You are on page 1of 7

Ang Kalakalang Galyon

Pinangasiwaan din ng spain ang kalakalang panlabas


ng Pilipinas. Ito ay sa pamamagitan ng kalakalang
galyon. Tianawag ang kalakalang ito na “galyon”
sapagkat ginagamit na sasakyang pandagat sa
pagpapalitan ng produkto ay mga barkong galyon.
Kilala rin ang naturang kalakaran bilang “Kalakalang
Maynila-Acapulco” dahil sa rutang tinahak ng mga

1
galyon mula Maynila sa Pilipinas at Acapulco sa
Mexico at balikan.
Limitadong pangkat ng tao lamang ang nakinabang sa
kalakalang galyon. Halimbawa ay ang mga Espanyol na
kasapi ng konsulado, mga Espanyol na nanirahan sa
Maynila, at ang gobernador-heneral.
Ang tanging pakikilahok ng mga Filipino sa
patakarang ekonomikong ito ay ang paggawa ng mga

2
galyon. Karaniwang ipinadala ang mga polista sa
Cavite, Mindoro, Marinduque, o Masbate kung saan
ginawa ang mga galyon. Naging mahirap ang dinanas
ang mga manggagawang Filipino sa paggawa ng mga
barkong galyon.

3
4
Mahabang panahon at malaking salapi ang iginugol
para sa kalakalang galyon. Napabayaan ng
pamahalaan ang mahahalagang produktong pang-
agrikultura gayun din ang iba pang industriya sa bansa.
Naantala ang mga nakatakdang panahon ng
pagtatanim at pag-aani dahil sa higit na pinagtutuonan
ng pangangailangan ng kalakalang galyon. Ang
kalalakihan ay ipinadala sa malalayong lugar upang

5
gumawa ng barko sang-ayon sa patakarang polo y
servicio. Marami sa Kanila ay sapilitang pinagtanim ng
niyog at abaca na ilan sa mga pangunahing
pinagkukunan ng materyales sa pagbuo ng galyon.
Tuluyang ipinatigil ang kalakalang galyon noong
1815.

6
Ang Galyon ay
Ginawa hindi upang
gamitin sa kalakalan
kung hindi bilang
barkong pandigma ang
barkong galyon.

You might also like