You are on page 1of 26

Claret School of Zamboanga City

LEVEL II PAASCU – ACCREDITED


Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 11
Paksa: Populasyon ng Asya
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.naitutukoy ang mga mga bansang may pinakataas na populasyon, 
2.naisusuri ang epekto ng populasyon sa isang bansa; 
3.nakakapagbahagi ng mga pananaw tungkol sa mga kasalukuyang isyu. 
Sanggunian:  Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph. 55-59
Padayon 7 Araling Panlipunan sa Siglo 21 Phoenix ph. 60-68
Pagpapahalaga: Pagkakaugnay-ugnay, at pag-aalaga sa kalikasan
E.P.# # 7 Ang kalikasan ay maganda at tayo ay tagapangasiwa ng lahat ng nilikha ng Diyos

I- Mga Pangunahing Kaisipan


Isang mahalagang elemento ng bansa ang populasyon. Ito ang kabuuang bilang ng taong  naninirahan sa 
isang partikular nalugar, rehiyon o bansa.   Mahalagang dahilan ito sa pagunlad ng bansa.  Sa kabilang banda,
 maari din itong pagmulan ng sanga‐sangang suliranin na  balakid sa pagkamit ng kaunlaran. Nangunguna 
ang Asya pagdating sa populasyon.  Umaabot  sa 4.1 bilyon o mahigit kalahati ng populasyon ng buong 
daigdig ang naninirahan sa Asya. Sa ibaba ay anglabindalawangbansana may pinakamataas na populasyon sa 
mundo. 

II – Mga Gawaing Pagkatuto:


A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Buuin ang Crossword Puzzle gamit ang paglalarawan sa ibaba.

¹
² ³ ⁴ ⁵



Pababa:            Pahalang:   
1 bansang may pinakamataas na populasyon  2 mahalagang elemento ng isang bansa 
2 bilang ng Asyanong bansa saTop 12   6 bilang ng bansa sa Timog Silangang Asya 
Most Populous Countries in the World    na kabilang sa Top 12  3 ang ika‐
labindalawang bansa na may   7 nangunguna pagdating sa populasyon 
pinakamataas na populasyon sa mundo  8 bilang ng taong naninirahan sa isang  
4 maaaring idulot ng mataas na populasyon            lugar,  o bansa  
5 ang pinagbabasehan ng populasyon     9 ang subrehiyon na may pinakamaraming             
bansa sa listahan ng Top 12 
B. Mga Gabay na Tanong:   
1. Bakit kaya mas marami ang mga tao sa ibang lugar at kaunti sa iba? 
 
2. Gaano karami ang mga tao sa iyong pamayanan ngayon? Marami ba o hinde? Ano ang epekto nito sa
iyo?
   
B. Paglalagom ng Konsepto 
Panuto:  Kopyahin ang relevance map at sagutin ang mga tanong. 

Ano ito? Bakit kailangang pag- Paano ko magagamit


aralan ito? ang kaalaman na ito?
Populasyon

C. Pagsasabuhay sa Natutunan 
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba?
 

Ayon  sa  datos  ng  United  Nations,  ang  patuloy  na  pagtaas  ng  populasyon  ay  makadudulot 
ng malaking epekto sa likas yaman at kalikasan. At nakikita natin ito sa  kasalukuyang mga 
unos at sakuna tulad ng baha, buhawi, La Niña, El Niño at iba pa. 
 

 
  

1. Sa  taong  2025,  2/3  ng  tao  ay  titira  sa  mga  bansang  kung  saan  mahirap  ang  pagkuhanan ng  tubig.
Ito ay ayon sa population matters website. Ilang taon na  ngayon, sa panahon ng tag‐araw,  palagi
ang nagiging problema ang rasyon ng tubig  dahilsa pagbaba ng mga lebel ng tubig sa  mga reservoir.  
Paano mo mahihikayat ang  iyong mga kapitbahay nabigyan halaga ang  tamang  paraan  sa paggamit ng 
tubig? 

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:12
Paksa: Distribusyon ng Tao
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.naikalkula ang distribusyon ng tao ng mga bansa:   
2.nailalahad ang mga dahilan at epekto ng di‐pantay ng distribusyon ng tao sa isang 
lugar o bansa.   
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.55-59
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan, ph.88-89
Pagpapahalaga: Katarungan at Pagiging Positibo
EP # 7 Ang kalikasan ay maganda at tayo ay tagapangasiwa ng lahat ng nilikha ng Diyos

I – Mga Pangunahing Kaisipan

Ang distribusyon ng tao o population density ay ang daming naninirahan sa bawat  kilometro 
kuwadrado ng isang lugar o bansa. Makukuha ang distribusyon ng tao gamit ang
  Formula: 
    bilang ng tao ÷ kabuuang sukat ng lugar = distribusyon ng tao      

Isang  salik  sa  hindi  pantay  na  distribusyon  ng  tao  sa  isang  bansa  ang  kalagayang 
heograpikal.  May mga lugar sa bansa na maaaring panirahan dahil matatagpuan ditto ang  mga 
pangangailangan ng tao tulad ng lupaing pansakahan, malinis na tubig, at iba pang  kapakinabang  ang  mula  sa 
kalikasan.  Salik  din  ang  mainam  na  klima  at  mahusay  na  topograpiya sa pagpiling  tao sa
lugar na kaniyang paninirahan.  Ang matiwasay na sitwasyong  panlipunan at political, kabilang  na ang
maayos na kabuhayan para sa mga mamamayan, ay  salik din sa hindi pantay na distribusyon ng tao sa
isang bansa. 

II – Mga Gawaing Pagkatuto:


A. Pagwawasto ng Pag-unawa:
PANUTO:  Hanapin ang populasyon ng mga sumusunod na bansa sa Asya, gamit ang 
sukat ng bansa at  distribusyon ng tao sa bawat kilometro kwadrado. Maaring 
gumamit ng calculator. 

Mga Subrehiyon ng Mga Bansa Populasyon Sukat ng Bansa Distribusyon


Asya ng Tao
Hilagang Asya Azerbaijan 86,600 km² 106.1
Georgia 69,700 km² 62.4
Turkmenistan 488,100 km² 10.3
Silangang Asya China 9,596,961 km² 139.8
Mongolia 1,564,116 km² 1.8
South Korea 100,210 km² 484.1
Timog Asya Bangladesh 143,998 km² 1032.6
Bhutan 38,394 km² 15.4
India 3,287,263 km² 372.5
Gitnang- Silangang Bahrain 760 km² 1818.2
Asya Iraq 438,317 km² 72.3
Saudi Arabia 2,149,690 km² 12.8
Timog- Silangang Asya Indonesia 1,904,569 km² 125.9
Pilipinas 300,000 km² 310.9
Singapore 697 km² 7447.2
B. Mga Gabay na Tanong: 
 
1. Anong bansa ang may pinakamataas na distribusyon ng tao? Anong bansa ang may
pinakamababa na distribusyon ng tao?

2. Mula sa inyong nalikom na datos, makikita mo ba kung anong subrehiyon ang may 
pinakamarami o pinakamababang distribusyon ng tao?  Sa paanong paraan? 

3. Paano  kaya  nakakatulong  ang  datos  ng  distribusyon  ng  tao  sa  sitwasyon  ng 
kabuhayan, panlipunan at politika natin ngayon? 

C. Paglalagom ng Konspeto 
PANUTO: Punuin ng mga sagot ang mga patlang  para mabuo ang pangungusap.   

1  Ang distribusyon ng tao ay _______________________________________________   
_____________________________________________________________________.   
2  Ang distribusyon ng tao ay makukuha sa pamamagitan ng ______________________   
_____________________________________________________________________.   
3  Ang hindi pagkapantay‐pantay ng distribusyon ng tao ay dahil sa _________________   
______________________________________________________________________ 
      ______________________________________________________________________.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
PANUTO: Sagutin ang tanong sa ibaba?

Isa sa mga aral na mapupulot natin sa distribusyon ng tao ay ang di‐pagkapantay  pantay 
ng  bilang  ng  tao  at  kung  paano  ito  nakakaapekto  sa  bansa.  May  mga 
pagkakataon na nararanasan natin ang konsepto ng di‐pagkapantay pantay mula sa 
ating pakikitungo sa mga tao.  Maaring naging biktima na tayo nito o di kaya’y tayo 
ang siyang nagpakitang ugaling ito.

1. Bilang mag‐aaral at miyembro ng komunidad na binubuo ng mga tao na magkakaiba 
ang antas sa buhay, paano mo maipapakita ang respeto at pagpapahalaga sa kanila?

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:13
Paksa: Migrasyon
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.naipapaliwanag ang mga uri ng migrasyon.
2.nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon at ang epelto niyo sa sang lugar o bansa.   
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph. 68-69
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan, ph.
Pagpapahalaga:   Pagmamahal sa Bayan, Tamang Pakikitungo sa Tao at Respeto
EP # 3 Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay

I-Mga Pangunahing kaisipan:


Ang migrasyon ay ang paggalaw/paglipat ng tao mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar.  

URI NG MIGRASYON PAGLALARAWAN
panahunang  Ang  paggalaw/paglipat  dahil  sa  klima  o  panahon  ng  pananim  o 
migrasyon (seasonal)  pangangasiwa ng hayop. 

pagbabalik migrasyon  (return)  Ang pagbalik ng mga imigrante sa bansa ng tinubuan. 

panloob na migrasyon  Ang paggalaw/paglipat ng tao mula sa isang lugar tungo sa ibang lugar 
(internal)  sa loob ng bansa. 

panlabas na  Ang paggalaw/paglipat ng tao mula sa isang bansa tungo sa ibang  bansa. 


migrasyon (external) 

II - Mga Gawaing Pagkatuto:


A. Pagwawasto ng Pag-unawa:
PANUTO: Isulat ang uri ng migrasyon sa patlang na inilalarawan ng sitwasyon sa bawat  bilang.
_________________________ 1.  Si Danny ay katatapos lamang ng kolehiyo sa isang  unibersidad  sa
Dumaguete  at  maswerteng  natanggap sa isang call center sa
Maynila. Doon na siya magtatrabaho sa  susunod na buwan.
_________________________ 2.  Maraming turista ang dumadagsa sa Boracay mula buwan ng
Disyembre hanggang Pebrero.
_________________________3.  Pagkatapos ng 25 na taon, pinag‐desisyunan ng mag‐anak
Villanueva na bumalik ng Pilipinas mula Italya.
________________________ 4.  Taun‐taon  marami  sa  ating  mga  kababayan  ang
nakikipagsapalaran sa ibang bansa.
_________________________ 5.  Tumungo si Rona sa Canada para makapag‐aral ng medisina.   
_________________________ 6.  Si Mang Gener ay isang hardinero sa mga buwan ng Abril at  Mayo.
Ngunit  kinailangan  niyang  magtrabaho  sa  isang factory simula
Agosto dahil sa kondisyon ng klima. 
_________________________ 7.  Mula sa obserbasyon, dumarami ang tao sa Zamboanga. Ito
ay bunga ng mga kaganapan sa mga karatig isla na tumulak 
sa mga tao patungo Zamboanga.
_________________________ 8.  Sina Anna, Jen at Rina ay mga guro na nagturo sa Amerika ng
maraming  taon.  Dahan‐dahan  sila  nakapagpundar  at nakapagtayo
ng paaralan sa Antipolo, Rizal na ngayon sila na  ang nagpapatakbo. 
_________________________ 9.  Ang bagong mag‐asawang Don at Lea ay nakipagsapalaran sa
London para doon mabuo ang kanilang pamilya.
_________________________10.  Lumipat ang pamilya Santos sa Cebu galing Nueva Ecija dahil sa
bagong posisyon ni Gng. Santos sa kumpanya.
B. Mga Gabay na Tanong

1. Bakit kaya gumagalaw/lumilipat‐lipat ang mga tao? 

2. Para sa iyo, ang migrasyon ba ay tumutulong sa pag‐unlad o ito ba ay isang balakid sa pag‐unlad ng 


isang bansa? 

C.Paglalagom ng Konsepto
PANUTO:   Buuin ang Concept Web na nagpapakita ng mga dahilan at epekto ng migrasyon. 
   
Ang mga sagot sa ilalim ng mga dahilan at mga epekto ay mga posibleng sagot lamang.  Maaari may 
karagdagang mga sagot maliban sa mga ito. 

Mga Dahilan Mga Epekto

MIGRASYO
N

D.Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba. 
Isa sa mga dahilan ng migrasyon ay ang katahimikan at sekuridad ng isang lugar. Mgailang buwan na rin na sadyan
g nakangangamba ang balita/sitwasyon sa mga iba’t ibang lugar ng Pilipinas. Ang sunud‐sunod na katiwaliang
nagaganap ay nagpapa‐alala  sa mga naninirahan sa mga lugar na ito. Marami ang nagdadalawang isip na lisanin 
ang kani‐kanilang mga lugar para sa ibang lugar o bansa.

1. Bilang mag‐aaral, ano sa palagay mo ang maari mong gawin bilang tugon sa mga nagaganap sa
iyong lugar na sadyang makakaambag sa migrasyon ng tao? 

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:14
Paksa:   Mga Pangkat Etnolingguwistiko sa Asya
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.nabibigay‐kahulugan ang pangkat etnolingguwistiko at etnisidad: 
2.nakikilala ang mga pangkat etnolingguwistiko sa bawat rehiyon ng Asya at ang             
kanilang pagkakakilanlan.    
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.70-72
Retrieved from http://www.scribd.com/…/Mga-Grupong-Etnolinggwistiko-Sa-Asya
Pagpapahalaga:    Pagbibigay Respeto sa Lahi at Paniniwala ng Iba
 EP # 3 Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay

I. MGA PANGUNAHING KAISIPAN:

Ang mga Asyano ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etnolingguwistiko.  Tumutukoy ang 
pangkat etnoligguwistiko sa mga pangkat na nabuo batay sa pagkakatulad at pagkakaiba sa mga tao sa
ibang bansa ayon sa kultura.  Nakabatay sa etnisidad at wika ang pagbuo ng mga  pangkat etnoligguwistiko.
Ang etnisidad ay pagkakabilang sa isang pangkat kung saan nakikilala ang mga kasapi sa  pagkakaroon ng 
magkakatulad na wika, paniniwala, kaugalian, tradisyon at pinagmulang  angkan. Ang wika ay isa sa 
pangunahing pagkakakilanlan ng mga pangkat etnolingguwistiko.  Ang  bawat pangkat etnolingguwistiko 
ay may sariling wika na hindi katulad ng sa ibang pangkat.

Hilagang Asya • kinikilala ang malaking bilang ng mga Russian bilang mga Slav 
  •ang Uzbek, Kazakh at Kyrgyz ay kabilang sa lahing Turkic 
  •mga Paleo‐siberian ay matatagpuan sa hilagang‐silangan ng Asian  Russia   
 

Silangang Asya •ang China ay binubuo ng 56 pangkat etnolingguwistiko 
•mga Hapones ang pangkat etnolingguwistiko ng Japan 
•mga mamamayan ng North Korea at South Korea ay nagmula sa iisang pangkat
etnolingguwistikong Korean 
• mga Ainu ang mga natibo ng bansang Japan   

Timog‐Silangang Asya
• ipinapalagay  na  ang  mga  ninuno  ng  Timog‐Silangang  Asya  ay  nagmula 
sa  Gitnang  Asya  at  Timog  China  noong  panahong  prehistoriko   
 
 Timog Asya  • ang  mga  Indo‐Aryan  at  ang  mga  Dravidian  ay  ang  dalawang 
pangunahing pangkat etnolingguwistiko ng India 
•may maliit na bahagdan ng populasyon ng Sri Lanka na binubuo ng pangkat
etnolingguwistikong Tamil.   

Kanlurang Asya • ang  mga  Arab  ay  pangunahing  etnolingguwistikong  bumubuo  sa 


populasyon ng Kanlurang Asya 
• maraming mamamayan ay mula sa pangkat ng mga Jew sa Israel   

II-  Mga Gawaing Pagkatuto:


A. Pagwawasto ng Pag-unawa:
PANUTO:  Pagtugmain ang mga konsepto sa Hanay A sa mga paglalarawan nito sa Hanay B. 
HANAY A        HANAY B
_____1. kabilang ang mga Uzbek, Kazakh at Kyrgyz ay kabilang sa lahing ito  a.Ainu
_____2. ang pangunahing etnoligguwistikong bumubuo sa populasyon ng b.Arab
 Kanlurang Asya c.China
_____3. mga natibo ng bansang Japan    d.Dravidian
_____4.isa sa dalawang pangunahing etnolingguwistiko ng India   
_____5.ang pagkakabilang sa isang pangkat na nakikilala sa pagkaroon ng parehong e.Etnisidad
 wika, paniniwala, kaugalian, tradisyon at pangunahing angkan      f. Pangkat
_____6. ito ay binubuo ng 56 pangkat etnolingguwistiko  Etnolinggueistiko
_____7. maliit na bahagdan ng populasyon ng Sri Lanka ay binubuo ng pangkat  g.Prehistoriko
Etnoligguwistiko           h.Tamil
_____8. isa sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat   i.Turkic
_____9. mga pangkat na nabuo batay sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang  j.Wika
bansa ayon sa kultura
_____10.mga panahong pinagmulan ng mga ninuno ng mga taga‐Timog Silangan Asya

B. Mga Gabay na Tanong
1. Paano nahubog ng mga pangkat etnolingguwistiko ang kultura ng Asya? 
 
2.Sa  kasalukuyan,  binibigyan  ba  ng  karapatang  pagpapahalaga  ang  mga  pangkat
etnolingguwistiko? Patunayan.   

C.Paglalagom ng Konsepto
PANUTO: Kopyahin ang relevance map na iginuhit sa pisara o newsprint at sagutin ang bawat tanong.

Ano ito? Bakit kailangang Paano ko magagamit


pag-aralan ito? ang kaalaman na ito?
gguwist
Etnolin
Pang
kat

iko

D.Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto:Sagutin ang tanong sa ibaba.

“Wala nang pagkakaiba ang Judio at Griego, ang alipin at
ang Malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa n
a dahil sa inyong pakikipag‐isa kay Cristo Jesus.”
Mga Taga‐Galicia 3:28 

1.Bilang mag‐aaral, paano mo naipapakita ang iyong respeto at pagtanggap sa iyong  kaklase o kamag‐
aral na iba ang oryentasyon, paniniwala at pananaw?  

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:15
Paksa: Ebolusyong Kultural 
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.nabibigyang-kahulugan ang konsepto ng ebolusyong kultural. 
2.akikilala ang mga pagbabago sa bawat panahon ng ebolusyong kultural at ang
epekto ng mga ito sa kasalukuyang panahon.
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.104-106
Padayon, ph.377-384
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan, ph.104-111
Pagpapahalaga:Pagiging Praktikal 
EP # 7 Ang kalikasan ay maganda at tayo ay tagapangasiwa ng lahat ng nilikha ng Diyos

I- Mga Pangunahing Kaisipan:

Panahong Paleolitiko  Paggamit ng kahoy at mga kagamitang bato


 Pagtuklas ng apoy
 Pangalap at pangangaso para sa pagkain
Panahong Mesolitiko  Paggamit ng dugout o canoe
 Pag-aalaga ng mga hayop
 Pagtunaw ng mga glacier
Panahong Neolitiko  Paggawa ng mga banga
 Pagtayo ng permanenteng tirahan
Panahong Metal  Paggawa ng mga kagamitang metal
 Napadali ang mga Gawain ng mga tao

II- Mga Gawaing Pagkatuto:


A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: isulat ang PP kung ang pangungusap ay naglalarawan ng Panahong Paleolitiko; PM para
sa Panahong Mesolitiko; PN para sa Panahong Neolitiko at PS para sa Panahon na Metal.

_____1. paggamit ng dugout o canoe


_____2. napabilis at napagaan ang mga pang-araw-araw na Gawain
_____3. nomadiko ang paraan ng pamumuhay
_____4. nagging permanente ang tirahan ng mga tao
_____5. natuklasan ang apoy
_____6. napaamo ang mga hayop
_____7. nabuo ang bronse
_____8. nagsimula ang pagsasaka
_____9. pangangalap at pangangaso ang pangunahing ikinabubuhay
_____10. natunaw ang mga glacier

B. Mga Gabay na Tanong:

1. Batay sa impormasyon sa pangunahing kaisipan, anong kahulugan ang maaari mong ibigay sa
ebolusyong kultural?

2. Sa mga pagbabagong naiambag ng ebolusyong kultural, alin dito para sa iyo ang
pinakamakabuluhan sa kasalukuyang panahon? Patunayan.
C. Paglalagon ng Konsepto
Panuto: Punan ang mga kahon ng mga sagot base sa napag-aralan tungkol sa ebolusyong kultural.

2 BAGONG ARAL NA IYONG NATUTUNAN

1 ARAL NA ALAM MO NA 1 TANONG NA MERON KA

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Pumili lamang ng isa.

Ayon kay John Morley: “Ang ebolusyon ay hindi isang puwersa ngunit isang proseso.” Nakapag-ambag
ang ebolusyon ng mga bagay na nakatulong ng malai sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng
mahaba at ilang taong proseso, nahubog nito ang paraan ng pamumuhay, takbo ng kaisipan, at lawak ng
pananaw ng mga tao.

1. Bilang mag-aaral, anu-anong mga pang araw-araw ng Gawain kung saan may sinusunod ka
na partikular na proseso. Magbigay ng dalawang halimbawa. Mahalaga ba ang proseso para
sa iyo? Bakit?

Ang teknolohiya ay biyaya ng Diyos. Pagkatapos ng biyaya ng buhay


ito marahil ang pinakamahalaga sa mga biyaya ng Diyos.

--Freeman Dyson

2. May ibang nagsasabi na maraming masamang naidudulot ang teknolohiya. Sabi naman ng
iba, nagiging masama lamang ito kung hindi nagagamit ng tama. Ikaw na napaliligiran ng
teknolohiya, nagagamit mob a ito sa tama? Paano mo maipapakita sa iyong kapuwa na
gamitin ang teknolohiya sa tamang paraan? Magbigay ng mga halimbawang pagkakataon.

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain: 18
Paksa:  MGA KAISIPANG ASYANO SA PAGBUO NG IMPERYO
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.  Nailalarawan ang bawat kaisipang Asyano at kung paano ito nahubog. 
B.  Naibibigay ang epektong paniniwala sa paghubog ng kaisipan.
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.134-148
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan, ph.
Pagpapahalaga:    Pagpapahalaga sa Kinagisnang Paniniwala, Respeto sa Paniniwala ng iba

I. MGA PANGUNAHING KAISIPAN:


Isangguni sa pahina 134-148 ng batayang aklat

II. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Paglilinaw sa Natutuhan
Panuto: Pagtugmain ang mga kaisipan sa Hanay A sa mga pangunahing konsepto sa Hanay B.
Pagkatapos ay pagtugmain ang mga pangunahing konsepto sa Hanay B sa mga paniniwala sa
Hanay C.

HANAY A HANAY B HANAY C


_____1. DIYOS-DIYOSAN _____A. nangakong mamumuno ng A. lubos ang paggalang
_____2. ISLAMIKO makatwiran at mapagka- at pagmamahal sa
_____3. DIVINE ORIGIN linga sa mamamayan emperador
_____4. CAKRAVARTIN _____B. ang kulturang Tsino at B. ang hari ay isang
_____5. SINOCENTRISMO kabihasnan ang natatangi buhay na imahen ng
sa lahat Diyos
_____C. ang titulong caliph ay C. ang pag-aalay at
nangangahulugang taga- tamang ritwal ay
pagtaguyod ng pananam- ginagawa para sa
palataya kasaganaan at
_____D. ang emperador ay banal katatagan ng kaharian
at hindi maaaring palitan D. ang China ang sentro
_____E. ang nagtataasang bundok ng daigdig
ang tirahan ng mga diyos E. natatag ang isang
at espiritu sistema ng
pamamahala

B. Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang naging basehan sa paghubog ng mga kaisipang Asyano?

2. Paano nahubog ng iba’t ibang kaisipang Asyano ang kultura ng Asya?

3. Ano ang iyong pananaw sa iba’t ibang kaisipang Asyano? Alin sa mga ito ang kinikilingan
mo? Bakit?
C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Focused Listinh. Maglista ng limang salita, mga maikling parirala o pangungusap na
naglalarawan o napapaliwanag sa mga pangunahing konsepto sa aralin na ito.

1
2
3
4
5
D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Pumili lamang ng isa.

“Ang Asya ang pinagmulan ng ilang dakilang kabihasnan sa daigdig. Mula ditto ay nahubog ang
iba’t ibang imperyo. Naging mahalagang salik sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan at
imperyo ang mga kaisipang umiikot sa relihiyon at uri ng pamumuno.”

1. May particular bang kaisipan na gumagabay sa iyo ngayon? Ano ito? Paano ka nito
ginagabayan? Magbigay ng halimbawa.

2. Isa sa mga pinakatanyag na kaisipan ay ang “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong
gawin sa iyo” na pinasimulan ni Confucius. Pinaniniwalaan mo pa ba ang kaisipang ito?
Bakit? Paano mo naisasabuhay ang kaisipang ito sa mga interaksiyon mo sa araw-araw?
Magbigay ng halimbawa.

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator

Claret School of Zamboanga City


LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2017

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:19
Paksa:  SINAUNANG KANLURANG ASYA 
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.   Naiisa-isa ang mga pangkat ng tao na nakaambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Kanlurang Asya
B.  Nailalarawan ang transisyon ng pamamahala at pamumuno ng pangkat sa Kanlurang
Asya.
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.112-120
Pagpapahalaga:    Pagpapahalaga sa mga Natatanggap na Biyaya, Pasasalamat

I. MGA PANGUNAHING KAISIPAN:


Isangguni sa pahina 112-120 ng batayang aklat

II.MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


A. Paglilinaw sa Natutunan
Panuto: Buuhin ang Concept Map sa pamamagitan ng pagtukoy ng isang pangkat ng tao sa Kanlurang
Asya na taglay ang mga sumusunod na element o ng kabihasnan. Magbigay ng konkretong patunay.

Pangkat ng Patunay Pangkat ng Patunay


Tao Tao

Organisadong Maunlad na
Pamahalaan Ekonomiya

Organisadong Sistema ng
Relihiyon Mga Pagsulat
Elemento ng
Kabihasnan

Pangkat ng Patunay Pangkat ng Patunay


Tao Tao
Mataas na Antas
ng Teknolohiya

Pangkat ng Patunay
Tao
B. Mga Gabay na Tanong
1. Anong aral ang napulot mo mula sa pag-usbong ng iba’t ibang imperyo sa Kanlurang Asya?

2. Sa tingin mob a, ang pag-usbong ng iba’t ibang imperyo sa Kanlurang Asya ay nagdulot ng
kabutihan o di-kabutihan? Bakit?

3. Paano mo mailalarawan ang transisyon ng pamumuno at pamamahala sa Kanlurang Asya?


Masasahalintulad mo ba ang kasaysayan ng Kanlurang Asya sa kasaysayan ng Pilipinas? Patunayan.

C. Paglalagon ng Konsepto
Panuto: Punan ang Exit Ticket ng mga sagot.

Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa araw na


ito?

Admit One
Ticket Out

Magbigay ng isang halimbawa kung paano magagamit


ang natutunan mo sa araw na ito sa kasalukuyang
panahon.

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Pumili lamang ng isa.

Ang kasaysayan ng Kanlurang Asya ay nabuo dahil sa ambag ng iba’at ibang pangkat ng tao.
Bukod sa mga naitatag na imperyo, nakapagtatag din ng mahusay na pamumuhay ang ibang
pangkat ng tao sa Kanlurang Asya.

1. Bilang miyembro ng komunidad, may naiambag ka na bas a iyong komunidad o kapitbahayan? Ano ito?
Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, paano mo maipakikita ang iyong tulong sa iyong komunidad?

2. Kung ano ka at kung nasaan ka ngayon ay dahil sa mga taong nag-ambag sa iyo ng kanilang
karunungan, aral, at karanasan. Paano mo naipakikita ang iyong pagpapahalaga sa iyong mga natutuhan
sa araw-araw mong interaksiyon at sitwasyon? Magbigay ng mga halimbawa.

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________
__________________________________
__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator

Claret School of Zamboanga City


LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:20
Paksa:  MGA DINASTIYA NG CHINA 
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.   Nakikilala ang mga iba’t ibang dinastiya ng China.
B.  Nailalarawan ang estado at ambag ng bawat dinastiya.
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.139-148
Pagpapahalaga:  Pagiging mapagbigay

I. MGA PANGUNAHING KAISIPAN:


Bahagi ng kasaysayan ng China ang pagpapalit ng naghaharing pamilya o dinastiya mula
sa Shang hanggang sa Qing. Sa panahon ng Zhou o Chou, lumitaw ang mga Pilosopiyang
Confucianism at Taoism. Si Confucius ang nagturo tungkol sa tamang asal at tamang relasyon ng
mga tao. Si Lao Tzu ang nagturo ng pagsunod sa tamang daloy ng kalikasan. Si Shih Huang Ti
ang nagpagawa ng Great Wall of China noong Dinastiyang China. Nagsimula at naging tanyag
ang Silk Road sa panahon ng Han at itinayo ang Grand Canal sa Dinastiyang Sui. Si Emperador
Tai ang nagtatag sa sumunod na Dinastiyang Tang na tinawag na dakilang Dinastiya. Ang Yuan
ang unang banyagang dinastiya ng China mula sa Mongolia. Ngunit nang lumaon, muling
umunlad at sumigla ang kulturang Tsino at ekonomiya sa panahon ng huling dinastiyang Ming.
Sa panahong ito ipinagbawal ang kalakalan sa ibang bansa o isolationism.

II.MGA GAWAIN SA PAGKATUTO:


A. Paglilinaw sa Natutunan
Panuto: Patugmain ang mga paglalarawan sa Hanay A sa mga dinastiya sa Hanay B. Maaring
gamitin ang mga pagpipilian ng dalawang beses.

HANAY A HANAY B

_____1. Ginintuang Panahon ng China a. Shang


_____2. Isa sa pinakadakilang dinastiya ng China b. Zhou
_____3. Ang unang dinastiya ng China c. Qin
_____4. Ang kauna-unahang dayuhang dinastiya d. Han
ng China e. Sui
_____5. Panahon ng maunlad na ekonomiya at f. Tang
Kulturang Tsino g. Song
_____6. Nagbukas ang kalakalang Silk Road h. Yuan
_____7. Nabuhay ang mga pilosopong sina i. Ming
Confucius, Lao Tzu, at Mencius
_____8. Ipinatupad ang isolationism, pagbawal ng
pangangalakal sa ibang bansa
_____9. Ang tanging ambag ay ang paggawa ng Grand
Canal
____10. Itinatag ang Great Wall of China

B. Mga Gabay na Tanong


1. Paano nahubog ng mga dinastiya ang kasaysayan ng China?

2. Masasabi mob a na may pagkakapareho ang mga dinastiya ng China sa mga binabansagang
political dynasty? Patunayan.

3. Sumasang-ayon k aba sa pamamahalang dinastiya? Bakit?


C. Paglalagon ng Konsepto
Panuto: Punan ang twitter exit ticket ng mga sago tang mga patlang.

twitter
 Big Idea Hashtag
#_____________________________________________________________

POST! Ano ang mga ideya na bumakat sa iyong isipan tungkol sa Timog Asya?

 Keywords
#_________________________________
#_________________________________
#_________________________________

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Pumili lamang ng isa.

Ang mga dinastiya ng China ay pinamunuan at pinamahalaan ng isang pamilya. Paulit-ulit man
ang pagtatag at pagbagsak ng mga dinastiyang namamahala sa bansa sa loob ng maraming taon,
ang ambag ng bawat pamilya ng dinastiya ang siyang naghubog ng kabuuang kasaysayan ng
mga Tsino na tinaguriang isa sa mga pinakamayaman at pinakadakilang kasaysayan sa mundo.

1. Sa pag-aaral ng mga dinastiya ng China, maaari mong mahinuha na mahalaga ang naging papel ng
pamilya sa pagtakbo ng mga dinastiya na namahala at nakaambag sa paghubog ng kasaysayan. Ikaw,
bilang miyembro ng pamilya, ano ang iyong papel at paano mo ito ginagampanan? Anu-ano ang mga
paaraan na iyong ipinapakita na mahalaga sa iyo ang iyong pamilya?

2. Ang pag-aambag ay isa sa pinakadakilang gawa. Sa maraming relihiyon ito ay pangunahing turo.
Pagbibigay,, charity, zakat---ano man ang salitang gamit, naging bahagi na ito ng ating pagkatao. Kahit
ano ang ibinahagi mo nang kusa upang mapabuti ang iba ay isang dakilang gawa.
Bilang Kristiyano, Muslim, at Lumad, paano mo naipapakita ang gawaa ng pagbibigay sa araw-araw
mong interaksiyon at mga relasyon? Magbigay ng halimbawa.

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator

Claret School of Zamboanga City


LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:21
Paksa:  PANAHONG SHOGUNATE 
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.   Nabibigyang-kahulugan ang shogunate ayon sa naging epekto nito sa pamamahl ng
Japan.
B.  Naiuugnay ang sistemang shogunate sa paghubog ng kasaysayan ng Japan.
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.155-162
Pagpapahalaga:    Organisasyon, Pagbuo ng mga Estraktura
I. MGA PANGUNAHING KAISIPAN:

Isangguni sap h.155-162 ng batayang aklat

II.MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Paglilinaw sa Natutunan
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang letrang T kung ang pangungusap ay Tama at M
kung ito ay Mali.

_____1. Ang huling shogunate ng Japan ay ang Ashikaga.


_____2. Ang Shogun ang pinakamataas na pinuno at may tunay na hawak ng kapangyarihan sa
Japan.
_____3. Ang Tokugawa Shogunate ay nagsimula ng mas sentralisadong pamahalaan.
_____4. Ang mga magsasakaa, artisan, manggagawa, at mangangalakal ay ang pinakmababang
estado sa Bakufu.
_____5. Naging mabuti ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan ng Japan sa panahon ng
Kamakura Shogunate.
_____6. May limang shogunate na namahala sa Japan.
_____7. Humina ang Kamakura Shogunate dahil sa sunod-sunod na pag-aalsa at kaguluhang
Politika.
_____8. Ang ibig sabihin ng daimyo ay “dakilang nagmamay-ari ng lupa”.
_____9. Ang Samurai ay kodigo ng karangalan kung saan nararapat na taglay ng shogun ang
pagiging matapang, disiplinado, at matapat.
_____10. Ang Bakufu o tent government ay isang sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng
pinunong military na tinatawag na shogun.

B. Mga Gabay na Tanong

1. Batay sa mga impormasyon sa pangunahing kaisipan, ano ang ibig sabihin ng shogunate? Paano
ito nakaapekto sa pamamahala ng estadong Japan?

2. Sa iyong pagsusuri, ang sistemang shogunate ba ay isang epektibong sistema ng pamamalakad


ng pamahalaan? Bakit?

3. May pagkakahalintulad ba ang Bakufu sa istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas? Sa paanong


paraan?
C. Paglalagom sa Konsepto
Panuto: Kopyahin ang Y-chart at buuhin ito ng mga aral na natutunan mo sa paksang Panahong
Shogunate.

What it looks like

What it sounds like What it feels like


to know

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Pumili lamang ng isa.

Natutunan mo na ang Panahong Shogunate ay nagdulot ng organisadong pamamahala sa bansang


Hapon. Ang pagtatalaga ng posisyon at pamumuhay ay naging gabay upang mapaayos ang pagtakbo
ng estado.

1. Bilang mmag-aaral, ano ang iyong gagawin upang mas maging organisado ang takbo ng mga
Gawain mo sa araw-araw?

2. Ang pilosopong si Plato ay naniniwala sa isang katangi-tangi na lipunan kung saan ang bawat tao
ay nagsisilbi ng partikular na posisyon at papel. Inihalintulad niya ang lipunan sa isang makina
na binubuo ng maraming bahagi. Naniwala si Plato na ang isang bagay ay mabuti kung lahat ng
kaniyang miyembro ay nagtutulngan at nagtatrabaho ng matiwasay.
Bilang mamamayang Pilipino, anong papel ang ginagampanan mo sa iyong komunidad? Anong
papel ang nais mong gampanan? Ano ang gagawin mo upang epektibo mo itong magampanan?
Magbigay ng mga halimbawa.

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________
__________________________________
__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:22
Paksa:  SISTEMANG CASTE
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A.   Naipapaliwanag ang konsepto ng sistemang caste.
B.  Nasusuri ang sistemang pagpapangkat-pangkat ng tao sa India.
Sanggunian: Kabihasnang Asyano Kasaysayan at kultura ph.87-88
Pagpapahalaga:    Pagkakapantay-pantay, Tamang Pagpili, at Pag-desisyon
I. MGA PANGUNAHING KAISIPAN

Pagkatatag ng Sistemang Caste


Sa mga unang panahon ng kanilang pananalakay, ang mga Indo-Aryan ay nakipag-asawahan sa
mga Dravidian. Dahil dito, ang mga Indo-Aryan ay lumikha ng isang mahigpit na paghahati sa mga
pangkat – ito ang Sistemang Caste
1.Brahmin – mga pari 3.Vaisyas – karamihan sa mga tao ay mga
Magsasaka at mangagawa
2.Kshatriyas – mga mandirigma 4.Sudras – mga alipin at mga nagapi sa digmaan
Sa mahabang panahon, ang mga Kshatriyas ang una sa pagkakahanay, nang maglaho ang mga
digmaan at mga pananampalataya ang naging higit na mahalaga, nagsimulang mangibabaw ang mga
Brahmin. Kailangang sundin ng bawat kasapi ng caste ang mga tuntuning namamahala sa pag-aasawa,
hanapbuhay, seremonya sa pananampalataya at mga kaugaliang panlipunan tulad ng pagkain at pag-
inom. Kailangang humanap ng asawa sa loob ng pangkat at manatili sa pangkat kung saan ipinanganak
hanggang sa mamatay.

II.MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


A. Paglilinaw sa Natutunan
Panuto: Kilalanin ang inilalarawan ng bawat bilang. Isulat ang baiting ng caste sa patlang.

_____________1. Binubuo ng mga manggagawa


_____________2. Pinangangaalagaan niya ang kapakanan ng lipunang Hindu
_____________3. Nakikilahok sa kalakalan at komersiyo
_____________4. Binubuo ng mga pari
_____________5. Hindi sila pinahihintulutan makasalamuha sa ibang mga kasapi ng caste
_____________6. Binubuo ng mga mandirigma
_____________7. Pinasisimulan niya ang mga ritwal at seremonyang panrelihiyon
_____________8. Bumuo sa malaking bahagi ng populasyon ng lipunang Hindu
_____________9. Sila ang dating mga bihag sa digmaan, kriminal, at kasapi ng maliliit na pangkat
Etnolingguwistiko
_____________10. Binubuo ng mga mangangalakal

B. Mga gabay na Tanong

1. Anong kahulugan ang maibibigay mo sa sistermang caste?

2. Sang-ayon ka ba sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunan? Bakit? May sistema bang


pagpapangkat-pangkat ng tao sa Pilipinas? Patunayan.

3. Paano kaya matutugunan at mabibigyan ng solusyon ang mentalidad ng di-pagkapantay-pantay?


C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Kopyahin ang Concept Map at punan ng impormasyon na naglalahad ng mga pangunahing
konsepto tungkol sa sistemang caste.

SISTEMAN
G
CASTE

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Pumili lamang ng isa.

Ang sistemang caste ay isang istriktong pagkakapangkat-pangkat ng mga tao na kung saan walang
lugar o pagkakataon ang isang tao na umasenso mula sa itinatalagang kapalaran. Walang kalayaan na
pumili o mag-desisyon na sa kung ano man ang gusto mong gawin sa iyong buhay dahil lamang sa
patakaran.

1. Paano mo pinahahalagahan ang makapagpili at makapag-desisyon nang malaya? May sinusunod ka


bang proseso sa paggawa ng desisyon? Ano ito? Masasabi mob a na epektibo ang prosesong ito?

2. Ang pagkapantay-pantay ng isang isyu na hanggang sa kasalukuyan ay binibigyan ng karapatang tuon.


Maraming panukala at batas na ipinasa upang matugunan ito. Ngunit patuloy pa ring ipinaglalaban ng
marami ang karapatang ito. Bilang mag-aaral, paano mo naipakikita ang pagpapahalaaga ng
pagkakapantay-pantay sa araw-araw na interaksiyon? Magbigay ng halimbawa.

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________
__________________________________
__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:23
Paksa: SINAUNANG TIMOG-SILANGANG ASYA
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naiisa-isa ang katangiang heograpikal ng Timog-silangang Asya.
B. Nahihinuha ang mga nakaambag tungo sa paghubog sa kasaysayan ng Timog-
silangang Asya.
Sanggunian:Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan. 2013.
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa sariling mga katangian
I – MGA PANGUNAHING KAISIPAN

Ang Timog-silangang Asya ay isa sa limang rehiyon ng kontinente ng Asya at ito ay binubuo ng Brunei,
Indonesia, Malaysia, Pilipinas, East Timor, Thailand, Cambodia, Laos, Myanmar, Singapore at Vietnam na mga
bansa sa gitna ng Timog at Silangang Asya. Maraming tao ang nakatira sa rehiyong ito pati na rin ang mga
banyagang turista ay gustong-gustong bisitahin ang mga lugar dito sapagkat maganda ang lugar. May magandang
klima ang rehiyon na may matabang lupang mainam sa pagtatanim ng kahit na anong klaseng tanim.

II – Gawaing Pagkatuto:
A. Pagwawasto ng Pag-unawa

Panuto: Sumulat ng pangungusap na magbibigay paliwanag sa mga sumusunod na mga salita patungkol sa mga
konsepto na inilahad sa Mga Pangunahing Kaisipan.

1. dalawa
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. tropical
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. lokasyon
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. labing-isa
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
5. lupain
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

B. Pamprosesong Tanong:

1. Paano mo mailalarawan ang katangiang heograpikal ng Timog-silangang Asya?


__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

2. Paano naitatag ng lokasyong heograpikal ang mga maunlad na pamayanan sa Timog-silangang Asya?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
C. Paglalagom ng Konsepto:
Panuto: Buuin ang Information Chart ng tatlong pangunahing pangungusap na magkakonektado ang kaisipan
tungkol sa sinaunang Timog-silangang Asya.

SINAUNANG TIMOG-
SILANGANG ASYA

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto: Pumili lamang ng isa.
Natutunan mo na ang lokasyon g heograpikal ang siyang humubog sa kasaysayan ng Timog-silangang Asya. Ang matabang lupain na
angkop sa pagsasaka, malawak na rainforest at saganang ulan ang siyang nag-ambag tungo sa pag-unlad ng maraming pamayan. Ito
ang mga katangi-tanging aspekto na nagpatagumpay sa Timog-silangang asya bilang isang rehiyon.

1. Anu-ano ang iyong natatanging mga katangian? Paano mo ito ginagamit sa mga araw-araw mong
ginagawa at interaksyon? Magbigay ng halimbawa.

2. Ang Timog-silangang Asya sa kasalukuyan ay isa sa mga tanyag sa rehiyon ng Asya. Dulot ito ng
makukulay na mga karanasan na naghubog sa isang mayaman na kasaysayan. Bilang mag-aaral, anong
karanasan ang humubog sa iyong kaisipan? Sa paanong paraan mo ginagamit ang aral ng karanasan na
ito sa iyong pag-aaral?

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________
__________________________________
__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018

TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:16
Paksa: Ang Pag-usbong ng mga Kabihasnan 
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.naipapaliwanag ang mga pamantayan sa pagtukoy kung may kabihasnan sa isang lugar
2.nakakasulat ng buod tungkol sa kabihasnan batay sa naibigay na datos.
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.
Padayon, ph.404-489
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan, ph.124-128
Pagpapahalaga:    Pagpapasalamat
EP # 7 Ang kalikasan ay maganda at tayo ay tagapangasiwa ng lahat ng nilikha ng Diyos

I –Mga Pangunahing Kaisipan:

Isangguni sa Padayon, ph.404-489

II –Mga Gawaing Pagkatuto:


A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA sa mga pangungusap na
nagpapahiwatig na tamang konsepto at MALI sa mga pangungusap na nagpapahiwatig
na maling konsepto.

_____1. Ang kultura ang nagtaguyod upang maitala ang mga sinaunang tao ang kanilang mga
nagawa at karanasan.
_____2. Dahil sa paniniwala nagkaroon ng iba’t ibang antas ng kabuhayan sa lipunan.
_____3. Ang pagiging mas kumplikado ng lipunan ang siyang sanhi sa paghubog ng
pamahalaan.
_____4. Ang kakayahan bumasa at sumulat ay tanda ng isang sibilisadong tao.
_____5. Napadali ang buhay ng tao dahil sa sistema ng pag-imbak.
_____6. Ang relihiyon ang sentro ng pamumuhay ng mga sinaunang tao.
_____7. Dahil sa pagkakalap ng yaman ng tao na higit sa iba, nagkaroon ng hatian sa paggawa.
_____8. Ang karunungan, kaugalian, paniniwala, tradisyon, at batas ay bahagi ng kultura.
_____9. Nabigyang-daan ang mga tao na sumabak sa iba pang gawaing pangkabuhayan dahil sa
sistema ng pag-imbak.
____10. Ang sistema ng paniniwala ang nagpapatupad ng isang maayos at mapayapang lipunan.

B. Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang epekto ng kabihasnan sa kasalukuyang panahon? Ano ang positibo at negatibong
aspekto nito?

2. Ang mga pamantayan ba ay sapat o lohikal na sukat sa pagtimbang kung ang isang lugar ay
may kabihasnan? Bakit?

3. Mahalaga pa ba ang mga sinaunang bagay noon sa kasalukuyang panahon?


C. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Pag-aralan ang Concept Map sumulat ng buod batay sa mga impormasyon sa ibaba.

KABIHASNA
N

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Pumili lamang ng isa.

Natutuhan mo na ang kabihasnan ay umutukoy sa paraan ng pamumuhay na


pinaunlad at patuloy na pinauunlad ng mga tao upang makaangkop sa pagbabagong
naganap at naganap sa kapaligiran.

1. Sa personal na konteksto, anu-ano ang iyong mga ginagawa at gagawin mo upang mapaunlad
ang iyong sarili? Ano ang mga hakbang gagawin mo tungo sa “self-improvement”?
Puna:
Name of Facilitators: __________________________________
__________________________________
__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator
Claret School of Zamboanga City
LEVEL II PAASCU – ACCREDITED
Ruste Drive, San Jose Road, Zamboanga City
Junior High School
2017-2018
TEACHER’S LEARNING PLAN SA GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN

Bilang ng Gawain:17
Paksa:  MGA SINAUNANG KABIHASNAN
Layuning Pagkatuto: Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.naiiba-iba ang paghubog ng pamumuhay ng tatlong sinaunang kabihasnan.
2.nakakabigay ng mga panukala tungkol sa kasalukuyang isyu.
Sanggunian: Pagtanaw at Pag-unawa Araling Asyano ph.
Araling Asyano Tungo sa Pagkakakilanlan, ph.
Pagpapahalaga: Pagpapasalamat
EP # 7 Ang kalikasan ay maganda at tayo ay tagapangasiwa ng lahat ng nilikha ng Diyos
I –Mga Pangunahing Kaisipan:

Isangguni sa ph.112-120, 122-130 at 139-147 ng batayang aklat

II –Mga Gawaing Pagkatuto:


A. Pagwawasto ng Pag-unawa
Panuto: Buuin ang Compare-Contrast Matrix sa ibaba ng mga datos tungkol sa mga sinaunang
sibilisasyon.

Mesopotamia India China

Saan nagmula ang


sibilisasyon na ito?

Paano nahubog ang


unang sibilisasyon?

Ano ang naging uri ng


pamumuhay sa lugar na
ito?

A. Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang naging papel ng mga ilog sa paghubog ng mga sinaunang sibilisasyon?

2. Sa tingin mo ba, ang papel ng mga ilog sa kasalukuyan ay katulad noong sinaunang
panahon? Bakit?
B. Paglalagom ng Konsepto
Panuto: Kopyahin ang Ripple Information Chart na iginuhit sa pisara at punan ng tatlong
pangunahing pangungusap na magkakonektado ang kaisipan tungkol sa mga sinaunang
kabihasnan.

(Dahil sa
(Naitatag ang idinulot ng mga (Ang mga
mga iba’t ibang ilog nanirahan sinaunang
lungsod estado at nagtayo ng Kabihasna MGA SINAUNANG
na naging mga nay
basehan ng mga
kasalukuyang
permanenteng nahubog KABIHASNAN
tirahan ang mula sa
mga mga tao sa mga mga ilog.)
pamahalaan. ) tabing-ilog.)

D. Pagsasabuhay sa Natutunan
Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba.

Natutunan mo ang kahalagahan ng papel ng mga ilog sa paghubog ng mga sinaunang


silisasyon. Dahil sa biyayang ipinagkaloob ng ilog, pinangangalagaan ito ng mga tao bilang
pagpapahalaga sa mga naidulot nito.

1. Sa punto ngayon ng iyong buhay, anu-ano ang mga pinangangalagaan at pinahahalagahan mo?
Bakit ito? Paano mo ito gnagamit upang makapagbigay ng positibong epekto sa iba? Magbigay
ng mga halimbawang karanasan.

Puna:
Name of Facilitators: __________________________________

__________________________________

__________________________________

Inihanda ni Iniwasto nina: Ipinagtibay ni

Gng. Aileen T. Balagon Gng. Lorna M. Sayson Gng. Daisy B. Natividad


Guro ng ArPan 7 ArPan Subject Area Coordinator High School Principal

Gng. Cristy DR. Gumera


JHS Coordinator

You might also like