You are on page 1of 4

IPON o INVEST.

Alin nga ba

Written By Mag-Invest Ka Pinoy!

Ipon o Invest? Alin nga ba talaga?

Eto ang kadalasang katanungan sakin. Alin nga ba ang mas maganda?

Bigyan mo ako ng pagkakataon ipaliwanag sayo ito gamit ang mga numero. Hindi ko layunin na isulat ito
na puno ng mga mabubulaklak na salita para lamang turo sayo alin ba ang dapat mo piliin.

Ang totoo ay kailangan mong parehong gawin ito.

Bakit?

Dahil magka-iba sila ng layunin sa iyong buhay pinansyal.

Ang layunin ng "IPON" ay upang makalikom ka ng sapat na halaga para maging capital o magamit mo
panggastos sa mga hindi inaasahang "Emergency" sa ating buhay.

Ang layunin naman ng "INVESTMENT" ay palaguin ang iyong "IPON" upang mas mabilis mong mapalago
ang iyong puhunan na gagamitin mo upang magbigay sayo ng mga "ASSETS" at "PASSIVE INCOME".

"ASSETS" ay mga bagay na may halaga at lumalago sa loob ng matagal na panahon.


Halimbawa: Property and Paper Assets

"PASSIVE INCOME" ito ay kita na ibinibigay sayo ng iyong mga "ASSETS". Halimbawa: Bayad sa
upa mula sa Paupahang Apartment. Dividend mula sa kita ng mga kumpanyang bumili ka ng "shares".
Interesting Article: How to start Investing

IPON: Ang pag-iipon para sakin ay ang pinaka-mahalagang matutunan nating mga Filipino. Ito ang
pundasyon sa pagbuo ng yaman at pagtupad ng ating mga pangarap. Subalit, kung ito lamang ang iyong
gagawin habang buhay ay hindi lalago ang iyong ipon at sa panahon ngayon, kung saan ang tubo ng ipon
(Savings Rate) sa bangko ay mas mababa pa sa nababawas (Inflation) sa tunay na halaga nito.

Halimbawa: Nakaipon ka ng P10,000 ngayon at nagdesisyon kang itabi lamang ito sa bangko sa loob ng
5, 10, 20 o 30 taon. Hindi ito lalago kundi unti-unti itong nababawasan ng halaga habang matagal mo
itong ilalagak sa bangko.

Ang P10,000 mo ngayon ay magiging 8,145.06 pagkalipas ng limang taon, 6,302.49 pagkalipas ng
sampung taon at 3,773.54 na lamang pagkalipas ng dalawampung taon.

Kung i-invest mo naman ang P10,000 at kikita ito ng 12% per year, ang P10,000 mo ay lalago
ng 15,180.70 sa loob ng limang taon, 25,580.37 sa loob ng sampung taon at 72,633.44 pagkalipas ng
dalawapung taon.

Note: Computed using 5% Inflation Rate / Investment Growth Rate: 12%

Year Saving Investing

1 10,000.00 10,000.00

2 9,500.00 11,100.00

3 9,025.00 12,321.00

4 8,573.75 13,676.31

5 8,145.06 15,180.70

6 7,737.81 16,850.58

7 7,350.92 18,704.15

8 6,983.37 20,761.60

9 6,634.20 23,045.38
10 6,302.49 25,580.37

11 5,987.37 28,394.21

12 5,688.00 31,517.57

13 5,403.60 34,984.51

14 5,133.42 38,832.80

15 4,876.75 43,104.41

16 4,632.91 47,845.89

17 4,401.27 53,108.94

18 4,181.20 58,950.93

19 3,972.14 65,435.53

20 3,773.54 72,633.44

KAILAN at SAAN ka ba dapat mag "IPON" at mag "INVEST"?

Maganda ang "IPON" kung pang sandaling panahon mo lamang ito ilalagak at sapat na halaga lamang
ayon sa layunin mo para dito. Halimbawa: Emergency Fund (3x-6x ng buwanang gastos)

Maganda naman ang mag "INVEST" kung pang matagalan panahon mo ito ilalagak. Maliliit na halaga na
unti-unti mong idadagdag sa iyong puhunan.
Interesting Article: Investments for Beginners

Panghuling payo ko sayo: Hindi hadlang sa pag-iipon at pag-iinvest ang kaliitan ng kita. Kailangan mo
lang iayos at planuhin mabuti ang bawat kitang papasok sayo. Kung sa tingin mo ay sapat at kulang ang
iyong kita, maaari kang humanap ng iba pang mapagkakakakitaan o magbawas ng hindi mga kailangan
na gastusin.

You might also like