You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

BASILAN STATE COLLEGE


LABORATORY HIGH SCHOOL
Sta. Clara off-site Campus, Lamitan City, Basilan
School I.D. 600119

QUARTER 1 MODULE 1
ARPAN 7
Name:_____________________________________ Date:__________
Section:________________________________ Output No:_______

Aralin 1 Yamang Tao sa Asya

 Asya- pinakamalaki at pinakamatao na kontinente sa buong daigdig


- binubuo ng 30% na kabuuang lupain 60% kabuuang populasyon
- may pinakamataas na growth rate.
- mahigit kumulang na 4,636,987,835 populasyon at kasalukuyang tumataas ayon ng United Nations.

 Growth Rate- pagtaas ng bilang ng tao sa isang lugar sa itinakdang taon.

Tunghayan sa talahanayan ang populasyon ng mga Rehiyon sa Asya:

Bahagdan ng Populasyon ng
Rehiyon sa Asya Bilang ng Populasyon
Bawat Rehiyon sa Asya

Timog-Asya 1,940,369,612 42%


Silangang Asya 1,678,089,619 36%
Timog-Silangang Asya 668,619,840 14%
Timog-Kanlurang Asya 279,636,754 6%
Hilagang Asya 74,338,950 2%

Implikasyon ng Edukasyon
 Edukasyon- pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang bansa.
 Asya- nagbigay ng malaking importansya sa edukasyon ng kanilang mamamayan.
 Literacy rate-bahgdan ng tao sa isang particular na bansa na may kakayahang bumasa at sumulat.
 Mataas na literacy rate- nagpapakita ito ng mas mataas na tiyansa na umunlad ang bansa.
 Mababa na literacy rate- mabagal ang pagsulong ng kaunlaran ng isang bansa.
 Pilipinas- nakapagtala ng 97.95% na literacy rate.

Tunghayan ang talahanayan ng mga bansa sa Asya na may mataas na literacy rate.
Literacy Rate ng mga Kabataan Ayon sa Bahagdan ng
Bansa
Populasyon 2016
Azerbaijan 99.94%
Singapore 99.93%
Macau 99.80%
Indonesia 99.67%
Turkey 99.62%

Kahalagahan ng Kalusugan

 Kalusugan- ay mahalaga upang magkaroon ng maganda at positibong pananaw sa buhay


- mahalagang batayan ng pag-usbong ng ekonomiya sa isang bansa
 Birth Rate- bilang ng buhay na sanggol na ipinanganak sa bawat 1,000 populasyon sa loob ng isang taon
 Death Rate- bilang ng mga namatay sa bawat 1,000 populasyon sa loob ng isang taon
 Life Expectancy- inaasahang haba ng buhay ng bawat tao sa Asya
 Mataas na birth rate- malaki ang potensyal ng paglaki ng populasyon
 Mataas na death rate- maaaring mangahulugang kasalatan sa aspetong medikal sa lipunan.

Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.

Bansa Birth Rate Death Rate Life Expectancy


1. Russia 11 13 71
2. Georgia 12 11 77
3. Japan 8 10 86
4. North Korea 15 9 71
5. Philippines 23 6 70
Hanapbuhay at Migrasyon
 Migrasyon o pandarayuhan- ay ang paglipat ng tirahan ng isang tao mula sa isang lugar patungo sa ibang
lalawigan, lungsod, o ibang bansa
 Dalawang uri ng pandarayuhan:
- Pandarayuhang panloob- paglipat ng tao mula sa lalawigan o rural patungo sa lungsod o urban
- Pandarayuhang panlabas- paglipat ng tao mula sa kanyang bansa patungo sa ibang bansa at ang kalimitang
dahilan nito ay pagtatrabaho.
 Suliranin sa pandarayuhan:
- lumalaki ang bilang ng tao sa lungsod o urban
- kakulangan sa pabahay
- pagkasira sa kapaligiran
- kasalatan sa serbisyong panlipunan

Gawain 1: Ma-THINK-matika
Panuto: Suriin ang mga datos sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang tanong sa pamamagitan ng pagkompyut gamit ang
sumusunod na Formula:

Literacy Rate= Bilang ng Literate sa Bansa


Populasyon ng Bansa

Unemployment Rate= Bilang ng walang Trabaho


Populasyon ng Bansa

Population Data as of 2018 (estimated)


Bansa Populasyon Literate/marunong Unemployed/walang
bumasa at sumulat trabaho
China 1,400,000,000 1,344,000,000 84,000,000
Philippines 106,000,000 101,760,000 5,300,000
India 1,300,000,000 936,000,000 104,000,000
Saudi Arabia 33,500,000 318,250,000 2,010,000
Uzbekistan 32,300,000 32,170,800 1,938,000

Mga Tanong:
1. Kompyutin ang literacy rate ng bansang Pilipinas (Philippines).
Sagot: ___________________________________________________
2. Ilang porsyento ng populasyon sa India ang walang trabaho?
Sagot: ___________________________________________________
3. Ilang tao sa bansang China ang hindi marunong bumasa at sumulat?
Sagot: ___________________________________________________
4. Ilang tao sa Saudi Arabia ang may trabaho?
Sagot: ___________________________________________________
5. Gamit ang datos na nasa itaas, ilan ang kabuuang populasyon ng mga bansang nabanggit?
Sagot: _____________________________________________________

Gawain 2: Pasaporte
Panuto: Gumawa ng maliit na pasaforte at sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba.

1. Anong gusto mong propesyon?

______________________________________

2. Saang bansa sa Asya gusto mong magtrabaho maliban sa


Pilipinas?
_______________________________________

3. Bakit gusto mong magtrabaho sa labas ng bansa?

________________________________________

Pangalan:
_________________________________
Edad:
_________________________________
Tirahan:
_________________________________
Kapanakan: (mm/dd/yyyy)
_________________________________

Gawain 3: Sanaysay
Panuto: Saguting mabuti ang mga tanong.
1. Bakit maaring maging hadlang ang sobrang pagdami ng populasyon sa pag-unlad ng isang bansa?

Sagot: ___________________________________________________________

2. Ilarawan ang kaibahan ng pamumuhay ng tao sa pook-rural at pook-urban?

Sagot: ___________________________________________________________

3. Bakit kailangan mong matutong bumasa at sumulat?

Sagot: ________________________________________________________________

Prepared by:

ROWENA UTOD at REMARK ROBLE


ARPAN SUBJECT TEACHERS

You might also like