You are on page 1of 6

ARALING PANLIPUNAN – GRADE 7

Pangalan: ________________________________ Petsa: ____________________

Baitang: ________________________________ Pangkat: __________________

Markahan: Una Linggo: Ika-anim SSLM No: 6


MELC:Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang
tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang
panahon.
➢ Layunin: Natutukoy ang komposisyon ng populasyon ng mga bansa sa Asya .
➢ Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba.(2014)Phillipines: DepEd.
➢ Kabanata: Ika-apat Pahina: 70-77 Paksa: Yamang Tao ng Asya
➢ Layunin:Napapahalagahan ang Yamang Tao sa Asya.

Tuklasin Natin

Populasyon ng Asya
Patuloy ang paglaki ng populasyon sa daigdig. Ito ay isa sa mga suliraning
kinahaharap ng ilang mga bansa sa daigdig sa kasalukuyang panahon. Sinasabi sa
ulat ng United States Census Bureau na 60 bahagdan ng kabuuang populasyon sa
daidig ay naanggaling sa Asya. Patunay dito ang dalawang bansa na may
pinakamalaking populasyon na matatagpuan sa Asya,ito ay ang China at India.
Kaya mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng
mga bansa sa Asya. Sa pag-aaral na gagawin kinakailangang mabigyang kahulugan
ang mga pangunahing salita na karaniwang ginagamit sa pagtataya at implikasyon
ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar .

1 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Terminolohiya Kahulugan
Populasyon Tumutukoy sa dami ng tao sa isang
lugar o bansa
Population Growth Rate Bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa
isang bansa bawat taon
Life Expectancy Inaasahang haba ng buhay
Gross Domestic Product (GDP) Ang kabuuang panloob na kita ng isang
bansa sa loob ng isang taon
GDP per Capita Kita ng indibidwal sa loob ng isang taon
sa bansang kaniyang panahanan
Unemployment Rate Tumutukoy sa bahagdan ng
populasyong walang hanapbuhay o
pinagkakakitaan
Literacy Rate Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon
na marunong bumasa at sumulat
Migrasyon Pandarayuhan o paglipat ng lugar o
tirahan
Population Density Kapal o dami ng tao sa isang lugar o
bansa
Fertility Rate Tumutukoy sa bilang na maaring anak
ng babae edad 15 hanggang 49 taong
gulang

2 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Talahanayan 1: Katangian ng Populasyon
Bansa Population Ferti Migration Literacy Unemploy Density GDP Per
lity Rate Rate ment (P/Km2) Capita
Rate Rate Rate
Afghanistan 38,041,754 4.56 62.7 38.2 11.1 59.7 $538
Armenia 2,957,731 1.76 74.8 99.7 17.9 99.6 $3,918
Azerbaijan 10,047,718 2.08 73.1 99.8 4.8 117.1 $4,139
Bahrain 1,641,172 2.00 79.1 95.7 3.9 2224.3 $23,715
Bangladesh 163,046,161 2.05 72.7 61.5 4.2 1116.0 $1,564
Bhutan 763,092 2.00 70.6 64.9 3.4 20.1 $3,391
Brunei 433,285 1.85 76.4 96.0 9.1 75.9 $28,572
Cambodia 16,486,542 2.52 69.4 77.2 0.7 92.4 $1,384
China 1,433,783,686 1.69 76.4 96.4 6 148.3 $8,612
Georgia 3,996,765 2.06 72.6 99.8 12.7 57.2 $3,762
India 1,366,417,754 2.24 68.8 71.2 7.8 419.8 $1,980
Indonesia 270,625,568 2.32 69.3 93.9 4.99 143.6 $3,837
Iran 82,913,906 2.15 75.7 86.8 10.4 51.0 $5,628
Iraq 39,309,783 3.68 69.8 79.7 7.9 91.8 $5,114
Israel 8,519,377 3.04 83.3 97.8 3.3 416.7 $42,852
Japan 126,860,301 1.37 84.2 99.0 2.6 334.7 $38,214
Jordan 10,101,694 2.77 74.3 95.4 19 114.2 $4,095
Kazakhstan 18,551,427 2.76 71.1 99.8 4.8 6.9 $9,009
North Korea 25,666,161 1.11 74.8 100.0 5.7 213.9 -
South Korea 51,225,308 1.91 82.7 96.8 3.8 511.6 $29,958
Kuwait 4,207,083 2.1 74.8 96.3 2.17 239.7 $29,616
Kyrgystan 6,415,850 3 71.4 99.5 3 32.6 $1,222
Laos 7,169,455 2.7 65.8 79.9 0.6 30.7 $2,424
Malaysia 31,949,777 2.01 75.3 94.6 3.9 97.8 $10,118
Maldives 530,953 1.88 78.4 99.3 6.4 1801.8 $9,802
Mongolia 3,225,167 2.9 69.8 98.4 8.1 2.1 $3,672
Myanmar 54,045,420 2.17 66.8 93.1 1.6 80.4 $1,256
Nepal 28,608,710 1.93 70.2 67.9 3.2 197.97 $900
Oman 4,974,986 2.93 77 91.1 3.1 16.5 $15,170
Pakistan 216,565,318 3.55 66.5 57.9 5.7 250.5 $1,467
Philippines 108,116,615 2.58 69.3 96.3 5.3 320.1 $2,982
Qatar 2,832,067 1.88 78.1 95.7 0.1 248.7 $61,264
Singapore 5,804,337 1.21 82.9 94.7 2.4 8239.9 $56,746
Sri Lanka 21,323,733 2.21 75.3 92.6 4.5 326.4 $4,135
Syria 17,070,135 2.84 63.8 86.4 8.4 95.4 -
Tajikistan 9,321,018 3.61 70.8 99.8 2.1 66.7 $805
Thailand 69,625,582 1.53 75.5 96.7 1 136.0 $6,579
Turkey 83,429,615 2.08 76.4 95.0 - 107.6 $10,498
Turkmenistan 5,942,089 2.79 68.2 99.7 3.9 12.4 $6,587
U.A.E. 9,770,529 1.42 77.2 93.8 2.64 118.3 $40,325
Vietnam 96,462,106 2.06 76.3 94.5 2.15 293.9 $2,366
Yemen 29,161,922 3.84 65.3 70.1 12.8 56.5 $1,123

3 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Subukin Natin

Sa bahaging ito ay susubukin ang iyong galing sa pagsusuri ng datos ng populasyon


ng mga bansa sa Asya na nakatala sa talahanayan.

PAGTUKOY SA BANSANG ASYANO. Tukuyin ang bansang Asyanong


inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
_____________________1. May pinakamalaking populasyon sa Asya.
_____________________2. Anong bansa ang may mataas na literacy rate?
_____________________3.Aling bansa ang may mataas na datos ng migration
rate?
_____________________4.May pinakamataas na GDP per capita.
_____________________5.Ilang bahagdan ang literacy rate ng Pilipinas?
_____________________6. Ano ang fertility rate ng Afghanistan?
_____________________7.May pinakamaliit na populasyon sa Asya.
_____________________8.Ilang bahagdan ang unemployment rate ng Israel?
_____________________9.May pinakamababang GDP per capita.
_____________________10.Aling bansa ang may 71.2 literacy rate?

Isagawa Natin

Basahin at unawaing mabuti ang inilalarawan ng bawat bilang.Isulat ang titik ng


wastong sagot sa patlang.

1. ______ Ano ang pangunahing implikasyon sa isang bansa kung ito ay may
mababang antas ng literacy rate?

a .Kakaunti lamang ang naghahanapbuhay


b. Marami ang marunong bumasa at sumulat
c. Maliit ang malilikom na pundo ng pamahalaan
d .Mabagal ang pagtamo sa kaunlarang pambansa

2. ______Bakit itinuturing na yamang tao ang pinakamahalagang yaman ng


isang ng bansa?

4 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


a. Dahil ang mga mamamayan ang bumubuo ng isang estado
b. Dahil ang mga mamamayan ang nanunungkulan sa pamahalaan
c. Dahil ang mga mamamayan ang nagpapaunlad sa kalagayan ng bansa
d. Dahil ang mga mamamayan ang gumagamit at umuubos sa likas na yaman
3. ______ Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng malaking ugnayan ng
paglaki ng populasyon at pag-unlad ng bansa?
a. Mahuhusay ang mga politikong nanunungkulan sa bansa
b. Matinding suliranin ng kahirapan at kakulangan sa pagkain
c. Magkakaroon ng mataas na antas ng pag-angkat ng produkto
d. Maraming mamamayan ang magtutulungan sa pag-unlad ng bansa
4. _______ Anong serbisyo ang pangunahing pangangailangan ng mga
matatandang may gulang 60 pataas?
a.medikal b.edukasyon c. serbisyong militar d. sariling negosyo
5 .______ Aling bansa sa Timog Silangang Asya ang may pinakamataas na
literacy rate?
a.Pilipinas b.Thailand c. Singapore d.Brunei

Ilapat Natin

Pamprosesong Tanong: Ibigay ang saloobin ukol sa paksa.


1.Paano nakaapekto ang malaking populasyon sa pakikipaglaban sa Covid-19
pandemya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021


Rubrik

Rubriks
Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang impormasyon 5
Pagpapaliwanag Natatalakay ang paksa 5
Kaugnayan sa Malinaw na naipakita ang 5
kasalukuyan ugnayan ng paksa sa
kasalukuyan
Kabuuan 15

Sanggunian

Asian Countries Demographics.(2019).Retrieved from


http://st(www.rcampus.com)statisticstimes.com/demographics/counties.
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.(2014)Philippines:DepEd.

SSLM Development Team


Writer: Maureen D. Arceno
Content Editor: Mia L. Calub
LR Evaluator:
Illustrator:
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Education Program Supervisor: Lito S. Adanza, Ph.D.
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum Implementation Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph. D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

6 GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 03.00, Effective June 14, 2021

You might also like