You are on page 1of 1

Ang istoryang "Nagbibihis Na Ang Nayon" ay napakaganda.

Ito ay tungkol kay Derang na ang


pinakamagandang anak ng tininti. Tinitingala siya nang lahat, ang kanyang buhay ay parang bukas na
aklat sa tulikan. Nagagalak ang lahat na makita siya dahil sinusunod ni lahat ng patakaran ng mga
matatanda.

Galak na galak ang lahat bago dumating si Rosauro Santos, isang inhinyero na nagpabago sa tingin ng
mga tao. Noong una niyang masilayan si Derang ay napaibig agad siya at hindi nagtagal ay umibig na rin
si Derang sa kanya. Kaliwa't kanan ang bulong-bolungan ng mga tao kapag nakikita si Derang.

Makalipas ang ilang araw ay may isang magandang dilag na naghahanap kay Rosauro at inaangkin niya si
ay kanyang asawa. Nabiyak ang puso ni Derang sa kanyang natuklasan.

Walang kaaalanan si Derang na mali ang tinibok ng kanyang puso. Umasa lamang siya sa pag-ibig na
binawi din agad ng panahon. Kaliwa't kanan ang bulong-bulongan tungkol sa kanya dahil hindi lahat ang
nakakaintindi nang salitang pag-iibig. Walang pinipiling panahon ngunit maaaring bawiin ng panahon.

Sa panahon ngayon hindi maiiwasan ang pagbibihis ng nayon. Maaring napakaganda ng iyong
reputasyon ngunit kapag ikaw ay nakagawa ng bagay na taliwas sa paningin ng lahat. Magbabago at
magbabago ang pakikitungo nila sa iyo.

You might also like