
Nailathala ang English-Tagalog Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo.
Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto
1959, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang
malaki sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas
1973 “na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga
katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa
mga dayuhang wika.” Sa panahon ni Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay nagbunsod ng
mga pananaliksik na may kaugnayan sa sosyo-lingguwistika, bukod sa pagpapalakas
ng patakarang bilingguwal sa edukasyon. Naipalathala ang mga panitikan at salin para
kapuwa mapalakas ang Pilipino at iba pang katutubong wika.

Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at
sa naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.” Kung
paniniwalaan ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong
payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa
wikang Filipino at iba pang wika.”

Ano ang maaaring ipakahulugan nito? Na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang


ahensiyang pangwika na magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na
ang “Pambansang Wika” na nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin
ang pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas,
bukod pa ang tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang
“mapayabong” ang pambansang wika ay kinakailangan ang isang institusyong
pampananaliksik, na may mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.
Kaya naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang.
Corazon Aquino nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit
sa SWP. Malulusaw pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang
Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag ng isang komisyon ng pambansang
wika. Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika 7104 noong 14 Agosto
1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang makapagmumungkahi ng mga hakbang,
plano, patakaran, at gawain hinggil sa mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang
pambansang wika. Maihahalimbawa ang kasong isinampa ni Inocencio V. Ferrer noong
1965 laban kay Direktor J.V. Panganiban at mga kagawad ng SWP; o kaya’y ang
kasong isinakdal ng Madyaas Pro-Hiligaynon Society laban sa SWP upang pigilin itong
isakatuparan ang gawaing bumuo ng pasiyang pangwika na labag umano sa Saligang
Batas. Nagwagi ang panig ng SWP na kinatigan ng korte, at sinabing may batayang
legal ang pag-iral ng nasabing tanggapan, bukod sa kinilalang ang “pagdalisay” at
“pagpapayaman” ng katutubong wika [i.e., pagpapakahulugan at talasalitaan] ay
kaugnay ng proseso ng “pagtanggap” o “pag-angkin” ng mga salita o impluwensiya
mula sa banyagang wika na siyang magpapatunay na ang Filipino ay buháy na wika.

Higit pa rito, inilantad ng nasabing mga usapin ang pangangailangang paghusayin ang
paglinang at pagpapaunlad ng wika, sagutin punto por punto ang mga argumento ng
gaya ni Geruncio Lacuesta laban sa tinawag niyang “Manila Lingua Franca,” alinsunod
sa matalinong paraang nakasandig sa masusing pag-aaral at pananaliksik. Dapat
lamang linawin dito na ang pagiging pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa
rehiyon ng Katagalugan, kahit pa sabihing ginawang batayan ang Tagalog sa pagbuo
ng pambansang wika. Ang Filipino, na patuloy na nilalahukan ng mga salita mula sa
iba’t ibang wikang panrehiyon at pandaigdigan, ay sumasailalim sa ebolusyong hindi
lamang limitado sa gramatika at palaugnayan kundi maging sa mga pahiwatig at
pakahulugan. Ginagamit na ang Filipino hindi lamang sa panitikan o sa Araling
Panlipunan, bagkus maging sa pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya, inhinyeriya at
medisina, batas at matematika, at iba pang larang. Bagaman ang Departamento ng
Edukasyon (DepEd) ay nagpalabas ng bagong kautusan hinggil sa pagsasakatuparan
ng Edukasyong Multilingguwal, ang nasabing patakaran ay hindi basta-basta
maipatutupad hangga’t hindi nababago ang Saligang Batas. Kinakailangang baguhin
muna ang probisyon ng Saligang Batas hinggil sa bilingguwalismo na nagsasaad na
tanging Filipino at Ingles ang “mga opisyal na wika sa komunikasyon at pagtuturo,” at
ang KWF ay malaki ang tungkulin sa pagpili kung aling hakbang ang makabubuti sa
pagsusulong ng anumang panukalang polisiya hinggil sa wika.

Maselang bagay ang pagbabago ng mga polisiya, kaya naman dapat ding maging
maingat ang Pangulo kung sino-sino ang itatalaga sa Lupon ng mga Komisyoner ng
KWF. Anumang mungkahing patakaran o programang pangwika ang imungkahi ng
lupon, at siyang sang-ayunan ng Pangulo alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas,
ang iiral at dapat ipatupad sa buong kapuluan.
Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng pagpupundar ng pambansang wikang
Filipino. Tuwing babalikan ang pinag-ugatan ng KWF, matutuklasan ang salimuot ng
politika at pakikibaka laban o pabor sa Filipino. Gayunman, napatunayan ng Filipino na
kaya itong tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing katuwang ng wika ng rehiyon,
dahil ang komposisyon ng Filipino ay hindi nalalayo sa naturang wika, kompara sa
Ingles na sa kabilang polo nagmumula.

Mga Probisyong Pangwika Saligang Batas

Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na
wika ng Pilipinas.
Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles
at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang
tungo sa paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
tatawagingFilipino.

Artikulo XIV ng Saligang Batas 1987: WIKA

SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika
ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal
na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila.

SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na


binubuo ng mga kinatawan ng iba’t-ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang mga wika.

EBOLUSYON NG WIKANG PAMBANSA


Disyembre 30, 1937 – iprinoklamang ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng
Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong
mapagtibay.

1940 – ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa ikaapat na taon sa lahat ng


pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong institusyong pasanayang
pangguro sa buong bansa.

Hunyo 4, 1946 – nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng


Pambansang Asambleya noong Hunyo 7, 1940 na nagproklama na ang Wikang
Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

1959 – ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran Blg. 7 nanagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino
upang mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang Pambansang Pilipino” o
“Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

1987 – Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon na


nagtatadhanang “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.” Ito ay hindi pinaghalu-
halong sangkap mula sa iba’t ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus, ang
Pilipino o Tagalog.

EBOLUSYON NG ALPABETONG FILIPINO

Nang dumating ang mga Kastila, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang
Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng
alpabetong Romano.
1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m,
n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y.

Oktubre 4,1971 – pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na


binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v,
w, x, y, z

Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino,


na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z

2001 – muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang


leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram
ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong
karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Oktubre 9, 2006 –
sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng isang memorandum na
pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.

Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.


Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN, AT TUNGKULIN NG KWF

 magbalangkas ng mga patakaran, mga plano, at mga programa upang matiyak


ang higit pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at
preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;
 magpalaganap ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang
isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito;
 magsagawa o makipagkontrata sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral
upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman at sa dakong huliý
istandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang
pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng paglalakip nito mula
sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mga parirala, mga idyom, mga
koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika na sa kasalukuyan ay
karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;
 magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing
lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon,
publikasyon, teksbuk, at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;
 ganyakin at itaguyod – sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant
at award ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng
Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na
reperensiya sa iba-ibang disiplina;
 lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasalingwika na
gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang
magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng
mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong
etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo,
executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga
dokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensiya sa iba-
ibang disiplina at iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang
kinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;
 tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang
kasangkapan ng pamahalaan o pribadong entidad, institusyon o organisasyon
para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mga tungkulin at
mga pananagutan nito;
 mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga
komperensya, mga seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang
alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung may kaugnayan
sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga
wika ng Pilipinas;
 bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para
sa pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal,
rehiyonal at lokal; at isumite sa Tanggapan ng Pangulo at sa Kongreso ang
taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga
plano at mga programa;
 humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at
mga empleado nito at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang
pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag
sila dahil sa malubhang kadahilanan;
 organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng
mga posisyon, o magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang
matugunan ang nagbabagong mga kondisyon o kailanman at dumarating ang
pangangailangan, sa pasubali, na ang naturang mga pagbabago ay hindi
makaaapekto sa istatus ng mga nasa puwesto, ibaba ang kanilang mga ranggo,
bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa
serbisyo;
 gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit
ng naturan sa unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at
mga pananagutan.

Kasaysayan
Saligang Batas ng 1935
Approx. 1935

Nakabanggit sa Saligang Batas ng 1935 na magkaroon ng Wikang Pambansa

report this ad

Kongreso ng Batas
Approx. 1936

Inaprubahan ang Batas Commonwealth Blg. 184 na gumawa ng Surian ng Wikang Pambansa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
12/30/1937

Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 Pangulong Quezon, Tagalog ang ginawang batayan
ng Wikang Pambansa.
Paglilimbag ng Diksyunaryo
04/01/1940
Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtungo sa paglilimbag ng Diksyunaryo ng
Pambansang Wika.
Batas-Komonwelt Blg. 576
06/07/1940

Pinagtibay ng Batas-Koomonwelt Blg. 576 na ang Pambansang Wika ay magiging opisyal sa Hulyo,
1946.
Pagtuturo ng Wikang Pambansa
06/19/1940

Isinimula ang pagturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan.


Pagiging Opisyal ng Wikang Pambansa
07/04/1946

Ang Wikang Pambansang Pilipino (tagalog) ay naging opisyal sa bansa.


Pagsimula ng Linggo ng Wika
03/26/1954

Nagpahayag ng isang kautusan ang Pangulong Ramon M. Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng


Linggo ng Wikang Pambansa mula ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril ngunit inilipat sa
Agosto 13-19 tuwing taon.
Kagawaran ng Edukasyon
08/12/1959

Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng kautusang Blg.7 na ang wika ay
tatawagin na Pilipino.

"KASAYSAYAN NG KIKANG PAMBANSA"


Panahon ng mga Sinaunang Pilipino >Ang mgakatutubong Pilipino ay may sarili
ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas kilala sa tawag na “alibata”.

Panahon ng mga Kastila >Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang


sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang alpabetong Espanyol.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan >Maraming nasulat na panitikan sa wikaing
Tagalog – tula,sanaysay,kwento, attp mga akdang hitik sa damdaming makabayan

Panahon ng Amerikano >Ginamit ang Wikang Ingles bilang


pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang hispanisasyon ng mga kastila ay napalitan
ng Amerikanisasyon.

Pebrero 8, 1935 >Artikulo XIV, Seksyon 3 ng


Konstitusyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga kasalukuyang
katutubong wikang meron sa ating bansa.

Nobyembre 1936 >Batas komonwelt Bilang 184 – Surian


ng Wikang Pambansa na naatasang pumili ng isang katutubong wika na magiging batayan ng
wikang pambansa.

Nobyembre 13, 1937 >Ang unang Pambansang Asemblea ang


siyang bumuo sa institusyon ng wikang pambansa .

Disyembre 30, 1937 >Sa pamamagitan ng kautusang


Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon , ang wikang Pambansa ay ibabatay sa
Tagalog.

Abril 1, 1940 >Ipinalabas ang Kautusang


Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa
Wikang Pambansa

Hulyo 7, 1940 >Batas Komonwelt Blg. 570 – simula sa


hulyo 4, 1946 , Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

Marso 26, 1954 >Inutos ni Pangulong Magsaysay ang


taunang pagdiriwang ng linggong wikang Pambansa.

Agosto 12, 1959 >Tinawag na Pilipino ang Wikang


Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Blg.7.

Oktubre 24, 1967 >Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang


Kautusang na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa
Pilipino.

Marso 1968 >Kalihim Tagapagpaganap, Rafael


Salas – ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran at mga sangay nito ay maisulat
sa Pilipino.

Agosto 7, 1973 >Resolusyonng nagsasaad na


gagamiting midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ang Pilipino.

Hunyo 19, 1974 >Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang


Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal.

Hunyo 30, 1976 >Department Memo no.194- Ang


naturang revised Filipino Alphabet ay binubuo ng 31 na letra.
1987 Constitution >Ang Wikang Pambansa ay Filipino.

1987 >Ang Alpabetong Filipino ng 1987 at


binubuo ng 28 na titik.

Agosto 25, 1988 >Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335


ay ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong
Pangwika.

You might also like