You are on page 1of 2

Ang LGBT ay inisyal na nagsasamang tumutukoy sa mga taong "lesbiyan, bakla, biseksuwal, at mga

transgender". Ginagamit na ito simula pa noong dekada '90, na hango sa inisyal na "LGB", at upang
palitan ang pariralang "gay community", na ginamit noong dekada 80's,[1] na kung saan marami sa
napapaloob sa komunidad ang nadama na hindi ito ang tumpak na kumakatawan sa kanila o sa sinuman
na tinutukoy nito.[2] Ang initialismong ito ang naging pangunahing marka na ginagamit ng karamihan ng
na nababase sa seksuwalidad at kasarian ang pagkakakilanlan sa mga himpilan ng komunidad at medya
sa Estados Unidos at sa ilang pang bansang gumagamit ng wikang Ingles.[3][4]

Ang katagang LGBT ay inilaan upang bigyang-diin ang pagkakaiba-iba ng pagkakakilanlan base sa
seksuwalidad at pangkasariang kultura na kung minsan ay ginagamit upang tingnan ang kahit sino na
hindi heterosekswal sa halip na eksklusibo sa mga tao na homoseksuwal, biseksuwal at
transgender.[2][5] Upang makilala ito , isang popular na titik ang idinagdagdag, ang titik Q para sa mga
kilala bilang queer at questioning o tinatanong kanilang sekswalidad na pagkakakilanlan (halimbawa,
"LGBTQ" o "GLBTQ", na naitala mula noong 1996[6]).

Hindi lahat ay sang-ayon sa inisyalismong ito. Sa isang banda, ang ilang mga intersex na nagnanais na
sumama sa grupo ng LGBT ay iminumungkahi ang pagdadagdag ng isa pang titik I sa inisyal "LGBTI"
(naitala mula noong 1999 [7]).[8] Ang "LGBTI" ay ginagamit sa "The Activist's Guide" ng Yogyakarta
Principles in Action. "LGBTIH" naman ang nakitang gamit sa India para sa hijra o ang ikatlong kasarian at
kaugnay nitong kultura. Pinapanukala na rin ang paggamit ng "GSD" o gender and sexual diversity.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang bahagharing watawat na sumasagisag sa mga LGBT.

Bago magkaroon ng himagsikang seksuwal noong dekada '60, walang karaniwang magandang salita sa
talasalitaan para sa mga taong hindi hetereseksuwal; ang pinakamalapit na salita noon ay "ikatlong
kasarian", na nagsimula nang gamitin noon pang 1860 ngunit hindi nagkamit ng malawak na paggamit sa
Estados Unidos.[9][10][11][12][13][14]

Homoseksuwal ang unang katagang ginamit, ngunit sinasabing may negatibo itong konotasyon kaya't
pinalitan ng homophile noong dekada 1950s at 1960s,[15] at sa kinalaunan ay ginamit ang salitang “gay”
noong dekada 70.[9] Nang ang mga lesbyan ay lumabas para magkaroon ng isa pang pagkakakilanlan
ang pariralang gay at lesbian ang naging mas karaniwang ginamit.[2] Ang Daughters of Bilitis ay nahati
ng direksiyon noong 1970 sa pag-focus sa isyung peminismo o karapatang pang bakla.[16] Ang
pagkakapantay-pantay ay isang pangunahing layunin para sa mga peminismong-lesbyan, pagkakaiba ng
mga tungkulin ng lalaki at babae o Butch at femme ay tiningnan bilang patriyarkal. Ang mga
peminismong-lesbyan ay tinutulan ang gender role play na lumalaganap sa mga bar, pati na rin ang
pagtinging tsowinisma ng mga bakla. Maraming peminismong-lesbyan ang tumanggi sa pakikipag-
trabaho sa mga bakla, o sa kanilang mga dahilan.[17] Ang mga lesbyan ang may pagtinging essenyalista
na naniniwalang sila ay ipinanganak na homoseksuwal at ang salitang lesbyan ay kataga upang tukuyin
lamang ang sekswal atraksiyon, madalas na itinuturing silang separatista, sinasabing ang mga opinyon ng
peminismong-lesbyan ang pumipinsala sa mga panukala ng mga karapatang pang-bakla.[18] Ito ay
sinundan ng pag-usbong ng mga biseksuwal, transgender na naghahanap din naman ng pagkakakilanlan
sa komunidad.[2] Matapos ang unang euporia ng mga kaguluhan sa Stonewall, simula sa huli 1970s at
unang bahagi ng 1980s, nagkaroon ng isang pagbabago sa pagtingin, ilang gays at lesbians ay naging mas
mababa ang pagtanggap sa biseksuwal o transgender na tao.[19][20] Iniisip nila na ang transgender ay
tinatakasan lamang ang stereotypes at ang mga biseksuwal ay simpleng bakla o tomboy na babae na
takot lumabas at ihayag ang kanilang mga tutuong pagkakakilanlan.[19] Ang bawat komunidad ay sama-
samang lumalaban upang bumuo ng kani-kaniyang sariling pagkakakilanlan kasama na kung, at kung
paano, i-aangkop sa iba ang mga kasarian at sekswalidad base sa mga komunidad lalo na sa mga
panahong isinasantabi ang iba pang maliliit na grupo, magpahanggang ngayon patuloy pa rin ang
pakikibakang ito.[20]

Ang inisyalismong LGBT ay nakitang ginagamit paminsan-minsan sa Estados Unidos mula noong taong
1988.[21] Noong dekada 90 naging pangkaraniwan na itong kataga ng mga bakla, lesbyan, biseksuwal at
transgender na may pantay na respeto sa kilusan.[20] Bagaman ang komunidad ng LGBT ay nakitaan ng
maraming kontrobersiya tungkol sa unibersal na pagtanggap ng iba't ibang grupo na miyembro nito
(bisexual at transgender na indibidwal na kung minsan ay tinitingnan bilang marginalisado sa mga mas
malaking komunidad ng LGBT), ang mga kataga ng LGBT ay isang positibong simbolo ng
pagsasama.[5][20] Sa kabila ng hindi nito pagsakop lahat ng mga indibidwal lalo na sa mas maliit na mga
komunidad (tingnan ang mga uri sa ibaba), isinasama na rin dito ang mga hindi na tinukoy sa
akronim.[5][20] Sa pangkalahatan, ang paggamit ng katagang LGBT sa paglipas ng panahon, higit sa lahat
ay nakatulong mga marginalisadong indibidwal sa pangkalahatang komunidad.[5][20]

Tinawag ng transgender na aktres na si Candis Cayne noong 2009 ang komunidad ng LGBT na "ang
huling dakilang minory"a, na sinabi nitong "Maaari pa rin kaming lantarang guluhin", at "matawag sa
telebisyon".[22]

You might also like